CHAPTER 06

1642 Words
CHAPTER 06 CALL ME, KUYA! “Anak nariyan ka na pala, mabuti at maaga kang nakauwi, mabuti iyan.” Nasisiyahan na sabi ng papa ko pagbukas ko ng pinto. Lumapit ako at nagmano sa kanilang dalawa ni mama na naghihintay talaga sa akin sa sala. Nanood sila ng tv. “Oo nga po pa, ma. Sa awa po ng Diyos, naswertihan lang ngayong gabi, ito po ang kita ko mama and papa." Inabot ko sa kanila ang kita ko na pera, na itabi ko na iyong sukli ni bossing kung sakaling bumalik siya mamaya kung maaalala o di kaya bukas o kailan ba niya maisipan. Alam naman niya ang bahay namin. “Thank you anak, hindi namin alam kung paano ka namin pasasalamatan dahil ikaw na tuloy ang naghahanap buhay na para sa amin, kayo ng mama mo.” Ito na naman si papa sa kanyang mga salita na sinisisi ang sarili niya. "Papa ha, isa pang word na ganyan, mas lalo pa akong magtatrabaho, sige ka.” Banta ko na ikasimangot naman niya. "Sorry, hindi ko lang mapigilan, huwag kang mag-alala dahil kapag naging maayos na ang lagay ko, babawi ako sa inyo ng mama mo.” "Awsus papa, huwag mo munang alalahanin ang mga bagay na ganyan, lagi ka kayang nakakabawi sa amin ng anak mo lalo noong hindi ka pa na aksidente, trabaho ka kaya ng trabaho noong mga panahon na iyan.” Sabi ni mama habang nililista ang mga kita sa balut ngayong gabi sa isang maliit na notebook. “Kaya nga papa, sige po, akyat na muna ako, feeling lagkit ko na kasi eh." Nagpaalam na muna ako sa kanila para magbihis at makatulog na rin dahil gabi na, ganoon din sila. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa maliit ko na kwarto."Thank you self for today's successful journey, nakaraos ka rin sa ginagawa mo and now…kwarto is life, Lord.” Bulong ko sa sarili ko. Agad akong kumuha ng damit at pumasok sa cr sa labas ng kwarto. Pagkatapos kong gawin ang ritwal ko ay nagbihis na ako ng malinis na damit. T-shirt at white pajama dahil medyo malamig ngayon. Paglabas ko ng cr ay nasa loob na rin ng kwarto ang mga magulang ko. Napangiti ako at pumasok na ulit sa aking kwarto. Habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok ko ay naalala ko na naman ang lalaki kanina na masungit. Infairness, ang gwapo kaya niya. Sayang hindi ko alam ang pangalan at ng ma stalk sana sa social media at baka may account iyon. Kinuha ko ang cellphone ko na touchscreen na nilagay ko sa maliit na drawer katabi sa aking kama na maliit. Binuksan ko ito. Kapag kasi may lakad ako ay iniiwan ko ito sa drawer lalo kapag nagbebenta ako ng balut sa gabi, at ang keypad na lang ang ginagamit ko. Mahirap na kapag nawala pa itong pinag-ipunan ko na cellphone ng ilang buwan. Nakita ko ang chat ni Budang sa akin kaya agad ko naman itong pinindot at binasa. Nangamusta lang ang kaibigan ko kung kamusta na ba ako at ang pamilya ko kaya agad din naman akong nagchat sa kanya at dahil madaldal tayo na person at walang tinatago sa kaibigan kaya agad naman ang reply ko na maayos lang ako at magulang ko. Sinabi ko rin sa kanya na may nakasalubong ako na masungit na lalaki kaya ayon tinadtad naman ako ng pang-aasar na baka iyon na ang aking destiny or soulmate. Iyong akala ko na makatulog ng maaga ay umabot pa ng alas onse dahil sa pareho kaming chismosa ng kaibigan ko na si Budang. Umaga at maaga rin akong nagising para makahanap ng maging raket ko na naman ngayong araw. Kailangan ko ng trabaho dahil hindi lang pang-araw-araw na pera ang kakailanganin namin kundi sa panggamot na rin ni papa. “Anak, kumain ka na." Tawag ni mama sa akin paglabas ko ng kwarto. Nakita ko si papa na nasa maliit namin na tindahan dahil may bumili. Isa ito sa kinukunan namin ng pagkakakitaan kahit papano. “Opo, nanay, kumain na po kayo?" Tanong ko at kumuha ng pinggan sa lagayan at umupo sa silya. "Tapos na anak, kumain ka na diyan." Agad din naman akong sumunod sa sinabi ni mama. Magana akong kumain dahil champorado ang niluto ng aking ina. “Aalis ka ba ngayon araw anak?" Tanong ni papa, gamit ng kanyang baston ay dahan-dahan siyang naglakad at umupo sa silya kung nasaan si mama na nagtutupi ng damit namin. “Ay opo pa, pupunta po ako ngayon sa bahay ni Budang, may condo unit daw siyang lilinisin kasama ang dalawang kasamahan at kulang pa ng isang tauhan kaya tinanong ako kagabi kung payag ba ako, of course ang sagot ko dahil salapi na iyon pagkatapos.” Masayang wika ko habang kumakain pa ng pang-agahan. "Ganoon ba, mag-ingat ka.” Napangiti ako sa sinabi ni papa. "Lagi po naman akong nag-iingat kaya huwag kayong mag-alala sa akin. Kayo po rito ang mag-iingat at text o tawagan niyo ako agad kapag may hindi magandang nangyari or kahit ano pa iyan.” Sambit ko. Pagkatapos kong kumain ay tumulong muna ako sa mga gawaing bahay. Ayoko naman na umalis at naglilinis sa iba pero hindi ko ginagawa sa mismong tahanan ko. “Matagal ba ako? Late na?" Tanong ko kay Budang pagkarating sa bahay niya. Nagtext kasi siya na hihintayin niya na lang ako para hindi ako maligaw sa daan. “Timing lang ang dating mo, halika na at baka nandoon na ang mga kasamahan natin at baka kaunti lang ang maibigay sa atin na sahod mamaya," aniya. Agad siyang nagpaalam sa kanyang mama at ganoon din ako at sumakay kami ng jeep patungo sa sinasabi niya na condo unit na lilinisan namin. Pagkarating sa condo unit ay napamura pa ako sa isipan kung gaano ito ka dugyot, parang isang dekada na hindi na lilinisan, nagkalat ang mga papel anywhere, may nakita ako na lagayan ng basura, bakit hindi niya doon inilagay kung sinuman ang nilalang na iyan? Hays. Lazy person in fairness. Nanay mo ako, tadtad ka sa akin ng salita. Nagsimula na kaming maglinis, kami ni Budang ay sa mga kwarto at ang dalawa ay nasa baba. One thousand five hundred pesos ang matatanggap na halaga ngayong araw kapag nagawa namin ng maayos ang trabaho namin. “Sa susunod na Saturday meron ulit na lilinisin, sasama ka ba?" Tanong ni Budang sa akin habang tinatrapuhan niya ang mga bintana habang ako naman ay tinatanggalan ko ang mga kumot at punda para ma palitan ng bago. “Of course, wala naman akong lakad niyan kaya sasama ako Budang, sayang naman ang pera, ano." “Sa bagay, sige text kita ulit para naman mas maaga kang pumunta sa bahay." Aniya. "Okay, thank you Budang, kung makahanap ako ng pinakamagandang trabaho, ikaw talaga ang ililibre ko sa lahat ng kaibigan ko.” Saad ko habang nakangiti. "Gagi! Parang ako lang naman ang kaibigan mo. Meron pa ba?” "Wala na, ikaw lang- tambay iyong iba, kaaway ko pa sa kalsada.” sabi ko sabay tawa namin na dalawa. Bigla akong napapikit ng mata dahil biglang nagring ang cellphone ko na nilagay ko sa bulsa. Medyo malakas pala ang ring, hindi ko man lang napahinaan ang volume. Agad ko itong kinuha at binasa. “Oh my God. Ahhh..my goodness. Totoo!" Pinigilan ko na lumakas ang boses ko dahil sa binasa ko. Lumapit si Budang sa akin dahil sa reaction ko. “Ano nangyari sayo? Parang nanalo ka ng lotto riyan." “How I wish Budang, how I wish kung totoo iyan. Pero ito nga, natanggap ako sa trabaho, na inaaplayan ko noong isang araw. Look.” Binasa niya ito at napapangiti ang kaibigan ko. "Sabi ko sa'yo eh, ikaw na talaga Budang. Congrats!” Excited na sabi niya. "Omg, matutupad na ‘yong kakasabi ko pa lang sayo na libre." Mahinang bulong ko sa panghuli na tinawanan namin. Sa wakas, thank you Lord. Hapon na at dumating ang sahod namin. Agad akong nagtabi para sa gamot at ang iba naman ay para sa pagkain namin. Dumaan muna kami sa isawan dahil na miss na namin na kumain, masaya ako dahil sa magandang balita, pwede na akong magsimula sa Monday. Kahit hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang maging trabaho ko. Pero ayon nga sa gusto ko na kahit ano basta marangal na trabaho ay gagawin ko, hindi naman ibig sabihin na ang pagtitinda ng balut ay isang bagay na hindi marangal, kaso nga lang, sa tulad ko na babae ay naging delikado na kahit masasabi ko na kahit papano, parami na ang mga suki ko pero iba pa rin ‘yong kaba kapag nasa kalsada ka at gabi pa. Masaya akong umuwi ng bahay at agad inabot kay mama ang pera para sa gamot ni papa, at ang pinamili ko na pagkain. Bawal si papa sa karne kaya more kami sa isda o di kaya gulay. “Kanina ka pang napapangiti riyan, anong meron ha?" Tanong ni mama sa akin. Kumakain kami ngayon ng hapunan na tatlo. Uminom muna ako ng tubig bago ko sila sinagot. “Kasi po mama and papa, guess what? Natanggap po ako sa inaaplayan ko na trabaho." “Ganoon ba, wow, congrats anak." Masaya nila na sabi. “Kaya pala, iba iyong ngiti mo, simula kanina na dumating ka ha.” Saad ni mama. "Magandang balita kaya dapat masaya tayo." Sabi ko. Pagkatapos naming kumain ay agad akong pumasok sa kwarto ko, naghanap agad ako ng damit na nababagay sa akin pagpasok sa kumpanya sa lunes, dapat elegante pa rin tayo sa simpleng damit at baka sasabihan na naman ako na weird o nerd dahil sa pananamit ko, wala pa naman magawa ang ibang tao kundi ang manghusga, mukha man iyan o pananamit mo. Hindi mo naman inaano ang buhay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD