[Paris' pov]
Lumipas ang mga araw ay puno ng tanong ang aking isipan sa ginawa ni Carl. Gusto kong umasa na kahit papaano ay may pagtingin na siya sa akin ngunit wala naman pagbabago sa pakikitungo niya sa akin sa mga nagdaang araw.
Masyado ko lang siguro binibigyan iyon ng ibang ibig sabihin. Maaaring ginawa niya iyon para maiwasan ang katulad na insidente na nangyari sa unang araw ng aking trabaho.
Sinampal ko ang aking magkabilang pisngi para gisingin ang aking sarili sa katotohanan.
Give up, Paris! Carl will never love you back! Found another man!
Humugot ako ng malalim na hininga saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa restaurant. Sabado ngayon at dahil wala kaming pasok ay full shift ang magiging trabaho ko. Pagkaalam ko ay ganoon rin ang schedule ni Carl ngayon. Buong araw muli kami magkakasama sa trabaho.
Hay...
Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin na tila may sumusunod sa akin. Lumingon ako para tignan kung sino iyon ngunit wala naman ako makita. Siguro guni guni ko lamang iyon.
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Syete! Huwag kayo manulak!"
Bigla ako napalingon nang makarinig ng isang pamilyar na boses. Nilibot ko muli ang tingin sa aking paligid pero tulad kanina ay wala naman ako nakita.
Natatawang napailing ako ng aking ulo dahil sa naiimagine ko ang boses ni Kylie. Namimiss ko na siguro ang babaitang iyon. Mamaya ay tatawagan ko siya at kukulitin.
Nagpatuloy ako ng paglalakad ngunit nararamdam ko na naman na tila may sumusunod sa akin. Binilisan ko ang lakad at alam ko na binilisan rin ng sumusunod sa akin ang kanilang paglakad.
Natatakot na ako. Marahil isa ito sa mga stalker ko. Hindi na bago ito sa akin dahil na rin sa walang kapantay kong kagandahan.
Ilang kanto pa ang dadaanan ko bago makarating ng restaurant. Hindi ko rin alam kung magandang dumiretso ako ng restaurant. Malalaman ng sumusunod sa akin na nagtratrabaho ako roon.
Tagatak na ang pawis ko dahil sa kaba at takot. Naiiyak na rin ako sa maaaring kahinatnan ko. Halos patakbo na ang lakad ko para makawala lang sa sumusunod sa akin.
Hanggang sa makarating ako sa isang masikip at pasikot sikot na eskinita. Pagliko ko sa isang sulok at laking gulat ko na may humila sa akin. Sinandal niya ako sa pader at tinakpan ng kanyang kamay ang aking bibig.
Napapikit ako sa sobrang takot. Hindi ko akalain sa ganitong paraan pa matatapos ang aking buhay. Hindi ko man lang nagawa ang mga pangarap ko.
No. Kailangan kong lumaban! Hindi ko hahayaan na dito lamang ako.
Pumiglas ako sa pagkahawak sa taong may hawak sa akin. "Hmmmp!" Bulalas ko habang pilit inaalis ang kamay niya sa aking bibig.
"Sssshhh! Huwag ka maingay kung ayaw mo matuklasan ng kaibigan mo saan ka papunta."
Bigla ako napamulat ng mata at bumungad sa akin ang malapit na mukha ni Carl. Nakatingin siya sa ibang direksyon kung saan ako nanggaling. May mga yabag na paparating sa aming kinaroroonan kaya lalong nilapit ni Carl ang kanyang sarili sa akin para matakpan ako.
Nakita ko ang mga taong lumampas sa amin. Napakunot ang noo ko ng makilala ang mga iyon.
Teka sinusundan ba nila ako?
Nang masiguro ni Carl na nakalayo na sila ay saka lamang niya ako binitawan. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa pagiging malapit namin sa isa't isa. Napansin naman iyon ni Carl ay ilang hakbang na umurong palayo sa akin.
"S-Salamat." Pasasalamat ko sa kanya.
Hindi naman siya umimik saka tinalikuran ako. Nagsimula siyang maglakad palayo pero tumigil rin kalaunan at kunot noong nilingon ako.
"Pareho lang naman ang ating pupuntahan di ba?" Sabi niya
Tumango ako. "Oo sa restaurant." Sagot ko. "Pareho tayo ng shift ngayon."
"Tara na."
Natigilan ako sa pagyaya niya. Sigurado kaya siya na okay lang na makasabay kami pumasok?
"Kung gusto mo maiwan diyan, bahala ka." Seryosong sabi niya.
Nang makita ko siyang maglakad muli ay kusang tumakbo ang katawan ko at sumabay sa paglalakad niya. Diretso lamang ang tingin niya sa daan at hindi na muli ako tinapunan ng tingin. Gayun pa man ay labis labis ang saya ko na makasabay man lang siya sa paglalakad.
Blessing in disguise rin ang pagsunod sa akin ng mga kaibigan ko.
Tulad ng aking inaasahan, pumukaw ng maraming atensyon ang sabay naming pagdating ni Carl sa restaurant. Marami ang sinubukan na atigin si Carl sa akin ngunit wala man lang sila nakuhang reaksyon sa lalaki kaya sa huli ay sumuko sila.
May nagtatanong rin sa akin kung bakit kami magkasabay na pumasok. Tulad ni Vierra na sinundan ako sa lockers room para lang usisain sa pagkasabay namin ni Carl.
"Bakit kayo sabay na pumasok ni Carl?" Tanong ni Vierra na puno ng kuryosidad.
"Nagkita lang kami sa daan habang papunta rito." Sagot ko saka napabuntong hininga.
Naghalukipkip ng kanyang braso si Vierra sa aking harapan at tinitigan ako para alamin kung nagsasabi ba ako ng totoo. Sa huli ay bumuntong hininga siya at umupo sa aking tabi
"Mellisa, payong kaibigan lang." Seryosong sabi niya. "Hanggang kaya mo pang pigilan ay layuan mo na si Carl. Ikaw lang ang masasaktan sa huli."
Anong ibig niyang sabihin?
Hinawakan niya ang aking kamay. "Ayoko na matulad ka sa tulad ko. Umaasa sa isang pag-ibig na hindi kayang suklian." Malungkot niyang sabi.
Napalunok ako. "Makapagsabi ka naman parang sigurado ka na hindi kaya ni Carl na magustuhan ako." Sabi ko
"Matagal ko na kilala si Carl. Wala siyang panahon sa ganyang bagay." Sabi niya. "Pag-aaral at trabaho lang ang nasa isip niya kaya sinasabi ko na sa iyo huwag kang umasa. He will never choose you."
Iniwan ako ni Vierra roon na naguguluhan. May nalalaman siya sa buhay ni Carl na hindi ko pa alam. Iniling ko ang aking ulo para kalimutan ang aming pag-uusap at ituon na lang ang aking atensyon sa trabaho.
Paglabas ko ng lockers room ay napataas ang kilay ko nang makita si Drew at nakikipaglandian sa mga waitress. Napairap na lang ako ng mata dahil wala sa lugar ang ginagawa niya ngayon.
Pagtingin ko kay Vierra ay napansin ko ang kanyang malungkot na ekspresyon habang nakatingin kay Drew. Nakarehistro sa kanyang mata ang sakit na makita si Drew na nakikipaglandian sa iba. Hindi naman ito nahahalata ng lalaki at patuloy lamang sa kanyang ginagawa.
Bigla ko naaalala ang kanyang paalala sa akin. Ayaw niya ako matulad sa kanya na may iniibig ngunit hindi kaya ito suklian. Si Drew ang taong kanyang iniibig.