CHAPTER 07

1553 Words
CHAPTER 07 CALL ME, KUYA! Maaga akong nagising dahil marahil sa sobrang excited ko. Yes! Excited na makapasok sa unang trabaho na inaaplayan ko sa isang kompanya ng mga Legaspi. Tulog pa sina mama kaya ako na muna ang magluluto ng agahan namin. Niligpit ko ang higaan ko at pumunta ng banyo para maghilamos. Nagluto ako ng isdang tilapia na binili kahapon ni nanay, babaunin ko kasi ang iba sa trabaho ko dahil hindi naman libre ang pagkain. Pagkatapos kung magprito ay naggisa na rin ako ng sitaw na may konting oyster sauce para may gulay si papa mamaya sa kanin niya and of course dahil isa ito sa favorite ko kaya ito…dinamihan ko na dahil magbabaon din ako pares ay ang pritong isda. Pagkatapos kong magluto ay nilagay ko muna sa lamesa at tinakpan habang hinihintay ang sinaing na kanin. Nagwalis na muna ako sa kwarto ko at sa sala para paglabas nila ay maayos na. At dahil tulog pa rin sila hanggang ngayon at talagang maaga akong nagising, dahan-dahan ang bawat kilos ko para hindi sila magising lalo na si mama. Nagwalis na muna ako sa bakuran para wala na talagang gagawin sina mama at papa kundi magpahinga na lang mamaya habang nanonood ng tv at nagbabantay ng tindahan o mini store namin. “Anak! Ang aga mo naman yata, tama pala ‘yong narinig ko na kalabog kanina sa kusina, akala ko panaginip lang ‘yon. Excited ka, ano?” Dahil sa tanong ni mama ay alam ko na kung saan ang tinutukoy niya. Ngumiti ako sa kanya habang winawalisan pa rin ang mga dahon sa aming munting bakuran. “Of course mama, excited na excited na po ako sa bagong trabaho kaya maaga pa lang, gising na ako," sabi ko sabay ngiti. “Ikaw talaga na bata ka, ang sipag mo, huwag masyadong magpapagod agad sa pagtatrabaho roon, dahil hindi lang isang beses ka magtatrabaho kaya dapat kapag alam na ng katawan mo na kailangan ng magpahinga ka ay gawin mo na.” Tukoy ni mama. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Oo naman ma, gagawin ko po iyon, salamat sa pagpapaalala sa akin tungkol diyan at gagawin ko po ang lahat ng payo niyo.” sambit ko. "Na hala, nakita ko na may pagkain na sa lamesa, tara na at sabayan ka na namin at ako na ang bahala tumapos diyan sa pagwawalis at baka ma late ka pa sa unang trabaho mo, anak.” Aniya. "Malapit na ito mama, ako na lang po ang tatapos nito at susunod po ako sa inyo." Sabi ko at mas binilisan ang pagwawalis, hindi naman masyadong madahon ngayon kaya madali na ito matapos. Nasa loob na ng bahay si mama para maghanda ng mga kubyertos at pinggan. “Ouch! Ouch! Ang aga-aga nanakit na ang likod ko dahil sa kakayuko sa pagwawalis kanina. Ganito na ba talaga kapag tumatanda na? Marami ng iniinda na masakit sa katawan," kausap ko sa sarili ko. Pagkatapos kong maghugas ng kamay at paa sa gripo sa labas ng bahay ay dali-dali akong pumasok sa loob at baka late na nga ako, okay sana kung mabait ang amo ko at kanina pa ako tinatawagan ng mga magulang ko na kumain na ng almusal. “Halika ka na anak, malapit na mag-alas syete ng umaga at baka ma traffic ngayon.” Tawag ni papa sa akin. See, hindi ko na kailangan ng alarm clock dahil ang mga magulang ko na ang nagpapaalala sa akin. “Opo papa, salamat po." Masayang wika ko at agad pumunta sa maliit na bilog namin na lamesa at umupo. Agad kong nilagyan ng pagkain ang pinggan ko at sinimulang kumain. “Ito ang gatas mo para may lakas ka mamaya sa trabaho anak. Uminom ka ba kagabi nito?" “Opo ma, salamat." Wika ko at inabot ang baso na may laman na gatas. Iwas muna ako sa kape, mas maganda sa kalusugan ang gatas kaya ito na muna ang iinumin ko. “Mag-ingat ka sa trabaho mo anak, marami kang makakasalamuha na mga ka trabaho na iba't- iba ang mga personalidad, may iba ay maging kaibigan mo, ang iba naman ay magiging ka kompetensya mo sa lahat ng bagay at walang kaibigan-kaibigan, kaya isa dapat ang goal mo bilang manggagawa, gumawa ng mabuti at maging masipag lang sa trabaho, kung gusto mong umangat at ma promote agad sa isang trabaho ay dapat alagaan mo ito.” Paalala ni papa sa akin. Marahil isa iyan sa natutunan ni papa noong nagtatrabaho pa siya kaya sineshare niya sa akin. Kung hindi dahil sa kanila, paano ako? "Kumain sa takdang-oras at higit sa lahat mag-iingat ka tuwing nasa labas ka ng bahay, ha, dapat maging mapanuri sa paligid dahil sa panahon ngayon, hindi mo alam na nasa tabi-tabi lang pala natin ang mga masasamang-loob.” Dagdag naman ni mama. “Opo, mama and papa. Tatandaan ko po lahat ng mga habilin niyo sa akin. Maraming salamat po.” Sambit ko. Hanggang sa umalis na ako sa bahay ay dala-dala ko ang kanilang mga habilin sa akin. Sobrang saya ko at araw-araw akong nagpapasalamat sa Panginoon na binigyan ako ng mga magulang na mabait at maalaga. Na kahit dalaga na ako ay nariyan pa rin sila para gabayan ako sa araw-araw. Alam ko na hindi man kami mayaman tulad ng iba na maraming pera at magagara sa lahat ng bagay ay mayaman naman kami sa pagmamahal at pagkakaisa. Kaya gagawin ko ang lahat para makabawi man lang ako sa mga sakripisyo na binigay nila sa akin, pagbubutihin ko pa lalo ang pagtatrabaho ko para makapag-ipon ng malaking halaga para maipagamot ang ama ko, ang sabi naman ng doctor niya na may chance pa para makalakad si papa ulit kaya isa iyan sa naging inspirasyon ko kung bakit ako nagtatrabaho. Sipag lang talaga at tiyaga, dahil balang-araw, daig mo pa ang nakakain ng nilaga. Pumara ako pagkarating sa building ng Legaspi Company. Tulad ng unang punta ko ay napapangiti ako na makita ang building na ito. Hindi ko alam kung bakit. Feeling ko dream ko talaga na makapasok bilang empleyado sa isang kompanya na tulad nito at ngayong araw ay matutupad na ito. Inaamoy ko muna ang sarili ko kung amoy baby cologne pa ba ako lalo at ang sinakyan ko na naman na jeep kanina ay panay isa pa… isa pa ni kuya kahit nakasiksik na kami sa loob. Gusto pa ring dagdagan ang pasahero. Mukha na tuloy kaming mga sardinas na nagsisiksikan. Nagtanong ako kay kuya guard kung saan muna ako pupunta at itinuro niya ang third floor dahil may maggaguide sa amin na staff kung saan ang unang trabaho namin. Habang naglalakad ako patungo sa elevator at dahil ayokong masira ang kagandahan ko kung gagamitin ko ang stairway to 3rd floor na iyan kaya elevator is the key para lumabas pa rin ang tunay na beauty. Baka isang litro na agad ang maubos ko na tubig kung ganon. “Good morning… sir,” ay akala ko ako ang binabati ng babae, sir ang tinawag, so panigurado na hindi ako. Tumalikod ako para makita kung sino ang sir na ginagalang ni Miss ganda na ngayon ay kay lapad ng ngiti na parang nanalo ng Miss Universe. Why kaya? Pero nanlaki ang mga mata ko na makita kung sino ang nasa likuran ko na nasa gitna na lalaki at may kasamang dalawa pang lalaki sa gilid na tama lang ang ayos habag ang nasa gitna? Napaka pogi naman ng suot nya. Ang suot lang ha. Hindi ang mukha kasi why not, naglalakad lang, ang sungit ng mukha, tingnan mo, diretso lang ang lakad patungo rin yata sa elevator na pupuntahan ko. At ng malapit na siya sa gawi ko ay kumaway ako at ngumiti. “Hi bossing! Sabi ko na nga ba at makikita kita rito, naalala mo pa ba noong isang gabi na….” Naiwan sa ere ang sasabihin ko dahil sa biglang pagtalikod niya at walang lingon-lingon na naglalakad. Umirap ako sa kawalan at nakapamewang. “Kung ako boss mo, ligwak ka sa kumpanya na ito dahil sa ugali mo na walang alam yata sa GMRC, isasauli ko lang sana ang pera na sukli sa balut noong bumili ka. Hays. Mamaya ka sa akin.” bulong ko sa sarili ko. Dahil malalate na ako sa trabaho at ang bagal ng elevator bumalik pababa, kaya umakyat ako gamit ang hagdanan, doon na lang ako sasakay siguro sa second floor. “Kung ma late ako, ikaw talaga ang sisihin ko, Mr. Sungit.” Hinihingal ko na bulong na naman sa sarili ko, ayos lang dahil mahina lang naman ang pagkasabi ko at sa lawak ng building na ito ay hindi ako naririnig na nagsasalita ako na mag-isa. I think so. Simula sa first floor pa lang ay hinihingal na ako pagdating sa second floor, pinakalma ko muna ang sarili ko at hinintay na lang na humupa ang hingal ko bago uminom ng tubig. Sa laki ng building at nasa 25th floor, hindi na magka salubong ang landas namin ni Mr. Sungit kaya pakiramdam ko, maganda na ulit ang araw ko ngayong umaga. Sana lang talaga. Pero pagbukas pa lang ng elevator sa second floor ay ang pagsulpot na naman ng mukha niya sa harapan ko. Napabuntong hininga na lamang ako. ‘Tadhana ha, pinaglalaruan mo ako.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD