CHAPTER 05
CALL ME, KUYA!
“Ikaw na naman? Aba! Sa dami ng tao sa paligid mukha mo na naman ang nakikita ko.” Matalim akong nakatingin sa kanya at ganoon din ang tingin n'ya sa kin. Inaamin ko, gwapo siya, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, makapal na kilay at nakasimangot na noo at–”
“And who are you?" Who are you pa nga? Jusko ko, hindi niya ba ako kilala? I mean, hindi niya ba namukhaan ang mukha ko? Sa ganda kong ito ay for sure, hindi ako makakalimutin sa unang tingin pa lang, tapos siya? Cannot be.
“You don't even remember me? Di ba ikaw naman ang pumasok sa cr last time na sinita ko habang nag-apply ako sa building noong isang araw? Malapit sa-"
“That girl?" Aba! Ganyan lang ang reaction niya.
“Oo, that's me. The prettiest and lovable, Unique." pambobola ko at malay ko, bibili rin siya ng balut kapag naging maganda ang usapan naming dalawa.
"Well, likewise, Miss. Hindi kita kilala at matandaan at isa pa that was a male cr, not for the female.”
"Eh di sana, hindi ka muna pumasok dahil may tao, but anyway skip that topic, hindi ko lang alam kung bakit Ikaw na naman itong nakasalamuha ko.”
“Kahit ako, hindi ko alam kung bakit ikaw na naman ang nandito sa harapan ko, Knowing that you're not the one that I've been waiting for.” Aniya.
Nakapamewang akong nakatingin sa kanya. "So, sino ang hinihintay mo? Mother? Father? Sister? Or…Girlfriend? Timing at habang naghihintay ka sa kung sino man iyan na kadugo mo Mr., kumain po muna kayo ng balut. Pampahaba ito ng buhay.” Maligaya kong sabi habang inaabot sa kanya ang balut na binebenta ko.
"I'm not eating balut.”
"Sus, ang arte naman nito. Hays.” Parinig ko.
"Why, did you eat that also para sabihin mo na nakakahaba iyan ng buhay?”
"Syempre hindi… "
He smirked, dead pan while looking at me, “hindi, pero may gana kang ibenta iyan sa akin.” Aba! Iba rin ito, kung ayaw eh huwag kumain.
"Syempre, ayon sa nalaman ko, maganda ito para sa mga lalaki, sa katawan mismo ng lalaki kaya bili na kayo, meron na lang ako dito na limang piraso. Bilhin niyo na lahat, please” Sabi ko sabay alok ulit ng balut with matching puppy eyes.
Tumayo siya ng matuwid pagkatapos niyang tingnan ang gulong ng kotse niya na plot ata. Nakatingin ito sa akin at sa styro box na bitbit ko.
“If you want to taste me like that, this is my challenge to you, Miss." Challenge daw, ano naman iyon?
“And what is it? Should I ran around the street or crawl like a turtle-"
“Kumain ka muna ng balut bago ako bumili niyan."
“What? Pero… pero… wait… are you sure na kakain ka nito?" panigurado ko, baka scammer ito eh.
Humahalukip ito at tinitimbang ang challenge na binigay niya sa akin, kaya ko ba o baka mamaya uuwi akong nasusuka?
“Yes, I even buy it all kapag nakita ko na kumakain ka niyan para naman kapag kumain ako ay makakauwi pa ako ng bahay later."
“Aba! Syempre, makakauwi ka pa ng bahay, maalala mo pa rin ang sarili mo at higit sa lahat, makilala mo pa rin, lahat ng mga ex mo kahit iyong mga ka one night stand mo." Pangumbinsi ko na rin, though pwede ko naman ito ibenta sa iba pero pagod na akong mag-ikot at gusto ko ng umuwi kaya sa kanya ko na lang ibebenta total lima na lang ito.
Tumikhim ito. “Ang tindi pala ng balut na tinitinda mo Miss,? Imagine, kahit mga ka one night stand ko noon ay maaalala ko talaga?” See, playboy nga eh, confirm. Hindi man lang i-deny na wala siyang ka one night stand. Tsk.
“Oo nga, kulit nito, bilhin mo na para ‘yong–”
"Sayang… naghahanap sana ako ng balut na nakakalimot ng mga ex at lahat na ka one night stand ko. Meron ka ba?" Hala siya.
“Pwede rin ito sir, basta pwede rin ito, kapag kumain ka nito at nasasarapan ka ay wala ka ng ibang ginagawa kundi bibili ka lang ng bibili ng balut at makakalimutin mo na ang mga ex mo na yan." Taas-kilay ko na sabi sa kanya habang nakangiti.
“Hmm, marunong ka sa marketing, at sa strategy at kahit ano, para lang makapambudol sa mga mamimili.”
“What?" Gusto ko pa sanang singhalan na may tumigil na naka-motor sa tapat namin. Bumaba ang dalawang kalalakihan at nakahanda na sana ang isang balut para ihagis sa kanila kung may gagawin sa akin na hindi maganda.
“Bossing, sorry at ngayon lang kami nakarating. Ang tagal binigay ang sukli namin nung nagpagas kami.” ay akala ko magnanakaw or killer, sino ba sila?
"Ayos lang, pakitingnan na lang ang sasakyan ko, I'll use your motorcycle para makauwi na ako.” ani ng lalaki na tinatawag na boss. Ayaw niya talaga yatang bumili. Hmmm, kung ayaw niya eh di sa dalawang mama na narito sa harapan namin, easy.
“Sige boss, ito po ang susi, dadalhin muna namin ito sa talyer bago ibalik sa inyo ang sasakyan.” Ani ng dalawa.
"Sige, salamat, mauna na ako.” Paalam nito sa kaibigan yata o kakilala lang na mekaniko.
Pagtalikod niya ay agad akong pumunta sa dalawa at ngumiti.
"Mga pogi, sorry sa distorbo. Baka gusto niyo po ng balut bago kayo magsimula na-”
"Akala ko ba, sa akin mo iyan ibebenta?”
"Kabayo ka! Ginulat mo naman ako! Akala ko kasi hindi ka bibili, kaya iaalok ko sa kanila.” Ani ko at magkasalubong lamang ang kilay niya. Galit ba ito? Saan naman? Hays.
“Bibilhin ko lahat yan, follow me.” Follow me raw kaya agad akong sumunod sa kanya patungo sa nakaparada na motor.
"Hop in.” Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Sasakay ako? Why?.
"Hala, ayoko pong sumama, bakit? Hindi kita kilala kaya bakit ako sasama sa'yo? No way. Ilan ba ang bilhin mo na balut? Lahat ba? Dahil kung isa lang eh di sa kanila ni kuya ko ibebenta ang iba habang narito pa sila sa-"
"Bibilhin ko lahat iyan at huwag mong ibigay sa kanila ni isa man lang kahit asin pa yan, now… hop in, Miss at ihahatid na kita sa inyo.”
"Ha? Seryoso? Huwag na oy malapit lang bahay namin, nasa pangtatlo lang na kalye, malapit lang iyan.” Turo ko kunwari sa kalye at sinundan niya ito ng tingin.
"Ihahatid pa rin kita at ano gusto mong mangyari? Magtatagal ka sa kanila? Baka mamaya nanakawan ka pa. Sayang ang kinita mo lalo at gabi na. Kaya sumakay ka na sa motor at ihahatid na kita sa inyo. What do you want, I'll pay you first bago ka sumakay o pagbaba na natin? Choose.” Sabi niya at ito ako nakatunganga na nakatingin sa kanya.
Totoo kaya ito na nagkaroon ako ng totoong anghel kahit mukha siyang demonyo dahil sa treatment niya sa akin na sobrang cold at suplado? Ngumiti na lang ako.
“Pay me first, at baka mamaya takbuhan mo lang ako at ito oh, nasa supot na ang balut na bibilhin mo." Sabi ko sabay abot ng balut sa kanya. Nakita ko pa kung paano nangunot ang mukha niya na kinuha sa kamay ko ang plastic.
Binigyan niya ako ng one thousand na papel na buo, mabuti na lang at may sukli na ako kanina pero sabi niya na mamaya na siya bibigyan pagbaba niya sa akin, kaya wala akong nagawa.
At dahil sa mapilit siya kaya sumampa na ako sa motor. Masakit ang paa ko actually dahil sa kakatayo kanina galing sa pag-apply ko ng trabaho na hindi pa sure kung may magtetext sa akin na pasok ako sa inaaplayan ko. Nagbabasakali na lang ako nito.
Sumampa ako ng motor at halos nakaupo na ako sa dulo. Bawal dapat dumikit sa kanya.
“What are you doing?" Narinig kong tanong niya.
“What? Ako ba ang kausap mo, bossing?"
“Meron pa bang tao sa paligid?" Oo nga naman, yung dalawang lalaki ay busy na sa sasakyan.
“Oh, ano po ba ang ginagawa ko?"
“Dumikit ka pa sa likod ko! Gusto mo bang mahulog na hindi ko alam?" Wala man lang kalambing-lambing ang sinasabi niya. Grabe naman ang lalaking ito.
Umusog ako malapit sa kanya dahil iyon ang sabi niya. Nilagay ko sa gitna ang bitbit ko na styro at ang kanang kamay ko ay nasa kanyang balikat. Nabigla ako at parang nakuryente dahil sa paghawak ko sa kanya.
“Ayos na po ako boss, thank you." Saad ko at saka niya pa pinaandar ang kanyang motor. Itinuro ko sa kanya kung saan ang bahay namin at tumango lang siya.
Ang bango naman ng lalaking ito. Amoy mayaman. Halatang mahilig sa expensive perfume.
“Are you okay, there?" Narinig kong tanong niya.
“Oo naman, boss." Sagot ko. “Boss… boss.. boss… " Pangungulit ko.
“What?" Suplado talaga.
“May tanong ako."
“Then ask." Hays, kung hindi ka lang nagtatrabaho sa building na iyon ay buong biyahe na tahimik tayo, pero dahil feel ko magtanong tungkol sa experience niya roon kaya magtatanong ako.
“Hindi ba, isa ka sa nagtatrabaho sa inaaplayan ko kanina na company? Ano pala ang posisyon mo sa trabaho mo? Then… nakita mo na ang may-ari ng company? Masungit ba? Sana mabait at tanggapin ako sa trabaho.”
"It depends on your performance Miss if you want to be part of that company.” aniya.
"Sana matanggap na ako para naman, magkaroon ako ng stable na job at hindi na muna ako magtitinda ng balut, minsan kasi hindi ko sinasabi sa mga magulang ko pero kamuntikan na nga akong makidnap habang nagbebenta, ang ingay ko raw kasi eh.” Sambit ko.
"Someone's did that to you?”
"Paulit-ulit din ang tanong, boss? Opo, tama po ang narinig mo kaya tulungan mo naman ako na makapasok sa company na iyon, kahit ano na trabaho, tatanggapin ko.” Saad ko. Nanlumo ako na wala man lang akong narinig sa kanya na sagot.
“Ayos lang at baka against iyon sa rules ng company. Ibaba mo lang ako diyan bossing." Ani ko at agad naman niyang hininto ang motorcycle.
Nagpasalamat ako sa kanya, pagkababa ko at naglakad na pauwi ng bahay, for sure matutuwa ang mga magulang ko na maaga ako ngayon nakauwi at higit sa lahat naubos nah lahat ng balut sa styro box, pero bigla na lang akong napahinto na nakalimutan ko ang sukli ng mama.
“Hala! Patay na, ang sukli niya!" Babalikan ko na sana pero malayo na ang motor niya. Wala na akong nagawa pa at itatago ko na lang ang sukli niya, baka babalikan niya rin bukas saka ko pa lang ibigay sa kanya ito.