Prologue
I am walking down a deserted road. Walang kotseng dumadaan, ni gusali o mga halaman sa sidewalk. Wala ring tao sa paligid. I am walking on my own.
Umiihip ang hangin sa aking kanan at may kasamang mga buhangin at dumi ang mga ito pero nagpatuloy akong maglakad. I went straight at hindi ako lumiko.
Pero napatigil nalang ako dahil sa nakita ko. May isang lalaking nakatayo sa di kalayuan at yung mata niya lang ang nakikita ko. Tinatakpan ng dumi ang ibang parte ng mukha niya dahil sa lakas ng hangin.
"Ninya," sabi ng isang boses. Hindi siya yun dahil masyado siyang malayo at imposibleng marinig ko ang sasabihin niya kahit sumigaw pa siya.
Tumakbo nalang ako papunta sa lalaking nakikita ko dahil siya lang naman ang tao sa paligid ko pero unti-unti siyang naglaho sa harap ko.
"Sandali!" sigaw ko at patuloy pa ring tumakbo... pero nang tuluyan siyang nawala, tumigil ako sa lugar niya. Hinanap ko siya sa aking paligid sakaling makita ko siya.
"Ninya," yung boses na yun ulit but this time mas malakas na siya. Sino ba yun?
Umatras ako ng ilang hakbang at may nakabangga kaya napaikot ako agad at nakita ang isang lalaking nakatayo at seryoso ang mga tingin pabalik sa akin. Kamukha niya yung lalaki kanina. Wait, are they the same person?
"Sino sila—"
"Ninya mahal kita…" singit niya bigla.
Hindi ako nakaimik pabalik sa gulat. Anong pinagsasabi niya? Ni hindi ko nga siya kilala at hindi ko alam kung nasaan kami ngayon.
Pero bigla siyang tumalikod. "...pero siya pa rin ang mahal mo. Akala ko matutunan mo rin akong mahalin kung sino ako," at naglakad siya paalis.
"Ano? Sandali hindi ko maintindihan..." tumakbo ako para lapitan siya pero bigla nalang akong nahulog sa kadiliman at hindi ko alam kung saan ako babagsak.
At...