bc

Her Battle For Love ✔

book_age4+
1.2K
FOLLOW
3.3K
READ
family
fated
drama
comedy
bxg
disappearance
first love
like
intro-logo
Blurb

Tinitingala ako ng lahat dahil sa wala kong kapantay na kagandahan. Hindi ako artista o sinong modelo, sadyang MAGANDA lamang ako.

Maraming babae o bakla ang naiinsecure sa akin.

Marami ring akong manliligaw, lahat sila ay gwapo at mayayaman.

But when I saw this guy... My heartbeat go fast.

I think I'm inlove.

I'm inlove to a nerd.

Yes, he is a nerd.

Marami ang nagsasabing malabo na ang aking mga mata, nagayuma ako at tanga.

Tanga na ako kung tanga pero ito ang tinitibok at sinisigaw ng aking puso.

I love Carl Steven Manaloto, the Campus nerd.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
[Paris' pov] Pagkapark pa lamang ng aking kotse ay agad na ito pinalibutan ng aking mga taga-hanga. Normal lamang itong scenario sa isang tulad ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse at taas noong bumaba. Pasimple ko pang hinawi ang aking buhok palikod sa aking tenga habang tinitignan ang mga lalaki na baliw na baliw sa aking kagandahan. "Good morning Paris!" "Mas maganda ka sa umaga, Paris!" "Flowers for the beautiful lady" "I love you, Paris! Please love me back!" "Magpakasal na tayo Paris! Kahit sa lahat pa ng simbahan." Iyan ang lagi nila sinasalubong nila sa akin tuwing umaga. Hindi naman rin sila mga sirang plaka di ba? Tss. Nagsimula na ako maglakad at binigyan naman nila ako ng daraanan. Walang naglakas loob na hawakan ako. Alam nila na hanggang tingin lang pwede sila. Aba! Baka madisgrasya ang kagandahan ko kung kukuyugin nila ako. Ito lamang ang kaya kong ipagmalaki. Nang makalampas ay nilingon ko sila. "Thanks boys!" Nakangiti kong sabi sa kanila sabay kindat. Sabay sabay sila namula at napahawak sa kanilang bandang puso. Nagtumbahan sila at kulang na lang maging hugis puso ang mga mata nila. Tsk! Tsk! Tsk! Habang walang malay ang mga lalaki ay binabato naman ako ng matatalim na tingin ng mga kababaihan at err kabebekihan. Hindi ko na lang sila pinansin dahil duh... mas maganda kasi ako baka mahawaan pa nila ako ng kapangitan. Or mabawasan pa ang ganda ko kapag pinatulan sila. Nang marating ko ang building namin ay humarang sa daan ko ang pinakamayabang ng lalaki sa buong campus. Naparolyo na lang ako ng mga mata nang makita siya. "Hi Paris!" Nakangising bati ni Jasper, the Campus Prince "Hatid na kita sa room mo." Napahalukipkip ako ng braso at pinagtaasan siya ng kilay. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Jasper ang sobra niyang kayabangan. Lahat kasi ng manliligaw ko ay siya na yata ang pinaka-makapal. Tss! Kailan ba susuko ang lalaking ito? Hindi na nga mabilang ng aking mga daliri kung ilang beses ko siya binusted. Pero arrrgghhh... pinagkakalat niya na pa-'hard to get' lang raw ako at sa huli ay hindi ko rin mareresist ang charms niya. As in! Ganoon kakapal ang face niya! Nabalik ang isip ko sa reality ng makita ang mga nakikiusyosong estudyante. Mukhang inaakala pa nila na bumibigay na ako rito kay Jasper. Kaya ang kumag abot tenga na ngayon ang ngiti. "No thanks." Nakangiwing sabi ko. "Maliit lang ang campus at malabong maligaw pa ko." Uusap sana siya muli ng magsimula na ako maglakad. Makita ko lamang ang mukha ni Jasper ay talagang nakakasira ng araw. Kinikilabutan ako tuwing ngumingiti siya sa akin. Inaamin ko na gwapo naman talaga siya. It is just hindi ko siya type at puro kayabangan. Pagdating ko ng classroom ay agad ko nakita ang tatlo kong kaibigan na namumukod tangi sa buong klase. Nakasimangot ako lumapit sa kanila at pagbagsak na binaba ang aking bag. Nagtataka naman lumingon ang aking mga kaibigan. Let me introduce ourselves. Si Kylie Mae Marquez, ang pinakajolly. Si Cindy Ella Malgory, ang pinakatahimik. Si Hannah Vienna Sheen, ang pinakamataray. At ako? Ako si Paris Mellisa Fujiwara, ang pinakamaganda. Mga bata pa lamang ay magkakaibigan na kami kaya alam namin ang baho ng isa't isa. Minsan nagkakapikunan pero nagkakasundo rin sa huli. We love each others. Sissy forever. "I heard na hinarang ka muli ni Jasper." Nang-aasar na sabi ni Kylie "Mukhang walang balak sumuko iyon. Siya yata ang pinaka-tumagal sa lahat ng naging manliligaw mo." "Matatahimik iyon kung magkakaboyfriend ka na." Suggest ni Hannah. "Ay oo nga pala binabakuran ka niya kaya malabo. Lahat ng mga lalaki sa campus ay takot sa kanya." Tatango tango lamang si Cindy sa tabi at nakikinig lamang sa aming usapan. Bagot ako napalumbaba. Nababanas talaga ako sa pamumukha ni Jasper. Manliligaw ko lamang pero kung umasta ay akala mo boyfriend ko na. Kahit ilang pang-ba-busted na ang ginawa ko sa kanya ay buhay pa rin at araw araw ako binu-bwisit. Akala ng Jasper na iyon na hindi ko alam na marami siyang girlfriend at gusto pa ako isali sa kanyang mahabang listahan. Marami naman ang nanliligaw sa akin na mas gwapo at mas mayaman sa kumag na iyon at lahat sila binusted ko. Alam ko naman kasi na kaya lang nila ako nililigawan dahil gusto lang naman nila ako gawin isang trophy girlfriend. Ang mga tulad nila ay katawan lang ang hanap at walang babaeng sinerseryoso. "What if sagutin mo kaya tapos after a month ibreak mo." Suggest naman ni Kylie. Napasimangot ako sa suggestion na iyon. Hinding hindi ko iyon gagawin! Baka lalong lumaki ang ulo niya dahil naging girlfriend niya ako. I believe that 'true love exists' kaya kapag nakita ko na ang man for me hinding hindi ko siya pakakawalan. Iyon nga lang wala pang lalaki ang nagpapatibok nitong ng puso ko. But I know he is out there waiting for me. I hope I find him soon. "By the way Paris, natapos mo na ba ang research paper natin na ipapasa bukas?" Pag-iiba ni Cindy ng usapan at seryoso akong tinignan. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. "B-Bukas na ba iyon?" Nagulantang tanong ko sa kanila. Sabay sabay sila napatapal ng kamay sa noo habang tumatango sa tanong ko. "Here she goes." Iiling iling pang komento ni Hannah at inirapan ako. Inaamin ko na maganda ako pero hindi ako matalino at malaking problema ang hatid sa akin ng paggawa ng mga paperwork. "Help me, Cindy." Naiiyak kong pakiusap sa aking kaibigan *** Pagka-breaktime ay agad ako nagtungo ng library para humiram ng mga librong kakailanganin ko sa paggawa ng reasearch paper. Hindi ko akalaing na tinakbuhan ako ng mga kaibigan ko na tulungan. Hindi na sila naawa sa tulad kong puro ganda lang at walang talino. Pagdating ko naman ng library ay kung minamalas wala ang librarian. Naabutan ko ang isang lalaki na palagay ko estudyante rin ang pasamantalang nagbabantay. Pinagmasdan ko ang lalaki at hindi makapaniwala na makakita pa ng ganitong tao sa panahon ngayon. Naka-gel ang buhok niya at nakapirmi ang ayos nito na tila mahihiya sina Jose Rizal sa pagkaayos ng kanyang buhok. Nakasuot rin ng malaking salamin habang naka-tuck in ang suot na uniporme. An old fashioned nerd. Napasampal ako sa sarili dahil sa paninitig ko sa kanya. Nandito ako sa library para manghiram ng ilang libro. Kulang na ko sa oras kaya kailangan ko matapos ang paper within today. Pumunta ako sa shelf ng mga librong tingin ko ay nalalapit sa binigay na topic ng aming teacher. Kumuha ako ng limang libro ay dinala iyon sa lalaking nerd. "Hihiramin ko." Sabi ko sa kanya pagkalapag ng mga libro. Inalisa muna ng lalaki ang mga librong iyon. Napakunot ang noo niya saka nagtatakang tumingin sa akin. "Para ba ito sa scientific paper topic na tinoka ni Ma'am Santos sa iyo?" Kaswal na tanong niya sa akin at tila hindi man lang siya nautal na ako si Paris ang kinakausap niya. Bigla ako napaisip kung paano niya nalaman na kay Ma'am Santos ang paper na gagawin ko ngayon. "Yes. Why?" Taas kilay na tanong ko sa kanya. Napabuga siya ng hininga at ginilid ang mga librong kukunin ko. "Teka." Sabi niya at pumunta sa shelf ng pinagkuhanan ko ng mga libro. Pagbalik niya sa kanyang pwesto ay may dala siyang tatlong libro. Hinarap niya sa akin ang mga libro. "Mas makakatulong sa iyo ang mga librong ito." Sabi niya. Napatingin ako sa mga libro tapos sa kanya. "O-Okay... iyan na lang ang hihiramin ko." Nautal na pagpayag ko. Malapad na ngiti ang hinandog niya sa akin na tila nagpabilis ng t***k ng puso ko. May sinulat siya sa bandang likuran ng mga libro at sa dala kong library card. Nakatitig lamang ako sa kanya habang ginagawa niya roon. Parang slow motion ng iangat niya muli ang tingin sa akin. "Ito na." Sabi niya at inabot sa akin ang mga libro. "Ayos ka lang ba? Namumula ang buong mukha mo." Dagdag niya at nilapat ang kamay niya sa noo ko. Napahawak ako sa mga pisngi ko at ramdam ko ang panginginit nito. Hindi ko alam dahil nakaramdam ako ng hiya ng ilapat niya ang kamay niya sa noo ko. Tila gustong kumawala ng puso ko sa sobrang pagbilis ng t***k nito. "Uhmm... Ekey leng eke." Nahihiya kong sabi sa pasimpleng inipit ang buhok ko sa likod ng tainga. Nagtataka naman napatingin ang lalaki sa akin. Nagpaalam na ako at dali dali ako lumabas ng library. Napahawak ako sa aking dibdib. Ano ito? Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko? Namamadali akong bumalik ng classroom. Pagkaupo ay agad ako lumagok ng tubig ang pinaypayan ang aking sarili. Hindi naman malayo ang classroom sa library pero tila hirap na hirap ako huminga. That nerd take my breath away. Naalala ko na naman ang nakangiti niyang mukha kaya napalagok muli ako ng tubig. What is this feeling? "Pulang pula ang mukha mo, Paris." Pagpuna ni Kylie sa akin at hinawakan ako sa noo para alamin kung nilalagnat ako. "Ayos naman ah." Doon, napalingon ang dalawa pa naming kaibigan at nagtatakang napatitig sa mukha ko. Biglang nanlaki ang mata ni Hannah at nanginginig na tinuro ako. "Wait. Are you blushing?" Gulat niyang sabi. Hindi alam pero mas uminit ang mukha ko kaya mas nilakasan ko ang pagpaypay sa sarili. Biglang nagtilian sina Kylie at Hannah. "Oh my gosh! Is this real?" Nasisiyahang sambit ni Kylie. "Nainlove na rin sa wakas si Paris Mellissa Fujiwara." Lumapit naman sa akin si Hannah habang may kakaibang ngisi sa kanyang labi. "Sino ang mapalad na lalaking nagpatibok ng pihikan mong puso?" Pag-uusig niya. "Huh? Sino?" Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaki kanina sa library. Kasabay noon ang mabilis na t***k ng puso ko at hindi ko maiwasang habulin siya ng aking tingin. Akala mo na mawawala siya bigla kapag hindi ko siya tinignan. "What the hell!" Nagigimbal na bulalas ng tatlo kong kaibigan nang hanapin nila kung sino ang taong hinahabol ko ng tingin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BROKEN(MONTEMAYOR SERIES1)

read
310.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.1K
bc

The Billionaire's Disguise (Filipino)

read
434.7K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
400.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook