CHAPTER 23 CALL ME, KUYA! “This is your room. Naalala mo pa ba?” Malambing na wika ni mommy Maribel. Sumunod ako sa kanya sa loob ng kwarto ng kanyang anak na si Cherry Annarose Legaspi. Halos napanganga ako dahil sa kulay lavender ang nakapalibot sa buong silid. From carpet, hanggang kurtina at bedsheet, unan ay kulay lavender. “You love the color lavender kaya iyan palagi ang nirerequest mo sa akin na bilhin sa mall, and if you want. Mag mall tayo and you can buy whatever you want.” dagdag niya pa. "Thank you mom-mommy," sabi ko, hindi agad siya nakapag salita pero kalaunan ay ngumiti ito sa akin. “It's okay, sa tingin ko namimiss mo na ang kwarto mo kaya…ahmm iwan ka muna namin. You need more sleep, baby. Izaak, hindi ba pwede na ipagbukas mo na lang kwentuhan ang bunsong kapati