[Paris pov]
Hindi mawala sa isip ko ang natuklasan ko. Iyon ang unang beses na makita ko si Vierra na nasasaktan. Malimit naman sila magkasama ni Drew ngunit normal lamang ang ginagawa niyang pakikitungo sa lalaki.
Bakit iniisip ni Vierra na hindi kayang suklian ni Drew ang pag-ibig niya?
Parte talaga ng pag-ibig ang sakit. Hindi ka pwede umibig na hindi nasasaktan.
Naputol ang aking pag-iisip ng lumapit si Carl at inabot sa akin ang bayad ng customer sa Table #8. Mula ng mag-usap kami ni Vierra ay iniiwasan kong tignan sa kanyang mukha si Carl. Nagkaroon ako ng takot na lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kanya.
"Nandiyan ang mga kaibigan mo sa labas." Pag-iinform ni Carl sa akin na ikinahinto ng kamay ko sa pagpindot ng POS. "Nakita nila ako kaya pumasok sila rito at hinahanap ka nila sa akin."
Hindi ko maiwasang kabahan. Paano kung makita nila ako rito? Ano ang sasabihin ko? Hindi pa ako handa na aminin sa kanila ang sitwasyon ko.
Pero mas ikinatatakot ko na makarating kina mama ang ginagawa kong pagtratrabaho ngayon. Maaaring maging masama ang dating nito sa kanila. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin pagkatapos. Marahil magiging palaboy na lang ako sa lansangan.
"S-Sinabi mo ba sa kanila na nandito ako at nagtratrabaho?" Kinakabahang tanong ko habang nakayuko.
Pero bakit naman pupunta ang mga iyon sa isang mumurahing restaurant?
Hindi kaya nasundan nila ako kanina?
Napalundag ako ng makaramdam ng kamay sa balikat ko. "Relax." Pagpapakalma ni Carl. "Hindi ko man alam ang totoong dahilan kung bakit nagtratrabaho ka rito ay irerespeto ko pa rin ang kagustuhan mo na itago ito sa kanila."
Nakahinga ako sa sinabi niya. "Nakaalis na ba sila?" Tanong ko muli.
Napakamot siya ng ulo bago umiling. "Since nandito na raw sila ay gusto nilang subukan kumain rito." Nakangiwing sabi niya. "Hindi ko naman pwede silang pigilan dahil baka maghinala sila."
Napatapal na lang ako ng kamay sa aking noo. Palagay ko ay palusot lamang nila iyon pero ang totoo ay hindi sila naniwala sa sinabi ni Carl. Mukhang kailangan ko mag-ingat na hindi makita nila hanggang makaalis sila.
"Si Vierra ang nag-se-serve sa kanila." Pag-iinform pa niya sa akin. "Wala naman siya masasabi sa kanila dahil Mellisa ang pagkakakilala nila sa iyo rito."
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Inabot ko rin kay Carl ang resibo at sukli na inaantay niya para sa customer na hawak niya. Tinignan muna niya ako panandalian bago lumabas.
***
Pabalik balik lamang ako sa paglalakad sa loob ng kwartong kinaroroonan ko. Minsan ay sumisilip ako para alamin kunh nakaalis na sina Kylie. Mga tatlong oras rin sila namalagi bago sumuko sa paghahanap sa akin at napag-desisyunan na umalis. Nakita ko pa na kinausap nila si Carl bago tuluyang umalis ng restaurant.
Napabuga ako ng hininga nang makita na wala na sila. "Anong sinisilip mo diyan?" Napalundag ako sa isang boses sa likuran ko.
Nakita ko si Drew na nakahalukipkip ng braso sa harapan ko. Mukhang papunta siya sa staff area para nag-break ngunit nakita niya ako nakasilip sa may pintuan.
"W-Wala naman."
Tinitigan niya ako at tila tinitignan kung nagsisinungaling ako sa kanya. "Doon ka kaya nakatingin sa dalawang magandang customer na kakaalis lang." Hindi niya naniwalang sabi. "Anong meron sa dalawang magandang binibini? Kilala mo ba sila?"
Nanlaki ang mga mata ko. "I-Imposible ang sinasabi mo, Drew. P-Paano ko naman makikilala ang mga iyon?" Pagsisinungaling ko.
Kita sa mukha ni Drew na tila hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"Mayayaman ang mga iyon kaya wala silang kilalang tulad nating mahihirap." Singit ni Carl sa aming usapan kaya nabaling sa kanya ang tingin ni Drew.
"Pero kilala ka nila." Sabi muli ni Drew kay Carl. "Carl, nagpapanggap ka ba na mahirap?"
Kita sa mukha ni Drew ang galitvkung sakaling nagsisinungaling si Carl sa totoong estado niya sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kanyang naging reaksyon. Tila ba may malaking galit siya sa mga mayayaman.
"Hindi nila ako kilala. Narinig mo na nerd nga ang tawag nila sa akin." Seryosong sabi naman ni Carl sa kanya.
Doon ay tila napaisil si Drew sa sinabi ni Carl. "Ay oo nga!" Naliliwanagang sabi ni Drew. "Mayayaman nga naman mapanglait ng kapwa. Tawagin ka ba namang nerd?"
Nakahinga ng maluwag si Drew at tinapik sa kanyang balikat si Carl. "Naku Carl, sorry kung pinag-isipan kita ng masama. Naisip ko na kapag na mayaman ka talaga ay hinding hindi na kita lalapitan. Marami na akong kilalang mayayaman na sobrang mapagmata ng kapwa. Akala mo mga hari at reyna!" Pag-amin ni Drew
Ramdam ko sa sinabi ni Drew ang galit niya sa mayayaman. Hindi ko maiwasang mapalunok kapag nalaman niya ang sitwasyon ko. Baka isipin niya na niloloko ko sila.
"M-M-Mayroon namang mabait, Drew! Huwag mong lahatin." Pagkontra ko sa sinabi niya kaya napabaling ng tingin si Drew sa akin
"Walang ganoon, Mellisa!" Seryosong sabi ni Drew. "Walang mabait na mayaman. Ang iba sa kanila ay mapagpanggap lamang kaya akala mo ay mababait."
Magsasalita pa sana ako muli ng tinignan ako ni Carl para tumahimik na lang. Habol ko ng tingin si Drew ng magmartsa na ito papunta ng staff area.
"Ang laki ng problema niya sa mayayaman." Naguguluhang sabi ko kay Carl.
Nagkibit balikat lamang si Carl. "Hayaan mo na. Marahil ang opinyon niyang iyon ay batay na rin sa karanasan niya sa kanila."
****
Nasa condo na ako habang nakatitig sa kisame. Hindi mawala sa isipan ko ang huli naming usapan nina Drew. Sabi nga ni Carl ay marahil ay masamang karanasan si Drew sa mga mayayaman. Sa kabilang banda ay tila nauunawaan ko ang gusto ipahiwatig ni Drew.
Iniling ko ang aking ulo. "Hindi naman lahat ganoon. Hindi naman ako ganoon. May dahilan ng pagpapanggap ko sa kanila."
Napangiti ako ng mapait ng maalala na hiram nga pala ang aking apelyido sa mga Fujiwara. Hindi ko rin masasabi na isa akong mayaman. Bigla tuloy ako nagising sa bangungot ng realidad.
*ding dong*
Napakunot ang noo ko at napatingin sa direksyon ng aking pinto. Gabi na rin kaya wala na akong inaasahang oras sa mga oras na ito.
Tumunog muli ang doorbell kaya lumapit ako sa pintuan. "Who's that?" Malakas na anong ko muna bago buksan ang pintuan.
Mahirap na at baka isa ito sa patay na patay kong tagahanga na pinuntahan pa ako hanggang sa aking tinitirhan.
"Sweetie, it's me!" Sagot sa pintuan ng isang lalaki.
Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ang taong iyon. Mabilis kong binuksan ang pinto at bumungad ang nakangiting mukha ng isang hindi katandaan na lalakim
"Surprise!" Masayang sabi niya ng medyo natulala pa ako na makita siya.
Sa sobrang saya ko ay agad ko siya dinamba ng mahigpit na yakap. "D-D-Dad?!?" Gulat na gulat kong sabi. "Are you really here?"
"I see. My sweetie missed me too." Nakangiti niyang sabi niya saka gumanti ng mahigpit na yakap sa akin.
Naiiyak ako tumingin sa mukha niya. "Waaah! Dad!" Tili ko sa saya at inub-ob ang aking mukha sa dibdib niya.
Tumatawa naman si Dad sa ginawa ko saka sinayaw sayaw ang aming mga katawan na magkayakap. "A-A-Alam ba ni mom na nandito ka?" Kinakabahang tanong ko
Napahawak sa batok si dad saka iniling ang kanyang ulo. "Alam mo naman na hindi iyon papayag." Malungkot na sabi ni dad. "Sorry."
Aaminin ko na masakit sa akin na hanggang ngayon ay balewala pa rin kay mom ang aking existence. "It's okay dad..." Sabi ko at pilit tinatago ang lungkot ko.
Napabuntong hininga si dad saka inangat ang kanang kamay niya at tila pinapakita ang supot na dala niya. "Cheer up, sweetie. Here is your favorite." Nakangiting sabi ni dad
"Strawberry ice cream."
Maraming kwento baon si dad. Ilang taon rin kami hindi nagkita dahil sa binibigyan siya ng mga trabaho ni mom para hindi makauwi sa Pilipinas. Sinasadya iyon ni mom para palayuin sa akin si dad. Alam ko kung gaano kalabag sa loob ni mom na ampunin ako habang hinahanap nila ang kanilang nawawalang anak.
"May boyfriend ka na ba, sweetie?" Mapag-atig na tanong ni dad sa akin.
"Geez dad! Wala!" Sabi ko sabay subo ng ice cream na dala niya
"Talaga? Wala ka bang nagugustuhan man lang?" Nagtatakang sabi niya.
Napahinto ako sa pagsubo ng biglang pumasok sa isip ko si Carl. Naalala ko na naman ang naudlot kong pag-ibig sa kanya.
"Meron?" Pag-uusig ni dad sa naging reaksyon ko.
"W-W-Wala rin..." Pagsisinungaling ko.
"Ang ganda ganda mo pero wala pa rin? Umamin ka nga tomboy ka ba?" Hindi naniniwalang sabi ni dad. "Baka may isa kang nagugustuhan sa mga kaibigan mo? Si Cindy ba?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni dad. Bigla ko siyang malakas na nahampas sa kanyang braso.
"I'm not, dad naman eh!" Pagkontra ko. "Wala lang talaga akong time for that."
Humalakhak lamang si dad sa naging reaksyon ko. Ngunit sa kalagitnaan ng pagtawa niya ay bigla siyang huminto at niyakap ako ng mahigpit. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa yakap niya.
"W-W-Why dad?" Natatakot kong sabi.
"Paris, lagi mong tandaan na ano mang mangyari ay anak pa rin kita at tatay mo ko." Seyosong sabi ni dad saka ako hinalikan sa noo.