Unexpectedly

4698 Words
Chapter 11 “Huy Ninya.” Bumalik lang ako sa katotohanan nang may tumawag sa pangalan ko at napatingin sa kanya. “Yes Ma’am?” tanong ko. Naglabas nalang siya ng buntong hininga. “Hindi ka na naman nakikinig sa mga sinasabi ko,” sabi niya. “Oo na. Alam ko naman na gwapo yang photographer mo pero nasa trabaho ka ngayon Ninya. Mamaya mo na intindihin yan.” Ang dami na namang sinabi ni Ma’am. Hindi naman ako nakatitig kay Nathan ngayon, nakatulala lang naman ako sa kawalan. Pero hindi na ako umimik at nagreklamo dahil kahit ata ipaliwanag ko kay Ma’am na hindi yun ang ibig sabihin kaya madalas ko siyang titigan, papagkamalan niya lang na in-denial ako. Ganyan naman daw eh pag in-love ang mga tao. Paano naman ako ma-i-inlove sa isang lalaking hindi ko naman alam ang itsura? Although yes… napatingin na naman ako kung saan siya nakatayo habang nakikipag-usap siya sa ibang mga staff. …ever since yesterday, nakikita na ng mga mata ko ang mga labi niya, and how his perfectly set of white teeth are showing every time he smiles. Kung tutuusin, parehas sila ng labi ng White King. Sinubukan ko ngang gawin ulit yung i-concentrate sa utak ko muli ang itsura ng White King at imaginin na ganun ang itsura ni Nathan pero, hindi pa rin gumagana. Kung ganun, ano yung nag-trigger kung bakit ngayon nakikita ko na ang mga labi niya? May sagot na ako eh. Alam kong yun lang naman ang tangging sagot sa tanong na iyon eh. Dahil nga sa kambal niya si Naite di ba? Pero madaling i-debunk ang sagot na iyon dahil, bakit ang bunganga niya lang ang luminaw? Ni ilong niya nga hindi ko pa alam kung matangos ba ng tulad sa White King. Napapikit nalang ako at naglabas ng buntong hininga. Wala talaga. Sasakit lang ang ulo ko sa kakaisip ng mga tanong at sagot. Binuksan ko ang aking mga mata at sumeryoso ang mga tingin. Kaya pumayag ako sa pagtulong sa kanya sa amnesia niya na yan. Baka sakaling… baka konektado pala ang malabo kong paningin sa nakalimutan niyang nakaraan.   Nandito na ako ngayon sa Student Council room at ginagawa ang trabaho ko. Inaasikaso ko ang bawat papel na nakalatag sa aking mesa at isa-isa itong tinitignan. Susulatan kung kinakailangan at lilipat sa susunod pagkatapos. Kapag naman kailangan ang isang miyembro para sa partikular na papel, syempre tinatawag ko siya para siya ang aasikaso ng papel. “King,” tawag sa akin bigla kaya iniglapan ko siya at binalik ko rin ang aking tingin sa papel na hawak-hawak ko. “Yes Knight?” tanong ko kay Caren. May iniabot siyang papel sa akin kaya kinuha ko ito. Bago ko pa malaman ang nilalaman, “Malapit na ang pinakahihintay na event ng buong CHESS school,” sabi ni Caren. Nagtaka muna ako sa sinabi niya at tinignan ang papel bago tuluyang nagulat nang maproseso ng utak ko ang ibig niyang sabihin. Shacks. Muntikan ko nang makalimutan ang tungkol dito. “Kailangan na nating kausapin si Ma’am Rhowena para masabihan niya na ang mga guro na madalas na ang pagpraktis ng mga athletes na sasabak sa laban.” I paused habang nakatingin sa hawak-hawak kong papel bago tinignan si Caren para bigyan siya ng sagot. “Naintindihan ko, Knight. Makakaasa ka na mayamaya lang ay kakausapin ko ang ating principal tungkol dito.” Hindi umimik si Caren pagkatapos nun and because of my peripheral vision, nakatayo pa rin siya sa harap ko na ikinataka ko. “May idadagdag ka pa, Knight?” tanong ko nalang sa kanya. “King, kahit ako na ang kakausap kay Ma’am,” sagot niya. “Para hindi ka na maabala.” Bahagya akong nagulat sa sagot niya. “Okay lang naman sa akin kahit ako na Knight. Kakayanin ko pa,” sabay tinignan siya. “Unless may iba kang rason.” Naglabas naman ng buntong hininga si Caren. “Gusto ko lang makausap si Ma’am Rhowena ng harapan sa maaaring mga problema na darating… mas lalo nang ako ang naatasang leader sa mga ganitong event.” “I see,” saad ko. “Sige. Kung yan ang gusto mo Knight.” Bigla siyang nag-bow sa harap ko. “Salamat King,” sabay tumalikod at bago muna siya tuluyang umalis, “Knight,” tawag ko na ikinatigil niya at nilingon ako. “Huwag mo sanang kalimutan na humingi ng tulong sa amin. Andito lang kami lagi sa tabi mo,” bilin ko sa kanya. She was a bit surprised at what I said at binigyan ako ng ngiti bago tumango lamang bilang sagot at tuluyang lumabas ng Student Council Room. Pinagpatuloy ko ang pag-aasikaso sa mga papel habang iniisip ang event nga na iyon, ang Grand Olympics. Sa buong school year ng CHESS school, ito ang pinakamalaking laban na pinaghahandaan ng mga whites and blacks. Kahit parang mga simpleng Sports Fest lang siya na tulad sa ibang mga paaralan, iba dito sa CHESS school. Wala sa mga bokabularyo namin ang matalo kaya sa kahit anong paraan, ginagawa namin ang lahat para lang manalo… kahit kumapit pa sa patalim. Para kaming sasabak sa isang giyera kaya madugo at buwis buhay ang magaganap. Wala namang p*****n na mangyayari, pero behind the scenes, wala nga ba? Nakaligtaan ko na naman ito dahil iniisip ko ngayon ang kalaban namin, kung paano ko ba tutulungan ang malabong mukha na Ashen West student na iyon na may sakit na amnesia raw. Nangako pa naman ako sa kanya kahapon. Pero kung ganun ngang aware na ako sa Grand Olympics, I think I need to settle this first.   Pagdating ng lunch, pumunta ako agad sa border wall. Habang naglalakad palang, prinoproseso na ng utak ko ang mga dapat kong sabihin sa mapilit na lalaking yun para madali lang siyang kumbensihin na hindi muna kami makakapag-plano tungkol sa pagbalik ng mga nakalimutan niyang nakaraan. Pagkarating, akala ko ako na naman ang nauna… buti nandito na siya. Napatigil pa nga muna ako sa entrance nang makita ko siya na nakaupo na sa border wall mismo. Naglabas nalang ako ng buntong hininga at that thought na hindi ko na muli kailangang maghintay. Wala siyang sinabi habang naglalakad ako papunta sa picnic table na lagi kong pwesto at pagkalatag ko ng mga gamit ko sa mesa, “Nathan / Nia,” sabay naming saad. Parehas kaming nagulat dahil doon. “Ikaw munam” sabay na naman naming saad. Napatigil nalang ako dahil doon. “Ano ba naman yanm” bulong ko sa irita. Ang awkward kaya nun. Narinig niya ata because he suddenly chuckled kaya napatingin ako sa kanya. “Ang saya naman nun Black King,” tawa niya pa. Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya. Nagawa niya pang tumawa. “Anyways, I just want to say…” simula ko para matapos na ito. “…tungkol pala sa plano about sa amnesia mo…” I paused habang nakatingin sa kaharap kong mesa. Kanina, buo na ang mga salitang sasabihin ko na next time nalang namin itutuloy ang pagplaplano pero, parang umurong ang dila ko dahil nahihiya ako. Nangako kasi ako, at ako ang tipong tao na hindi umaatras sa mga pangako ko. “Okay lang Black King,” sabi niya naman dahil sa tagal ng katahimikan ko kaya nagulat ako at napatingin sa kanya. Nginitian niya ako. “Kahit sa susunod nalang nating pagkikita tayo magplano. Magiging busy ako eh. You know about the coming Grand Olympics right?” Hindi ako nakaimik pabalik, pero tumango ako bilang sagot. “Of course dahil ikaw ang Black King, I’m sure busy ka rin. Yun ba sana ang sasabihin mo sa akin?” Tumango ako muli sa tanong niya bilang sagot. “I see,” hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. “Ang galing di ba Black King. We are thinking the same thing.” Hindi na ako umimik or responded sa sumunod niyang sinabi. Instead, “Bakit ka magiging busy? Athlete ka?” mga tanong ko sa kanya. “Haha hindi Black King,” sagot niya naman. “Part kasi ako ng journalism club at ako ang isa sa mga photographer na naka-assign, remember?” Sa huli niyang tanong ako nagtaka muna. Alam ko na photographer siya pero ang alam ko hindi pa ako aware na part siya ng journalism club nila… Ay joke. Oo, naalala ko na pala. Sinabi niya pala iyon nung nandoon ako sa office ng White King nila. “Big event kasi ang Grand Olympics at gusto ng Campus Royalties na dapat maganda ang magiging kalalabasan ng school paper namin,” dagdag niya. Napatango nalang ako sa sinabi niya. Ganun din naman sa amin eh. “Eh ikaw Black King? Athlete ka?” tanong niya naman. Naglabas ako ng buntong hininga. “Hindi,” sagot ko sa kanya. “But as a Black King, madami pa rin akong duties and responsibilities kahit mostly ang Black Knight namin ang nag-ha-handle sa halos lahat ng bagay.” “I see,” sagot niya naman. “Kung ganun, I’m actually thankful na nagawa mo pa ring pumunta dito Black King para lang makausap ako.” Bahagya akong nagulat sa sinabi niya at napaiwas ng tingin sa kanya. “Don’t thank anything from me,” sagot ko sa kanya. “Ginagawa ko lang ito dahil sa usapan natin. I never go back at my word.” Saka, alam naman natin ang isa pang rason di ba? “Of course, typical Black King,” he chuckled. After that, dumaan ang katahimikan sa pagitan namin but after a long time na ganun, nakaramdam ako ng awkwardness. So… tapos na ba usapan namin? I think it’s already settled. Tatayo na sana ako at mamaalam pero bago pa ako makagalaw, narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya napatigil ako. Mas napatigil ako nang magsalita siya. “Alam mo Black King, mamimiss kita.” Tuluyan akong nagulat sa sinabi niya at may kakaiba akong naramdaman nang sabihin niya lang yun. “A-anong sinasabi mo?” I stammered. Oh great. Pero buti nalang nakatalikod pa rin ako sa kanya kaya hindi niya nakikita ang mukha ko ngayon. “Eh kasi two weeks kaya yang Grand Olympics, so ibig sabihin two weeks tayong hindi magkikita. Isama mo pang simula ngayon busy tayo sa mga preparations kaya parang one whole month actually na hindi tayo magkikita Black King.” Napatahimik ako sa sinabi niya. Totoo kasi yun. Ganun katagal na hindi kami makakapag-usap dito sa border wall, at ito lang ang lugar na pwede kaming mag-usap. Naglabas naman ako ng buntong hininga. “Kung ganun, ang importante dapat hindi mo makakalimutan ang tungkol sa usapang ito. One month pa naman iyon at ang daming pwedeng mangyari.” Hindi siya nakaimik pero hinarap ko siya at binigyan ko siya ng seryosong tingin. “Basta ako, hindi ko makakalimutan ang tungkol dito dahil tulad nga ng sinabi ko kanina…” I gave him a serious smile. “…I never go back at my word.” Hindi pa rin siya umimik pagkatapos pero mayamaya lang, ngumiti na naman siya, genuinely. “Nakakainis ka naman Black King. Hindi ka pa nga umaalis, namimiss na kita.” Nagulat ako sa sinabi niya, at ramdam ko na ang pagbalik ng dugo ko sa mukha ko kaya umiwas agad ako tingin. “Baliw ka talaga,” sagot ko sa kanya. “Oo Black King,” sagot niya naman. “Baliw na baliw sa iyo.” Tuluyan akong nagulat sa sagot niya, at ramdam ko na, hindi lang ang pagpupula ng mukha ko… Unti-unti ko nang nararamdaman that I’m letting my guard down again. I really hate to admit it but he really has the charm. Alam ko na iyon tuwing nakikita ko siya sa mga photo shoots pero sabi ko sa sarili ko na hindi ako isa sa mga babaeng iyon na mahuhulog sa charm na yan… but I hate to admit it… parang nangyayari na. Bago pa lumala, tumayo na ako sa picnic table at inayos ang mga gamit ko. “Uy Black King. Ayan ka na naman eh. Nagbibiro lang ako,” parang bata niyang sabi. “Madami pa akong gagawin,” I answered him coldly. “Eei. Dito mo nalang gawin Black King. Madami pang time bago ng next class eh. Usap pa tayo.” Hindi ko siya pinansin at nang matapos kong ayusin ang gamit ko, tuluyan na akong umalis. “Uy Black King naman eh.” Nakakainis talaga ang lalaking yun. Panira talaga ng araw. Okay na usapan namin pero pumasok na naman ang pagiging loko-loko niya. Pero buti nga nakakapag-isip pa rin ako ng mabuti kahit umaandar ang kalandian niya. Kung hindi lang dahil sa amnesia niya at photographer ko siya sa bawat photo shoot, matagal ko nang itinigil ang lahat ng ito. …   Ilang linggo na ba ang lumipas? Sa sobrang dami ng gawain, hindi ko na namamalayan ang oras. Ang bilis pala ng takbo nito pag madami kang iniisip at madami kang kailangang gawin. Kahit Black King ako, kung tutuusin, okay pa ako sa lagay ko ngayon… kumpara naman kay Black Knight. Naaawa na nga ako kay Caren. Well, for being an athlete herself at varsity pa siya, mataas ang resistensya niya hindi lang physically, but most especially mentally and emotionally. Kung nakakapagtaka ang pakikitungo niya sa amin, sanay na kami because being the Knight, hindi lang sports ang inaatupag niya. Binabalanse niya ang buhay niya as an athlete, her academics as a student and most especially as part of the Student Council of Raven East kaya bilib talaga ako sa kanya. But now, seeing her today na nandito sa loob ng student council room, with her head laid on her arms on her desk sleeping, I look at her with pity in my eyes. Naranasan ko na ang ganyang tinding pagod kaya naintindihan ko ang pakiramdam niya ngayon… at parehas pa naman kami having the tendency to overwork. Aakuin namin lahat ng trabaho na alam naming responsibilidad namin, kahit sinasabi na ng katawan namin na magpahinga na kami. Boogsh! “Knight!” biglaang bukas ng pinto ng Student Council Room na kinagulat ko at napaupo si Caren ng di oras. Kahit magulo pa ang buhok niya at may tulo pa ng laway sa bibig niya, pasimple niya itong pinunas at hinarap ang tumawag sa kanya na nakamulagat ang mata. “Ano yun?” simple niyang tanong. “Ay uhm…” the black student paused. “…pasensya na sa istorbo—“ “Hindi, hindi,” singit ni Caren. “Hindi ako nakatulog. Nagpahinga lang ako. So ano nga yun?” Napabuga ako ng buntong hininga sa sinabi niya. What a lie Caren. “Uhm I think sinabihan niyo po ako na sabihan ka tungkol sa pag-check mo sa pool,” kinakabahang sabi ng estudyante. “Pa-pasensya na talaga na ngayon lang kita nasabihan. I know dapat kahapon ko pa dapat sinabi ito pero—“ “Ah the pool,” singit lang ni Caren. “So, ikaw si Quisha?” tanong niya sa kanya. The chubby black student girl nodded her head. “Pasensya na talaga Knight. Please huwag niyo akong parusahan.” Caren looked back at her with a serious face at tinignan ko siya pabalik wondering kung anong sasabihin niya pabalik. Naglabas ng buntong hininga si Caren. “It’s not your fault. Kung tutuusin, nagpapasalamat nga ako dahil nagawa mo pa rin akong i-remind. Talagang nawala yun sa isipan ko.” The chubby girl was shocked at her answer. “Ibig sabihin—“ “Although dapat kahapon ko pa nalaman yan,” singit ni Caren. “You delayed me for a day Quisha.” Napatahimik ng di oras si Quisha. “Unless your reason is reasonable,” Caren stated. Quisha looked away at her. “I… I just can’t help it Knight,” sagot niya. “May bagong desert na nilabas ang canteen at that time and I can’t help myself na… kumain… ng madami. Saka napadami pa yung kain ko kasi masarap siyang ipares sa—” “Hay…” buntong hininga ni Caren na ikinatigil ni Quisha. “Of course. It’s about food. Bakit hindi ako nagulat?” Quisha played with her fingers. “Sorry.” Naglabas muli ng buntong hininga si Caren. “Well anyways, tara na sa pool. Your punishment will be later,” at pagkatayo ni Caren, “Sandali,” saad ko naman na ikinatigil nila at tumingin sa akin. “Bakit King?” tanong ni Caren. “Let me handle kung ano mang kailangan mong gawin sa pool,” sagot ko naman. Parehas silang nagulat sa sinabi ko. “Pero King—“ “Knight, just let me do this,” singit ko naman. “Alam ko madami ka pang gagawin. I can handle that at mukhang maasahan naman ang pinagsabihan mo,” sabay tinignan ang kasama niya. “Enough na kung siya ang sasama sa akin sa pool.” Hindi naman nakaimik pabalik si Caren. “Oh and let me handle the punishment too. I think may naisip na akong magandang ideya on how to teach her a lesson.” Both students were surprised at what I said at parang mas lalong natakot si Quisha. “Masusunod King,” sagot naman ni Caren. Quisha led me sa pool kung saan magaganap ang swimming competition at makikita mo talaga ang tension sa pagitan namin on how scared she is. Nakakapagtaka nga eh. Dahil ba yun sa sinabi ko? I know I was serious but I wasn’t glaring at that time. Sobrang seryoso na ba ako now a days? Pagkarating namin sa pool, kita ko ang divider na nakalutang sa tubig and yes, hanggang dito sa pool, nakahati rin siya. This covered pool area is also one area kung saan makikita niyo agad ang teritoryo ng kalaban. There’s also a line that divides not only the pool but the covered ground. Make one wrong move na tumapak sa teritoryo ng kalaban, you are actually declaring war… well, kung may makakita nga lang sa iyo. After checking the supplies that is needed for the coming competition, and double checking the areas na pwedeng puntahan ng mga swimmers and audiences and everything that we need to do na sinabi ni Caren kay Quisha, namaalam din siya paalis. “And oh, before you go Quisha,” sabi ko na ikinatigil niya. “About your punishment…” Kita mo kung paano siya naging stiff sa lugar niya nang sabihin ko lang yun that’s why I paused sa pagtataka. “Okay ka lang Quisha?” tanong ko sa kanya. She’s really tensed. She slowly faced herself to me. “Anong ipapagawa niyo King?” natatakot niyang tanong. I gave her a serious face. “I want you to proceed in the Sports Bowl then give me 10 runs around our grounds. Is that okay compared sa mga pinapagawa sa iyo ni Knight?” Nanghina siya nang marinig niya iyon. “Masusunod King,” sagot niya instead at tuluyang umaalis. Was the punishment too hard? Yun ang pinakamagandang gawin niya eh kung ganung nakalimutan niya lang sabihan si Caren dahil lang sa pagkain. Well anyways, I looked around the pool one last time na baka may nakaligtaan kami at nung sigurado na akong wala… SLIP. Oh great. Sploosh! Nadulas ako at nahulog sa pool. Ang galing. Nakakainis. You’re being careless Nia. Mabuti nalang at marunong akong lumangoy. I paddled my hands and feet para makaakyat sa shore ng tubig... …but when I was looking up the shore and swimming up there, parang naging blurry ang vision ko. I was seeing a ray of sun hitting the water pero… how’s that possible eh covered ang pool area? I paddled hard just to swam to the shore para makakuha lang ng hangin pero ramdam ko ang pagmamanhid ng kamay ko na kinagulat ko. I paddled my feet pero ramdam ko na bigla siyang pumulikat kaya nagsimula akong magpanik nang maramdaman ang bigat ng nararamdaman ko. Something’s not right. I am struggling to swim and I don’t know why pero ang hindi maramdaman ang kamay at mga paa ko at a time like this, this is not good. I cannot feel the adrenaline rush to save myself… but I felt fear… and I don’t know why… hanggang sa nawalan na ako ng hininga at lumubog.   “Ninya…” That’s weird. Someone is calling me. Am I dreaming? Someone is calling my name… “Nia… gumising ka!” I felt someone is blowing air into my mouth and pressing my chest kaya napabuga ako ng tubig. I slowly regained consciousness and slowly opened my eyes. Malabo pa ang paningin ko sa una so I tried to blink for so many times. Unti-unting luminaw ang paligid pero hindi ganun kalinaw… mas lalo na ang mukha ng taong kaharap ko ay hindi man lang luminaw. “O thank God you’re okay Black King,” nag-aalala niyang sabi. When I heard his voice, unti-unting prinoseso ng utak ko kung sino ba siya habang unti-unti akong umupo while holding my head. “Anong nangyari?” I asked him. “Muntikan ka nang malunod Black King,” sagot niya naman. “Paano ka ba nahulog sa pool?” I looked back at him at nang makita kong malinaw lang sa mukha niya ay ang bibig niya, I realized who he is. “Nathan?” tanong ko. He smiled. “The one and only,” sagot niya. Tulala akong nakatingin pabalik sa kanya kahit ganun pa rin kalabo ang mukha niya dahil parang naging blanko ang utak ko at may prinoproseso ito. Nang biglang dumaan sa isip ko ang tungkol sa may taong nagbuga ng hangin sa aking bunganga… at siya lang naman ang tao dito na kasama ko na basang-basa rin na halatang nag-dive sa pool kahit hindi naka swimming attire… napamulagat ako ng mata ng di oras at nagsimulang uminit ang pakiramdam ko. “Mabuti nalang nadaanan kita dito kundi baka natuluyan ka na Black King.” Napatingin ako sa kanya ng di oras na ganun pa rin ang expression ng mukha ko at napalayo agad sa kanya at mabilis na umiwas ng tingin para itago ang lahat. No. Please don’t say that. Don’t ask yourself. Did he just… Oh God. Did he really just… “It’s okay Black King,” sabi naman ni Nathan kaya nabigla muna ako bago napaiglap sa kanya at nakita na hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. “You didn’t violate the law.” …hah? Ano raw? Anong law? Nagtaka ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Nang makita ko ang linya sa pagitan namin... doon ko lang na-realize ang ibig niyang sabihin. At bakit hindi ko nga naisip muna ang tungkol doon? Na nandito ako ngayon sa isang lugar kung saan malapit lang ako sa teritoryo ng kalaban? Inisip ko pa talaga ang... ang tanong na iyon na… Thinking about that again… “Okay ka lang ba talaga Black King?” tanong niya puno ng balisa. Bumalik ako sa katotohanan dahil doon at napatingin sa kanya ng di oras, with this kind of state, where I know my guard is down. Hindi ko alam ang expression ng mukha niya ngayon pero, ang unfair na naman dahil alam niya ang expression ng mukha ko ngayon. “Black King…” he paused for a bit. “…bakit yung mukha mo…” Hindi niya tinapos ang sasabihin niya pero parang may hinala na ako kung anong tatanungin niya. “Bakit yung mukha mo Black King—“ “Okay lang ako!” iwas ko ng mukha sa kanya. “Salamat.” Hindi ko alam ang naging reaksyon niya pero tumagal ang katahimikan sa pagitan namin bago siya nagtanong. “Sigurado ka?” I clicked my teeth first. “Oo nga sabi,” irita kong sagot. “Eh bakit namumula yang mukha mo?” tanong niya. At that question, napatahimik talaga ako. I can’t answer that. I can’t just say na namumula ang mukha ko dahil iniisip kong… dahil iniisip ko na… Oh God. Sandali nga lang. Talaga bang… did he really just kiss me when I was unconscious? Bumalik lang ako sa katotohanan nang marinig ko siyang naglabas ng buntong hininga. “Well anyways, mabuti naman kung okay ka lang.” Sa sinabi niya, napatingin na naman ako sa kanya. By the tilt of his head, I know nakatingin pa rin siya sa akin then came the words on his mouth, “You had me worried Nia.” Sa sinabi niya, ramdam ko ang pagbalik ng pag-akyat ng dugo sa mukha ko kaya napaiwas na naman ako ng tingin at napatingin nalang sa katabi naming pool. God, why is this so hard? Pwede naman akong tumayo nalang at maglakad na paalis from this guy… but when I looked at the pool beside me, bahagya akong nagulat nang may nakita ako. “And uhm by the way Black King,” sabi ni Nathan. “Uhm I think kailangan mo nang magpalit. Yung damit mo kasi…bumabakat… I-I mean kailangan mo nang magpalit kasi magkakasakit ka kung hindi.” Hindi ko narinig ang sinabi niya kasi nakatutok lang ako sa ilalim ng pool. “Uhm Black King?” tawag niya pero hindi ko siya hinarap and instead, “Yung eyeglasses ko,” bulong ko sapat para marinig niya habang nakatingin pa rin ako sa ilalim ng tubig. I looked at him. “Nathan yung eyeglasses ko nasa ilalim ng tubig,” ulit ko. Pumunta siya sa tabi at nakitingin. “Ah oo nga noh Black King. Naiwan ata nung nahulog ka. Hindi ko napansin yun,” sabi ni Nathan habang nakatingin din sa ilalim ng tubig. Kaya pala medyo malabo ang paningin ko. “Kunin pa ba natin Black King? Bili ka nalang kaya ng bago—“ SPLASH! I dove in the pool just to get it pero, if there’s one thing that I know recently… yun ay ang hindi ako makalangoy ng mabuti ngayon. I think I know there’s something inside me na rason kung bakit nga hindi ako marunong lumangoy… but here I am, still dove in the pool just to get that thing. Pero nakaahon rin ako nang tulungan ako ni Nathan. Nang makaupo kami sa gilid ng pool habang humihingal, “Ano bang iniisip mo Black King? Muntikan ka na ngang malunod kanina tapos magpapalunod ka ulit?” mga tanong ni Nathan. “Yung eyeglasses ko nasa ilalim Nathan. Kailangan nating kunin yun,” sagot ko naman. “Eh bakit ba Black King? Malabo ba paningin mo at hindi mo kayang bumalik sa inyo?” dagdag niya pang tanong. Hindi ako umimik at nakatingin pa rin sa bagay na nasa ilalim ng tubig puno ng pighati ang mga mata. Mukha man akong desperada pero, “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakukuha ang eyeglasses na iyon,” sabi ko. “I need them.” Tumahimik siya sa sagot ko pero nakatingin pa rin ako sa tubig. I must do something. Kailangan kong makuha ang eyeglasses na iyon. Isipin na niya ang gusto niyang isipin kung bakit parang nababaliw ako rito dahil lang sa eyeglasses na iyon at mukha akong desperada basta and importante ay makuha ko iyon— SPLASH! Nagulat ako sa ginawa niya. He dove back to the water and what’s more shocking, he crossed the divider of the pool para lang mag-dive at kunin ang eyeglasses ko. Nakaahon siya na hawak-hawak na ang eyeglasses sabay umakyat sa shore, soaking wet. I quickly helped him to get back sa shore at nang makaahon siya, napahiga siya while panting. He turned his head to where I am standing, smiling sabay iniabot ang eyeglasses sa akin. “You’re welcome Black King,” he smilingly said. Kinuha ko naman agad ang eyeglasses, sinuot iyon and looked back at him with a genuine smile of mine. I know I am wet pero ramdam ko ang pagtubig ng mga mata ko and, “Thank you Nathan,” said my thanks to him. Hindi siya nakaimik pagkatapos and suddenly turned his head away from me. Tumagilid pa siya habang nakahiga pa rin siya na ikinataka ko. “Parang sobrang importante naman ng eyeglasses na iyan sa iyo,” he said na bahagya kong kinagulat. Napatingin ako sa ibang direksyon at hindi siya inimikan. Hindi niya lang alam kung gaano nga ito kaimportante. “Ganun na ba talaga kalabo mata mo at kailangan mo talaga yang eyeglasses mo para makabalik sa inyo?” he asked. Nagulat ako sa tanong niya and it took a while bago ko siya sinagot. “Oo. Ganun na nga.” Pero ang totoo niyan, may mas malalim pa na rason kung bakit ayaw kong mawala ang eyeglasses na suot ko ngayon na may pink na frame na sakto ang grado sa mata ko. This is very dear to me dahil… ito ang bigay ni Papa sa akin, bago siya namatay. Oo nagtaka nga ako sa una kung bakit eyeglasses binigay niya sa akin eh wala naman akong diperensya sa mata nung 14 years old palang ako, pero pagkatapos ng magising ako sa hospital nung isang araw at lumabo ang mata ko, nadaanan ko ang eyeglasses na ito at sinuot, at nagulat nga ako nung sakto siya sa mga mata ko. Bumalik lang ako sa katotohanan nang biglang umupo si Nathan sa pagkakahiga niya and turned his head to me. “Well…” simula niya. “…since that’s done, I think kailangan mo nang bumalik sa inyo Black King at magpalit. Magkakasakit ka niyan tapos—“ Bigla siyang napatigil magsalita na ikinataka ko sabay napahawak siya sa ulo niya. “Aray,” saad niya kaya napalapit ako sa kanya. “Okay ka lang?” nagsimula akong mag-alala. “Saan banda ang masakit?” Binaba niya ang kamay niya but his head is bowed down, like he is looking down on the floor pero hindi ko malaman kung anong expression ng mukha niya ngayon. “This scene looks… familiar,” bulong niya na narinig ko kasi katabi niya lang ako. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya at nagtaka. “Anong ibig mong sabihin?” Nang tanungin ko iyon, I think doon lang siya bumalik sa katotohanan and turned his head to me. Napalitan ng ngiti ang labi niya at, “Wala. Nevermind that,” sabi niya sabay tumayo siya and walked away. “Sandali. Sigurado ka bang okay ka lang?” tanong ko sa kanya. Napatigil siya, faced me and gave me that same smile. “Okay lang ako Black King. Kailangan ko nang umalis dahil baka may makahuli pa sa atin” Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya kaya patuloy siyang umalis, soaking wet. I watched him go hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis ng pool area, habang nakaukit ang pag-aalala sa mukha ko. Kahit hindi ko nakita ang mga mata niya, naramdaman ko sa mga ngiti niya… na hindi siya okay… na may ibig sabihin ang sinabi niya kanina. Familiar… what does he mean by that?   ~*~ After how many weeks of preparation, the day finally arrived na pinakahihintay ng buong CHESS school, the battle that we have all been waiting for. “Welcome, Ashen West Academy and Raven East High School to this years Grand Olympics!”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD