CHAPTER 04
CALL ME, KUYA!
“Anak galing ka sa pagod, ipabukas mo na lang kaya ang pagbebenta mo?" Sambit ng papa ko habang hinahanda ko na ang dadalhin ko mamaya para maglibot ng balut sa kabahayan.
“Tatay naman, kaya ko na ito at isa pa nakapag-pahinga na po ako kanina pagdating ko sa bahay, diba? Kaya hindi na ako inaantok at malakas na po ang katawan ko para sa pagbebenta mamayang gabi ng mga balut na ito, agahan ko na lang para mas maagang matapos.” Paliwanag ko pero ang mukha ni papa ay hindi na naman ma drawing.
"Natatakot lang ako anak, dahil alam mo na.” sambit niya habang malungkot.
"Alam ko na po iyan tatay pero huwag po kayong mag-alala, nakarating na po ako ng taon bilang balut vendor and so far buhay pa rin ako, di po ba?” Sabi ko habang nag-beautiful eyes kay papa. Kaya napailing na lang siya.
“Ano ang pinag-uusapan niyong dalawa habang wala ako ha?" Napalingon kami ni papa sa pinto na pumasok si mama. Galing siya sa labas ng bahay at nagdidilig ng mga halaman niya.
“Ito, sinabi ko na huwag na muna maglibot ng balut dahil may kita naman tayo sa maliit natin na tindahan pero ayaw maniwala." Saad ni papa.
" Ay oo nga anak, galing ka di ba na nag-apply ng trabaho kanina at baka masakit ang paa mo habang nakatayo kaya magpahinga ka na muna. Ipabukas muna lang iyan.” Awts, akala ko kakampi ko si mama pero sang-ayon pa siya kay papa.
Nginitian ko silang dalawa. "Hindi na po magbabago ang isip ko mama, papa. Aalis po ako mamaya. Tara kain na po tayo ng maaga ng hapunan para maaga po akong makaalis at makabenta, malay niyo wala pang nine ng gabi ay na sa bahay na ako.” Saad ko.
"Pasensya na anak, walang kwenta ang tatay mo, kung kaya ko lang sana maglakad sa malayo ay ako na sana ang gagawa sa bagay na iyan. Patawarin niyo ako na wala na akong silbi.” Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni papa kaya agad namin siyang dinaluhan ni mama.
“Silio! Di ba sinabi na namin sa iyo na may silbi ka sa pamilyang ito. Hindi porke't may kapansanan ka ay wala ka ng kwenta dahil ang binigay mo sa amin ay sobra-sobra pa nga,” si mama.
"Kaya nga papa, kaya alisin nyo po sa isip at puso niyo syempre ang mga negatibo, good vibes lang po dapat tayo. Tanggap ka namin kahit ano pa kayo. Mahal ka namin ni mama dahil gan’on ka rin naman sa amin, sobrang mahal na mahal mo kami. Naiintindihan namin ni mama na gusto niyong makakilos tulad ng dati pero pang, huwag nyo pong pilitin ang sarili niyo. Ang dami niyo na kayang nagawa para sa amin. Kaya huwag po kayong mag-alala, kapag natanggap po ako, dagdagan natin ang mga paninda mo sa tindahan, hindi lang iyan, bibili ako ng gitara na isa sa hilig mo at malay niyo po habang nagbebenta kayo ay marami ang bibili sa paninda natin dahil naggigitara pa kayo oh di ba, bongga.”
“Akala ko ba, hindi ka natanggap sa inaaplayan mo, anak?” Tanong ni mama sa akin.
Napakamot ako sa ulo ko habang nakangisi. “Parang oo, parang hindi." sabi ko sa kanila.
“Ha?" Sabay pa nga sila ng reaction.
“Basta bago ako umalis sa building nila po, sinabihan ako na, malalaman ko ang resulta kung pasok po ako sa inaaplayan ko na trabaho o hindi through text po kaya hintayin ko muna at sana… sana lang matanggap ako para hindi na ako nagbebenta ng balut, pwede dito lang sa bahay tayo magbibinta para kung sino ang gustong kumain, ipagpatuloy pa rin natin ang balut na naging kasama na natin para kumita tayo, di ba? Ang ganda minsan ng utak ko dahil gumagana, pero minsan hindi,” sambit ko kaya natawa sila.
"Ikaw talaga na bata ka, sige na kumain na nga tayo para maaga kang makauwi mamaya, Unique ang habilin ko palagi, magdala ng pepper spray para sa proteksyon mo rin iyon. At agad magmasid sa paligid, kung may nakasundo ba sa yo ay dapat alerto ka, higit sa lahat kung may mga tambay, huwag ka ng lumapit, unless kung matao pero kung isang grupo lamang ay huwag mo na pag-bentahan.” Habilin ni papa.
Tumango ako sa mga habilin nila sa akin.
Bitbit ang isang styro box na kung saan dito ko nilagay ang balut penoy at sa gilid naman nito ay nakasabit ang asin at suka, may nagrequest minsan eh kaya nagdala na rin ako.
“Balut! Balut kayo riyan! Balut!" Sigaw ko sa mga kapitbahay namin, bahala na kung gabi-gabi silang nakakarinig ng ingay ko. Hindi naman bumibili ang iba. “Balut! Baluuuuut!" Sigaw ko pa.
“Ineng pabili," napangiti ako dahil may bibili.
“Sure manong, ilan po?" Malapad ko na ngiti.
“Walo na balut, may inuman mamaya sa amin dahil may birthday sa isa sa kaibigan namin kaya isa ito sa gagawin naming pulutan." Aniya.
“Ay wow, timing na timing pala manong. Naghintay mo ako bago kayo nagsimula."
“Nasa trabaho pa kasi ‘yong iba kaya buti na lang maaga ka. Nag-aabang nga rin ako."
“Ayan po manong at dahil suki na kita at first customer ko kayo ngayong gabi ay may pa extra tayo na dalawa pang balut, congratulations!” Saad ko na siya namang ikinatuwa ni Manong.
"Salamat nito Ineng. Ito bayad at salamat sa pa extra." Pagkatapos iabot ang bayad ay agad akong nagpasalamat sa kanya at masaya akong nag-libot ng paninda ko dahil walo agad nabawas sa balut ko.
Hanggang sunod-sunod na ngang swerte ko ngayong gabi hanggang naging lima na lang ang natira. Bawing-bawi na sa kita ko at maagang na bentahan, dapat pala maaga mag-ikot dahil maraming tao sa labas.
Medyo, hindi pinalad kanina sa inaaplayan ko na trabaho pero mabuti na lang hindi sumabay ang paninda ko.
“Balut! Balut kayo riyan! Bili na po kayo! Fresh at laging masarap ang balut na na binebenta ko, yahoo. Balut! Balut!" halos napapaos na ako sa kakasigaw pero go ra lang. Pambili na rin ito ng gamot ni tatay.
May nakita akong nakaparada na sasakyan sa gilid ng kalsada, lalampasan ko na sana na may nakita ako na tao sa gilid nito at nakasquat kong umupo habang nakatitig sa mga gulong ng sasakyan niya, ay kawawa naman na plot pa ang gulong niya.
Lumapit ako bahala na. "Kuya, balut po kayo riyan?" Nakangiti ko pang tanong pero biglang nawala ang ngiti ko na namukhaan ko na naman ang matalim na matang nakatingala sa akin.
“Ikaw? Ikaw na naman!”