“Anak, bilisan mong kumain. Kanina pa naghihintay ang sundo mo,” sabi ni Mama habang kumakain ako ng almusal. Hindi nagbukas ng tindahan si Mama ngayon dahil pupuntahan niya mamaya ang dati niyang kaibigan na umuwi mula sa Pilipinas.
“Wala naman akong sundo. Wala naman tayong driver, at isa pa, wala tayong kotse, Mama,” sagot ko habang lumalabi.
Hindi kasi magandang biro ang sinabi ni Mama.
Tumayo si Mama at sumilip sa bintana, pagkatapos ay muling umupo at ipinagpatuloy ang pagkain. “Hindi ba ikaw ang hinihintay ng guwapong lalaking nasa tapat ng bakuran natin?”
“Ha?” Lumabas ako upang tingnan ang tinutukoy ni Mama. Sumimangot ako nang makita kong si Rayuuji ang nasa labas. Nakasandal siya sa puting kotse niya, naka-uniporme na, at nakangiti sa akin habang kumakaway.
“Ano kaya ang ginagawa ng hudas na ito rito?”
Tumalikod ako pabalik sa kusina upang ipagpatuloy ang pagkain.
“Hindi ko makilala 'yung nasa labas, nakatalikod kasi,” pagsisinungaling ko.
“Magkapareho kayo ng tatak ng uniporme. Ikaw lang naman kasi sa lugar na ito ang nag-aaral sa Eastberg.”
“Hindi ko nakita ang uniform niya, Mama. Nakatalikod kasi.”
Narinig namin ni Mama ang kumakatok. Madiin kong pinikit ang mga mata at mahigpit na hinawakan ang tinidor ko.
Letche ka talaga, Ryuuji!
“May kumakatok, anak,” sabi ni Mama.
Tumayo siya upang tingnan kung sino ang nasa labas. Ilang saglit pa'y narinig kong kausap na ni Mama si Ryuuji, ngunit hindi pa rin ako umalis sa kinauupuan ko.
“Anak, ikaw ang hinahanap. Lumabas ka na diyan.”
“Saglit lang po, Mama, tatapusin ko lang ang kinakain ko.” Inubos ko ang pagkain ko at pagkatapos ay nag-toothbrush ako. Padabog akong lumabas ng kuwarto habang nakakunot ang noo sa inis.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at ngumiti sa akin. “Good morning, Yats!”
Pinanlakihan ko siya ng mata dahil nandoon si Mama, baka kung ano ang isipin niya.
“Bakit ganyan ang mata mo, lumalaki?” nakangisi niyang tanong.
Ang hudas na 'to—kung gaano kaganda ang itsura, siya namang hina maka-gets.
Lumapit ako sa kanya. “A-Ah, napuwing lang ako, hahaha! Ano'ng ginagawa mo rito?”
“Sino siya, anak?” tanong ni Mama habang nakatingin kay Ryuuji.
Kinuha ko ang bag ko na nasa mahabang upuang gawa sa kawayan. “Ah, Mama, si Ryuuji po, kaklase ko.”
Tumingin sa akin si Ryuuji. “Hoy! Hindi tayo—"
Agad kong tinakpan ang bibig niya. “Mama, papasok na po kami. Bye!” Hinila ko si Ryuuji palabas ng bahay.
“Bakit mo ba ako hinila? Mapupunit ang damit ko dahil sa'yo!” reklamo ni Ryuuji.
Habang palabas kami ng bahay, nakita ko ang kapitbahay namin na nakatingin sa amin. Marahil nagtataka sila kung bakit may sumundo sa akin gamit ang magarang sasakyan, at isang guwapong lalaki pa. Kung tutuusin, hindi ko naman sila masisisi dahil bihira ang ganitong sasakyan sa aming lugar.
“Bakit ka nga ba nandito?” sabay irap ko.
Nasa loob na ako ng kotse niya, siya ang nagda-drive, at katabi niya ako sa front seat.
“Wow! Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil sa 'yo ko lang ginawa 'to,” sabay iwas niya ng tingin.
Tumingin ako sa kanya. “Hindi mo naman kailangang gawin 'to.”
“Ang dami mong reklamo, Yats.”
Pinaandar niya ang kotse at umalis na kami. Mabuti na lang talaga at hindi masyadong matanong si Mama. Kung nagkataon, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
“Yats, let's have lunch together later. I'll wait for you.”
“’Wag na, mauna ka na. Marami akong gagawin mamaya.”
“Still, I’ll wait for you later.”
“Hindi ko dala ang kaldero ninyo. Kumain ka na mag-isa.”
Bigla niyang inihinto ang sasakyan at tumingin sa 'kin nang matalim. “’Wag mong ubusin ang kabaitan ko sa 'yo.”
Nag-peace sign ako sa kaniya. “Joke lang.”
“’Wag mo na akong susunduin bukas.”
He glared at me. “Don't dare me.”
Siniksik ko ang sarili ko sa gilid ng kotse niya. Galit na siya, baka itapon niya ako sa labas ng kotse.
Pagdating namin sa paaralan, para naman siyang hari na bumaba mula sa kanyang kotse. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad siya.
“Bilisan mo ang paglalakad,” sambit niya. Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa bulsa ng kanyang pantalon.
Nakikita ko ang mga estudyanteng umiiwas sa dinadaanan ni Ryuuji, habang hinahabol naman kami ng tingin ng ibang estudyante roon. Sa labas ng pintuan, hinatid niya lang ako.
“See you later.” Kumaway pa siya sa akin. Pumasok ako sa loob ng classroom, pero napansin kong hindi pa rin umaalis si Ryuuji sa labas. Hindi tuloy ako maka-focus sa lecture ng propesor namin.
“Bakit hindi pa siya umaalis?”
Nakatingin ako sa kaniya habang nakatayo siya sa pintuan at abala sa cellphone niya. Hindi naman siya sinisita ng profesor namin.
“Aika, boyfriend mo si Ryuuji?” bulong sa akin ng kaklase kong katabi sa upuan.
Ilang ulit akong umiling. “Hindi!”
“Nakakapagtaka lang na may nakakausap siyang babae mula nang mawala si Anastasha.”
“Sino si Anastasha?”
Tinakpan niya ang bibig niya at sinampal ang sarili. “Ang daldal ko talaga! Hayss! Siguradong lagot ako kay Ryuuji. Please, wag mo akong isusumbong kay Ryuuji.”
“Hindi naman kita isusumbong, pero sino si Anastasha?”
“Hayaan mo na lang na siya ang magsabi sa 'yo. Isipin mo na lang na wala kang narinig sa akin.” Hinila pa niya ang upuan ng kaunti palayo sa akin at pagkatapos ay hindi na niya ako kinausap.
Tinanaw ko si Ryuuji; hindi pa rin siya umaalis. “Sino kaya si Anastasha?”
Hindi ko alam kung paano natagalan ni Ryuuji na manatili ng ilang oras sa labas. Binigyan na nga siya ng upuan sa gilid. Napansin ko ring nakatulog na siya sa kakahintay sa akin. Para tuloy akong kinder student na hinihintay ng guardian ko.
Pagkatapos ng limang oras, lumabas na kami upang kumain ng tanghalian. Nakita ko si Ryuuji na nakatulog sa labas habang naka-de-kwatro. Yumuko ako upang magpantay kami at tinitigan ko siya, pagkatapos ay pinitik ko ang ilong niya.
“Ouch!” Bigla siyang nagising dahil sa pitik ko.
“Good afternoon.” Nakangiti pa ako sa kanya.
Para siyang bata na papungas-pungas; pagkatapos ay tumayo siya. “Tapos na ang morning class ninyo?”
Tumango ako. “Wala na kaming klase mamaya; wala yung professor namin.”
“Good, let's go!” Nauna siyang naglakad papunta sa cafeteria.
Tulad ng dati, palaging siya ang nanlilibre sa akin ng pagkain. Madalas kaming magkasabay kumain at minsan ko lang makasamang kumain ang mga kaibigan niyang sina Dan at Fujima. Hindi na rin ako naiilang sa dalawa dahil katulad din sila ni Ryuuji, mukhang nakakatakot sa unang tingin pero palabiro at makulit kapag nakakasama mo.
“Huds, may tanong ako sa ’yo, pero sana huwag kang magagalit sa ’kin.”
Huminto siya sa pagkain. “Binigyan ba kita ng karapatan para magtanong?” Huminto siya sa pagkain ng vegetable burger.
“Masama na ba magtanong sa ’yo? Bakit mo ba ako gustong kasama kung palagi mo naman akong inaaway?”
“Hindi kita gustong kasama. Ayoko lang malaman ng iba ang ginawa mo.”
Ano bang ginawa ko sa kanya? Hinalikan ko lang siya sa labi; wala pa ngang limang segundo ‘yon. Masyado naman siyang apektado; baka nga mas higit pa doon ang nagawa niya sa iba. Masyadong malaking isyu ang halik; hindi ko naman ipagsasabi.
“Kung ganoon, mula bukas, hindi na tayo magkikita. Hindi ko naman sasabihin sa iba ang ginawa ko. Isa pa, masyado ka namang apektado roon; baka nga higit pa diyan ang ginagawa mo sa mga naging girlfriend mo. Kung makapag-react ka, para bang ito na ang unang beses mong nahalikan.”
“Kaya ayoko sa mga babaeng masyadong madaldal; hindi puwedeng kumain nang walang ingay.”
“Bakit ka pala hindi pumapasok sa klase mo?”
“Wala, gusto ko lang.”
“Ano 'to? Mall araw-araw kang namamasyal.”
Tinitigan niya ako ng masama, pagkatapos ay sinubo sa akin ang malaking burger. “Shut up!”
Pinandilatan ko siya ng mata. Tapos, inalis ko ang burger at uminom ako ng juice. Kainis ang hudas na ito; pinagkasya ba naman ang burger sa bibig ko. Grrr!
“Hudas ka talaga! Muntik na akong mabilaukan. Ang sama mo talaga!”
“You deserve that; you're too noisy.”
Tumayo ako at binitbit ang gamit ko. “Uuwi na ako!” Naglakad ako palabas ng cafeteria. Nakalimang-metro na ang layo ko mula sa cafeteria, ngunit walang sumunod sa akin. Iniisip ko kasi na hahabulin ako ni Ryuuji, pero hindi pala. Kung sakali, sino ba naman ako sa kanya?
Tinuloy ko na ang pag-uwi ko ng maaga. Lumabas ako ng paaralan at naglakad papunta sa terminal ng tricycle. Habang naglalakad ako, may humintong itim na van sa harapan ko. Babaliwalain ko sana ito, pero biglang bumaba ang sakay ng van at lumapit sa akin.
Tumakbo ako at sumigaw, “Saklolo! Saklolo!”
Hinabol ako ng dalawang lalaki. Nakaramdam ako ng takot para sa aking kaligtasan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa akin. Wala pa naman gaanong tao sa lugar na iyon, kahit na katanghaliang tapat. Naabutan nila ako at pilit na sinasakay sa van. Nanlaban ako habang sumisigaw ng tulong.
“Tulong! Tulong!”
Nang nasa bukana na ang van, biglang may tumapik sa balikat ng isa sa mga lalaking pilit na sinasakay ako sa kotse.
“Ryuuji?”
Hinila ni Ryuuji ang lalaki palayo sa kotse at sinuntok ito. Nabitawan ako ng isang lalaki, kaya naman nanlaban ako sa isa pang lalaki na may hawak sa akin. Nakawala ako sa kaniya, pero hinabol niya ako. Sinipa ni Ryuuji ang lalaking humabol sa akin, at pagkatapos ay hinila niya ako palapit sa kaniya.
He was staring at me. “Run to my car!”
I nodded at him.
“Run!” he shouted.
Tumakbo ako papunta sa kotse niya na nasa likod ng van na dudukot sana sa akin. Nakasakay ako sa kotse niya, pero si Ryuuji ay kinuyog ng tatlong lalaki na sakay ng van. Pawang kasing edad lang ito ni Ryuuji, at tiyak na isa sila sa mga kaaway niya. Ang isang lalaki ay may hawak na dos-por-dos, habang ang dalawa ay wala. Sabay-sabay nilang sinugod si Ryuuji. Nasangga ni Ryuuji ang isang lalaking may hawak na dos-por-dos, pero hindi niya nasangga ang sipa at suntok ng dalawa.
“Anong gagawin ko?”
Natataranta ako sa nangyayari dahil mukhang binubugbog si Ryuuji. Magaling si Ryuuji sa suntukan, pero madaya sila dahil may dala silang kagamitan.
Lumabas ako ng kotse at tumakbo papunta sa security guard ng paaralan. Medyo malayo iyon, pero kailangan kong makapunta roon.
“Manong! Tulungan ninyo si Ryuuji! Binugbog siya ng mga lalaki!” sigaw ko.
Mabilis namang sumunod ang security guard at tumakbo kami papunta sa kinaroroonan ni Ryuuji. Kinabahan ako nang matanaw kong nakahandusay ang tatlong lalaki at maging si Ryuuji ay nakahiga na rin.
“Ryuuji!” Lumapit ako sa kanya. “Ryuuji, gumising ka!” Marahan ko pang tinapik ang pisngi ni Ryuuji, pero hindi siya nagigising. “Ryuuji!!” Umiyak ako nang sobrang lakas. Inalay ni Ryuuji ang buhay niya para sa akin. Ang hirap tanggapin.
“Ryuuji!” Palahaw kong iyak.
“Ano ba ang ingay mo naman!”
“Ryuuji?” Tumingin ako sa kaniya.
“Nagpapahinga lang ako; hindi pa ako mamatay.”
Sa sobrang tuwa ko, niyakap ko siya ng mahigpit. “Ryuuji, salamat naman at okay ka na,” umiiyak ako sa saya.
Nakatingin siya sa akin. “Huwag ka nang umiyak, okay lang ako.”
Hindi ko natupad ang sinabi niyang huwag umiyak dahil patuloy pa rin ang pag-iyak kahit na dumating na ang medic na gagamot sa kaniya. Pagkatapos kaming hingian ng statement, sinamahan ko si Ryuuji sa mansiyon nila, at doon ko nilinis ang sugat niya.
“I'm sorry, dahil sa 'kin nabugbog ka.”
“Kaya ngayon, huwag ka nang mag-walk out; dito ka lang sa tabi. Sisiguraduhin kong safe ka sa piling ko.”
Ngumiti ako. “Thank you.”
“Anong ‘thank you’? Bukas, dapat mo akong ilibre ng lunch.”
Ngumiti ako sa kanya habang nakatingin sa kanya.
“Name it,” ang pagyayabang ko.
“Good,” tipid niyang sagot.
Huli na para mapagtanto ko na magastos pala si Ryuuji sa pagkain.
Patay ang allowance.