CHAPTER 02
CALL ME! KUYA
Akala ko ako lang ang mag-aapply sa araw na ito, marami pa pala kami at iyong nasa unahan ay nakasalang na sa interview at iyong iba ay naghihintay pa lamang na tawagin ang pangalan nila.
Narito kami sa 3rd floor, nasa bakanteng office kami nakahilera para sa sunod-sunod na interview. May kumukuha na staff ng mga bio data namin at pagkatapos ay isa-isahin na lang kami ng tawag. First time ko ito kaya kabado bente.
Kinuha ko ang biscuit sa aking maliit na kulay black na bag at nilantakan agad ito. Bigla akong nagutom eh. Ganito ako kapag kinakabahan, kailangan ko ng may kinakain o manguya para mawala ang kaba ko. Marami pa kami na mag-aapply na nasa mahigit yata twenty ka applicants siguro kami at ngayon pa lang nakikita na ang kaba sa mga mukha ng mga kasamahan ko. Gusto kong makipag kaibigan pero ayaw naman yata sa akin kaya hindi ko na lang pinapansin kaysa makita ko ang mga mukha nila kung paano ako irapan. Akala mo naman makukuha kayo sa trabaho dahil sa inasal niyo?
Tingnan natin, wala pa tayo sa position para magyabang at umirap.
Lalo at nakikita kami sa cctv. Kumaway ako at nagpapacute with peace signs pa ako na niyan para malaman ng nagmomonitor sa cctv na mabait ako at hindi masungit. Nahagip ako ng ibang kasama ko kaya nakakainsultong ngiti ang ginawad nila sa akin. Inggit pikit, tse.
Inaabangan namin kapag may bumubukas ng pinto, ibig sabihin tapos na ang interview ng mga naunang applicants at kapag malungkot ang mukha o hindi maipinta ay ibig sabihin hindi nakapasa, samantala iyong iba malapad ang ngiti dahil may chance daw na makuha sila at tatawagan na lang sila via call. Samantalang may iba rin na ang lapad ng ngiti paglabas ng room at akala namin nakapasa sa interview pero hindi naman pala, masaya lang dahil may gwapo raw sa loob at first time nila nakita ang mukha ng dalawang binata na naroon kaya kinilig ang mga lokarit.
Tsk, hindi ko alam kung ano ang pinuntahan ng mga babae na ito, mag-aapply for work para araw-araw nila makita ang boss kung makapasa o nag-apply lang para makakita ng gwapo at ayos lang sa kanila kung hindi sila nakapasa? Hays, anong klaseng mindset ba iyan. Well, sa bagay hindi man nakapasa, libre naman nakakita ng gwapo. Gwapo my head, tsk.
Mabuti pa ako, chill lang. Kung matanggap ay ayos na ayos sa akin pwera lang sa hindi ako matanggap kasi nakakapagod kaya iyon. Nag-eeffort akong magpaganda, magdamit na maganda na binili ko pa ito sa ukay-ukay at sa pamasahe pa para hindi lang masira ang make up ko kaya nagjeep na ako kahit naiipit na ang dibdib ko sa sobrang sikip namin kanina sa sasakyan, lokong driver at konductor na iyon at iniingatan ko rin ang style ng damit ko na hindi madumihan agad kaya no choice kundi sumakay na talaga ako kahit minamalas din sa jeep kanina at kamuntikan ng maging one fourth ang pwet ko sa upuan. Nakakainis iyong konductor na iyon ha. Nakakagigil sa isa na lang, isa na lang.
Nasa sampu na lamang kami na applicants na naghihintay sa labas at dahil nakaramdam ako ng pagkaihi kaya iihi na muna ako dahil mahaba pa naman ang pila bago ako isalang. Sinabihan ko ang babae na kasunod ko na ako ang nakaupo sa harapan niya pero inirapan niya lang ako. Who you ka talaga sa akin kapag nakapasa ako ha.
Dahil ihing-ihi na ako kaya tinalikuran at naglakad na ako palayo sa kanila at naghanap ng banyo.
Pinindot ko ang elevator ng nasa tapat na ako at baka malamang nasa baba ang maraming cr at kung meron man dito ay bilang lamang sa third floor. Kaso, hindi ko alam kung saan dahil walang nakalagay na sign. Baka mawala pa ako at buong-hapon akong paikot-ikot dito sa third floor dahil marami itong pinto.
Pagpasok ko sa lift ay sabay sa pagpindot ko ng number ay nalaglag pa ang dala ko na folder kaya nasa sahig na tuloy ang mga ibang bio data ko at ibang bond paper na may sulat na o certificate kapag hinahanapan ako mamaya sa interview at least may maibigay ako.
“Haizt, minamalas nga naman na araw ito oh, sana naman ngayon lang ang kamalasan at mamaya malaking congratulations ang maririnig ko.” Kausap ko sa sarili ko. May kasabihan nga di ba na, after the rain ay magpapakita na bukas ang araw. Tulad na lang sa kamalasan ko ngayon. Sana maganda ang balik sa akin mamaya.
Narinig ko ang pagclick ng elevator at agad naman akong tumayo ng tuwid at walang lingon-lingon na lumabas habang kayakap ang folder ko. Hinanap ko sa building na ito kung saan ko nakita ang table ng receptionist na tinanungan ko kanina para magtanong ulit kung saan ang toilet pero kahit anong ikot ko ay wala akong makita at bakit halos wala man lang katao-katao rito. Bago lang ba itong building na ito? Bakit ganito ka taas kung wala man lang uupa o gagamitin sa malaking space na narito. Kaya pala dahil nasa fourteen floor ako ngayon napunta. Nagkawala-wala pa ako, mali pala yong napindot ko, minamalas nga naman.
“Ganda naman ng trip sa buhay to oh.”
Binalewala ko na lang at mabuti na lang sa kakahanap ng restroom ay nahagip ko ang nag-iisang cr na naroon. Dahil sa pagmamadali ay agad akong pumasok sa loob ng banyo at pumasok sa isang cubicle na naroon. Nagtataka man na ganito ang style ng kanilang banyo ay binalewala ko na lamang ang mahalaga sa ngayon ay mailabas ko ang tubig sa katawan ko.
Pagkatapos kong gawin ang aking special business ay agad akong lumabas sa cubicle.
Pero bigla akong na estatwa na may lalaki sa loob ng banyo, binaba ko ang mata ko at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Nanlaki ang mata kong bumalik sa mukha niya.
“Ahhh!" Sabay kaming sumigaw.
“Who the hell are you?" Singhal niya at agad sinarado ang zipper. Pinikit ko ang mata ko habang dinuduro siya na hindi na alam ang tamang direction, paano kasi hindi ko alam kung tama ang nakita ko kanina o kamao niya lang ba iyon? Ang haba!
“Sino ka? Minamanyak mo ba ako, ha? Ang kapal naman ng mukha mo!” Pagbibintang ko sa kanya.
"What? This is the male restroom then why are you here?” Napadilat naman ako ng mata dahil sa sinabi niya. Nakaayos na siya ng tayo habang pinasadahan ako ng tingin.
"Ano? Anong male restroom?” Inikot ko ang paningin ko at parang tama siya hindi ito comfort room ng mga babae, ibang-iba, so, sa panlalaki ako umihi? The heck, at pagkakita ko sa nakalagay na nakapaskil sa likod ng pinto na male ang drawing ng sign at hindi pambabae. Panginoon, patawad. Hindi ko sinasadya na makakita ng batuta.
“What are you doing here in the male restroom? Are you spying on us?”
"Anong spying? Hoy! Ang mukha na ‘to papatol sa ganyan. No way at bakit ko naman gagawin iyon? Una, hindi ko alam kung ano yang sinasabi mo. Nandito ako para umihi habang naghihintay ng pila sa inaaplayan ko na trabaho, at sa tingin ko. Ganoon ka rin din naman? Pareho tayong nag-aapply ng trabaho, am I right or left? Kaya huwag mo akong pinagbibintangan. Aba! Aba! Baka ipabarangay kita. Close kami ng barangay kapitan namin sa aming barangay!” Banta ko sa kanya habang nakapamewang.
Hindi na siya umimik at pinagmasdan lang ako kaya agad ko siyang inirapan at tinalikuran.
“Excuse me, Kuya!"