[Ryuuji]
Hindi ako magawang tingnan ng ibang estudyante habang naglalakad ako papasok ng Eastberg University. Dire-diretso ako hanggang makarating sa opisina ng aming Dean.
Pumasok ako sa loob at umupo na naka-dikwatro.
“Silvana, ano ang balita sa transferee na si Miss Miketsukame?” tanong ko sa Dean.
Simula nang lumabas ako ng ospital, una kong hinanap si Aika sa eskuwela. Ngunit nalaman kong hindi na ito pumapasok. Kinausap ko si Yaya Belen upang magpanggap na tita ni Aika at sabihing nagkasakit siya upang hindi siya ma-drop at matanggalan ng scholarship. Hindi ko na rin binu-bully ang nursing student na si Tacky.
“Wala po kaming balita kung magaling na siya.”
“I see... Tawagan mo ako kapag dumating na siya.” Tumayo ako at lumabas ng opisina niya.
Una kong hinanap ang dalawa kong kaibigan, sina Fujima at Dan Carly. May mahalaga kasi akong sasabihin sa kanilang dalawa ngayon. Hinanap ko sila sa paaralan, pero hindi ko sila nakita, kaya napagpasyahan kong puntahan sila sa lugar na paborito nilang tambayan.
Pitong kilometro ang layo ng pad ni Fujima mula sa paaralan, kaya mabilis lang akong nakarating doon. Kilala na rin ako ng guwardiya sa labas ng malaking building na pagmamay-ari ng mga Takouari.
Dahil sa madalas akong pumunta dito, alam ko na rin ang password ng pad ni Fujima.
Pagkapasok ko sa loob, napailing ako nang makita kong nagkalat sa sahig ang mga damit ng babae, pati na ang mga damit nina Fujima at Dan Carly. Umupo ako sa malambot at mahabang sofa upang hintayin silang lumabas ng kwarto. Nang makahiga na ako, may nakapa akong tela. Nang alisin ko ito at tingnan, bigla ko itong tinapon.
“Yuck!” Agad akong tumayo at naghugas ng kamay. Nahawakan ko kasi ang kulay pulang panty.
Kaya minsan, ayoko talagang pumunta dito sa pad ni Fujima dahil hindi ko gusto ang ginagawa ng dalawa—ang pakikipag-flirt sa mga babae.
Nang makarinig ako ng tunog mula sa kuwarto, nilakasan ko ang volume ng TV. Ilang minuto lang ang lumipas, lumabas na si Dan Carly na nakatapis ng puting tuwalya.
“Ilang round 'yan?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Dumiretso siya sa kusina, binuksan ang refrigerator, at kumuha ng inumin.
“Dalawa. Masyado kasing magaling,” sagot niya. Uupo sana siya sa tabi ko, pero pinigilan ko siya.
“Maligo ka nga, amoy Zonrox ka,” sabi ko.
“Mamaya na, baka mapasma,” sabay tawa niya.
Ilang saglit pa, lumabas ang isang magandang at maputing babae mula sa kuwarto na nilabasan ni Dan Carly. Lumapit ito kay Dan Carly.
“You want another round?” tanong ni Dan habang hinahaplos nito ang malaking dibdib ng babae at hinihimas ang puwet.
“Tomorrow,” sagot ng babae.
Napangiwi ako nang maghalikan ang dalawa bago umalis ang babae.
“Kaya pala parang leon ka diyan,” sabi ko.
“Bakit hindi mo subukan tumikim, para maranasan mo naman ang nararanasan namin ni Fujima,” sagot ni Dan.
“Wag ninyo akong itulad sa kalibugan ninyo. Mabuti na lang at hindi ninyo nabubuntis ang mga babae ninyo,” sagot ko.
“Uso ang condom,” sabay ngiti ni Dan.
“Psh! Gross.”
Lumabas si Fujima na naka-brief lang, gulo-gulo ang buhok. Kasunod niya ang babae, nakabihis na.
“Tingnan mo nga naman ang bisita ko,” sabi ni Fujima, lumapit upang makipagkamay, pero hindi ko inabot.
“Hugas ka muna ng kamay mo,” sabi ko.
Tumawa si Fujima, at pagkatapos ay dumiretso sa banyo. Umalis na rin ang babae.
“Kung hindi ka namin kilala, iisipin naming bakla ka,” ani Dan Carly.
“Mga gago! Sapakin ko kayo, e. Hindi ko lang gustong makipaglaro ng apoy sa babae,” sagot ko.
“Ikaw lang ang bad boy na kilala kong NBSB—never been kissed, never been touched. Magbago ka ng prinsipyo, Ryuuji. Mamatay ka nang hindi mo natitikman ang langit,” sabi ni Fujima.
“Gusto ko katulad ng kay Daddy. First girlfriend niya si Mommy, at siya rin ang first kiss niya,” sabi ko.
“Paano ka magkakaroon ng ganyan kung hindi ka manliligaw? Marunong ka bang manligaw?” tanong ni Dan.
Tinitigan ko ng masama ang dalawa. “Hindi ako pumunta rito para pakialaman niyo ang buhay ko. Nandito ako para sabihin na bukas ay birthday ni Mommy. Kahit ayoko kayong imbitahin, wala akong choice dahil gusto ni Mommy na pumunta kayo, mga ulol!”
Nagkatinginan ang dalawa at pagkatapos ngumiti.
“Anong nakakatawa?” tanong ko habang nakataas ang kilay.
“Wala naman. Naisip lang namin na baka may chicks doon,” sabi ni Fujima.
“Meron—mga matatanda,” sagot ko.
Tumayo ako upang umalis. “Hihintayin ko na lang kayo sa school. Masyadong mabaho rito.”
Humalakhak ng malakas ang dalawa. Ako naman ay dumiretso ng school at doon ko na lang sila hinintay.
ABALA ang lahat ng tao sa loob ng mansiyon namin dahil sa paghahanda. Dumating na rin ang mga mag-aayos para sa kaarawan ni Mommy, at si Mommy ay hindi magkanda-ugaga sa pag-aasikaso para sa okasyon. Samantalang ako, nasa loob ng kuwarto ko at naglalaro ng online game.
Pagsapit ng gabi, nagsimula nang dumating ang mga bisita ni Mommy. Naging abala ako sa pag-aasikaso ng mga bisita kaya hindi ko namalayan na dumating na pala ang mga kaibigan ko.
“Ryuuji!” Nakangiti si Mommy nang lumapit sa akin.
“Yes, Mom?”
“Nandito na ang mga kaibigan mo, pati ang girlfriend mo.”
Kumunot ang noo ko. “Girlfriend?”
Hinila ako ni Mommy. “Asikasuhin mo ang girlfriend mo.”
Ang lapad ng ngiti nina Fujima at Dan, samantalang hindi ko makilala ang babaeng naka-pink na gown dahil nakayuko siya.
“Ryuuji, girlfriend mo,” ani Mommy.
“Aika...”
Nakayuko si Aika habang papalapit sa akin.
“What are you doing here?” bulong ko.
“I'm sorry, I need to do this.”
“What?”
Lumapit siya sa akin na halos isang dangkal na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Nagulat ako nang hilahin niya ako sa batok, pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi. Natulala ako at parang hindi ako makagalaw. May kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan at tila nanigas ang aking buong katawan.
1... 2... 3...
Tatlong segundo yata ang tinagal ng paglapat ng kanyang labi sa labi ko. Pagkatapos, kumalas siya mula sa akin.
Nakita ko si Mommy at ang dalawa kong kaibigan na nakangiti sa amin.
“A-Ah— excuse me lang po, kailangan kong gumamit ng comfort room,” ani Aika.
Gusto ko siyang lapitan, pero hindi ko magawang ikilos ang katawan ko.
“Ituturo ko sa 'yo kung nasaan ang comfort room,” sabi ni Fujima.
Tinatanaw ko sina Aika at Fujima habang papunta sila sa comfort room.
“Ang sweet naman ng girlfriend mo,” ani Mommy.
Doon ako bumalik sa ulirat. Nang tingnan ko si Dan Carly, ang lapad ng ngiti niya.
“Mommy, kakausapin ko lang ang mga kaibigan ko.”
“Sige, ikaw na ang bahala sa kanila,” sagot ni Mommy bago umalis.
Humalakhak ng malakas si Dan Carly pag-alis ni Mommy.
Kinuwelyuhan ko si Dan. “Sinadya ninyo ito.”
“Woah! Wala akong alam diyan.”
“Humanda kayo sa akin!”
Hinintay namin si Fujima at Aika na makalabas, pero hindi na sila nagpakita. Nakaramdam ako ng inis dahil bigla silang nawala, kasama pa naman si Fujima.
“Bakit hindi pa sila bumabalik?” tanong ko.
Pilyong ngumiti si Dan Carly. “Baka sinamahan ni Fujima si Aika sa loob ng cubicle.”
Muli kong kinuwelyuhan si Dan. “Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo.”
“Easy lang, dude. Huwag kang masyadong pikon. Safe ang first kiss mo, hindi namin siya gagalawin.”
Binitawan ko si Dan. “Nasaan siya?”
“Nag-text si Fujima. Hinatid na niya si Aika sa bahay nila. Nagyaya na raw umuwi. Hintayin mo si Fujima, pagkatapos suntukin mo.”
“Bulshit!” sigaw ko.
Umupo ako sa round table habang nakatanaw sa malaking gate ng bahay namin. Hindi ko tuloy magawang kumain o makihalubilo sa iba hangga’t hindi ko nakikita si Fujima.
Isang oras ang lumipas nang matanaw ko si Fujima. Agad akong tumayo upang salubungin siya, sumunod naman si Dan Carly.
“Bakit ang tagal mo?” inis kong tanong kay Fujima.
“Yan ba talaga ang tanong mo? O gusto mong itanong kung safe na nakauwi si Aika?” Pilyo siyang ngumiti.
“Wala akong pakialam sa babaeng iyon. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin,” sabay iwas ng tingin.
“Inuwi ko si Aika sa bahay niya nang walang labis, walang kulang. Safe na siya. Don’t worry,” ani Fujima.
Matalim ko silang tinitigan. "Bakit nandito siya? Tinakot ninyo siya para gawin sa akin 'yon."
Nagkatinginan silang dalawa bago tumawa nang malakas, halos manakit na ang tiyan nila sa kakatawa.
“Nakakatawa ang itsura mo nang kinuha ni Aika ang first kiss mo. You looked pale, akala ko nga hihimatayin ka,” sabi ni Dan Carly, habang tumatawa.
Lumapit ako sa kanila at marahan silang sinuntok sa braso.
“Sinasabi ko na nga ba, kayo ang may pakana ng lahat ng iyon. Kaya ako nagtataka kung bakit biglang sumulpot si Aika sa birthday party ni Mommy.”
“At least naranasan mo na ang halikan. Binata ka na, dude, bilog na ang utot mo,” ani Fujima sabay tawa ulit.
“Gago!” sigaw ko.
Naputol lang ang pang-aasar nila nang makita nila ang isang dalagang bisita ni Mommy. Iniwan nila ako at pinuntahan ang mga dalaga. Mag-isa akong umiinom ng alak habang pinapanood ang mga kilos ng mga bisita. Biglang sumagi sa isip ko ang larawan ng mukha ni Aika.
Kinapa ko ang dibdib ko—ang bilis ng t***k. Pagkatapos, kinapa ko ang labi kong hinalikan ni Aika. Pakiramdam ko nakadikit pa rin ang labi niya sa labi ko.
“Psh! Baliw talaga ang babaing 'yon.” Tapos napangiti ako.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa eskuwela dahil nabalitaan kong kahapon pa pumasok si Aika. Siguro kaya naisama ni Fujima si Aika sa party dahil bumalik na ito sa school. Nasa loob ako ng office ng dean, naka-dikwatro habang hinihintay ang pagdating ni Aika. Sinabihan ko kasi ang dean na papuntahin si Aika sa opisina niya.
Ilang sandali pa ang lumipas, may kumatok sa pintuan.
“Come in,” sabi ko, pinababa ang boses upang hindi niya ako makilala.
Pagpasok niya, nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Napaatras siya nang tumayo ako.
“Hep! Hep! Huwag kang lalabas.”
Huminto si Aika at yumuko sa akin. Habang papalapit ako, bumibilis ang t***k ng puso ko, hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.
“’W-Wag mo akong sasaktan. Hindi ko ginustong halikan ka. Napag-utusan lang ako ng mga kaibigan mo. Papatayin nila ako kung hindi ko susundin,” aniya.
Huminto ako at biglang tumawa ng malakas—hindi ko kasi mapigilang matawa dahil kita ko ang takot sa mukha niya.
Nakataas ang kilay niya nang tumingin sa akin.
“Hindi ka galit?” tanong niya, takang-taka.
“Hindi ako galit. Galit na galit” sigaw ko para mas lalo siyang matakot.
“Sorry,” ani Aika.
“Simula ngayon, hindi ka na aalis sa tabi ko."
“Ha?” Gulat na gulat siya.
“Kung gusto mong makapagtapos ng pag-aaral, just stay with me.”
“Pero ayokong kasama ka. Marami kang kaaway, baka madamay pa ako.”
Tinitigan ko siya nang masama. “Anong gusto mo, hindi ka na makalabas ng buhay rito?”
Ilang beses siyang umiling. “Gusto kong mabuhay ng matagal.”
“Good girl, then stay with me.”
Huminga siya ng malalim. “Okay.”
“Good. Let’s go!” Hinawakan ko ang kamay niya. Gusto kong bitawan, pero hindi ko na nagawa. Lumabas kami ng office ng dean at naglakad sa lobby na magkahawak kamay.
Marami ang nagulat nang makita kaming magkasama, pero walang nagtanong. Siguro natatakot sila sa akin.
“Teka nga!” sabay hila niya ng kamay niya.
Tumingin ako sa kaniya. “What?”
“Saan ba tayo pupunta? May klase pa ako.”
Matalim ko siyang tinitigan. “We’ll eat in the cafeteria. Hindi pa ako kumakain.”
“Ikaw na lang, busog ako,” sabay talikod niya para umalis.
“I will kill you.”
Huminto siya at humarap sa akin, tapos ngumiti. “Tara na! Gutom pala ako,” aniya.
“Susunod ka rin pala.” Nauna akong naglakad, at hindi ko na ulit hinawakan ang kamay niya.
“Ikaw na bumili ng pagkain natin.”
“Bakit ako? Ikaw ang bumili.”
“Inuutusan mo ba ako?” inis kong tanong.
“Hindi kita inuutusan. Wala akong pera.”
Naglabas ako ng pera. “Here.”
“Two thousand? Ang laki naman nito.”
““Why are you complaining so much? Just go buy it!!”
“Tse!” sabay talikod ni Aika.
Umiling ako. Ganito ba talaga kapag may kasamang babae—nakakaasar.
Pagkalipas ng ilang minuto, dala na niya ang pagkain.
Nakakunot ang noo ko. “What is that?”
“Lason.”
“You’re pissing me off.”
Pang-asar siyang ngumiti. “Joke lang! Kain ka na.”
Dalawang burger, vegetable salad, pineapple juice, at fruit salad ang binili niya para sa akin.
“Why aren’t you eating?”
“Busog pa ako.”
Kinuha ko ang isang buong burger at sinubo ko sa kaniya. “Eat the food.”
Nanlaki ang mga mata niya habang pilit niyang nginunguya ang isang buong burger.
Tawa ako nang tawa dahil nabibilaukan na siya.
“Papatayin mo ba ako!”
Nagkibit-balikat ako. “If you die, why not,” sabay subo ulit ng burger.
“Napakasama ng ugali mo. Hanggang kailan ako magiging sunod-sunuran sa'yo?”
“Until I get bored.”
“Hudas! Unggoy! Kapre!” sigaw niya.
Nakangiti ako habang inis na inis siya sa akin. Ang sarap niyang asarin.
“I think... I’m happy to be with you.”