Chapter 8

1310 Words
[Paris's pov] Nang magising ako ay nakaalis na si dad pero may iniwan siyang aking agahan at sulat sa akin. Gusto man niya magtagal kasama ko ay kailangan na niya bumalik. Nalaman na ni mom ang kanyang pagpunta sa akin kaya agaran na siyang pinababalik ng kanyang opisina. Napatingin ako sa pagkain na niluto pa ni papa. Lagi naman ako walang kasabay kumain pero ngayon ko ramdam na ramdam ang kalungkutan na kumain mag-isa. Mayroon kayang darating na hero na magsasalba sa akin sa kalungkutang ito? Buti na lamang pala ay binayayaan ako ng walang katumbas na kagandahan. Paano na lang ang buhay ko kung pati iyon ipinagkait sa akin? *ding dong* Napakunot ang noo ko ng tumunog ang doorbell. Bumalik kaya si dad? Nagmamadali kong binuksan ang pinto at laking gulat ko na makita si Carl sa tapat nito na may dalang mga pulang rosas. Nagpalipat lipat ako ng tingin kay Carl at sa mga rosas. "C-C-Carl?" Gulat na gulat kong sabi Kita ko rin ang pagkagulat sa mukha niya na makita ako ang nagbukas ng pintuan. Napadako muli ang tingin ko sa dala niyang mga rosas. Manliligaw na ba siya sa akin? Naramdaman ko na nanginit ang mukha ko sa naisip. Huwag kang assuming, Paris! Tignan mo na kahit siya at tila nagulat na makita ka. Pansin ko  na tila hindi rin siya mapakali sa kinatatayuan niya. Lihim ako napangiti dahil ito ang unang beses na makita siya na maging ganito sa akin. Bumuntong hininga siya saka inangat ang kanyang kamay na may dalang rosas. "D-D-Delivery..." Utal niyang sabi at halata na namumula rin ang kanyang mukha. "P-P-Pakipirmahan lang ito..." Napawi ang ngiti ko na marinig na delivery lang sa akin ang mga rosas. Hay sinabi ng huwag umasa di ba, Paris? Hindi ko malaman kung kukunin ko ang mga rosas. Ngunit halata kay Carl na tila naiinip na siya at nabibigatan sa dala kaya kinuha ko na rin iyon at pumirma sa papel na hawak niya. Tinignan ko ang card na kalakip ng mga rosas para alamin kung sino ang nagpadala ng mga ito. 'Good morning sweetie!---Dad' Napangiti ako sa nabasa ko. Si dad talaga may ganito pang parosas-rosas na nalalaman. Bigla tuloy napawi nito ang kaunting tampo ko sa biglang pag-alis niya at pagkapahiya na hindi si Carl ang may bigay nito. Isasara ko sana ang pinto ng makita si Carl na maglalakad na palayo. "Teka saglit Carl!" Pagpigil ko sa kanya Nakakunot naman ang noo niyang lumingon sa akin. "Bakit?" Pasupladong tanong niya kaya napataas ako ng kilay sa tono niya. Dahil sa kakaiba niyang asta ay tila nag-alangan ako sa sabihin sa kanya ang nais ko. Sasabihin ko ba o huwag na lang? "Wala ka naman yata sasabihin." Nakasimangot na sabi niya saka tumalikod na muli. Nataranta tuloy ako na baka tuluyan na siyang umalis. "Uy teka lang! nag-almusal ka na? Pwede mo ba ako sabayan?" Pasigaw kong sabi at tila gusto ko lumubog na maitanong ko iyon sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko at tila napaisip. "May trabaho pa ko." Sagot niya sa akin Nalungkot ako sa naging sagot niya. "Ganoon ba?" Malungkot kong sabi. "Sige. Ingat ka na lang." Dagdag ko saka napabuntong hininga. Tumalikod na ako at isasara na sana ang pintuan nang humarap muli si Carl. "Pero kawawa ka naman kung hindi kita pagbibigyan." Sabi niya "Baka mamaya iyakan mo pa." Hindi ko maitindihan kung matutuwa ako na sasabay siya o maiinis sa sinabi niya. May pagkayabang rin minsan itong si Carl kahit isa siyang nerd. Binuksan ko ang pinto para sa kanya para papasukin siya. Nilibot naman niya agad ang kanyang tingin sa kabuuan ng aking condo. "Mag-isa ka lang ba rito?" Kunot noong tanong niya. "Wala kang kasama?" Napanguso ako. "Geez! May mga multo akong kasama rito." Irap na sabi ko. "Itatanong pa obvious naman wala." Pabulong na dagdag ko. Kita ko na medyo napangiti si Carl sa sinabi ko. "Oo nga 'no?" Sang-ayon ni Carl at tumingin sa paligid. "Madami ka pa lang kaibigan na multo." Namutla ang mukha ko sa sinabi niya. Natatakot na napatingin ako sa buong condo ko. Nakakakita ba siya ng mga multo? "H-Hindi nga?" Natatakot kong sabi at napadikit sa kanyang likuran. "M-M-May nakikita ka talaga?" "Binibiro lang kita." Nakangising sabi niya Sa inis ko ay nahampas ko siya sa kanyang braso bago lumayo sa kanyang likuran. Biruin na niya akong panget huwag lang magbiro ng ganoon. Takot ako sa multo kahit hindi naman ako nakakakita pa. Paano  ba naman kasi kapag malapit na ang halloween nauuso ang mga horror stories. Nagtungo na kami sa aking hapag-kainan at nandoon pa ang nilutong pagkain ni dad na hindi ko pa nagagalaw. Kumuha ako ng pinggan para sa kanya at nilagay ito sa katapat kong upuan. "Maupo ka na." Masayang sabi ko sa kanya Nag-aalinlangan man ay umupo na rin siya. "lagi ka ba walang kasabay?" tanong niya Napabugtong hininga ako "yep" sabi ko at pilit tinatago na ang lungkot sa aking boses.  Kita ko na nakatingin siya sa akin at may malalim na iniisip.  "sanay na ako" sabi ko Tumango tango siya kahit alam ko na hindi siya naniniwala. *** Pagkakain ay nagvolunteer si Carl na siya na ang maghuhugas. Hiyang hiya nga ako sa kanya. Nakita niya kasi ang tambak na pinggan sa lababo. Tuwing Linggo lang kasi dumadating ang tagalinis ng condo ko. "di ba nasa Amerika ang magulang mo? bakit hindi ka sumama sa kanila?" tanong ni Carl Kung alam lang niya na kaya pumunta si mama sa Amerika dahil ayaw niya sa akin.  "mas gusto ko kasi rito sa Pilipinas" pagsisinungaling ko "ahh.." "ikaw? ilang trabaho ba ang mayroon ka?" tanong ko Napabugtong hininga siya "hmmm...limang part-time saka yung sa restaurant" sagot ni Carl "Grabe! ang dami naman!" sabi ko Iyong sa restaurant nga lang ay hirap na hirap na ako. Yung dagdagan pa ng lima.  "bakit naman ang dami?" tanong ko "ako kasi na inaasahan ang pamilya ko simula ng pumayapa si itay. Si inay naman ay medyo mahina na ang katawan" kwento ni Carl Hanga ako sa ginagawa niyang sakripisyo.  *** [Cindy's pov] "ano kaya ang tinatago sa atin ni Paris" inis na sabi ni Hannah "talaga naman malihim iyong si Paris" nakapout na sabi ni Kylie Napatingin ako sa labas ng bintana ng aking kwarto. Makulimlim. Naalala ko tuloy ang araw na makakilala ko si Paris. Ganitong panahon rin iyon. ----FLASHBACK--- Ayaw akong lapitan ng mga kapwa kong bata dahil sa weird  at boring akong kausap. Kaya mas tinuon ko na lamang ang sarilli ko sa pagbabasa. "may bago nga pala kayong kaklase" sabi ng aming teacher Pumasok ang isang mukhang manikang bata. Marami ang natuwa at gusto siyang kaibiganin. Nainggit ako dahil willing sila na kausapin siya kahit may pagkasalbahe siya. "ayoko! ayoko sa inyo!" inis na sabi ng bata  Mas gusto ng batang iyon na mapag-isa kaysa kausapin ang iba. Kung ako gusto ko magkaroon ng mga kaibigan, siya naman ay ayaw niya. Isang araw ay makulimlim kaya maaga kami pinauwi ng mga teacher para hindi abutan ng malakas na ulan. Halos nakaalis na ang lahat pero nakita ko ang bata sa tabi. Ewan ko kung bakit ako lumapit sa kanya. "wala pa ba ang sundo mo?" tanong ko "wala pa rin  yung sa akin" Tinignan niya lang ako. Napabugtong hininga ako. Mukhang ayaw niya rin ako kausapin. *sigh* "wala akong sundo" malungkot na sabi niya Nagulat ako nang kausapin niya ako. "gusto mo sabay ka na lang sa akin" alok ko Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya saka umiling. Tumayo na siya at lumabas kasabay ng malakas na ulan. "hoy mababasa ka!" pigil ko sa kanya pero tila wala siyang naririnig Tumakbo ako palapit sa kanya. Nagulat ako ng makita na umiiyak siya. Alam ko iyon kahit naulan. "nababasa ka na rin" puna niya sa akin "Ako nga pala si Cindy" pakilala ko sa sarili ko Nakatitig siya sa aking kamay saka ngumiti at inabot ang aking kamay. Simula noon ay kinakausap ako ni Paris. Iyon na rin siguro ang naging dahilan kung bakit mahalaga sa akin ang aking kaibigan na si Paris. Siya ang unang tumanggap upang maging kaibigan ko. Makalipas ng dalawang taon ay nakakilala namin sina Hannah at Kylie.  -------END OF FLASHBACK------- Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang dahilan ng pag-iyak ni Paris ng araw na iyon. Hindi naman kasi siya tipo ng taong nagsasabi ng problema niya. Kaya kung nag-aalala sina Hannah ay mas nag-aalala ako sa kanya. Sana dumating ang panahon na matulungan ko siya sa kung ano man ang problema niya. Dahil ano man ang mangyari ay kaibigan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD