Chapter 16
"Ano na ulit yung pupuntahan mo anak?" tanong ni Mama sa akin pagkarating ko sa bahay galing sa school.
"Birthday party Ma," sagot ko.
"Ah. Sinong may birthday na ulit?" tanong niya pa.
Napabuntong hininga nalang ako. "Basta Ma. Hindi mo naman po kilala kung sasabihin ko kung sino," sabi ko sabay umakyat ako sa kwarto ko.
Biyernes na ngayon at sakto kakatapos lang ng klase ko. Pagkatanggal ko ng sapatos, napahiga ako agad sa aking kama ng di oras.
Pagod ako ngayon at buti nalang wala muna akong raket. Pero mapapagod ata isip ko dahil pag-iisipan ko ang imbitasyon ni Fuzzy Face.
Pinaalam ko kay Mama ang tungkol sa birthday party simula nang imbitahin niya ako as Ninya kaya alam niya. Buti naalala niya pa na bukas na pala iyon. Ngunit ang pag-iisipan ko ngayon ng mabuti ay kung pupunta ba ako as Ninya or as Nia?
Nakakainis naman kasi. Bakit kasi naisipan niyang imbitahin ako both as Ninya and Nia? Pwede naman as Ninya dahil naintindihan ko pa pero as Nia…? Baliw talaga ang lalaking yun.
Let's just forget nalang kaya na inimbita niya ako as Nia and still attend as Ninya? Kung tatanungin niya ako pag magkikita kami sa border wall, gagawa nalang ako ng rason.
Pero kasi…
"Ang issue Nia ay kahit ikaw ang Black King, ikaw ang bestfriend ko sa school na ito at isa ka sa mga importanteng tao sa buhay ko kaya kita iniimbita sa birthday ko"
Iniling ko agad ang ulo ko just by thinking about that. God, bakit yun talaga ang dumaan sa isip ko? Iniisip ko kasi ang rason kung bakit nakokonsensya akong hindi pumunta. Dapat ang inisip ko ay yung tungkol sa sinabi niya na inimbita niya raw ang batang babae na iyon sa birthday party niya… hindi yun. Yun lang naman talaga ang rason kung bakit parang kailangan kong pumunta… Hindi talaga yung isang yun!
Kung ipapakilala niya sa akin ang bata, kailangan kong pumunta. That's my chance. Baka kung malaman ko kung sino yung bata, baka luminaw na rin sa wakas ang mukha niya. Baka yung bata lang pala na iyon ang missing piece sa puzzle na binubuo namin.
Kaya anong gagawin ko? Who should I'd be to go to that birthday party?
…
Came the next day…
...and I am now standing in front of the said venue kung anong nakasabi sa imbitasyong ibinigay niya sa akin noong nakaraang Lunes.
I'm staring at the entrance while wearing an off-shoulder black dress na hanggang tuhod ang haba. May suot akong black shoal na katerno ng black dress ko and a pair of black doll shoes with a flower on it. Halos black ang suot ko ngayon…
...pati ang frame ng glasses ko at ang face mask na suot ko. Yes, I finally decided to go to his party as Nia. Sinunod ko na rin ang sinabi niya na magsuot ako ng face mask. Mas maganda nang sigurado. Kahit sinabi niyang wala siyang inimbitang Ashen West student, baka mahalata pa rin ako ng di oras pag hindi ako magsuot ng face mask.
I went in sa building at sumakay ng elevator until the fifth floor. Pagkarating sa floor na iyon, kita mo agad ang isang sign about his birthday party, at may dalawang guards na nagbabantay sa entrance. They would show their invitations to them bago sila papasukin. Ganun din naman ang ginawa ko at habang pinapakita ko palang ang invitation card,
"Death Glare?"
Nagulat ako sa tawagang iyon kaya napatingin ako sa loob at nakita ang Fuzzy Face na iyon na lumalapit sa akin, habang nakaukit ang ngiti sa kanyang mga labi.
"You came!" saya niyang sabi sa akin.
Umiwas lang ako ng tingin bilang sagot.
Lumapit siya ng kaunti sa akin para bumulong. "Buti nalang talaga nagsuot ka ng face mask Death Glare kasi ang daming Ashen West students dito."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Pero sabi mo—"
"Yeah akala ko rin," singit niya. "Kung tutuusin nga Death Glare, wala talaga akong inimbita na Ashen West student pero bigla silang nagdagsaan sa entrance kanina. Nagulat nga rin ako dahil may mga invitations sila. Hindi ko nga alam kung sinong nagbigay sa kanila."
I look around and some, I do recognize their faces. Nagulat nga ako nang dumako ang mga tingin ko sa ilang Campus Royalties. Napaiwas pa naman ako agad ng tingin sa kaba na baka mahuli nila ako. Alam pa naman ng mga ito ang itsura ko. Sana gumana ang itim na face mask na suot ko.
Lumapit ako sa ilang nakadisplay na drinks and fingerfoods habang pasimpleng tinitignan ang ilang bisita niya. I am looking for that certain guy.
"Kuha ka lang ng inumin Death Glare. Masarap yang mga yan," sabi ni Nathan sa akin.
Ako naman ang lumapit sa kanya para may bulungin. "Andito ba President niyo?" tanong ko.
Nagtaka muna siya. "President?" tapos nag-isip siya.
Nagsimula akong mairita dahil hindi ko alam kung nagloloko ba siya o seryoso siyang hindi niya alam ang ibig kong sabihin.
"Ah… siya," he said in his realization. "Wala siya ngayon Death Glare."
Nakahinga ako ng maluwang sa sagot niya. "Mabuti naman kung ganun," sabi ko at bumalik sa pagtingin ng mga pagkain.
Dahil sa hawak-hawak kong paperbag, saka ko lang naalala ang dinalo kong okasyon.
"Oo nga pala," kinuha ko ang laman ng paperbag at binigay sa kanya ang isang nakabalot na regalo.
"Happy Birthday Nathan," ngiti ko. Alam ko hindi niya nakikita ang ngiti ko dahil naka face mask ako, pero sana nakita niya iyon sa mga mata ko.
Bahagya muna siyang nagulat bago masayang kinuha sa akin ang regalong inaabot ko. "Salamat Death Glare."
Tinignan niya muna ang hawak-hawak niyang regalo at parang ine-examine kung anong laman. "Pwede ko na bang buksan?" tanong niya sa akin na kinagulat ko.
"Uhm bakit mo tinatanong?" pagtataka ko.
"Eh kasi yung iba iniiwan nalang doon sa table kung saan iniipon yung mga regalo nila sa akin at bubuksan ko nalang daw pagkatapos nitong party."
"Bakit hindi mo nalang isabay yan doon?" tanong ko.
He turned his fuzzy face to me with a smile on his lips. "Gusto ko nang makita ang laman eh. Na-curious ako bigla kung anong ibibigay mo sa akin Death Glare/"
Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasagutin ko dahil una, because of his background. Alam ko na ang party na ito ay hinanda ng mayaman niyang ama kaya madami siyang mayaman na kamag-anak ngayon at syempre, baka mga ginto ang mga regalo nun samantalang sa akin… mumurahin lang.
"Sige ikaw bahala," sagot ko naman. "Binigay ko na sa iyo eh kaya ikaw na ang bahala kung anong gagawin mo diyan"
Sa sagot ko, parang na-excite siya dahil binuksan niya yung regalo ko ng di oras pero ako, nagsimula akong kabahan.
Nang maialis niya na ang wrapper, tinignan ko ang malabo niyang mukha at sinubukang alamin kung anong reaksyon niya sa hawak-hawak niya ngayon.
Wala akong nakitang ngiti at parang pakiramdam ko ay nagtataka siya kung bakit isang bracelet lang ang binigay ko sa kanya.
"Friendship band daw tawag diyan," sabi ko nalang and looked away from him. "Pa-pasensya na kung yan lang ang maibibigay ko. Alam kong hindi siya mamahalin tulad ng iba dahil yan lang talaga ang kaya ng bulsa ko—"
"Thank you Nia," bulong niya sa akin na ikinatigil ko sabay napatingin ako sa kanya ng di oras.
Pagkatingin ko sa kanya, suot niya na agad ang bracelet at nakangiti sa akin... genuinely.
"You've given me the best gift I've ever received."
Nagulat ako sa sinabi niya. Ramdam ko na ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Mabuti nalang at gumagana nga ang gamit ng face mask ko ngayon dahil nagagawa niyang takpan ang pamumula ko ngayon.
Umiwas agad ako ng mukha sa kanya. "Be-best gift? Ang sabihin mo, yan palang ang regalong nabubuksan mo. Saka pa-paanong naging best yan eh bracelet nga lang naibigay ko?"
He chuckled. "Ayan ka na naman Death Glare eh. Pakipot ka talaga. Hindi mo ba alam na ang cute-cute mo pag ginagawa mo yan?"
Doon na ako tuluyang nagulat at hindi nakaimik.
"Saka knowing you Death Glare…" bigla niyang nilapit ang bunganga niya sa tainga ko kaya ramdam ko ang hininga niya. "...I know you gave this to me because it has a special meaning."
Sa ginawa niya, napalayo agad ako sa kanya ng di oras at parang tinakpan ko pa ang tainga ko kung saan siya bumulong.
"Could you stop doing that Nathan?! Nakakainis!" irita kong saad sa kanya at naglakad palayo sa kanya papunta sa CR.
Mabuti nalang at hindi niya ako sinundan. Napahawak muna ako sa isang lababo habang nakatingin sa kaharap kong salamin.
Mayamaya, napahawak ako sa dalawa kong cheeks and tapping it continouosly dahil sa nararamdaman ko. God. Stop this Nia. What is happening to you? You shouldn't let your guard down in front him. I hate those charms. I really hate this feeling whenever I'm around him.
Napapasok ako sa isang cubicle para umihi at kalmahin ang sarili ko. Get it together Nia. Remember why you came to this occasion, okay?
Lalabas na sana ako pero doon ko lang narinig ang usapang nagaganap sa loob ng CR.
"Have you seen that girl with the black face mask?" maarteng tanong ng isang babae.
Nabawi ko ang kamay kong bubuksan na sana ang pinto ng cubicle nang marinig ko iyon.
"Yeah. Did you see the way she's so clingy with Nathan? Ang feelingera lang ha," sagot naman ng isa.
"May pa face mask pa siyang nalalaman para lang magmukhang may sakit sa harap ni Nathan."
"Kung ganung may sakit siya, bakit pa siya pumunta? Dapat hindi siya pinapasok ng guard kanina. Baka mag-spread siya ng germs niyan at mahawa tayo."
"Yeah. Ang malalandi niyang mga germs," sabay humalakhak ang tatlong babaita.
Upon hearing those, I stayed inside the cubicle hanggang sa narinig na lumabas sila ng CR bago ako lumabas.
Napatayo muli ako sa harap ng lababo at napatingin sa salamin.
Kung tutuusin, sanay na ako sa mga insultong ganyan. I know to myself na hindi ko alam kung ano talaga ang itsura ni Nathan dahil medyo malabo pa rin ang mukha niya kaya hindi ko masabi kung may itsura ba siya o ano… but I know those charms. I know how he can swoop down any lady with those charms at alam ko rin ang pagiging playboy niya kaya malamang madaming babae ang kakandarapa sa kanya.
Those girls can insult all they want pero ang nakakapag pabagabag sa akin ay yung the fact na… napapansin nila ako. Kung mapapansin nila ako, baka maibunyag ang identity ko ng di oras. I need to lie low.
Inhale, exhale. Remember Nia. Remember again the reason why you are here. You are only here to know the little girl. I put on my serious face first bago ako tuluyang lumabas ng CR.
I looked around again at naglakad around the venue nang,
"Death Glare," tawag sa akin kaya napatigil ako.
Oh good because I'm also looking for him. Hinarap ko siya.
"Fuzzy Face," sabi ko habang naglalakad siya palapit sa akin.
"I was looking for you everywhere. Saan ka ba pumunta?" tanong niya.
"Nag-CR lang," sagot ko.
"Oh okay. Anyways halika na," sabay hawak pa sa kamay ko para hilahin ako. "I'm about to blow the candle on my cake and I want you to be there."
Hindi ko napansin ang mga sinabi niya dahil sa kamay niyang hawak-hawak sa akin ako nakatingin sabay tumingin ako sa aking paligid. Kita ko ang ilang mga mata ng ilang mga babaita, like shooting daggers on me kaya agad kong binawi ang kamay ko sa hawak niya na kinagulat niya sabay nilingon ako.
"Bakit Death Glare?" tanong niya.
"Kaya kong maglakad doon Fuzzy Face at hindi mo na ako kailangang hilahin," sabi ko.
"I know Death Glare. Eh sa gusto kong hawakan ang kamay mo at hilahin ka kaya wala kang magagawa. Huwag ka nang pakipot."
Kukunin niya na sana ulit ang kamay ko and for a minute, naramdaman ko na naman ang mga nararamdaman ko dahil sa charms niya na yan kaya parang nawala ako sa katotohanan pero agad din akong bumalik sa realidad at agad tinago ang mga kamay ko sa likod ko.
"Huwag ka ngang makulit Fuzzy Face. Kaysa yan ang isipin mo, why won't you tell me kung nasaan na ang batang babae—"
"Nathan," tawag sa kanya kaya napatigil ako at napalingon siya sa tumawag.
May medyo matangkad na babae in her 40s wearing a black sleeveless fitted gown showing off her collar bones.
"Ma," sabi ni Nathan na kinagulat ko. That's his mother?
"What are you still doing here? The guests are already waiting."
"Papunta na Ma," sagot niya sabay pumunta sila kung saan ang birthday cake niya.
Sumunod naman ako and everyone sang Happy Birthday to him before he blew his candle and made a round of applause after it. Parang nasa birthday party kami ng isang bata pero nakangiti naman ang malabo niyang mukha kaya parang okay lang sa kanya na ganun.
While looking at their guests, dumaan sa mga tingin ko ang ilang babaita na nakatingin ng masama sa akin kaya umalis nalang ako sa crowd. Mas mabuting umiwas nalang ng gulo para hindi maibunyag kung sino ako at mag-focus tayong hanapin ang batang babae na yun. Tatanungin ko sana si Nathan, pero mukhang busy siya.
Pero mas mabuting umiwas muna ako sa kanya para walang makapansin sa akin. Araw niya ito kaya kung didikit ako sa kanya, syempre mapapansin ako ng di oras.
Nagsimula nang kumain ang mga bisita pero ako, nakatayo lang ako sa isang corner waiting for a chance na makakuha rin ng pagkain.
"Walang diet-diet dito Death Glare," sabi sa akin ni Fuzzy Face habang inaabutan ako ng plato.
I arched my brows. "Hindi ako nagda-diet. Hinihintay ko lang na matapos sila."
"Naku huwag ganun Death Glare. Baka maubusan ka," ngiti niya.
Naglabas ako ng buntong hininga. "Fuzzy Face, pwede bang—"
"Hey Nathan," singit ng isang boses kaya napalingon siya.
"Yes?" sagot niya sa isang babae.
Tinignan ko rin ang babae at nagulat ako nang makilala ko kung sino.
"Happy Birthday nga pala. For a minute, I already mistaken you for our White King. Magkamukha talaga kayo."
"Ah uhm… Blennie"
Oh great. It's their White Queen.
"I see you made a new friend. Pakilala mo naman," she said.
"Oh uhm well…" lumingon si Nathan sa lugar ko. "...siya si—"
Naputol ang sasabihin niya nang makitang wala nang tao sa lugar ko.
Agad akong umalis at nagtago in the crowd at nakipila na rin para sa mga pagkain. I need to watch out from those Campus Royalties. Mahirap na.
Nakuha ko na ang pagkain ko at naghahanap na ng table while looking around me pero dahil doon, may nakabangga ako.
"Ah sorry," paumanhin ko and worse, nadumihan ko pa yung tuxedo niya. "Oh no. I'm really sorry…" habang sinusubukan kong kumuha ng tissue sa bag ko.
"No it's okay. It's just a stain," he said.
I paused for a moment dahil parang nakilala ko ang boses na iyon.
"Madali lang ito linisin. How about you my lady? Are you okay?"
Just great. Their White Rook, Wahren. Hindi na ako umimik at tumalikod nalang sa kanya and went to a different direction. I know it's rude, but I really have to avoid them.
Nakalapag din ako sa isang table at umupo. I was really careful while eating dahil tinatanggal ko mask ko pero agad ko siyang binabalik pag ngumunguya na ako. Mamaya may makakita.
Nagulat nalang ako nang may umupo sa upuan ng mismong table kung saan din ako nakaupo. Napasuot agad ako ng face mask and looked at the person who just seated at nagulat sa kanyang mga mata sa akin. Wala siyang sinabi but his stares at me are intimidating. And now, the White Bishop.
"I'm sorry," paumanhin ko pa at umalis agad sa mesa. Knowing him, baka pagalitan niya ako ng di oras at sinasabing I'm invading his territory.
Buti nalang konti lang ang nakuha kong pagkain kaya mabilis ko iyong naubos. Binigay ko sa mga dishwashers ang plato na kinataka nila pero hindi ko na iyon pinansin at nakihalubilo sa crowd, making sure na wala na akong makabanggang Campus Royalty.
"Hey," sabay may biglang humawak ng braso ko.
For a minute, nagpanik talaga ako sa kaloob-looban ko at hindi nakaimik. Oh no? Am I caught? Who is it this time? Yung White Knight na ba itong nakakita at nakahawak sa akin?!
Ramdam ko ang paglapit niya sa akin at hindi ko alam kung bakit ako napapikit.
"Hey Death Glare," bulong niya sa akin kaya napamulagat ako at napalingon sa kanya.
Ngumiti ang malabo niyang mukha sa akin. "Fu-fuzzy Face," nautal kong sabi.
"Okay ka lang ba?" he asked.
"Hah? Ah…" binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Oo. Okay lang ako."
"Are you sure?" paninigurado niya pa.
"Oo nga kasi," irita kong sagot.
"Okay chill. Bakit ba parang ang init ng ulo mo ngayon? Saka saan ka pupunta?" mga tanong niya.
"Wala," sagot ko. "I mean uhm…" I looked away from him and somehow napatingin ako sa exit ng venue at parang pinaalala ako nun kung bakit ako pumunta rito.
"Yu-yung tungkol pala sa bata. Asaan na siya? Hindi ba inimbita mo siya rito?" mga tanong ko nalang.
He paused bago sumagot. "Mamaya nalang yung tungkol diyan Death Glare. Why won't we have some fun? Besides it's my birthday."
Bahagya akong nagulat sa sagot niya. "No. Kailangan ko nang makausap yung batang babae na iyon. Nasaan na ba kasi siya?"
I looked around the venue. "Wala naman akong nakikitang bata dito sa birthday party mo."
Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya napatingin ako sa kanya at hindi ko mabasa ang lips niya kung anong emosyon niya... pero parang may hinala ako.
"Sandali. Don't tell me hindi mo talaga inimbita yung batang babae na iyon? O ang totoo, hindi mo pa rin pala siya kilala?"
Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko at parang gusto niyang magpaliwanag pero walang salita ang lumabas sa bibig niya.
"Wait, sinabi mo lang yun para pumunta ako rito?" nagsimula na akong magalit. "Ano, so you can trap me or what?"
"Death Glare, hindi sa ganun—"
"Don't," pigil ko sa kanya. "I've had enough Nathan."
Lumakad ako paalis diretso sa exit pero pinigilan niya ako tulad nang pagpigil niya sa akin bago ako makasakay sa jeep.
Liningon ko siya na puno ng galit ang mga mata. "Could you stop doing that?! Nakakairita na!" inis kong saad.
"Don't leave Death Glare," sabi niya naman habang hawak-hawak ang braso ko.
"For what? Wala na akong rason para manatili rito," galit kong sagot.
"Yung batang babae lang ba talaga ang dahilan kaya ka pumunta sa birthday party ko?"
"OO! Hindi ba obvious?!"
Nagulat ata siya dahil napatigil siya sa lugar niya at hindi nakaimik after I said those things.
Nakahawak pa rin siya sa mga braso ko pero unti-unti kong naramdaman ang pag luwang at pagbitaw niya sa akin at doon ko rin unti-unting na-realize ang sinabi ko.
"I see," malungkot niyang saad. "Kung ganun, thank you for coming," sabay tumalikod siya sa akin and walked away.
Pansin ko ang ibang nakatingin sa amin dahil sa eksenang iyon pero ang mga tingin ko ay pinapanuod lamang siya na umalis hanggang sa mawala siya sa mga paningin ko.
With that, sinong hindi makokonsensya ngayong na-realize ko pa ang sinagot ko? This is a very special occasion to him, at ganun-ganun lang ang sasagutin ko sa kanya. Am I even to be considered his special friend tulad ng sinabi niya?
Napatalikod nalang ako, ready to leave the place. Looks like I don't deserve to be here anymore.
"Excuse me Miss."
Napatigil ako sa lugar ko. I'm not sure kung ako ang tinawag pero nang dahil sa eksena kanina, syempre madami ang nakapansin kaya baka na-curious ang iba. Bahagya kong inikot ang ulo ko para makita kung sino at nagulat kaya napaharap ako sa kanya ng di oras.
"Uhm ye-yes po?" nautal kong tanong. Sino naman ang hindi mauutal pag malaman mo na ang tumawag sa iyo ay yung nanay nang sinigawan mo kanina?
"Pasensya na iha, kailangan mo na ba talagang umalis?" tanong niya sa akin.
Sa tanong niya, napalunok ako ng di oras dahil sa kaba. Baka papagalitan niya ako sa ginawa ko sa anak niya. I deserve it anyways.
I bowed in front of her. "I'm really sorry po Ma'am for what I did to your son a while ago. Hindi ko po talaga sinasadya. I know I don't deserve to be here anymore pero—"
"Uy ano ka ba iha," singit niya sa sasabihin ko. "You don't need to bow. Alam ko mas matanda ako sa iyo pero minumukha mo akong sobrang tanda pa sa lola mo nang ganyan. I just want to talk to you."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatayo ako ng matuwid ng di oras na gulat ang aking mga mata.
"Po?" hindi ko pa makapaniwalang sabi.
She chuckled. "Huwag ka nang magulat. Although yes that was rude of you to do that to my son, but I know may reason ka naman eh."
She clinged to my arms na parang close kami. "Come on. Let's talk somewhere private."
…
Nakarating kami sa isang table sa isang veranda. It was a fancy dinner table at kung tutuusin, para kaming nagda-date nung nanay niya dahil may candle pang nalalaman.
"Waiter," sabi niya at sinabihan siya ng something bago umalis.
"Let's wait the food first bago tayo magsimula, okay lang ba sayo yun?" tanong niya sa akin.
"Ah oo naman po," sagot ko.
"And how will I address you pala iha?" tanong niya.
I paused at that question dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o…
"Pwedeng Death Glare nalang po?" pakiusap ko naman.
She paused at her place sa sagot ko at nagulat sa sumunod niyang reaksyon.
"Pffft hahaha," bigla siyang tumawa. Bakit parang nakita ko na ang reaksyong yan?
"Seriously iha? What kind of name is that?" natatawa niyang mga tanong.
"Uhm actually, code name po siya," sagot ko. "Kasi po… kailangan ko pong itago identity ko."
Tumigil din siya sa kakatawa pero nakangiti siyang hinarap ako. "Actually yeah I heard from Nathan about that code name you two are calling at each other. Ano namang tawag mo sa anak ko?" she asked.
"Uhm… Fuzzy Face po."
There was a pause. I know tatawanan niya rin ang tawagang yun pero… ni halakhak wala akong nakuha. Puno nga lang ng pagtataka ang mukha niya.
"Fuzzy Face?"
Nagulat ako. Dapat hindi yun ang sinagot ko. If I'm going to answer this question, baka ma-reveal ko sa kanya ang tungkol sa identity ko.
"Uhm i-it's just a name po that I suddenly think of nung magkasama po kami. I know it's really random po talaga."
Hindi siya umimik kaya nagsimula akong magpanik sa kaloob-looban ko. Baka pilitin niya ako. Hindi naman pwedeng mamaalam akong umalis because that would be really rude. Ang rude ko na nga kay Nathan, huwag naman sa nanay niya.
"Nakakapagtaka talaga..." she suddenly said kaya bumalik ako sa katotohanan. "...but it seems like you don't want to tell me the reason so I understand," ngiti niyang saad.
Nagulat ako sa sagot niya.
"And I was there at the CR too," dagdag niya pa.
Ako naman ang nagtaka sa sinabi niya.
"CR po?" tanong ko.
She chuckled. "Pasensya na iha, I mean Death Glare kung nakirinig ako. I know may pagka chismosa ako paminsan-minsan."
Hindi ako nakaimik kahit na-realize ko na ang ibig niyang sabihin.
"I know you're just protecting yourself from danger," she said. "Hay, ang gwapo kasi talaga ng anak ko eh."
I made a face after she said that. Mag-ina talaga sila.
"But I have to say Death Glare…" she looked at me sincerely. "...watching him today at this birthday party, I've never seen him that happily smiling. Ganun lang siya, pagkasama ka niya."
Napatigil ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya.
"I don't know who you are and the way you are dressed on this occasion tonight, especially that black face mask you're wearing, hindi mo maiiwasang sususpetsyahan kita ng masama pero kung ikaw lang naman ang nakakagawang pangitiin at pasayahin ang anak ko ng ganun, sapat na iyon para maging panatag akong mabuti ka niyang kaibigan."
Napatulala ako. Sakto, dumating na rin ang in-order niyang mga pagkain. She grabbed the spoon and fork and while doing that,
"Hindi kita kinokonsensya Death Glare to stay pero bilang isang ina, gusto ko lang namang makitang masaya ang anak ko kahit sa okasyong ito lamang," ngiti niya sa akin.
Sa ginawa niya, sa totoo lang, nakonsensya na ako pero naintindihan ko ang lahat nung sinabi niya na ina lang naman siya na gustong makita ang anak niyang masaya.
I started to remove my mask at kahit nakikita niya na ang totoong mukha ko, nginitian ko siya genuinely.
"Naintindihan ko po tita," sagot ko.
Napatigil siya sa pagkain nung ginawa ko iyon. Hindi ko alam kung bakit napatulala pa siya sa akin nang,
"Ma?" bungad ng isang boses kaya napalingon si tita sa tumawag sa kanya. Ako rin napatingin kung sino at nagulat.
"Ma anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Nathan sa kanya at inikot ang ulo kung saan ako. "Saka bakit niyo kasama si Death Glare?"
It took a while bago siya sagutin ni tita. "Ah wala naman anak. Masama na bang kumausap ng friend mo?"
"Hindi sa ganun Ma," sagot ni Nathan sabay biglang binibigyan niya ako ng hand gestures habang tinuturo ang mask ko.
Buti nalang na-gets ko kaya binalik ko ang face mask ko.
"So now you know who she is?" tanong ni Nathan sa ina.
She paused at binalik pa ang tingin sa akin saglit before she smiled to Nathan… weakly.
"No wonder she can make you that happy," bulong ng ina niya.
"Ano yun Ma?" tanong ni Nathan.
"Wala," sabay bigla siyang tumayo. "O sya, I'll be going ahead. Seems like kailangan niyo ng alone time para mag-usap. Happy dating, I mean eating pala."
At tuluyan siyang umalis. There was an awkward silence between us. Hindi ako makatingin sa kanya dahil doon kaya napatingin nalang ako sa kaharap kong mesa. I don't know if he'll stay or not pero…
"Hay si Mama talaga," buntong hininga niya sabay bigla siyang umupo sa bakanteng upuan kung saan umupo ang nanay niya. "May nasabi ba siya sa iyo? May ginawa ba siya? Huwag kang matakot. Minsan kasi talaga si Mama may pagka—"
"Fuzzy Face," singit ko kaya siya napatigil at inikot ang ulo sa akin.
I smiled to him through my eyes. "Your Mom is great."
Napatigil siya pagkatapos and suddenly turned his head away from me. Hindi ko alam ang nararamdaman niya basing from that, pero ramdam ko na parang ayaw niya akong kausapin. Nalungkot ako just by thinking about that.
"Sorry."
Pareho kaming gulat… dahil sabay naming sinabi yun. Tsk. Bakit lagi nalang ganito?
"Ah haha," he chuckled. "Parehas talaga tayo ng iniisip noh Death Glare?"
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at umiwas ng tingin sa kanya by looking down. Hindi lang dahil sa hiya… I feel guilty.
"I was actually saying sorry because of my mom," sabi niya that broke the ice between us kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi ko man alam kung anong nangyari between you two kanina kaya you think she is great pero nang makita kong pinakita mo ang mukha mo sa kanya, I can't help but think that maybe she forced you to do it. Takot ka pa naman na may makaalam di ba?"
Bahagya akong nagulat sa mga sinabi niya.
"But don't worry Death Glare. Sasabihan ko talaga si Mama na wala siyang sasabihan kahit nino kung sino ka," dagdag niya.
Napatingin ako sa malabo niyang mukha pagkatapos niyang magsalita.
"Actually, hindi niya ako pinilit ipakita ang mukha ko sa kanya. She has her way of persuading at hindi ko alam kung bakit pero…"
I smiled again through my eyes. "...I somehow trust your mother na hindi niya sasabihin ang nakita niya."
Napatigil siya.
"And I'm sorry," I apologized. "I know it's no excuse na nadala ako sa irita ko kanina kaya nasabi ko yun."
Hindi siya umimik.
"Sa totoo lang, I was actually scared a while ago kaya nagsimula akong magpanik," I sincerely said. "Pansin kasi ng ibang babae ang presence ko kapag kasama kita kaya lumalayo ako. Baka kasi magkaroon ng gulo at matanggal nila ang mask ko ng di oras."
His head is bowed down at akala ko wala siyang sasabihin nang, "I see. I'm sorry. I didn't know."
"Don't be. Kasalanan ko naman dahil hindi ko sinabi sa iyo."
A minute of silence had passed between us.
"Truth be told…" sabi ko that broke the ice. "...yung tungkol sa batang babae maybe one of the reasons I came… pero…"
I paused and looked away from him. "...I did really came here for you… you know as a very important friend in this special occasion… ka-kaya yun."
Nautal ako sa huli. God that was so obvious pero sana hindi niya rin mahalata ang pamumula ko.
He chuckled rason kaya bumalik ako sa katotohanan. "I understand now Death Glare. Thank you."
Nagulat ako sa sagot niya pero hindi ko binalik ang tingin kung nasaan siya. Feeling ko namumula pa rin ako.
"Actually Death Glare, there's a girl that I want you to meet…"
Pagkasabi niya nun saka ako napatingin sa kanya ng di oras.
"Girl? Yung bata?" mga tanong ko naman.
He chuckled once again. "Ikaw talaga Death Glare. Well, technically hindi siya bata eh pero yeah she's the girl."
"Kung ganun, asaan na siya? Sana pwede ko siyang makausap."
"Well uhm actually…" he paused. "...wala pa siya eh."
Nagulat ako sa sagot niya. "Hah?"
"Yeah ako nga rin nagtataka. Hindi ko alam kung busy ba siya o may kailangan siyang gawin kaya hindi pa siya nakakarating. Hindi ko kasi nakuha number niya eh."
"Ano ba yan," sabi ko naman. "Hina mo naman. Ni number niya hindi mo man lang nakuha."
His head turned away from me na ikinataka ko. He even pouted before saying this,
"Ang hirap kasi."
Pinagmasdan ko siya dahil sa kilos niya. There's something about his actions. Para siyang lalaki na kinikilig na ewan…
...teka…
"Sino ba yang babaeng yan at nahirapan kang kunin ang number niya? Bakit balak mo bang ligawan?"
That was just a joke pero hindi siya umimik kaya napatingin ako sa kanya, na kinagulat ko.
Did I see it right? Oo nakikita ko ang labi at ilong niya pero… bakit parang namumula siya? Dahil ba sa nakikita ko ang pagpula ng tainga niya?
Oh no. Oh great. Don't tell me…
"You like this girl don't you?" tanong ko.
Hindi siya nakaimik, pero nakita ko ang pagkagulat niya. Looks like I hit the nail.
"Kaya pala," sabi ko. "Marunong ka palang mainlove?"
"That's harsh Death Glare," he pouted.
Ako naman ang napa-chuckle. "Anyways, kahit name man lang hindi mo nakuha?" ngiti ko through my eyes.
"Syempre alam ko ah," sagot naman niya.
"Do you mind telling me?"
Naglabas muna siya ng buntong hininga at nginitian ako.
"Her name is Ninya."
Parang tumigil ang mundo ko.
"Ano ulit yun?" tanong ko pa.
"Ninya. That's her name."
Napatahimik ako ng di oras ng dahil doon.
What?
"Alam ko hindi ko pa nasasabi sa iyo ang tungkol dito pero I work as a part-time photographer at model siya kung saan ako nagtratrabaho. She's sweet and caring, basta she's really wonderful Death Glare kaya gusto kong ma-meet mo siya."
I couldn't speak a word. Parang ang tagal prumoseso sa utak ko ang sinabi niya. Ang dami niya nang sinabi pero yung mga una niyang salita ay hindi pa rin nag-register sa akin.
Kring! Kring! Bumalik lang ako sa katotohanan dahil sa tunog at tinignan ang cellphone ko.
"Sorry I need to take this call and go home. Anyways Happy Birthday," bilis kong saad at nagmadali akong umalis.
"Okay uhm sige," he replied. "Ingat ka hah Death Glare."
Mabilis akong nakalabas ng venue at nakababa hanggang first floor…
"Do you mind telling me?"
"Her name is Ninya"
...hanggang sa nakalabas ako ng building…
"Ano ulit yun?"
"Ninya. That's her name"
Kring! Kring! Tunog pa rin ng phone ko. Tulala ako sa sahig kung saan ako nakatayo.
Mayamaya, nang tumigil din ang pag-ring ng phone ko, saka ko lang iyon kinuha sa pouch ko at tinignan ang screen nito.
Hindi naman talaga siya tawag kaya siya nag-ri-ring. Alarm siya. I set it para ma-remind ako… ma-remind ako na sa okasyong ito, I've decided to go both as Nia and Ninya to his birthday… only at a different time of the event... pero ngayong nalaman ko ang tungkol doon…
"You like this girl don't you?"
"...she's sweet and caring, basta she's really wonderful Death Glare kaya gusto kong ma-meet mo siya."
Hindi ko na alam ang iisipin ko. Gulong-gulo na ako. It's like this is a big mistake. Napalingon ako sa mataas na building at napatingin sa floor kung saan nagaganap ang event.
How can he fall in love with Ninya? With me? He’s a playboy right?
What will I do?
THIRD PERSON
Nathan is still out in the veranda, sitting on the chair kung saan sila nag-usap ni Death Glare at kinakalikot ang friendship band na suot-suot niya na regalo niya sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali, pero nang makita niya ang pagmamadali niya kanina…
...it's like he's worried that something bad may happen.
"Nathan," tawag sa kanya at doon lang siya bumalik sa katotohanan at napatingin sa tumawag sa kanya.
"Ma. Bakit po?" tanong niya.
"May bago kang bisita na dumating. She wants to see you."
Bahagyang nagulat muna si Nathan bago siya tumayo sa kinauupuan niya at tinignan nga kung sino ang tinutukoy ng nanay niya.
When he arrived inside, nakatalikod ang babae sa kanila wearing a black dress na hanggang ankle niya ang haba.
"Here she is iha. Ano na ulit name mo?" tanong ng Mama ni Nathan.
Umikot naman ang babae paharap sa kanila at ngumiti.
"Ah call me Ninya po tita."
Gulat si Nathan to see her.
"Oh Ninya. What a nice name. Hindi ko alam na may ganito ka pala kagandang kaibigan anak," komento ng mama ni Nathan.
"Ma," suway ni Nathan sa ina.
"What? I'm just saying anak," sabi pa ng ina.
"Thank you po tita," ngiti ni Ninya.
"O sya. Maiwan ko muna kayong dalawa. I have a lot of things to do actually," ngiti ng ina bago siya naglakad paalis.
After that, there was an awkward silence between the two bago lang ito nasira ni, "Sorry I'm late Nathan," sabi ni Ninya.
Nathan paused bago siya nakasagot. "Ah it's okay. Importante nakaabot ka at nakarating ngayon," nahihiyang saad ni Nathan habang hinahawakan pa ang kanyang batok.
"So uhm here," sabay nag-abot ng regalo si Ninya sa kanya. "Happy Birthday."
It took a while bago kinuha ni Nathan ang regalo sa mga kamay ni Ninya. "Thank you," he smiled genuinely.
Wala nang tanong-tanong at binuksan agad ni Nathan ang regalo na kinagulat actually ni Ninya.
"Uy teka. Hindi ba pwedeng—"
Before Ninya could even finish what she has to say, nabuksan na ni Nathan ang regalo. Nathan paused at his place at parang pinagmamasdan ang hawak-hawak niyang keychain.
"Ah hehe pasensya ka na. Yan lang kaya ng bulsa ko eh," nahihiyang sabi ni Ninya.
Suddenly, a genuine smile formed on Nathan's lips na parang pinagmamasdan niya ang maliit na camera na keychain sa kanyang kanang kamay.
"This is a nice gift Ninya. I'll treasure it."
Ninya was taken aback for what he did at parang gusto niyang umiwas ng mukha dahil ramdam niya ang pamumula niya at hindi niya maiwasang ngumiti sa saya just to hear that from him.
Pero agad ding nawala ang ngiting iyon nang may naalala siya.
"Oh look. Is that him?"
"Yeah I think he is. He's so handsome."
"Magkamukha talaga sila ni Nathan. What do they call him again?"
Napalingon ng di oras si Ninya dahil sa kanyang mga narinig. Parang may hinala siya kung sino ang tinutukoy nila.
"Ah now I remember. He's called the White King."
Napatulala si Ninya sa lalaking yun dahil doon. Gulat na gulat talaga siya nang makita siyang papalapit sa kanila.
"Hey Naite," bati ni Nathan sa kanya.
Naite smirked back at him.
"Nathan," simple niyang saad.
Parang napalunok ng di oras si Ninya dahil sa kaba… mas lalo na nung napunta ang direksyon ng mga tingin ni Naite sa kanya.
Napatitig pa nga ang dalawa sa isa't isa for a minute bago umiwas ng tingin si Ninya sa kanya. Ngumiti lang si Naite dahil doon.
"So, who's this girl with you? Mind introducing me to her?" mga tanong ni Naite kay Nathan.
Nathan paused at his place, sinusubukang alamin kung sasagutin niya ba siya o hindi.
"Her name is Ninya. She's my friend," sagot ni Nathan.
"I see. I thought she's your new girlfriend," Naite smirked.
Ninya was startled at how Naite said that.
"By the way, buti nakapunta ka dito sa okasyong ito," sabi ni Nathan trying to change the topic.
Napatingin si Ninya kay Nathan at hindi niya alam kung bakit pero sa mga sinabi niya, there's something between the lines na parang napalingon siya sa kanya.
Nathan smiled at him. "Happy Birthday Naite."