Meet the West King

3599 Words
Chapter 7 Pumasok ako ng sobrang aga sa aming paaralan at andito ako ngayon sa aking classroom, hinihintay ang unang guro naming magtuturo sa umaga. Nakaupo lang ako sa aking upuan, nakatulala habang iniisip kung anong gagawin at mas lalo na sa mga sasabihin ko pagpapasok na kami sa CHESS room mamaya, another battleground of the school. Buti naka concentrate pa ako sa mga discussions pero sinimulan na akong kabahan nang papalapit na ang time for recess. Kriiing! Tunog ng bell kaya agad ko namang inayos ang mga gamit ko at kahit hindi pa nakalabas ang aming guro sa classroom, walang sabi-sabi na lumabas ako ng classroom at dumiretso sa Student Council room. Naglalakad palang ako paroon, nakatambay na ang apat sa harap ng pintuan nito – ibig sabihin ako nalang ang hinihintay. “Pasensya na talaga kayo sa abala,” agad kong sabi nang malapitan ko sila. “Hindi ko intensyon na umabot sa ganito ang awayan na nangyari sa kanila Carl at Kevin—“ “Naku naman King,” singit ni Zairie. “Ngayon ka pa talaga nag-so-sorry na parang hindi kami sanay sa mga ganitong issue.” “Tama siya King,” sabi naman ni Caren. “Tumakbo kami sa mga posisyon ng Student Council para dito kaya andito kami para samahan ka sa lahat ng laban.” “Hindi na ito bago,” sabi naman ni Leander. “Mas magtataka pa kami kung binalewala lang ng Ashen West ang isyung ito.” “Huwag kang humingi ng pasensya King,” sabi ni Kimbrae. Bahagya naman akong napangiti sa mga sinabi nila. “I see.” Pero agad ding sumeryoso ang mukha ko, “Kung ganun, handa na ba kayo?” “Ready as you’ll ever be,” sabi ni Zairie and made way para makadaan ako. Huminga ako ng malalim at nilabas din ito at nagsimulang maglakad papunta sa CHESS room. Sumunod ang apat sa aking tabi. Pagkarating namin, agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Bumungad ang limang upuan na nakadisenyo para sa bawat CHESS positions of each school. Tumambad din ang isang transparent na glass wall sa harapan namin para makita kung anong nasa kabila ng kwarto. The color of the room is in monochrome dahil sa black and white theme nga ng katulad ng isang chess board. Hanggang sa tiles ng room, checkered din ang design. Bago pa kami makaupo, bumukas din ang pinto ng kabilang side, at bumungad ang bawat Campus Royalty ng Ashen West. Pinagmasdan ko ang bawat isa at talagang memoryado ko sila, hanggang sa mukha. Si Xavier, the White Knight. Kahit maliit siya sa height, many says he is a very athletic individual and a prideful son of a rich businessman. He can be ruthless, mas lalo na pag asarin mo ang height niya. Wahren, the White Rook. Many says he’s a real gentleman and the way he acts is really elegant for a guy like him. Ang daming babae ang nagsasabi na para siyang anghel na hulog ng langit. Oliver, the White Bishop. His appearance is intimidating dahil sa body-build niyang katawan at para siyang higante and I heard that some says he is okay pero maikli nga lang ang pasensya niya. If there’s one thing kung makakabangga mo man siya ay huwag mo siyang galitin. You’ll never know kung anong kaya niyang gawin, mas lalo na sa intimidating niyang figure. Blennie, the White Queen. She has beauty and brains but her height makes her look like a cute doll. Pag una mo nga siyang makikita, akala mo taga elementary lang but she thinks maturely and has an aura of authority since she came from one of the wealthiest family here in our country. And last but not the least… Huli siyang pumasok mula sa pinto at makita ko lang mukha niya, hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko. Naite Gomez, the White King. Sa kanilang lima, siya lang ang kabisado ko ang last name. Kung mortal enemy mo nga naman hindi mo talaga siya makakalimutan. He has the looks at makita mo palang siya, you can feel the authority surrounding him. But for me, he’s the worst of all. If I can describe him in one word: Plastic. He can act all goody-two-shoes kind of guy in front of anyone around him, pero iba sa akin. Salamat sa mata ko, I can see right through this guy. Nagsasalita sila behind the glass pero wala kaming naririnig at ganun din sa panig namin. Kahit magsalita kami rito at sumigaw, hindi rin nila maririnig. The transparent wall is sound proof at saka lang namin maririnig ang sasabihin ng nasa kabila kapag… The White King pressed a button on the table and, “Good morning Raven East Student Council,” he greeted. “Thank you for sparing this time to have a meeting with us.” Dahil sa magalang niyang sinabi ang mga iyon, ayokong magbigay ng wrong impression sa kanila and pressed the button on the table right in front of me too. “Good morning to the Campus Royalties of Ashen West too,” bati ko pabalik. “Where’s the ‘good’ in your greeting kung mukha ka namang seryoso, Black King?” pagbibiro ni Naite. “I know you’re a very serious person but lighten up Black King. Ginagawa mong intense ang first meet-up natin for this school year.” Napabuntong hininga ako and pressed my button. “Can we proceed to your concern already, rason kung bakit mo tinawag kaming Raven East Student Council? We don’t have much time. Kaunti lang ang oras ng recess namin.” Hindi nawala ang ngisi ng White King sa kanyang mga labi. “I see. Sabagay kami rin. We only have 10 minutes before the time,” habang nakatingin siya sa relo niya. “So to start, I won’t beat around the bush.” Tumingin ang White King diretso sa akin. “Kalat na nang malaman namin ang tungkol sa awayan ng dalawang estudyante niyo sa tatlong estudyante namin out in the open all because our students insulted back yours. Tama ba ako, Black King?” paninigurado niya. “Oo. Ipagpatuloy mo lang,” sagot ko. “At dahil doon, you, together with the two black students, confronted them sa Sports Bowl dahil humihingi siya ng tawad sa inyo for punching him in the face. But you insisted on asking for apology with our student first bago kayo hihingi ng pasensya namin. At dahil sa katigasan ng ulo niya, nauwi sa isang chess game having a deal na kung sino ang mananalo, siya ang unang hihingi ng tawad. And you won the game, am I right again Black King?” “Ganun na nga.” “Kung ganun,” pagtutuloy ng White King. “Hanggang doon lang ang nalaman ko. Our student na nakalaban mo sa chess reiterated na you were all so rude and didn’t apologized after the game kaya he’s asking us for this talk with you and settle this. Was he right?” I paused at sabay na pinindot ang button. “Kung sasabihin ko ang katotohanan, maniniwala ka ba?” I challenged him na bahagyang kinatahimik ng iba. Some were even startled kahit yung mga kasama ko dahil sa sinabi ko, pero hindi nawala ang ngisi sa mukha ng White King. “You know Black King, the only way to settle this issue is for you to tell the truth,” sagot niya. “Hindi ko masyadong kilala ang estudyante naming iyon pero I know you Black King. You’re a very serious person and I believe you will tell the truth.” Kahit ganun ang mga sinabi niya, hindi ako nagpadala at nagsalita. “Pagkatapos ng laro ng chess, sa inis niya, kinalapag niya ang chess board at ininsulto kami muli bago dumabog paalis. Ginawa lang namin ang gusto niya at nanalo kami sa laro pero ni salitang sorry, wala kaming nakuha sa kanya.” Diretso ko iyong sinabi at dumaan ang katahimikan bago siya nagsalita muli. “Naintindihan ko,” sabi niya pero nagduda ako roon dahil sa ngisi niya pa rin. “Dahil sa ganun, para hindi na lumaki ang gulo, tapusin natin ito tulad ng deal niyo. Hihingi kami ng tawad sa ginawa ng estudyanteng iyon pero gagawin niyo rin ang parte niyo.” Bahagya akong nagulat sa sinabi niya pero agad din akong sumagot. “Masusunod.” Pagkasabi ko nun, agad siyang nagsalita. “In behalf of that student, who played chess with you, and whatever his name is, the Campus Royalties of Ashen West Academy asks for your apology. Forgive him,” he even bowed his head to tell he’s sorry. Napabuntong hininga naman ako. “In behalf of the two students of our school, the Raven East High school Student Council asks for your apology also for causing harm to that guy for punching him in the face. Please forgive us. And, apology accepted,” hingi ko ng tawad. Ngumiti ang White King. “Apology accepted.” Nakahinga ng maluwang ang halos lahat ng katabi ko nang sabihin yun ng White King pero ako, nanatiling seryoso pa rin ang mga titig sa kanya. Kahit mukhang tapos na ang usapan, I still kept my guard up. I pressed the button. “Ngayong naresolba na ang isyu, may iba pa bang concern na kailangan nating pag-usapan?” tanong ko. Kitang-kita ko na nag-uusap sila sa kabilang panig pero pansin ko ang pagtitig ng White King sa akin at hindi ako iniwasan ng tingin kahit nakatingin ang iba niyang kasama sa kanya. He suddenly pressed the button. “I have one,” sabi niya bigla na ikinagulat naming lima, mas lalo na ako. I was startled but I kept my composure. “Ano yun?” seryoso kong tanong. Ngumisi siya bigla. “Medyo mahaba-habang usapan itong concern ko and looking at our time, mukhang wala na tayong oras pero pwede ba nating ipagpatuloy itong concern na ito sa lunch?” tanong ng White King. May punto siya. At kung concern nga talaga ito, napabuntong hininga nalang ako. Sasagot na sana ako nang, “Oh by the way,” sabi niya bigla. “Pwede nating pag-usapan ang concern na ito kahit tayong dalawa lang, Black King.” Umurong ang dila ko nang sabihin niya iyon at nagulat ang halos lahat nang sabihin niya iyon. Tinignan ko siya at kahit nakangisi siya, kita ko na seryoso ang mga mata niya. Pero kahit may transparent glass wall na nakaharang sa pagitan namin, kitang-kita ko sa mata niya na may ibig sabihin ang sinabi niya. Kinakausap siya ng mga katabi niya na sa tingin ko tinatanong siya kung anong sinasabi niya pero hindi niya sila pinansin. Nakatingin lang siya sa akin, waiting for my answer. “King?” tawag sa akin ni Zairie na halata ang alala sa boses niya. Pinindot ko ang button. “I’ll be here by lunch… na mag-isa.” … “King, may alam ka ba sa sinasabi niya?” tanong ni Zairie sa akin habang naglalakad na kami sa hallway ng paaralan namin. Naglabas muna ako ng buntong hininga. “Wala.” “Baka naman may concern talaga kayong dalawa na nakalimutan mo,” sabi bigla ni Leander. “Maniwala kayo sa akin,” sagot ko. “Sinusubukan kong alalahanin para malaman ang sinasabi niya.” Nang makarating kami sa Student Council room, “Huwag mong masamain King pero gusto kitang balain. Masama ang kutob ko sa White King nila,” pagbabanta ni Caren sa akin. “Ako rin King,” sang-ayon ni Zairie. “Huwag ka nalang kayang pumunta. Baka may kung anong gawin pa siya sa iyo.” I looked at them at naglabas ng buntong hininga. “Salamat sa pag-aalala niyong lahat pero,” I paused at binigyan sila ng seryosong tingin. “Kailangan ko siyang harapin. Kung ano mang klaseng concern yan, ihahanda ko ang sarili ko.” Tinignan ko bawat isa sa kanila at ngumiti. “Huwag kayong mag-alala. As your King, hindi ako magpapatalo.” … Dahil nakatutok lang ako sa pag-iisip sa concern ng White King at alalahanin kung ano ba yun o kung nakaligtaan ko lang ba talaga, hindi ako masyadong naka-focus buong klase ko before lunch. Kriiing! Tunog muli ng bell signalling for lunch. Kinuha ko muna ang baon ko at kinain ito bago ako dumiretso papunta sa battleground. Syempre hindi ko kakaligtaan ang pagkain dahil isa yun sa nagbibigay ng lakas sa akin… mas lalo nang isang laban itong papasukan ko. Kailangan ko lahat ng lakas na pwede kong pagkuhaan. Pagkarating ko roon, sa totoo lang, nagulat ako na nandito na siya. Inaasahan ko kasi na wala pa siya at mauunahan ko siya pero sinimulan na akong kabahan just thinking about that. I still kept my composure para hindi niya mahalata. Nang makapasok ako, napunta rin ang tingin niya sa akin at kasabay nun, ngumisi siya muli. Pero hindi ko na iyon pinansin at dumiretso sa upuan ko. Uupo palang ako, he already pressed the button at nagsalita. “Pasensya na sa abala Black King,” sabi niya. “Well kung sakaling may kailangan ka pa palang gawin.” Inayos ko muna ang upo ko bago ko siya binigyan ng seryosong tingin at hindi umimik sa sinabi niya. Kahit ganun, hindi nawala ang ngisi niya. “So ang ibig sabihin ba ng katahimikan mo ay wala talaga?” tanong niya pa. Naglabas naman ako ng buntong hininga bago siya sinagot. “Kung may gagawin man ako o wala, dapat hindi mo na pinapakialamanan yun,” diretso kong sabi. “Kung anong pinunta natin dito, yun nalang ang pag-usapan natin…” I looked at him directly at his eyes. “…pwede ba?” Seryoso pa rin ako pero sa sinabi ko, mas lumawak lang ang ngisi niya. “Hay naku Black King,” he said playfully. “You’re too serious. Do you even know how to loosen up or have fun just for a while?” Hindi ko siya inimikan sa tanong niya at binalikan pa rin ng seryosong titig. Hangga’t hindi niya ako didiretsuhin kung anong concern niya, hindi ako iimik. Naglabas siya ng buntong hininga. “Okay fine,” suko niya. Iniwasan niya muna ako ng tingin by looking around me. “Ang concern na tinutukoy ko ay hindi naman talaga tatawaging concern. If I may put it in another word, it’s actually an offer,” sabi niya na bahagya kong kinagulat. Ngumisi siya. “Kahit hindi ako minsang nakatapak diyan sa lugar niyo, balita ko ang tungkol sa paaralan niyo.” Doon na ako tuluyang nagulat at kung ano mang susunod na lalabas sa bunganga niya, pinaghandaan ko. May alam nga siya na hindi namin alam. “Pansin ko na simula nang ikaw ang naging Black King ng Student Council ng Raven East…” he paused at hindi nawala ang ngisi niya. “…mukhang bumubuti at gumaganda ang paaralan niyo.” …it took a while bago ko naproseso ang sinabi niya. Narinig ko naman pero natagalan lang dahil hindi yun ang inaasahan ko sa kanya. Pero hindi ako nagpahalata at nanatiling seryoso pa rin ang mukha ko. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. He looked around him. “Well, aware ka naman di ba na most of the time pag papapiliin ang mga estudyanteng papasok sa school natin, they always choose Ashen West compared to Raven East. Tapos pag kumuha ng entrance exam ang mga estudyante, top 150 lang ang kinukuha ng Ashen West at ang mga hindi nakapasa ay diyan sa Raven East ang bagsak…” Napaupo ako ng matuwid nang sabihin niya iyon. “…kaya people look down on your school at madami silang first impressions sa inyo. Some of them even think that you are a school of delinquents.” Hindi pa rin ako umimik. Kahit mukhang nagmamayabang siya, hindi ako tutol dahil… totoo iyon. “Alam ko that most of the students na tumagal dito ay alam ito at hindi ko ito sinasabi para magmayabang kahit alam kong alam mo naman ang tungkol doon…” He looked back at me. “Sinasabi ko lang ito dahil sa ganun nga ang history ng school niyo, somehow when you became the Black King, nag-improve ang school niyo.” Nagulat na naman ako sa sinabi niya. “Nawawala na ang mga labels niyo and some parents even consider their children to attend your school rather than Ashen West dahil doon. You should be proud of that Black King dahil lahat ng iyon ay nag-reflect sa Student Council niyo.” Gulat pa rin ako sa mga compliments na sinasabi niya because this is unusual. Being rivals, ni minsan hindi namin naisip o kahit man lang marinig ito sa mga bunganga nila kaya nakakagulat talaga. Aaminin ko, when he said all those things, I was actually flattered at gusto ko ngang ngumiti dahil sa sayang naramdaman ko pero, agad umurong ang labi ko dahil part of me nagdududa… dahil kilala ko pa rin ang kausap ko. Naglabas ako ng buntong hininga at hindi nawala ang seryoso kong mukha. “Hindi ko alam kung anong gusto mong iparating White King pero natuto na kami sa mga ganyan,” sagot ko. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero alam na namin ang mga galaw niyo kaya kahit gaano pa kaganda ang mga salitang lumalabas diyan sa bibig mo, sigurado akong may iba kang pakay kaya mo yan nasasabi.” Sumeryoso ang mga titig ko sa kanya. “Diretsuhin mo na ako, White King.” When I said those things, unti-unting sumeryoso rin ang mga titig niya pabalik sa akin at dumaan ang katahimikan sa pagitan namin na nakatitig lang kami sa isa’t isa. Pero nasira lang ito nang bigla siyang ngumiti, pero kitang-kita ko kung gaano ito kapeke. “Okay. You want me to give it to you straight?” English niya. “I’m offering you na lumipat dito sa Ashen West as one of the position in Campus Royalties.” Sa sobrang diretso nang sinabi niya, doon na ako tuluyang nagulat. Mukhang hindi ko nga na-gets eh dahil napatanong ako muli. “Ano ulit?” Ngumisi siya. “Dahil nga sa nakita naming improvement ng Raven East, we knew it was all because of the Student Council and you are one of it so I’m offering you to transfer in Ashen West as one of the position in Campus Royalties so you could help us improve too, just like what you have done to your school.” Nang ulitin niya iyon, hindi ako nakaimik. I looked at him at napalitan agad ng kaseryosohan ang mukha niya. Ibig sabihin ba nun, “Nagbibiro ka ba?” tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. Naglabas naman siya ng buntong hininga. “I know, I know. Pagdududahan mo talaga ako kaya ginawa ko na ang lahat, papers and most of the requirements you needed para makapag transfer agad dito sa Ashen West,” sabay may inangat siyang brown envelope. “Lahat nandito na at ang kailangan nalang ay ang mga personal requirements mo like the birth certificate and others.” Nagulat ako. Na-gets ko. Seryoso nga siya nang gawin niya lang iyon… pero kung kailangan nga ang personal requirements, “Kung sakaling hindi mo lang alam,” sabi ko. “Alam ko kung gaano kalaki ang tuition na hinihingi ng Ashen West at... hindi ako ganun karangya kaya diyan palang, hindi ko na tatanggapin ang—“ “Oh yung tuition fee lang pala ang problema?” singit niya bigla. “You should have said so. I’ll process your scholarship for free tuition once and for all,” sabay bigla niyang nilabas ang phone niya at may kung anong tinetext na ikinabigla ko. “So, are there more concerns?” tanong niya sabay binaba niya rin ang phone niya at tumingin sa akin. It took a while bago ako nakaimik. “Hindi ka na sana nag-abala pa sa mga papeles na iyan dahil hindi ko talaga—“ “Miss Nia,” singit niya bigla na ikinatahimik ko… dahil tinawag niya ang pangalan ko. “Huwag kang padalos-dalos ng desisyon. I’m giving you an opportunity. You should think this thoroughly dahil minsan lang kami magbigay ng ganitong opportunity. You should be lucky dahil pag nag-graduate ka sa Ashen West, there’s a higher chance na makapasok ka sa mga prestigious colleges…” “And also,” he added. “Makakatulong ka pa sa pamilya mo dahil dito. Try to talk this out to your parents first at pag-isipan mo ng mabuti.” Ngumisi siya bigla. “This is a once in a lifetime opportunity.” Dapat nagduda na ako nang ngumisi siya pabalik sa akin pero nagulat ako nang bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya. “Ilang araw gusto mo para pag-isipan mo ito?” tanong niya bigla, at tinanong niya iyon with his serious face. Binalikan ko siya ng tingin at nag-isip. “Tatlong araw,” sagot ko naman. Ngumisi siya pabalik. “Okay. Three days it is. I’ll inform the guards to give you permission na pumasok sa Ashen West.” Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya. “I’ll be waiting in my office on Friday.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD