CHAPTER 22 CALL ME, KUYA! “Calm down, hon." “I swear, anak natin siya hon. Anak natin siya. Oh my God. Bumalik na ang anak natin." “Calm down hon. Hintayin natin na magising ang anak natin. Do not panic, okay?" "Oh my, thank you God. Sa wakas bumalik na rin sa piling natin ang ating anak! Ang payat ng baby ko, nakakain ka siya ng maayos? Saan kaya siya nanggaling? Wake up, my love. Namimiss ka na ni mommy.” Ilan lamang sa mga naririnig ko na ingay malapit sa akin. “Mom? What happened?" Isang familiar na boses ang narinig ko pagbukas ng pinto. “My dear Izaak, come here, come here. I have a surprise for you. Sa wakas nasa atin na ang kapatid mo. Anak! Look! Who's here?" Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Dahil sa tingin ko, ako talaga ang pinag-uusapan nila. Agad nagtama an