[Ryuuji]
“Good morning, Mom.” Sabay halik sa pisngi.
Nasa hapag-kainan kaming dalawa. Tuwing umaga, madalas kami ang magkasabay kumain dahil laging nasa ibang bansa si Daddy. Palagi siyang may business meeting na pinupuntahan kaya naman nasanay na akong wala siya.
“It's a miracle you're going to school early today.”
“I would like to welcome the scholar students of Eastberg University.” Pagkatapos, muli kong ipinagpatuloy ang pagkain ko.
“Last year, I got a lot of complaints about you. I hope there will be fewer this year, or even better, none at all.”
"Mom, huwag mong pansinin ang mga 'yon. Masyado silang nainggit sa 'kin kaya sila gumagawa ng kwento."
Tumingin si Mommy at kumunot ang noo. "Are you sure? Before the year ended, may pinagamot akong binugbog mo."
"It's not my intention."
"Hayss! Sana makahanap ka ng babaeng magpapatino sa'yo."
“I never think about having a girlfriend. I'm enjoying myself.”
“Baka sakaling magtino ka.”
"Mom, ‘wag nating pagtalunan ang bagay na 'yan let's enjoy our breakfast." Putol ko sa sasabihin pa ni Mommy."
Sport car na kulay asul na binili para sa akin ni Daddy noong nag-birthday ako ang pinili kong gamitin. Binuksan ko ang speaker ko at nagpatugtog ako ng kanta ng sobrang lakas. pagkatapos, mabilis kong pinaharurot papunta sa school.
Pagbaba ko sa kotse, sinalubong na ako ng kaibigan kong sina Dan Carly at Fujima. Sila ang matalik kong kaibigan mula pa noong grade school kami. Sa school na ito, kami ang kinatatakutan ng lahat ng estudyante dahil madalas kaming napapaaway. Madalas naming binu-bully ang mga scholar students. Gusto kasi namin silang kusang umalis sa school na ito. Hindi namin gusto na mayroong scholar students sa school kaya sila ang palaging trip naming pahirapan.
“Kumusta!” sabay tapik ni Dan Carly sa balikat ko.
“Ayos naman, may bago ba tayong laruan?”
Inabot sa akin ni Fujima ang listahan ng mga scholar. “Marami sila pero hindi ko pa napapansin ang iba.”
“Nandito pa rin ang nursing student.”
“Immune na yata siya sa mga sakit ng katawan,” ani Dan Carly.
“Pumasok ba siya?”
Tumango ang dalawa.
“Let's go!”
Habang naglalakad kami sa hallway ng school namin, ang lahat ng nakikita naming mga estudyante ay binigyan kami ng daan. Ang iba sa kanila ay sumusunod sa amin. Nagpunta kami sa classroom ng nursing student na si Tacky, na hindi talaga madala-dala sa pambubully namin. Hanggang ngayon, nandito pa rin siya.
"Dalhin siya rito," utos ko sa ibang estudyante.
Agad namang sumunod ang tatlong lalaki at pinasok si Tacky sa loob ng classroom at binitbit sa harapan namin.
“‘Wag, maawa na kayo sa akin!” Nakaluhod siya sa aming tatlo.
“Ang tigas talaga ng ulo mo.”
Sumenyas ako at pagkatapos hinagisan na siya ng kung ano-ano—tubig, basura, pintura, juice. Pinagsasabunutan naman siya ng ibang babae.
“Maawa kayo sa akin!” Pagmamakaawa niya. Ngunit mas lalo akong naiinis sa kaniya.
“Kung sumunod ka sa amin, sana hindi ka na naghihirap ngayon. Hindi ka pa umalis sa school na ito,” sabi ko.
“Anong ginagawa ninyo sa kaniya?!”
Lahat kami napalingon sa babae. Napakuyom ako ng kamao nang makilala ko ang babaeng tumulong kay Tacky.
“Isa 'yan sa scholar ng school,” bulong ni Fujima.
“I know her,” tugon ko.
“Saan kayo nagkakilala?” tanong ni Dan Carly.
“Siya ang bumasag ng salamin ng kotse ko.”
“Tsk! Kawawang babae,” umiling-iling pa si Fujima.
"’Wag kang makialam dito, Miss,” sagot ni Tacky.
“Tutulungan kita.”
“Hindi mo alam ang ginagawa mo,” wika ni Tacky.
“You!” duro ko sa kaniya.
Kinuwelyuhan ko siya habang matalim na tinitigan. “Do you remember me?”
“Wala akong kilalang unggoy!”
“Ouch! Damn it!” Sigaw ko.
Nabitawan ko siya dahil bigla niya akong kinagat sa kamay.
“Wala kang karapatan saktan ako o kahit siya. Hindi mo dapat sinasaktan.”
“Hindi mo kilala ang binabangga mo!” Sumenyas ako kay Fujima at Dan Carly pagkatapos hinawakan nila ang babae.
“You'll die.”
Muli akong lumapit pero bago pa ako makalapit ng sobra sa kaniya, sinipa niya ang balls ko. Ang bagay na pinapangarap ng mga babae mukhang basag na. Ugh!
“Ouch!”
Lumakas ang sigaw ko dahil sa lakas ng sipa niya. Halos mamatay ako sa sobrang sakit. Hawak-hawak ang balls ko habang namimilipit sa sakit.
“Dude, okay ka lang ba?” tanong ni Fujima na pinipigilan tumawa.
“f**k that girl!”
Inalalayan ako ng dalawa kong kaibigan patungo sa clinic at doon ko pinakalma ang nararamdaman kong sakit.
“Dude, buhay pa ba 'yan?” sabay tawa ng malakas ni Fujima.
“Fujima, siguradong bugok na. Sobrang lakas ng pagkakasipa, parang tinalo ang sipa ni Jackie Chan.” Sabay tawa ng malakas.
“Mga gago! Humanda sa 'kin ang babaeng iyon. Sisiguraduhin kong pagsisihan niyang tumapak pa siya sa school na ito."
“Aika Cassidy Miketsukami ang pangalan niya,” ani Fujima.
“Aika pala ang pangalan niya.”
“Alam mo, puwede mo naman siyang ipabugbog sa ibang estudyante kanina. Utusan mo lang sila. Bakit hinayaan mo silang makaalis?” ani Dan Carly.
“Gusto ko ako ang magpapahirap sa kaniya.”
“Baka naman type mo siya,” biro ni Fujima.
“Ugok! Hindi ko pa natatagpuan ang babaeng magpapalambot sa 'kin.”
“That's good, so anong plano mo?” ani Fujima.
“Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin. Tinawag niya akong unggoy at kinagat niya ako. Ipahanap ninyo sila sa mga estudyante ngayon na!”
Agad namang tumawag si Dan Carly upang ipahanap ang babae. Ilang saglit may dalawang babae ang lumapit sa 'min. Nakita na raw nila ang dalawa.
Agad kaming lumabas upang salubungin ang dalawa dahil ang sabi pauwi na raw ang dalawa. Naabutan namin ang mga estudyante na napapalibutan silang dalawa.
“Anong kailangan ninyo sa amin?” ani Aika.
“Sila walang kailangan sa inyo pero ako may kailangan sa 'yo, Miss Miketsukami,” sabi ko.
Halos patayin ko siya ng tingin nang magsalubong ang tingin namin.
“Ikaw at ang lalaking kasama mo ay mananagot sa akin.”
“Duwag ka ba? Bakit kailangan mong gamitin ang kapangyarihan mo para manakit ng iba?”
“You have no right to talk to me that way.”
“Anong gagawin mo sa 'kin? Ipapabugbog mo sa kanilang lahat, papahirapan mo ako? Ako na lang ang pahirapan mo, huwag na siya,” sabay turo niya kay Tacky.
Ngumiti ako. “Your wish is my command.”
Inilayo nila si Tacky at pagkatapos binuhusan siya ng pulang pintura at tinapunan ng basura.
Nagtawanan kami habang pinapanood namin siya na pinahihirapan. Kitang-kita ko ang galit niya nang magkatitigan kaming dalawa. Pinanood ko siya habang sinisipa at sinasampal ng mga estudyante hanggang sa nakasubsob na ito sa lupa.
“Fvck!”
Nai-angat ko ang puwit ko sa pagkakaupo nang makita ko siyang humalik na sa lupa. Nakaramdam ako ng awa habang pinagmamasdan ko siya.
“Tama na!” sigaw ko.
Napansin kong tumingin sa akin ang dalawa kong kaibigan pero hindi ko iyon pinansin.
“Magsi-uwi na kayong lahat!” sabi ko sa kanila.
Agad naman silang sumunod at isa-isang nagsi-alisan. Huli akong umalis sa lugar na iyon upang siguraduhin na wala nang estudyante. Pagkatapos, lumapit ako kay Aika at yumuko.
Pang-asar akong ngumiti. “See you again tomorrow, Miss Miketsukami.”
Isang nagbabagang tingin ang pinukol niya sa akin.
“Ryuuji, mukhang lumalambot na yata ang puso mo,” ani Dan Carly habang naglalaro kami ng billiards hindi kalayuan sa school.
“Ayoko lang malaman ni Mommy ang ginawa ko, kailangan kong maging mabait,” alibi ko.
“Hindi kaya gusto mo siya,” ani Fujima.
Matalim ko siyang tinitigan. “Basagin ko 'yang mukha mo.”
“Relax, ‘wag masyadong mainit ang ulo,” ani Fujima.
“Uuwi na ako.”
“Pasabay kami naka-park sa school ang kotae namin,” ani Dan Carly.
Hindi ako umimik sa dalawa habang papunta kami sa school nakita namin si Aika na nakatayo at mukhang naghihintay ng sasakyan.
Tumakbo siya nang makita niya ako, pero hinabol namin siya hanggang sa mai-pasok siya loob ng sasakyan.
“Anong kailangan mo sa 'kin!” sigaw niya.
“Sa tingin mo sapat na ang ginawa sa 'yo kanina sa ginawa mong pambabastos sa akin."
"Ryuuji, ano ang gagawin natin sa kaniya?" tanong ni Dan Carly.
Ngumisi ako at pagkatapos ay naglabas ako ng baril bago tumingin kay Aika. Gusto ko lang naman siyang takutin. Wala naman akong ibang gagawin sa kaniya na masama.
“A-Anong gagawin mo sa akin?”
“Ano pa ba ang ginagawa sa babaeng kumakalaban sa akin?”
Tumawa kaming tatlo upang mas lalong matakot si Aika.
“Mga hudas! Saklolo! Saklolo!” sumisigaw siya ng malakas.
“Tumigil ka!” sigaw ko. Tinutok ko pa sa ulo niya ang baril.
“‘W-Wag! ‘W-wag ninyo akong sasaktan.”
“Kasalanan mo kinalaban mo ako. Una, binasag mo ang salamin ng kotse ko at pangalawa, muntik ng mabasag ang kaligayahan ko.”
Tiningnan ko ang dalawa kong kaibigan na pigil na pigil ang tawa.
“H-Hindi ko iyon sinasadya. Patawarin mo ako—Ayy!”
Bigla akong nag-preno ng may humarang na kotse sa dinadaanan namin.
“Ang grupo nila Francis,” ani Fujima.
Tiningnan ko si Aika. Hindi siya dapat madamay dito.
“Naghahanap ng sakit ng katawan,” ani Dan Carly.
Bumaba kaming tatlo. Susunod sana si Aika pero pinigilan ko siya. “‘Wag na ‘wag kang lalabas ng kotse kahit anong mangyari.”
“Oo!”
Paglabas naming tatlo, nagulat kami dahil marami pala silang kasama. Pinalibutan kaming tatlo. Bukod sa marami sila, may gamit pa sila.
“Mga duwag talaga kayo. Nagtawag pa kayo ng kakampi, mga b*b*!” sabi ko.
Ngumiti si Francis. “Lahat sila gustong gumanti sa inyo.”
“Ang dami ninyong sinasabi.” Sabay suntok ko sa lalaking malapit sa 'kin.
Pinagtulungan kami nilang lahat. Kahit anong lakas namin, hindi namin sila kinaya. Nakalimutan ko pa naman ang baril ko sa loob ng kotse.
“Ano! Nasaan ang tapang mo, Ryuuji?” Sinipa-sipa ako ni Francis habang nakalupagi ako.
Napatingin siya sa kotse ko at ngumiti. “Mukhang may magandang chicks doon na puwede naming pulutan.” Lumapit sila doon at pilit na binubuksan.
“Aika…”
Pilit akong tumayo upang lapitan sila. Nang makapaglakad ako, hinila ko si Francis palayo sa kotse ko at pinagsusuntok ko siya.
“G*g* ka, Ryuuji!”
Muli kaming lumupagi sa semento dahil hinampas kami ng baseball bat. Nilingon ko si Dan Carly at Fujima. Halos hindi na rin magawang tumayo, puno sila ng dugo sa mukha at katawan.
“Katapusan ninyo na,” ani Francis.
Tinutok sa 'min ang mga baril nila. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ito na ba ang katapusan ko?
Ngunit bago pa nila kinalabit ang gatilyo, dumating na ang mga pulis.
“Ryuuji! Gumising ka!” Pilit kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Aika na bakas ang labis na pag-aalala.
Bakit niya pa kami tinulungan?
“Tulong! Tulungan ninyo sila!” sigaw niya.
Ilang saglit, may bumuhat na sa 'min. Nilingon ko si Aika na kausap ang pulis, pagkatapos ay ipinikit ko na ang mga mata ko.
NAGISING ako dahil sa ingay na narinig ko. Nang lingunin ko iyon, biglang may kumirot sa katawan ko.
“Ryuuji, gising ka na pala.” Lumapit sa akin si Mommy.
“Anong nangyari?”
Sumimangot si Mommy. “Hindi mo alam na halos ikamatay mo 'yan. Muntik na kayong mamatay ng mga kaibigan mo, mabuti na lang at tumawag ng tulong ang girlfriend mo,” ani Mommy.
“Girlfriend?”
“Dalawang araw ka nang tulog. Yung dalawa mong kaibigan ang unang nagising; sila ang nagsabi na girlfriend mo ang kasama ninyo. Anak, akala ko ba wala kang girlfriend? Bakit hindi mo sa akin sinabi?”
Mga g*gong iyon.
“Saan nakatira ang girlfriend mo? Gusto kong magpasalamat sa kaniya.”
“Wala po akong girlfriend, Mommy.”
“Ano, hiwalay na agad kayo? Kung sabagay, kahit ako naman makikipaghiwalay kung katulad mong barumbado ang boyfriend. Hays! Hindi ko na alam ang gagawin sa'yo.”
Ipinikit ko ang mga mata ko. Feeling ko tuloy mas lalong sumakit ang nararamdaman ko dahil sa sermon ni Mommy.
“Ryuuji, bakit hindi ka magsalita diyan?”
“Mommy, next time mo na ako sermunan. Ang sakit pa ng katawan ko.”
“Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ayaw na ayaw mong pinapagalitan ka pero sobrang tigas naman ng ulo mo!”
Si Mommy talaga, sobrang ingay kaya minsan ayokong umuwi ng mansyon dahil palagi akong may sermon kapag umuwi.
“Mom, wag ka nang maingay. Kapag magaling na ako, ipapakilala kita sa kaniya.”
“Oh, hindi pa pala kayo break. Ipakilala mo sa akin para sabihin ko diyan sa girlfriend mo na hiwalayan ka na.”
Kung maigagalaw ko lang sana ang kamay ko, tinakpan ko na ang tenga ko. Balot kasi ng benda ang kamay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko upang matulog ulit. Mas magandang matulog na lang kaysa pakinggan ang walang katapusang sermon ni Mommy.