Trip to kama ang ginawa ko nang paulit-ulit, ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ilang beses na rin akong nagtimpla ng gatas, pero wala pa ring epekto. Sinilip ko ang oras sa cellphone at nakita kong malapit nang tumunog ang alarm ko para maghanda sa pagpasok.
"Ano ba 'yan, alas-tres na. Dalawang oras na lang, tutunog na ang alarm ko."
Sinubsob ko ang unan sa mukha ko at mariin akong pumikit. Nakakainis kasi si Ryuuji; siya ang palaging laman ng isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit na nagba-flashback sa akin ang paghalik ko sa kaniya, pati na ang mga ngiti niya at ang pagiging mabait niya sa akin. Muli kong idinilat ang mga mata ko at tinaas ko ang kamay ko.
"Ilang beses niya itong hinawakan."
Ipinikit ko ang mga mata ko habang si Ryuuji ang nasa isip ko. Siguro, mas maganda nang isipin na lang siya para sakaling makatulog ako. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti na akong nakakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
"Aika! Gumising ka na!"
Nagising ako sa tawag ni Mama, pero hindi ako bumangon dahil kakatulog ko pa lang at sobrang antok pa ako. Narinig ko ang yabag ng paa ni Mama na papunta sa kwarto ko, pero hindi pa rin ako bumabangon.
"Aika, hindi ka ba naiirita sa alarm ng cellphone mo? Bumangon ka na, may pasok ka pa sa eskuwela."
"Mama, wala po kaming pasok," pagsisinungaling ko.
"Bakit wala kayong pasok? Ilang linggo pa lang mula nang magsimula ang klase, wala na agad pasok?"
"Mama, anniversary po ng school, kaya walang pasok. May celebration sa school, pero ayoko nang pumunta para lang doon. Mas gusto ko pang matulog."
"Hayss! Dapat nga nakikihalubilo ka sa mga ganyan para masanay ka na."
"Mama, matutulog na po ako. Wala pa akong tulog kasi ginawa ko 'yung project ko."
White lies naman ito, hindi naman masama.
"Okay, sige, kumain ka na lang diyan. Nagluto na ako ng almusal mo. Pupunta na ako sa palengke."
"Ingat, Ma."
Pagkatapos, muli akong natulog. Hindi naman siguro ako tatanggalan ng scholarship kung palagi akong absent.
Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng sirena ng ambulansiya. Bigla akong kinabahan dahil sobrang lapit ng tunog ng ambulansiya sa amin. Nagmadali akong nagtapis ng tuwalya at pagkatapos ay lumabas ako ng bahay. Marahil may dadalhin sa ambulansiya na malapit sa amin, o baka may nag-away sa labas at nasaktan.
Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko ang ambulansiyang nakaparada sa tapat ng aming bakuran. Napakalakas ng sirena nito, halos marinig hanggang sa kabilang barangay. Bigla akong kinabahan dahil baka si Mama ang kanilang dadalhin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa ambulansiya.
“M-Mama!” sabay bukas ko ng pintuan ng sasakyan.
“Good morning, Aika.”
“Ikaw?!”
Nakasuot ng uniporme si Ryuuji habang nakangisi sa akin. Lumabas siya at pinagmasdan ang buong paligid, parang hindi niya alintana ang malakas na tunog ng ambulansiya na dala-dala niya.
“Iskwater ba 'to?”
Gigil na gigil akong lumapit sa kanya. Imagine, nagpunta rito na may dalang ambulansiya, kung hindi ba naman sira ang tuktok. Urgh!
“Hoy! Ano bang utak ang meron ka? Bakit ka may dalang ambulansiya? Hindi mo ba alam na nakaka-perwisyo sa mga kapitbahay ang ginagawa mo?”
Umatras siya sa akin ng kaunti at nagtakip ng ilong.
“Paano ka nakakaharap sa akin na ganyan ka kadumi at kabaho?”
“Ha?” Bigla kong naalala na kagigising ko lang. “Waah!” Mabilis akong tumakbo sa loob ng bahay namin. Bakit hindi sumagi sa isip ko na wala pa akong toothbrush at hilamos? Siguradong nakita niya ang morning star ko at panis na laway ko.
“Come in, Ryuuji!” Narinig kong sigaw ni Ryuuji. Ang hudas, pumasok sa bahay namin.
“Maliligo lang ako, hintayin mo ako.”
“Sus! Nothing will change even if you take a bath.”
Ang sarap lumabas ng banyo at batuhin siya ng tabo. Nakakainis, masyado siyang hambog. Kung hindi ako nagkakamali, kamag-anak nga pala niya si Hudas.
“Bilisan mong maligo, nakakaboring dito.”
Simula nang lumaki ako, ngayon ko lang naramdaman na ma-stress habang naliligo. Hindi niya ba alam na siya ang dahilan kung bakit ako puyat at absent, tapos aasarin lang niya ako?
Pagkalipas ng kalahating oras, nakaligo at nakapagpalit na ako ng damit, habang si Ryuuji ay nasa kusina kumakain.
“Teka, kumakain?” Nagmadali akong lumapit sa kanya at inagaw ang pagkaing hinanda ni Mama para sa akin.
“Hey! Bakit mo kinuha 'yan? Nakita mong kumakain ako,” wika ni Ryuuji.
“Hoy! Pagkain ko ito, hindi pa ako kumakain.”
“Nagugutom na ako. Hindi pa rin ako kumakain dahil sa kakahintay ko sa iyo.”
Tumingin ako sa kanya. “Kakahintay sa akin?”
“Maaga akong pumasok, hindi pa ako nag-breakfast. Pagdating ko sa school, wala ka. Hinintay kita, pero hindi ka dumating kaya kinuha ko ang address mo sa office. Pinuntahan kita rito, hinintay kitang lumabas pero inabot na ako ng isang oras, walang lumalabas sa bahay ninyo, kaya nag-arkila ako ng ambulansiya para marinig mo.”
Bigla naman akong nakunsensiya sa sinabi niya. “Talaga bang ginawa mo iyon?”
“Paulit-ulit ka? Pahingi naman ako ng pagkain,”.
Inabot ko sa kanya ang ulam na niluto ni Mama para sa akin. “Hati na lang tayo sa pagkain.”
“Bibigyan naman kita, pero kinuha mo pa. Napakadamot mo talaga!” sagot ni Ryuuji
Nagsandok ako ng kanin upang kumain. “Pahingi ako ng ulam.”
“Here!” Kinuha niya ang isang hotdog at pinutol ito.
"Bakit kalahati lang ang binigay mo sa akin? Apat 'yan ah."
"Tama na 'yan sa'yo, payat ka naman."
“Ang kapal talaga ng bwisit na ito! Nakikikain na nga lang, siya pa ang madamot." Gigil na gigil akong pinagtiisan ang kalahating hotdog. Nakakabadtrip. Ako na nga ang nagtitiis sa kaunting ulam, siya naman, parang akala mo may naibigay na pambili. Letse!”
"Sino kasama mo sa bahay ng kalapati?"
Titigan ko siya ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin ko, dead on the spot na ang hudas na ito.
"Okay lang na bahay ng kalapit, at least tao ang nakatira kaysa naman sa malaking mansiyon, hudas na kagaya mo ang nakatira."
"Is that a compliment?" sabay ngiti niya.
"Pagkatapos mong kumain, puwede ka nang umalis at puwede rin namang ‘wag kang bumalik dito."
"Hindi ako aalis na hindi ka kasama."
"Bakit, dala ko ba ang mansiyon ninyo?"
"Ganyan ka ba, mainis? Cute ka pa rin."
"Tse!" Sabay iwas ko, pero ang totoo, medyo natuwa ako sa sinabi niya.
"Joke lang!" Pagkatapos, nagpatuloy siya sa pagkain.
"Mabulunan ka sanang hudas ka!"
Speaking of the devil, ayun, nabulunan nga.
"Water!"
Hindi ako sumunod sa sinabi niya, ano siya, hari? Nakikain na nga siya, inubos pa niya ang ulam ko.
"W-Water!" Tumayo si Ryuuji at kumuha ng tubig.
Tagumpay ako dahil nakaganti rin ako kahit papaano sa kaniya.
"Bakit hindi mo ako binigyan ng tubig?!" galit niyang sabi.
"Wala akong naririnig, may sinabi ka ba kanina?" alibi ko.
"Payatot ka na nga, binge ka pa!"
"Hindi mo na-appreciate ang salitang sexy, kaya ka ganyan."
Nakakainis! Sinasabi niyang payat ako, pero hindi naman ako payat—sexy lang ako. Lalo akong nainis dahil parang wala siyang naririnig. Patuloy pa rin siya sa pagkain hanggang sa naubos niya ang lahat ng ulam ko.
"Busog na ako, sobra," sabi niya habang hinihimas ang tiyan niya. Pagkatapos, tumingin siya sa akin. "Nabusog ka ba?"
"Anong klaseng tanong 'yan? Tinanong mo kung busog ako? Eh, inubos mo naman ang ulam ko!"
"Bakit? Tama lang 'yon sa'yo kasi payat at maliit ka."
"Five two ang height ko, matangkad na iyon. Isa pa, sexy ako. Inubos mo ulam ko samantalang wala ka namang ambag sa biniling ulam ni Mama."
"I see... Sige, babayaran ko ang kinain ko." Dumukot siya ng pera sa wallet niya.
"Here."
"One thousand pesos?"
Oo, bumili ka ng maraming hotdog. Kung kulang pa rin 'yan, sa hotdog ko na lang, libre pa."
"Bastos!"
Tumawa siya ng malakas. "Ang ingay-ingay mo kasi. Hindi mo ba alam na masamang mag-away sa harap ng pagkain?"
Alam ko naman 'yon, hindi ko lang talaga napigilang mainis kanina. Kapag si Ryuuji ang kasama mo, talagang maiinis ka nang husto. Pakiramdam ko tuloy, forty years old na ako.
"Busog ka na? Umuwi ka na sa inyo."
"Papasok tayo sa school."
Kumunot ang noo ko. "Absent na nga ako, ‘di ba?"
“Pinagpaalam na kita sa mga professor mo kaninang umaga na hindi ka makakapasok dahil nagtatae ka."
"Ganda naman ng dahilan mo!" inis kong sagot.
Pigil na pigil ang tawa niya. "At least pinagpaalam na kita sa kanila. Dapat nga magpasalamat ka sa akin."
Inirapan ko siya. “Tse!”
“Ang cute mo, kamukha mo si Lisa.”
“Sinong Lisa?”
“Yung aso ko na golden retriever.”
“Anong sinabi mo?!”
Tumawa siya. “Cute ka naman, tulad ng aso ko.”
“Hays! Magbibihis na ako ng school uniform!" Padabog akong bumalik sa kuwarto para magpalit.
Kuyom ang aking kamao habang nakatayo ako sa harap ng isang mataas at malaking gusali. Hinarap ko siya.
"Akala ko ba papasok tayo sa eskuwela?"
"Bigla kong naalala, sinabi ko pala sa lahat ng mga propesor mo na absent ka ngayon." Nakapamulsa pa siya habang naglalakad papasok sa malaking gusali.
"Hindi ako sasama sa'yo!"
Huminto siya at sumimangot. "Hays, kayo talagang mga babae, masyado kayong maarte."
Paglapit ko sa kanya, bigla niya akong kinarga.
"Ay! Bitawan mo nga ako!"
"Shut up! Yats!" sabi niya.
"Hindi ako si Yats. Ibaba mo ako!"
Sumakay kami ng elevator, bigla akong nahiya dahil may dalawang lalaki na nasa edad na limampu ang kasabay namin.
"Ryuuji, sino 'yang kasama mo?"
"Girlfriend ko po."
Hudas na ito, ang daming kasinungalingan.
"Ang ganda naman ng girlfriend mo, anong nangyari sa kaniya?"
"Nahilo po siya."
Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib ni Ryuuji dahil tinitingnan ako ng matanda.
"Buntis na ba ang girlfriend mo?"
"Opo, two months na."
Palihim ko siyang kinurot. "Hudas, napakasinungaling mo."
"Magandang balita 'yan! Sabihin mo sa'kin kung kailan ka ikakasal."
"Sure."
Mabuti na lang at bumukas ang elevator at nakalabas kami, kung hindi ay baka marami pa silang napag-usapan. Hindi pa rin ako ibinaba ni Ryuuji hanggang sa makapasok kami sa isang bachelor pad. Marahil sa kaniya iyon dahil alam niya ang password ng entrance door.
“Bakit mo ba ako dinala rito? At isa pa, bakit ka nagsisinungaling sa matanda?”
“Pasalamat ka nga at hindi ko sinabing asawa kita.”
“Wow! Dapat pala akong magpasalamat sa 'yo. Okay, salamat,” sarcastic kong sabi.
"Good, Yats."
"Bakit mo ba ako tinatawag na Yats? Aika ang pangalan ko."
"Yats, short for yatot," sabay tawa niya.
"Bwiset ka, Huds!"
Nagsalubong ang kilay niya. "What is the meaning of Huds?"
Ngumisi ako. "Short for Hudas."
"Damn you!" he shouted.
I smiled. "Likewise."
“Why are you two fighting? I can hear your noise even from my room,” ani Fujima.
Tumahimik ako at nakinig na lang sa kanilang dalawa.
“Why are you so quiet, Aika?” tanong ni Fujima.
"Wala naman."
"Natatakot sa'yo. Mukha raw nangangain ng tao." Ani Ryuuji.
Nakaupo si Ryuuji sa sofa habang nakataas ang mga paa.
Ngumiti si Fujima sa akin. “Don’t be afraid of me; we can be friends.” Inilahad pa niya ang kamay niya.
Tipid akong ngumiti sa kanya, at pagkatapos ay nakipagkamay ako sa kanya. “Friends.”
“Hoy! Fujima, huwag mong isama si Aika sa bilang ng mga kinain mong talaba,” wika ni Ryuuji.
"Hindi kita tatalunin; alam kong para sa'yo ang talaba niya," sagot ni Fujima.
Nakakunot ang noo ko habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Hindi ko kasi maintindihan. Napunta na kasi sa pagkain ng talaba ang usapan. Ano ba 'yon? Paborito nilang dalawa?
"Paborito ninyo ba ang talaba?" tanong ko.
Sabay silang tumingin sa akin.
Ngumiti ako sa kanila. “Masustansiya naman talaga ang talaba. Actually, paborito ko rin iyon, lalo na kapag adobo.”
Ang tagal nilang nakatingin sa akin at hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos, humalakhak sila ng malakas na halos mamatay sa kakatawa.
“Ano bang masama sa adobong talaba?”