Grand Olympics

6710 Words
Chapter 12 To open the event, a doxology happened first. Kahit laban ito, we still lift up all of the happenings that will happen in this special event. Lord, I pray walang masyadong gulong mangyayari. May the event flow in peace. After the doxology, nagbigay ng opening remarks ang both principals of each school, Mr. Romanus Tuason, principal of Ashen West Academy and our very own Ms. Rhowena Tuason, principal of the Raven East High School. Yes they have the same surnames because yes, they are related. I am now here watching from the inside of the CHESS room together with Zairie, the Black Queen and Leander, the Black Bishop. Caren, the Black Knight and Kimbrae, the Black Rook ay nasa stage kasama ni Ma’am Rhowena. Knights are needed to be with the principal at this event while the Rooks are the support. Kaming mga Kings, Queens and Bishops are all here in the CHESS room to supervise the event from above. Yes, the CHESS room is located above the whole Sports Bowl so we can see everything that's happening. Lalabas lang kami dito sa CHESS room kung kinakailangan. This is a protocol made by the school sa ganitong event para hindi masyadong magulo at alam ng mga estudyante in each school to where they will find the Student Council and the Campus Royalties. After the opening remarks, it's time for the next part, the torch relay. Both Black and White Knights held a torch to run around in their territory at sa aspetong iyon, kita mo ang unahan ng dalawang Knights to the Olympic cauldron. Simula palang, you can already feel the competition. Halos sabay din silang nakarating sa Olympic cauldron and both light it up at the same time to signify the start of the competition. "LET THE GRAND OLYMPICS BEGIN!"   In the first week, iba't ibang klase ng sports ang nangyayari each day at dito sa CHESS school, hindi siya tulad ng mga sports game na nangyayari typically in every sport event. Let me explain. In a typical sports game, nakahiwalay ang laban by sets or quarters in each sport in a day. Kung nakulangan sa oras, saka lang ipagpapatuloy sa susunod na araw. And that only happens if a lot of teams are participating in the sports competition but in the case of our school, dalawa lang ang teams, the Blacks and the Whites that's why there are no any kinds of elimination tournament. There are still sets and quarters in each sport game but the point system is harsh. Pag manalo ka in one sport, you get the point habang walang punto ang natalong team. And in this event, we are only given two weeks para mag-ipon ng points. The side with the most points is the winner for this event, kaya ganun nalang ang pagiging competitive namin. In one game, it's all in or nothing at all. One point can change everything in the score for each side kaya pinagbubutihan talaga ng lahat ang bawat laban.   The first week have passed, at masasabi nating lamang nga ang kabilang side. Katatapos lang ng huling sport for this Friday and all Black athletes and Black students, who wanted to support for their fellow classmates for this event, gathered here in our theatre room. Of course, all of us Student Council are also here. We are just waiting for our dear principal before we start. Nang dumating siya, nagsitahimik agad ang lahat at napunta agad ang atensyon kay Ma’am Rhowena na naglalakad papunta sa kanyang pwesto. She tapped the mike first to check if it's on before talking. "Good day black students. Alam ko pagod na halos lahat sa atin na nandito ngayon pero dahil base sa ating results, kailangan natin ang pagtitipon na ito." She looked at a paper she is holding. "Kahit lamang lang ng isang punto ang mga kalaban natin, alam naman nating lahat, especially the athletes here, how one point can make a difference." She looked at everyone again. "I congratulate the athletes for doing well in this one week of our Grand Olympics pero sa susunod at huling linggo ng event na ito, I want you all to give your best! Hindi natin hahayaang sa taong ito na matatalo ulit tayo sa mga whites. Pagkakataon na natin na bumangon muli at ipakita sa ating mga karibal ang galing natin hindi lang sa larangan ng akademika kundi sa isport din! Are you with me Black Students?!" "YES MA’AM!" sagot naming lahat. Kita mo ang determinadong mga mukha ng mga Black Students especially the athletes after that. I look up to Ma'am for doing such a great job to always lift up the spirits of the students. She may be strict but she has the compassion and understanding. And with that, gagawin ko rin ang lahat ng makakaya ko as the Black King. Pagkatapos ni Ma’am Rhowena, si Caren naman as the Black Knight ang nagbigay ng kanyang salita. She congratulated everyone first and after it, she made arrangements with every sport team to have their practice in the weekends. May mga iba na nagreklamo kaya, BAGSH! Caren's right fist landed on the table. "You all agreed sa mga sinabi ni Ma’am tapos magrereklamo kayo if I proposed a practice?!" sigaw ni Caren. "Kung ayaw niyong pumunta bukas, e di huwag kayong pumunta! As the Black Knight, this is the way that I know to give our best para manalo sa susunod na linggo!" Halos lahat ay napatahimik sa ginawa ni Caren. Yung iba nga, kita mo ang takot sa kanilang mga mukha at hindi makatingin kay Knight. Nang walang umimik ni isa pabalik, naglabas ng buntong hininga sa Caren. "I know you all need your rest. Health comes first and I will make sure na hindi ganun kagrabe ang practice bukas. We'll address some pointers and observations that each team have to improve. Ilang beses na tayong natalo sa mga whites kaya sa pagkakataong ito, hindi ko hahayaang matalo tayo muli!" Nang sinabi niya lang iyon, napatingin muna ang iba sa isa't isa at bumalik muli ang nag-aalab nilang apoy. Everyone was determined again at kasama na ako roon. I will make sure na kami ang mananalo sa Grand Olympics ng taong ito.   Sumama ako sa mga practices in the weekends and even requested Ma’am Lani na huwag muna siyang kukuha ng raket in the coming week. Nagulat nga siya eh because it's unusual for me pero pumayag din siya agad dahil sa rason ko. I helped in anyway I can to each sport team and with the help of my eyes, some sports ay napanuod ko kaya nagsabi ako kung anong nakita ko. Some coaches ay nagulat sa mga feedbacks ko and even requested to be there to watch every sport game. Pumayag naman ako agad. Bakit ko nga ba hindi naisip na gamitin ang mga mata ko? This could be my greatest weapon.   The peak of the Grand Olympics has come where the final days for every sport is about to start. Here comes Monday and everyone is gathered inside the gymnasium. Caren and I are here to observe. Kahit hindi player si Caren for basketball, she makes sure in every sport na mangyayari ay nandoon siya. The game started and in between, madalas tinatawag si Caren for the concerns of the other teams na maglalaro later in the day kaya umaalis siya. When I was being called, papaalam muna ako kay coach at kasabay nun ay tatawag muna siya ng time-out and let the team know kung anong nakita ko. After giving them my observations, I do my responsibility at pagkatapos, babalik ako agad sa sport event. Pero pagkabalik ko, I found my side to be celebrating already and hear their cheers and happiness. Kahit ganun, nilapitan ko agad si coach para manigurado. "Nanalo tayo Black King," sayang sabi ni coach sa akin. "Your observation was so accurate at ginawa nga nila ang sinabi mo kaya nagwagi tayo!" I smiled back. "I'm glad I helped."   For the coming sports, ganun ang ginawa ko, observing the game and giving them my feedback if needed. Minsan parang ako na ang nagiging coach in some cases. But I make sure to be really careful na hindi ako mahuhuli, especially since napansin ko na ang presence ng White Knight nila in every event. Sa mga una, hindi nga siya masyadong nanunuod and I know why. The White Knight is known for his prideful nature, kaya pagtamaan mo ang ego niya, mag-isip-isip ka na dahil hindi siya marunong tumanggap ng talo. He will do anything para manalo. Nasabi na nga namin na ilang taon na silang nanalo at kung tutuusin, it's a consecutive 5 years of wins na kaya I'm sure hindi hahayaan ng White Knight nila na masira iyon. Kung sa una pwede pa siyang magrelax, ngayon, I think they are starting to get intimidated.   Here comes the next day and I still do my job. Dahil sa mga mata ko, nakikita ko agad first hand ang pagdating ng White Knight into the scene kaya pag ganun, I immediately approach the coach to tell my observation without being obvious at aalis papunta sa CHESS room. Kahapon, dahil sa whole day akong nasa bawat sport, Zairie, our Black Queen, warned me na parang nahahalata na ng White King ang pagkawala ko sa CHESS room kaya I made sure na bumabalik ako sa CHESS room after I gave my observation. Binabalita nalang ako ni Caren through text messages kung nanalo ba kami o hindi in that certain sport.   Miyerkules na at so far, mukhang hindi na sila masyadong nanghihinala. Well there was one sport that I was able to observe and gave my observations pero sa kasawiang palad, natalo ang side namin. Ginawa naman ng team ang lahat ng sinabi ko pero nagkulang sila ng isang punto. While Caren and I are walking towards the venue for the next sport game, kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Naglabas ako ng buntong hininga to break the ice. "I know one point can make a big difference Knight,” simula ko. “But look on the bright side. Kung tutuusin, lamang na tayo ng tatlong puntos ngayon. Don't overthink dahil lang natalo tayo ngayon. Pwede pa tayong makabawi." "Alam ko yun King," sagot naman ni Caren. "I know I can take this lightly pero, kung sana lang... they played it fair and square." Nagulat ako sa huli niyang sinabi. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. She looked back at me with serious eyes. "Nakita ko on how the White Knight pulled some strings. King, they cheated." Tuluyan akong nagulat at nagsimulang magalit dahil doon. Alam kong this is a competitive time of the year at masasabi kong in all my life being the Black King, madami na akong naranasang ganito. Kung tutuusin, dapat hindi na ako nagulat pero kung nakita mismo ni Caren ito, that's really so unfair. "Kung ganun, let's report this to the higher-ups immediately Knight. Dapat pinaalam mo agad sa kanila ang tungkol dito," galit kong saad. I started to walk furiously pero nabigla ako nang pinigilan ako ni Caren kaya nilingon ko siya. "Huwag na King," sabi niya. "Para wala nang gulo." Nagulat ako sa inasta niya. This is so not Caren. "Anong sinasabi mo? Hindi ka ba galit? That is so unfair. You did everything para manalo for this event tapos ganyan lang gagawin nila?! Buti nga nakita mo." Caren looked away. "Wala actually akong ebidensya na hawak kaya baka hindi sila maniwala sa akin." Nabigla ako. That was a fair point. Baka nga mapagkamalan kami na sinisiraan lang namin sila kung nagsalita kami. "Then let's check the CCTV footage for that certain room kung saan mo siya nakita—" "King," pigil sa akin ni Caren. "Huwag na. I'll let this slide for now." Mas nagulat ako sa sinabi niya. "Knight, this is so not you. Kung natatakot kang magkagulo—" "Hindi lang dahil doon Ate Nia," she suddenly rebutted na ikinatigil ko talaga. Naglabas muna siya ng buntong hininga bago ako hinarap. "Nakokonsensya kasi ako. Simula nang tumulong ka and giving your observations in each game, masyado siyang accurate and helpful kaya nanalo ang team natin. Pakiramdam ko, tayo rin nag-chea-cheat." Nagulat ako dahil doon. "I know you're just trying to help King pero ayaw ko na talaga ng gulo. Ang dami ko nang iniisip at idadagdag pa natin yan. Buti nga hindi pa sila aware sa ginagawa mo eh." Napatahimik ako dahil sa totoo lang, may punto si Caren. No one knows about my special eyes except my family and ever since from the start, alam kong may mga nakikita siyang mga bagay na hindi nakikita ng mga normal na mata. At first, sa totoo lang, inabuso ko ang kakayahan na ito but as time goes on, I learned when to use it at kung kailan hindi, especially nung nagsusuot na ako ng eyeglasses or contact lens. Siguro masyado na nga akong desperada manalo ngayon kaya umaabuso na naman ako. "Pero pag nahuli ko silang inulit nilang gawin yun…" sabi ni Caren kaya bumalik ako sa katotohanan. "...hindi ko na papalampasin iyon." Bumalik ang determinasyon sa kanyang mga mata kaya napatango nalang ako to agree with her.   For the next sport of the day, we have Archery. Nandito na kami ngayon sa shooting range checking all the archers that will play, pero habang naglalakad palang kami papalapit sa kanila, "Black Knight, thank goodness nandito ka na," sabi ng isang archer. "Bakit? May problema?" tanong ni Caren. Nakaukit ang pag-aalala sa mukha ng kausap naming archer. "One of the players was taken to the clinic Knight kaya hindi pa nagsisimula ang laro." Parehas kaming nagulat ni Caren at napapunta agad sa clinic. Pagkarating, a nurse is already treating her. Pagkapasok ko palang, nagulat ako dahil hindi siya simpleng sakit lamang. "Her arm was sprained," the nurse explained. "She said she fell with her right elbow first. If she's an archer, I'm sorry pero hindi siya makakalaro ngayon. Kahit maglaro siya, she might not do well in the game." We looked at the archer sitting on the bed na nakabenda na ang kanang braso with her head bowed down. "Thank you Ma’am," sabi nalang ni Caren. Tumango ang nurse and left us with the archer. May kasama siya na naka suit-up na pang archery din na tingin ko ang leader ng team nila. "Kung minamalas nga naman," bulong ni Caren. "I'm sorry Knight," paghingi ng paumanhin ng archer na may injury. "I did try to be careful." "It's not your fault," sagot ni Caren and looked at the other girl na kasama niya. "So what's the status now Unice?" The leader looked at Caren. "The game requires 5 players at saktong lima lang kami," malungkot na sabi ni Unice. "We don't have any extra players for archery Knight." Nagsimulang magreklamo si Caren. "Argh. Sa lahat pa ng sports na magkakaproblema ngayon, itong Archery pa talaga. This is one my weakness. Kung alam ko lang sanang maghawak ng bow and arrow." I began to worry. Kung apat lang silang archers, our team may get disqualified at mananalo ang kabila by default. "By the way Knight, at sa iyo na rin King..." sabi ni Unice kaya nakuha ang atensyon namin. "...there's something I need to discuss with both of you," sabay naglakad siya palabas ng clinic kaya sumunod kami. Pagkalabas, she told us everything… na ang injury ng archer na iyon, ay hindi aksidente. "It was planned, Knight. Kita ko kung paano nila sinadya siyang matapilok para maunang matamaan ang elbow niya." At the revelation, sabay kaming nagulat ni Caren and went furious. "They cheated… Again?!" sigaw ni Caren. "Sinusubukan talaga nila pasensya ko. They are going too far. Kailangan nating i-report sila agad." Lalakad na sana paalis si Caren pero this time, ako naman ang pumigil sa kanya kaya napalingon siya sa akin with angry eyes. "King, hindi na natin ito pwedeng palampasin lang—" "I know Knight," sagot ko sa kanya. "Pero dahil sa sinabi mo kanina, we have the same situation here. We don't have enough evidence at masasayang lang oras natin." "Pero anong gagawin natin King? We're letting them win," sagot ni Caren. "No we will not," seryoso kong sagot na kinagulat nila. I looked at them with serious eyes. "Meron akong alam kung sinong pwedeng pumalit na archer."   Pagkarating namin sa shooting range, we immediately approached the team na kinakausap ng facilitator. "Sorry Ma’am kung napatagal," sabi ni Unice. "I'm sorry Raven East," sabi naman ng facilitator. "Kung apat lang kayong archers na maglalaro—" "No, may replacement po kami," sagot ni Unice. Nagulat ang lahat, pati ang mga archers na part ng team namin. "Sino?" tanong ng facilitator. "Ako," sagot ko naman na kinagulat nila. I gave them a serious look. "I will replace our injured archer and play archery." Sa gulat, napatingin muna sila sa isa't isa at nagtaka. "Kahit ikaw ang Black King…” simula ng facilitator. "...if you don't even know how to hold a bow and arrow—" "I know how," singit ko. "I didn't mean to be rude pero alam ko po ang pinapasukan ko Ma’am," paninigurado ko sa facilitator. Dahil doon, naglabas nalang siya ng buntong hininga. "Okay fine. Don't even say that I didn't warn you," sagot ng facilitator at naglakad papunta sa pwesto niya. Nilista ko agad ang pangalan ko at sabay sinuot ang kailangang gear for archery sa tulong ni Unice. "Are you sure about this Black King?" tanong ni coach kaya napalingon kami ni Unice sa kanya. "Yes I'm sure Coach," sagot ko naman. "Archery is not like any other sport Black King. It takes practice kahit maghawak lang ng bow. The arrows are even dangerous weapons when not handled properly." "Coach, nakahawak na po ako ng bow and arrow when I was still in my first year. I can assure you po that I took some lessons about archery at that time." Naglabas ng buntong hininga si coach. "Okay sabi mo eh. Mabuti nalang kung ganito kaysa ma-disqualify tayo." The game started and I was the fourth player before Unice, the lead archer. While the game is on-going, Unice is giving me advice about the basics. "First of all, hindi pwede ang eyeglasses sa mga ganitong sport King. Maganda sana kung may contact lens kang dala." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya… but today is my luck dahil dala ko ang transparent contact lens ko. "Kunin ko lang sa bag ko," paalam ko kay Unice at kinuha nga ito. Kahit wala akong mirror na dala, I can put the contact lens properly. Part of my daily routine na siya sa tuwing pupunta ako ng trabaho. Pagkatapos, bumalik ako kung saan si Unice. "Second we need to know your dominant eye. Naalala mo pa ba ang tungkol doon?" Tumango ako bilang sagot. "Left eye," sagot ko pa. "Ah ok. Then finally, your form," sabi ni Unice. "Try to stretch the string of the bow. Do not let go of it especially kung wala siyang kasamang arrow. Masisira ang string kung ganun." Ginawa ko ang sinabi niya and did stretch the string. After observing me, dahan-dahan kong ni-relax ang string. "You actually have a good form in holding the bow. Looks like you did attend your lessons dati," komento ni Unice. "Leader, pangatlong archer na ang naglalaro. Okay na ba si King?" tanong ni coach. "Last instructions na coach," sagot ni Unice at hinarap ako. "Okay so simple lang ang mangyayari. Each archer should have 9 arrows and each 3 will be aimed at different distances between the shooting board. Naka-adjust na ang eyepiece ng bow na ito so all you need to do is to look at it with your dominant eye. And lastly, make sure na makinig ka sa sigaw ng facilitator. Madaming nadadali dahil minsan nag-shoo-shoot na ang iba habang wala pang sinasabi ang facilitator. Tatlong words lang naman eh—" "Next na archer na!" sigaw ni coach kaya napatigil si Unice. "Okay. Basta King—" "I'll be fine Unice," paninigurado ko sa kanya. "You're a great lead archer actually. Salamat sa mga advice," ngiti ko sa kanya. Napatahimik siya sa sinabi ko habang naglakad naman ako papunta sa shooting range. Nilapitan muna namin ng makakalaban ko ang facilitator to give us the instructions. After that, we went to our places. The nearest distance from the shooting board has a range of 0-50 points, the average distance has 0-100 points, and the farthest distance has 0-150 points, depending kung saan sa 5 circles ang matatamaan. The fifth circle is the inner one, the bull's eye. "Okay on my mark!" sigaw ng facilitator. "READY!" I quickly got the first arrow and position it on the bow. "AIM!" I stretched the bow and looked through the eyepiece to hit the board. "FIRE!" Tlang! Pok pok! The facilitator graded each arrow kung saan natamaan ng board. "Okay next arrow. READY!" I positioned the arrow in my bow. "AIM!" stretched the bow. "FIRE!" and let go of the arrow. For the first round, I was able to do okay dahil most of it ay nasa fourth circle. "You may now get your arrows from the shooting board," at ginawa ang sinabi niya. For the second round, out of 3, yung first arrow ay natamaan sa third circle na kinabahala ng team. I even heard them cheer me on na okay lang yan. For the second one, I got it in the fourth again. But for the last arrow, nagulat sila when I almost hit the highest points… pero nasa pagitan siya ng fifth and fourth circle. The facilitator even went to the shooting board to double check kung anong score and after that she instructed us to get the arrows. Nilapitan siya ng coach namin at pinanuod ko silang mag-usap pero nagsimula akong magtaka nang makitang nagagalit ang coach namin. Dahil doon, nilapitan ko ang team. "Bakit? May mali ba akong ginawa?" tanong ko. "Wala King," sagot ni Unice. "Nakakainis lang ang facilitator ngayon. May bias siya." "What do you mean?" pagtataka ko. Naglabas muna ng buntong hininga si Unice. "It was obvious na 100 points yung last arrow mo, pero ginawa niya lang 80." Nagulat ako sa sinabi ni Unice. "Ramdam ko na ang bias ng facilitator na yan simula palang kaya ayoko siya." Napatingin agad ako sa facilitator na iyon na busy sa pagsusulat sa kanyang papel. I saw that too actually. "Archers, to your places!" she shouted. I went to my position for the farthest distance. Kung ganun pala, dapat sa una palang hindi ko nalang sila pinagbigyan. "READY!" I positioned the arrow on the bow. "AIM!" I stretched the bow and look through the eyepiece… this time with my dominant eye. "FIRE!" Tlang! I shot the arrow, at the fifth circle, just above the bull's eye na kinagulat ng lahat. No one knew na ang totoo niyan, ang right eye ko lang ang may contact lens ngayon. Sinabi ko na nga sa inyo na isa ang contact lens that is blocking the power of my eye pero I needed it dahil malabo pa rin ang paningin ko. In the first two rounds, ginamit ko ang right eye ko, hindi lang para maging malinaw ang paligid, but because I know that will be cheating. But now, I'm done playing it safe. Gusto nila ng seryosong laban, I showed them my serious eyes. I'll give it to them. For the second arrow, I opened both my eyes first while stretching the arrow pero nang tumitingin na ako sa eyepiece, I closed my right eye to have the perfect aim. "FIRE!" And shot the arrow. I still shot the fifth circle pero sa baba lang ng bull's eye. I was actually aiming for that. The facilitator started to be speechless dahil doon and it even took a while bago siya sumigaw ng "READY!" But for the third arrow, "AIM!" Tulad ng sa second arrow, both my eyes are opened but before she could shout the third word, I slowly closed my right eye again. "FIRE!" And shot the arrow. I was aiming for that… the bull's eye. Almost everyone was speechless to what I did but the ice broke nang sumigaw ng cheers ang team namin. I gave them a smile dahil doon at bago ko naisipang maglakad palapit sa kanila, I turned around to the team of the other side with a serious face and when my eyes landed on the facilitator herself, I smirked at her telling her how to be ashamed for being biased. After Unice played her part, of course, our team got the point for the sport Archery.   Thursday comes at ganun pa rin ang ginawa ko. Hindi ako masyadong umaabuso, but if ever we caught them cheating on us again, I get back by using my eyes. Sa ganun, mabuti at walang gulong nangyayari dahil hindi namin sinasabi ang mga kadayaan nila habang sila ay hindi aware sa kaya kong gawin. At the end of this day, sa totoo lang, naiwan kaming Student Council para kausapin ni Ma’am Rhowena. Kinabahan nga kami nung una but when she brought up about how she knew about the cheatings of the other side, sinabi na namin ni Caren ang lahat. She was not even surprised or furious because for the past years, laging may ganitong nangyayari especially for this event, the Grand Olympics. She questioned us kung bakit hindi kami nagreklamo, and that struck me. Sasabihin ko ba ang tungkol sa mga matang ito o hindi? Pero nagulat ako nang sumabat si Caren na we let it slide dahil ayaw niya na ng gulo at nanalo naman kami most of the time kahit mangdaya sila. We aimed for a peaceful event, at siguro yun lang naman ang gusto ni Caren, bukod sa manalo.   Now here comes the last and final day, Friday, the day para malaman kung sino ang mananalo at matatalo for this event. For the first sport, we have Sepak Takraw. I am here again in the field not just to observe pero to also act as a manager for the team para raw hindi ako mahalata. Our team is gathered right now at kinakausap ni coach ang mga members by giving them a motivational speech, especially since last day na ito to prove ourselves, to win. But I was a bit distracted nang napansin ng peripheral vision ko ang pagpasok ng players ng kabilang team. Isa-isa silang pumasok at dapat ibabalik ko nalang sana ang pansin ko sa team ko nang bahagya akong nagulat sa huling player na dumating. "LET'S GO Raven East!" sigaw ni coach. "Let's go!" sigaw ng aming mga players... pero hindi ako nakasali sa sigaw dahil sa gulat ko pa rin. No, this can't be happening. "Ano ba yan. Andiyan na ang trump card nila," komento ng isang player sa team namin. "Si Nathan Hernandez." Nagulat ako sa sinabi ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. "Trump card?" Tanong ko. "Yes King. Isa siya sa mga varsity nila, especially at this sport. He's really good. Although balita ko, substitute lang siya for this game." Nakatingin pa rin ako sa malabo niyang mukha with serious eyes. Sabi niya hindi siya athlete… I glared at him because of that thought. Guess he lied to me. The game started at hindi kasama sa field ngayon ang malabong mukha na lalaking iyon. I tried my best to observe the game so that I can help pero, pag siya ang pinag-uusapan, isa siyang malaking distraction on how to work my eyes out. My eyes is well working pero pag dadapo siya sa lugar ng lalaking iyon, nawawala agad concentration ko. I clicked my teeth out of frustration. Nagtatanong na nga si coach ng mga observations ko pero wala akong masabi. Mabuti at may nakikita rin si coach kaya siya muna ang nagbibigay ng advice sa team. "Prrt!" The facilitator whistled. "Time out!" One of the players in the other side was wounded sa knees kaya pinapalit muna siya… and great, siya ang substitute. Rinig ko pa kung paano siya tinawag ng coach nila to play in the game. Sinimulan akong kabahan. Yung una nga na hindi pa siya naglalaro hindi na ako maka concentrate, paano pa ngayong maglalaro siya? At ang nakakainis… He has the title of varsity for this sport for a reason. Magaling talaga siya. Minsan napapatulala pa ako rito whenever he's making his move and I hate to admit it… pero wala akong ibang makita na way para manalo kami kundi ang hindi siya maglaro. I cannot even think of any observations anymore. Out of frustration, I turned around from the game para lang hindi manuod at hinarap ang mga bottled drinks that is made for our players. Parang tingin ko, ito nalang ang matutulong ko. I carried the tray to prepare for it at naglakad papunta kay coach. "WATCH OUT KING!" sigaw ni coach sa akin. Nakita ko na eh. Nakita ko na ang paparating na bola ng rattan na tatama sa akin kaya kaysa protektahan ko ang sarili ko, ang inisip ko nalang ay protektahan ang hawak-hawak kong tray para hindi mahulog ang mga drinks nila sabay napapikit ng mata.   That's weird. Wala akong naramdamang sakit, pero may naramdaman akong init kaya napabukas ako ng mga mata at tuluyang napamulagat sa posisyon ko ngayon. Ramdam ko ang pagyakap sa akin ng kung sino mang lalaking ito... pero sa suot niyang sport uniform palang, alam kong hindi siya player ng team namin. I looked up just to know who it is pero nang makita ko ang malabo niyang mukha… I was speechless. Pasimple siyang bumitaw sa akin para pulutin ang bola na nasa tabi niya lang at nakangiti pang hinarap ang iba at sinabing “Uy guys, ingat naman kayo diyan. Masakit kaya matamaan ng rattan na bola,” at pasimpleng naglakad pabalik sa kanyang pwesto. Hindi ako makagalaw sa lugar ko. Parang naging blanko ang utak ko dahil sa nangyari kanina at hindi ko alam ang iisipin ko. Ang alam ko lang, bumalik lang ako sa katotohanan nang lapitan ako ni coach para tanungin ako kung okay lang ako. I looked up at coach, still with a shocking face but managed to nod my head as a reply. Dumating pa nga si Caren para manigurado rin at kinuha na sa akin ang binubuhat ko. Blag! May narinig kaming bumagsak kaya napalingon kaming tatlo kung ano iyon, pero tuluyan akong nagulat kung sino. Nakahilata na ang malabong mukha na lalaking iyon sa sahig kaya agad siyang nilapitan ng mga kasamahan at ng coach niya. Napatulala ako sa nangyari. Matagal na time-out ang nangyari para lang matignan ng isang nurse si Nathan. Kita ko lang kung paano kinausap ng nurse ang coach at kasabay nun, binuhat nila si Nathan paalis. "Coach, anong nangyari sa kanya?" tanong ni Caren. "Hindi ko rin alam Knight," sagot ni coach. "Pero base sa panunuod ko kanina, halata sa mukha ng batang yun ang pamumula. Tingin ko may sakit siya." I was shocked at what coach said. "That's so cruel," komento ni Caren. "To think na pinasok pa rin nila ang lalaking yun sa game na ito dahil lang sa varsity siya pero hindi man lang nila napansin na may sakit na siya simula palang." Dahil sa malabo ang mukha niya, alam kong hindi ko nakita iyon. The game ended with our side winning. Everybody was happy, maliban lang sa akin. Hindi maialis sa mukha ko ang pag-aalala... at hindi ko alam kung bakit. He belongs to the other side, at problema na nila iyon kaya bakit ganun? May dalawa pang sport na natitira for this day kaya naisipan ko nalang bumalik sa CHESS room. Kung may responsibilidad akong aatupagin, baka mawala sa isip ko ang tungkol sa nangyari kanina, at sa lalaking yun. Pero hindi yun ang nangyari. Kinakausap ko si Zairie ngayon for some reports nang nagulat kami dahil ramdam namin ang pagdagundong ng room kaya napalingon kami sa kabilang side. Kita ko si Naite, ang White King, on how he is so frustrated at pinagbubuntungan ng galit ang mga kasama niya in the room. Kahit wala ni isa dito sa side namin ang nakakarinig ng sinisigaw niya, nanunuod pa rin kami, pero agad din kaming umiwas ng tingin nang dumako ang mga galit niyang mata sa side namin. Nagsimula ngang matakot si Zairie kaya agad siyang namaalam paalis at sumunod naman itong si Leander... kaya ako nalang ang naiwan sa kwarto ngayon. Naglabas nalang ako ng buntong hininga and made one last look sa kabila, at nang makitang wala pa ring nagbago, naisipan ko ring umalis. Baka mamaya, pagbuntungan din ako ng sama ng loob ng White King na yan. “Kung siraulo naman kasi ang lalaking kamukha kong iyon na bigla nalang nabuhusan ng tubig eh alam niyang galing siya sa practice nila!" Napatigil akong isara ang pinto ng kwarto namin nang marinig ko iyon, mula mismo sa boses ng White King nila. "Nakakainis talaga at ang g*g* pa ng rason niya na nadulas daw siya sa gilid ng pool kaya siya nahulog?! Why is he even at the pool area at that time in the first place? Kung hindi dahil doon, hindi sana magkakasakit ang katawan ng lalaking yun ngayon at hindi tayo matatalo!” Saka ko lang tuluyang sinara ang pinto ng kwarto namin pagkatapos kong marinig iyon. Hindi ko alam kung paano ko narinig iyon o baka hindi nila namalayan na napindot nila ang button ng isang mike nila pero kung yun pala ang kinagagalit niya... sinimulan akong makonsensya.   Hindi ko alam kung paano at kung bakit ako nandito ngayon. Nasa loob na ako ng teritoryo ng aming kalaban pero kahit nakatayo ako sa hallway nila, most of them didn't mind me and walked passed by me dahil sa itsura ko ngayon. I am now dressed up like their nurse in the clinic, with my get-up as Ninya. I did all that make-up in one of the CR in our school and put my pink contact lens and tied my hair into a bun while borrowing a nurses uniform. Huwag niyo nang tanungin kung paano ko nakuha ang nurse's uniform na suot ko. Ang importante, I can walk freely papunta sa clinic ng Ashen West ngayon. Somehow, madaming signs on how to get to the clinic kaya madali akong nakapunta doon at hawak-hawak ko na ang door knob, pero nagulat ako nang magbukas ito nang hindi ko pa iniikot kaya nagsimula akong magpanik. May nakatayong lalaking Ashen West student sa harap ko, na mas matangkad pa sa akin habang nakatingin sa akin pabalik. He just gave me a look bago tumabi para makapasok ako at tuluyang lumabas para isara ang pinto. Nakahinga ako ng maluwang nang malamang hindi niya ako nahuli. Napatingin muna ako sa aking paligid at kahit hanggang clinic, mukhang pang mayaman talaga ang set-up nito. It has a nice interior design for a clinic pero napatigil lang ako nang dumako ang tingin ko sa nakahigang lalaki kaya nilapitan ko siya. Nang makita ko ang malabo niyang mukha, nakahinga ako ng maluwang na buti nalang tamang lugar ang pinuntahan ko. Hindi na ako nagsalita at pinakiramdaman nalang ang bandang noo niya at nagulat sa tindi ng init nito. Walang duda, mataas nga ang lagnat niya. Tatanggalin ko na sana ang kamay ko nang, Pak! Bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Sa tindi nga ng gulat ko, napamulagat ako at nagsimulang magpanik. Hindi ko nga alam kung anong expression ng mukha niya pero ramdam ko na nagising ko siya galing sa tulog niya. "You have the guts na gisingin ako sa pagtulog ko babe para lang pagnasaan ako," sabi niya... na ikinataka ko. Hah? Ano raw? He paused pagkatapos at ramdam ko ang pagluwang ng hawak niya sa kamay ko. "Oh. Akala ko ikaw yung hot nurse na iyon. Or was it that one with pure black straight hair na malaki ang boobs. What are their names again?" Nang marinig ko ang mga salitang iyon, nagsimulang mag-init ang mukha ko dahil sa galit. Parang pinagsisihan ko na dalawin ang walang hiyang malanding lalaking ito kung ganun din lang pala ang iniisip niya. Buwis buhay pa itong ginagawa ko. Tumayo nalang ako at tumalikod para maglakad paalis nang bigla nalang ako napatigil nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. "Teka lang nurse," sabi niya. "You look kinda new here. Pwede ko bang malaman ang pangalan ng magandang dilag?" And there he goes. Binawi ko nalang agad ang kamay ko pero hinarap ko siya at binigyan ng seryosong tingin. "Andito lang ako para gamutin ka. Nakainom ka na ba ng gamot?" seryoso kong sabi. Hindi siya nakaimik pabalik, pero bigla siyang ngumiti. "Wow a serious one. I like that," he flirtily said na mas lalo kong kinamula. Hindi ko nga alam kung sa galit ba ito o sa iba nang rason. "Wala akong panahon makipaglaro sa iyo Nathan kaya tumino-tino ka." Hindi pa rin siya napadala sa mga seryoso kong titig and he suddenly reached for my arms para hilahin ako kaya accidentally, napasubsob ako sa chest niya na kinagulat ko. I quickly pulled away pero hawak-hawak niya pa rin ang braso ko kaya nahila niya ako ulit... kaya ilang layo nalang ang mukha niya sa mukha ko. "So, you know my name?" he huskily said. "I wouldn't be surprised. With a beauty like yours, it would be an honor to be meeting you, beautiful." Okay that's it. With all my strength, I pushed him away and pin him on the bed to make sure na hindi na siya makakabangon. "Listen here Nathan. Hindi ako tulad ng mga nurse na pinagkakalandian mo rito. Andito lang ako para lang siguraduhing magiging okay ka lang dahil alam kong kasalanan ko kung bakit may sakit ka ngayon kaya pwede bang sagutin mo nalang ako kung nakainom ka na ba ng gamot?!" He paused first. Nagulat din ako after that dahil na-realize ko ang mga sinabi ko. Oh no. Did I just said that out loud?! He might caught me anytime now. "Tapos na po, Ma’am," he answered with a smile. Nagulat ako sa ginawa niya, pero nakahinga rin ako ng maluwang. "Bu-buti naman kung ganun," sabay umalis ako sa kama. Mabuti nalang at may sakit ang lalaking ito ngayon kaya hindi siya aware sa mga sinabi ko. "May iba pa bang parte ng katawan mo ang masakit?" tanong ko. "Ah opo Ma’am. Dito po sa likod ko. Natamaan kasi ako ng rattan na bola." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya kaya lumingon ako pero tuluyan akong nagulat nang tinatanggal na niya ang sport shirt niya. Pro-protesta na sana ako pero napatigil ako nang makita ang pasa sa likod niya. Dahil doon, kumuha nalang ako ng cold compress para ilagay dun sa pasa. Kasalanan ko rin ang tungkol sa pasang ito. Ang laki na talaga ng utang na loob ko sa lalaking ito. Pero nagsimula akong mag-alala. Nakita kasi ng lahat ang pangyayaring iyon. I know there will be consequences for him... at dapat alam niya rin iyon, kaya bakit niya ginawa yun? Pagkatapos ng lahat ng alam kong kaya kong gawin para maging okay siya, naglabas nalang ako ng buntong hininga at hindi na nag-abalang mamaalam paalis dahil mukhang nakatulog naman na siya. Pero napatigil na naman ako dahil ramdam ko ang mga kamay niya na naman. Instead na magulat, natural dahil sa nangyari kanina, inis ko siyang hinarap. "Ano na naman?!" irita kong saad sa kanya. He chuckled. Really? Nagagawa niya talagang tumawa kahit galit ang kausap niya? "Gusto ko lang magpasalamat. Ang laki kaya ng tinulong mo." He genuinely smiled at me. "There are no other nurse like you." That was a cheesy line kaya pag galing sa isang tulad niya, that was not even a compliment and I think he's just flirting… Pero ngayon sinamahan niya kasi ng ngiting tapat, that’s why I know that was genuine. "You kind of remind me by someone I'm missing now," dagdag niya na kinagulat ko at hindi nakaimik. Who do he mean by that?   The door suddenly opened na kinagulat ko at kung akala ko kung sino lang na nurse o estudyante ng Ashen West iyan, napaiwas agad ako ng ulo mula sa kanya nang malaman ko kung sino. "Hi White King!" masaya pang bati ni Nathan sa kanya. Oh great. Bakit sa lahat ng Ashen West student, siya pa talaga? I'm so dead kapag nalaman niya kung sino ako. Nagpanik pa nga ako after that thought dahil alam na niya ang tungkol sa pagiging model ko as Ninya. "So, how are you feeling?" seryosong tanong ni Naite sa kanya. "Great! Thanks to—" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil binawi ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya at naglakad paalis. "Uy teka nurse. Wala man lang goodbye kiss?" landi ni Nathan. Rinig ko ang buntong hininga ni Naite pero tuloy-tuloy pa rin ako sa pinto nang, "Sandali," sabi ni Naite puno ng awtoridad… at siguro dahil doon kaya ako napatigil sa harap ng pinto. I should have just ignored that and get going because I'll be caught if I don't. "I just want to say thank you," sabi ni Naite na ikinabigla ko. "Buti nalang may oras ka para atupagin ang lalaking ito. I know he's a handful because he really gets flirty and obnoxious tuwing mataas ang lagnat niya. Pagpasensyahan mo na siya." Napatahimik ako sa sinabi niya. Am I hearing it correctly? Humihingi ng pasensya at nagpapasalamat ang White King?   Bumalik lang ako sa katotohanan nang dumaan sa utak ko kung sino ang kausap ko kaya tumango lang ako bilang sagot at tuluyang lumabas ng clinic nila.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD