Chess

3669 Words
Chapter 6 “We won’t let this go Raven East students,” that same guy said. “Unless you—“ “Hoy kayong dalawa!” sigaw ko kaya nakuha ko ang atensyon ng dalawang estudyante ng Raven East na ikinagulat din nila. “Ki-king?” gulat na sagot ng isang estudyante ng paaralan namin. “Bakit siya nandito?” bulong na tanong naman ng kanyang kasama at rinig mo ang takot sa boses niya. “Anong ginagawa niyo rito sa tabi ng kalye at gumagawa pa ng eksena ng ganitong oras?” seryoso kong mga tanong. Hindi sila makasagot habang nilalapitan ko sila. “King?” tanong ng isa nilang kaaway. “You’re the Raven East’s King?” tanong naman ng isa. “The ‘Black King’?” tanong ng estudyanteng nasa gitna na mukhang leader nila kaya napatingin ako sa kanila at napansin ko pa ang pasa ng isa sa kanila sa kaliwa niyang pisngi. Base sa mga suot nila, walang duda nga, taga Ashen West ang mga ito. I stood firmly facing the three of them. “Ako nga. May ginawa ba ang mga estudyante namin sa inyo?” “You’re the Black King huh. This is wonderful,” the guy in the middle smirked. “Kung sakaling hindi mo pa nakikita ang pasa sa left cheek ko, sinuntok ako ng isa sa mga estudyante mo.” I clicked my teeth out of frustration and glared at the two students behind me. “Totoo ba yun?” Napalunok silang pareho nang gawin ko iyon and even nodded both their heads obediently. Narinig kong may napabuntong hininga sa isa sa mga Ashen West students kaya nakuha nila atensyon ko. “So the rumours are true?” nang sabihin yun ng Ashen West student na nasa gitna, napatingin ako sa kanya ng di oras. “Raven East is indeed a savage place. Dinadaan lahat sa violence.” That hit a nerve on me kaya napakunot ako ng noo sa kanya. “Kung ganun, kailangan ko nang mag-isip kung anong klaseng apology ang ibibigay niyo sa akin dahil dito,” mayabang nitong sabi. “Ano ka sinuswerte?” one of our student retorted. “Bakit kami mag-so-sorry sa mga tulad niyo?” the other one said. Nang magsalita lang itong dalawa, hindi ko alam kung kanino na ako magagalit. Kung tumahimik lang sana sila… “Hoy kayong dalawa,” makamandag kong saad kaya napatingin sila sa akin sabay nagulat. “Ki~king?” nanginginig na sabi ng isa. I’m giving them my death glare. “Bakit hindi nalang kayo humingi ng tawad para matapos na ito? Talaga bang gusto niyo ng gulo?” “Pe~pero King…” nanginginig na sabi naman ng isa. “Ano?” seryoso kong tanong at hindi pa rin tinatanggal ang makamandag kong mga tingin. “Si-sila…” natatakot namang sabi ng isa. “Bakit sila? Kayo ang nanuntok sa kanya kaya bakit hindi nalang kayo humingi ng tawad? Mga baliw lang ang nanununtok ng tao dala ng galit nila!” Nagsimula akong manermon sa dalawa, ignoring the fact kahit nandito pa ang mga kaaway namin at madaming taong nanunood sa amin pero naputol lang ito nang, “Mukhang wala itong patutunguhan ngayon,” sabi ng Ashen West student na iyon kaya napatigil ako at nilingon sila. “Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin ito. Maghihintay kami sa Sports bowl at kung hindi kayo darating o kahit manghingi man lang ng tawad sa amin,” he gave us a serious look but he’s smirking at us. “…alam niyo na ang maaaring consequences being us the rival schools. Remember, we are from Ashen West Academy. We’ll wait for your apology,” sabay nagsialisan silang tatlo. Pinanuod ko silang umalis na seryoso ang aking mga tingin. Sa lahat pa ng pwedeng mangyari sa ngayong gabi, ganitong eksena pa talaga. Pero tama sila. Dahil sa taga Ashen West sila, wala kaming magagawang mga taga Raven East kundi, “Hoy kayong dalawa,” seryoso kong sabi kaya napatigil sila agad sa pagtakas nila mula sa aking likod. Akala nila hindi ko mapapansin? “Meet me at the Student Council room at lunch time. Kung hindi kayo darating doon, kahit dalawang minuto lang kayo late,” I turned my head to them. “You know the consequences,” I glared at them. “Eeii. Ye~Yes King,” natatakot na saad ng isa. “Ye-yes. Absolutely Ki~King,” saad ng isa. “Kung ganun, maaari na kayong umuwi,” at pagkasabi ko nun, mabilis silang tumakbo paalis na parang may humahabol sa kanila. I watched them go at napansin ko rin na isa-isang umalis ang mga tao sa paligid namin. Naglabas muna ako ng buntong hininga just to let out my frustrations at nagpatuloy maglakad paalis para makauwi. Dapat hindi na ako magugulat sa mga ganitong eksena mas lalo nang isang buwan palang ang nakakalipas nang magsimula ang school year pero bad timing talaga ang sitwasyon ngayon. Pagod ako at gusto ko lang naman magpahinga kaya hindi niyo ako masisisi kung nagawa kong takutin ang dalawang Raven East students na yun. I am known in my school sa mga tingin ko. Ever since I can remember, when I became the King, ang mga estudyante sa Raven East ay nakukuha sa isang tingin ko lang. Minsan dadaan muna sila sa aming Knight for being known as our ‘disciplinarian’ pero pag matigas talaga ang ulo nila, ako ang bumabahala sa kanila. Pagkarating ko sa bahay, I greeted my mom first pero agad akong dumiretso sa kwarto ko at walang sabi-sabi na humiga sa kama ko. Hay, what a long day… and tomorrow will be another.   Nandito ako ngayon sa border wall doing paper works, the usual pero this time, kahit papaano, mabuti nalang at wala muna ang lalaking iyon para makapag-isip-isip muna ako. Kailangan ko ang katahimikang ito ngayon para sa magaganap mamaya. Pero hindi ko alam kung bakit lagi nalang ako pinapatunayan ng paligid ko na mali ako dahil oo, dumating siya. Rinig ko muli ang pag-akyat niya sa wall pero… at least may isa silang hindi napatunayan dahil hindi nagsalita ang lalaking iyon pagkarating niya. Kaysa sa gawin ko ang cue ko pag darating siya, wala akong ginawa at nanatili lang sa aking lugar. Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Oo gusto ko ng katahimikan pero iba naman ito dahil ramdam ko na nagiging awkward na ang katahimikang ito. Siguro dahil hindi ako sanay na hindi siya nagsasalita? Malay. “Nabalitaan ko…” biglang sabi niya na kinabasag ng katahimikan na kinagulat ko rin. “…may gulong nangyari sa Raven East at Ashen West kagabi. Andoon ka pa nga raw eh.” Gulat ako dahil nagsalita siya bigla pero sa sinabi niya, pinakinggan ko lang iyon dahil sanay na ako na mabilis kumalat ang balita mas lalo na pag tungkol sa isang gulo sa pagitan namin. “Anong gagawin mo as the Black King?” tanong niya bigla. Hindi ko siya sinagot at ginawa nalang ang cue ko at umalis sa lugar na iyon without leaving a word. Alam ko kahapon pa ako nakokonsensya dahil sa kanya pero kaya ko nagawa na huwag siyang pansinin kanina dahil… …baka pagsabihin ko sa kanya, baka sumali siya sa gulo nang hindi ko alam.   Pagdating ng lunch time, una pa talagang dumating ang dalawang estudyante, that caused the ruckus yesterday, sa Student Council room na ikinagulat ko. “Ang aga niyo ah,” sabi ko at kasabay nun, automatic na tumayo ang dalawa sa kanilang mga upuan. “Ye~yes King. Just like what you said yesterday,” the other student said obediently. “We will always follow what you said King,” sabi naman ng isa that made me wonder… maybe I was really too harsh at them yesterday. “Huwag kayong masyadong tense. Hindi ko kayo kakainin ng buhay,” sabi ko naman while walking to the chair and sat on it while facing them. “Names,” simple kong saad. “Carl po,” he replied. “Kevin,” sabi naman ng isa. “Nakakain na ba kayo?” “Hi~hindi pa,” nanginginig na sagot ni Carl. Nagtaka naman ako. “Bakit? Wala kayong lunch?” “Sa~sabi mo kasi King…” nanginginig na sagot din ni Kevin. “…na we have to be here in two minutes ka~kaya wala na kaming oras para kumain.” I said that? Naglabas ako ng buntong hininga. “I didn’t really mean that. Pagod lang ako kahapon kaya nasabi ko iyon,” sabi ko naman. “Kung ganun, may dala ba kayong baon o kailangan niyo munang bumili sa canteen?” “Ah hayaan niyo na King. Lagi kaming nagbabaon,” Carl shyly smiled. “Yeah. No need to worry,” Kevin shyly smiled also. “Kung ganun, let’s eat habang sasabihan ko kayo what to do once we meet the Ashen West students mamaya. Habang kayo naman,” I take off my glasses first before I looked at them both directly at their eyes. “You two will tell me the truth kung ano talaga ang nangyari nung gabing yun at kung bakit kailangan niyo pa talagang gumawa ng eksena.” “Ye-yes King, masusunod,” reply naman agad ni Carl. Sinabit ko muna ang glasses ko sa aking ribbon sa leeg at nagsimulang kumain. Habang nagsusubo kami ng pagkain, “We were just on our way home dahil lagi kaming sabay umuwi ni Kevin nang mapadaan kami sa isang store na may nakadisplay na isang chess board. Namangha lang ako sa itsura because I really wanted to play chess nang bigla silang dumating,” Carl narrated. “Nakikitingin lang kami pero bigla siyang nagmayabang at sinabi na pagmamay-ari raw ng pamilya niya ang store na iyon at wala daw kami sa lugar para tumingin man lang,” Kevin narrated. “Ininsulto niya kami at tinawag pa kami na basura kaya…” “…kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na suntukin siya,” tuloy ni Carl. “Pasensya na King. Napadala talaga ako sa galit ko.” Nilunok ko muna ang aking nginunguya bago ako napapikit ng mata. If I can see through anything, kaya ko ring malaman kung nagsisinungaling ang isang tao o hindi when I look directly at them and no doubt, these two are telling the truth. Kinuha ko ang glasses ko at sinuot. “Kung ganun, bilisan niyong kumain para matapos na ang gulong ito.”   Pagkarating namin sa Sports Bowl, naglalakad kami palapit sa tatlong estudyante na iyon, those same Ashen West students na nakabangga ng dalawa kahapon. Nakaupo sila under a picnic table with an umbrella on it. Since we’re long rivals, ang Sports Bowl na ito ay isang lugar dito sa school that I call a ‘battleground’. Nahati rin siya na mukha talagang chess board at pansin nga that some of the picnic tables here have no umbrellas on it while some have. Understood na kung kanino ang may mga umbrellas habang sa amin ang mga wala. “So you three finally came,” sabi ng leader nila. “So without further ado, yang dalawang lalaki sa likod mo, asaan na ang apologies nila?” The two boys behind my back clicked their teeth out of frustration when they heard that. “I’ve been looking forward kung paano niyo ipapakita sa akin na nagkamali at nagkasala nga kayo sa akin.” They let out their frustrations by turning away their heads from him at bumulong pa ang isa ng “Asa ka pa,” and not giving a damn about him. “O ano ito?” sabi niya. “Hindi ba pumunta kayo rito para manghingi ng tawad?” The two still ignored him habang tahimik pa rin ako sa lugar ko habang tinitignan ang lalaking kaaway namin. He suddenly let out a sigh. “Ito ang rason kaya ayaw ko makipag-usap sa mga walang kwentang black students na tulad niyo,” saad niya and stood up at his place. “You gave me no choice. How about we continue this in the CHESS room to settle this argument? Total, kasama niyo naman na ang Black King niyo,” at nagsimula siyang tumalikod at handang maglakad na paalis. “’Walang kwentang black students na tulad namin’, ang sabi mo?” tanong ko na bigla niyang ikinatigil sa lugar niya. “I see. So our students are not lying na tinawag mo nga silang mga basura noong gabing iyon.” Napansin ko that he was startled when I said that at napalingon pa nga siya sa akin. “Dahil sa ako ang Black King, walang problema sa akin na ituloy nga natin ito sa CHESS room. Pwede mo pang ikalat ito sa buong paaralan dahil anong bago sa mga ganitong mga bagay being us the rival schools, pero…” This time, I gave them my most serious look. “…sa sitwasyon natin ngayon, dapat kayo ang unang humingi ng tawad sa amin.” Nagulat silang tatlo sa sinabi ko and he even clicked his teeth. “Ba-bakit ko gagawin yan?” stammering he said. “Sila ang nanuntok.” “Oo nanuntok sila,” sagot ko naman. “At hihingi kami ng tawad pero nagawa nila iyon dahil ininsulto mo sila. Nakikitingin lang sila behind a glass in your precious store at wala silang ginagawang masama para sabihan mo sila ng ganun. Kahit kayong mga taga Ashen West ay lamang man sa aming mga Raven East sa madaming aspeto, wala kayong karapatan na insultuhin at maliitin kami kaya we demand an apology now.” Nagulat ang dalawang lalaki sa likod ko habang nagsimulang kumunot ang noo ng lalaking kaaway namin nang sabihin ko yun, pero hindi ko inaakala when he smirked at us. “Ridiculous,” komento niya pa. “Mga basura nga talaga kayo. Good thing I came here prepared.” Bahagya akong nagulat sa sinabi niya when he just snapped his fingers at biglang naglatag ng isang chess board ang kasama niya sa picnic table na ikinataka naming tatlo. “Kung ganun ang gusto niyo, why won’t we settle this with a chess game?” he proposed na ikinagulat namin. “Chess game?” nagtataka kong tanong. “Yup. Kung sino man ang matatalo sa larong ito, siya ang unang manghihingi ng tawad sa isa sa atin.” Well that’s… okay I guess. “Kayong dalawa,” I said at automatic silang sabay na nag-reply at binigyan ko sila ng tingin. “May marunong ba sa inyong dalawa maglaro ng chess?” Nagtinginan muna sila sa isa’t isa. “Hi-hindi ko pa nasubukang maglaro niyan King,” sagot ni Carl. “Ako rin King,” sagot naman ni Kevin. “Namangha lang kami sa chess board na naka display nung isang gabi at gusto nga naming matuto dahil doon.” I see. Binalik ko ang tingin sa kaharap namin. “Ikaw ba King? Marunong ka?” tanong naman ni Carl. Hindi ko muna siya sinagot. “What’s wrong? Mukhang wala atang marunong sa inyo,” mayabang na sabi ng leader nila. “I don’t mind telling the rules of the game first para lang may makapaglaro lang isa sa inyo.” Naglabas ako ng buntong hininga. “Hindi na kailangan,” sabi ko habang naglalakad ako palapit ng picnic table. “Kung tama ang alaala ko, nakapaglaro na ako nito noong elementary pa ako. Yun ang una at huli kong laro pero alam ko pa ang rules at naalala ko pa ang moves ng bawat chess piece,” sabay umupo ako sa picnic chairs. “Since ikaw ang white, ikaw ang unang gagalaw.” He was a bit startled when I said that last sentence dahil seryoso ako na alam ko pa nga ang rules ng larong ito. He made the first move when he moved the white pawn at kasabay nun, nagmayabang siya muli. “Gusto ko lang sabihin sa iyo na isa ako sa mga pinakamagaling na chess player. Ako ang laging pambato ng Ashen West dahil palagi akong number one in any chess tournament.” Pinupunasan ko ang eyeglasses ko habang nakatingin ako sa chess board at sinuot ko din ito sabay I made a move with the black pawn. “O tapos?” sabi ko like I don’t give a damn that startles him. “Sinasabi ko sa iyo ito Black King because I could be a bit considerate to go easy on you since you mentioned matagal ka nang hindi naglalaro nito.” “You don’t really have to,” sabi ko naman and looked directly at his eyes. “Seryoso akong tao at lahat ng bagay ay sineseryoso ko kaya seryoso ako when we demand an apology first.” He clicked his teeth and looked back seriously at me. “Kung ganun, paano ako matatalo kung seseryosohin kong makipaglaro sa—“ Napatigil siya when he saw the chess pieces in the board na parang may mali sa galaw niya. He was speechless at parang hindi siya makagalaw muli and looked intently at the chess pieces. “Anong nangyayari? Natatalo na ba siya?” bulong ni Carl kay Kevin. “Mukhang marunong nga si King maglaro ng chess,” bulong pabalik ni Kevin. Matagal na nakatitig lang sa chess board ang kalaban ko, while I am on my seat waiting for his move. “Hindi ko alam kung kaparehas ng lunch time namin ang lunch time niyo pero malapit na magtime at wala nang oras,” I looked intently at him. “Pwede kang magresign para matapos na.” He clicked his teeth again. “Ba-bakit ko gagawin yun?! Hindi kami basta-bastang nagpapatalo sa mga tulad niyo!” mayabang niyang saad at ginalaw niya bigla ang white pawn para kainin ang black queen na ikinangiti niya ng tagumpay. “Hah. Saan ka ngayon,” he commented na ikinabahala ng dalawang estudyante sa likod ko. I closed my eyes to think it through. That wasn’t a bad move, pero… I opened my eyes to look at him at ginalaw ang black knight near the white king because, “Checkmate,” seryoso kong sabi sa kanya. He let his King off guard kaya natalo ko siya. Hindi siya makapagsalita after that. “Na-nanalo si King?” hindi makapaniwalang sabi ni Carl. “Nanalo siya. Nanalo siya Carl,” masayang sabi ng dalawa at parang nag-celebrate pa sila sa saya. “Now mister,” seryoso kong sabi. “Rules are rules. Nasaan ang aming apology? Before we do say ours.” Blagsh! Bigla niyang kinalabog ang mesa kaya nawala sa ayos ang chess board. “Hindi ako papayag! Kahit nanalo kayo, mga walang kwenta pa rin kayo! I’m just wasting my time here!” padabog niyang sabi and walked away himself. Inayos pa nga ng isa niyang kasama ang chess board bago sila sumama sa kanya. “Hoy teka!” sigaw ni Carl. “Hindi pa kayo humihingi ng—“ Pinigilan ko siya. “Hayaan mo na sila. Huwag na kayong dumagdag pa sa gulo.” “Pe-pero King—“ “Bumalik nalang tayo dahil malapit na ang time for the next subject,” utos ko at hindi na sila muling umimik.   Habang naglalakad kami sa hallways, “Kayong dalawa,” sabi ko kaya tumigil kami at automatiko muli na, “Yes King?” sabay nilang sagot. “Sana magsilbing aral itong nangyari sa inyong dalawa na huwag kayong magpadala sa mga galit niyo para gumawa lang ng eksena, mas lalo na sa mga taga Ashen West,” sabi ko. “Yes King,” sagot ni Carl. “Hindi na po mauulit,” sagot naman ni Kevin. “Good. Maaari na kayong bumalik sa mga classrooms niyo,” utos ko at tumalikod sa kanila. “Uhm King,” tawag ni Carl kaya napatigil ako at nilingon sila. “Salamat sa tulong mo,” sabi ni Carl. “Oo nga. Ikaw ang the best King para sa amin,” sabi naman ni Kevin. Nagulat ako sa sinabi nila. “At least alam na namin kung kanino kami hihingi ng tulong,” sabi ni Carl. “Oo nga. Maaasahan ka talaga King,” sabi naman ni Kevin. Sa mga sinabi nila, napangiti ako ng di oras. “Walang anuman,” sabi ko na ikinagulat nila. “Shacks bro, ngumingiti si King,” bulong ni Carl. “Nanaginip ba ako? Minsan lang mangyari ito di ba?” bulong pabalik ni Kevin. “Ano yun?” seryoso kong tanong. “Ah wala King. Babalik na kami sa classroom namin,” sagot naman ni Carl at agad silang naglakad paalis. Pinanuod ko nalang silang dalawa hanggang sa wala na sila sa paningin ko, pero kaysa magpakasaya ako sa nangyari nga kanina… Pagkatapos ng classes namin, dumiretso ako sa Student Council room namin. “Can I have the attention of everyone?” sabi ko agad pagkapasok ko at lahat ng nasa Student Council room ay napatingin sa akin. “Bukas, gusto kong maghanda kayo para makipag-meet sa Campus Royalty ng Ashen West sa CHESS room.” Lahat sila ay nagulat nang sabihin ko iyon. “Bakit King? May nangyari ba?” tanong ni Zairie. Bago ko pa maipaliwanag ang sarili ko, Boogsh! The door suddenly opened at dumating si Knight na humihingal. “King, mabuti at nandito ka,” humihingal na saad ni Caren. “I just received some news na ang Campus Royalties ng Ashen West will meet us tomorrow at the CHESS room at recess time.” Nagulat muli ang iba habang ako naman ay naglabas lang ng buntong hininga when I heard the news. Ito na nga bang sinasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD