CHAPTER 08
CALL ME, KUYA!
Akala ko maging secretary ang trabaho ko pero tagalinis ng office pala. Well, wala namang problema iyan sa akin, dahil kahit sabihin na mas malaki ang sasahurin mo bilang secretary o nasa mataas na position sa trabaho ay ang mahalaga ay may trabaho ako, may kikitain ako, may hihintayin ako na sahod sa kinsinas o katapusan ng buwan kaysa naman, maging tambay lamang sa aming barangay, tulad sa kakilala ko sa amin. Tambay na nga, ang lakas pa magyaya ng tagay. Baliw ba.
“At ito ang maging area niyo sa paglilinis, dito sa 24th floor, dalawa kayo Daisy and Carol, dapat maaga palang ay malinis na sa opisina na ito at sa hapon pagkatapos ng office hours ay malinis niyo dapat ang buong area. Are we clear?” Sambit ni Mrs Rival: the office manager.
“Yes, Mrs Rival!" Sabay din akong sumagot sa kanila Kahit hindi naman ako kasali sa 24th floor. Nakasunod lang kami kay madam at iniintindi ang mga sinasabi niya.
But wait, saan pala ako? Don't say uuwi ako nito dahil hindi pala ako tanggap?
Oh noh…
“And you, Unique Mahinhin, follow me." Saad n'ya kaya sumunod naman ako sa kanya. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Nasa tapat na kami ng elevator at ang akala ko na sa baba kami pupunta ay dinala kami ng elevator pa going up. Pagbukas ay nauna si Mrs Rival na lumabas ng lift at sumunod ako dala ang cart na panglinis.
“Dahil nag-iisa lang ang office na nandito kaya ikaw ang naisip ko na maglilinis dito, ayon sa bio data mo na kaya mong maglinis dahil sanay ka na. Tama?” Ngumiti ako sa tanong ni madam dahil tama siya.
"Yes, Mrs. Rival-”
"Good, and I hope you will do your job properly, strict ang may-ari ng company na ito at isa sa ayaw niya ay makalat na office at hindi nakaayos ang mga gamit. So make sure na wala pang 8 o'clock in the morning ay natapos mo nang linisin ang buong office niya. Are we clear, Miss Mahinhin?” Hindi agad ako nakasagot kay Mrs Rival dahil sa sinabi niya kung kaninong office itong lilinisin ko.
"Miss Mahinhin?"
“P-po?"
“Hindi pa tayo nagsisimula, lutang ka na, iha, bawal yan dito, change that habit. Are we clear now?” ulit ni madam. Bigla tuloy akong nahiya sa inasal ko.
"Opo, ma’am. Ano kasi.. uhmm.. hindi lang po ako makapaniwala na dito po ako maglilinis sa office ng may-ari mismo ng kompanya na ito.” nahihiya ko na pag-amin sa kanya.
" Why, are you emotional right now? Happy, na isa ka sa lucky cleaner na nailagay ko rito?”
"Po? Hindi naman po-”
"That's good then, kasi isa iyan sa dream ng mga nag-aapply na kahit cleaner ay makaakyat dito sa 25th floor dahil dito ang office ng amo natin but I will remind you, kung hindi mo ginagawa ng tama ang trabaho mo, you will end up fired in this company, so you should do your job net and clean. Are we clear.” Strikto nitong sabi.
"Yes madam. Ano kasi, naisip ko lang at baka isang tigre, lion ang maging amo ko para maiwasan ko agad.” Tumaas ang kanang kilay niya habang nakatingin sa akin at binalik ang attention sa kanyang journal book.
"See for your self na lang, Miss at diyan mo malalaman kung nariyan ba sa tinutukoy mo ang tinatanong mo.” Ngumisi ako dahil sa sinabi ni Mrs Rival, tama nga naman siya.
Sabi ni madam na nasa building na ang CEO at dahil maaga pa at wala pang eight o'clock kaya wala pa ito dito sa kanyang office kaya pumasok na muna kami ni madam sa office ng aking amo para makapagsimula ng maglinis.
Pagbukas mo pa lang ng kanyang office ay bumungad agad ang office table at pagpasok mo ay nasa gilid naman ang couch at may maliit na glass table sa gitna nito at may carpet na kulay black. Alam mo talaga na matured na ang nagmamay-ari ng opisina dahil simpleng mix black and gray ang kulay at panlalaki ang design. Nakahilera ang mga libro, from dictionary to encyclopedia at marami pa pero mas lamang ang libro ng engineers.
“Ito ang lilinisin mo at tulad ng ayos na ganito ay dapat ganyan din ang ayos niya mamaya pagkatapos, saka mo na iyan ibahin ng design or ayos kapag sinabi ni sir Legaspi." Narinig kong sabi ni madam kaya agad akong sumagot at tumango.
Sinimulan ko ng linisin ang bawat sulok at napanganga na lang ako na halos wala man lang akong makita na alilabok, talagang neat and clean nga ang boss ko and which is good dahil hindi sasakit ang ulo ko.
Kumuha ako ng pamunas at ipinagpatuloy ang ginagawa ko habang nakamasid pa rin ang office manager namin na si Mrs. Rival.
Dahan-dahan ang bawat kilos ko dahil ayoko namang first work, fired na agad. Ayokong makasira ng mga gamit kaya sobrang extra careful ako sa ginagawa ko.
Nagtungo ako sa table ni boss at sa hindi sinasadya na basahin ko ang pangalan na nakasulat sa may desk name plate.
“Izaak Elio Legaspi,” basa ko sa pangalan na nakasulat. Waah, feeling ko, matandang gwapo ang nagmamay-ari ng company na ito, pangalan palang ay parang nakakatakot na.
Inayos ko sa paglalagay ang mga papel na wala na sa ayos. Habang inaayos ko ang papel ay may napansin ako na nag-iisa na magazine sa ibabaw ng table at nahagip ng tingin ko ang familiar na buhok, noo at mata. Itataas ko na sana ang magazine para makita ko ang mukha na parang familiar na tao na biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang sexy na babae.
“Wala pa ba si sir, Izaak?" Tanong nito.” Umiling naman agad ako sa kanya.
“Mabuti naman, akala ko late na ako." Aniya sa mahinhin na boses. Ngumiti ako sa kanya dahil mukhang mabait naman, hinayaan lang kami ng aking manager dahil may kausap ito sa kanyang earpiece.
“Sino po sila?" Tanong ko at patuloy pa rin sa paglilinis ng office table.
“Bagong secretary po," ow, siya pala ang nagwagi sa interview, now I see, maganda at sexy naman siya at bagay sa kanya ang pagiging secretary.
“Ganun po ba, wala pa Miss at baka may pinuntahan lang.” Ani ko at may nilagay siya na documents sa ibabaw ng table at nagpaalam na umalis at pupunta na sa kanyang area na nasa labas lang ng office ng CEO.
Dahil malapit na mag-eight at kahit papano ay patapos na ako sa aking ginagawa. Halos wala ngang dumi ang basahan na ginamit ko. Literal na everyday nililinis ang
office na ito.
Sa wakas natapos na rin ako sa aking ginagawa at hinayaan si Mrs Rival na ma double check ang ginagawa ko bago kami lumabas at dumating ang boss namin.
“Not bad, Miss Mahinhin, and for mamayang hapon ay maging makalat na naman ito dahil balita ko may bagong project na gagawin si Mr. Legaspi and for sure dito niya iyon gagawin sa kanyang office. Good job Miss Mahinhin. As I said earlier na ang tamang panghuhusga kung ikaw ay pasado ay nasa kamay sa kung sino ang nagmamay-ari ng office at iyon ay walang iba kundi si Mr. Legaspi.” Aniya at tumango ako.
Lumabas ako na nakangiti. Tulak-tulak ang gamit panglinis papunta sa storage area ng mga gamit ay hindi ko mapigilan na pagmasdan ang carpet at design sa 25th floor.
Habang binabagtas namin ni madam ang pasilyo ay bumukas ang elevator at natanaw ko si…bossing.
Nakatingin ito sa akin, siguro o assuming lang ako, basta, nakatingin siya mismo sa akin at hindi kay Mrs Rival, kaya napahinto ako at ngumiti.
“Bossing, documents ba yang dala mo at ibibigay mo kay sir Legaspi? Kaso wala pa siya sa office niya ngayon.” Napahinto rin ito at nakita ko itong nakangisi na, kanina lang tinalikuran lang ako ulit nong nasa second floor kami tapos ngayon, may pa smile pa ang loko.
“Miss Mahinhin." Tawag ni Mrs Rival sa akin.
Ngumiti ako kay madam. “Don't worry madam, kilala ko po siya." Ngiti kong sabi sa kanya.
“Ganoon ba? Mabuti naman at nakilala mo na si Mr. Legaspi." Lalong lumapad ang ngiti ko pero bigla akong natigilan dahil doon sa last name na sinabi ni madam.
“Legaspi po? Saan po siya? Hindi pa po siya pumasok sa loob ng office niya, madam. Kasi diba po, kakalabas lang natin galing sa loob. Siya palang ang lalaking umakyat dito sa 25th floor.”
“Kaya nga Miss Mahinhin, si Mr. Legaspi nga.”
"Siya?” Turo ko sa kakilala na nasa harapan ko lamang na nagpipigil ng tawa at ng mapansin n'ya na nakatingin ako ay bigla itong nag seryoso at matalim na nakatingin sa akin.
“S'ya nga Miss Mahinhin, ang boss mo at CEO ng kompanya na ito. Si Mr. Izaak Elio Legaspi."
"A what?” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
“Nag-apply ka bilang trabaho at hindi ka man lang nag-google check, Miss Mahinhin.” saad ni Mrs Rival.
Hilaw akong ngumiti. “Tama ka nga madam, kulang lang po ako sa research." Naiiyak ko na sabi dahil sa kahihiyan.
“Siya ang boss? Di nga?"