Chapter 9

1118 Words
[Paris' pov] Nakatitig ako sa envelop na inaabot ni boss sa akin. Tila lahat ng pagod ko sa nakaraang buwan ay napawi na maramdaman sa palad ko ang naging bunga ng aking paghihirap. "Okay ka lang, Mellisa?" Kumaway si Vierra ng kamay sa tapat ng aking mukha "Uy! Galaw galaw baka maistroke!" Sabi naman ni Drew at niyugyog ang isa kong balikat. "Geez! Hindi niya siguro kasi akalaing may matatanggap siyang sweldo sa dami ng kanyang nabasag dito sa restaurant." Masungit na naman  na sabi ni Carl. Ang sayang nararamdaman ko kanina ay biglang napalitan ng inis sa sinabi ni Carl. Talagang pinaalala niya pa ang mga basong nabasag ko rito? Akala ko pa naman ay bumait na si Carl ngunit ito na naman siya na nagsusungit sa akin. "Hahaha!" Tawa nina Vierra. "Baka wala ngang natira kung naicharge lahat iyon kay Mellisa." "Hindi naman siguro!" Nakapout kong sabi. "Ilang beses lang naman nangyari iyon." Pagkatapos maibigay ni manager ang aming sweldo ay nagsiayusan na rin kami ng gamit. Nakaalis na sina Vierra at Drew samantalang may pinuntahan sa staff area si Carl. Kita ko ang matalim na tingin ng ibang waitress sa akin. May ginawa ba ako sa kanila na pwede nila ikagalit? Lumapit ang isa sa akin tapos ay biglang hinablot ang envelop ng una kong sweldo. Binilang nila ang laman na akala mo ninakaw ko iyon sa kanila. "Hoy akin yan!" Sigaw ko at pilit na inagaw ang aking sweldo. Tinignan nila muli ako ng masama. "Bakit mas malaki ang sweldo mo sa amin? E mas una naman kami sa iyo at hindi kami nakakabasag!" Inis nilang sabi "Yeah!" Sang-ayon ng ibang waitress sa kanya Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. "You seduce our boss kaya siguro mas madami ang bonus na binigay ni sa iyo kaysa sa amin." Bintang nila. "Sabagay ganyan ang ginagawa ng mga mahihirap na binayayaan ng ganda. Ilang lalaki na kaya ang naikama mo?" "What?" Gulat kong sabi sa pinagsasabi nila. "Hindi ako gagawa ng ganoong bagay! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kaysa gawin ang sinasabi niyo." Humalikipkip sila at pumalibot sa akin. "Sa amin na ito." sabi nila at pilit na kinuha ang sweldong aking pinaghirapan. Pilit ko inagaw ang aking sweldo sa kamay nila pero hinawakan ako ng iba kaya sa huli ay nakuha nila muli iyon. Nagsimula sila maghatian na akala mo wala ako sa harapan nila. "Give my money back!" Galit na sigaw ko sa ginagawa nila. Nagulat kami ng may kumuha sa kamay nila ng sweldo ko. "Hindi niyo ba alam na pagnanakaw ang ginagawa niyo?" Malamig na sabi ni Carl sa mga waitress. "Sa amin dapat ang sweldong iyan!" Gigil na sabi nila. Umiling si Carl at binalik sa akin ang pera. "Alam niyo kung bakit binigyan ng malaking sweldo ni boss si Paris?" Seryosong sabi ni Carl saka tumingin sa akin. "Dumami ang ating customer simula ng magtrabaho siya rito kahit sabihin nating marami siyang nababasag pero para kay manager isa siyang asset kaya lumakas ang kita natin." Natigilan sila sa narinig. "Siguro naman titigilan niyo na siya dahil kapag nakarating kay boss ang ginawa niyo. Siguradong mawawalan kayo ng trabaho." Pananakot ni Carl sa kanila. Kita ko na namutla ang kanilang mga mukha sa sinabi ni Carl. Binigyan muna nila ako ng masasamang tingin saka kami iniwan ni Carl. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos. Inipit ko na sa aking gamit ang aking unang sweldo. Baka mamaya bumalik pa sila at piliting kuhanin muli ito. "Salamat sa pagtulong." Pasasalamat ko kay Carl. Tinignan niya ako ng masama "Napakahabulin mo sa gulo." Sabi niya habang napapailing ng kanyang ulo habang may binubulong bulong sa kanyang sarili. Napangiti ako sa ginagawa niyam "Masaya pala makatanggap ng pera na pinaghirapan mo." Bigla kong sabi. Natigilan si Carl at seryosong tumingin sa akin. "Ngayon alam mo na kung anong pakiramdam naming mahihirap para makapera..." Sabi ni Carl. "... siguro titigil ka na sa pagpapanggap mo." Umiling ako at ngumiti ng pilit sa kanya. "Alam ko na iba ang iniisip mo sa ginagawa ko pero may dahilan ang ginagawa ko, Carl." Malungkot kong sabi. "Tulad mo ay may rason ako kaya ako nagpapakahirap na magtrabaho." Pagkauwi ko sa bahay ay agad ko tinago ang envelop ng aking sweldo sa isang bag na aking tinatago. Alam ko na darating ang araw na kakailanganin ko ang mga ito. Hinanda ko rin ang papeles ko sa aking tunay na pangalan. Nasaan kaya ang totoo kong magulang? Iniwan lamang kasi nila ako sa bahay ampunan ng baby pa ako doon ako nakita no dad at inampon. Hindi ko mabasa sa birth certificate ang pangalan ng totoo kong magulang tila ba na sinadya iyon na itago. Kaya gusto ko man silang hanapin ay mukhang malabo pa sa ngayon. May dahilan ang lahat ng bagay Paris kaya huwag mawawalan ng pag-asa. Tama! Tama! Humiga agad ako sa kama pagkaayos ko ng aking emergency bag. Ayoko sana dumating ang araw na iyon pero this is life and nothing is permanent. Siguro dapat maging masaya ako dahil naranasan ko ang ganitong buhay. Iyon nga lang hindi pang habang buhay. *** [Carl's pov] Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Paris. Ramdam ko ang bigat kung ano man ang dahilan niya. Napahilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. Bakit ko ba kasi pinoproblema iyon? Tulad nga ng sabi niya lahat naman ay may kanya kanyang rason. "May problema ka Kuya?" Inosenteng tanong ni Mimay habang nagtatakang nakatingin sa akin. Umiling lang ako saka ngumiti sa kanya habang hinahaplos ang kanyang ulunan. Napadako naman ang tingin ko kay Popoy na mahimbing na natutulog sa isang hapag. Sila ang dahilan kung bakit halos kubain ko ang sarili ko sa pagtratrabaho. Worth it naman kung may ganito kang ka-cute na mga kapatid. "Anak, kape ka muna bago umalis." Malambing na sabi ni inay saka nilapag ang tasa ng isang bagong timpla na kape. "Salamat po inay." Pasasalamat ko saka naramdaman ang kamay niya at hinaplos rin ang aking buhok. "Hindi ba masyado mo pinapagod ang sarili mo, anak?" Nag-aalalang sabi ni inay. "Kaya ko naman maglako ng kaunting gulay sa mga bahay bahay pa." "Okay po ako inay." Nakangiti kong sabi. "Saka huwag niyo na pong pagurin pa ang sarili niyo sa paglalako. Dumito na lang po kayo sa bahay at alagaan sina Mimay at Popoy." "Hindi ko maiwasang mag-aalala sa iyo. Halos hindi ka na natutulog para lang sa pagtratrabaho." Sabi muli ni Inay. "Nawawalan ka na ng sariling buhay. May kaibigan ka ba o babae man lang na nagugustuhan?" Napakamot ako ng batok sa takbo ng aming usapan. "Inay naman, alam niyo wala akong oras sa ganyan. Kayo ang pinaka-mahalaga sa akin." Sabi ko. Napabuntong hininga na lang si inay at niyakap ako ng saglit. "Napakabuti mo talaga sa amin." Naiiyak niyang sabi. Niyakap ko rin pabalik si Inay. "Matulog na po kayo ni Mimay. Aalis na po ako pagkaubos ko nitong pong kape." Sabi ko. Tumango naman si Inay at inaya na matulog ang kapatid kong si Mimay. Napatingin ako sa kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin at buwan. Habang abala ako na pinagmamasdan iton ay bigla lumitaw ang nakangiting mukha ni Paris sa akin kasabay ang paglakas ng t***k ng puso ko. Napailing ako ng ulo at binatukan ang sarili. Bakit ba biglang lumilitaw ang mukha niya? Aishhh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD