Flashbacks

3500 Words
Chapter 9 Mga 6:30 na ngayon ng umaga at nakatayo muli ako rito sa harap ng eskwelahan namin. Huminga muna ako ng malalim at nilabas din ito bago pumasok. Kinakabahan kasi ako dahil sa nangyari kahapon. Ngayong nalaman na ng White King ang sikreto ko being a model, hinanda ko na ang sarili ko kung nangyari ngang nalaman ng buong CHESS school ang tungkol doon. So far, looking around the students while walking down the hallways, normal lang naman. May kanya-kanya silang mundo pero pag tumingin sila sa akin, I gave them back a look telling them in my eyes “What?” But after I do that, iiwas sila ng tingin sa takot. Pag ganun, napapalitan ng pagtataka ang tingin ko. Does that mean na wala pa silang alam tungkol sa sikreto ko? “Uy pare. Nabalitaan mo ba yung bagong model ng—“ When I heard that word, napatigil ako at napalingon sa dalawang nag-uusap na lalaki with my death glare. “…ba-bagong model ng sasakyan ni…” nagsimula siyang manginig sa takot nang mag-meet ang mga tingin namin. Bumalik ako sa dati nang pinagpatuloy niya ang sinabi niya at bumalik sa paglalakad. “Uy anong ginawa mo pre? Bakit ka ‘tinignan’ ni King?” tanong ng kasama niya. “Wala kaya akong ginawa pre,” he retorted. Patuloy pa rin ako sa paglalakad at pagtitingin sa nakapaligid na estudyante nang, “Eh yung model of—“ Napatigil ako at liningon ang nagsalita. “Model?” nagmukha akong makamandag dahil sa panic ko kaya natakot ang dalawang babaeng nag-uusap. “Mo-model of the universe,” pagtatapos niya sa sasabihin niya. “Bakit King? May kailangan ka po ba sa amin?” “Ah, model of the universe,” sabi ko nalang at naglakad paalis. “Ano bang masamang ginawa natin?” bulong ng kasama niyang babae. Napalabas ako ng buntong hininga dahil sa nangyayari sa akin. I’m getting paranoid marinig ko lang ang salitang model. Mabilis kumalat ang balita sa mga ganitong paaralan mas lalo na pag ang balita ay galing sa White King. Ibig sabihin hindi niya pa kinakalat ang sikreto ko? Ano kayang balak ng plastic na lalaking yun? “King!” tawag sa akin kaya napalingon ako pero nagulat nalang ako nang nasa tabi ko na siya. “Good morning King,” masayang bati sa akin ni Zairie. “Queen,” I replied at napansin ang biglang pagbago ng expression ng mukha niya. “Okay ka lang ba King?” nagtataka niyang tanong. Ito na naman siya. Naglabas nalang ako ng buntong hininga. “Oo naman Queen.” She look at me with suspicion. “Talaga?” paninigurado niya. Napakunot ako ng noo sa ginawa niya. “Bakit hindi mo na naman ako pinaniniwalaan Queen?” Nakarating na kami sa Student Council room at kasabay nun, hindi niya ako sinagot at biglang sinara ang pinto at ni-lock ito na kinagulat ko. Nagulat nga rin ako na andito na silang apat at parang ako nalang ang hinihintay. “Huwag mong masamain Ate Nia,” sabi ni Zairie na mas lalo ko lang kinagulat because she mentioned my name. Hindi madalas na sabihin nila ang pangalan ko at palaging ‘King’ ang tawag nila kaya napaseryoso ako. “…nakita kasi kita na pumasok ng Ashen West, King,” pagtuloy ni Zairie. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Oh great, I think I’m really caught. “King,” tawag ni Leander kaya ako napatingin sa kanya. “Anong ginawa mo sa loob ng Ashen West?” seryoso niyang tanong. Hindi ako nakaimik habang nakatingin pabalik kay Leander. “Siguro…” sabi ni Caren kaya napatingin kami sa kanya. “…may pinag-usapan kayo ng White King na ayaw mong malaman namin.” After she said that, naglabas muna ako ng buntong hininga bago hinarap ang lahat at sinabi ang lahat ng nangyari kahapon; tungkol sa pag-uusap namin sa CHESS room hanggang sa rason kung bakit ako pumunta sa Ashen West para kausapin ang White King. I asked for forgiveness for lying to them and reassure them na hindi ko isusuko ang posisyon ko as their Black King. “Ah kaya naman pala,” simpleng sabi ni Kimbrae habang nakatutok pa rin sa kanyang phone. “Pero sana King,” sabi naman ni Caren kaya napatingin ako sa kanya. “Sana pagkatiwalaan mo kami. Alam namin na personal na bagay yun pero sana humingi ka rin ng opinyon namin. Baka nakatulong pa kami sa iyo.” “Hindi mo ba kami friends King?” malungkot na tanong ni Zairie sa akin na ikinagulat ko talaga. “Hindi yun ang intensyon ko kaya wala akong sinabi sa inyo,” sagot ko naman agad na kinagulat nilang lahat. “Ayaw kong madamay kayo sa problema na iyon. Tandaan niyo na worst enemy natin ang Ashen West at tayong mga Student Council at Campus Royalties nila ay malala kung maglaban kaya sinarili ko ang pag-uusap na iyon dahil ako lang ang target ng White King nila.” “Alam namin iyon,” sagot naman ni Leander kaya napatingin ako sa kanya. “Pero huwag mong maliitin ang kakayahan namin King dahil marunong kaming tumulong. Hindi lang ikaw ang Student Council dito.” Sa sinabi ni Leander, napatahimik ako at parang napahiya ako dahil may punto siya. Kaya napayuko ako and full of sincerity, “Pasensya na. I’m really sorry kung ganun ang naparamdam ko sa inyo. Pasensya na kung naging makasarili ako,” paumanhin ko sa kanilang lahat. “Ala King huwag kang ganyan. Kinokonsensya mo ako eh,” sabi ni Zairie. “Leander kasi. Huwag mo ngang pagsabihan si Ate Nia ng ganyan. Sino bang mas nakakatanda sa inyo hah?” “Tss,” Leander just clicked his teeth out of frustration nang pagsabihan siya ng pinsan niya at iniwasan siya ng tingin. “Ayaw lang naman pala tayo madamay ni Ate Nia,” sabi ni Zairie. “Hayaan mo King, naintindihan ka namin, di ba guys?” “Oo naman,” sagot ni Kimbrae habang nakatutok pa rin sa phone. “Sino bang nagsabi ng hindi Leander?” “Wala akong sinabi na hindi ko siya naintindihan,” sagot ni Leander. “We do understand you King,” sabi naman ni Caren. “Basta ang amin lang, gusto lang namin malaman mo na nandito kami para tulungan natin ang isa’t isa.” Nginitian ko sila. “I know. Kaya humihingi talaga ako ng pasensya.” Napatigil sila nang sabihin ko iyon at napatingin sa isa’t isa sabay na ikinataka ko nang mapansin ko yun. “O bakit?” nagtataka kong tanong. “Ngumiti ba si King, Leander?” bulong ni Zairie sa pinsan na narinig ko naman. “Oo na Zairie,” sabi naman ni Kimbrae kaya napatingin sa kanya si Zairie. “Ngumiti na siya okay?” “Pssh,” Zairie pouted. “Ikaw ba kausap?” Naglabas nalang ako ng buntong hininga sa kulitan nila at tinignan ang relo ko. “Anyways, kailangan ko nang pumunta sa classroom ko. I’ll see you guys later,” paalam ko nalang. “Okay King. See you,” ngiti ni Zairie habang kumakaway sa akin. Habang naglalakad ako sa hallways, nakahinga ako ng maluwang dahil na-realize ko na hindi nga pinagkalat ng White King ang balita tungkol sa pagiging model ko. Dapat kasi ang Student Council muna ang unang makakasagap ng balita bago ikalat sa mismong school namin. Hindi naman sila nagtanong kanina nung nagkwekwento ako. Nang makarating ako sa classroom, dumating din ang guro at naka concentrate naman ako sa pakikinig. At nang dumating ang recess, sa Student Council ako agad pumunta para gawin ang mga duties ko. Everything went smoothly with the others pero in between my work, somehow and in some way, dumaan ang malabong mukha ng lalaking yun sa isip ko. Napatigil pa nga ako saglit sa ginagawa ko nung nangyari yun. Ay oo nga pala… that guy. … Dumaan ang oras hanggang sa dumating ang lunch. Walang sabi-sabi na dumiretso nga ako sa border wall. Hindi ko nga alam kung bakit pinaghandaan ko talaga siya kaninang recess time para kahit papaano maging free ako ngayong lunch. Although… Andito na ako sa border wall at una kong nilabas ay ang ilang mga papel as my responsibilities as a King. Hindi nagkasya ang oras ko kanina at may kaunti pang naiwang trabaho para sa akin. Hindi na ako nagdalawang-isip na simulan ang mga yun… habang naghihintay. Oo, wala pa siya. Habang nagsusulat ako, bigla ko nalang naalala ang nangyari kahapon. Nasa labas na ako ng gate ng paaralan ng Ashen West nang tumunog ang phone ko for a message. Tumalikod din ako agad at tinignan ang message sa akin ni Ma’am Lani for a photoshoot mamaya. Naglabas nalang ako ng buntong hininga nang mabasa ko iyon. At least may mapagkaka abalahan muna ako para hindi ko maisip ang nangyari kanina. Napatigil ako bigla sa sinusulat ko at napatulala sa kaharap kong papel. “Ninya,” tawag ni Ma’am kaya ako bumalik sa katotohanan at napatingin sa kanya. “Tinatawag ka na ni Nathan para sa photo shoot.” “Ah okay po,” sagot ko at pagkatayo ko, “Teka, teka lang,” sabi naman ni Ma’am Lani kaya napatigil ako at nilingon siya. “Okay ka lang ba?” tanong niya na puno ng pag-aalala. Bahagya akong nagulat sa tanong niya pero agad din akong ngumiti sa kanya. “Okay lang ako Ma’am. Madami lang pong iniisip.” Naglabas naman ng buntong hininga si Ma’am nang sabihin ko yun. “Sana sinabi mo kanina edi kinancel ko nalang sana ung photo shoot mo. Kahit manager mo ako Ninya, alam mo namang malakas ka sa akin.” “Naku Ma’am okay lang po talaga ako. Kakayanin ko pa po,” ngiti kong sagot at pumunta na sa lugar ko. “Hey,” napatingin ako sa nagsalita. “You’re good to go?” tanong sa akin ni Nathan. Pilit akong ngumiti sa kanya. “Oo naman.” He took photos of me pero habang nangyayari iyon, madalas ang pagtingin ko sa malabo niyang mukha, kaysa sa lens ng camera niya. Siya kaya? Alam na niya kaya ang sikreto ko? Halata na ba talaga yung disguise ko? “Okay. Let’s take 5,,” sabi ng director. I was about to go to Ma’am Lani nang, “Hey Ninya,” tawag sa akin ni Nathan at hinawakan pa ako sa braso ko para lang pigilan ako kaya napalingon ako sa kanya. “Are you okay?” tanong niya na ikinagulat ko. Ang mas lalo ko pang kinagulat ay ang pag-aalala sa boses niya. Binalik ko ang pilit kong ngiti sa kanya. “Bakit mo naman naitanong?” sabi ko sa kanya. “Well, dahil sa ako ang photographer mo this photo shoot, kita ko ang pag-aalala sa mga mata mo,” sagot niya sabay binitawan ang braso ko. “At kahit tugma yung expression mo for the photo shoot today, I can still tell that you’re worried.” Nagulat ako sa sinabi niya at hindi nakaimik. “Pagod ka ba? Gusto mo na bang umuwi? We can stop from here at ituloy nalang natin bukas or some other day if you want.” At sa mga huli niyang sinabi, doon na talaga ako tuluyang napatahimik. Parang dinaig niya pa si Ma’am Lani kung mag-alala sa akin. Ngumiti ako muli. “Thanks for the concern pero okay lang talaga ako. Malapit na rin naman itong matapos kaya kakayanin ko pa hanggang sa huli.” Hindi siya umimik. “Okay crew. Tapos na ang break. Back to business,” sigaw ng director kaya pupunta na sana ako sa lugar ko nang, “Basta Ninya,” sabi niya kaya napatigil ako muli at nilingon siya. “Andito lang ako pag kailangan mo ng kausap,” he said… genuinely na ikinagulat ko. For a split second, alam ko may ginawa siya habang nakaharap ang ulo niya sa akin bago tumalikod para ihanda ang camera niya. Binalik ko agad ang aking tingin sa aking harapan at naglakad papunta sa posisyon ko pero ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko… kahit hindi ko naman alam kung ano nga yung ginawa niya talaga.   Ano kaya ang ginawa ng malabo niyang mukha nun? Eish, parang naasar ako ngayon dahil doon. Dapat hindi ako nagpapadala sa ginagawa ng lalaking yun. Alam ko na ang mga galaw na yun eh. Nanananching lang yun. Pero alam niyo ba, ngayong nandito ako sa border wall, dapat tulad ng dati, masaya ako pag ako ang nauuna dito kaysa sa kanya dahil may katahimikan muna ako bago biglang iingay ang mundo… pero habang tumatagal, umiiba yun. Nakakainis nga eh. Parang mas nasasanay pa ako na mauna muna siya at umingay ang mundo dito sa border wall, kaysa yung katahimikang inaasam ko. Talaga bang ginugusto ko na ang presence ng lalaking yun dito? Nagulat ako sa realization ko at agad iniling ang ulo. No Nia. Get your head together. Nababagot ka lang sa kakahintay sa kanya ngayon dahil kailangan mong magpasalamat… sa ginawa niya kahapon. And exactly right after that thought, rinig ko ang pag-akyat niya sa border wall. “Uy Black King. Andito ka na rin,” rinig ko ang saya sa boses niya. Nang magsalita siya saka ako bumalik sa katotohanan at nilingon siya. This is great. He’s here now. Wait what? “Buti nakapunta ka ngayon dito. Na-miss ko na kaya yung mga pag-uusap natin,” sabi niya at ramdam ko na naka-pout siya ngayon, at hindi ko pa rin alam kung bakit nararamdaman ko yun. Okay Nia, let’s settle this. Tapusin na natin ito. Huminga ako ng malalim at nilabas din ito bago ko siya hinarap. “Na-nathan,” nanginginig ko pang banggit sa pangalan niya na bahagya niyang kinagulat at inikot ang ulo niya sa akin. “Wow Black King. First time ata na tinawag mo ang—“ “Sa-salamat,” sabat ko agad. Napatahimik siya nang gawin ko yun. Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin at sa totoo lang, hinihintay ko na magtanong siya ng “Salamat sa alin?” pero walang lumabas sa bibig niya kaya pinagpatuloy ko nalang. “Sa-sakto actually,” nauutal kong sabi. “Sakto yung pagdating mo nun. Hindi ko na kasi alam ang gagawin nung mga oras na yun kaya…” I genuinely looked at him. “…sa-salamat talaga.” Hindi siya umimik pagkatapos kong sabihin lahat yun. Ito pa ang isang rason kung bakit ako naasar dahil malabo ang mukha niya. Hindi ko mabasa iniisip ng lalaking ito pagtahimik siya eh. “Kamusta ka naman?” tanong niya bigla na bahagya kong kinagulat. I paused at parang naghintay ako sa katuloy ng tanong na iyon kasi parang hindi ko na-gets sa una… pero nung naproseso na ng utak ko ang ibig sabihin niya, I looked away from him first, at hindi ko alam muli kung bakit. “E-eto. Okay lang naman. Wala naman siyang malalang ginawa sa akin.” nauutal kong sagot sa kanya. He tilted his head. “Sigurado ka?” I was startled at his question kaya napatango nalang ako bilang sagot. And then, “Sige. Sabi mo eh,” biglang bumalik ang masayahin niyang boses. Nang sabihin niya iyon, parang nakahinga ako ng maluwang dahil hindi na siya nagtanong pa further. Ibig sabihin, isa rin siya sa hindi pa nakakaalam ng sikreto ko. “Pero Black King,” sabi niya bigla kaya nakuha niya ang atensyon ko. “Hindi ko yun ginawa ng walang kapalit.” Nagulat ako sa sinabi niya. Oh great. I didn’t really see that coming. Parang for a minute, nakalimutan ko na isa pala siyang White student. I looked at him, full of seriousness in my eyes at sinabing, “Anong gusto mo?” “Ayun. Ayun ang Black King na kilala ko. Ung seryosong Nia,” he playfully said. “Akala ko na nga may ginawa ang White King sa iyo kaya nagbago ka.” I made a face nang sabihin niya yun. Kahit kailan talaga kalokohan lang alam ng lalaking ito. “Sabihin mo nalang baka magdalawang-isip pa ako to return the favor to you,” sabay binalik ko ang aking tingin sa kaharap kong mga papel. “Well…” he paused. “…wala namang nagbago Black King. Same pa rin ang request ko.” I paused at my place when he said that para mag-isip kung anong ibig niyang sabihin. “Sorry ang daming nangyari. Can you refresh my mind para maalala ko?” pakiusap ko sa kanya. “Ala to si Black King. Talagang kinalimutan na yung tungkol sa amnesia ko,” sagot niya naman. When he said that word, doon ko na-realize ang lahat. “Ah. That request,” sabi ko naman at nagpatuloy sa sinusulat ko. “So since sabi mo nga ‘you will return the favor’, oo na yung sagot mo, yes?” paninigurado niya. Isang pangungusap lang sinabi niya, pero ang kulit pa rin kung titignan. Napabuntong hininga muna ako bago ako nagsalita. “Look Nathan, naintindihan ko ang request mo pero ang hindi ko maintindihan…” I turned around to face him. “Bakit ako ang hinihingian mo ng tulong? We’re not even close o kahit man lang a relative of yours para tulungan ka sa kung ano mang nakalimutan mo. Ang alam ko nga lang ang pangalan mo tapos nag-aaral ka diyan sa Ashen West.” “Besides,” dagdag ko. “Tulad nga ng sinabi ko, diyan ka sa Ashen West habang dito naman ako sa Raven East. Kung tutuusin, bawal ang pag-uusap natin ngayon at swerte lang tayo na hanggang ngayon wala pa ring nakakahuli sa atin.” “Then how about we meet outside CHESS school?” he suggested. “At mas lalong hindi naman pwedeng mangyari yun,” sagot ko naman agad. “Kahit hindi tayo naka-uniform kung sakali, madali pa rin tayong makikilala. Ayaw kong masira reputasyon ko as Black King.” “Then we’ll hide our face or put some disguises,” he suggested na naman. Napabuntong hininga na naman ako dahil sa kakulitan niya. Hayst. Wala pa ring nagbago. “Nathan, I’m sorry pero hindi. Hindi talaga pwede. Ibang request nalang,” diretso kong sabi at binalik ang atensyon sa ginagawa ko. “Eh wala na akong ibang maisip na request. Yun lang talaga eh,” makulit niyang saad. “Sige na Black King. Gawan nalang natin ng paraan.” Ayan na siya. Bumabalik na ang pagkakulit niya. Hindi niya ako tinigilan simula nun. Nang maubos ang pasensya ko, “Sige ganito,” pagpipigil ko sa sarili ko sabay hinarap siya muli. “Give me one good reason na makukumbensi mo akong pumayag na tulungan ka nga sa amnesia mo na yan. ISA lang hah,” I put on emphasis sa ‘isa’ na salita. “Pag hindi mo ako nakumbensi sa ISA na yun, aalis ako dito bilang sagot.” “Eei,” reklamo niya. “Bakit isa lang?” “Hindi mo hawak ang oras ko Nathan,” sabay tumingin pa ako sa relo ko para sabihing seryoso ako. “Malapit na mag-bell for my next subject.” “Eei Black King naman eh. Huwag ka namang mang-pressure,” reklamo niya pa. “I have 5 minutes before I go,” sagot ko naman. Nang sabihin ko yun, ine-expect ko na mag-panic siya pero bahagya akong nagulat nang mapabuntong hininga lang siya. “How about the fact na nakita mo ang mukha namin ni Naite Gomez at the same time?” sabi niya. Parang bumagal ang oras nang marinig ko iyon at sa tindi ng gulat ko, ito lang ang natanong ko. “Anong ibig mong sabihin?” He turned his head at a different direction. “Most of the students here in Ashen West noticed it already and most of the time, palagi silang nagtatanong… kung bakit magkamukha kami ng White King namin.”   Dumaan ang katahimikan sa hindi ko pag-imik dahil sa sinabi niya at imbis na tumingin sa relo ko, sa mukha niya ako napatingin. “Some say that maybe we are twins pero last name palang namin, ang layo na.” He turned his head to me. “That’s why I need your help na magamot itong amnesia ko. I may not be aware of it pero kung ganung nga na kamukha ko siya, siguro parte siya ng nakaraan kong nakalimutan ko.” Hindi ako makaimik kahit tapos na siyang magsalita at nakatitig pa rin sa malabo niyang mukha na hindi man lang luminaw. He looks like that guy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD