MAGANDA ang mood ni Jay nang gabing iyon. Bukod sa isa ang araw na iyon sa kakaunting pagkakataon na hindi siya tambak ng trabaho, he was also lucky to be with a good company this afternoon. He was so contented that he decided to just go home instead of going out that night.
Nang nakasakay na sa elevator patungo sa unang palapag ng Bachelor’s Pad ay sumagi sa isip niya si Justin. Ang totoo, ang mukha ng ina ng bata ang una niyang naisip. She had soft and beautiful features. Subalit ang mga mata ni Cherry na napaparisan ng makakapal na pilik ay palaging mailap, palaging tila nais umatras at umiwas. Even the way her lips twitched made her look like she was rejecting him. Para bang nagtatayo ang babae ng makapal na pader sa pagitan nila.
At marahil dala ng pagiging abogado o likas na ugali, sa halip na mag-back off siya ay lalo lang siya nakakaramdam ng kuryusidad para kay Cherry. The more she avoided his eyes, the more insistent his craving to know more about her gets.
Bukod doon ay talagang magaan ang loob ni Jay sa anak ni Cherry na si Justin. May kung ano sa bata ang tumama sa kanyang puso. Marahil ay dahil unang beses pa lang niya nakausap ang bata ay nalaman kaagad niya na may pagkakapareho sila. O marahil talagang charming lamang si Justin kaya aliw na aliw siya rito. Ito ang unang bata na kinagiliwan niya nang ganoon.
Pero mas masuwerte siya kaysa sa akin dahil may ina siyang nagmamahal sa kanya, naisip ni Jay. Ipinilig niya ang ulo upang pawiin ang isiping iyon bago pa masira ang kanyang mood.
Umibis siya ng elevator at naglakad sa tahimik na hallway ng unang palapag ng Bachelor’s Pad. Medyo nagtaka siya dahil kahit sa labas ng common area ay tahimik, hindi tulad dati na kapag ganoong araw ay naririnig na niya ang ingay ng kung anong palabas na pinapanood sa entertainment area.
Pumasok si Jay sa common area at nakitang naroon naman ang halos lahat ng mga residente kabilang ang matatalik na kaibigan na sina Ross at Charlie. Kasama ng dalawa sa sofa na nasa gitna ng malawak na silid sina Keith at Brad na noon lang uli niya nakita roon matapos ang halos isang buwan. Sa bar counter sa isang panig ay nakita niya ang nakatalikod na si Ryan na seryosong kausap ang pinsan nitong si Draco Faustino na sa loob ng ilang taong pagtira doon ay limang beses pa lamang niya nakita.
“Bakit ang tahimik?” nagtatakang tanong ni Jay nang makalapit kina Charlie. Sandaling nakipagbatian siya sa lahat bago sumalampak ng upo. “Usually, kapag nandito si Brad o kaya ay si Art ay palaging nakabukas ang TV.” Iminuwestra pa niya ang direksiyon ng entertainment area habang sinasabi iyon.
“The player is acting up. May mga dala nga ako rito, o,” sabi ni Brad na tinapik ang mga DVD. “Pero may tinawag nang technician si Keith. He’s currently doing something about it.”
At para bang naramdaman ng technician na pinag-uusapan ito, tumayo ang matangkad na lalaking naka-overall at may suot na baseball cap, hanggang balikat ang buhok nito na naka-ponytail. Nakatalikod ang lalaki sa direksiyon nila kaya hindi nakikita ni Jay ang mukha nito. May kung anong kinakalikot ang technician sa DVD player at saglit pa ay nabuhay na ang malaking screen.
“Yes!” masayang bulalas ni Brad na tumayo at binitbit ang mga panonoorin.
Maging si Keith ay tumayo rin at lumapit sa technician na nang humarap sa direksiyon nila ay medyo nagulat pa si Jay. Masakit man sa ego at p*********i pero iyon ang unang beses na nahirapan siyang alisin ang tingin sa isang lalaki. Matapos makipag-usap kay Keith ay ibinaba na ng lalaki ang baseball cap hanggang sa matakpan na ang kalahati ng mukha nito at hindi lumilingon sa kahit na sino na lumabas ng common area.
“Technician ba talaga ang lalaking iyon? Sigurado kayong hindi celebrity? O hindi ba siya babae?” hindi nakatiis na tanong ni Jay kina Ross at Charlie nang tuluyan nang mawala sa paningin nila ang technician.
Natawa ang dalawa.
“Nope, he’s not a celebrity. Ang sabi ni Keith, suking technician daw siya ng building na ito,” sabi ni Charlie.
Si Ross naman ay tinapik siya sa balikat. “Good. Akala ko ako lang ang natulala nang makita siya. Medyo kakabahan na sana ako sa p*********i ko. I hate to admit this, but he looks like he’s not human, right?”
Tumango si Jay. “Yeah.” Napailing siya. “Noong nakaraan, night janitor na mukhang binatilyo ang nakasalubong ko sa hallway. Ngayon naman ay technician na mukhang out of this world ang hitsura at appeal. Saan ba nakukuha ni Keith ang mga taong iyon?”
“Oo nga, eh. Akala ko pa naman, sa lahat ng residente dito, ako ang pinakaguwapo,” biro ni Ross na ikinailing na lang nila ni Charlie.
“Hindi siya residente. Technician siya,” sabi ni Charlie.
“He looks so out of this world it was almost scary. Mahirap maging karibal sa babae ang lalaking iyon,” komento pa ni Jay. Pagkatapos ay may naisip siya at napatingin kay Charlie. “Sana hindi siya makita ng kapatid mo kahit kailan,” naiusal niya bago pa napigilan ang sarili.
Sandaling natigilan si Charlie bago kumislap ang pagdududa sa mga mata. “Bakit biglang napasok sa usapan ang kapatid ko?”
“Who? Cherry or Charlene?” nagtatakang tanong naman ni Ross.
Hindi inaalis ni Charlie ang tingin kay Jay nang sumagot. “Cherry. So?”
Medyo nailang si Jay sa tono ng kaibigan. “Hindi mo ako kailangang tingnan ng ganyan. Bigla ko lang naisip dahil nakita ko siya kanina, remember? At naisip ko na baka magkagusto siya sa lalaking katulad n’on na siguradong maraming humahabol na babae. Magugulo ang buhay ng kapatid mo at madadamay pati si Justin. I like that kid. That’s all,” sagot niya. God, did he just sound defensive?
Ilang segundong tinitigan lang siya ni Charlie bago nagsalita. “Jay, halatang interesado ka sa kapatid ko at sa anak niya. Pero kung kuryusidad lang ang dahilan kung bakit ka nagpapakita ng kabaitan sa pamangkin ko, then stop it now. Sapat na ang isang beses na masakit na karanasan para kay Cherry. Hindi ko hahayaan na masaktan uli siya.”
Alam ni Jay na sinasabi iyon ni Charlie dahil nag-aalala ito para sa kapatid. Pero medyo nainsulto siya. “Sa tingin mo may balak akong paglaruan si Cherry?”
“Hindi ba ganoon ang ginagawa mo sa mga babaeng nagkaroon ka ng interes?” balik-tanong ni Charlie.
Tumiim ang kanyang mga bagang. “Wala akong pinaglaruan. Umpisa pa lang sinasabi ko sa kanila kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay. Lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko, alam ang limitasyon ko. Katunayan, naging mga kaibigan ko pa nga ang halos lahat sa kanila, alam mo iyan. Besides, hindi ganoon ang interes ko sa kapatid mo. Hindi mo ako kailangan gamitan ng ganyang tono na para bang tataluhin kita. I am just curious because she looks confident. But when she’s around me, she looks like she wants to run.”
Mabuti na lang at nanonood na ng kung anong palabas sina Brad sa entertainment area, kahit tumaas nang bahagya ang boses niya ay hindi narinig ng mga taong malayo sa kanilang tatlo.
“Whoa! Ano’ng problema ninyong dalawa?” sabad ni Ross.
Sabay pang napabuga ng hangin sina Jay at Charlie.
Umiling si Charlie bago muling nagsalita. “Hindi lang sa `yo ganoon si Cherry. She has a strong personality but she’s always like that around men like us.”
“Ano’ng ibig mong sabihin na katulad natin?” kunot-noong tanong ni Jay.
Muli ay bumuga ng hangin si Charlie. “Hindi ko alam kung napansin ninyo, pero kahit noong engagement party ko, nailang si Cherry nang ipakilala ko siya sa inyo. Umiiwas siya kapag nasa malapit ang kahit na sinong residente ng Bachelor’s Pad na dumalo sa party.”