Two Kings' Talk

3915 Words
Chapter 17 NIA Habang naglalakad palang ako sa hallway ng school namin, nakita ko kung paano napansin ni Queen ang presensya ko at agad tumakbo palapit sa akin. “King,” tawag niya sa akin. “May balita kang kailangan mong malaman. ASAP natin kailangang pumunta sa Student Council room.” Kahit ganun ang sinabi niya, tumango lang ako without getting shocked at sabay kaming naglakad ng mabilis papunta sa Student Council room. Andito na si Rook at Bishop, at pagkapasok namin, agad namang pumasok si Knight at halata sa kanya ang pagmamadali dahil humihingal siyang dumating. Sinara niya muna ang pinto bago kami hinarap. “Anong balita na naman ito?” hinihingal na tanong ni Caren. No one answered first pero halos lahat sila ay napatingin sa kinatatayuan ko. “Hindi ko rin alam eh,” sabi bigla ni Kimbrae. “Basta kailangan daw mag-usap ang dalawang Kings…” “…na silang dalawa lang,” tuloy ni Leander. Lahat sila ngayon ay nakatingin na sa akin intently, waiting for me to answer ang nakakapagtakang balita para sa kanila. Napabuntong hininga naman ako. I knew this was coming. “Believe me when I say na sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano na naman ang binabalak ng White King nila at kung bakit gusto niya na naman akong kausapin.” “Naku sigurado masama na naman ito King,” sabi bigla ni Zairie. “Baka itutuloy niya na naman ang proposal niya na lumipat ka sa Ashen West,” sabi ni Caren. “This time, baka i-threathen ka niya na lumipat para lang matalo ang Raven East.” Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Knight. It could be. “Ano ba yan. Bakit kasi ganyan White King nila? Nakakatakot na nakakainis,” komento ni Queen. “Malamang dahil mataas talaga ang pride ng White King na yun kaya bakit naman yun magpapatalo?” saad ni Rook. “Natalo sila sa Grand Olympics eh.” “Matagal nang tapos yun,” sabi ni Bishop. “Pero knowing them, siguro nga dahil doon.” Napabuntong hininga nalang ako sa usapan nila. “Guys, guys, huwag kayong masyadong mag-alala,” sabi ko sa kanila. “Magiging okay lang ito. Kung hihingi talaga ng gulo ang mga whites, lalaban tayo. Hindi natin sila hahayaang lumamang sa atin na naman.” Si Caren naman ang napabuntong hininga pagkatapos. “Hindi lang naman iyon ang inaalala namin eh,” sabi niya. “Ikaw ang binibiktima rito King kaya dapat mag doble ingat ka.” “Don’t worry,” sabi ko naman and looked at everyone with a very serious look. “Kakayanin ko ito.” … Pagkarating ng lunch, kumain muna ako bago ako dumiretso sa CHESS room. Kita ko pa ang apat na naghihintay sa entrance ng room na ikinatuwa ko talaga at the same time, dapat hindi na nila ginawa yun dahil naabala pa sila. They said their good lucks to me, bago ako tuluyang pumasok sa loob. Pagkapasok, nakita ko siya agad behind the transparent glass na nakatayo at nakatalikod sa akin. Pagkasara ko ng pinto, doon lang niya ata napansin ang pagpasok ko kaya siya humarap kung saan ako. Pinakita niya agad sa akin ang lagi niyang suot na ngisi. “Black King,” bati niya. “Please have your seat.” Umupo naman ako bago siya umupo sa kanyang upuan. “Thank you for coming,” greeting niya. “Sinabihan ko na ang admin namin na i-off muna ang mga CCTV cameras and any recording devices dito sa CHESS room namin. How about you?” I paused. “Same here.” “Good. Buti sumusunod ka sa usapan.” Hindi ako umimik. Alalang-alala ko yung usapan na iyon sa gabi ng birthday party na iyon…   “Is it okay if I talk to her?” tanong ni Naite kay Nathan sabay turo sa akin. Parehas kaming nagulat ni Nathan sa sinabi niya. Hindi ko man alam kung anong naramdaman ni Nathan dahil doon pero ako rito, sinimulan akong kabahan. Ano na namang binabalak ng lalaking ito? “Bakit kailangan mo siyang kausapin? You two know each other?” mga tanong ni Nathan. He smirked at dahil doon, parang nagpanik ang kalooban ko. Oh no. Balak niya atang ilaglag ako! “No,” Naite answered na kinagulat ko at the same time, nakahinga ako ng maluwang. “She seems very beautiful and I think I could get along with her,” sabay biglang tinignan niya ako and that same smirk again. Ang sarap talagang suntukin at burahin ang mga ngising yun. “I don’t know to her Naite,” pagdududa ni Nathan. “Haha,” tawa ni Naite. “Don’t worry Nathan. Hindi ko naman siya aagawin sa iyo. I’m not a playboy like you.” Kahit hindi ako ang pinapatama, I was startled sa sinabi niya. Grabe talaga kung makainsulto ang taong to parang wala yung taong iyon sa harap niya. Kahit parehas sila ng birthday, hindi ko pa rin gets kung kambal nga talaga ang dalawang ito o kung related ba talaga sila? Naglabas ng buntong hininga si Nathan. "It's okay as long as it's okay with her," at pagkasabi niya nun, sabay umikot ang mga ulo nila paharap sa akin. Kinabahan muna ako, bago ako tumango at sumagot. "O-okay lang naman," utal ko. Inisip ko na tanggihan siya, pero pag ginawa ko iyon, baka bigla silang magduda… pati si Nathan. "See?" Naite smirked. Naglabas muli ng buntong hininga si Nathan. "Okay. Ninya…" sabay biglang hinawakan niya ang kamay ko and smiled at me, sincerely. "...mag-ingat ka hah?" Nagulat ako sa sinabi niya pero agad naman akong napatango at iniwasan siya ng mukha. God these feelings. Naite led the way habang sumunod naman ako. I watched him from his back, full of caution on my face, trying to observe every little move he will do kung anong gagawin niya. "Don't be tense Ninya," sabi niya bigla sabay hinarap ako. "I will not reveal your secret and say it out loud." Napatigil ako sa lugar ko sabay sinuot ang seryoso kong mukha na lagi kong suot tuwing ako si Nia. Bakit ko pa kailangang magtago sa lalaking ito? "Anong kailangan mo White King?" tanong ko. He smirked again. "There it is. The Black King." I stood firm at my place kahit sinabi niya iyon. "Alam mo, para kang may kambal. If I had not known your secret, baka napaniwala mo ako that Ninya and Nia are really two different people." Naglabas naman ako ng buntong hininga. "Just be direct with me White King. Bakit kailangan mo akong kausapin?" He paused at his place bago ako hinarap at nginitian. Yes nginitian, hindi siya ngisi. "I want to talk with the Black King on Monday's lunch." Nagulat ako. "Just between me…" sabay turo sa akin. "...and her."   At ayan ang nangyari kaya nagaganap ang ngayon. Hindi niya sinabi kung anong gusto niyang pag-usapan pero pumayag naman ako. Inisip ko na baka pag sinabi kong hindi, baka bantaan niya ako nung mga oras na yun na sabihin ang identity ko… pero sa totoo lang, napadala ako sa gesture niya kung paano niya ako inalukang makipag-usap kaya napapayag ako ng di oras. I think there's something about this talk. "So, anong gusto mong pag-usapan?" seryoso kong tanong. He didn't gave a response and was observing me intently. I was startled at what he is doing pero hindi ako nagpatalo. Kung gusto niya ng staring contest, kayang-kaya ko rin yan. "Nia," sabi niya bigla kaya bumalik ako sa katotohanan, because he mentioned my name. "Why were you invited by Nathan as Ninya sa birthday namin? How did you two know each other?" Napatahimik ako saglit. That was so direct at buti nalang naisipan niya ngang ipa-off muna namin yung mga CCTV cameras and any recording devices sa room na ito. Does that mean seryoso siya na hindi niya talaga ipagkakalat ang sikreto ko? "We work at the same studio," sagot ko. "He's a photographer, I'm a model." "I see," seryoso niyang sagot. "Does he also know?" I paused first dahil nagtaka ako sa tanong niya pero, remembering ang usapan namin kanina, I get it kung ano yun. "As far as I can see, wala siyang alam tungkol sa identity ko," sagot ko. "You tell me." He smirked. "He really is dense isn't he?” I paused at parang nag-isip pa ako bago sumagot. "Sometimes. But he can read a situation from time to time." "Really? Paano mo nasasabi yan?" Napatigil ako sa tanong na iyon. "Gaano na kayo ka-close, Ninya?" Hindi ako nakaimik sa tanong niya. Sobrang gulat talaga ako at parang nahulog ako sa isang patibong. Oh great. I knew this is a trap. Dapat hindi ko nalang siya sinagot. I should have known na mahahalata niya. "O? Bakit bigla kang napatahimik?" he asked with a smirk. Napakunot ako ng noo habang nakatingin sa kanya. He really is sly. "Hindi kami close," sagot ko. "Walang namamagitan sa amin. We are just strangers at each other." Hindi ko alam kung paano ko nagawang hindi mautal kahit nagsisinungaling ako but he suddenly sheepishly chuckled. "Huwag mo nang i-deny Ninya," he said. "Nathan wouldn't invite you to his birthday kung wala nga kayong relasyon." Napatahimik ako at nagulat. "Besides, I see the way he looks at you. If you're not yet aware then let me inform you that I think my twin likes you, Ninya." Tuluyan akong nagulat dahil doon. I am well aware of that ever since sa birthday party pero hindi ko alam na halata pala. "Ho-how can you be sure?" utal ko na. "Sinabi niya ba sa iyo?" He chuckled sheepishly again. "No," sagot niya. "But Nathan is very vocal kung may nagustuhan siyang babae to play with for being a playboy. Yun nga lang in your case, hindi siya ganun then that means he must have really like you in a very romantic way." Napaseryoso ako sa mga sinabi niya. Somehow, through his words, he knows Nathan really well, like a… "Paano ba kayo related ni Nathan?" tanong ko. He paused at his place sa tanong ko and suddenly smirked. "Can't you see Black King? We very much look alike. Kambal kami. We even have the same birthdays." Seryoso pa rin ang mga titig ko pero hindi ako umimik. I can just remove my eyeglasses for a while para sana tignan siya mata sa mata para malaman kung nagsisinungaling ba siya o hindi… pero hindi ko magawa yun dahil pakiramdam ko mahahalata niya kaya hindi ko alam kung nagsisinungaling ba ang lalaking ito o hindi pero base sa mga sinasabi ni Nathan, bakit hindi siya raw ang kambal niya? Bakit hindi magkaparehas ang surnames nila? Bakit hindi niya siya sinasagot kung tatanungin daw siya ni Nathan? As far as I can see, kahit alam na ng lalaking ito ang tungkol sa identity ko, hindi pa rin siya aware sa meet-up namin ni Nathan sa border wall kaya kung tatanungin ko ang mga tanong na ito, it's already game over for me. "Hindi ko nga alam Black King..." he said kaya bumalik ako sa katotohanan. "...kung paano mo nadi-differentiate kami ni Nathan." Actually, madali lang naman ang sagot diyan dahil sa kondisyon ng mga mata ko. Malabo ang mukha ni Nathan, habang siya hindi, but of course he doesn't know that. "You two may look alike…" sagot ko naman. "...pero madami kayong pagkakaiba." He paused at his place dahil siguro sa sagot ko at biglang sumeryoso itsura niya. "I see," he said. Napaseryoso naman ako ng di oras dahil doon. "Well then, aminin mo man na may namamagitan sa inyo ng kambal ko o wala, what I really want to talk with you about…" he said and paused. "...is the relationship between you and Nathan have, as the model Ninya." Napakunot ako ng noo dahil doon. "Wala nga kasing namamagitan sa amin ni Nathan whenever I'm Ninya," nagsimula na akong mairita. "I-I'm not even aware that he likes Ninya." Yes, I lied… basta sana hindi niya lang mahalata. "Then I'm already informing you Ninya," sagot niya naman na mas lalo kong kinairita. "How can you say that? Imposibleng magugustuhan niya si Ninya." "She's beautiful and sweet and most especially a model so how can he not fall for you?" Napatahimik ako sa mga sinabi niya. Napatulala pa nga kami sa isa't isa dahil doon at parang bahagya siyang nagulat at nakaukit sa mukha niya na parang na-realize niya ang sinabi niya. He suddenly looked away from me na mas lalo ko lang kinagulat… at naramdaman ko na nag-blu-blush ako. Aaminin ko sa sarili ko that I was really flattered to hear that, pero hindi ako makapaniwala na nanggaling iyon sa mga bibig niya. Kung kay Nathan nanggaling yun, mas maiintindihan ko pa pero si Naite? Ang White King? Yun ata ang isa pang bagay na imposibleng mangyari sa mundong ito. Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. The atmosphere suddenly became awkward pero agad ding nawala ang flattery ko kanina. Nagtaka nalang ako kung bakit ba niya pinupush na gusto ni Nathan si Ninya. "Ano bang gusto mo White King?" I said breaking the ice. "What is it about the relationship between Ninya and Nathan?" Naglabas siya ng buntong hininga. "Hindi ko alam kung masyado ka ring dense but I'm here to warn you na makakasama ang relasyon niyo ni Nathan sa school, kahit ikaw pa si Ninya." Tuluyan akong nagulat dahil sa sinabi niya. "I don't know what's really going on between you two, meron man o wala, but it's best na itigil niyo na lahat." Hindi ako nakaimik sa mga sinasabi niya. "Hindi ko alam kung minsan bang dumaan sa isip mo na pwedeng maibunyag ang sikreto mong model ka ng di oras kung hindi ka nag-iingat. I could have already use that as a weakness not just to you but even to the whole of Raven East para mapabagsak kayo…" Napakunot muli ako ng noo dahil doon. He's showing his true colors again. "...but knowing that you have a relationship with one of our students here, madadamay ang Ashen West ng di oras kapag ginawa ko nga iyon." "I hope you're getting the point here Black King. I'm warning you and talking to you about this for the future not just for Ashen West or Raven East, but for the whole CHESS school. We are both Kings of each school and we only want what's best for them so pag-isipan mo ng mabuti ang pinapasukan mong relasyon sa kambal ko."   After everything he said, hindi pa rin ako nakaimik. I was really speechless dahil… may punto siya. Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin and both of us still stayed put at our seats. I used that silence to think this through. Kahit pinakita niya ang totoong kulay niya, na-gets ko na kung ano ang pag-uusap na ito. As a King, I clearly understand his point of view. Iniisip niya lang naman ang kapakanan ng school niya. That's our job for being part of either Campus Royalty or Student Council. In the first place, kung tatakbo ka sa mga posisyong ito, dapat isipin mo agad ang malaking responsibilidad na hahawakan mo at dadalhin mo. I looked at him behind the transparent wall right in front of me. Akala ko gulo na naman ang hinihingi ng White King na ito, pero alam niya rin pala i-handle ang titulo niya. Somedays, gusto rin pala nila ng katahimikan. I can see right through it na ayaw niya lang maging iskandalo at magkaroon ng issue ang nangyayari sa amin ni Nathan. Gets ko naman na eh. I already and completely understood it na dapat layuan ko na si Nathan as Ninya… pero bakit hindi ko masabi sa kanya? Bakit parang wala akong lakas na loob ngayon na sabihin sa kanyang 'Naintindihan ko' at 'Lalayuan ko na siya'? Dahil pa rin ba ito sa malabo niyang mukha? Dahil hanggang ngayon, gusto ko lang naman malaman kung anong itsura ng lalaking yun at kung bakit siya lang ang nag-iisang lalaki sa mundo na malabo ang mukha sa paningin ko lang? Masyado bang mababaw ang rason na iyon? O… may iba na? To break the silence, naglabas ako ng buntong hininga. "I clearly get it White King," sagot ko. "But in the first place, in case you didn't know, yung una kaming nagkita, alam ko sa sarili ko na nilalayuan ko ang lalaking iyon tuwing nasa trabaho kami. Hindi man maiiwasan na minsan madalas kaming magkakatrabaho dahil isa siyang photographer habang ako ay model pero..." Tumayo ako mula sa aking upuan. "…I'll do my best na iwasan siya whenever I'm Ninya pero sana…" I looked at him full of seriousness in my eyes. "...pagsabihan mo rin siya na layuan niya rin ako. Kung magkambal nga talaga kayo, alam mo sa sarili mo na sobrang kulit at mapilit ang lalaking yan." I turned around from him dahil malapit na mag-bell for our next subject pero bago pa ako tuluyang makaalis, I pressed the button for the mike one last time… "I'll do my part," sabi ko. "I hope you do yours," sabay tuluyan akong lumabas ng CHESS room at naglakad diretso sa classroom ko.   THIRD PERSON Kahit 5 minuto nalang bago rin mag-time para sa kanilang next subject, the White King still stayed put inside the CHESS room, on his seat na naka dekwatro pa ang mga paa. Kanina lang, suot-suot niya ang ngisi niya pero ngayon, puno na ng irita ang mukha niya, staring at the transparent glass right in front of him. Naiirita kasi siyang maalala ang nangyaring pag-uusap kaninang umaga bago itong pag-uusap na inihanda niya kasama ng Black King.   "White King!" bungad na saad ni Nathan pagbukas niya ng pinto ng opisina ni Naite. Both Blennie the White Queen and the White King ay napatingin agad sa nambulabog ng pinto. "Can't you at least knock?" seryosong saad ni Naite. "Nope. Kailangan kitang kausapin agad," sagot naman ni Nathan at naglakad pa papunta sa mesa ni Naite, ignoring the fact na nandoon pa ang White Queen. "Hindi mo ba nakikita na busy akong kausap si Blennie?" iritang saad ni Naite sa kamukha niya. "Ituloy niyo nalang yan mamaya. Kailangan na talaga kitang makausap," pilit ni Nathan. "That can wait," seryosong sagot ni Naite at binalik ang tingin kay Blennie, ignoring Nathan. "So where we?" Nathan pouted sa inasta ni Naite and Naite thought by ignoring him, aalis din ang kamukha niya pero naglabas siya ng buntong hininga at, "Ayoko nang maging pawn, White King," sabi niya bigla na kinagulat ni Naite. He just bluntly said that out of nowhere at may kasama pa sila sa kwartong iyon. "Sorry White Queen please excuse us for a while. I'll try to get to you after this." "A-ah sige. I'll take my leave then," Blennie politely said at dumiretso agad sa pinto. Pagkasara niya palang ng pinto, Blagsh! Both Naite's hands landed on his table, tumayo pa siya sa kanyang upuan at seryosong tinitigan si Nathan. Kahit ganun, hindi nagulat ang kaharap niyang tao. "This better be important Nathan," makamandag na saad ni Naite kay Nathan. Nathan was not startled at pasimpleng umupo pa sa couch na kaharap lang ng mesa ni Naite. The way he acts made Naite so irritated pero dahil sa sinabi niya lang a while ago, kailangan niyang pakisamahan ang kamukhang niyang ito. Naglabas muna siya ng buntong hininga to calm himself down bago umupo and leaned on his chair. "Well then. Give me one good reason kung bakit mo nasabi ang sinabi mo kanina." Nathan spreads his arms on the head rest of the couch sabay naglabas ng buntong hininga. "Simple lang naman eh White King. I don't want to take down the other side. They seem like good people." Napakunot ng noo si Naite. "That's it? That's your reason?" full of sarcasm Naite said. "Yup. Kung gusto niyo silang patumbahin, huwag niyo nalang ako isali diyan. Problema niyo na yang mga Campus Royalties," manhid na sagot ni Nathan while his head is facing a different direction. Napaseryoso ng tingin si Naite pero hindi siya nairita sa inasta niya. "Kung ganun, in the first place, bakit ka kasi nag-enrol dito sa Ashen West?" he questioned. "Graduating na tayo White King kaya sayang naman. And besides, nakapasok lang naman ako rito dahil sa tatay ko…" sagot ni Nathan. "...I mean, dahil sa Dad natin." Hindi muna umimik si Naite, trying to observe ang kaharap niyang kausap. "You seem to really like the other side…" Naite said that broke the silence. "...or you actually have a different reason that is why you don’t want to take them down?" At that, Naite saw how Nathan was startled when he said that. It was already obvious. And Naite being as sly as he is, and knowing he is his twin, alam niya agad ang rason na iyon. Thinking about that, naglabas ng buntong hininga si Naite. "So you actually fell in your own trap," saad ni Naite. Nathan could be dense sometimes, pero dito natin makikita na kahit papaano, may koneksyon nga ang dalawa at masasabing kambal nga sila dahil naintindihan ni Nathan ang malalim na sinabi ng White King. Naite leaned on his chair at naglabas ng isang malalim na buntong hininga. "Alam mo ba kung bakit ikaw ang pawn sa misyong ito?" tanong ni Naite sa kanya. Hindi umimik si Nathan. "You are known for your name as the Cassanova, the heartbreaker, the playboy. Pero hindi ko aakalain na ang dakilang playboy ay pwede ring mahulog sa bagay na yan na hindi naman nila pinaniniwalaan." Hindi pa rin umiimik si Nathan kaya nagdaan na naman ang katahimikan sa pagitan nila… signalling also that everything that Naite is saying is true. "Well kung ganun pala ang case, the Blacks already have the upper hand for eating one of our white pawns…" Naite said. "Good," sagot bigla ni Nathan sabay tayo sa couch. "Then I shall go then. Thank you for taking the time to talk this out White King." He was about to leave the place… "Sandali…" saad ni Naite puno ng awtoridad. Kahit kambal sila, he still has the title kaya siya may ganung authority rason napatigil si Nathan na tuluyang umalis. "...hindi pa tapos ang laban," simula ni Naite. "Are you forgetting the deal we have?" Nathan clicked his teeth when he mentioned that again. "Pag sinabi kong ayaw kong maging pawn White King, that also means that I cut-off from that deal," sagot niya. "I know Nathan…" sagot naman ni Naite. "...I'm just bringing that up kasi akala ko ang ganda na ng contrata natin. Since you badly want to quit from it, does that mean walang ka nang pakialam sa condition ko?" "Yes," sagot ni Nathan. "It shows that you really don't want to help me remember the things I should remember that's why I'll solve it on my own." Nathan is already holding the door knob nang, "Then how about this…" Naite said na ikinatigil saglit ni Nathan. "...what if I tell you that one of the clue to solving that amnesia of yours is actually… the girl I talked to back at our birthday party?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD