Chapter 18
"King."
I am now inside the Student Council Room doing my job and responsibilities.
"King."
I don't know why kung bakit tulala ako. I know I am doing this right. I know I am writing and signing these papers kasi kailangan. Ano na ulit purpose ng mga ito?
"Ate Nia!"
Nagulat ako sa tumawag sa akin sabay napatingin sa kanya.
"Queen," sagot ko.
Nagbuntong hininga si Zairie. "Kanina pa kita tinatawag. Okay ka lang ba talaga King?"
"Pasensya na," sagot ko naman. "Ang dami ko lang iniisip."
"Alam ko yun King. Kanina mo pa sinasabi yan," sabi naman ni Zairie.
"Sabihin mo nga sa amin King…" singit bigla ni Caren kaya kami napatingin ni Zairie sa kanya.
"...ano ba talaga ang nangyari sa usapan ninyo ng White King na yan? Imposibleng humihingi lang yun ng kapayapaan."
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi ni Caren.
"Huwag mo nang itago sa amin King," sabi naman ni Leander. "Di ba sabi mo tulungan tayo rito? Ang laban mo ay laban din namin."
Lahat silang apat ay sandaling tumigil muna sa kanilang mga gawain at tumingin sa akin. They are giving their time to listen and trying to understand me pero…
...pinagkakaila ko iyon sa kanila. As much as possible, papanindigan ko ang pagsisinungaling ko tungkol sa identity ko dahil aaminin ko, hindi pa buo ang tiwala kong tatanggapin nga nila ako kung sinabi ko ang tungkol doon.
Wala namang masama kung malaman nila that I work as a part-time model, pero kasabay kasi na pag sabihin ko iyon, parang kailangan ko na ring sabihin ang tungkol sa lalaking lagi kong nakakabangga na nag-aaral lang diyan sa karibal naming eskwelahan.
I can really see how they wanted to help. Ayaw ko nang maulit na maramdaman nilang ayaw ko silang hingian ng tulong dahil wala akong tiwala…
...pero ayaw ko ring malaman nila ang tungkol dito dahil ayaw kong makisawsaw sila. I was about to open my mouth to tell them the truth, pero napaatras pa rin dila ko.
Hindi nila alam kung gaano ko gustong sabihin sa kanila ang lahat pero… Just great. Ang dami kong pero!
"Kasi ano—"
Kriing! tunog ng bell signifying that recess is over.
"Oh shacks. May long quiz pa pala ako sa next subject," pagpanik ko. "Sorry guys. I'll try sa lunch na sabihin—"
"King," singit ni Caren kaya napatigil ako. "It's okay. Don't think too much. Baka mahuli ka pa."
I paused and looked at each of them, at kita ko talaga ang mga alala sa kanilang mga mukha. I nodded my head as a reply sabay lumabas ng Student Council room at dumiretso papunta sa classroom ko.
Alam ko sa sarili ko na sobrang lutang ako kaya hindi ako nakapag-review. Kahit sinubukan kong tignan muli ang mga notes ko for the quiz, wala pa ring na-stuck sa utak ko dahil sa dami ng iniisip ko. Nagulat pa nga ako nang dumating ang guro telling us all the students na itago na ang mga notes.
Habang binibigay palang ang mga papel sa pinaka harap na estudyante, natulala na naman ako at hindi ko na alam kung bakit. Bumalik lang ako sa katotohanan nang pinapasa na sa akin ang papel.
Pagkakuha ko sa papel, napatitig muna ako sa first page at sa salitang ‘Name:’ kung saan dapat kong isusulat ang pangalan ko. Mostly, I flip the pages first para siguraduhing kompleto ang pages at baka may makita akong mga tanong na pwede kong masagutan agad pero…
...ayun. You guessed it. Tulala na naman ako sa first page. Ganun ako kalutang.
Bakit ganun? Bakit nung mga dati na kahit ang dami kong kailangang gawin as a King, kaya ko pa ring mag-concentrate sa mga ganitong quizzes? Pero bakit ngayon… bakit ganito na ako?
Nagagawa ko pa ring bumalik sa katotohanan at sagutin ang ilang tanong na alam ko pero nahagilap agad ng mga mata ko ang orasan sa classroom namin at sobrang nagulat na 20 minutes nalang before time… at hindi ko man lang nakakahalati ang long quiz. We only have 1 hour for this quiz, pero nagawa ko pa ring matulala?
I removed my glasses at napamasahe sa ilong. What is really happening to me?
Naglabas ako ng buntong hininga habang nakapikit ang aking mga mata. Lord, pasensya na kung aabushin ko ang binigay mong biyaya sa akin. Promise Lord…
Binuksan ko ang aking mga mata at tinignan ang papel.
...promise ngayon lang muli.
Kriing! Tunog muli ng bell.
“Okay. Pass your papers, finish or not finish,” sabi ng guro namin at ganun naman ang ginawa namin. Pagkapasa ko ng papel sa kaharap ko, sinuot ko pabalik ang eyeglasses ko.
“Ang hirap naman nun. Nasagutan mo ba lahat?” tanong ng isa kong kaklase sa katabi niya.
“Hindi nga eh. Nasa last part na nga ako, nakulangan pa ng oras,” sagot naman ng isa.
Halos lahat ay pinag-uusapan ang nangyaring long quiz and not one asked me or talked to me. Tumahimik lang ang lahat at bumalik sa kanilang upuan nang dumating agad ang susunod naming guro.
Pagkarating ng lunch, inayos ko agad ang gamit ko at tinignan ang bag para kunin ang baon kong lunch, pero natanggal ko na halos lahat ng laman ng bag ko at wala yung lunch bag. Oh great. Don’t tell me…
I checked my phone at this time lang at nakita ang message sa akin ni Mama.
Anak naiwan mo baon mo. Ihatid ko ba diyan?
I clicked my teeth out of frustration dahil kanina pang 8:30 niya na-send yun at hindi ko man lang napansin?
Cling! Tunog ng phone ko right at the moment signifying na may message na dumating, galing kay Mama. Binuksan ko naman ito agad.
Anak iniwan ko sa guard baon mo. Huwag kang magpapagutom hah? I love you
Nakahinga ako ng maluwang dahil doon at nireplayan siya.
Thank you Ma. Love you too
Agad naman akong pumunta sa guard ng gate namin at kinuha ang baon ko. Habang naglalakad palang ako pabalik sa classroom ko, I was already halfway sa entrance nang mapatigil ako at mapalingon sa direksyon na iyon.
You all know it. Direction going to that place, that one and only place na ako lang nakakaalam.
Ever since the start of this school year, doon ko lagi kinakain ang lunch ko, kahit simula nang dumating ang lalaking yun doon. Hindi kami madalas nakakasabay kumain dahil most of the time nauubos ko muna ang lunch ko bago siya darating. Saka pansin ko na hindi naman yun nagbabaon. Ashen West yun eh, panigurado very convenient canteen nila.
But this sucks. I’m stuck here in the middle of our hallway, nakatingin ako ng malayo na papunta roon thinking all those stuff about him again.
What is really happening to me? Parang naging part na siya ng daily routine ko as a student here in this school. Parang may kulang pag hindi ako nakakapunta sa lugar na yun.
Pero, napapikit ako ng aking mga mata. Not now Nia. You really have to think this through. You must do your part. You must… avoid… him…
I clicked my teeth again. Just great. Bakit ang bigat? Bakit ang… sakit?
No Nia. You must. Huwag ka munang bumalik sa lugar na iyon ngayon. Pupunta man siya o hindi, huwag ka nalang tumuloy. Makulit pa naman ang lalaking iyon kung sakaling darating nga siya.
Pero paano pag hindi siya dumating? Sayang kasi maganda ang lugar na iyon para makapag-isip-isip ka. Well, you’ll never know kung hindi ka pupunta roon at tignan.
Naglalakad na ang paa ko papunta roon… nang ma-realize ko ang ginagawa ko. I turned around quickly back to my classroom.
My God, what is happening to me?! Hindi ko na alam ang pinaggagawa ko. I need to get this together.
...
Kahit kating-kati na ang katawan ko na bumalik sa lugar na yun, I thanked the Lord na nagawa ko pa ring pigilan ang sarili ko na makapunta roon. Mabuti nalang at nagawa kong umuwi na hindi man lang tumapak sa lugar na iyon. I felt I achieved a lot nang magawa ko lang yun.
Pero bakit na naman ganun? Ang liit na bagay kinakasaya ko na? Teka, kinakasaya ko ba talaga?
…
Sa sumunod na araw, hindi ko alam kung bakit…
Kung bakit lunch time na at… nandito na naman ako. Malaking achievement ba talaga na hindi ako pumunta rito kahapon pero nandito naman ako ngayon?
“Hey Black King,” tawag sa akin kaya ako bumalik sa katotohanan at napatingin sa nagsalita.
Ngumiti siya sa akin. “I’m glad you can come today.”
Nagulat ako sa sinabi niya pero agad akong napatalikod sa kanya at napaupo nalang sa picnic table without saying a word.
Pero paano ka naman makakaimik kung na-realize mo nung nagsalita siya…
“Bakit wala ka kahapon Black King? Busy ka kahapon?”
...hindi ko alam kung bakit pero na-realize ko nung sinabi niya iyon…
“Uy Black King sagutin mo naman ako kahit obvious sagot mo. Lagi mo nalang ako binabasag.”
...eish. Bakit ko ba na-realize na ganun?
“Yoohoo Black King”
...bakit sinabi ko na namiss ko yung boses niya?
“Huy Black King i-ki-kiss na talaga kita!”
Sa sigaw niya, doon lang ako bumalik sa katotohanan.
“Hah? May sinabi ka?” lutang kong tanong.
He paused at his place dahil doon. Hindi ko alam kung anong pinapakita ng mga mata niya dahil malabo pa rin pero dahil sa bibig niya parang… ewan. Nagtataka ba siya?
“Okay ka lang ba Black King?” tanong niya.
Ah, nagtaka nga siya.
“Hah? Ah I mean oo. Bakit naman hindi?” sabay tumalikod ako sa kanya.
Hindi siya umimik pagkatapos. Sana hindi niya ma-obvious.
“Okay,” sagot niya bigla. “Anyways Black King, yung tungkol sa batang babae…”
My attention was caught when he mentioned that kaya napatingin ako agad sa kanya.
I know I heard a few words to what he is saying, na unti-unti na siyang nagkakaideya kung sino ang batang babae sa mga flashbacks niya, pero I wasn’t able to completely get everything he said.
Alam ko nakatingin ako sa kanya at mukha akong nakikinig dito. Sana lang hindi niya na-obvious na actually medyo lutang pa rin ako.
Hindi ko nga alam kung bakit bumalik lang ako sa katotohanan nang bigla niyang na-mention ang pangalan ko, I mean yung isa kong pangalan.
“...I think Ninya has something to do with this."
Wait what? Just great. Wala na akong naintindihan.
I was about to ask kung anong ibig niyang sabihin nang,
Kriiing! Ayan na nga ang bell.
"Sorry I need to go," sabi ko naman agad at agad umalis sa lugar na iyon.
Hindi ko na narinig kung may sinabi nga ba siya o hindi ko lang napansin pero alam niyo ba na sa sobrang lutang ko kanina habang kinakausap niya ako, wala akong ginawa kahit man lang buksan bag ko para maglabas ng lapis at papel para magsulat o magbasa man lang ng libro?
Nakarating ako sa classroom at sabay pagkaupo ko, naglabas na naman ako ng buntong hininga. Wala pa ang guro at habang naghihintay, I took this moment.
I took this moment to think this through… kung bakit ako nagkakaganito.
"Hindi ko alam kung masyado ka ring dense but I'm here to warn you na makakasama ang relasyon niyo ni Nathan sa school, kahit ikaw pa si Ninya. I don't know what's going on between you two, meron man o wala, but it is best na itigil niyo na lahat."
Oh that. Yes that… ang relasyon daw namin kuno. Oo, inaamin ko. Sabihin nating in-denial lang ako na wala dahil aware naman na ako na may gusto si Nathan kay Ninya so… anong problema ko?
Bakit ang dami kong reklamo? Hindi ba tama lang na iwasan ko nga siya as Ninya? Kahit magkatrabaho kami, I can do that. I can avoid him. Mapilit lang talaga siya. It's easy for me to do that right?
...right?
…
After two days in school, nakauwi na ako sa bahay diretso sa kwarto ko dahil sa sobrang pagod. Walang sabi-sabi na humiga ako sa kama ko. Nakalimutan ko pang mag-greet kay Mama.
I turned my head sideways while looking at the side of my bed. Feeling ko, ngayon matatawag ko nang achievement na nagawa ko ngang two days straight na never tumapak sa border wall, pero ang labo ko.
Achievement nga pero, bakit ang bigat at ang lungkot ng mukha ko? Hindi ba pag may achievement ka, dapat masaya ka?
Kinabukasan… well eto na naman tayo. After that two days na hindi nga ako nakatapak dito, andito na naman ako ngayon. Andito na rin si Nathan, ang daming kwento pa ang loko na hindi man lang napapansin kung nakikinig ba ako o hindi. Naka-side view akong nakaupo sa upuan ko at wala nga actually ang tingin ko sa kanya… pero sige pa rin siya sa pagkwento.
"Uy Black King, okay ka lang ba?"
Bumalik ako sa katotohanan dahil doon. I paused at my place bago ako naglabas ng buntong hininga at tinignan siya.
"Oo nga kasi. Bakit mo ba lagi yang tinatanong?" sagot ko.
"Eh kasi mukhang hindi ka okay Black King," sagot niyang parang bata.
Alam niyo, minsan walang kwenta talagang kausap ang lalaking ito. Common sense gets ko naman kaya niya tinanong yun.
"Alam mo Death Glare, kung kailangan mo ng kausap, makikinig ako. Para saan pa na nag-me-meet tayo rito kung hindi mo ako kakausapin."
I stopped at my place because of that. Nakakagulat marinig yun mula sa kanya. Nag-process pa nga ang utak ko eh dahil doon. Saka gets ko naman eh pero…
Hinarap ko siya. "Pwede ba magtanong?" tanong ko sa kanya.
"Nagtatanong ka na nga Black King eh," sagot niya naman.
"Right," sagot ko naman. "Bakit nagustuhan mo si Ninya?"
Hindi siya nakaimik pagkatapos. Mukhang nagulat ata. Hindi ko makita reaction niya eh. Pero kung ako nga nasa posisyon niya ngayon, magugulat talaga ako kung tatanungin ka ng ganun.
“Maybe because she’s so hot and beautiful,” he suddenly answered kaya bumalik ako sa katotohanan.
Napaseryoso ang mukha ko dahil doon. “Ah okay. Just like how any typical playboy will say," full of sarcasm na sinabi ko pero napa-chuckle lang ang loko.
“Pero hindi lang yun eh,” dagdag niya na kinagulat ko. “Lately, whenever I’m with her, I don’t know why pero flashbacks are coming back to me. It’s like, she’s part of my past.”
He suddenly turned his head to where I am sitting. Gulat ang mukha ko rito habang siya naman ay binalikan ako ng ngiti sa kanyang mga labi.
“What if nakalimutan ko na pala na may seryoso rin pala akong minahal? That thought always pass through my mind whenever I see her.”
Napatahimik ako ng di oras.
Dumaan lang ang katahimikan sa pagitan namin at nasira lang ito nang,
Kriiing! Hindi ko alam kung bakit nagpasalamat ako sa Diyos na saktong nag-bell. Walang sabi-sabi na umalis ako muli sa lugar na iyon na walang paalam.
Ano raw? I'm part of his past?
For how many days, hindi na naman ako dumalaw sa border wall. Ever since that time, alam kong lutang pa rin ako from time to time na kinataka na ng iba, mas lalo na ng mga ka-Student Council ko. Pilit man nilang gustong alamin ang rason kung bakit pero minsan tumatahimik nalang ako at sasabihing masyado siyang personal.
Pumupunta pa rin ako sa trabaho at madalas si Ma'am Lani ay napapansin din ang pagka-lutang ko kaya madalas, hindi niya na nga ako tinatawag dahil kahit sa kanya, hindi ko rin sinasabi ang mga iniisip ko… tungkol sa lalaking yun.
If you will ask, oo nakakatrabaho ko pa rin ang lalaking yun, pero pag-lutang kang tao, hindi mo na napapansin minsan ang mga nangyayari sa paligid mo.
"Teka Ninya," tawag sa akin kaya napatigil ako. Naglabas pa nga ako ng buntong hininga. Speak of the devil…
"Ninya," humihingal siya nang makarating siya sa harap ko.
Nginitian ko siya… pilit. "Nathan. Bakit may nakalimutan na naman ba ako na—"
"Wala Ninya," singit niya naman agad. "Ano ba yan. Bakit lagi mo nalang tinatanong yan tuwing nilalapitan kita?"
Naglabas ako ng buntong hininga. "Naninigurado lang," sabay naglakad ako paalis.
Sumabay naman siya at habang naglalakad kami, walang nagsasalita.
Just great. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ma-a-awkwardan sa katahimikan niya ngayon.
"Uy alam mo ba Ninya," sabi niya bigla that broke the ice.
Hind ako umimik pero iniglapan ko siya as a response.
"Naalala mo pa ba yung kinuwento ko sa iyo na babae na nakakausap ko sa katabing school namin?" tanong niya.
Bahagya akong nagulat. "O bakit siya?"
"Alam mo ba na hindi na siya pumupunta sa secret place namin?"
Napatahimik ako ng di oras. Of course I'm not dumb that he is reffering to me as Nia.
"I'm actually getting worried Ninya," dagdag niya. "Lately kasi parang laging may bumabagabag sa kanya. She's always denying na wala raw at alam ko may pagka-dense ako from time to time…"
Wow, aware siya.
"...pero nagiging aware din ako pag palagi yun nangyayari sa kanya. Tapos ngayong hindi pa siya dumadating sa place na yun, sometimes gusto kong mag-tresspass dun sa secret place namin para lang mapuntahan siya at malaman kung kamusta na siya."
Sa dami nang sinabi niya, hindi pa rin ako nakaimik. Wala akong masabi eh.
"Tingin mo Ninya, sugurin ko nalang kaya siya sa school nila para malaman ko kung—"
"Huwag!" sigaw ko naman kaagad sabay napatigil kami sa lugar namin. May ilan pang tumingin sa amin dahil sa ginawa ko. Nakakahiya.
"Grabe ka maka huwag ah Ninya," ngiti niya pang sagot. Bwiset.
"Baliw ka kasi. Bakit kasi maiisipan mong pumunta sa school na ano… sa school na yun eh alam mong bawal ka roon."
Siya naman ang naglabas ng buntong hininga. "Eh nag-aalala na nga kasi ako para sa kanya Ninya."
"Na-gets ko okay?" sabi ko naman. "Ang akin lang, hayaan mo muna kaya siya. Baka may pinag-iisipan lang talaga siya tapos kailangan niyang mapag-isa. Hindi ata siya makabalik sa secret place niyo dahil nandoon ka."
He pouted. "Ang harsh mo Ninya."
"Just sayin Nathan. Kung talagang gusto ka niyang kausap, di ba dapat babalik siya roon at kakausapin ka niya?"
He paused at his place at parang nag-isip.
"Sabagay. Siguro dahil sa nag-aaral ako sa kabila ng school nila kaya hindi pa rin siya nagtitiwala sa akin. Hayaan mo Ninya, pag bumalik siya, mangangako ako sa kanya na hindi ko ipagkakalat kung anong sasabihin niya sa akin"
Para talagang bata… but I don't know why I find it cute.
"Baka naman may nasabi ka pala kaya hindi na siya bumalik," sabi ko naman sa kanya.
"Sinabi? Ano bang sinabi ko nun?"
Wala naman talaga eh. Inaasar ko lang siya.
"Ah siguro nga Ninya," sabi niya bigla na parang may na-realize siya na kinagulat ko. Ano? Meron nga?
“Siguro... crush niya pala ako tapos dahil sa sinabi ko kaya siya nagselos at nagwoke-out.”
Ano raw? Anong sinabi niya ba na ikakaselos ko…
...oh great. Just great. Naalala ko na ang tinanong ko at sinagot niya. Pero sandali…
"Bakit naman siya magseselos?" nagtataka kong saad.
Hindi siya nakaimik after I asked that. Alam kong tinanong ko kung bakit niya ako nagustuhan as Ninya and he answered like any typical playboy will say. In short, he's actually just playing around. He's not really serious—
"Ninya," he said kaya napatigil ako sa pag-iisip at napatingin sa kanya…
...but the next words that came out of his mouth is not what I was really expecting.
"Ninya I like you."
...
Napamulagat ako ng mga mata sa tindi ng gulat. I didn't see that coming. That was really unexpected.
Did he just confess to me? At this kind of time? Really Nathan?
Wait I know he's a playboy kaya baka…
"Look Nathan, I'm not that kind of girl that you can play with—"
"I know Ninya, that's why I'm serious," sagot niya naman kaya napatigil ako.
What? Serious? Kailan pa naging seryoso ang isang tulad niyang—
Napatigil ako nang mapatingin ako sa kanya.
It's not what you think guys. Hindi pa rin luminaw ang mga mata niya kaya hindi ko alam kung ano pa rin ang pinapakita ng mga mata niya pero…
...pero naramdaman ko. Naramdaman ko na seryoso nga siya sa sinabi niya. Siguro dahil naalala ko nung mga oras nung umamin siya sa akin when I was as Nia na seryoso nga siya na gusto niya ako… as Ninya.
Pero… anong sasabihin ko? What should I reply?
Aaminin ko sa sarili ko na hindi ko rin alam ang nararamdaman ko pabalik sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung meron nga ba.
Pero agad din akong pinaalalahanan ng pag-uusap namin ni Naite, the White King. Ang pag-uusap tungkol sa nangyayari ngayon.
I should know, na dapat sa sitwasyon ngayon, dapat ko siyang…
"Nathan, look. I appreciate it… pero—"
Before I could even say what I have to say, hindi na nailabas ng bibig ko ang mga dapat kong sabihin dahil… naramdaman ko na pumatong ang sa kanya.
He just suddenly grabbed my arm to pull me to him at ilapat ang labi niya sa akin. He just suddenly kissed me… that…
SLAP!
It shocked me. It shocked me so much kaya nagawa ko iyon. It just suddenly came out of nowhere na hihilahin niya lang ako para halikan ako and all my life, alam kong isa siya sa mga taong sinabihan ko na ibibigay ko lamang ang labi ko sa taong mahal ko… kaya bakit?
I only came back to reality when I felt my tears are rolling down my cheek at nakita siyang hawak-hawak ang pisngi niyang sinampal ko.
"I'm sorry," sabi ko nalang sabay tumakbo paalis.
Nagmumukha akong baliw dito. Bakit ako ang umiiyak eh hindi naman ako ang sinampal? Bakit ako umiiyak eh hindi naman ako ang na-reject?
I felt disrespected dahil aware siya sa moral code ko and caught me off guard to steal my first kiss.
~*~
Nathan is staring down the floor full of sorrow in his eyes. Oo ramdam niya ang sakit sa pagkakasampal sa kanya pero pumaibabaw ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa nangyari lang kanina...
"Tara laro tayo," imbita ng batang babae sa kanya.
"Tignan mo o. Ang ganda ng mga fishes," habang tinuturo niya ang mga isdang lumalangoy sa creek.
"Huwag ka nang malungkot. Andito pa naman ako kaya smile ka na," while she's poking his sad little face.
"Walang iwanan ha? Pinky promise mo yan," while both their little pinkies are twisted with each other.
These are all flashbacks that keep coming back to him… only when she's around. Siguro childhood friend niya nga siya… but most of all...
...he thinks he's not the only one suffering amnesia.