Chapter 4
Kinabukasan, mabuti nalang at maaga pa rin akong nakarating sa school kahit hindi ako masyadong makatulog ng mabuti kagabi.
“Just so you know Ninya… you’re interesting. And I won’t stop until I make you mine.”
Bwiset. Iniling ko agad ang ulo ko maalala ko lang iyon. Nakakainis talaga ang lalaking iyon. Mabuti nga na hindi niya nahalata ang disguise ko pero akala ko pag ni-reject ko siya lulubayan niya na ako?! Argh. Bakit kasi nagka-interest pa siya sa isang tulad ko?! Nakakainis namang lalaki yan!
Pagkarating ng recess, papunta na ako sa border wall nang maalala ko ang nangyari nung isang araw sa lugar na iyon. Just great. Dahil sa kanya na naman. Nakakabwiset na.
Pero ano ngayon? That’s my spot kaya pupunta ako roon kahit sa anong gusto ko. Pagkarating ko sa entrance, tinaas ko agad ang eyeglasses ko sa aking ulo to see right through the wall para lang ma-check kung nandoon ba siya. Wala naman siya sa kabila pero kahit ganun, hindi ko alam kung bakit na-stuck ako dito sa entrance. I have the signal na pwede na akong pumasok pero ang utak ko ay naglalaban. Hindi ko magawang pumasok dahil baka dumating siya ng di oras. Bakit kasi nakarating pa ang lalaking iyon dito?
I can’t decide for myself not when napansin ko with my peripheral vision na may padarating na tao sa kabila ng wall. Hindi ko pa suot eyeglasses ko eh. Agad akong nag-react and quietly went away from that place. Hindi ko alam kung siya ba talaga yun o kung sino pero mas mabuti nalang umalis. Basta sigurado akong Ashen West student iyon dahil teritoryo nila iyon.
Sa sumunod na araw, lunch time na at naglalakad na ako papunta roon. Pagkarating sa entrance, pinasadahan ko muli ang lugar para lang siguraduhin na walang kahit sinong tao, at mas lalo na ang lalaking iyon. Kahit madami akong tanong sa kanya tungkol sa malabo niyang mukha, isa pa rin siyang estudyante ng Ashen West kaya dapat hindi ko siya kakausapin.
Tinanggal ko muli ang aking eyeglasses to check behind the wall at nakahinga ng maluwang nung nakita kong wala nga siya roon. Dumiretso ako sa picnic table at ginawa ang dapat kong gawin.
...
“Nia was it, right?”
Nabulabog ako at napalingon sa nagsalita ng di oras. Oh great. Andito na naman siya.
“Hi. Nathan pala sakaling nakalimutan mo,” dagdag niya. “Salamat pala dun sa bola nung isang araw, kahit tinapon mo siya sa mismong mukha ko.”
Hindi ko alam kung anong itsura niya ngayon, kung nakangiti ba siya o kung ano mang expression ng mukha niya dahil walang nagbago sa kalabuan ng mukha niya.
“So you actually always go here huh?” tanong niya.
Hindi ako umimik and gave him back a cold face at binalik nalang ang tingin sa kaharap kong mga papel.
“Pero bakit hindi ka pumunta rito kahapon? Busy ka?”
Hindi ko siya muling inimikan. Bahala siya. Basta ako, hinding-hindi ko isusuway ang number one rule.
Pero yun nga lang, if there’s one thing about a person that I really hate the most ay ang hindi nakukuha sa isang salita: in short, makulit. At itong lalaking ito, ganun siya. Hindi siya tumigil magtanong at kulitin ako para lang makuha ang atensyon ko at sagutin siya. Hindi ko alam kung nananadya ba siya pero naubos na naman ang pasensya ko tulad nung isang araw kaya nilingon ko na naman siya. Bahala na. Basta wala lang makahuli sa akin na kinakausap siya.
“Hindi ko alam kung bago ka ba sa school na ito o ano pero kung hindi mo alam na base sa patakaran ng paaralan natin ay bawal mag-usap ang mga taga Ashen West sa aming mga taga Raven East hangga’t may emergency. Kaya kung ayaw mo ng gulo, pwede bang umalis ka nalang at huwag mo akong kausapin?!”
Nagulat siya when I said all those things pero agad ko rin siyang iniwasan ng tingin at binalik ang atensyon sa ginagawa ko. Sana naman matauhan siya.
“Wow. You’re so fierce Nia. I like girls like that,” he suddenly commented na bahagyang kinagulat ko.
But I ignored it immediately and even rolled my eyes behind him. What a real playboy.
“Alam ko ang tungkol doon. Fourth year na kaya ako at matagal na akong nag-aaral sa school na ito,” dagdag niya pa.
“Kung ganun, leave. Mamaya may makahuli pa sa atin,” pagbabanta ko without turning my head towards him.
“Pero ayaw ko eh,” sagot niya naman. “This place looks so peaceful at ang sarap tumambay dito. Bakit, pagmamay-ari mo ba ang lugar na ito?”
I gritted my teeth out of frustration sa sagot niya pero hindi ko pinakita iyon. Bwiset. Kumukulo na ang dugo ko sa kanya.
Pero bahala na. Dahil sa sinabi niyang mukhang peaceful ang lugar na ito, no doubt I agree with him about that and I’m sure alam niya ang ibig sabihin nun kaya tatahimik siya di ba? Di ba?
“Oo nga pala, naalala ko lang,” sabi niya na kinasira ng katahimikan. Just great. Nakakabwiset. “Di ba sabi mo kanina pwede kitang kausapin as long as may emergency?” tanong niya.
Hindi ako umimik pero nagtaka ako sa tanong niya. Sinabi ko iyon?
“Kaya ito, kinakausap na kita dahil emergency na kailangan kitang makausap,” sabi niya na ikinagulat ko sabay napalingon ako sa kanya ng di oras.
“Anong klaseng emergency?” seryoso kong tanong sa kanya.
“Di ba ikaw ang ‘King’ ng Raven East? You’re the ‘Black King’ right?” binalikan niya ako ng tanong na bahagya kong ikinabigla pero agad ding sumeryoso ang mukha ko.
“What about it?” Hindi na ako magtataka kung alam niya. Eh ako nga kilala ko ang buong Campus Royalties nila.
“Nothing really,” casual niyang sagot.
“Nothing? Sabi mo may emergency? May nagawa ba ang Raven East against you Ashen Wests again?” tanong ko.
“Again? Kakasimula lang ng school year, ‘again’ talaga sinabi mo,” sabi niya.
Naglabas naman ako ng buntong hininga.
“Kung talagang matagal ka nang nag-aaral diyan sa Ashen West, dapat hindi na bago sa iyo ito. We are long rivals kaya pag may interaction ang dalawang sides, there will always be conflict,” binalik ko ang tingin sa mga kaharap kong papel. “Tulad nalang ng pag-uusap natin ngayon.”
“Ooww. Ouch Black King. That was harsh. Ang sakit nun ah,” he jokingly said pero sa komento niyang iyon, I rolled my eyes again.
“But nothing really happened between sa inyo at sa amin,” finally, sinagot niya rin ang tanong ko. “I just really want to know you better Black King to know the weakness of your school.”
When he said that, gulat na gulat ako and for a minute, parang nanigas ako sa kinauupuan ko.
Pero nang maproseso ng utak ko ang sinabi niya, walang sabi-sabi na inayos ko agad ang mga gamit ko ng di oras at tumayo sa picnic table ready to leave the place, without leaving another word to him.
“Uy grabe hindi ka naman mabiro,” he suddenly said. “I was just kidding. Why are you so serious?” tawa niya pa.
Hindi ko alam kung bakit but when he just said that, somehow tumigil ang katawan ko na umalis pero nanatili akong tahimik.
“I’m not even part of the Campus Royalties kaya why would I care,” dagdag niya pa.
I paused at my place bago ako nagsalita.
“Alam ko ang mga salitang yan,” seryoso kong sagot.
Hindi siya nakaimik pabalik.
“Hindi mo kailangang nasa Campus Royalties niyo para mapabagsak mo kaming mga Student Council dahil simula nang mag-enrol ka sa school na ito, you are already part of it. Hindi ka man kabilang sa mga highest ranking CHESS, but the chess game have his pawns also. Alam kong seryoso akong tao kaya hindi biro ang sinabi mo. I am the Black King and I will do my best to protect my school from any Ashen West students like you.”
Hindi ko siya nilingon kaya hindi ko alam kung anong itsura niya ngayon at hindi rin lang naman malalaman sa kalabuan ng mukha niya, pero hindi siya umimik. It took a while bago ko naisipang maglakad muli paalis at iniwan ang lugar na iyon.
Sa sumunod na araw, andito na ako muli sa paaralan at habang nakikinig sa turo ng guro, iniisip ko kung babalik pa ba ako sa border wall ngayon. Napatingin pa ako sa labas ng katabi kong bintana habang nag-iisip.
Bakit ko nga ba kasi hindi naisip yun? They could use their pawns para talunin ang high ranking student bodies of each school ng di oras if we are not careful. I don’t know why pero I’m grateful for that guy for giving me the warning.
Mayamaya, naglabas ako ng buntong hininga and made my decision that day na hindi muna bumalik sa lugar na iyon. Sa Student Council room muna ako at doon ko gagawin ang lahat ng kailangan kong gawin as a King.
The next day... nasa harapan muli ako papasok sa border wall. Tinanggal ko muli ang glasses ko to look through the wall again at ngayon, wala siya muli kaya agad akong umupo sa lugar ko at nakagawa ng ilang bagay like doing the papers and some homeworks at nang matapos ko ang mga iyon, nagbasa ako. Habang nagbabasa ako, nakuha ang atensyon ko nang narinig ko ang pag-akyat niya sa wall.
"Uy, andyan ka na pala," sabi niya. "Bakit wala ka kahapon?"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagbasa ng libro ko.
"Ano yun, may schedule ka tuwing pupunta ka rito?" tanong niya pa.
Hindi ko pa rin siya pinapansin.
"Uy Black King tinatanong kita o. Pansinin mo naman ako," but I continued to ignore him. Bahala siya diyan. Kausapin niya ang hangin.
“Uy malapit na magtime Black King hindi mo pa rin ako pinapansin. Sige na ah.”
“…”
“Ah alam ko na,” sabi niya in his realization na kahit papaano nakuha niya pakikinig ko pero nakatalikod pa rin ako sa kanya.
“Kinikilig ka lang talaga kaya hindi ka makasalita noh Black King?”
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Ano raw?
“Huwag muna Black King. Huwag ka munang kiligin kaya sige na please,” kulit niya pa.
Hindi pa rin ako umimik. Bwiset. Kita niyo na ang sinasabi ko? Ang kulit di ba? Iilan lang yan sa pambwibwiset niya sa akin.
Nang mahagilap ko ang relo ko at nakita ang oras, agad kong sinara ang libro ko and started to fix my things.
“Ay, aalis ka na?” ignorante niyang tanong.
Malay ko sa iyo. I left that place without saying a word to him.
Sa sumunod na araw, bumalik pa rin ako sa lugar na iyon kahit nasa isip ko na darating pa rin ang lalaking yun. Dumating ako na wala pa rin siya kaya ginawa ko ang kailangan kong gawin at pag natapos ko iyon, magbabasa ako ng libro para pampalipas oras.
“Uy Black King,” saad niya bigla na kinagulat ko pero hindi ako tumingin sa kanya at hindi tinanggal ang mga mata sa aking libro.
“Andito ka ulit. Akala ko hindi ka darating dahil hindi mo ako pinansin kahapon,” sabi niya.
Anong akala niya, dahil nandito muli ako ngayon papansinin ko na siya?
“So kamusta araw mo?” tanong niya sa akin.
What? What kind of question was that? Syempre hindi ko siya sinagot.
“Eeii ano ba Black King. Bakit hindi mo pa rin ako pinapansin?” kulit niya.
“…”
“Sige na kasi ah Black King. Ano bang gusto mong sabihin ko para kausapin mo lang ako?”
Tumigil ako sa pagbasa after I heard that from him pero hindi ko tinanggal ang mga mata ko sa librong hawak ko. Madali lang naman sagutin yun eh… kung tumahimik at tumikom lang ang bibig niya—
“Sorry,” he suddenly said… na ikinatigil ko di oras.
Nagulat ako at hindi niyo ako masisi dahil rinig ko ang sincerity sa boses niya nang sabihin niya iyon.
“Maling biro ata ang lumabas sa bibig ko nung mga oras na iyon,” dagdag niya pa. “I should have known that you will take it seriously.”
Hah? Ano raw? Teka, bakit siya nag-so-sorry?
“Anong sinasabi mo?” tanong ko bigla ng di oras…
…at doon ko lang na-realize ang ginawa ko. Oh great. Napadala ako ng curiosity ko ng di oras. Umiwas ako agad ng tingin sa kanya.
“Ikaw hah Black King,” sabi niya bigla. “Kailangan ko lang pala magdrama sa iyo para pansinin mo ako.”
“Tsk,” I clicked out of frustration. Napadala lang ako okay?!
“Anyways, sasagutin ko nalang tanong mo,” sabi niya. “I was talking about nung sinabi ko sa iyo na hinahanapan kita ng weakness as the Black King. That was all a joke. I really don’t have any bad intention Black King.”
Okay, I heard that. Even so, he gave me a heads up and I should still be careful sa gagawin ng lalaking ito. Magdududa pa rin ako sa mga galaw niya.
“Sadyang ang hirap lang talaga kasing sabihin sa iyo yung emergency na gusto kong sabihin,” dagdag niya pa na kinagulat ko.
So meron talagang nangyari na hindi ko alam as a King? Sige. Bahala na. Kung problema yan dahil sa rivalry between our school, no doubt kailangan nga iyong pag-usapan.
Naglabas ako ng buntong hininga at nilingon siya. “Ano ba kasing klaseng emergency yan? Bakit mo pa kasi pinapatagal?” mga tanong ko.
Nakaupo pa rin siya sa border wall pero, his body turned towards where I am at parang nilalapit ang ulo sa akin na parang may gustong bulungin kahit ilang metro ang layo namin sa isa’t isa.
“I have a secret to tell you,” mahina niyang sabi pero sapat para marinig ko.
Nagulat ako sa inasta niya. Kahit malabo ang mukha niya, the way he said it, parang malalim nga na sikreto itong sasabihin niya. Napadala ako ng curiosity ko ng di oras at parang sinubukan ko pang ilapit ang tainga ko sa kanya nang hindi umaalis sa upuan ko.
I don’t know what expression he gave on his face but he just bluntly said,
“I am suffering from amnesia.”