Chapter 20
“Pwede ko bang makuha ang atensyon ninyong lahat?” sabi bigla ni Knight pagkapasok niya sa Student Council room kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.
Pagkaupo niya,
“Mamaya after ng classes nating lahat, kailangan nating dumiretso sa CHESS room para sa isang importanteng meeting,” saad ni Caren.
“Na naman?” sabi bigla ni Kimbrae habang typically you know, laging kinakalikot ang kanyang phone kaya kami napatingin sa kanya. “Pwede bang pass muna ako diyan? Hindi naman ako kailangang nandyan.”
Naglabas ng buntong hininga si Caren. “Unfortunately Rook…” sagot niya. “...kailangan tayong lahat ng Student Council doon. At para sa iyong kaalaman, ang meeting na ito ay tungkol sa graduation ng lahat ng graduating…” sabay tumingin si Caren sa akin. “...isa siya sa pinaka importanteng okasyon ng ating paaralan para pasalamatan at bigyan pugay ang ating mga seniors.”
Nagulat ako dahil doon. Oo nga pala noh, malapit na pala yun.
“Eh? Ano bang gagawin ng isang Rook sa ganyang mga okasyon?” reklamo ni Kimbrae.
“E di ano pa ba Kimbrae,” sagot ni Zairie. “Syempre ikaw ang magbu-budget para sa okasyong yun noh. Ikaw ang Rook eh. Bakit ba kasi hindi ka makakapunta? May kailangan ka bang puntahan?”
“Wala. Nakakatamad kaya,” sagot niya naman.
Zairie and Caren made a face sa sagot ni Kimbrae. Just like the typical lazy Kimbrae would say.
“Wala kang magagawa dahil ikaw ang Black Rook ngayon,” sabi naman ni Leander. “Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ikaw ang nabotohang gawing Rook kung ganyan ka naman katamad.”
“Ako nga rin nagtataka,” sagot naman ni Kimbrae. “Pero naalala ko na tumakbo pala ako bilang Rook kasi akala ko pag parte ka ng Student Council, madami akong oras para matulog at pwedeng mag-skip ng mga klase mas lalo na sa mga Math subject para tumambay dito sa Student Council room.”
Ako naman ang napabuntong hininga sa sagot ni Kimbrae. Hindi na ako magugulat sa sagot na iyon.
“Kahit ano pang rason mo Rook,” ako naman ang nagsalita kaya siya napatingin sa akin at nagulat sa ekspresyong binibigay ko. “Pupunta ka sa meeting na iyon, sa ayaw o sa gusto mo. Naintindihan mo ba?” I’m giving her my death glare.
“Tsk,” napaiwas agad siya ng tingin pagkatapos nun. “Oo na. Kainis ka naman King. Lagi ka nalang ganyan.”
“Siguraduhin mo lang dahil pag wala ka—”
“Alam ko nga King,” sabat ni Kimbrae. “Pag binigyan mo na ako ng death glare mo, na-gets ko na okay? Sheesh. Sino bang hindi matatakot sa mga tingin na iyon?”
“Yun lang pala kailangan mo eh,” sabi naman ni Queen. “At least, you’re being your usual self King,” ngiti ni Zairie sa akin.
I paused at my place and nodded as a reply.
“Kung ganun, yun lang naman ang announcement na meron ako,” sabi ni Knight. “Magkita-kita nalang tayo mamaya.”
…
Pagkatapos ng klase naming lahat, naghintayan muna kaming lima sa harap ng pintuan ng CHESS room. Hindi ko alam kung bakit pero natuwa ako ng di oras na si Kimbrae raw ang pinaka naunang dumating.
Kahit kompleto na kaming lima, hinintay muna namin si Ma’am Rhowena dahil oo, kasama siya sa meeting na ito. Dahil sa ganun…
Pagkarating ni Ma’am, sabay-sabay kaming pumasok ng CHESS room, at agad nakita ang kompletong Campus Royalties sa kabila ng transparent glass… kasama ang principal ng Ashen West, si Sir Romanus Tuason. I already mentioned him nung Grand Olympics namin pero ito lang ang pagkakataon na nakaharap ko siya ng harap-harapan.
Madalas pag ganung malapitan siya, hindi ko maiwasang tignan siya at si Ma’am Rhowena ng pabalik-balik dahil, may pagkakahawig talaga sila.
He pressed the button and, “So let’s not waste our time and get this over with,” sabi ni Sir Tuason.
Lumapit naman agad sa mike si Ma’am at sabay pinindot din ang button. “Will do,” sagot niya sabay umupo sa isang upuan na nakahanda para sa kanya. Nakisunod kami sa kanya na parang mga alipores niya.
Halata ang tensyon sa pagitan namin at halatang parang laban ang pinunta namin eh sa pagkakaalam ko, meeting ito tungkol sa coming Graduation. Magharap lang talaga ang dalawang principal na ito, halatang may rivalry na nangyayari.
Pero buti nalang, the meeting went smoothly. Wala namang nag-away at naganap ng bawat Student Council at Campus Royalty ang kanilang mga responsibilidad.
“Ito lang naman ang agenda na mayroon ako bilang the Black Bishop,” saad ni Leander. “Unless may gusto pang pag-usapan ang kabilang pangkat.”
Napatingin kaming halos lahat sa White Bishop at tumitig ito sa kanyang log book pero hindi ko maiwasang mailang sa kung paano siya tumingin sa log book dahil kung buhay lang ang log book, malamang patay na ito sa titig niya.
“Good,” isang salita lang ang lumabas sa bunganga ng mala higanteng si Oliver pero most of us here are startled sa takot.
“Uhm what he means is that we are also done with our agenda,” sagot ni Blennie, ang White Queen nila. “Please bear with him. Medyo nailang lang siya dahil bigla tayong tumingin lahat sa kanya.”
“So that ends this then,” sabi ni Sir Tuason. “Meeting adjourned,” sabay tayo sa kanyang kinauupuan.
“Thank you everyone for their time,” sabi naman ni Ma’am but she was ignored by Sir.
Kanya-kanyang alis ang bawat isa sa amin at syempre unang lumabas si Ma’am at Sir at sumunod kami, parang mga alipores lang talaga nila. Malapit na ako sa pinto nang,
“Black King,” tawag bigla sa akin kaya napatigil ako at napalingon.
Nagulat ako nang makita ang White King na malapit ang bunganga sa isang mike at nakatingin diretso sa akin, puno ng kaseryosohan ang mga mata. Nagtaka naman ako pabalik sa ginawa niya pero hindi ako dense na malaman na siya ang tumawag sa akin.
Wala siyang sinabi at hindi pinindot ang button para magsalita but through his eye gesture, parang may tinuturo siya kaya napasunod naman ako ng tingin at nakita ang isang ballpen… and that’s the ballpen na napalunan ko sa arcade sa mall nun.
I was thankful dahil muntikan ko nang makalimutan iyon at ni-remind niya pa talaga ako pero hindi ko maiwasang magtaka on why he need to go on the trouble to do that.
Kinuha ko nalang and pressed the button to say my thanks and was about to leave nang,
“He changed…” sabi niya bigla kaya napatigil ako ng di oras. “...a lot.”
Hindi ko alam kung bakit ako mapapatigil sa sinabi niyang iyon dahil parang walang sense at hindi ko na-gets.
Ano raw? He changed? He? Sinong ‘he’ yan? Gusto kong lumingon para kaysa magtanong, ipapakita ko sa kanya ang nagtataka kong mukha…
…pero parang na-realize ko bigla. Unti-unting naproseso ng utak ko ang ibig sabihin niya.
Ah. Alam ko na kung bakit ako napatigil.
“What did you do?” dagdag niya pa.
Hindi ako nakaimik dahil doon. Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin at nag-isip ako pero the next thing I did, I removed my eyeglasses first habang nakatalikod ako sa kanya just to check behind him… kung siya nalang ba ang natira sa kwartong ito na kasama ko.
I put my glasses back on nang makitang ganun nga at hinarap siya pabalik at nilapitan ang pinakamalapit na mike at pinindot ito.
"I just did my part,” seryoso kong sagot sa kanya while also staring back at him with eyes full of seriousness. “Hindi ba ito ang gusto mo? Dahil ito ang nakakabuti para sa iyo…”
After that, I immediately removed my finger from the button at napatalikod agad, pero I paused at my place… dahil nararamdaman ko na.
“I-I mean para sa atin pala," huli kong sabi bago ako tuluyang lumabas ng CHESS room.
Hindi ko na pinakialamanan sa isip ko kung kinailangan ko bang pindutin ang button kanina para marinig niya ang huli kong sinabi kasi… what does he know anyway? Mas mabuti ngang ganun para hindi niya marinig ang basag kong boses nang sabihin ko iyon.
Pero bakit ba nabasag nga boses ko nang sabihin ko lang yun? Yun naman ang totoo di ba? This is reality for me. Now it already hit me, thanks a lot. At least nagawa ko na nga talagang lumayo sa kanya… at lumayo naman siya sa akin. Ganito naman dapat iyon di ba? Tapos na di ba? The guy we are referring to is no more in my life anymore. Now I can truly live in peace.
Pagkatapos ng klase ko, umuwi rin ako dahil wala akong photo shoot for the day.
Kinabukasan, naglalakad na ako sa hallway ng aming paaralan, pero bakas na naman ang pagod at pighati sa mukha ko.
Ito ba talaga ang peace na hinahangad ko? Na pagdating mo sa school, wala kang ibang iisipin kundi ang mga quizzes at lessons na kailangan mo para maka-graduate ka? Na dapat… hindi ka binabagabag ng konsensya mo tungkol sa kanya?
Bumabalik na naman ang pagka-lutang ko. At least now I did a great job to hide it from the Student Council. Kahit yun lang. Wala namang makakapansin kahit nasa classroom ako pero alam ko na ito ang magiging epekto nito sa akin.
What should I do? Ayaw ko nang maulit ito. Ayaw ko nang pagdaanan iyon muli. Nailabas ko na eh. Alam kong nailabas ko na kaya bakit parang bumabalik?
Just great. Parang hindi epektibo ang ginawa ko nung last weekend. Napatingin ako bigla sa labas ng katabi kong bintana at nag-isip.
What if… ang kailangan kong gawin ay actually…
Napabuntong hininga ako in my realization. Siguro nga. Siguro nga kailangan ko siyang harapin ng harap-harapan para tapusin na ito.
Pagkarating ng lunch, dumiretso nga ako sa lugar na iyon. Wala nang sabi-sabi na pumunta ako doon para manigurado. Hindi ko maiwasang isipin din ang kapakanan niya. Kinalimutan ko na kabilang siya sa kabila, na isa siya dapat sa mga karibal at kaaway ko pero nanaig pa rin sa akin na alam ko… that I do care and I am worried for him.
Hindi ko rin masabi kung guilt ko lang ba ito dahil kasalanan ko na nasaktan ko siya. Siguro seryoso talaga siya na nagkagusto siya kay Ninya kaya malamang, being a playboy like him, minsan na nga nagseryoso, sinira mo pa iyon kasi hindi ka nagtiwala sa kanya. Kahit man lang sana binigyan ko siya ng pagkakataon na patunayan iyon baka hindi humantong sa ganito. Kahit nakakabalik ako sa trabaho, nagkakataon ngayon na hindi siya ang photographer ko kaya hindi ako aware ngayon kung ano na talagang nangyayari sa kanya at kung paano siya nagbago…
...pero pagsinabi ng ‘kambal’ niya na ganun, alam ko may katotohanan iyon, kahit ang isang tulad ni Naite pa ang nagsabi. Oo nakakaduda talaga paminsan-minsan ang mga salitang lumalabas sa labi ng lalaking yun, pero alam ko ang nangyari at kasalanan ko talaga.
Saka, pagsinabi kong tatapusin ko na ito… sasabihin ko na rin ang tungkol sa identity ko. Tingin ko, kailangan na niya talagang malaman.
I stared at the wall right in front of me thinking kung tataas pa ba ako ng pader nay un o hintayin ko nalang siya? Pero dapat ang tinatanong ko sa sarili ko ay kung pupunta ba ang lalaking yun ngayon o hindi?
Naudlot nalang ang lahat ng iyon sa utak ko nang may tumalon pataas ng wall. Nagulat akong makita siya sabay pumatong sa taas nito. His head tilted to where I am standing at oo, hindi ko pa rin alam ang reaksyon niya ngunit pagkatapos, ang tanging nabasa ko sa malabo niyang mukha...
Umukit ang saya sa mga labi niya.
“Black King!” sobrang saya niyang sabi at bigla pa siyang bumaba mula sa wall sabay lumapit sa akin at niyakap ako.
Ang bilis ng pangyayari at parang hindi ako maka-react dito kundi napapamulgat lang ako ng aking mga mata at hindi makaimik sa tindi ng gulat.
Agad din siyang humiwalay sa akin at habang hawak-hawak ang dalawa kong balikat,
“Black King sobrang namiss kita alam mo ba yun? Pinaalala mo ako,” mga sabi niya.
I am still in a state of shock kaya hindi pa rin ako makaimik. Pero bumalik ako sa katotohanan nang napalitan ang ekspresyon ng labi niya at doon ko naramdaman ang alala na sinasabi niya. Talaga ngang nag-alala siya…
...ngunit iniling ko agad ang ulo ko para bumalik sa katotohanan and get my thoughts together. Tinulak ko pa nga siya dahil sobrang lapit niya.
“Baliw ka na ba talaga at hindi mo na-ge-gets ang ginagawa mo ngayon? You just trespassed Nathan,” irita kong sagot sa kanya. “Kailangan mo nang bumalik and stop saying nonsense like missing or worrying for me.”
I am saying all these things to him na para ko siyang sinesermonan pero napatigil ako dahil hindi siya umimik… saka parang ramdam ko na seryoso siya.
Tapos bigla nalang,
“Namiss talaga kita,” he suddenly said, full of sincerity.
Syempre nagulat na naman ako, pero hindi lang sincerity ang naramdaman ko. Pati lungkot mararamdaman mo sa boses niya nang sabihin niya iyon, at may ideya na ako kung bakit. Ninya just rejected him.
Okay Nia. Ito na ang pagkakataon mo. Ito na ang pagkakataon para matapos na ito. Wala na tayong sikretong itatago sa kanya. He deserves to know everything. He deserves it. Hindi ko alam kung anong magiging consequences ng lahat ng ito basta ang alam ko…
Inhale...
…kailangan ko nang tapusin ito.
...bago pa ako maglabas ng hininga…
Bigla nalang niya akong nilapitan at sa gulat ko na naman, napaatras ako at nawalan ng balanse pero nakuha niya ang beywang ko para suportahan ako. Mabuti nga at nagawa niya iyon pero parang nanigas ako sa lugar ko dahil hindi pa tapos ang kaba ko dahil nilalapit niya ang mukha niya sa akin.
Wait what? What is happening? What is he even doing?! Parang deja vu ito. I remember clearly this same scene nung nag-confess siya sa akin pero ngayon, parang nanigas talaga ang katawan ko. Parang hindi ko magawang pigilan siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang takpan nga ang bibig ko pag ganito. Hindi ko rin alam kung bakit napapikit ako ng mga mata ng di oras. I am panicking in the inside. What should I do? This is wrong.
“King?”
Napamulagat ako dahil doon. Wait, did someone just called me?
Napatingin ako sa nagsalita… at sa tindi ng gulat kong malaman kung sino nga iyon, tinulak ko agad ang kaharap kong lalaki at kumuha ng balanse para makatayo ako ng matuwid para makaalis sa posisyong iyon.
Pero hanggang doon lang ako. Hindi na ako makagalaw sa lugar ko dahil sa lahat ng mga tao na pwedeng makakita sa akin sa ganoong posisyon kasama ang isang lalaki sa Ashen West...
Silang dalawa pa. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Black Queen at ni Black Knight pabalik sa akin. I was so stuck in my place at parang may krimen akong ginawa na nahuli ako ng di oras. I was caught red-handed.
“It’s not what you think Zairie and Caren…” I tried to explain pero what could get worse ay nung biglang tumakbo parating sina Black Bishop and Black Rook papunta sa lugar nila. Not one said a word at agad napatingin sa lugar ko at sabay silang nagulat.
“King?” hindi makapaniwalang tanong ni Leander. “Anong ginagawa mo rito?”
Sabay napatingin siya sa kasama kong tao. “What’s an Ashen West student doing there King?” tanong ni Leander.
Hindi ako nakaimik.
“You look familiar,” biglang sabi ni Kimbrae at bigla niyang nilabas ang phone niya.
Sinubukan ko siyang pigilan. “Sandali Kimbrae—”
“So it was true.”
Napatigil muli ako at tumingin naman kami sa nagsalita at nagulat ako ng sobra.
The White King. Nakatayo siya sa taas ng wall at nakatingin sa amin pababa. “There is indeed something going on between you two in this place,” sabi ni Naite.
“Ah ikaw pala iyon,” sabi naman ni Kimbrae kaya napatingin kami sa kanya.
Pinakita niya ang screen ng phone niya at pinakita ang isang litrato ng isang article ng paper namin.
“You’re the boy that saved Ate Nia from a rattan ball,” casual na sabi ni Kimbrae. “No wonder.”
“Sandali. Hayaan niyo muna kasing—”
“I don’t want to believe at first...” singit na naman ng isang boses at nagulat akong naglalakad siya papunta sa posisyon ng iba kong ka-Student Council.
No please. Not her also.
“...but this proves everything,” seryosong saad ni Ma’am Rhowena sa akin.
Napatahimik ako ng di oras. Parang hindi na kayang bumuka ng bibig ko. I was push right into a corner. Parang wala na akong masabi at maipaliwanag sa ginawa ko. Pati talaga principal namin andito na rin. Pero… pero…
“Sandali!” I shouted na halos ikagulat nila. “Pwede bang pakinggan niyo muna ako? Hayaan niyo muna akong magpaliwanag. Wala akong nilalabag dito. Wala kaming relasyon ni Nathan. Kung ano mang nakita niyo kanina, wala lang yun, di ba Nathan?”
Tinignan ko siya kaya napatingin din ang iba sa kanya… but he just stood at his place.
“Uy Nathan, sabihin mo sa kanila ang totoo,” pagpilit ko. “Walang namamagitan sa atin di ba?”
Wala siyang imik, at iniwasan pa ako ng mukha. Nagulat ako sa ginawa niya. Even though that was just a small gesture… I felt betrayed.
Gusto ko pang magsalita at pilitin siya kung kinakailangan para lang makapagpaliwanag sa kanila, pero ngayon lang bumalik sa akin kung anong estudyante ang kinakausap ko ngayon.
He belong to the other side. Of course the goal of every Ashen West student ay para… na-realize ko ang lahat ng rason kaya nangyari ito.
“It’s a set-up,” bulong ko sa sarili ko sapat para marinig niya.
Hindi siya umimik. Hindi siya nagpakita ng motibo o nagsalita man lang para patunayan ako na hindi ganun… pero wala.
After all those realizations, I am overwhelmed with emotions. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko, basta ang alam ko lang, I clenched my fist and gritted my teeth. Why didn’t I saw that coming?! Why?! And for a minute a while ago, I thought of trusting him?!
“Nia, to my office. Now,” utos bigla ni Ma’am kaya nabasag ang katahimikan sa pagitan naming lahat.
I composed myself after I heard that habang nakayuko ang ulo,
“Yes Ma’am,” sagot ko naman. I heard the footsteps of walking away which I think si Ma’am.
“You too Nathan,” sabi naman ni Naite. “Sir Tuason is calling you to his office.”
Hindi siya umimik pabalik pero naramdaman kong gumalaw siya sa lugar niya pero bago pa siya makaalis,
I raised my head and looked directly at where he is standing and while tears are rolling down my cheeks, I gave him my one last… Death Glare.
Bakit ngayon lang luminaw sa akin lahat? Bakit ngayon ko lang nalaman ang rason kaya hindi dapat nakikipag-usap ang isang taga Raven East sa kanilang mga Ashen West?
But at least. At least I am so happy na hanggang ngayon, malabo pa rin ang mukha niya sa paningin ko.