“So, Cherry is allergic to men like us? Si Cherry na malakas ang personalidad at ubod ng friendly kahit noong nasa kolehiyo siya?” manghang bulalas ni Ross.
“Parang ganoon na nga,” sagot ni Charlie.
Kumunot ang noo ni Jay. “Wait, paano mo natatandaan nang ganoon si Cherry noong nag-aaral pa siya?” nagtatakang tanong niya kay Ross. Siya nga ay hindi na masyadong matandaan kung ano ang hitsura ng babae noon.
Si Ross naman ang kumunot ang noo. “Siyempre `tanda ko, high school pa lang siya ay nagpupunta na tayo sa bahay nila, hindi ba? Besides, halos lahat ng mga babaeng kakilala natin sa campus noon, mga kakilala rin ni Cherry. Lalo na iyong mga ex mo. Mga kaibigan niya iyon.”
What?! Marami silang common acquaintance ni Cherry pero halos hindi sila nagkikita? Mas madalas pa bang makita ni Cherry si Ross noon kaysa sa kanya? Paano nangyari iyon?
“Anyway, ang rason kung bakit siya ilag sa mga lalaking… well, katulad daw natin ay dahil isang lalaki na ganoon ang nanakit sa kanya noon. It seems like her ex-boyfriend who jilted her when he learned she was pregnant was that type of man,” paliwanag ni Charlie.
Kumuyom ang mga kamay ni Jay at may naramdamang galit para sa lalaking umabandona kay Cherry at sa ipinagbubuntis ng babae noon na si Justin. It reminded him of his biological father. Inabandona rin ng ama ang kanyang ina noong ipinagbubuntis pa lamang siya. Ang masaklap, kahit ganoon ang nangyari ay mahal na mahal pa rin ng nanay niya ang kanyang ama.
Buong panahon ng kabataan ni Jay ay nasaksihan niya kung paano unti-unting nalugmok sa depresyon at sakit ang kanyang ina dahil sa sakit na dulot ng pag-abandona sa kanila ng kanyang biological father. His mother was too consumed with her grief that she forgot to take care of him—her only son.
Ang malala pa ay hindi alam ni Jay noong bata pa na iyon ang dahilan kung bakit emotionally and physically weak ang kanyang ina. Akala niya ay talagang wala lang pakialam ang nanay niya sa kanya. Na hindi lang nito alam kung paano maging magulang. That was the reason why he was very wild and rebellious back in high school.
“Pero hindi siya puwedeng maging ilag nang ganoon buong buhay niya,” sabi ni Jay.
“I know. But she doesn’t accept any help from me,” sagot ni Charlie.
Napaisip si Jay sa sinabing iyon ng kaibigan at hindi naiwasan ang pagkunot-noo. “She’s too hardheaded if she doesn’t want to accept help.”
Sandaling natahimik sina Charlie at Ross. Nahuli pa ni Jay ang palitan ng tingin ng dalawa bago ibinalik ang tingin sa kanya.
“Tama si Charlie. Masyado kang interesado kay Cherry. Hindi ba palagi mong sinasabi na may rules ka sa buhay? One of them is not to get too close or too serious with anyone, right? You are currently on the edge of breaking that rule, Jay,” biglang sabi ni Ross.
Para siyang sinuntok sa sinabing iyon ng kaibigan. Pagkatapos ay marahas na napamura sa isip dahil ngayon niya napagtanto na tama si Ross. Nasa bingit siya ng paglabag sa isa sa mga batas niya sa buhay. Ang nakakamangha ay nawala sa isip niya na maglagay ng distansiya sa pagitan nila ni Cherry. And that realization alarmed him. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Tumikhim si Jay at napaderetso ng upo. “Tama kayo. Salamat sa pagpapaalala. I’m going to back off just like what you want, Charlie,” seryosong sabi niya, pagkatapos ay tumayo na. “Maaga pa. I’m going out. Gusto n’yong sumama?”
“Jay, that’s not what I mean,” kunot-noong sabi ni Charlie.
“Oo nga. You don’t have to retreat like that. Sa tingin ko, maganda para sa iyo ang lumabag sa rules mo kahit minsan lang. That’s why I pointed it out,” sabi naman ni Ross.
Pilit na ngumiti si Jay at umiling. “Hindi ako lalabag sa rules. Ayokong lagyan ng komplikasyon ang buhay ko. I have enough of that crap when I was young. I want to live a peaceful and happy adult life. Kung ayaw n’yong sumama, ako na lang mag-isa.” Naglakad na siya palabas ng common area.
Kapag nagtagal pa si Jay ay hindi siya magkakaroon ng pagkakataong hamigin ang sarili. Kailangan niyang ipaalala uli sa sarili ang mga rule niya sa buhay. Kailangan niyang pigilan ang kuryusidad na nararamdaman para kay Cherry at ang pagkagiliw niya kay Justin. He should mind his own business.
Kahit patuloy na kinukumbinsi ni Jay ang sarili at paulit-ulit na sinasabi ang mga iyon sa isip ay mukha ni Cherry ang sumasagi sa kanyang alaala.
Just what was with her, anyway? Napakarami niyang kilalang babae pero bakit kay Cherry lang siya nagkakaganoon? Bakit gustong-gusto niyang alamin ang lahat ng puwedeng malaman tungkol sa babae kahit alam niya na hindi siya dapat maging malapit sa kahit na sino?
Dapat ay nadala na siya. He had learned the hard way that people he really cared for tend to abandon him. He promised never to deeply care for anyone again. Nangako siya na hindi na uli mararamdaman ang matinding depresyong naranasan noon. Iyong mga kadugo nga niya ay inabandona siya, isang tao pa kaya na hindi niya kaano-ano? Mas mabuti pa ang huwag na lang mapalapit nang husto sa kahit na sino maliban sa kakaunting matatalik na kaibigan.
Kaya sa susunod na makita niya si Cherry ay kailangan niyang panatilihin ang distansiya sa pagitan nila.
Ipinilig ni Jay ang ulo at huminga nang malalim. Tuluyan nang nawala ang magandang mood niya kanina. Umibis uli siya ng elevator pababa sa parking lot.
Ilang sandali pa ay pinapaharurot na niya ang kotse palayo sa gusali at patungo sa isa sa mga tinatambayang club.