Chapter 8
“I’ll be waiting in my office on Friday.”
Andito na ako sa Student Council room at kagagaling ko lang sa CHESS room. Katatapos lang ang usapan namin ng White King at ngayon, tulala ako dahil doon.
“King,” tawag ni Zairie kaya agad akong bumalik sa katotohanan at napatingin sa kanya. “Okay ka lang ba?” tanong niya puno ng pag-aalala.
Seryoso pa rin ang mukha ko. “Oo naman,” sagot ko.
“Ganun ba?” paninigurado niya pa.
“Bakit mo ba natanong Queen?” tanong ko sabay binalik ko ang tingin sa mga papel na kaharap ko.
“Mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo. Sigurado ka bang wala lang ang pag-uusap niyo ng White King kanina?” tanong niya na naman.
Naglabas ako ng buntong hininga at tinignan si Zairie. “Salamat sa pag-aalala mo Zairie pero okay lang talaga ako. Sana pagkatiwalaan mo ako nang sabihin kong hindi ganun kaseryoso ang usapan namin ng White King at natapos din ang pag-uusap namin ng walang gulo,” sabi ko. “Kaysa alalahanin mo ako Queen, asikasuhin mo nalang ang mga bagay na kailangan nating tapusin.”
Sa sinabi ko, siya naman ang naglabas ng buntong hininga. “Okay King. Masusunod,” masunurin niyang saad at kinuha nga ang ilang papel sa mesa ko at ginawa ang trabaho.
Pinagmasdan ko siyang magsulat sa mga papel at kasabay nun, tinignan ko ang iba na nandito sa Student Council room.
Oo, nagsinungaling ako sa kanila tungkol sa pag-uusap namin ni White King dahil ako lang naman ang pinapatama sa pag-uusap na iyon… ayaw ko na silang madamay.
Nang matapos ang gawain sa student council, bumalik din kami sa mga classroom namin at pinatuloy ang klase. Sa buong oras na iyon, nagawa kong makinig at the same time, pag-isipan ang binibigay na offer sa akin.
Pagkatapos ng klase, dumiretso na akong umuwi at dahil sa wala namang tawag si Ma’am Lani, wala rin akong raket. Sakto pagkauwi ko,
“O anak. Andyan ka na pala,” bati sa akin ni Mama habang nagluluto siya. “Sakto luto na itong Sinigang na Bangus. Wala kang trabaho ngayon?”
Nilapitan ko siya at nagmano muna bago sumagot. “Hindi po tumawag si Ma’am Lani ngayon.”
“Ah okay. Mabuti para makapagpahinga ka muna,” sabi ni Mama habang nilalapag ang kaldero na may mabangong amoy ng Sinigang sa mesa. “Bihis ka muna at paki tawag na rin si Kyle para makakain na tayo.”
“Opo Ma,” sabi ko sabay umakyat.
Ginawa ko nga sinabi ni Mama at medyo nahirapan pa akong tawagin si Kyle dahil ayaw man lang itigil ang laro sa cellphone ni Mama. Pagkababa namin, umupo rin kami at sabay nun, dumalangin kami.
“…Amen,” sabay naming sabi at nagsimulang kumain. Lalagyan ko na sana ang bowl ni Kyle ng bangus nang,
“Eeii ate gusto ko yung tiyan,” reklamo niya bigla. “Buntot naman yang nilalagay mo. Di ba sabi mo madami yang tinik?”
Bumalik ako sa katotohanan nang marinig ko iyon at doon lang napansin ang nakalagay sa sandok.
“Ah sorry. Akala ko kasi tiyan,” sagot ko naman sabay binalik iyon sa kaldero at kumuha nga ng tiyan.
Biglang kumunot ang noo ng siyam na gulang kong kapatid habang nagtataka siyang nakatingin sa akin. “Wala ka namang eyeglasses na suot ate. Dapat nakita mo na buntot yun di ba?” tanong niya bigla na bahagya kong kinagulat.
Syempre dahil sa kapamilya ko ang kasama ko ngayon, alam nila ang tungkol sa kapangyarihan ng mata ko. Mabuti nga at hindi palasalita ang kapatid ko kaya hindi niya kinakalat sa iba ang tungkol doon.
Dahil sa tanong ni Kyle, napatingin sa akin si Mama kaya napayuko ako. Mukhang halata na ako.
“May problema ba anak?” tanong sa akin ni Mama.
Naglabas nalang ako ng buntong hininga at hinarap si Mama. “Ma, may kailangan kang malaman,” sabi ko naman.
Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa offer ni White King sa akin. Wala siyang sinabi at hinintay akong matapos magsalita bago niya sinabi ang opinyon niya.
“Kung ako lang anak, maganda nga ang binibigay na offer sa iyo. Malaki ngang tulong yan sa pag-aaral mo. Hindi ba dati nung papasok ka palang na first year, diyan sa Ashen West ang gusto mo?”
Napatahimik ako sa tanong ni Mama.
Oo, hindi ko ipagkakaila iyon. Noong grade 6 palang ako, ang entrance exam lang diyan sa CHESS school ang kinuha ko dahil sabi ng halos lahat, sa Ashen West daw ang pinakamagandang high school at pag-graduate ka sa paaralan na iyon, madali kang makuha ng mga prestigious colleges at magkaroon ng magandang trabaho. Dahil doon, naka-focus lang akong makapasok sa Ashen West. Nag-aral talaga ako ng mabuti maabot ko lang ang top 5 sa entrance exam para makakuha ako ng scholarship for free tuition.
Pagkatapos ng exam, lagi akong pumupunta sa simbahan at nagdadasal bawat gabi para lang makuha kahit ang number 5 spot lang pero nang dumating ang results, sa kasawiang palad, top 7 lang ako. Sobrang nalungkot at nadismaya ako pagkakita ko sa listahan ng top 150 dahil kahit nasama ako sa 150 students para makapasok sa Ashen West, hindi ko nakuha ang gusto kong spot at may kailangan naman akong bayaran na pagkamahal na tuition fee. Talagang umiyak ako nung araw na iyon at hindi ko na alam ang gagawin ko. Naghihirap kami nung araw na iyon dahil wala na si Papa kaya pinag-isipan ko ng mabuti kung papasok pa ba ako ng Ashen West nung mga oras na yun.
“Maganda nga sa Ashen West,” sabi ko. “Kung tutuusin, pang mayaman ang paaralan na iyon kaya malaking bagay ang free tuition na scholarship.”
“Yun na nga anak,” sabi naman ni Mama. “Pag diyan ka kasi, madali ka nang pumasok sa pinakamagandang college para makakuha ka ng magandang trabaho.”
Sa mga sinabi niya, “Mukhang gusto mong tanggapin ko ang offer niya, ha Mama?" malumanay kong tanong sa kanya.
Tinignan ako ni Mama and paused, na para bang pinag-iisipan niya muna ang sasabihin niya.
Nilunok niya muna ang kinain niya bago siya sumagot. “Syempre naman anak. Kung para sa ikabubuti ng kinabukasan mo, para sa akin mas maganda kung tanggapin mo ang offer na yan. Sinabi mo na nga, minsan lang sila nagbibigay ng ganyang opportunity kaya sayang kung itatanggi mo siya.”
I looked back at Mama and smiled weakly as a response bago nagpatuloy kumain.
Like a typical mother would say. Of course she wants that dahil iniisip niya lang ang kapakanan ko, ang future ko, pero…
Napabuntong hininga nalang ako at pagkatapos naming kumain, hinugasan ko ang mga plato namin bago ako dumiretso sa kwarto ko.
Noon, wala sa mga option ko na pumasok sa katabi nilang school, which is the Raven East High School dahil doon bumabagsak ang mga studyanteng hindi nakasama sa top 150 at yun na nga, madami siyang bad labels. Pero dahil sa resulta, napag-isipan kong baka pwedeng option ang Raven East. Public school siya eh at kayang-kaya namin ang tuition na hinihingi nila.
Nung nagpa-interview sila sa top 150 na estudyante, kung papasok ba sila sa Ashen West, sinabi ko ang totoo tungkol sa sitwasyon ng pamilya ko. They offered some options like pwede raw akong maging working student and other scholarships pero nakapag-desisyon ako nung araw na iyon na ibigay nalang sa iba ang spot ko at sa Raven East nalang ako papasok. Nanigurado pa sila pero buo na ang desisyon ko nun.
Nasa kwarto na ako ngayon, nag-aaral pero mayamaya, mapapatulala para pag-isipan ang desisyon ko.
Kinabukasan, papasok na ako pero wala pa rin akong desisyon. Hindi ata sapat ang 3 araw para pag-isipan ko ang desisyong ito. Sobrang nagdududa na ako mas lalo nang narinig ko ang opinyon ni Mama.
Kung dati, nagagawa kong makapag-concentrate habang nag-iisip ng desisyon, ngayon, madalas akong matulala sa notebook ko kung saan ako nagsusulat ng notes at nawawala ang isip ko. Minsan, pagtatawagin pa ako ng guro for recitation, pinapaulit ko pa yung tanong at buti kahit papaano nasasagot ko pa rin ng tama.
Nung recess time, dumiretso ako sa Student Council room and did my job. Ganun pa rin, madalas nawawala ako sa mundo at magtataka ang lahat pero I just reassure them and go back to work.
Ugh. Nakakainis naman ito. I know most of the time I’m overthinking pero ang dami kasing kailangang i-consider sa offer na iyon. Isa, itong posisyon ko dito sa Student Council, at pangalawa, Ashen West itong pinag-uusapan natin. Malaking bagay talaga iyon.
Nung natapos ang recess, sabay natapos na rin namin ang work sa Student Council, that means lunch time can be my free time.
Nung lunch na, napatigil ako sa hallway muna and somehow, napatingin ako sa direksyon papunta sa border wall. Alam ko sa sarili ko na matagal na akong hindi bumabalik doon. Siguro ngayon, parang tinatawag ako ng lugar na iyon pero problema nga lang kaya hindi ako nakakabalik… ay yung lalaking iyon.
Pero naglabas nalang ako ng buntong hininga. Bahala na. Basta gusto kong pumunta muna doon dahil kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang desisyong ito.
Pagkarating ko palang sa entrance papasok, hindi ko na kailangan tanggalin ang eyeglasses ko dahil andoon na siya, nakaupo sa wall, kung saan siya lagi.
Napabuntong hininga ako muli dahil doon pero patuloy pa rin akong pumasok at dumiretso sa picnic table, ignoring kung ano mang magiging reaction niya. Sabagay, hindi ko naman malalaman dahil malabo pa rin ang mukha niya.
Pero nagulat ako.
Nakakagulat dahil pagkapasok ko, parang sinagot ang hiling kong katahimikan nung mga oras na iyon dahil ni minsan, hindi siya nagsalita. Nakakagulat nga eh kaya ako na yung napatingin sa kanya at nagtaka. Nakita ko lang siyang nakatutok sa hawak-hawak niyang phone at dahil sa pagtataka ko, hindi ko napansin na pinansin niya ako.
“O bakit?” tanong niya.
Bahagya akong nagulat nang magtanong siya. “Wala,” sagot ko naman sabay iniwasan siya ng tingin.
He paused for a while kaya akala ko hindi na siya magsasalita nang, “You seem like you’re not busy. Wala kang mga papel na kailangang asikasuhin as the Black King?”
Hindi ko siya tinignan pero sinagot ko siya. “I’m actually busy with my mind right now.”
“Ah okay,” sagot niya naman and after nun, tumahimik siya muli.
Napaiglap na naman ako sa kanya dahil doon at napakunot ng noo. Is this really happening? Si Nathan ba yung nandyan ngayon? Yung nag-iisang lalaki na malabo sa paningin ko? I don’t want to assume now na may isa pang lalaking malabo rin ang mukha sa paningin ko pero hindi lang kasi ako makapaniwala na yung makulit at maingay na lalaki na yun ang nakaupo ngayon sa wall.
Inalala ko yung last talk namin… and sure, I know I said something harsh like treating him a stranger pero dahil ba roon, natauhan na talaga siya ng tuluyan? Ito na naman tayo eh. Nakokonsensya na naman ako.
Naglabas nalang ako ng buntong hininga. Okay, that’s it. Ako ang nakakaramdam ng awkwardness sa katahimikang ito kaya ito, magsasalita na ako.
I turned to him while still sitting at my seat and asked him, “Madami bang pasikot-sikot diyan sa Ashen West?”
Nakita ko ang pagkagulat niya sa paggalaw niya at tumingin ata siya sa akin pero hindi siya umimik. Bakit kaya? Because my question is out of the blue? Yes I know it is random pero… iniisip ko pa rin yung offer eh.
“Why did you ask?” sa tanong niya palang, alam kong nagtaka siya.
I looked away first to process the right words to say to him para hindi ko masabi ang tungkol sa offer.
“Curiosity,” seryoso kong sagot. “You know, being a student dito sa Raven East, yung exterior lang nakikita ko palagi kaya nakaka-curious kung anong itsura ng interior ng isang private or should I say, pang-mayaman na high school.”
He paused once again at tingin ko, nakatingin siya sa akin pero hindi ko alam kung anong klaseng tingin ang binibigay niya. I looked away again and tried to keep my composure para lang hindi niya ako mahalata.
“Well…” he started. “…hindi naman ganun kakomplikado ang pasikot-sikot sa loob ng Ashen West. Madami lang rooms dahil bawat member ng Campus Royalty has their own offices.”
Wow. Ngayon ko lang nalaman yun pero huwag ka nang magulat Nia. Pangmayaman talaga ang school nila.
“Ah…” sabi ko nalang. “…so, may names ba sa mga pinto ng offices ng bawat member ng Campus Royalty niyo?”
“Not necessarily names nila,” sagot naman niya. “Nakalagay lang kung ano yung mga posisyon nila sa pinto like ‘King’ or ‘Queen’ and the rest.”
“Ah okay,” sabi ko. At least ngayon alam ko na kung paano hahanapin ang kwarto ng White King nila.
“Di ba air conditioned yung school niyo?” dagdag kong tanong.
He paused again at hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, nagbago ang expression ng mukha niya bago siya sumagot ng “Oo.”
“Pero bakit mo natanong?” tanong niya naman.
I looked at him. “Mukha ka kasing naiinitan,” sagot ko while looking at his white jacket uniform na hindi niya suot kaya ang polo lang ang suot niya na pangtaas. His red necktie ay nakasabit nga lang sa kwelyo niya and two to three buttons pa ang nakatanggal sa ash gray niyang polo. “Bakit ka pa nandito? Bakit hindi ka nalang pumasok sa loob para hindi ka mainitan?”
After I said that, he started to chuckle kaya napakunot ako ng noo.
“Anong nakakatawa?” seryoso kong tanong.
“Haha wala lang,” tawa niya. “You just indirectly told me to go away, Black King.”
Nang sabihin niya iyon, bahagya akong nagulat. “You really hate me that much?” pakiramdam ko, nakangiti niya iyong tinanong sa akin.
Pero napatigil ako and looked away at him again, this time, by looking down on the floor.
“Hindi yun ang iniisip ko nang sabihin ko yun,” bulong ko at hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi.
Inikot ko nalang ang katawan ko pabalik sa kaharap kong mesa. “Nag-aalala lang,” dagdag ko pero mayamaya lang…
…nagulat ako sa sinabi ko. Oh great. Did I just say that out loud? Dapat sinabi ko ‘nakokonsensya lang’… or mas maganda na ‘nagtataka lang’. Tama. Dapat yun nalang ang sinabi ko.
“Really?” tanong niya bigla kaya napatingin ako sa malabo niyang mukha ng di oras. “Nag-alala ka sa akin?” he asked kaya ramdam ko na nakangiti siya ng nakakaloko pabalik sa akin.
Iniwasan ko nalang siya ng tingin at hindi siya sinagot. Gusto kong ikutin ang mata ko para baliwalain ang tanong niya pero hindi ko magawa at parang gusto ko pa ngang itago nalang ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi ko.
“Pero ako rin,” sabi niya bigla na ikinabigla ko.
Ano? Siya rin? Nag-aalala rin siya?
“Na-cu-curious na rin ako kung bakit ka nagtatanong tungkol sa pasikot-sikot ng Ashen West,” dagdag niya kaya parang nakahinga ako ng maluwag dahil iba ang naisip ko nang sabihin niya yung una niyang sinabi kanina.
But it took a while bago ko naproseso ang huli niyang sinabi kaya sinimulan akong kabahan.
“May balak ka bang pumunta dito sa Ashen West?” tanong niya na ikinatahimik ko.
Hindi ko siya sinagot dahil oo ayaw kong sagutin ang tanong niya pero sa tagal ng katahimikan na iyon, parang may na-realize ako bigla kaya napatayo ako sa upuan ko at naisipang,
“Oo, pupunta ako diyan sa Ashen West para kausapin ang White King niyo,” sagot ko sa tanong niya.
Hindi siya umimik kaya hinarap ko siya at binigyan siya ng seryosong tingin.
“Dapat hindi ko ito sasabihin sa iyo pero dahil sa estudyante ka ng paaralan na yan, gusto na kita sabihan para pag nandyan ako nang mga oras na yun, kalimutan natin na minsan tayong nagkakilala rito.”
I smirked at him. “You know, treating each other as strangers.”
Pakiramdam ko tuluyan siyang nagulat sa sinabi ko kaya hindi siya nakaimik so I grabbed that chance na umalis nalang at hindi na hinintay ang sasabihin niya, kung meron man siyang sasabihin.
Kinabukasan, kahit nagdadalawang-isip pa rin ako sa desisyon ko, kahit papaano, gumaan ang isip ko at nakaka-concentrate na ako sa mga lessons ngayon kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit gusto kong bumalik muli sa lugar na iyon… kahit nandoon pa ang lalaking iyon.
This time, may mga papel na akong pinagkaka-abalahan habang nandito ako sa border wall… at oo, huwag na kayong magtanong kung andito ba ang lalaking yun. Yun nga lang, tulad kahapon, ayan na naman siya sa katahimikan niya.
Pero ngayon, sinabihan ko na ang sarili ko na hindi na ako ang magsisimula ng conversation. Hahayaan ko na ang katahimikang ito para mag-isip. Bahala siya kung magsasalita siya o hindi.
“Black King,” sabi niya na ikinasira ng katahimikan pero hindi ako nakaramdam ng galit at irita. Nagulat nga lang pero hindi ako umimik kahit tinawag niya ako.
“Bakit kailangan mong pumunta sa Ashen West para lang kausapin ang White King?” tanong niya.
Naglabas ako ng buntong hininga. Hindi ako nagulat sa tanong niya because I saw it coming pero manhid ko siyang sinagot, “Wala ka na roon,” habang patuloy lang ako sa ginagawa ko.
For the first time, I suddenly heard him click his teeth kaya parang napatigil ako saglit sa ginagawa ko.
“Kilala mo ba kung sino ang White King namin, Black King?” tanong niya na hindi ko sinagot.
Gusto ko siyang sumbatan pero parang hindi ko siya masisi kung natanong niya iyon dahil baka akala niya wala akong pakialam sa Campus Royalties nila.
“His name is Naite Gomez,” sagot niya sa sarili niyang tanong. “Madami ang nagsasabi about the white mask he is always wearing. He maybe approachable and friendly on the outside but inside, he is sly and ruthless. Halos lahat nga ay takot sa kanya at sabi nila, malas ka pag makabangga mo siya. And for being a student under his position, kahit hindi ko siya nakakabangga, alam ko na hindi lang mga chismis yun.”
I arched a brow kahit nakatalikod ako sa kanya dahil sa sinabi niya. I actually know that but why is he telling me that? Parang sinisiraan niya ang White King nila.
“I’m telling you this Black King because I’m warning you,” pag-aalala niyang sabi. “Kung ano mang usapan niyo kung bakit kailangan niyong magkita, mabuti pang huwag mo na siyang siputin.”
Napatigil ako at napatahimik. Talagang napatulala ako dahil sa mga sinabi niya.
Una, hindi ko aakalain na marinig iyon sa mismong bunganga ng isang tulad niya na estudyante ng Ashen West. Pangalawa, dahil narinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Dahil doon, hindi ko alam ang sasabihin ko o kung sasagutin ko ba siya… pero napatayo nalang ako sa pagkakaupo ko at inayos ang gamit ko. Wala naman na siyang sinabi kahit paalis na ako pero tumigil din ako bago ako makatapak papasok ng school ko.
“Kahit anong sabihin mo,” sabi ko. “…I will still meet him tomorrow,” at tuluyan na akong naglakad paalis.
Kinabukasan, comes the day na pinag-agree-han namin para mag-usap muli. Somehow, after what happened doon sa border wall, parang alam ko na ang desisyon na sasabihin ko sa White King nila mamaya.
Dahil buo na ang desisyon ko, nakapag-concentrate ako sa buong araw na nagtuturo ang guro at ang mga gawain ko sa Student Council ay nagawa ko kaya hindi na ako nag-abalang pumunta muna sa border wall. Parang hindi nga halata sa akin na may laban akong pupuntahan mamaya after classes, sa mismong hawla pa ng kalaban namin.
…
I am now standing in front of the gate of their school at nakaangat ang tingin ko sa logo nila na nakalagay sa mismong taas ng entrance ng school nila. Kita ko pa nga na automatic na bumubukas ang pinto nila basta tumapak ka lang sa harapan nito.
“What do you need Black student?” tanong ng guard na nagbabantay ng gate dahil matagal na akong nakatayo sa harap nito.
I looked at him na seryoso ang mga tingin ko. “I am Nia Valencia and I came here to meet your White King.”
Bahagya siyang nagulat nang sabihin ko yun at walang sabi-sabi na binuksan ang gate para makapasok ako.
“He did mention to me about you,” sagot ng guard. “And I am tasked to lead you right to his office.”
I paused at my place sa sinabi niya at mayamaya lang, pumasok na rin at sinundan nga ang guard. Akala ko kasi ako na ang bahalang humanap ng office ng White King nila pero may tagasundo pala ako.
Pagkapasok namin sa automatic na sliding door ng paaralan nila, una kong naramdaman ang lamig ng hangin sa loob dahil sa air conditioned sa loob. At pangalawa, hindi ko na kailangang tignan ang paligid ko para malaman na lahat sila ay nakatingin sa akin with judgment in their eyes.
“Oh my gahd. Who is she?” maarteng tanong ng isang Ashen West girl student.
“Bakit may black student dito?” conyo namang tanong ng isa pang Ashen West girl.
“She’s with a guard kaya baka may kailangan siyang i-meet na Campus Royalty,” bulong naman ng isang Ashen West guy student na narinig ko. Obvious pala iyon basta pag may kasama kang guard?
Not long enough nang makarating kami sa mismong entrance ng office niya at yung guard pa mismo ang nagbukas ng pinto para makapasok ako. I paused at my place nang makita ko kung gaano karangya ang office niya. Mas lamang pa niya ang office ng principal namin. Kaunti lang ang kagamitan na kakailanganin kaya sobrang luwang niya. Kita ko agad ang mesa niya pero walang nakaupo sa upuan nito.
“The White King will be here any minute so please stay on your seat and wait,” utos ng guard kaya agad naman akong napaupo sa bakanteng couch na nakaharap sa mesa niya.
Nang gawin ko yun, agad din siyang umalis kaya naiwan akong mag-isa sa loob ng office. I took that time to look around his office at nakita ko ang picture niya na naka frame at naka hang sa wall. May nameplate pa siya sa mesa niya at kasama rin doon ang katagang “The White King”. It must be really an honor to be a Campus Royalty in this school.
Right after thinking about that, may bumukas ng pinto kaya napalingon ako, at siya ang pumasok.
“Black King,” ngiti niya. “I thought you will never come. I mean, Nia was it right?” he greeted with a smirk.
Hindi ko siya sinagot at binalikan lang ng seryosong tingin.
“Oh come on Nia. Huwag kang ma-tense. Ayaw mo ba ang office ko?” mga sabi niya habang naglalakad siya papunta sa mesa niya.
Pero hindi pa rin ako umimik at hinintay muna siyang makaupo sa upuan niya.
“You have to get use to it. Madalas kang makakapunta rito pag mag-aaral ka na rito,” he added.
At that, naglabas ako ng buntong hininga at tinignan siya. “About your offer—“
“Oh wait,” singit niya kaya napatigil ako. “I actually prepared some snacks for us to eat while we talk. Besides, I know naman that you’ll accept my offer,” he confidently said that pero diretso pa rin akong nakatingin sa kanya.
“Hindi ka na sana nag-abala,” sagot ko sa kanya. “Saka sa sinabi mo—“
Knock, knock. Napatigil na naman ako nang may kumatok sa pinto.
“Come in,” utos ni White King at pumasok ang isang lalaki na may dala-dalang tray ng mga pagkain.
Nagulat nga ako dahil sa suot ng lalaking iyon. Halatang estudyante siya ng paaralan nila pero nang mailagay na niya ang mga pagkain sa mesa,
“You may now go,” utos naman ni White King at masunuring nag-bow pa ang lalaking iyon sa harap niya na para bang katulong siya sabay lumabas siya ng kwarto.
Pinanuod ko siyang lumabas at napatingin bigla sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Pagkatapos, binigay ko naman ang mga tingin ko sa White King.
“Help yourself,” sabi niya sa akin pero naglabas muli ako ng buntong hininga.
“Busog pa ako. Salamat nalang,” diretso kong sabi.
He looked back at me after I said that and smirked again.
“Nahiya ka pa,” he commented. “Nagawa mo ngang mag-pose sa harap ng madaming photographers, kumain lang sa harapan ko nahiya ka pa.”
“Saka wala namang lason yan o pampatulog. Hindi naman kita isasabotahe,” dagdag niya pa kaya napatingin ako sa kanya… tulala.
Narinig ko ang mga sinabi niya. Narinig ko ang mga katagang iyon kaya hindi ako makasalita pero suot niya pa rin ang ngisi niya kaya parang sinasabi niya wala lang ang sinabi niya pero napatayo ako bigla sa pagkakaupo ko with my head bowed down.
“Excuse me but I need to go,” paalam kong sabi. “Naisip ko bigla na may kailangan pa pala akong puntahan.”
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at hawak-hawak ko na ang door knob nang,
“Let me guess…” he started. “…isang photoshoot ba yang pupuntahan mo?”
Napatigil ako nang marinig ko iyon. Para akong na-estatwa dahil… hindi ako nagkamali ng pandinig kanina.
“Bakit hindi ka makaimik? May bagay ba akong nasabi…” he paused. “…Ninya Valencia?”
Tuluyan akong nagulat nang marinig ko iyon at napabitaw pa ako sa door knob dahil doon. No. This can’t be. Napalingon pa ako ng ulo pabalik sa kanya when he stated my full name.
“You like things like this…” sabay may pinakita siyang larawan na galing sa bulsa niya. “…don’t you Ninya?”
Kinagulat ko nang makita ko iyon. That can’t be.
“Paanong…” hindi ako makasalita at napaatras pa dahil sa takot. He’s showing a picture of one of my photo shoots. Paano niya nalaman ang tungkol doon?
“A girl like you chose a job like this, but acts different at your school.”
He showed his true face. “You’re way too interesting, Black King.”
Gulat talaga ako pero sa panic ko, naisipan ko nalang ituloy ang pagtakas ko kanina at hawak-hawak ko muli ang door knob at iikutin na sana nang,
“Don’t even think about opening the door,” saad niya. “I hired guards to guard the door and never let you go until I told them so.”
Tinanggal niya ang white jacket ng uniform niya at sinabit sa couch na inupuan ko kanina at bago siya umupo, he looked at me. “Come over here if you want me to change my mind.”
Dahil sa sinabi niya, hindi ko na tinuloy ang pagbukas ng pinto pero hindi ko siya sinunod na lapitan siya. I stayed put on my place and faced him with a serious face.
“I knew about the façade,” saad ko. “Pero hindi ko akalain na makikita ko yan ngayon.”
“Alam ko,” he replied sabay kinuha niya ang baso sa mesa na may lamang tubig. “That’s why I’m so disappointed that you fell for this easily.” Lumawak ang ngisi niya, “I thought you would put up a better fight,” sabay uminom siya sa basong hawak-hawak niya while I clicked my teeth out of frustration.
“And besides, working as a model at the same time a Student Council in Raven East, even more as a King, I am actually looking forward kung anong magagawa mo sa Ashen West kung sakali ngang magiging parte ka ng Campus Royalty namin.”
Nagulat ako sa sinabi niya. “Sandali. Hindi ko pa sinasabi na—“
“Ito ba ang gusto mo?” singit niya bigla sabay naglabas siya ng isang briefcase at binuksan ito sa harapan ko at nagulat ako sa laman nito. “Di ba ito naman ang rason ng pagpunta mo rito?”
I paused at my place looking at the pile of money in that briefcase. Hindi ko alam kung magkano iyon sa dami, pero alam kong sobrang laking halaga yan.
“Kung hindi pa yan sapat,” dagdag niya pa and still wearing that smirk, “…then entertain me more.”
Napakunot ako ng noo while he dropped the glass of water back to the table. “Entertain?”
Nagsimula siyang maglakad palapit sa akin. “Well, in case you didn’t know, Miss Ninya. I’m the son of the most well known business owner here in our country at yun lang naman ang mga rason ng mga babae para mahulog sila sa akin.”
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin sabay hinila niya ako papunta sa kanya at pinagdikit ako sa kanya na ikinagulat ko.
“You came here because you are lured by my money.” He looked directly at my eyes. “In the end, tulad ka rin ng iba. Isa ka ring walang kwentang babae.”
Sobra akong nagulat sa mga nangyayari, mas lalo na sa sobrang uncomfortable ako sa sitwasyon namin ngayon…
…pero napalitan agad ng kaseryosohan ang mukha ko dahil sa mga huli kong narinig sa mga bunganga niya.
“Nakakaawa ka,” sabi ko na ikinagulat niya.
“All this time, ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo sa mga taong nakapaligid sa iyo? I admit na when I took the entrance exam here in CHESS school, ang aim ko ay makapasok dito sa Ashen West for all the good reviews na narinig ko noon but it was a blessing a disguise for me na hindi ko nakuha ang top 5 spot for the scholarship for free tuition dahil dumaan sa isipan kong pumasok sa Raven East. It may have a lot of bad reviews pero lahat ng iyon ay nabaliktaran simula nang mag-aral ako ng 3 taon doon, that’s why I run for the position as the Black King para malaman ng iba who are the ‘true Whites’ and ‘true Blacks’ of this school.”
I gave him my most serious stare. “I will never give up my position as the Black King, Naite Gomez. I don’t need your stupid offer.”
Hindi siya umimik after I said all those things but then, he suddenly chuckled evilly.
“You really are so…” lumaki ang ngisi niya. “…interesting.”
Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin kaya wala nang space sa pagitan namin sa sobrang lapit niya sa akin.
“I also heard that you hate guys that go around flirt with you… physically.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Pati din ang sikretong iyon? Paano niya ba nalaman iyon? Did he hire a private investigator to know all those information? Kung ganun nga, totoo nga ang sinabi ni Nathan. This guy is really sly.
Tok, tok. Sabay kaming nagulat ng White King at napatingin sa pinto dahil may kumatok pero ang mas nakakagulat…
Tok tokotok tok, tuloy niyang katok… tok BOOGSH!
Nagulat kami when someone kicked the door kaya siya bumukas. Kung sino ang nagpakita, tuluyan kaming nagulat ni White King.
He didn’t say a word at biglang nilagay ang camerang hawak-hawak niya sa kanyang malabong mukha para,
Click! Picturan kami sa kung anong posisyon namin ngayon.
“Wow White King. You helped me out today,” he cheerfully said na ikinataka naming dalawa.
“Sosorpresahin sana kita tungkol sa news na may dumaang black student daw dito pero naka lock kasi yung pinto kaya napasipa pa ako. Pero mas maganda pa ata ang news na ito White King. Pati black student papatulan mo pa talaga.”
Sa sinabi niya, napabitaw agad si White King sa akin.
“Anong ginagawa mo dito Nathan?” tanong ni White King, with his face becoming serious.
“Sinabi ko na nga White King, I have news,” sagot ni Nathan. “At sabi mo na bago namin i-publish ito sa paper natin, kailangan munang dumaan sa iyo kaya ayan. Excited kasi ako masyado kaya nasipa ko yung pinto. Just doing my job being part of the journalism club.”
Ramdam ko ang mga ngiti niya sa White King kaya napapatingin ako sa White King na seryoso pa rin ang mukha when suddenly, he smirked back at inangat ang kamay like he’s asking something from Nathan.
“Give me the camera so I can delete the picture,” utos niya kay Nathan.
“Aww, that’s so unfair for you White King. This could be big news,” sagot ni Nathan. “I just need the information of…” then he looked at me. “…this black student girl na kasama mo. Who is she? Girlfriend? You’re secretly having an affair from the other side White King?”
Nagulat ako sa sinabi ni Nathan pero napatingin ako kay White King nang maglabas siya ng buntong hininga.
“Anong gusto mong kapalit ng camera mo na yan? Name the price,” saad ni White King.
Hindi ko alam kung bakit nakatayo pa rin ako sa pagitan ng dalawang ito at dapat naisipan ko nalang tumakas. Pero naalala ko ang tungkol sa mga bodyguards na nasa labas kaya nagsimula na akong mag-isip kung paano tumakas sa lugar na ito nang,
“Ang kapalit ay utusan mo ako na i-escort palabas ang babaeng ito palabas ng Ashen West gate,” sabi ni Nathan. “Sounds good?”
…
And the next thing I knew, nakalabas na ako ng automatic nilang sliding door, kasama ang lalaking nag-iisa sa mundong ito na malabo ang mukha sa mga tingin ko.
Pagkarating sa gate, andoon muli ang guard at kinausap siya ni Nathan kaya binuksan ng guard ang gate para makalabas ako.
Nang tuluyan na akong nakalabas at narinig ang pagsara ng gate, I stood at my place na nakatalikod sa gate but I slowly turned my head to look back,
At nakita na nakatayo si Nathan at ang malabo niyang mukha at the other side of the gate. Hinarap ko ang gate nila pero wala akong sinabi and stared back at him.
Hindi ko alam ang itsura niya ngayon, but how I hope I do. Naisipan niyang bigla na tumalikod sa akin at bumalik sa loob ng paaralan while I watch him go.
Gusto ko siyang pigilan at sigawan ng pasasalamat sa ginawa niya kanina pero pag ginawa ko iyon…
Napaangat ako ng ulo at napatingin sa isang bintana kung saan, nakita ko ang White King na iyon na nakatayo doon at nakatingin sa amin pababa.
…baka malaman niya pa ang isa ko pang sikreto.