bc

THE BAD BOY FIRST KISS

book_age18+
36
FOLLOW
1K
READ
HE
arrogant
badboy
heir/heiress
sweet
bxg
scary
loser
campus
highschool
addiction
like
intro-logo
Blurb

Isa lang ang pangarap ko - ang makapagtapos ng pag-aaral.

Pero paano ko ito gagawin kung napapaligiran ako ng mga masasamang estudyante? Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang pagka-bully - ang pagtawanan at paglaruan.

Kakayanin ko ang lahat ng ito, ngunit hindi ko kaya ang isang utos nila - ang nakawan ng halik ng pinakamasamang lalaki sa unibersidad, si Ryuuji.

Paano ko gagawin ito? Tuwing magtatama ang aming landas, nanginginig na ako sa takot. Baka gutay-gutayin niya ako. Ano ang pipiliin ko? Ang mamatay sa kamay ni Ryuuji dahil sa pagnanakaw ko ng halik, o ang pahirapan bago patayin ng mga bully sa paaralan?

Hays! Katapusan ko na. Kayo na ang bahala sa Mama ko kapag nawala ako sa mundong ito.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
[Aika] Nagsimula na ang pag-ulan, ngunit nanatili pa rin kaming nakatayo sa labas ng malaking Unibersidad ng Eastberg. Isa itong sa pinakamalaking at pinakamagandang paaralan sa bansa. Madaming magagandang balita tungkol sa paaralang ito kaya't marami sa mga nagtatapos ng hayskul ang pangarap makapasok dito. Ngunit dahil sa napakamahal ng matrikula, hindi kayang pondohan ng mga mahihirap katulad ko ang pag-aaral dito. Swerte na lang at nagkaroon sila ng pagsusulit para sa mga iskolar. Nakakuha ako ng pagkakataon na sumubok at ngayon nga ang araw para malaman kung sino ang nakapasa bilang iskolar nila. "Sana makapasok tayo diyan." "Swerte natin kung makakapasok tayo ang daming guwapo." Ipinikit ko ang mga mata ko at nag-dasal. "Lord, kailangan ko po ang scholar na ito para makatulong kay Mama." Simula nang ipagpalit kami ni Papa sa ibang pamilya, hindi na naging maganda ang buhay namin. Si Papa ay Senior Manager ng isang electronics company, ngunit nang makagusto ito sa kaniyang amo, tuluyan na kaming iniwan dalawa ni Mama. Napilitan si Mama na magtrabaho at nagtayo siya ng maliit na karenderiya sa palengke upang mabuhay kami at makapag-aral ako. Nang sinabihan ako ng teacher ko sa high school, na subukan kong mag-exam sa Eastberg, hindi ko na pinalampas. Ilang saglit pa, lumabas ang guwardiya ng paaralan na may dalang resulta ng mga pumasa. Dinikit niya ito sa dingding sa labas. Pagkadikit pa lang ng mga listahan ay dinumog na ito. Hindi ako sumabay sa kanila dahil siguradong maiipit lang ako, kaya naghintay na lang ako hanggang matapos sila. “Yes! Nakapasa ako.” “Ako rin.” “Sayang hindi ako nakapasa." Sari-sari ang naririnig ko matapos nilang basahin ang naka-lista. Habang papalapit ako sa listahan ng mga pumasa pabilis naman nang pabilis ang pagkabog ng dibdib ko. "Miketsukami Aika Cassidy." Ilang beses kong inulit basahin ang pangalan ko hanggang sa mag-sink in na siya sa utak ko. "Ang galing nakapasa ako." Pagkatapos umalis na ako doon. "Miss, nakapasa ka ba?" tanong sa akin ng security guard. Ngumiti ako. "Opo." "Bakit parang hindi ka masaya? ‘yung ibang mga bata halos nangisay sa tuwa. Ikaw, wala kang reaksiyon." "Ganito na po talaga ako matuwa, Manong. Sige po, aalis na ako." Carrying the good news, I left the school and went straight to the market where my mom was. When I got there, she was busy with her customers. It was eleven in the morning, and many people buy food at the eatery from ten until one in the afternoon. “Oh, Aika, nandito ka na pala,” wika ni Mama habang nagsasandok ng ulam. Nilapag ko ang bag ko at tinulungan ko siyang mag-abot ng mga order sa mga customer. “Nalaman ko na po ang resulta ng exam ko, Mama.” Saglit na tumingin sa 'kin si Mama. “Bakit naman kasi doon mo pa gustong mag-aral. Ang mahal-mahal doon, puwede ka namang mag-aral sa public school, scholar ka pa doon.” “Mama, full scholar din naman ako sa Eastberg.” Tumingin sa 'kin si Mama. “Nag-exam ka?” Tumango ako. "Pumasa po ako." “Mabuti naman kung ganun, hindi nasayang ang pagpupuyat mo para mag-review.” “Aika, nakapasa ka pala dapat masaya kayong dalawa ng Mama mo, hindi mukhang biyernes santo ang itsura ninyo. Magandang balita 'yan dapat masaya kayong dalawa,” wika ng baklang si Timmy, ang isa sa mga katulong ni Mama sa karinderya. Tumingin ako kay Timmy, na may suot na crop top at may headband na pink at may disenyo ng tenga ng pusa. Napansin ko rin ang makapal niyang lipstick at ang makeup niya. “Masaya naman kami, Timmy," sabi ko. “Hindi kayo mukhang masaya. Hayss! Kayo talagang dalawa mag-ina, wala kayong kabuhay-buhay," sabi ni Timmy sabay-iling, bago niya dinala ang order ng customer. “Pagluluto kita ng paborito mong palabok, Anak. Magdiwang tayo dahil nakapasa ka," sabi ng Mama ko. “Mama, palagi ka namang nagluluto ng palabok kasama pa ang spaghetti, turon, at banana Q," tugon ko. “Anak, hindi naman pang-merienda ang lulutuin ko, para sa atin ang lulutuin ko. Maaga akong magsasara ng tindahan," paliwanag niya. “’Wag na po, Mama. Sayang naman ang kikitain mo kung magsasara ka." "Hay, ikaw talagang bata ka! ‘Wag mo akong intindihin, basta maaga akong magsasara kahit ayaw mo." "Ay! Type ko 'yan! Para makapag-hada naman ang beauty ko,” wika ni Timmy. Nagkangitian kami habang nakatingin kay Timmy. Minsan, si Timmy talaga ang nagpapasaya sa amin. Muli naming ipinagpatuloy ang pag-aasikaso ng mga order ng customer. Pinauna akong umuwi ni Mama dahil silang dalawa na lang ni Timmy ang magsasara ng karinderya. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, biglang may humintong puting kotse. Babaliwalain ko sana ito at magtuloy-tuloy sa paglalakad, pero nagulat ako nang biglang bumaba ang tatlong lalaking sakay ng kotse. Bigla akong napa-atras, iniisip ko ang mga balitang may nangunguha ng tao at kinuha ang lamang-loob. Tumakbo ako at nagtago sa likod ng sirang drum na pinaglalagyan ng basura. Nakatalikod ang mga lalaki kaya hindi ko nakita ang mga mukha nila. Ilang segundo pa, may humintong pulang kotse at may bumabang mga kalalakihan din doon at pagkatapos nagsuntukan sila. Nakatakip ako sa bibig upang hindi mapasigaw sa takot. Nanginginig ang buo kong katawan at parang papanawan ako ng ulirat dahil sa nasaksihan ko. Isa pa yata ako sa magiging testigo sa patayang ito. "Lord, please, ‘wag sana akong madamay sa kanila." Halos madurog na ang mukha ng ibang kalalakihan ng makita kong bumagsak. "May pulis!" Narinig kong sigaw ng isang lalaking nakasuot ng black jacket. Nagmamadali silang tumakbo pabalik sa kotse nila. Kahit ang mga kalalakihang halos hindi na makabangon ay pilit na tumayo upang makabalik sa kanilang kotse. Ilang saglit pa, umalis na sila. Daig ko pa ang nabunutan ng tinik nang makaalis sila. Pakiramdam ko tuloy ako ang kriminal sa nasaksihan ko. Wala ako sa sarili habang naglalakad pauwi. Pagdating ko sa bahay, uminom ako ng malamig na tubig at huminga nang malalim. “Grabe naman ang mga iyon, sana walang masyadong nasaktan sa kanila," sabi ko matapos akong maka-recover sa pagkagulat. Imbes na isipin nang isipin ang nangyari, hinanda ko na ang mga gagamitin ni Mama sa pagluluto. Gusto ko nga sanang ako na lang ang magluto para hindi na mapagod si Mama. Palaging maaga siyang nagigising para magluto ng pagkain, tapos sa gabi siya namimili ng mga lulutuin niya. Alam kong nakakapagod ang ginagawa ni Mama pero hindi niya sa 'kin pinapakita o nagrereklamo. “Oh, Aika. Sabi ko sa'yo ako na ang gagawa ng mga iyan. Magpahinga ka na lang.” “Tapos ko na po hiwain ang mga sangkap.” “Ikaw talagang bata ka. Ayaw na ayaw mo talaga akong napapagod." Ginulo pa niya ang buhok. Ngumiti ako. “Mama, naman e." Bigla kaming natigilan nang marinig namin ang tunog na mula sa cellphone. “Cellphone mo yata iyon Aika." “Ay! Oo nga po." Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa table na malapit sa may sofa. "Hello!" “Hello, good morning. May I speak to Miss Aika Cassidy Miketsukami?" “Yes, speaking." “This is Rose from Eastberg University. Congratulations, you passed the examination." “Thank you." “Please report tomorrow and submit your documents by 8 AM." “Okay, Ma'am. Thank you." “Okay, bye!" “Thank you so much." The call suddenly ended. “Boyfriend mo ba ang tumawag sa ‘yo?" biro ni Mama. “Wala po akong boyfriend. Yung school na pinag-exam ko para maging scholar, pinagpapasa na ako ng mga requirements bukas." “Tuloy na tuloy na talaga ang pag-aaral mo sa eskwelahan na 'yon." "Opo, Mama. Gagalingan ko po. Mag-aaral akong mabuti para sa inyo." “Naku, napakabait talaga ng anak ko." Isang ngiti ang tinugon ko kay Mama. Pagkatapos magluto ni Mama, dumating naman si Timmy, kaya't pinagsaluhan naming tatlo ang inihandang pagkain. Eastberg University. Halos sumakit ang leeg ko sa kakatingin sa building ng Eastberg University. Mas maganda pala siya sa loob kumpara sa natatanaw mo mula sa labas. Sabagay, mataas ang gate nila sa labas kaya't hindi masyadong nakikita ang loob. Dahil hindi pa nag-uumpisa ang pasukan, wala pa akong masyadong nakikitang mga tao. Karamihan sa mga nakikita ko ay mga sasakyan na palabas at papasok ng school. "Beep! Beep!" "Ay! Kambing." Napasigaw ako sa gulat. Paglingon ko, nakita ko ang puting sport car na nasa harapan ko. Halos konting-konti na lang at mababangga na niya ako. Dumungaw ang driver. Nakasuot siya ng itim na shades nang makita ko. "Do you want to die, idiot!" sigaw niya. Tiningnan ko ang paligid. "Excuse me po, hindi rito ang daan ng kotse, doon po sa kabila." Tinuro ko ang tamang daan. "Hallway po ito, daanan ng mga tao," paliwanag ko nang maayos. "I don't care. Don't block my way or I will block your life forever," sabi ng lalaking naka-shades. Binuksan pa niya ang makina ng sasakyan, mukhang desidido siyang sagasaan ako. "Akala mo kung sino." Umalis ako sa daraanan ng sasakyan niya pero siyempre hindi ako nakatiis na hindi makaganti. May nakita akong bato sa gilid ng kinatatayuan ko. Dinampot ko iyon at ibinato sa kotse niya. "s**t!" narinig kong sigaw ng lalaki nang matamaan ko ang likod na salamin ng kotse niya. "Patay!" Nagmadali akong tumakbo bago pa siya makababa. Tumakbo ako at nagtago para lang hindi niya ako makita. Makalipas ang ilang minuto, narinig kong umandar ulit ang kotse niya. Kaya naman lumabas ako sa pinagtataguan ko. "Hays! Kung inabutan ka nga naman ng swerte." Dire-diretso ako sa paglalakad at hinanap ang opisina na tinutukoy ng tumawag sa akin hanggang sa matagpuan ko iyon. "Excuse me," sabi ko para makuha ang atensyon ng babaeng nasa loob ng opisina. Ngumiti sa akin ang babae na nasa edad kwarenta. "Yes?" "Miss Rose asked me to report here to submit my credentials." "Ako si Rose, sige ipasa mo na sa akin." "Thank you Ma'am." Matapos akong lumapit upang ipasa ang mga dokumento ko, napalingon ako sa kanan dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali, may isang lalaki na kasing edad ko ang matalim na nakatitig sa akin. Nakaupo siya at nagpapaputok ng bubble gum sa bibig habang nakaupo ng nakatayo ang kanyang buhok, parang sa tuwing nag Super Saiyan si Goku. Makapal ang kanyang kilay na parang higad, at mapula at manipis ang kanyang mga labi. Maganda ang kanyang mga mata na may pagka-Chinito, mahaba ang kanyang pilikmata, at napansin ko rin ang kanyang makinis at maputlang balat. Sa kabuuan, guwapo siya at tila isang artista o baka isa siyang modelo. "Why are you looking at me?" sabi ng lalaki. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. "Napatingin lang ako, galit agad." "Ryuuji, ‘wag mong takutin si Miss Miketsukami, lumabas ka muna sandali." "Ryuuji." "’Wag mo akong pakialam, Rose." Gusto kong makialam sa pangmamaliit ng lalaki kay Miss Rose. Hindi ba siya tinuruan ng magandang asal at tamang pag-uugali na kausapin si Miss Rose nang may respeto? "’Wag mo na lang siyang intindihin," sabi sa akin ni Miss Rose. Ngumiti ako bilang pagsang-ayon pagkatapos kong magpasa ng mga requirements at mag-fill-up ng form. Umalis na rin ako sa opisina. Maghihintay na lang ako ng araw ng pasukan. Paglabas ko, napansin kong sumusunod sa akin ang lalaking nasa opisina ni Miss Rose. Nagmadali akong maglakad at nagpanggap na hindi ko siya napapansin. "Hey!" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad. "Hey! Idiot." "Aray!" Napahawak ako sa ulo nang may tumama. Nang hanapin ko ito, isang iPhone 15 Pro Max ang natagpuan ko. Sobrang mahal ng cellphone na ito para ipambato. "Are you deaf?" Lumingon ako at nakita ko si Ryuuji. "Sa 'yo ang iPhone na 'yan?" "Yes." "Ang mahal niyan, binabato mo lang." "Anong pakialam mo? Kanina pa kita tinatawag." Nakatingin siya sa akin ng masama. Mabilis kong pinasadahan ang paligid, marami namang naglalakad, siguro naman hindi niya ako gagawan ng masama. "Hindi po kita kilala," sabay talikod ko sa kanya. "Ikaw yung babae na bumato sa kotse ko kanina." Siya yung lalaki na iyon. Patay! "Wala akong natatanda, sige, alis na ako." Pagkatapos, tumakbo ako palabas ng paaralan. "Come back here, idiot!" Hindi ako sumunod sa kanya. Sinong tanga ang babalik doon? Sabihin natin guwapo siya, pero hindi lahat ng guwapo ay may magandang ugali. Pawisan ako nang makalabas ng paaralan. Muli kong pinagmasdan ang paaralan. Sana marami akong matutunan sa 'yo, Eastberg University. Sana ikaw ang magbukas ng pintuan para sa pangarap ko. "Beep! Beep!" Narinig kong busina ng kotse. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang kotse ni Ryuuji na nasa gate at palabas. Nagmadali akong tumawag ng taxi upang makaalis. Ako kaya ang hinahabol niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Lick It Harder (SSPG)

read
29.5K
bc

Pisilin Mo, Mr Wild (SSPG)

read
19.1K
bc

Kalabit (SSPG)

read
137.7K
bc

Wife For A Year

read
43.4K
bc

Loving the betrayed wife (Tagalog)

read
7.8K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
70.9K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
28.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook