CHAPTER 4

1699 Words
“Mama, papasok na po ako,” sabay halik ko sa pisngi niya. “Dinala mo na ba ang baon mo?” tanong ni Mama. Tumango ako. “Opo, salamat.” “Mag-ingat ka.” Agad akong umalis at sumakay ng jeep. Pagkasakay ko ng jeep, nakaramdam ako ng lungkot. Isang linggo na kasi akong hindi pumapasok sa school. Madalas tumambay lang ako sa simbahan at diretso sa Mall, tapos uuwi ako tuwing oras ng uwian sa school. Simula kasi ng ma-bully ako, hindi na ako pumasok sa school. Isang linggo akong nagsisinungaling kay Mama. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya, kaya lang natatakot ako. Habang naglalakad ako papuntang simbahan, may nakita akong matandang lalaki na nagtitinda ng ice drop. Hirap na hirap na siyang maglakad, pero kinakaya niya, bitbit ang isang malaking lagayan ng ice drop. Lumapit ako upang bumili. “Pabili po ng isang ice drop,” sabay abot ko ng isang daang piso. “Ineng, wala akong barya. Ikaw ang buena mano ko.” Ngumiti ako. “‘Wag ninyo na akong suklian. Sa inyo na po.” “Hindi, Ineng. Nakakahiya naman sa ‘yo. Estudyante ka pa lang naman.” “Okay lang po.” “Salamat kung gano’n.” “Manong, bakit po kayo nagpapakahirap magtinda ng ice drop?” Pinunasan ni Manong ang pawis niya bago nagsalita. “May anak kasi akong nag-aaral ng high school. Kailangan kong tulungan ang asawa ko sa pagtatrabaho para mapag-aral namin ang anak namin hanggang kolehiyo.” Bigla akong nakonsensiya sa sinabi ni Manong. Naisip ko si Mama na nagpupuyat sa pagtitinda para lang mapag-aral niya ako. Pagkatapos, malalaman niyang hindi pala ako pumapasok. “Ang swerte po ng anak ninyo,” sabay ngiti ko. “Swerte rin kami sa kaniya dahil nag-aaral siyang mabuti.” “Manong, palagi ba kayo dito sa simbahan?” Tumango siya. “Malapit lang dito ang bahay namin.” “Simula po ngayon, regular customer ninyo na po ako. Palagi akong bibili ng ace drop ninyo.” “Salamat, Ineng.” “Ako po ang dapat magpasalamat sa inyo. Sige po, papasok na po ako.” “Mag-aral mabuti, Ineng.” Buo na ang isip ko na babalik ako sa Eastberg at ipagpapatuloy ang pag-aaral. Kailangan kong harapin ang pambubully nila para sa pangarap ko. Makalipas ang ilang minuto, nasa harapan na ako ng Eastberg University. Huminga ako ng malalim at pagkatapos, pumasok na sa loob. Malikot ang mga mata ko dahil baka may kung anong bumagsak o tumama sa 'kin. Bakit kaya wala ng bully?” Nakarating ako sa classroom namin ng walang nangyari sa 'kin. Nakahinga ako ng maluwag. “You are Aika Cassidy Miketsukami?” tanong ng professor namin. “Yes, po. Sorry po kung—” “Mabuti, okay ka na. Akala namin sa susunod na linggo ka pa papasok.” “Po?” “Ayos ka na ba?” “H-Ha? O-Opo.” “Mabuti naman, sige maupo ka na.” “Thank you.” Palaisipan sa akin kung bakit ganoon ang sinabi sa 'kin ng professor ko. Akala ko nagkamali lang siya, pero dahil lahat ng professor ko ganoon ang sinabi sa 'kin, akala nila nagkasakit ako kaya hindi nakapasok ng ilang araw. Iniisip ko tuloy kung sino ang nagsabi na may sakit ako. “Aika!” Nakangiti ako nang makita ko si Tacky na kumakaway sa akin. Nasa loob ako ng cafeteria at naghahanap ng table. Lumapit ako sa kaniya. “Kumusta ka na?” “Ikaw ang kumusta? Ayos ka na ba ngayon?” “Oo, ayos lang ako, pero sino nagsabi na nagkasakit ako?” “Pumunta rito ang Tita mo. Sinabi niya, baka two weeks kang hindi makakapasok. Mabuti na lang at okay ka na.” Kumunot-noo ako. Tita? Wala naman akong malapit na kamag-anak dito. “Kumusta ka na pala ngayon? Hindi ka na ba binu-bully rito?” Pag-iiba ko ng usapan. “Hindi na, salamat sa 'yo dahil normal na ang buhay ko rito.” “Ano kayang nangyari bakit mukhang naging mabait na si Ryuuji.” Sabay kaming kumain ng lunch, pagkatapos bumalik na ako sa school. Naging normal ang buong maghapon ko kaya naging panatag ang loob ko. Habang naglalakad ako palabas ng school, hinarang ako ng kaibigan ni Ryuuji. “Hi, Aika!” “A-Anong kailangan ninyo sa ‘kin?” Umatras ako. Pagkatapos, tumakbo palayo sa kanila. Akala ko ligtas na ako sa kanila, hindi pala. "Ay! Bitawan ninyo ako!" sigaw ko nang mahuli nila ako. “‘Wag kang maingay kung ayaw mong mabutas ang tagiliran mo,” bulong ng isa sa mga kaibigan ni Ryuuji. “Please! Pakawalan ninyo ako.” “Wala kaming gagawing masama sa'yo, basta sumunod ka lang.” Sinakay nila ako sa kotse. “Ano bang kailangan ninyo sa'kin!” “Relax ka lang, Aika. Hindi ka namin sasaktan.” “Fujima, wag mo kasing tinatakot si Aika,” ani ng lalaking nag-drive. “Hindi ko siya tinatakot, Dan Carly.” Fujima at Dan Carly pala ang pangalan nila. “Ano bang kasalanan ko sa inyo!” “Wala kang kasalanan sa amin, pero may ipapagawa kami sa 'yo. At kapag hindi mo sinunod, papatayin ka namin,” ani Fujima. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Hindi ako magtataka kung kaya nilang pumatay dahil kaya nga nilang makipag-rambulan na halos magpatayan na sila. Huminto ang kotse. “Nasaan tayo?” “Relax, nasa Pilipinas ka pa.” Sabay ngiti ni Fujima. Sapilitan nila akong hinila palabas ng kotse at pagkatapos dinala nila ako sa malaking bahay. Pagpasok ko sa loob ng malaking bahay, nagulat ako nang salubungin ako ng mga babae. Agad akong pinahubad ng damit at pinagsuot ng kulay pink na gown na labas ang likod. Nilagyan nila ako ng makeup kahit labag sa loob ko. Pagkatapos kong ayusan, bumalik ang dalawa nakasuot na sila ng pormal na damit. Pinagmasdan nila ako. “Ayos na!” sabi ni Dan Carly. “Ano ba ito? Bakit ganito ang itsura ko?” “Birthday ngayon ng Mommy ni Ryuuji at pupunta ka doon bilang girlfriend niya,” ani Fujima. “Ayoko! Gusto ninyo ba akong patayin ni Ryuuji?” “‘Wag kang mag-alala, mabait si Ryuuji sa harap ng parents niya. Ang gagawin mo lang kapag kaharap mo si Ryuuji, hahalikan mo siya sa labi ng tatlong minuto sa harap ng parents niya,” ani Dan Carly. “H-Hahalikan?” Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Tumango ang dalawa. “Kapag nabigo ka, hindi ka na makakauwi ng buhay sa inyo,” ani Fujima. “Baka ako naman ang patayin ni Ryuuji.” “Hindi ka sasaktan ni Ryuuji,” ani Fujima. Ano bang pinasok kong gulo, bakit ba ako nandito sa sitwasyon na ito. Sa lahat naman ng hahalikan, si Ryuuji pa. Never pa naman akong nakipaghalikan, tapos ako pa talaga ang gagawa. Huminga ako ng malalim. “Wala na pala akong choice.” “Yes, wala kang choice kung hindi ang sumunod. Let's go!” ani Fujima. Hawak nilang dalawa ang kamay kong nanlalamig dahil sa nerbiyos. Muli kaming sumakay ng kotse. Habang nasa daan kami, pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Feeling ko hihimatayin ako sa kaba at takot. Hanggang sa huminto ang sasakyan. Inalalayan ako ng dalawa habang naglalakad kami papasok sa loob. “Ngumiti ka," bulong ni Dan Carly sa ‘kin. May kumukuha kasi ng larawan sa amin. Sapilitan akong ngumiti. “Fujima, Dan,” narinig kong bati ng isang matanda na nasa edad kwarenta singko. Mestisa ito at makinis ang katawan na parang isang artista. “Happy birthday, Tita,” wika ng dalawa. Ito siguro ang Mommy ni Ryuuji. Lumapit ako sa Mommy ni Ryuuji. “Happy birthday po,” sabay beso-beso ko. “Thank you.” Tumingin ang Mommy ni Ryuuji sa dalawang kaibigan ni Ryuuji. “Sino siya?” “Tita, siya po ang girlfriend ni Ryuuji,” ani Dan. Gusto kong himatayin sa nerbiyos dahil sa sinabi ni Dan. Bwiset talaga! Ngiting aso naman ako. “Nice meeting you po.” “Ikaw pala ang girlfriend ni Ryuuji. Teka, tatawagin ko ang boyfriend mo.” Kinalabit ako ni Fujima at bumulong, “Kapag lumapit si Ryuuji, halikan mo na.” “Ryuuji, nandito na ang girlfriend mo,” ani ng Mommy niya. Yumuko ako nang magtama ang mga mata namin ni Ryuuji. Natatakot sa kaniya. Huminga ako ng malalim, pagkatapos pilit akong ngumiti kay Ryuuji. “H-Hello, Baby.” “What are you doing here?” he whispered. “I'm sorry, I need to do this.” “What?” Lumapit ako sa kaniya na isang dangkal lang. Ang sama ng mga tingin niya sa 'kin, pero mas gusto ko pang mabuhay. Hinawakan ko ang batok ni Ryuuji at hinila ko iyon, pagkatapos hinalikan ko siya sa labi. “1...2...3…” Pagkatapos, bumitaw ako sa pagkakahalik ko at lumayo. Nakita ko ang mommy niya na ang lapad ng pagkakangiti, maging sila Fujima at Dan Carly nakangiti rin, pero si Ryuuji nakatulala lang. “A-Ah- excuse me lang po, kailangan kong gumamit ng comfort room.” “Ituturo ko sa'yo kung saan ang comfort room,” ani Fujima. Pagkatapos inalalayan niya ako palayo sa kanila. “Fujima, gusto ko na umuwi. Nagawa ko ang gusto ninyo.” Ngiting-ngiti siya. “Sure.” Pa-simple kaming tumakas sa maraming tao at pagkatapos sumakay kami ng kotse. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa 'kin bukas. Hindi ko gustong gawin iyon kay Ryuuji, pero wala akong magawa dahil papatayin nila ako. “Nandito na tayo,” ani Fujima. Nakahinga ako ng maluwag nang nasa tapat na kami ng bahay namin. “Salamat,” sabay alis ko. Mabuti na lang at tulog na si Mama nang dumating ako dahil magtataka iyon sa suot ko. Hindi na kasi ako nagpalit ng damit. Habang nakahiga ako sa kama, naaalala ko ang mukha ni Ryuuji. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya at pamumula ng mukha. “Hayss! Lagot na ako nito bukas.” Nagpagulong-gulong ako sa kama ko pero hindi pa rin ako dalawin ng antok, laging sumasagi sa isip ko ang naging reaksyon ni Ryuuji. “Kayo na po ang bahala sa 'kin bukas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD