Chapter 5

1936 Words
[Paris' pov] Pagkatapos ng ilang araw na hindi pagpasok sa school ay nagbalik na ang kanilang dyosa. Tulad ng dati, marami kalalakihan ang pumalibot sa aking kotse pagkapark ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago taas noong bumaba ng aking kotse. Nilibot ko ang aking tingin dahil tila walang nangyari. "We miss you, Paris!" "Buo na muli ang araw namin!" "Maligayang pagbabalik aming prinsesa!" "Ganda mo pa rin, Paris!" "Notice me, princess!" Binigyan ko lang sila ng aking pamatay na ngiti at tila domino sila nagtumbahan at kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata nila. Hinawi ko ang aking buhok saka malamodelong naglakad. It is good to be back. Natigil ako nang sumalubong sa aking daan ang lalaking pinaka-ayoko makita. Nakangiti siya sa akin na tila walang malaking kasalanan na ginawa. Mayabang na lumapit siya sa aking kinaroroonan. "I miss you, babe." Malakas niyang bati. Kumunot ang aking noo at tumingin sa likuran ko para hanapin ang taong sinabihan niya ng 'babe'. Hanggang sa ma-realize ko na ako ang tinatawag niyang babe. Nawala lang ako ng ilang araw ay mas naging hambog ang lalaking ito. Tss. "I am not your babe, Jasper." Saway ko sa kanya na puno ng pagbabanta. "Tawagin mo ulit ako niyan, hindi ka na sisikatan muli ng araw." Malakas na humalakhak si Jasper at tila hindi naapektado sa aking pagbabanta. Akmang hahalik pa sa pisngi ko siya ng  malakas na sipain ko ang paa niya at nandidiring lumayo sa kanya. "Aw s**t!" Hiyaw niya sa sakit habang sapo ang kanyang paa. "Ang sakit nun, Paris!" Bagot ko lamang siya tinignan bago iniwanan habang namimilipit sa sakit. Hindi ko talaga alam kung saan kinukuha ni Jasper ang kakapalan ng mukha. Ang lakas ng loob na tawagin ako ng babe at balak pa halikan ako. Nangilabot ang aking buong katawan ng maalala ang pagtawag niya sa akin na babe. "Oh my! Nabuhay na muli  si Paris!" Bungad siyempre ng mga kaibigan kong napakabait at hindi man lang ako naalalang itext at tawagan sa mga araw na hindi ako pumasok. "Yeah, yeah, yeah!" Walang ganang sabi ko saka naupo sa aking upuan. Napatingin ako sa pinto ng bumukas nang pumasok si Carl na puno ng pasa at sugat ang mukha. "May ginawa na naman ba ulit si Jasper kay nerd?" Nagtatakang sabi ni Kylie. "Akala ko tapos na?" Napakagat labi na lang ako at sinubukang iwasan si Carl. Masyado ng marami ang atraso ko sa kanya kaya ayoko na iyon dagdagan pa. Pumasok ang aming professor at isang seryosong tingin ang binigay niya sa akin. "Miss Fujiwara, excessive ka na ng absences." Nakataas kilay na sabi ng prof namin "Normally dapat failed ka na sa aking klase pero dahil pinakausapan kami ng ama mo. We will give you another chance. You must attend all your classes until the semester end. Are we clear?" Natigilan ako sa narinig. Hindi ko alam na kinausap ni papa ang mga professor ko tungkol sa aking pag-absent. Wala akong natanggap na tawag mula sa kanya kaya akala ko ay  kinalimutan na niya ako. Masyado kasi siya naging busy nitong mga nakaraang taon. Last na nagkausap kami ay three years ago na. It was my high school graduation. Now, I am third year college student pursuing Business Administration. Hindi ko kinuha ang course na ito dahil gusto ko. Kinuha ko ito dahil ito lamang ang pinayagan ni mama na kuhanin ko. Wala akong karapatan na umangal sa kagustuhan nila kundi ay ititigil nila ang pagsuporta sa akin bilang anak-anakan. Sinubukan kong makinig sa klase pero talagang hindi kaya ng utak ko ang mga tinuturo nila. Hindi ako matalino saka wala naman talaga ako interes sa pamamahala ng business. Kung may pagpipilian man ako ay mag-aaral ako ng Fashion Designing. Mula noon pa lang kasi ay nakahiligan ko na ang pagde-design ng mga dress. Minsan na rin ako tagong nag-aral ng pagtatahi. Ngunit naging pangarap ko na lamang iyon. "Tara na, Paris." Pag-aya sa akin nina Kylie nang matapos ang aming klase. Mabilis na inayos ko ang  aking gamit. Hindi ko naiwasan na mapatingin sa banda unahan ng classroom. Nandoon pa rin si Carl na abala sa pagsusulat ng kung ano sa kanyang notebook. "Bilisan mo!" Naiinip na sigaw ni Hannah kaya tumakbo na ako palapit sa kanila. Sa huling pagkakataon ay sinilip ko si Carl na ngayon ay napatingin na rin sa akin. Dahil sa takot ko na may makapansin ay ako ang nag-iwas ng tingin sa amin. Pagdating namin sa cafeteria ay umupo kami sa usual table namin. Dito kami tumatambay tuwing may vacant hours kami bago magklase. Bumili sila ng mga paborito nilang frappe at cake. "Hindi ka oorder, Paris?" Takang tanong ni Kylie sa akin. Umiling ako at ngumiti. Nagsisimula na kasi ako magtipid. Sinusubukan ko na simulan maging independent sa mga Fujiwara. Iniipon ko ngayon ang mga allowance na pinapadala sa akin ngayon hanggang maaari. "Ano kaya na naman ang ginawa ni Jasper? Hindi ko akalain na gagawin niya ang ganoon kay Nerd." sabi ni Kylie. "Sa klase ng itsura ni Nerd ngayon ay sobra sobra ang ginawa ngayon ni Jasper." Gusto ko sanang sabihin na walang kinalaman si Jasper sa nangyari kay Carl. Ngunit kapag ginawa ko iyon ay malalaman nila ang pagtratrabaho ko sa restaurant. Hanggang maaari ay ayoko malaman nila ang sitwasyon ko. Nag-angat ng tingin si Cindy. "Hindi naman ganoon kasama si Jasper." Depensa ni Cindy kay Jasper. "He is not a bad person." Tila nagulat sina Kylie at Hannah sa pagsasalita ni Cindy at tila pinagtatanggol nito ang lalaki.  "Woah! Cindy?" Manghang sabi ni Kylie.  Binalik naman ni Cindy ang tingin sa libro niya na tila wala siyang kakaibang ginawa. Napakunot ang noo ko sa ginawa ni Cindy. Tila may tinatago siya sa amin at mas pinili na lamang magpatay palisya. "Paris, tara mall tayo mamaya." Yaya ni Hannah sa akin. "May mga ilalabas na limited edition bag at shoe ngayon. I know you have been waiting for that. We can also check out some new dresses. It is shopping time!" Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "Pass muna ako." Pagtanggi ko. "May importante kasi akong pupuntahan ngayon." Sabay sabay sila napatingin sa akin na hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Wait. Did you just heard that?" Gulat na sabi ni Hannah. "Who the hell are you? You are not our Paris!" “May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong pa ni Kylie at nilapat ang kamay niya sa noo. "The Paris we knew will never pass her shopping spree!" Winaksi ko ang kamay ni Kylie palayo sa akin. "Tss." Bulalas ko. "Anong mayroon sa inyo today?" Sabi ni Kylie at nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Cindy. Napatakip sa bibig si Kylie na tila may natuklasan na isang bagay. "May secret boyfriend kayo no?" Binatukan ko siya dahil kung anu ano ang iniisip niya. Baka mamaya may makarinig sa kanya at may gawin na naman si Jasper. "Geez! Kapag nangyari iyon ay proud ko pang ihaharap sa inyo kaya hindi ko isisikreto." Nakairap kong sabi. "Sabi ko nga eh! Kailangan talaga nambabatok?" Nakasimangot na sabi ni Kylie "Baka sa lakas ng batok mo maging magkautak na tayo. Naku! Naku!" Babatukan ko na sana uli  si Kylie nang magtago siya sa likod ni Hannah. Naglabas pa siya ng tela na akala mo na isang bata na nang-aasar. "Pero Paris nakakapagtaka naman yata na hindi ka sasama ngayon sa pag-sho-shopping." Nang-uusig na sabi ni Hannah at tinitigan ako sa aking mga mata. "Tingin ko may tinatago ka sa amin. What is it?" "W-W-Wala ah!" Naghalukipkip ng kanilang braso sina Kylie at Hannah. "You're not a good liar, Paris." Sabay nilang sabi. *** Pagkatapos ng aming klase ay agad ako nagpaalam sa aking mga kaibigan. May trabaho pa kasi ako sa restaurant at dadaan muna ako ng condo ko para magpalit ng damit bago pumunta roon.  Isang t-shirt at pant lang ang suot ko habang naglakad patungo  sa restaurant. Buti na lang ay walking distance ito mula sa condo ko. Alam ko rin na wala masyadong naliligaw rito from school. Pagdating ko ay naabutan ko si Vierra na abalang nag-se-serve ng ilang customer. Marami rami rin ang customer dahil dito nila naisipan kumain ng dinner. "Mellisa, sa cashier ka ngayon sabi ni boss." Inform sa akin ni Drew nang mapadaan ako ng kitchen. Cashier? Inilipat ba ako dahil sa nangyari kahapon? Sabagay, mas ayos iyon dahil hindi ako makikita ng mga customer dahil nasa loob lamang ang cashier. Ang mga service crew ang magbibigay ng receipt at mag-aabot sa akin ng bayad ng mga customer. "Dumating na ba si Carl?" Naitanong ko kay Vierra nang mapadaan siya sa harapan ko. Nagtataka napatingin si Vierra sa akin. "Oo kanina pa siya dumating." Sagot ni Vierra. "Pero dahil mamaya pa ang shift niyo ay nagpapalipas muna siya ng oras diyan sa staff area." Ngumiti na lamang ako at nagtungo sa lockers area at sinuot ang aming uniporme saka nagtungo sa staff area. Tulad ng sabi ni Vierra at nandoon si Carl. Lumapit ako sa kanya at tila hindi niya ako napansin dahil abala siya na sinasagutan ang aming mga homework. "Next week pa naman ang pasahan niyan di ba? Bakit tinatapos mo na?" Takang tanong ko sa kanya. Nag-angat siya sandali ng tingin bago binalik ang atensyon sa ginagawa niya. "Mamaya pa naman ang shift ko kaya kaysa sayangin ang oras sa pag-iintay ay ginagawa ko na ang magagawa ko ngayon." Dahilan niya. "You are really a nerd." Komento ko. "Yeah I am a nerd." Sagot niya na puno ng sarcasm. Naupo ako sa harapan niya at tahimik na pinagmasdan siya gumagawa ng aming mga homework. Nakita kong paano kumunot ang noo niya kapag napapaisip siya at saglit na pagnguso kapag nagsusulat siya. Cute! Narinig ko na naman ang malakas na t***k ng puso ko. Parang naging slow motion ang paligid naming dalawa. At tila kami na lang ang tao sa buong mundo. This feeling of mine for him. Mukhang nakokontento na lang ako na panuorin siya na ganito lamang. Tanggap ko na sa aking sarili na hindi kami para sa isa't isa. Ayoko ng guluhin pa ang buhay dahil sa akin. Makita lang siya araw araw ay magiging sapat na. "Mellisa." Nagulat ako ng may kumalabit sa aking balikat at nang tignan ko iyon ay kunot noong napatingin sa akin si Vierra. Nagpalipat lipat siya ng tingin sa akin tapos kay Carl. Hindi ko naramdaman ang pagdating niya at paglapit sa akin. Masyadong na-pokus ang atensyon ko sa pagtingin kay Carl. "B-Bakit?" Tanong ko kay Vierra. Tinuro niya ang orasan. "Oras na ng shift mo. Hinahanap na kayo ni boss sa labas." Sabi ni Vierra. Pagkarinig ni Carl sa sinabi ni Vierra ay nauna na siya pumunta sa kanyang trabaho kaya naiwan kami ni Vierra. Hinarap niya ako na may seryosong tingin sa akin. "Alam mo sayang ka, Mellisa." Iiling iling na sambit niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Alam ko na kahit sino mang babae ay gugustuhin na maligtas ng isang pinapangarap na prinsipe." Sabi niya "But Carl is not a prince. He cannot be your prince. You can't love him." *** Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Vierra. Tila may alam siya na hindi ko nalalaman. Ano ba ang ibig sabihin doon? Napaayos ako ng tayo ng dumating ang isa naming katrabaho para mag-abot ng bayad ng aming customer from Table #5. Pansin ko ang kakaibang tingin na binibigay niya habang pinapasok ko ang bayad sa system. "May dumi ba ako sa mukha?" Takang tanong ko sa kanya. Todong iniling niya ang kanyang ulo saka nahihiyang napakamot ng batok. "Ikaw di ba yung bago? Si Mellisa?" Tanong niya na sinagot ko ng isang tango. "Ako nga. Bakit?" Tumingin siya sa pintuan bago binalik ang tingin sa akin. "Mukhang wala kang ideya sa ginawa ni Carl kanina." Sabi niya habang nangingiti. Kunot noo ko siyang tinignan. "Anong ginawa ni Carl?" Curious kong tanong sa kanya. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit nilipat ka ngayon ni boss dito sa cashier?" Sabi niya. "Maagang pumasok si Carl para lang pakiusapan si boss na ilipat ka diyan." Natigil ang kamay ko sa pagpindot sa POS. Tinignan ko siya na tila sinusukat kung nagsasabi siya ng totoo. Bakit naman gagawin ni Carl iyon? "Ginawa niya iyon?" Gulat kong sabi Tumango tango siya. "Marami nga ang nagulat sa ginawa niya. Kahit nga si boss." Dagdag niya. "Carl is our best employee but he never show concern with us. He is like a working robot. Kaya nagulat nga kami kahapon ng tulungan ka niya at mas nadagdagan pa ang ginawa niya kanina."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD