[Paris' pov]
Ilang araw rin ako hindi pumasok sa school. Hindi ko kasi alam kung paano haharapin si Carl pagkatapos nang nangyari. Nalaman ko rin kay Cindy na patuloy pa rin si Jasper sa p**********p sa kanya. Ngunit habang tumatagal ay gumagaan ang ginagawa ni Jasper sa kanya.
Ang isa pa dahilan ay ayoko makita si Jasper. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag nakaharap siya. Baka mamaya ay bigla ko na lang siya masapak sa sobrang galit.
Napaayos ako ng higa nang tumunog ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang tumatawag. Pinaghalong galak at kaba ang aking pakiramdam.
Sinagot ko ang tawag at nanginginig na inilagay ang phone ko sa aking tenga. "M-M-Ma..." Kinakabahan kong sabi.
Ilang sandali nanahimik ang kabilang linya. "Paris, what do you think you are doing? Tinawagan ako ng school mo at hindi ka raw pumapasok." Sabi ni mama na nasa malamig na tono.
Napalunok ako sa idudugtong niya dahil alam ko na kung saan patungo ang aming usapan. "Sinisira mo ang pangalan namin. Tandaan mo na kaya ka namin ibalik sa dati mong buhay. Hiram lang ang pangalan na binigay namin sa iyo." Dagdag niya na punung puno ng pagbabanta. "Huwag kang umasa na habang buhay ka magiging buhay prinsesa."
Napakuyom ako ng aking kamay at pinipigilan ang sarili na maiyak muli sa kanyang mga salita. Inaamin ko na malaki ang pagpapasalamat ko sa kanila. Nandito ako ngayon dahil sa kanila. Ngunit gusto ko man magpasalamat sa lahat ng ibinigay nila ay hindi ko naman naramdaman ang pakiramdam na may pamilya. She never treat me as part of her family.
"S-Sorry po, Ma..." Mahina pero sincere kong sabi sa kanya. "Papasok na po ako bukas na bukas."
"Next time na may tumawag muli sa akin o ikapalpak mo na naman. Alam mo na kung saan ka pupulutin." Pagbabanta niya bago tinapos ang tawag.
Napatitig ako sa phone ko. Hindi man lang niya ako kinamusta o tinanong kung bakit hindi ako pumapasok.
Haaa....
Aasa ka pa ba, Paris?
Ano mang gawin mo ay hinding hindi ka niya ituturing na anak.
Sa mata niya ay isa ka lamang pabigat at palamunin na sumisira sa pangalan nila.
Marami ang nagsasabing maswerte ako dahil nag-iisang anak ako ng pinakamayaman sa buong bansa. Kinaiingitan ako hindi dahil maganda lamang ako kundi parte rin ako ng pamilyang Fujiwara.
Akala lang nila iyon...
Nangilid ang luha ko sa aking mga mata. Walang nakakaalam na inampon lamang ako ng pamilyang Fujiwara bilang kapalit ng kanilang nawawalang anak. Sa oras na mabigo ko sila ay maaari nila ako itapon na parang basura lamang. O kaya sa oras na mahanap nila ang nawawala nilang anak ay mawawala na ako ng silbi.
Alam ko na hanggang ngayon ay patuloy sila sa paghahanap ng kanilang nawawalang anak. At sa oras na mahanap nila siya ay balewala na rin ako. Matagal ko na alam ang aking malungkot na kapalaran sa pamilyang Fujiwara.
Haaaa...
Kung kailan namomoblema ako sa sitwasyon ni Carl ay siya naman ang pagpaparamdam sa akin na tila basura ni mama. Feeling ko tuloy wala ako ka-kwentang kwenta na tao. Wala na ako ginawang tama.
Damn!
Gusto ko na lang maglaho sa mundong ito.
Magiging masaya siguro sila kung mawala na lang ako.
Ngunit bigla ko naalala na may mga kaibigan ako. Hindi pa naman ganoong kasama ang aking buhay. Mayroon pa rin akong mapag-alagang mga kaibigan. Pero hindi ako pwedeng umasa sa kanila habang buhay. Hindi lahat ng oras ay nandiyan sila para tulungan ako o damayan.
Siguro ay kailangan ko paghandaan ang araw kung kailan bibitawan ako ng mga Fujiwara. Para kung sakaling dumating ang araw na itaboy nila ako ay makakaahon ako muli. Simula na siguro ang paghahanap ko ng trabaho para makaipon ng perang pwede kong gamitin sa araw na iyon.
Bumangon ako sa pagkakahiga at pinahid ang aking mga luha.
"Paris, you can do it!" Cheer ko sa aking sarili. "Fight! Fight! Fight!"
Pumunta ako sa aking walk-in closet at naghanap ng simpleng damit na pang-apply. Maghahanap ako ng mga pwedeng pasukan na urgent hiring. Gumawa rin ako ng aking resume at nilagay iyon sa mga folder na nakakalat lang sa aking mga gamit.
Mula sa condo ay nagsimula ako maglakad. Marami naman ako madadaan na mga store at restaurant rito. Nagbabaka sakali ako na may mahanap na naghahanap ng aplikante.
Halos sumakit ang paa ko sa kakalakad dahil ilang beses na pagkabigo ko na matanggap. Sa oras na marinig nila ang aking apelyido ay umaayaw na agad sila. Mukhang napakalaki talaga ng impluwensya ng mga Fujiwara sa mga bawat business. Maliit man ito o malaki.
Paano ako hahanap ng trabaho kung ganito?
Aha!
Gagamitin ko ang tunay kong apelyido!
May birth certificate ako sa pangalan na iyon. Hindi naman kasi lubusan binago nina mama ang aking pangalan kaya magagamit ko pa ito.
"Tama!" Ngingiting sabi ko saka bumalik ng aking condo para hanapin iyon at ulitin ang aking ginawang resume.
Nang matapos ay bumalik ako at nag-apply sa isang maliit na family restaurant. Malayo ito sa aking school pero may kalapitan naman sa condo ko. Okay na ito dahil mahirap na baka may makakilala sa akin mula sa school.
Agad naman ako pinaunlakan ng may-ari ng restaurant na in-apply-an ko. "Tamang tama nangangailangan kami ng bagong tauhan." Sabi ng may-ari na ikinalawak ng aking ngiti. "Okay lang ba talaga sa iyo na magstart agad agad?"
"Opo boss." Magalang kong sabi at nginitian muli siya.
Narinig ko na bumukas ang pinto ng opisina ni boss at may pumasok. "Siya na ang bahala magturo sa iyo ng mga gawain mo." Nakangiting sabi ng may-ari habang nakatingin sa bandang likuran ko.
Nakangiti ako humarap sa tinutukoy niya. Unti unti naglaho ang ngiti ko nang makilala ang taong kaharap ko.
"C-C-Carl.." Gulat kong sambit.
Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin at sa may-ari.
"Nasaan po iyong tuturuan ko." Sabi niya na nakatuon ang tingin na sa may-ari.
Napayuko ako ng ulo at napakagat labi. "Siya si Miss Valmonte." Sagot naman ni boss na palagay ko ay itinuturo ako ngayon. "Siya ang tuturuan mo na bagong empleyado ng restau."
"Miss Valmonte?" Naguguluhang pag-ulit ni Carl sa tinawag sa akin ni boss.
"A-Aalis na po kami!" Malakas na sabi ko at hinila si Carl palabas ng opisina.
Hila hila ko si Carl palabas ng opisina ni boss. May mga napapalingon sa amin na nagtratrabaho rin sa restaurant. Kaya mas hinila ko pa siya sa mas malayo kung saan walang makakarinig sa amin. Nang makasigurado na ay agad ko siyang hinarap.
Isang seryoso at mapagmatyag na tingin ang binungad niya sa akin. "You lied to him." Sabi niya na may pagkadismaya sa kanyang tono. "Why are you here?"
Napatitig ako sa kanyang mukha. Isang linggo ko rin hindi nakita siya. Magmula ng pagtulungan siya nina Jasper ay hindi ko na siya nagawang harapin. Pansin sa kanyang balat ang ibang galos at sugat sa mga ginagawa ni Jasper sa kanya sa school. Gusto ko man siyang kausapin para humingi muli ng tawad ngunit napagdesisyunan ko na nalalayuan ko na siya. Pinangako ko na sa aking sarili na puputulin ko ang koneksyon sa kanya at hindi na muling lalapitan o kakausapin siya. Iyon ang mas nakakabuti sa kanya.
Ngunit mapaglaro nga naman ang tadhana dahil magkakasama kami ngayon sa restaurant na aking pagtratrabahuan. Napaka-imposible na iwasan ko siya rito.
"Miss Paris, is this part of your scheme plan?" Malamig na sabi niya sa akin. "Hindi na ko magugulat kung nandito mamaya si Jasper."
Hindi ko inaasahan ang malamig na pakikitungong gagawin niya sa akin. Aaminin ko masakit dahil hindi ako nagsisinungaling. Wala rin akong binabalak na masama. Wala akong kaide-ideya na nagtratrabaho siya rito.
Tumikhim ako para itago ang sakit sa aking damdamin. Humalikipkip ako sa harapan ni Carl at tinaasan siya ng kilay. Umaakto ako na katulad lamang sa ginagawa ko sa ibang tao.
"Shut your mouth, Nerd." Singhal na sabi ko at binigyan siya ng mapagmatang tingin. "Isipin mo ang gusto mong isipin basta wala kang pagsasabihan tungkol rito. Binabalaan kita."
Kita ko na mahigpit siyang napakuyom ng kamay. Isang napakatalim na tingin ang hinandog niya sa akin. Alam ko na magiging masama ang tingin niya sa akin pero para ito sa sarili ko. Ayokong mawala ang oportunidad na ito dahil sa kanya. Kahit magmukha na ako masama sa lalaking nagugustuhan ko.
"Hindi ko akalain na hanggang dito ay sisirain mo ko." Sobrang galit na sabi ni Carl. "Ano ba ginawa ko sa iyo para gantuhin mo ko? Dahil ba kinausap kita noon sa library. Ganoon ba? Hindi pa ba sapat ang p**********p sa akin sa school?"
Napanganga ako dahil inaakala niya na sinadya ko lahat ng ginagawa ni Jasper sa kanya. Kahit papaano ay umasa ako na may kaunting tiwala siya sa akin. Sabagay sino ba naman ako? Ako lang naman si Paris Mellisa Fujiwara, ang anak ng pinakamayamang pamilya sa buong bansa. Hinangaan ng lah
Isang naiinis na sigaw ang binulalas ko. "Ewan ko sa iyo! Isipin mo na ang gusto mong isipin." Galit kong sabi at tumalikod na sa kanya. "Basta dito ako magtratrabaho mula ngayon."
Pagbalik ko sa loob ng restaurant ay nakuha ko ang atensyon ng karamihan. Sinubukan kong ngumiti dahil ayoko na gumawa pa ng ibang kaaway. Sapat na si Carl na may galit sa akin.
"Woah! Ang ganda naman ng bago nating katrabaho!" Sabi ng mga kalalakihan na aking mas ikinangiti.
Iyon ibang babae ay binigyan ako ng matalim na tingin. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena pero pinagkaiba lamang may iba ay binigyan ako ng welcome smile.
Lumapit sa akin ang isang lalaki na tila magpapakilala. "Hi I'm Drew Montes, kitchen staff." Pakilala niya saka naglahad ng isang kamay.
Tinanggap ko naman iyon at nginitian siya. "Nice meeting you. I'm Mellisa Valmonte." Pakilala ko naman. "The new service crew."
Akala ko ay bibitawan na ni Drew ang kamay ko ngunit kaysa bitawan ay hinalikan niya ito. Napasipol ang mga kalalakihan sa kanyang ginawa. Ngumiti ako ng pilit at tinanggal ang pagkahawak niya sa kamay ko. Hindi naman sa pangit siya sadya lamang nirereserve ko ang mga kamay na ito para sa lalaking iibigin ko habang buhay. That is my beloved Carl.
"Huwag mong takutin, Drew." Sabi ng isang babae at binatukan si Drew. "Hi I'm Vierra, one of the serving crew." Pakilala niya sa kanyang sarili kaya nginitian ko rin siya.
"Na-orient ka na ba sa trabaho mo rito?" Tanong ni Drew na ikinailing ko lang ng ulo.
"Akala ko kaya magkasama kayo ni Carl ay tinuturuan ka niya." Takang sabi niya at pasimpleng tumingin sa likuran ko. "Magkakilala ba kayo ni Carl? Magkasama kasi kayo lumabas kanina."
Tumingin ako sa likuran at nandoon si Carl na mapagmatyag ako pinapanuod. Matalim ang tinging hinahandog niya sa akin na tila maling salita ko lamang ay sasabog siya sa galit.
Iniling ko ang aking ulo. "No, I don't know him." Pasisinungaling ko. "But our boss introduced him to me earlier kaya kami magkasama."
"Bakit nga pala magtratrabaho rito?" Biglang naitanong ni Drew sa akin. "Grabe! Ang lambot kaya ng kamay mo! Pangmayaman!" Pagpuna ni Drew sa nahawakan kong kamay.
Naitago ko bigla sa aking likuran ang kamay ko. "Oo nga, hindi ka mukhang mahirap. Ang kinis at ang puti mo." Sang-ayon ni Vierra sa sinabi ni Drew.
"H-H-Huh?" Kinakabahan kong sabi. "Nagkakamali kayo. Hindi ako mayaman. Marami na rin ang napagkamalan akong mayaman ha-ha-ha." Pagsisinungaling ko muli.
"Tss." Bulalas ni Carl sa gilid at nilampasan kami.
Napabuga ako ng hininga dahil sa hindi binunyag ni Carl ang nalalaman niya sa akin.
***
"Naku po. Sorry, sorry!" Paumanhin ko sa customer na natapunan ng dala kong drinks na dadalhin ko sa dulong table.
Napayuko ako ng ulo ng makatanggap ng pagmumura nang nabuhusan kong customer. Lumapit naman si Carl at mahinahong kinausap ang nagagalit na customer. Huminahon naman siya pero hindi pa rin nawawala ang masamang tingin na binibigay niya sa akin. Umalis ito at nangakong hindi na babalik muli sa aming restaurant.
Nanlulumo ako bumalik sa waiting area namin. Kumuha ako ng tubig ay uminom roon. Hindi ko napansin na sinundan pala ako ni Carl.
"Bakit ka ba kasi nandirito? Alam ko naman hindi ka sanay sa ganitong trabaho lalo pa na isa kang prinsesa sa inyo." Nagagalit na sambit ni Carl. "Tignan mo tuloy ang ginawa mo. Nawalan ng isang customer ang restaurant. Alam mo ba kung gaano kahalaga sa isang negosyo ang mga customer?"
Sa sobrang gulat sa paninigaw ni Carl ay nabitawan ko ang baso kaya nabasag ito at nakalikha ng malakas na ingay. Sumilip sa amin sina Drew at Vierra. Napailing sila ng ulo at iniwan rin kami muli ni Carl.
Kumuha ng walis si Carl para alisin ang bubog ng baso. "A-A-Ako na." Agaw ko sa walis na hawak ni Carl pero hindi man siya natinag kaya nakipag-agawan pa ako ng walis sa kanya.
"Doon ka na lang sa labas at hingin ang order ng mga panibagong customer." Utos sa akin ni Carl. "Baka mamaya may mabasag ka na naman rito at maubos ang gamit dito."
Napanguso ako ng labi. Tingin niya sa akin ay walang gagawing tama kaya kung saan ako pumunta ay sumusunod siya. Masyado ko yata minaliit ang pagtratrabaho. Akala ko kapag nakakuha ako ng ganitong oportunidad ay madali ako kikita ng pera. Iba talaga ang expectation from reality. Sa realidad ay mahirap kumita ng pera.
"Opo..." Walang ganang sabi ko kay Carl at pumunta sa tabi ni Vierra na nag-aantay ng panibagong customer.
Humugot ako ng malalim na hininga. Ipapakita ko kay Carl na kaya kong magtranaho. Hindi ako prinsesa tulad ng iniisip niya.
Bumukas ang pinto ng restaurant at pumasok ang isang grupo ng kalalakihan at umupo sila sa table na nasa pinakagitna ng restaurant.
Ngumiti ako sa kanila at lumapit. Tumingin sa akin sina Drew at Vierra na tila binibigyan ako ng suporta.
Kaya mo iyan, Paris! Ipakita mo kay Carl na hindi mo kailangan ng tulong niya.
"Good day, Sir! Can I get your order?" Sabi ko at binigay ng aking killer smile na halos kinababaliwan ng mga kalalakihan sa school.
Lahat sila ay lumingon sa akin hanggang sa sabay sabay silang napangisi. Ngising tila walang magandang gagawin. Napalunok ako at pinilit pa rin na ngumiti sa kanila.
"Kung ganito kagaganda ang mga waitress, lagi na ako rito!" Sabi ng isa sa kanila.
Tinignan ako nila mula ulo hanggang paa. Napakagat labi pa sila nang tumigil ang tingin nila sa bandang dibdib ko.
Humugot muli ako ng malalim na hininga. "Sir, can I get your order now sir?" Magalang na sabi ko kahit kanina ko pa sila gustong irapan.
Nagkatinginan sila saka humalakhak. "Miss, I will order you for a wild night, can I? Magkano ba?" Nakangisi sabi ng isa at kinindatan ako na ikinakilabot ng buong katawan ko.
"Masyado naman kayo mapagbiro, Sir." Sabi ko at alanganing ngumiti sa kanila.
Bigla ako hinigit ng isa at pilit inuupo sa hita niya. Nanlaki ang mga mata ko at pilit na kumawala sa pagkahawak niya. Kita ko na palapit na iba kong katrabaho para awatin ang mga customer.
Hanggang naramdaman ko na may humigit sa akin palayo sa kanila. Itinago ako ng taong nagligtas sa akin sa kanyang likuran. Pag-angat ng tingin ko ay nakita ako ang nagbabangis na tingin ni Carl sa mga customer.
"Sir, excuse me but this is a restaurant not a club." Sabi ni Carl sa kanila na puno ng pagbabanta.
Tumawa lamang sila sa sinabi ni Carl. "Ito? Savior mo? Isang nerd!" Sabi ng humigit sa akin. "Hahahaha!" tawa nila.
Napakuyom ako ng kamay sa ginagawa nilang paghahamak kay Carl. Maybe he is a nerd pero hindi siya katulad nila. Matulungin siya at masipag. Hindi katulad nila na tao nga mga asal hayop naman.
Nagulat ako ng pilit akong higitin ng isa sa kanila palayo kay Carl. "Let me go, Sir!" Nakangiwing sambit ko dahil nasasaktan ako sa pagkahawak ng lalaki.
Napatakip ako ng bibig ng suntukin si Carl ang lalaking iyon kaya nabitawan ako. Ngunit nakabawi agad ang lalaki at nakaganti ng suntok kay Carl.
"Oh my God! Carl!" Tili ko ay dinaluhan si Carl na sapo ang kanyang dumudugong panga.
"Iyan ang napapala ng mga pakilamero!" Mayabang na sabi ng lalaki sumuntok kay Carl.
Hanggang pilit na ako hinihila ng mga lalaking bastos palayo kay Carl. "Let's go, Miss." Pagyaya pa nila sa akin. "Siguradong masasarapan ka sa amin."
"Mga bastos!" Galit kong sabi at pinaghahampas ang kamay na pinaghahawak nila sa akin. "Don't touch me by your filthy hands! Let me go!"
Bago ako tuluyang matangay ay agad na tumayo si Carl at dinamba ang mga lalaki at tinulak sila palayo sa akin. Ngunit sa dami nila ay walang kalaban laban nila pinagtulungan si Carl.
"Oh God, Carl!" Tili ko at tinutulak ang mga lalaking bumubugbog kay Carl. "Stop it. Don't hurt him!"
"Prrrrrrtttt!"
Natigilan ang mga lalaking bumubugbog kay Carl nang may mga pulis na nagsipasukan sa restaurant. Wala silang nagawa ng pinagdadampot sila nito at isinakay sa police car. Nakita ko ang may-ari na may kausap na isang pulis.
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang g**o. Nanghihina man at dinaluhan ko si Carl na nakalugmok pa rin sa sahig na puno ng pasa at sugat.
"C-C-Carl..." Kinakabahang tawag ko sa kanya at tinapik siya sa kanyang pisngi.
"Aw..." Nasasaktang bulalas niya saka napamulat ng mga mata.
Sinubukan niyang tumayo kaya inalalayan ko siya. Dahil medyo malaking tao si Carl ay hindi ko siya kakayanin mag-isa. Mabuti na lamang ay tumulong si Drew na alalayan siya papunta sa lockers area.
"Dude, astig natin." Komento ni Drew kay Carl nang maiupo ito. "Hindi ko talaga akalain na papagitna ka roon."
Tinignan ko ng masama si Drew. Hindi man lang niya tinulungan si Carl ng pinagtutulungan na siya o ako na pilit na sinasama ng mga lalaki. Napaka-walang kwentang tao. Pinanuod lamang kami sa tabi. Anong akala niya may shooting?
"Sorry na okay? Baka masira ang kagwapuhan ko kapag nasuntok nila ako!" Depensa ni Drew. "Tumawag naman ako ng police eh."
Dahil sa yamot ko kay Drew ay pinaalis ko rin siya. Baka mamaya masuntok ko siya at mawala pa ang pinagmamalaki niyang kagwapuhan.
Napabuntong hininga ako habang pinapahiran ng gamot ang mga pasa at sugat ni Carl. Sa pangalawang pagkakataon ay nasaktan muli si Carl dahil sa akin. Mukhang wala talaga akong magandang maidudulot sa kanya. Unti unti ko sinisira ang tahimik niyang buhay.
Nakaramdam ako ng pitik sa noo ko. Tinignan ko ng masama ang gumawa noon.
"Kahit hindi mo sabihin ay nababasa ko iyang naiisip mo." Seryosong sabi niya. "Bakit ba lagi na lang ako napapahamak dahil sa iyo? Iyan ang nasa utak mo ngayon."
Napayuko ako ng ulo. "Sorry talaga, Carl!" Paumanhin ko. "Hindi naman mangyayari sa iyo ang mga ganito kung hindi dahil sa akin. Hindi ko alam kung paano magso-sorry sa iyo. Hiyang hiya ako kaya hindi ko magawang pumasok ng school tapos sa hindi ko inaasahan ay makikita kita rito. Kaysa pabayaan mo ko at tinulungan mo pa ako. Tignan mo tuloy nangyari sa iyo."
Napabuntong hininga siya at pinat ako sa aking ulo. "Wala ka naman talaga dapat ihingi ng tawad." Seryosong sabi niya. "Alam ko na wala kang kasalanan. Alam ko nandoon ka ng araw na iyon. Sinabi sa akin ng iyong kaibigan. Gusto mo kong tulungan pero mas inisip mo ang makakabuting gawin. Natanggap ko naman ang iyong mensahe ng araw na iyon. Sapat na iyon."
Kasabay nito ang muling malakas na pagtibok ng aking puso. Mukhang kaysa kalimutan si Carl ay lalo pang nahuhulog ang loob ko sa kanya.