CHAPTER 03
CALL ME, KUYA!
Pagkarating ko sa pila ay nanlumo na lamang ako na wala na rito ang kasunod ko na babae na nakapila, nakapasok na raw sa loob at nakasalang na sa kanyang interview, samantalang ako? Ito at wala ng ibang choice, kaya ang ending ay nasa panghuli na ako na kapila. Alangan naman makipag-away pa ako sa next no’ng katabi ko kanina, baka mapaalis ako sa building na wala sa oras at nasa tabloid pa ang mukha ko na may caption nakipagsuntukan sa interview.
Pang-artista itong mukha ko hindi pang kulungan kaya kailangan maingat ako sa mga kinikilos ko, dapat mahinhin at hindi makapagbasag pinggan ang boses at kilos ko.
Nakakahinayang man dahil chance ko na sana iyon para matapos na ako at makauwi na kung hindi man palarin sa interview.
Tiisin ko na lang muna dahil baka malay natin, nasa huling pila ang totoong halakhak.
“Unique Mahinhin?" Narinig kong natawa ang babaeng kakatapos lang na mag-interview dahil sa tinawag ng ginang sa akin. Anong problema sa apelyido ko? Kahit nga ako nahihiya minsa sa apelyido ko dahil mahinhin daw pero yong kilos ko halos makabasag ng pinggan.
“Yes, Miss?" Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.
“It's your turn, good luck po!" Aniya habang nakangiti, buti pa siya mabait. Nginitian ko rin siya.
"Thank you, miss." Ani ko at agad nagtungo sa tinuro na pinto papasok daw ako sa loob, hinanap ko ang office room kung saan nag-iinterview ng mga applicants ayon sa tinuro ng ginang o staff nila. Kinakabahan man ay nanatili pa rin akong positive na magagawa ko ng maayos ang interview ko, pinaghandaan ko ito kaya dapat maging maayos ang pagsagot ko.
“Kaya ko ‘to" bulong ko sa sarili ko. Pinihit ko ang pinto na nasa tapat ko pero pagpasok ko ay wala naman akong naabutan na ibang tao kundi isang office table lang ang napansin ko. Sabi nila marami raw ang nasa loob, saan na ‘yong sinabi nila na dalawang gwapo pa nga? Umalis na ba sila dahil ako na lang ang panghuli na ma-interview? Hindi man lang ako hinintay dahil alam nila na sobrang ganda ko. Hays.
Bitbit ang resume ko ay inikot ko pa ang paningin ko kung nasaan ang may-ari ng office na ito at bakit wala siya? Mali ba ako na pinasukan na office? Pambihira.
Lalabas na sana ako ng opisina para itanong sa staff kung bakit mali ang sinabi niya na pinasukan ko. Baka mamaya ay late na ako sa interview nila. Sayang naman ang paglagay ng make-up ni Budang sa akin kung hindi ako makapasa kahit tagalinis na lang ng kanilang cr, ayos na iyon kaysa wala akong trabaho.
Lalabas na sana ako sa pinto na bigla akong tumama sa matigas na bato? Bakal? Dingding, no? Omg… dibdib? Agad akong tumingala kung kaninong dibdib ako nasubsob at laking gulat ko na ito na naman ang lalaking manyak kanina sa restroom.
“You!” Turo ko sa kanya habang nakapamewang ang kanang kamay ko.
"Ano naman ang ginagawa mo rito ha? Sinusundan mo ba ako ha? Ipapahuli talaga kita! Sige lumapit ka at makakita ka talaga ng stars sa ulo mo!” Banta ko sa kanya.
Parang malas yata ako sa araw na ito tapos ito pa sa harapan ko ang bastos na lalaki na ito. Tinaasan niya pa ako ng kilay habang nakadungaw sa akin at dahan-dahan na lumapit at ako naman itong panay atras para hindi na magkabunggo ang mukha ko sa dibdib niya na sa tingin ko ay yummy dahil matigas ito.
“Paano ka nakapasok dito?" Bagkos tanong n'ya.
“At sa ano naman paki mo kung paano ako nakapasok sa opisina na ito? Hoy! Sa tingin mo ba na may kinuha ako rito kaya isusumbong mo ako sa may-ari ng building na ito? Subukan mo lang dahil alam ko sa sarili ko na malinis ang pagpunta ko rito sa inaaplayan ko na trabaho.” Galit ko na saad sa kanya.
"You applied for work but you're here sneaking around, huh?”
"What? No kaya. Epal nito. Naligaw lang ako ng pagbukas ng pinto. Isumbong mo ako sa may-ari at maging dalawa talaga ang paningin mo. Akala mo mahinhin itong kaharap mo? Hindi tol, hindi…siga ito sa barangay namin, kahit kapitan ay takot sa akin.” Pagmamayabang ko kahit hindi naman totoo. Tinatakot ko lang ang lalaki na ito para hindi magsumbong.
“Sa tingin ko nga na nasa maling office ka dahil sa pagkakaalam ko ay nasa kabilang kwarto ang tinutukoy mo na nag-aapply, Miss. Dahil sa siga ka pala ay sana matanggap ka nga sa trabaho.” Aniya kaya agad akong umirap at naglakad ulit patungo sa pinto para hanapin ang sinasabi niya na pinto.
Binalingan ko siya habang nakataas ang kilay ko. “Watch me, Mr. Watch me! Makapasa ako sa interview, did you hear me? Kung magkita pa ang landas nating dalawa ay who you ka sa akin. I swear.” Pagmamayabang kong ani sa kanya.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang gilid na labi dahil sa sinabi ko. Umirap ako at pabalang na sinarado ang pinto.
Susme, ang aga ay biglang tumaas ang high blood pressure ko sa taong bastos na kasalamuha ko kanina. Akala mo naman ang galing niya. Hindi naman.
Halos binuksan ko na ang lahat na pinto na naroon sa floor na inakyat ko at mabuti na lang after one second later ay nahanap ko rin ang nakapaskil na for applicants only.
Kumatok ako at may nagbukas sa akin na sexy na babae. Ngumiti ako sa kanya.
“Dito po ba iyong mag-eenterview na naghahanap ng bagong secretary? Or other works po sana kung meron?” Tanong ko sa kanya.
"Hala Miss! Saan po ba kayo nakakarating? Sabi ng isang staff na papunta ka na pero bakit ngayon ka lang naparito?” Dami namang katanungan ang babae na ito.
Bumuntonghininga ako at sinagot siya.
"Pasensya ka na Miss, naligaw kasi ako kanina kaya hindi ko alam kung saan-saan na ako nakakapasok sa loob ng office. Walang lock kaya pumasok na ako dahilan kung bakit akala ko iyon na pero hindi pa pala at dito pala dapat ang punta ko. Sorry.” Paliwanag ko.
"Kaso nakauwi na ang mga nag-iinterview Miss ng mga applicants at tatawagan na lang po ang mga nakuha sa interview.”
“Hala! Ganoon po ba? Sayang naman po, wala na bang pwedeng applayan?” Tanong ko rito.
"Meron naman po, cleaner lang galing." Ayon naman pala eh.
“Ayos lang iyon Miss, ang mahalaga ay may maipagmayabang ako sa kapitbahay namin na chismosa na walang bilib sa akin na nakapasok ako o nakuha na magtrabaho sa isang building ay kung matanggap ako ay for sure pagbutihan ko po ang trabaho ko.” Wala sa sarili ko na paliwanag. Kunsabaga, wala ng take two at kung ayaw niya ng pakinggan ang hinanakit ko kaya nilubos-lubos ko na.
Nakita ko na sumilay ang sulok ng labi niya. Payag na yan, please... please.
“Sige, sasabihin ko kay big boss na may tagalinis na kami ng cr." Natatawa niyang sabi kasama ng kanyang co-staff. Anong nakakatawa sa pagiging cleaner ng banyo? Mas okay nga iyon para every pasok nila ay malinis. Inirapan ko sila sa isipan ko at ngumiti na rin.
“Natanggap ka o natanggal ka sa trabaho?" Excited na tanong ni Budang sa akin pagkarating ko sa bahay nila.
“Grabe ka naman sa na tanggal ka na sa trabaho eh hindi pa nga ako nakapagsimula. Well…hindi pa confirm bes."
‘’Ay, ganoon ba? Sayang naman. Don't worry, try and try lang at baka sa huli ay matatanggap ka rin.” Pampalubag loob ng aking kaibigan.
"Iyon na nga ang sinabi ko kahit man lang sana tagalinis ng banyo, pero ang sabi na tulad noong nakapasa sa evaluation ng interview ay tatawagan na lang daw kung sino ang pasok sa pagiging secretary at sana nakasingit iyong akin. Kahit anong trabaho pa iyan. Tatanggapin ko.” Sabi ko sabay balik sa kanya ang pinahiram niya sa akin ng magandang earrings at kwentas.
“Anong balak mo ngayon habang naghihintay ng result?”
"Well, sa dating gawi, magbebenta ako ng balut penoy sa gabi then maging labandera na muna sa kapitbahay namin.”
“Tigilan mo na lang kaya ang pagbebenta ng balut sa gabi, ako ang natatakot sa iyo eh." Napangiti ako sa sinabi ni Budang, lagi talaga itong concern sa akin.
“Don't cha worry, di ba sabi ko sa'yo na isa akong dakilang siga sa barangay natin kaya huwag kang mag-alala, kaya ko ang mga masasang-loob lalo na kapag may magtangka na kumuha ng benta ko ay isang orasyon lang sa kanila ay baka maaga silang magkita ni satanas.”
"Ikaw talaga, dinadaan mo sa biro palagi ang mga sinasabi mo sa akin pero kilala kita, as in kilalang-kilala, noh. Kitang-kita naman sayong nga mata na nahihirapan ka na rin sa ginagawa mo na trabaho. Lalo na ang paglalako ng balut sa gabi, kung may nagligtas man sa'yo noong dalawang beses na may humablot sa paninda mo ay baka next time marami na silang kasama para pagtulungan ka, huwag naman sana mangyari iyan. Ako ang natatakot sa iyo, Unique.”
"Sus, dati iyon pero sa tingin ko kaya ko naman sila. Basta… feeling ko meron akong superpower kung kaya wala ng sumisira ng gabi ko at alam mo ba marami na ring bumibili sa paninda ko simula noong lumipat ako ng pwesto kung saan ako nag-apply ng trabaho kanina.” Proud ko na sabi sa aking kaibigan.
"Goodluck na lang sayo basta umuwi agad kung sakaling nakabenta ka na. O wala pang nine ng gabi ay nakauwi ka na dahil marami ng tambay at masasamang loob sa ganyang oras hanggang madaling araw.” Dagdag niya pa kaya mas lalo akong napamahal sa kaibigan ko eh. Ang bait-bait niya talaga sa akin.
Nagpaalam na ako sa kanya para makauwi na sa bahay para ihanda ko na ang mga paninda ko na balut para mamayang gabi.