Runaway

4484 Words
Chapter 19 Umuwi akong dumating sa aking kwarto na umiiyak. Kahit nandyan si Mama, hindi niya napansin ang pag-iyak ko. Pagkaupo ko sa aking kama, konting iyak lang tapos mayamaya, tumigil rin. Naiyak ko na kasi. Naiyak ko na ang walang hiyang ginawa niya para hindi irespeto ang moral code ko. Alam ko parang bata kung umasta ang may moral code na ibibigay lang ang una mong halik sa taong mahal mo kasi alam ko sa sarili ko na naniniwala pa rin ako sa true love… na makilala ko rin ang taong nakatadhana sa akin hanggang kamatayan. Maybe one day reality will hit me na hindi yun totoo pero masama na bang umasa? Kasalanan ko bang NBSB ako (No Boyfriend Since Birth)? Kasalanan ko bang walang lalaking lumalapit sa akin para umamin? Ang dami kasing nagsasabi na seryoso akong tao at mukha akong ‘snober’ kaya ang hirap ko raw lapitan. That’s why I tried to change. Nagmukha akong may dual personality dahil ganun ako when I am Ninya… Siguro nga sadyang ang picky ko lang kasi madami naman nang lumapit sa akin when I am Ninya pero ang hirap kasi kung may mga ganito kang mata na kaya mo nang basahin ang taong kaharap mo kaya umasa nalang ako. Umasa at naniwala sa concept ng true love. Umasa na may taong magmamahal sa akin ng buo at totoo, kaya sa kanya ko ibibigay ang first kiss ko. Pero lahat na ata yun, ninakaw na ng di oras. Maalala ko lang ang kanina, doon ko na naramdaman ang guilt, na para bang wala akong karapatang umiyak kung pag-uusapan natin ang nangyari kanina. Tulad nga ng sinabi ko, hindi ako ang nasampal, hindi ako ang na-reject… nasaktan lang ako sa ginawa niya kaya yun lang ang dapat iniyakan ko. Eh siya, ano na kayang nararamdaman niya pagkatapos kong gawin iyon lahat? ... The coming Monday of next week, “King!” tawag ni Queen kaya saka lang ako bumalik sa katotohanan at napatingin sa kanya. “Zairie,” sabi ko nalang. Naglabas siya ng buntong hininga. “Hindi na ako magtatanong kung okay ka lang ba kasi mukhang hindi ka pa rin okay,” sabi niya. Hindi naman ako nakaimik pabalik pero hindi na rin ako nagulat sa sinabi niya. “Ayaw mo ba talagang pag-usapan Ate Nia?” tanong ni Zairie full of sincerity. Napatingin ako sa kanya at napatingin sa iba naming kasama dito sa Student Council room, which is si Knight lang na mukhang nakikinig din sa amin. Napayuko naman ako at hindi pa rin natanggal ang pighati sa aking mukha. “Hindi kasi ganun kadali,” sagot ko naman. “Masyado kasi talaga siyang personal.” “Ayaw mo bang ilabas man lang kahit kaunti?” sabi naman ni Caren kaya kami ni Zairie ay napatingin sa kanya. “Ang alam ko kasi mas nakakatulong iyon.” Napatingin ako saglit kay Caren but looked away naman agad. I know that. In every problem, kailangan talagang ilabas iyan dahil ang mga tao ay parang isang baso at ang tubig na nilalagay sa basong ito ay ang mga nangyayari sa buhay. Kapag napuno iyan, kailangan mong maglabas para malagyan muli, yun nga lang… sa sitwasyon ng isang tao, kailangan mong alamin ang pinaka magandang paraan para nga ilabas ito. Napatingin ako sa dalawa at napa-isip. Silang dalawa ba dapat iyon? Can I really trust them? Napabuka na ako ng bibig nang, “Sorry I’m late,” sabi bigla ni Leander pagkapasok niya kaya kaming tatlo ay bahagyang nagulat. “I mean kaming dalawa pala,” dagdag niya. “Nadaanan ko si Rook kaya magkasama kami.” Sumunod naman si Kimbrae na kinakalikot ang cellphone habang may nginunguyang bubble gum. “Okay lang,” sabi ko nalang kaya sila napatingin sa akin. “At least kompleto na tayo ngayon,” sabay binalik ko nalang ang tingin ko sa kaharap kong papel. That answers it. Hindi ito ang tamang oras.   Pagkatapos ng klase namin, pauwi na ako dahil wala naman na akong kailangang asikasuhin as a King. Gusto ko na rin kasi magpahinga. “King sandali!” tawag sa akin bigla kaya napatigil ako at lumingon sa tumawag. Tumatakbo palapit si Zairie sa akin at humihingal siyang nakarating sa harap ko. “Queen,” sabi ko. “King, pwede bang mag-request?” tanong niya. I paused. “Ano yun?” “Pwede bang gawin mong vacant ka sa Saturday this weekend?” Bahagya akong nagulat. “Bakit?” Napahawak muna siya sa kanyang batok. “Gusto sana kasi kitang imbitahin lumabas diyan lang sa XXX mall.” I paused again. “Bakit Queen? May kailangan ba tayong gawin at bilhin?” “Haha hindi naman King,” ngiti niyang sagot. “Ikaw talaga. Hindi na ba pwedeng mag-alok para mamasyal lang and have fun?” Hindi ako nakaimik pabalik. She’s inviting me to hang out? “Hayaan mo King. Libre ko dahil ako nag-imbita eh,” dagdag niya. I paused at my place at saglit na pinag-isipan ang sasagutin ko sa kanya bago nga ako nakasagot. “Can I think about it?” tanong ko sa kanya. “Ah sure. No prob King. No rush. May Tuesday, Wednesday, Thursday and Friday pa naman. Hehe,” ngiti niyang sagot. “Thank you though Zairie,” sabi ko naman habang may ngiti sa aking labi. She paused after I said that sabay napahawak siya muli sa batok niya. “Oo naman Ate Nia,” parang nahihiya niyang sagot. “Ah sige King. Una na ako. Bye-bye. See you tomorrow,” paalam niya waving goodbye. I just waved back and watch her go first. Nang mawala na siya sa paningin ko, unti-unting nawala ang ngiti ko at bumalik ang pighati sa aking mukha hanggang sa makauwi ako sa bahay. Hindi na naman ako nakapunta sa border wall sa araw na ito. Kinabukasan, nang makarating ako sa Student Council room, medyo busy kaming lima dahil sa dami ng gawain. Hindi ako na-remind ni Zairie about sa alok niya but I understand na mawawala talaga iyon sa isip niya dahil sa dami ng ginagawa namin. Pero nung Miyerkules, first thing in the morning, pagkarating ko sa Student Council room, andoon na si Queen at agad sinabihan ako sa mga kailangang gawin pero pagkatapos agad nun, “King…” dagdag niya kaya ako napatingin sa kanya. Nginitian niya ako. “…yung alok ko hah? Huwag mong kalimutan. Sabihan mo lang ako.” I smiled weakly back at her after she said that. “Siguro by Friday may masasagot na ako,” sabi ko. “Ah. Okay King,” ngiti niya pa rin sabay bumalik siya sa kailangan niyang gawin as the Queen. Ganun din ang ginawa ko.   Those last two days, hindi pa rin ako nakapunta sa border wall. Nung Huwebes, pagkarating ng lunch time, sa Student Council pa rin ako nakatambay ngayon. Kaming tatlo muli ni Queen at Knight ang naiwan sa kwarto at tahimik na ginagawa ang kanya-kanyang responsibilidad. It was a bit awkward at first because I can feel that, pero nasira din ito. “Ah alam ko na,” sabi bigla ni Queen in her realization kaya napatingin kami ni Knight sa kanya. “Caren, may gagawin ka ba sa Saturday this weekend?” tanong ni Zairie sa kanya. Bahagya akong nagulat dahil doon. “Wala naman,” sagot ni Knight. “Bakit?” “Kasi inimbita ko si Ate Nia na lumabas sa XXX mall. Gusto mong sumama?” imbita agad ni Queen. Caren paused at her place after that at bahagyang napatingin pa sa akin at parang pinag-isipan ang dapat niyang sasagutin. “Gusto ko lang kasing maiba. Palagi nalang tayong trabaho ng trabaho dito sa Student Council ni hindi man lang tayo mag-bonding outside of school,” dagdag ni Zairie. “Sige,” sagot naman ni Knight. “Punta ako. Text mo lang ako kung saan banda sa XXX mall.” “Talaga?” sayang saad ni Zairie. “Yehey. O ikaw nalang King ang hindi pumapayag.” Bahagya muna akong nagulat sa sagot ni Caren kaya parang napatingin ako sa ibang direksyon para mag-isip. “Ah pero no pressure King,” sabi ni Zairie. “Naalala ko pa rin yung sinabi mo kahapon kaya take your time lang. Hehe,” ngiti niya. I weakly smiled again and nodded my head as a response.   Here comes Friday at… hindi ako nakatapak sa border wall kahapon. Madalas pa rin na papasok akong mukhang pagod pero pagkarating ko sa Student Council room nung umaga na iyon, kompleto na ang apat at kanya-kanyang busy sa kanilang mga ginagawa. We talked to each other kung kinakailangan pero nang 5 minutes nalang before the time of our first class, we wrapped things up first at paalis na papunta sa aming mga classroom pero nang mapansin kong huling lalabas si Zairie at Caren, “Sandali lang Queen at Knight,” sabi ko kaya napatigil sila at napatingin sa akin. “Ano yun King?” tanong ni Zairie. I smiled at her… weakly. “Payag na ako. Let’s hang out tomorrow.” … Andito na ako sa XXX mall sa oras na 9 ng umaga tulad ng pinag-usapan namin sa isang group chat sa harap ng isang bookstore. “Ate Nia!” tawag bigla sa akin kaya napatingin ako sa kanya at nakita si Zairie na masayang kumakaway sa akin na kasama na si Caren sa kanyang tabi. Ngumiti ako at kumaway pabalik. “Sorry Ate, naghintay ka ba ng matagal?” nahihiyang tanong ni Zairie. “Hindi naman. Kararating ko rin lang,” sagot ko. “Ah okay. Nakakain ka na ba Ate Nia?” isa niya pang tanong. “Oo. Nakakain na ako bago ako umalis ng bahay.” “Oh good. Tara,” ngiting saad ni Zairie sabay naglakad siya. Sumunod naman kami ni Caren sa kanya. “May ideya ka ba kung saan tayo pupunta Caren?” tanong ko sa kanya. “Hindi ko nga rin alam Ate Nia,” sagot naman ni Caren. “Wala siyang sinasabi sa akin.” “Ah,” sagot ko nalang. “Uhm buti nakasama ka ngayon,” sabi ko kay Caren kaya napatingin siya sa akin. “Akala ko hindi ka papayag na sasama ngayon dahil baka may practice ka.” She paused at her place, thinking. “I actually skipped the practice today,” sagot niya bigla na kinagulat ko. “Ano?” “But don’t worry Ate Nia,” sabi niya naman dahil nagmukha akong nagpanik dito nang sabihin niya iyon. “Nasabihan ko naman ang team ko about that.” “Pero hindi ba ikaw yung leader nila?” “Opo,” sagot niya naman. “Pero gusto ko rin kasi maiba.” Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Parang narinig ko na iyan. “Napaisip talaga ako sa sinabi ni Zairie nung Huwebes…and I think she was right. Kailangan ko na rin ng break.” Hindi na ako nakaimik after that because I can’t help but do agree. Nakakagulat lang kasi na ang isang tulad ni Caren ay hindi pupunta sa practice niya para lang pumunta dito. “So, andito na tayo,” sabi bigla ni Zairie kaya kami napatigil sa harap ng isang lugar… …The Arcade. “So tara,” masaya niyang alok sa amin ni Caren at napatingin pa kami sa isa’t isa ni Caren bago nga kami pumasok. “O eto,” sabay bigla siyang nagbigay ng mga barya sa amin ni Caren. “Sorry 150 lang budget ko kaya taglilima lang tayo na token. Hehe.” “Ah sana hindi ka na nag-abala,” sabi ko naman. “May pera rin naman kami.” “Alam ko yun Ate Nia,” sagot niya naman. “Pero sabi ko nung isang araw na libre ko kaya yan.” Kinuha nalang namin ni Caren ang binigay niya. “So saan niyo gustong mauna?” tanong niya habang tumitingin siya sa kanyang paligid. Napatingin naman din ako pero sa totoo lang, unang beses palang akong nakatapak dito kaya hindi ako pamilyar kung anong gagawin dito. Alam ko puros mga laro ang meron dito pero… “Ah alam ko na. Dun tayo sa Mario Cart,” sabi niya sabay pumunta sa part na yun. Sumunod na naman kami ni Caren. May tatlong bakante na upuan na may steering wheel at umupo naman agad si Zairie. “Sabi rito 2 tokens each,” at naglagay naman siya agad ng dalawang token without even thinking. “Okay. Let’s try this,” sabi naman ni Caren at sumunod siya. Hindi naman na ako umimik at sumunod na rin. Pagkahulog ng dalawang tokens, I tried to familiarize ang mga kailangang pindutin and the steering wheel. Binigay muna ang instructions sa una kaya naintindihan ko naman pero agad-agad, nasa racing na kami. Hindi na ako magugulat na akong natalo sa aming tatlo. “Eish ano ba yan,” reklamo bigla ni Zairie. “Ang galing mo naman Caren. Naglalaro ka nito?” “Hindi,” sagot niya naman. “I just followed the instructions.” I made a face sa sagot niya. Of course she does. “Hmph. Let’s do it again. Baka this time mananalo na ako,” sabi ni Zairie at maghuhulog na sana pero pinigilan naman siya ni Caren. “Sa iba nalang,” sabi niya. “Remember, lima lang ang tokens natin. We don’t want to waste it.” “Eh pero gusto ko pa,” asta ni Zairie na parang bata. “Kailangang matalo kita Caren.” Napabuntong hininga naman si Caren. “Sa susunod nalang.” She pouted at walang nagawa at umalis nalang sa kanyang upuan. Pinanuod ko nalang silang umalis at parang may ngiting namuo sa labi ko while watching them. “Ah dito nalang tayo,” sabi ni Zairie habang lumalapit siya sa isang arcade game muli na may steering wheel ulit. “Pero kailangan ng 3 tokens naman,” sabi naman ni Caren. “Kaya nga. Kaya tag-iisa tayo kasi kailangan rin ng tatlong tao,” sagot naman ni Zairie. “Ang isa sa steering wheel tapos yung dalawa sa mga baril.” Napabuntong hininga naman si Caren. “Sige,” sabi ko naman kaya napatingin sila sa akin. “Parang gusto ko rin subukan ang larong ito.” Pagkaupo namin, napaupo ako agad sa isang baril na parang excited na bata pero nagulat naman akong nakatingin ang dalawa sa akin dahil doon. Oh great. I was caught off guard. “Sorry Caren. Gusto mo ba dito?” tanong ko. Nginitian ako ni Caren. “Okay lang Ate Nia. Seems like gusto mo diyan. Ako nalang sa steering wheel.” “Alright. Let’s do this,” excited na saad ni Zairie sabay hinulog namin ang tatlong token. Para kaming mga bata rito tapos ang ingay ni Zairie maglaro dahil madalas siyang nagugulat pag may biglang bubulaga sa screen namin. Palagi nga rin siyang sinisita ni Caren dahil doon. Natapos kaming masaya at satisfied naman sa score namin. “How do you even do that Ate Nia?” tanong bigla ni Zairie. “Ang accurate ng mga tama mo sa mga kalaban.” I shyly smiled. “Chamba lang.” “You should learn from her Zairie,” sabi naman ni Caren. “Parang halos wala ka ngang natamaan kanina.” “Hmph. I tried my best kaya,” she pouted. Napangiti nalang ako dahil doon. “So, anong gagawin natin dito sa natitirang anim na tokens natin?” tanong ni Caren. “Hmm hindi ko na nga rin alam eh,” sabi ni Zairie at umikot-ikot ang tingin sa arcade. “Ah dun kaya?” sabay turo sa isang laro. “Huwag. Dalawang tokens kailangan. Sayang. Baka hindi sulit.” “Eh dun kaya,” sabay turo naman sa iba. Habang nag-de-debate ang dalawa kung saan nga, napatingin ako sa isang arcade machine at napalapit doon. Makita mo palang, gets mo na kung anong kailangang gawin. Hulog ka ng isang token at habang umiikot ang madaming butas na may iba’t ibang value, you just pressed the button at the right timing para mahulog ito sa butas na gusto mong mahulog. Of course, who wouldn’t want the jackpot hole? Hindi ko alam kung bakit just by looking at it, hinulog ko ang second to the last token ko sa machine na iyon. Pagkahulog, pinanuod ko munang umikot ang mga butas. While staring at it, napatanggal ako ng eyeglasses ko ng di oras. Ting! I pressed the button at the right time. “Congratulations! You got the jackpot!” sabi ng machine at biglang naglabas ito ng madaming tickets. “Wow Ate Nia!” sabi bigla ni Zairie na kinagulat ko. “How did you do that?” Napasuot ako ng eyeglasses ko bigla. “Ah just got lucky,” I shyly smiled at kinuha nalang ang madaming tickets. “Wow. May balak ka bang gustong kunin na prize doon?” sabay turo ni Zairie kung saan may mga nakadisplay na mga stuff toys and some stuffs na may number of tickets na kailangan na nakadisplay din. “Ah hindi wala naman. I just really got lucky,” ngiti ko. “Ay ganun. Sayang,” sabi ni Zairie. “Kung may tokens pa sana kami.” Bahagya akong nagulat nang marinig ko iyon. Naglabas naman ng buntong hininga si Caren. “Sino ba kasing nagpumilit na maglaro muli ng Mario Cart kahit alam niyang talo naman siya?” tanong naman ni Caren. Zairie pouted as her answer. So that means, itong nag-iisang token nalang ang token naming lahat. Ano kayang magandang gawin sa token na ito? Napaikot ako ng tingin at may nakitang isang laro na kung saan pag nanalo ka, tokens ang makukuha mo. Kung ganun, subukan natin sa larong ito, pero mukha siyang pustahan. Pinanuod ko muna ang ibang naglalaro kung ano ang gagawin. There are 4 pads na may touchscreen kung saan pipili ka ng color at hihintayin mo yung bola na umikot hanggang sa lumusot siya sa isang butas. Kung tama ang kulay ng butas na napili mo, bibigyan ka ng tokens. It’s a gamble, pero… “Tara. Subukan natin,” sabi ko sa kanilang dalawa. “Sigurado ka ba Ate Nia?” tanong ni Zairie. “Isa nalang token mo eh.” “Oo nga Ate Nia. Maglaro ka nalang ng gusto mong laruin,” sabi naman ni Caren. “Yeah I’m sure about this,” sagot ko naman sa kanila. “I’ll try my luck again.” Hinulog ko agad ang isang token ko sa isang pad at bago ako pumili ng color, tinanggal ko muna eyeglasses ko para punasan bago ito binalik. I chose the color pink. The ball started to rotate, at sakto… yup na-shoot nga siya sa color pink na butas. “Oh my gash!” Zairie exclaimed sabay rinig namin ang mga tokens na nahulog sa parte namin. “You’re so lucky Ate Nia.” Nginitian ko lang sila at kinuha ang ilang tokens. We stayed in that game nang ilang rounds para mag-ipon ng tokens at para hindi mahalata ng iba, minsan, ibang kulay ang pinipili ko. Yeah somehow in this kind of games, having a pair of eyes like this, it is indeed cheating… pero masyado akong naenganyo ngayon at gusto kong kumuha ng maraming tokens para makapaglaro kami muli. Nang sapat na, sinubukan namin bawat arcade machine na gusto namin. The 3 of us enjoyed every game na meron nang hindi gumagastos ng pera kundi ang 150 lang na budget ni Zairie. Nung napagod na rin kami, we used the ticket na naipon namin para ipalit sa mga prizes na nakadisplay. Each of us was able to bring home something. Zairie got a medium size teddy bear, Caren got a keychain na arnis sticks ang design habang kinuha ko lang ay ballpen na may pambura. This time, libre naman ni Caren kaya bumili naman siya ng 3 balot ng French fries each with a different flavor. “Thanks Caren,” sabi ni Zairie habang kinukuha ang French fries na may cheese flavor. “Thank you Caren,” sabi ko naman habang kinukuha ang sour cream flavor. Barbecue naman ang sa kanya. Habang nakaupo kami sa sahig at nakasandal sa isang pader na hindi naman harang sa daanan ng mga tao, kanya-kanya kaming nagkwentuhan at nagtawanan. Ako naman ang nanlibre sa mga inumin namin. Watching them laugh and talk, I can’t help but be happy. “Guys,” sabi ko kaya napatigil sila at napatingin sa akin. Nginitian ko sila. “Thank you. I enjoyed today and had fun.” Hindi sila nakaimik pabalik. “I know what you are doing,” dagdag ko. “Alam ko kapansin-pansin naman na mukha akong pagod this past few weeks kaya thank you talaga.” Tinignan ko sila. “Pasensya na talaga kung hindi ko kayo pinagsasabihan. Sana huwag niyong isipin na hindi ko kayo pinagkakatiwalaan. Pangako, pag dumating ang tamang panahon—“ “Ano ka ba Ate Nia,” singit naman ni Zairie. “Okay lang yun. Importante, at least nag-enjoy ka ngayon, di ba Caren?” “Opo,” sagot ni Caren. “Kahit yun lang sana ang maitulong namin sa iyo.” Nginitian ko naman sila. “It was more than enough.”   Pagkatapos, nagpaalam na rin kaming umalis para pumunta sa paradahan ng mga jeep namin pero habang papalakad palang ako, my phone rang signalling for an incoming message kaya kinuha ko ito at binasa. Bahagya akong nagulat nung nabasa ko kung kanino galing ang message pero agad din akong nalungkot. Hi Ninya. I hope you are doing fine. Just wanted to know kung okay ka lang ba kasi hindi ka na nakakapunta sa mga photo shoots mo :( It’s a text galing kay Ma’am Lani. I’m making her worried. Kring! Tunog muli ng phone ko kaya tinignan ko. Gusto mo bang pag-usapan? Nakasakay na ako ng jeep pagkabasa ko nun. Tulala ako sa screen ng phone ko habang nag-iisip. I know I did have a lot of fun today at kahit papaano, gumaan pakiramdam ko dahil doon pero alam ko sa sarili ko na panandalian lang iyon dahil hanggang ngayon, buhat-buhat ko pa rin ang bagaheng iyon. Zairie and Caren’s efforts didn’t go to waste to what happened today, pero siguro nga, hindi sila ang tamang mga taong pwede kong paglabasan. I texted Ma’am back and after that, binulsa ko rin ang aking phone at pinikit ang aking mga mata habang nakasakay sa jeep. Sige Ma’am. Let’s meet tomorrow po sa XX café at 9 am po … Kinabukasan, pagkatapos kong kumain ng breakfast ko, nagbihis ako agad and did my make-up as Ninya. Pagkatapos, nagpaalam ako kay Mama telling her na makikipag-meet ako kay Ma’am Lani ngayon bago umalis. Pagkarating, nagulat muna akong makita na nandoon na si Ma’am Lani naghihintay. Napahinga pa ako ng malalim bago ako pumasok para lapitan si Ma’am. “Good morning po Ma’am,” bati kong ngiti. “Oh my gahd Ninya!” saad bigla ni Ma’am sabay tumayo siya sa kinauupuan niya at yinakap ako. “God I miss you so much,” humiwalay siya sa yakap. “What happened to you?” Sabay kaming umupo. “Actually Ma’am—“ “Ay sandali lang Ninya. Nag-order na ako,” singit niya. “Alam ko naman paborito mo ang strawberry shake nila rito kaya yun ang kinuha ko. Any minute now ibibigay na nila.” At sakto nga, a waiter came to serve her order, one strawberry shake for me and one café latte to Ma’am. “Kanina pa po ba kayo rito Ma’am?” I shyly smiled asking. “Ah okay lang, ikaw naman,” sagot niya naman. “Nagpaaga talaga ako para maka-order na ako.” Nginitian ko si Ma’am. “Thank you Ma’am.” “O sya. So, ano yang gusto mo nating pag-usapan?” I sipped from my strawberry shake first bago ako nagsimula magkwento. Sinabi ko sa kanya ang halos lahat. She is one of the person na alam niya na katrabaho ko si Nathan sa studio at alam ang tungkol sa rivalry ng school namin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol dito noon pa at hinintay pa talaga ang panahong ito para sabihin sa kanya lahat. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa mga mata ko. Tinapos ko hanggang sa yung mga oras na nagtapat siya sa akin. “Ah kaya pala hindi ka na pumupunta sa mga photo shoots,” sabi ni Ma’am. “Are you avoiding him Ninya?” I paused at my place after she asked that at napaiwas ng tingin. “Iniisip ko lang kasi Ma’am, ang awkward kung magkita kami sa trabaho pagkatapos mangyari iyon.” “But I already taught you that you have to be professional pag dating sa mga ganyan hindi ba Ninya?” tanong ni Ma’am. Napatahimik ako sa sinabi ni Ma’am. “Hindi ko naman sinasabi na against ako sa ganyan. Eh di ba pinakita ko pa nga sa iyo na botong-boto pa nga ako sa gwapong chinitong photographer na yan? Ang akin lang, kung alam ko lang na ganyan pala ang sitwasyon mo sa kanya, the best way talaga is dapat iniwasan mo nga talaga siya or you should have limit your interaction and feelings towards him.” Bahagyang gulat ako sa sinabi ni Ma’am. “Ma’am you got it all wrong,” sabi ko naman kaya siya napatingin sa akin. “Siya po ang nag-confess… and I…” I paused at that part. Nagtaka naman si Ma’am dahil doon. “Yes you what Ninya?” Napayuko ako at bakas ang lungkot sa aking mukha. “…I don’t have any feelings towards him Ma’am.” Bahagyang nagulat si Ma’am sa sinabi ko. “Hmm? Talaga?” Hindi ako nakaimik pabalik pagkatapos nun. “Sige,” sabi niya naman na kinagulat ko. “Sabi mo eh… pero ano nang gagawin mo ngayon? You still need to go to the photoshoots.” Napabuntong hininga naman ako. “Opo Ma’am. Promise babawi po ako tomorrow.” “Do you want me to make arrangements para hindi siya ang photographer mo sa mga photoshoots mo?” tanong niya. I paused at my place at gulat sa tanong ni Ma’am, pero narinig ko at naintindihan ko ang mga sinabi ni Ma’am kanina when she talked about being professional. “Okay lang po Ma’am kahit huwag na po,” sagot ko naman and weakly smiled. “I’ll try to be professional about this again Ma’am. I’ll make sure I won’t let my feelings get in the way again.” Nginitian ako ni Ma’am. “That’s good.”   Pagkatapos ng pag-uusap na iyon, umuwi rin ako agad at humiga agad sa aking kama, still… with a sad face that is. Monday na muli at so far, nakakabalik na ako sa dati. Nagagawa ko na ang lahat ng responsibilities ko as a King at hindi na mukhang pagod ang itsura ko, pero seryoso pa rin ako. Kahit ang bibigat ng mga trabaho namin, nagiging magaan ito dahil lahat kami nagtutulungan. Nakakapag-isip na ako ng mabuti at nakaka-focus sa mga turo ng aking mga guro sa classroom. Lunch time na at parang unti-unti nang nawawala sa sistema ko ang bumalik sa lugar na iyon. Ngunit… hayst. Alam niyo na ang susunod. At least ngayon hindi na pero. I’m at the entrance of the border wall again, pero para akong napako rito at hindi makapasok. I am looking back at the place thinking… ...bakit nga ba humantong sa ganito? Bakit umabot pa sa ganito ang kausapin ko ang lalaking iyon sa tagong lugar na ito? Nakakainis kasi. Kung hindi ko lang sana siya nakabangga nung mga oras na una ko siyang nakita, eh di sana hindi ko nalaman ang tungkol sa malabo niyang mukha at hindi ako macu-curious ng di oras. Nakakainis rin kasi itong lugar na ito. Akala ko ako lang ang nakakaalam tungkol dito pero bakit kasi nalaman pa ng lalaking yun? This place is my secret, a place for me to have peace and rest pero nagbago lahat dahil lang sa kanya. Saka bakit ko rin ba kasi siya nakatrabaho sa same studio na kung saan ako nagtratrabaho? Nanadya lang. Siguro nanadya talaga yung lalaking yun dahil at this time around lang talaga siya nag-apply sa studio na iyon. Tuloy pati pagiging Ninya ko nadadamay. I hate those moments. I really hate it na nakilala ko ang lalaking yun. Lahat ng pinagsisihan ko ngayon ay ang mga oras nung nakilala ko siya. I already know to myself from the very start na he’s a playboy, ang mga tipong lalaki na pinaka ayaw kong makasalamuha kaya bakit ko ba siya pinakisamahan ng ganito katagal na oras? Isang rason lang naman eh. It just boils down to the only reason kaya nagsimula itong lahat... Kainis. Kung hindi lang dahil dito sa mga mata ko, kung hindi lang sana pinakita sa akin na sa lahat ng tao sa mundo, siya lang ang nag-iisang lalaking malabo ang mukha sa paningin ko, my student life here in Raven East could have been normal at wala na sana akong proproblemahin kundi ang mga trabaho ko lang as a King at ang trabaho ko as a model. But I hate to admit it… To admit na part of me, I know na lahat ng masasaya at exciting na nangyari sa buhay ko ay dahil sa kanya. I hate to admit that he really has a way na pangitiin at pasayahin ako… and I hate to admit it na siya lang ang nakakagawa nun. But reality hurts. Kailangan ko siyang layuan. Lahat ng nakapiligid sa amin ay hindi sumasang-ayon, pati mismong school pa namin. We are in a place where we are even forbidden to talk to one another. This I have to admit to myself… …to admit that the White King is right… that Ma’am Lani is right… to admit that the relationship we are making will only make things worse. Sa tagal na nakatayo lang ako sa entrance nito habang nakayuko ang aking ulo… at para lang mai-deny ko sa sarili ko na walang luha ang mamumuo sa aking mga mata… ...I left the place. I promise to myself that I will never return to that place… ...again.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD