[Paris'pov]
Nagising ako sa sobrang pagkasilaw sa liwanag ng araw. Tinatamad pa man ay napilitan ako bumangon dahil na rin nakakaramdam na ako ng gutom.
Anong oras na ba?
Pipikit pikit pa ko tumingin sa side table ko para tignan ang oras.
Teka nasaan ang alarm clock ko?
Inilibot ko ang tingin sa paligid sa buong kwarto at nakita ko iyon na nasa may pader at pira-piraso na. Mukhang naihagis ko na naman kanina sa pagkarindi nang natutulog ako.
Ilang alarm clock na ba ang nasira ko?
Napakamot ako sa aking batok. Mukhang kailangan ko na naman bumili ng alarm clock.
Teka anong oras na ba talaga dahil masyado ng mainit ang sikat ng araw.
Kinuha ko ang aking phone para doon na lang tignan ang oras. Nanlaki ang mga mata ko ng malaman ang oras na.
Patay!
Napatapal ako ng kamay sa aking noo. Tanghali na pala at tapos na ang mga klase ko ngayong araw. Kaya pala masakit na sa balat ang silaw ng araw dahil kasikatan na nito.
Napailing na lang ako ng ulo at napansin ko na tadtad ang phone ko ng missed calls galing sa aking mga kaibigan. Pero may isang tanging text at galing iyon sa isang unknown number.
Tsk!
Naubusan na siguro ng pantawag mga ito kaya tinext na lang ako.
Naghihirap na ba ang mga kaibigan ko?
Natatawa ako na binuksan ang message. Inaasahan ko na si Cindy ito at hinahanap nila ako ngayon sa school. Hindi kasi mabubuo ang araw nila na hindi nakikita ang kagandahan ko.
Ngunit muntikan ko na manitawan ang phone ko nang mapag-alaman na kung kanino nanggaling ang text.
'It's me, Carl. I want to inform you that I cannot go to our planned meeting today. Don't worry I already done our set exercises and submitted it to Professor Aye.'
Nanlumo ako sa nalaman. Medyo inaabangan ko pa naman ang pagkikita namin ngayong araw. Umaasa ako na dahil rito ay magiging malapit kami sa isa't isa. Binato ko ang phone ko kung saan man. Nawalan ako ng gana na bumangon pa sa aking kama.
Hay... Carl, kailan mo ba ako mapapansin?
*ding dong*
Napakunot ako ng noo. Ngayon hindi na makakapunta si Carl ay wala na akong inaasahan na bisita ngayong araw.
Sino naman kaya ito?
One of my die hard fans?
Or maybe si Carl?
Bigla ako napabangon ng higa sa kama at nagtungo sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko na makita ang tatlo kong kaibigan na hindi maipinta ang mga mukha. Napakunot ang noo ko ng kumpleto sila na nasa harapan ng aking condo.
"Parissssssss!!!!" Galit na sigaw ni Kylie nang makita ako.
"Kylie, ano ba? Ang sakit sa tenga ng sigaw mo. Nasa harapan mo na kaya ako!" Reklamo ko sa biglang pagsigaw ni Kylie.
"Iiihhhh hindi mo kasi sinasagot ang tawag namin!!!!" Nakapout na sabi ni Kylie at napapadyak pa ng paa.
Tinuro ko ang suot ko pajama. Napakunot ang noo nila napatingin naman roon.
"Oh? Wala ka ng pambili ng damit?" Sabi ni Hannah at tinaasan ako ng kilay.
Napairap ako ng mga mata. Alam nila imposible iyon. "Duh! Sinasabi ko lang na kakagising ko lang." Sabi ko. "Ano ba meron ay magkakasama pa kayo sumugod rito sa condo ko?"
Nagpalitan sila ng tingin saka nagbuntong hininga. "Ang tindi mo rin, Paris. Sleeping beauty ka rito at walang kaalam alam sa nangyayari." Hindi makapaniwalang sabi ni Hannah sa akin.
"Tss. Ano nga?"
Tinulak nila ako paalis ng pinto at nagkusa sila pumasok sa loob ng aking pamamahay. Humugot na lang ako ng malalim na hininga at sinundan sila sa loob.
Nagbukas ng TV si Kylie habang si Hannah naman ay nagbulalat ng mga magazine. Pagdating naman kay Cindy ay nagpatuloy lang siya sa binabasang libro.
"Bakit ba kayo nandito?" Nagtataka kong sabi. "Alam ko na hindi kayo ang tipong bigla na lang pupunta sa bahay ko. Mas gugustuhin niyo pang magpalipas ng oras sa mall kaysa rito."
"Dinadamayan ka namin dahil hindi ka kasi pumasok." Nakairap na sabi ni Hannah
Napataas ang aking kilay sa isinagot ni Hannah. Hindi na bago sa akin ang hindi nakapasok dahil sa oversleeping. Palagay ko ay may tinatago sila sa akin ngayon.
"Tss." Bulalas ko
Inirapan ko na lamang sila bago iniwan upang makapaligo muna. Kung ano man kasi ang nililihim nila ay malalaman ko rin naman.
Pagkapaligo ko ay binalikan ko na sila ngunit bumungad sa akin ang seryosong pag-uusap nila. Mukhang hindi pa nila nahahalata na nakabalik na ko.
"Oy, hindi ba talaga na natin ipapaalam sa kanya ang tungkol kay nerd?" Pabulong na tanong ni Kylie sa dalawa.
"Hindi na niya kailangan malaman. Wala naman siya sa school eh." Sabi ni Hannah. "Saka mas mabuti na wala siyang alam sa nangyari kay nerd."
"P-P-Pero... kawawa naman iyong tao!" Depensa ni Kylie.
"Nagawa na nina Jasper kaya hindi mo na mababago iyon." sabi ni Hannah. "It is better maconvince natin si Paris na layuan si nerd."
Napakunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila.
Ano bang nangyari habang wala ako?
Jasper...
Carl...
H-Hindi kaya...
H-H-Huwag naman sana...
Napasinghap ako at lihim na lumabas ng condo ko na hindi nila napapansin. Agad ako nag-drive patungo ng school.
Nadatnan ko ang school na halos lahat ng sulok ay akala mo may kung anong giyera ang nangyari. Napakadumi at puno ito ng kalat.
Hanggang sa narinig ko na kaguluhan sa gitna ng open field ng school. Marami ang nandoon at nakikinuod lamang sa nangyayari.
Bumilis ang t***k ng puso ko habang papalapit doon. Rinig ko ang malalakas na tawa at pagkutya ng mga kalalakihan sa gitna ng kaguluhan.
"Iyan ang bagay sa iyo!"
"Kawawa ka naman, Nerd!"
"Iiyak ka na, Nerd?"
"Loko! titili iyan sa takot. Hahaha!"
"Ayoko makita ang mukha mo rito muli ha!"
"Akala mo siguro sinuswerte ka porket kinausap ka ni Paris."
Nanlaki ang mga mata ko ng makita na nakatali sa isang kawayan si Carl at pinalilibutan siya ni Jasper at mga barkada niya. Napatakip ako ng bibig sa nasaksihan ko. Pinagtutulungan nilang batuhin ng itlog at basura si Carl. Si Carl naman ay walang emosyong nakatingin sa kanila.
Nanginginig ang kamay ko sa sobrang galit sa ginagawa nila kay Carl. Lalapitan ko na sana sila ng may humigit sa akin palayo sa kaguluhan.
"C-C-Cindy!" Gulat kong sabi nang makilala ang taong humihila sa akin.
Umiiling si Cindy at tila gusto niyang sabihin na huwag na ako magpakita roon.
"K-K-Kailangan ko siyang tulungan, Cindy." Naiiyak kong sabi. "Ako ang may gawa nito sa kanya."
Umiling muli siya at mas humigpit ang hawak niya sa akin.
"Ano ba, Cindy!" Pagpupumiglas ko. "Bitawan mo ko!"
"Paris, makinig ka sa akin." Seryosong sabi ni Cindy. "Mas nakakabuti sa kanya na hayaan mo siya."
Iniling ko ang aking ulo. "Lalong lamang siya mapapahamak kapag tinulungan mo siya." Sabi muli ni Cindy. "Kapag inisip nina Jasper na wala lang siya sa iyo ay saka lamang nila siya titigilan. Mas maganda na layuan mo na siya at kalimutan. Dahil hindi siya nababagay sa iyo, Paris. Don't forget you are a Fujiwara."
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng si Cindy na mismo ang nagsabi na hindi kami nababagay ni Carl. Minsan lamang siya magsalita at gagawin lamang niya iyon kung may gusto siyang baguhin o ipaliwanag sa akin.
Hindi kami nababagay ni Carl.
Napayuko ako ng ulo ng marealize ang ginagawa kong kahibangan. Hindi pa nga nagsisimula ang love story namin ni Carl ay kailangan na agad ko ng tapusin.
Tama si Cindy.
Patawarin sana ako ni Carl kung nilagay ko siya sa ganitong sitwasyon.
***
Nasa malayo ako habang pinapanuod ang ginagawa nina Jasper kay Carl. Nasa tabi ko lamang si Cindy at mahigpit na nakahawak sa aking kamay. Ayaw niya itong bitawan kung sakali man na gustuhin ko na puntahan si Carl.
Nakita pala niya ako kanina palabas ng condo kaya sinundan niya ako. Alam niya na narinig ko ang usapan nina Kylie at Hannah kaya naisip niya rin na dito ako sa school magtutungo. Malaki ang pasasalamat ko kay Cindy dahil sinamahan niya ako rito. Baka may nagawa na naman ako na lalong ikakapahamak ni Carl. Minsan kasi ay hindi ako nag-iisip at nagiging padalos dalos. Tulad na lang sa nangyari kay Carl ngayon, hindi ko inisip ang pwedeng mangyari sa kanya.
Halos maggabi na rin ng tigilan nina Jasper si Carl. Nakahinga ako ng maluwag ng iwanan nila ito habang nakatali pa rin sa kawayan.
Nang makita ko na nakaalis na sina Jasper ay aaminin ko na gusto kong lapitan si Carl para kalagan sa pagkakatali. Hindi ko naman pwede hayaan siya sa ganoong estado baka walang tumulong sa kanya at abutin pa muli nina Jasper rito.
"Ako na ang lalapit sa kanya. Please huwag ka magpapakita, Paris." Seryosong sabi ni Cindy sa akin bago lumapit kay Carl.
Inalis ni Cindy ang tali habang nakayuko lamang ng ulo si Carl. Hindi siya gumagalaw kaya kinakabahan ako sa nangyari sa kanya. Alam ko may sinasabi sa kanya si Cindy ngunit dahil sa layo ay hindi ko iyon maitindihan.
Nang makita ko na natanggal na ni Cindy ang tali sa kanya ay nagsimula na ako maglakad pabalik ng aking kotse. Inuntog ko pa ang ulo ko sa manibela. Sobrang nagsisisi ako sa nangyari kay Carl. Hindi sa lahat ng oras nakakabuti ang pagiging maganda ko.
Humugot ako ng malalim na hininga bago nagmaneho pabalik ng condo ko. Naabutan ko pa sina Kylie roon na tila mga natataranta sa biglaan pagkawala namin ni Cindy.
"Bakit bigla kayo umalis ni Cindy?" Nag-aalalang bungad ni Kylie sa akin. "P-P-Pumunta ba kayo ng school?" Kinakabahang dagdag niya.
Hindi ko sila sinagot at nagtungo sa kwarto ko saka nagkulong doon. Naririnig ko ang pagkatok nina Hannah at Kylie pero hindi ko pinansin iyon. Wala ako sa mood na makipagtarayan sa kanila ngayon.
Napahawak ako sa bandang puso ko at tila may libung libong karayom na tumutusok roon. Napakagat ng aking pakiramdam. Hindi naman naging kami ni Carl pero parang alam ko ang pakiramdam ng isang heartbroken.
Ano mang gawin ko ay hindi magiging pwede kami.
Magkaiba kami.
Mas mabuti na rin siguro na maaga pa lang ay maaga ako nagising sa katotohanan.
Narinig kong tumunog ang phone ko at tumatawag si Cindy.
Agad ko sinagot ito. "K-K-Kamusta siya?" Bungad na tanong ko sa kanya.
"Dinala ko siya sa ospital para masiguradong okay lang siya. Sabi naman ni Tito ay wala namang problema sa kanya." Seryosong sabi ni Cindy sa kabilang linya.
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. "Mabuti naman. Salamat Cindy." Mahinang sabi ko saka pinutol ang aming tawag.
Hindi ko napigilang maluha habang nakatitig sa phone ko. Hinanap ko ang mensahe kanina ni Carl at nagsimulang magtipa ng mga letrang 'I'm so sorry, Carl' at sinend ito sa number niya.