Chapter 5
Nandito ako ngayon sa Student Council room, gumagawa ng paper works, pero ever since that time, hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang nangyari kanina lang.
"I am suffering from amnesia," he just bluntly said na ikinagulat ko.
Ano? I gave him back a confused look. "Yun yung emergency na tinutukoy mo?" nagtataka kong tanong.
“Yup,” sagot niya naman.
I paused at my place pero hindi pa rin matanggal ang pagkalito sa mukha ko. Yun ang malupit na sikretong pinakahihintay ko?
“Bakit mo sinabi yun sa akin?”
"Well, you seem like a kind of person na pwede kong sabihan ng sikreto," he replied.
What? Anong klaseng…
"How’s that even an emergency?” I rebutted. “Saka paano naging sikreto yan? Ano ngayon kung malalaman ng ibang tao kung may amnesia ka?"
Napatahimik siya sa mga tanong ko na iyon. Nakuha niya ba punto ko? Paano naging isang sikreto ang isang tao na may amnesia? I’m even surprised na aware siya na meron nga siyang amnesia. O di kaya... there was silence first bago ako naglabas ng buntong hininga.
"That's not all right?" tanong ko.
He paused at his place, bago ko rin siya narinig mapabuntong hininga.
"Haha you're sharp Black King," he cheerfully said. "Well since sinabi ko yun sa iyo, I was thinking that maybe you could help me about it."
Bahagya akong nagulat sa sagot niya dahil sinabi niya iyon ng diretso… pero binalikan ko din siya ng seryosong tingin.
"At tingin mo papayag ako?" I said while crossing my arms.
"Oo. Kasi mabait kang tao," diretso niya namang sagot.
Hindi ako umimik at mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya.
"Uhm, is that a yes?" kabado niyang sabi.
Binalik ko ang tingin sa kaharap kong mesa at inayos ang mga gamit ko.
Tumayo ako at nilingon siya. "You wish," sagot ko at tuluyang naglakad paalis.
"O come on."
Anong iniisip ng lalaking yun? Some students find me intimidating and hard to approach pero siya, may ganang humingi pa ng pabor? He's really… something.
"Uhm Ki-king," may tumawag sa akin kaya ako bumalik sa katotohanan at napaangat ng ulo.
"Yes Rook?" I'm talking to Kimbrae.
"Uhm ano kasi… uhm…” kabado niyang sabi. “Uhm kasi…”
Which reminds me…
“Ah oo nga pala. Di ba may concern ka na gustong sabihin sa akin nung isang araw?” tanong ko. “Ano nga pala dapat iyon?”
“Ah yun. Uhm…” she’s stuttering that made me raise an eyebrow to her.
“Ah Ki-King kasi ano… medyo uhm nag… nagkaproblema doon sa computation ng accounts," nayuko siya dahil sa kaba. "Hindi nag-a-add up ang mga numbers."
Napakunot agad ako ng noo nang sabihin niya iyon. "Anong ibig mong sabihin?" seryoso kong saad.
She was startled dahil sa ginawa ko at nanatiling nakayuko dahil sa hiya.
“Don’t tell me may mga nakaligtaan ka na naman na accounts? Or sadyang lagi ka kasing tinatamad mag-compute at nawala mo ang ibang mga resibo?”
She is still looking away from me. “Ga-ganun na nga. Pasensya na King.”
Naglabas ako ng buntong hininga. "Hay Kimbrae. Halika rito. Tutulungan kita habang may oras pa ako," sabi ko sa kanya at kahit natakot siya sa akin, hindi na siya nagdalawang isip na kumuha ng upuan at tumabi nga sa akin.
Habang tinutulungan ko ang Rook namin, nag-vibrate bigla ang phone ko kaya kinuha ko ito at tinignan. Nagulat akong may makitang isang message na galing kay Ma’am Lani. Patago ko itong binuksan para tignan ang message.
Hi Ninya. Meron na naman akong nakuhang raket. Game ka ba? ^^
Naglabas ako ng buntong hininga at nireplayan si Ma’am sabay binulsa ang phone.
“Sorry pero pwede bang bilisan natin?” tanong ko kay Rook.
“Bakit King, may kailangan ka na namang gawin?” tanong ni Kimbrae.
“Oo eh pero makakahabol pa ako basta tapusin lang natin ito agad,” sagot ko.
“Sige King,” sagot ni Kimbrae.
We did all we can para maging tama ang computation namin at tamang mga numero ang nilalagay namin sa finance records namin. In the end, hindi pa rin nag-a-add up kaya namomroblema na ako dito dahil kailangan ko nang umalis.
“Ano ba naman ito,” reklamo ko na.
“Sige na King kahit mauna ka nang umalis,” sabi bigla ni Zairie kaya kami napatingin sa kanya.
Nginitian niya ako. “Kahit kami nalang ang tutulong kay Rook para sa finance records. Baka ma-late ka pa sa kailangan mong puntahan.”
Napabuntong hininga naman ako. “Salamat Queen. Pasensya na. Kailangan ko talagang puntahan ito—“
“Don’t be King,” sagot naman agad ni Caren. “Kaya na namin yan.”
I paused before I nodded as a reply. “Thanks Knight.”
Agad ko namang inayos ang gamit ko at bago pa ako tuluyang makaalis, “Pag hindi pa rin nag-a-add up Rook, i-text mo nalang ako baka makatulong ako mamayang gabi—“
“King,” singit naman ni Leander kaya napatigil ako at napatingin sa kanya. “Time is running. Ma-la-late ka na.”
“Oh right,” sabi ko naman in my realization. “Sige. Salamat talaga,” paalam ko at kanya-kanya naman silang nagsabi ng mga paalam nila sa akin bago ako tuluyang umalis.
Pagkarating ko sa studio, agad ko namang ginawa ang trabaho ko at nung break time ulit,
“Hey Ninya,” bulong sa aking tainga kaya nabulabog ako ng di oras at hinarap kung sinong gumawa.
“Na-nathan,” I stammered. “Sheesh. Akala ko kung sino.”
“Don’t worry babe. Itong gwapong ito lang ang gagawa nun sa iyo. Don’t expect anyone.”
Bwiset. Napangiti ako ng pilit. “Ah ganun ba? Teka pinalakasan ba nila ang aircon dito? Kasi ang hangin sobra,” I answered full of sarcasm.
“But that’s the truth,” sagot niya naman.
Truth? Ni hindi ko nga alam kung anong itsura niya dahil sa kalabuan ng mukha niya.
Napabuntong hininga nalang ako. “Pwede ba Nathan, huwag ka nga lapit ng lapit sa akin. I already rejected you kaya pwedeng sa iba nalang?” sabi ko sa kanya. “I’m not interested in you.”
“Alam ko babe but may I remind you what I said to you that last time…” he said at ayan na naman siya sa kalandian niyang lumapit sa akin. “…I won’t stop till I make you mine babe. Remember that.”
“Okay crew. Let’s get back to business,” announce ni direk.
“So I’ll see you Ninya,” malandi niyang saad sabay lakad paalis.
I made a face while watching him go. This sucks. Nailalabas ko ang pagiging maldita ko sa harap niya eh sa pagkakaalam ko, I only do that when I’m Nia. Argh. Paano ko ba siya mapapalayo sa akin? What should I do?
After the photo shoot, nagbihis na ako back to my casual clothes pero I’m still dressed as Ninya. I decided to go home like this and while I was walking out of the studio,
“Ninya sandali,” tawag niya na naman kaya napatigil ako.
Alam niyo, sa irita ko sa kanya, dapat hindi ko siya pinansin at tumakbo nalang paalis pero… hinarap ko pa rin siya, wearing a fake smile.
“O bakit na naman Nathan?” pilit kong ngiting tanong.
“Aalis ka na?” tanong niya.
Ay hindi, hindi. Gusto ko lang talagang maglakad paalis ng studio kasi trip ko. Bwiset. Anong klaseng tanong yan?
Napabuntong hininga nalang ako. “Look Nathan, ano bang kailangan mo?” tanong ko.
“Well, kung aalis ka na tara sabay tayo,” alok niya.
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya at bumalik muli ang pilit kong ngiti pero kung nakikita niya lang sana, sobrang pilit siya dahil pinipigilan ko lang ang sarili ko.
“Hindi na. Ang sa pagkakaalam ko hindi parehas ang paradahan ng jeepney natin kaya huwag na. Baka maabala pa kita,” full of sarcasm I said again.
“Sigurado ka? Ayaw mo ba akong makasama babe?” mga tanong niya.
Pilit pa rin akong nakangiti pero any minute now, baka sumabog ako ng di oras sa mga sinasabi niya.
“Pwede bang huwag mo akong tawaging babe? Hindi ako baboy,” sagot ko still with the pilit na ngiti.
“Okay sige. Nakakasawa na rin kasi ang babe,” sabi niya naman. “Anong gusto mong tawagan?”
“Wala. Dahil wala namang namamagitan sa atin,” sagot ko.
He paused at his place while his fuzzy face is facing me.
“Okay then…” bigla na naman siyang lumapit. “…how will I make you mine Ninya?” he huskily asked.
Bwiset. Nararamdaman ko na naman ang dapat hindi ko maramdaman… pero kanina, pinag-isipan ko talaga kung anong gagawin ko para lumayo siya sa akin… at ito lang naisip ko.
“Okay sige,” ngiti kong sagot. “I’ll be yours.”
Nagulat siya sa ginawa ko sabay napalayo.
“Talaga?” hindi niya makapaniwalang tanong.
“Yup,” ngiti ko pa rin.
“Wow. That was easy.”
“I’ll be yours kapag niligawan mo lang ako,” sabi ko naman agad.
He paused again. “Ligaw?”
“Oo. Kapag liligawan mo ako, then I’ll be yours,” ngiti kong sagot.
He paused at his place at hindi nakaimik. Wala eh. Ito lang naisip ko. Why not give in nalang tayo sa mga pakulo niya… tapos sa huli—
“Pfft hahahaha,” tawa niya bigla na ikinatigil ko.
Okay? What’s funny this time?
“Oh Ninya,” he said between his laugh. “What are you even thinking?”
Hindi ako nakaimik sa reaksyon niya.
“Ligaw? Pssh. That’s out of my vocabulary. I’m a playboy you know and I don’t do that. Not because I’m interested in you doesn’t mean gagawin ko kung anong gusto mong mangyari.”
Nilapit niya ang malabo niyang mukha sa akin. “Don’t get your pride up Ninya. I have my ways to swoop down a girl. And that is out of the question.”
Nagulat ako sa sagot niya.
“Anyways, I’ll be going. Thanks for the talk. You always have your way para tumawa ako Ninya,” he said sabay naglakad siya paalis.
I paused at my place dahil doon and I felt my hand clenched into a fist. Dapat sa huli, babawiin ko iyon para saktan ang ego niya, pero nakalimutan ko pala kung anong tipong lalaki siya…
…and I should have known, tatawanan lang ako ng isang playboy kung sinabi ko iyon. That’s why I hate them.
I walked away papunta sa paradahan ng jeep ko habang nagdadabog. Bwiset. I hate this feeling. I felt like yung ego ko ang nasaktan dito.
Well then, pride up pala hah? Makikita mo rin ikaw na playboy ka.
Kinabukasan, ever since that day, pumupunta pa rin ako sa border wall pero ang ginagawa ko, kapag darating na siya,
“Hi Black King,” bati niya pero hindi ko siya pinansin, tumayo sa aking upuan, dinala ang mga gamit ko para makaalis sa lugar na iyon.
“Uy teka lang Black King…”
Hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi o kung may sinabi man siya dahil wala na akong pakialam doon.
Days went on at laging ganun ang nangyayari. Pupunta ako sa lugar na iyon consistently everyday pero once darating siya, it's like my cue na ayusin na ang mga gamit ko at umalis ng lugar na iyon. Hindi ko alam kung aware ba siya that I am ignoring him dahil consistent din siya na kulitin ako at tanungin ako ng paulit-ulit na parang sirang plaka. Bahala talaga siya diyan. Basta pag tuwing darating siya, aalis ako. I don’t want to see him. Tumayo ako agad sa inuupuan ko nang biglang,
"Wait. Don't go," biglang sabi niya na ikinagulat ko. "Please..." he begged. "…sabihin mo naman sa akin kung bakit biglang hindi ka nalang namamansin. Kung ano man ang nagawa ko sayo, please. I'm all ears."
Sa mga sinabi niya, tumigil ako sa ginagawa ko. At least aware siya na hindi ko siya pinapansin, pero kung gusto niya talagang malaman... I turned my head to him and gave him one of my stares that I do pag galit ako o di kaya naiirita…
I gave him my death glare.
"Stay away from me, stranger."
Hindi ko alam sa malabo niyang mukha kung nagulat ba siya sa ginawa ko pero alam kong napatigil siya at tuluyan akong naglakad paalis pabalik sa classroom ko.
Kinabukasan, bumalik ako sa lugar na iyon but didn't bothered to check the place if he's there at umupo sa aking lugar. I'm sure natauhan na ang lalaking iyon at hindi na yun babalik dito.
But just right after that thought of mine, narinig ko agad ang pag-akyat niya sa pader. Nagulat talaga ako dahil mali pala ang iniisip ko... pero naglabas nalang ako ng buntong hininga. Huwag ka nang magulat Nia. Mukhang nakalimutan mo na ata na siya ang pinakamakulit na lalaki na nabuhay sa mundong ito kaya hindi mangyayari ang iniisip mo. Kahit kakarating ko lang rito, ginawa ko pa rin ang cue ko na ayusin ang ilang gamit na nilabas ko.
"Don't bother fixing your things," bigla niyang sabi kaya napatigil ako sa ginagawa ko. "Aware na ako kung bakit hindi mo ako pinapansin."
At that, hindi ako makagalaw sa lugar ko at buti nalang nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya nakikita ang mukha ko ngayon dahil deep inside me, I started to panic thinking... na baka nahalata na niya ang disguise ko as Ninya. Minsan hindi ko na makontrol galit ko eh.
"I know I'm being annoying and that irritates you and I know that since ikaw ang Black King, you're just following the rules."
Nang marinig ko iyon, para akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwang.
"I promise hindi na kita kukulitin ngayon," he said. "Just please, stay. I won't make a sound at hahayaan kita sa katahimikang gusto mo."
After he said that, napaupo ako pabalik ng di oras. I can hear the sincerity in his voice kaya napaniwala niya ako.
Dumaan nga ang katahimikan sa pagitan namin. Mabuti nalang kahit papaano, sinusunod ng lalaking ito ang mga sinasabi niya ngayon.
"Uy this is my jam,” sabi niya bigla that startled me at kinabasag ng katahimikan. "Pwede bang kahit kumanta lang? Isang kanta lang naman eh."
Syempre gulat ako dahil naniwala na naman ako na tatahimik nga siya na mukhang hindi naman at dapat umalis nalang ako dito agad pero bakit hindi yun ang nangyayari?
Because in my mind, tinatanong ko ang sarili ko... kumakanta siya?
"Okay. Silence means yes," sagot niya agad sa sarili niyang tanong.
I heard him hum first bago siya nagsimulang kumanta.
(Music he’s singing: "Stranger" by Secondhand Serenade)
"Turn around, turn around and fix your eye in my direction, so there is a connection. I can't speak, I can't make a sound to somehow capture your attention, I'm staring at perfection..."
"...take a look at me so you can see how beautiful you are..."
I heard his lyrics clearly and...
"You called me a stranger, you say I'm a danger but all these thoughts are leaving you tonight..."
I turned my head a bit. Let's just say, somehow, the way he sings want me to truly look at him pero…
“…I’m broke and abandoned, you are an angel making all my dreams come true tonight…”
Napansin niya ata ang paglingon ko kaya nagulat ako at agad iniwasan siya ng tingin at hinarap pabalik ang ulo ko sa harapan ko. I even heard him chuckled na parang kinahiya ko. Ramdam ko nga ang pag-init ng pisngi ko… at hindi ko alam kung bakit.
“I’m confident but I can’t pretend I wasn’t terrified to meet you, I knew you could see right through me…”
When he sang that part, an idea came to me kaya napatanggal ako ng glasses ko and using my 360 degree vision...
"...I saw my life flash right before my very eyes and I knew just what we'd turn into, I was hoping that you could see..."
"...take a look at me so you can see..."
...napanuod ko siyang kumakanta kahit nakatalikod ako. Wala siyang instrument na tinutugtog pero nakasuot siya ng earphones. I think the song is playing in his ears at sinasabayan niya iyon.
"You called me a stranger, you say I'm a danger but all these thoughts are leaving you tonight. I'm broke and abandoned, you are an angel making all my dreams come true tonight..."
At this part that he is singing...
"Take a look at me so you can see how beautiful you are...Take a look at me so you can see how beautiful you are...Take a look at me so you can see how beautiful you are..."
Hindi ko alam kung bakit tatlong beses niyang inulit yun pero without him knowing, napangiti ako sa ginawa niya dahil kahit kumakanta siya, kita pa rin na makulit talaga siyang tao.
"You called me a stranger, you say I'm a danger but all these thoughts are leaving you tonight. I'm broke and abandoned, you are an angel making all my dreams come true tonight."
He ended at that part kaya bumalik ako sa katotohanan at nakita ko siya behind my back kung paano niya tanggalin ang earphones niya sabay inikot ang ulo sa akin bago siya nagsalita.
"Thanks for staying Nia."
Nagulat ako sa sinabi niya, pero bumalik lang ako sa katotohanan nang narinig ko siyang tumalon pababa ng wall kaya napalingon ako, still without my glasses on, kaya I was able to look through the wall at nakita siyang naglalakad paalis habang hawak-hawak ang cellphone niyang nakakabit pa rin ang earphones.
Pinanuod ko siya through the wall hanggang sa nawala siya sa aking paningin. Binalik ko rin ang tingin ko sa kaharap kong mesa at sinuot muli ang glasses ko pero sinimulan akong makonsensya, at hindi ko alam kung bakit.
The rest of the day in school at that time, hindi ako nilubayan ng konsensya ko dahil lang sa nangyari kanina. Iba talaga ang nagagawa ng makulit na lalaking iyon. Yeah he’s right. He has his way to swoop down a girl at siguro isa ito, ang atakihin ang konsensya ng isang babae.
Napabuntong hininga nalang ako. After school, naglalakad na ako papunta muli sa aking studio dahil may raket na naman ako. I think I am just over exaggerating my view on him. Siguro kahit papaano, let’s try and give him a chance. Baka may rason lang talaga siya kaya siya isang playboy...
Napatigil ako sa lugar ko dahil sa nakita ko. Alam niyo naman na magkatabi lang ang Ashen West at Raven East kahit magkaribal kami di ba? Malamang, dahil sa ganun, lagi kong nadadaanan ang Ashen West every time pupunta ako sa studio o di kaya uuwi ako and right there, sa mismong harapan ko, I saw him once again, this time... kissing with another girl wearing the uniform of the same school as him.
Tulala ako sa kanilang dalawa at hindi ko alam kung napaiglap ba ang lalaking iyon sa akin kaya tumigil siya sa halik at tinulak agad ang babae paalis sa harap niya.
"What's wrong baby? Why did we stop?" malanding tanong ng babae sa kanya at napatingin pa sa lugar ko.
At that, agad sumeryoso ang mukha ko and didn't say a word and continued to walk pass by them.
"Ugh, Raven black student," komento ng babae with disgust.
I ignored that comment and kept walking by. Mabuti nalang, kahit papaano, malabo pa rin ang mukha niya kaya hindi ko masyadong nakita kung paano sila naghalikan.
Sana hindi niyo na ako masisi na sabihin ko rin ito… he's really disgusting.
Sa trabaho ko as a model, I always keep my composure and retain my personality whenever I portray as Ninya para hindi mahalata ang disguise ko pero nang makita ko ang lalaking iyon sa work ko ngayon, ngayon lang gumuho ang masayahin kong mukha kaya napapatalikod ako sa kanya at uukit ang pandidiri sa mukha ko. I ignored him that whole time na nasa trabaho ako but he wasn't aware... kasi busy siya sa madaming babae.
Teka, ito kaya ang rason kung bakit siya lang ang lalaking malabo ang mukha sa paningin ko? Dahil siya ang lalaking nakakadiri para sa akin? Kung ganun, mission accomplished. Yun lang pala ang dahilan eh. Malaking bagay talaga itong mga mata ko.
The next day, at that same quiet and peaceful border wall, I came right in time and sat on my seat. This time, medyo magaan ang work load ko kaya naisipan ko munang magbasa ng libro for past time. Naudlot nalang ang pagbabasa ko nang may narinig akong tumatakbo sa kabila ng pader at agad siyang umakyat ng pader. Aware ako sa nangyayari pero hindi ko tinanggal ang tingin ko sa aking libro.
"Nia..." he said between his breath pero kahit tinawag niya ako, hindi ko siya pinansin.
"...kung ano mang nakita mo kahapon, please..." he said and then he paused... but then he suddenly sighed. "Okay fine, I'll tell you myself. I'm a playboy and I go out with a lot of girls and had fun with them pero huwag mong isipin na—"
Wumpth. Napatigil siya when I suddenly closed the book I am reading.
"Why are you explaining yourself?" seryoso kong tanong.
Hindi siya nakaimik pero nang tumayo ako from my seat, doing the usual thing I need to do pag dumating siya, sinagot niya naman ang tanong ko agad.
"Wait. I'm explaining myself to you because I think..." he paused. "...you deserve to know."
Bahagya akong nagulat sa sagot niya. I deserve to know? What? Bakit ang isang tulad ko deserving to know na isa siyang playboy? Is he explaining himself para hindi mag-iba ang tingin ko sa kanya?
Well sorry nalang siya…
"Then let me reiterate it to you," I turned my head to him and gave him my glare again. "You're a stranger to me and I have nothing to do with you, playboy ka man o hindi."
Napatigil siya sa lugar niya when I said that habang tuluyan naman akong umalis ng lugar na iyon.
Kahit ganun, kinabukasan, I didn't expect too high na hindi babalik ang lalaking iyon at matatauhan siya pero ilang araw na din ang lumipas na hindi siya bumalik sa border wall. Teka, this time, natauhan na talaga siya?
O shacks. Dapat magsaya tayo ngayon. At last, tatahimik na rin ang mga oras na pumupunta ako rito. Wala nang makulit at madaldal na lalaki ang babalik rito. Makakamtan ko na rin ang katahimikang inaasam ko at makakarelax na rin ako. Sa wakas, babalik sa dati ang rason kung bakit ako pumupunta sa lugar na ito...
Pero sa lahat ng mga iniisip ko na ito, andito nga ako, nakaupo pero nakatulala sa papel na nakalapag sa mesa. Pakiramdam ko, iba ang pinapakita ng mukha ko ngayon. Parang hindi ako nagsasaya ngayon dahil hindi na siya bumabalik. Bakit ganun? Napahigpit pa ako sa hawak-hawak kong ballpen dahil sa tanong ko ngayon.
Bakit parang nakokonsensya ako sa mga sinabi ko sa kanya? Was I too harsh?
Tapos na ang klase at dumiretso ako muli sa studio para sa aking trabaho pero hanggang doon, dala ko pa rin ang miserable kong mukha dahil lang sa realization ko kanina. At saka para sa kaalaman niyo, wala rin siya kanina sa trabaho kaya mas lalo lang akong nakonsensya.
Kagagaling ko lang sa work and I am dressed up as Nia right now walking home para makapagpahinga. Nakakainis naman ito. Pagod na ako tapos dumadagdag pa sa isipan ko ang lalaking iyon. Kailangan ko bang mag-sorry? Pero kailan naman babalik ang lalaking iyon sa lugar na iyon?
Naudlot lang ang pag-iisip ko nang makuha ang atensyon ko sa isang crowd. A commotion must be happening pero tulad nga ng sinabi ko, hindi ako pakialamera sa mga ganitong sitwasyon mas lalo nang pagod na ako at gusto ko nalang umuwi sa bahay para magpahinga.
I was about to walk pass by the crowd when,
"Kayo ang nauna," sigaw ng isang tao galing sa crowd. "At hindi dahil taga Raven East kami, pwede mo na kaming insultuhin!"
That one phrase stating the name of my school caught my attention sabay napatigil na rin ako sa aking lugar at napalingon sa crowd.
"We're just stating the facts black students," another guy said.
Napatakbo naman ako to the crowd. No, this can't be happening. Sa ganitong oras pa talaga?
"Excuse me po. Padaan po," I said habang sumisiksik ako in between the people para lang makarating sa gitna.
Pagkarating ko, nagulat ako dahil tama lang ang hinala ko.
Bakit pa sa ganitong oras pa nila naisipang mag-away?