CHAPTER 2

2098 Words
Napahigpit ako sa pagkakahawak ko sa shoulder bag ko habang naglalakad ako sa loob ng Eastberg. Sampung beses na yata akong huminga ng malalim dahil hindi ako kampante sa mga estudyanteng nakatingin sa akin. Para akong paninda sa palengke na sinusuri nang mabuti kung bulok o bago pa. Huminto ako nang may tatlong babaeng humarang sa dadaanan ko. Tumingin ako sa kanila, ngunit mukhang pinanganak yata sila sa sama ng loob dahil nakasimangot sila sa akin. “Excuse me.” Tipid akong ngumiti sa kanila. “Transferee ka?” nakataas pa ang kilay ng mistisang babae. Tumango ako. “Yes.” Nagkatinginan ang tatlo at pagkatapos ay nagngitian sila bago ako binigyan ng daan. “Thank you.” Nagpatuloy ako sa paglalakad. Habang hinahanap ko ang classroom ko, napansin kong nakasunod ang ibang estudyante sa akin. Kapag nililingon ko sila, humihinto sila at nagkukunwaring hindi ako sinusundan. Huminto ako at tumingin sa kanila. “Excuse me,” sabi ko. Tumingin sila sa akin ngunit hindi nagsalita. “Bakit ninyo ako sinusundan?” Itinuro nila ang nasa likuran ng palda ko. Kinapa ko iyon at may nakapa akong isang puting papel. “You'll die.” Tinaas ko ang papel at tinanong ang mga estudyanteng obvious naman na ako ang sinusundan. “Anong ibig sabihin nito?” Ngunit para lang akong kumakausap sa hangin dahil walang nagsalita sa kanila. “Ang weird nila.” Pailing-iling ako habang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa mahanap ko ang classroom ko. Nag-umpisa ang klase ngunit hindi katulad sa ibang school na sa tuwing unang araw ng klase, nagpapakilala ang mga estudyante. Dito, hindi nagpapakilala. Nag-attendance lang ang professor at pagkatapos binigay ang magiging lecture para bukas. Wala rin gaanong pumasok sa classroom namin. Nang sumapit ang lunch break, hindi na ako lumabas ng classroom para kumain dahil may baon naman ako. Sinarado ko na lang ang classroom at kumain mag-isa doon. “‘Wag po! Tama na.” Huminto ako sa pagsubo ng pagkain at tiningnan ang ingay sa labas. Paglabas ko, nakita ko ang isang lalaki na binu-bully ng mga estudyante doon. Tinapunan ng basura ang lalaki kaya nadumihan ang suot niyang damit. Pinagbabato siya ng kung ano-ano. Napansin ko ang kalalakihan na nakaharap dito at tuwang-tuwa sa pambubully nila samantalang ang ibang estudyante ay nagtatawanan pa. Kuyom ang kamao ko habang pinapanood sila. Hindi ko kayang panoorin na lang ang ginagawa nila. Matagal ng ipinagbabawal ang pangbu-bully, makukulong na. Ngunit bakit sa magandang school pa na ito nangyayari? “Anong ginagawa ninyo sa kaniya?” Lumapit ako sa lalaki at pilit siyang binubuhat. “‘Wag kang makialam dito, Miss,” sagot ng lalaking binu-bully, tinutulak pa niya ako para umalis. “Tutulungan kita.” “Hindi mo alam ang ginagawa mo.” “‘Wag mo na siyang pakialaman, Miss. Gusto nga niyang nahihirapan siya.” Kuyom ang kamao ko at pagkatapos ay tumayo ako at humarap sa mga lalaki. Ngunit mas nagulat ako nang makilala ko ang isa sa mga lalaking nambu-bully. “You!” sabi ng lalaking si Ryuuji. Lumapit siya sa akin at pagkatapos kinuwelyuhan ako. Umangat ang paa ko dahil sa ginawa niya. Kinagat ko ang kamay niya. “Ouch! Damn it!’ sigaw niya. “Wala kang karapatan saktan ako o kahit siya, hindi mo dapat sinasaktan.” “Hindi mo kilala ang binabangga mo!” sumenyas siya sa kasama niyang lalaki, pagkatapos ay hinawakan ang magkabila kong kamay. Tiningnan ko ang mga estudyante, nanonood lang sila sa ginagawa ng grupo ni Ryuuji. “You'll die.” Muling lumapit si Ryuuji sa akin pero bago pa siya makalapit nang sobra, sinipa ko siya sa kanyang kaselanan. “Ouch!” Lumakas ang sigaw niya dahil sa lakas ng sipa ko. Binitawan ako ng dalawang kasama niya at tinulungan si Ryuuji. “Let's go!” Lumapit ako sa lalaki at pagkatapos, umalis na kami doon. Sinabihan ko siyang magsumbong sa principal upang maparusahan ang mga iyon ngunit hindi siya pumayag. “Ano ba ang pangalan mo, Miss?” tanong sa akin ng lalaki. Nasa loob kami ng gym, sabi kasi niya doon daw ang ligtas na lugar. Ngumiti ako sa kaniya. “Aika.” Tapos, inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. “Tacky Alejandro, nursing student.” “Bakit ka pala nila binubully? Ano ang ginawa mo sa kanila?” Huminga siya ng malalim. “Scholar kasi ako ng school nila at lahat ng scholar dito binubully. Hindi mo kilala ang grupo ni Ryuuji. Sila ang kinatatakutan dito sa school. Lahat ng transferee pinagti-tripan nila. Kaya ikaw, mag-iingat ka dahil sa ginawa mo kay Ryuuji, siguradong hindi ka nila papayagang maging normal ang pagpasok mo rito.” Mapait siyang ngumiti. “Isang taon na rin akong nagtitiis sa pambubully nila.” Naawa ako kay Tacky dahil isang taon na pala siyang nagtitiis sa kamay ng mga anak ni Hudas. “Bakit hindi mo na lang iwanan ang school na ito at maghanap ng ibang school na tatanggap sa'yo? Isa pa, pwede mo silang i-demanda kasi bawal na ang pangbu-bully.” “Hindi mo talaga sila kilala. Ang magulang nila ang may malaking share dito sa school. Lalo na si Ryuuji, fifty percent ng share ay sa magulang niya kaya ang lakas ng loob nila. Hindi lang pader ang kinalaban mo, Aika.” “Anong gagawin nila sa akin? Papatayin nila? Akala ko sa mga Korean novela lang may ganyang kwento, pati pala sa totoong buhay may ganyan.” “I’m sorry, Aika. Nadamay ka pa.” “Transferee rin ako rito kaya siguro kahit hindi kita tulungan, isa rin ako sa mga bubulihin nila. Don't worry about me.” Sabay ngiti ko. “Tara na, umuwi na tayo.” “‘Wala na ba sila?” “Hindi naman sila nagtatagal dito sa school, siguradong wala na sila.” “Tara na.” Sabay kaming lumabas ng gym ni Tacky. Unang araw ko sa school at may bago akong kaibigan. Nang malapit na kami sa exit ng school, hinarang kami ng mga estudyanteng lalaki at babae. Nagkatinginan kaming dalawa ni Tacky. “Anong kailangan ninyo sa amin?” “Sila, walang kailangan pero ako, may kailangan sa 'yo, Miss Miketsukami.” Salubong ang kilay ko at kuyom ang kamao habang nakatingin kay Ryuuji na binibigyan ng daan ng mga estudyante. Masama ang tingin niya sa akin nang lumapit siya. “Ikaw at ang lalaking kasama mo ay mananagot sa akin.” “Duwag ka ba? Bakit kailangan mong gamitin ang kapangyarihan mo para manakit ng iba?” “You have no right to talk to me that way.” “Anong gagawin mo sa akin? Ipapabugbog mo sa kanilang lahat, papahirapan mo ako? Ako na lang pahirapan mo, huwag na siya.” Sabay turo ko kay Tacky. “Your wish is my command.” Tapos ngumiti siya at tumalikod. Pagkatapos, hinila nila ako palayo kay Tacky. “You're safe now,” sa isip-isip ko habang nakatingin kay Tacky. Kitang-kita ko sa mukha ni Tacky ang pag-aalala sa akin pero wala siyang magawa. Hinila ako ng mga estudyante hanggang sa masubsob ako. Pagkatapos, binuhusan ako ng pulang pintura at tinapunan ng basura. Halos mabingi ako sa tawanan nilang lahat habang ang mga anak ni Hudas pinapanood akong pinapahirapan. Gigil na gigil ako habang nakatingin kay Ryuuji na tawa nang tawa. Ngunit wala akong lakas para tumayo dahil sinisipa nila ako. Hanggang sa hindi ko na magawang bumangon. Yumuko si Ryuuji at pang-asar na ngumiti. “See you again tomorrow, Miss Miketsukami.” “Hudas!” Isa-isa na silang nagsi-alisan lahat pagkatapos tumayo ako at pumunta sa female comfort room upang linisin ang sarili ko. Kahit anong gawin ko, hindi na maalis ang stain ng puti kong damit. Kung araw-araw ganito ang damit, magagalit sa akin si Mama. "May araw din kayo sa akin," sabi ko habang nakatingin ako sa salamin. Pumunta ako sa locker area upang kumuha ng damit ko. Mabuti na lang at dinala ko na ang P.E. uniform ko. Nang makapagpalit ako ng damit, naglakad na ako palabas ng school. Ala-singko ng hapon iyon at wala ng mga estudyante doon. Habang naglalakad ako, biglang may humintong kotse sa harapan ko. Tumakbo ako nang makilala ko ang sasakyan na iyon, pero hinabol nila ako hanggang sa mahuli nila ako at ipasok sa loob ng sasakyan. “Anong kailangan mo sa akin!” sigaw ko. “Sa tingin mo sapat na ang ginawa sa ‘yo kanina sa ginawa mong pambabastos sa akin?” “Ryuuji, ano bang gagawin natin sa kaniya?” tanong ng isang lalaking kasama niya. Ngumisi si Ryuuji, pagkatapos ay naglabas ng baril at tumingin sa akin. Doon ako nakaramdam ng takot. Nanlambot ang tuhod ko at halos mautal ako sa sobrang takot. Hindi ko lubos maisip na hahantong ang pambu-bully nila sa akin sa kamatayan ko. “A-anong gagawin mo sa akin?” nauutal kong tanong. Parang demonyo siyang tumingin sa akin. “Ano pa ba ang ginagawa sa babaing kumakalaban sa akin?” sabay tawa niya. Tumawa ng malakas ang mga kaibigan niya. “‘Wag kang matakot, hindi ka namin pahihirapan.” “Mga Hudas! Saklolo! Saklolo!” sigaw ko nang malakas habang nasa loob ako ng sasakyan. “Tumigil ka!” sigaw ni Ryuuji at tinutok sa ulo ko ang baril. “W-Wag! W-wag ninyo akong sasaktan.” Nagsama-sama na yata ang sipon at luha ko dahil sa pakiusap sa kanila. Hindi ko lubos maisip na kaya nilang manakit ng iba. “Kasalanan mo, kinalaban mo ako. Una, binasag mo ang salamin ng kotse ko, at pangalawa, muntik mo nang basagin ang kaligayahan ko,” ani Ryuuji. “H-Hindi ko iyon sinasadya. Patawarin mo ako—Ayy!” sigaw ko nang bigla silang mag-preno. “Ang grupo nila Francis,” sabi ng kaibigan ni Ryuuji. “Naghahanap ng sakit ng katawan.” Isa-isa silang bumaba ng kotse. Susunod sana ako sa kanila para lumabas ngunit hinarangan ako ni Ryuuji. “‘Wag na ‘wag kang lalabas ng kotse kahit anong mangyari,” utos niya. Pagkatapos, sinarado niya ang kotse. Nakita ko silang pinalibutan ng higit sa sampung kalalakihan, may mga motor na dala ang iba. Pagkatapos, nakipagsuntukan silang tatlo. Kitang-kita ko kung paano sila hampasin ng baseball bat. “A-Anong gagawin ko?” Kung hindi ako kikilos dito, baka mamatay ang tatlo. Sa sitwasyon nila, hindi sila mananalo. Aksidenteng napatingin ang kalaban nilang lalaki at lumapit sa kotse. Pilit niyang binubuksan ang kotse. Sumigaw ako sa takot at pilit na pinipigilan na buksan ang kotse. Nakita ko si Ryuuji na lumapit at hinila ito palayo sa kotse at sinuntok niya ito. Ngunit dahil marami sila, nabugbog pa rin siya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang numero ng mga pulis. “Hello, tulungan ninyo kami. Nasa panganib po kami.” “Nasaan kayo, miss? ‘Wag kang mataranta.” “H-hindi ko po alam kung nasaan kami. Ang alam ko lang, ‘pag hindi kayo agad makarating, hindi ninyo na kami aabuting buhay.” “Miss, buksan mo ang GPS ng cellphone mo. Tatawag kami ulit sa'yo pagkatapos makinig ka sa sasabihin namin.” Sunod-sunod ang pagtango ko at pagkatapos ay tumawag sila ulit sa akin. Nanatiling naka-connect ang tawag ko sa kanila upang malaman nila kung nasaan ako. “Gosh!” Nakita kong tinutukan ng baril ang tatlo. “Beep! Beep!” Ilang beses kong pinapatunog ang kotse ni Ryuuji. Hindi ko iyon tinigilan upang makatawag ng atensiyon. Lalapit sana ang mga kalalakihan sa akin nang dumating ang mga tinawag kong pulis. Nagsitakbuhan sila, ngunit ang iba sa kanila ay nahuli. Agad akong lumabas ng kotse at lumapit kay Ryuuji at sa mga kaibigan nito. “Tulong! Tulungan ninyo po sila!” Agad namang rumisponde ang mga pulis at pagkatapos ay dumating ang rescue. Sumama ako sa pulisya upang magbigay ng statement. Pagkatapos, umuwi na rin ako ng bahay. "Anong nangyari sa 'yo, anak?” Bakas sa mukha ni Mama ang pag-aalala sa akin nang makita niya ako. “Mama, pagod po ako. Bukas ninyo na ako kausapin.” Dire-diretso akong pumasok sa kwarto. “Kumain ka muna, anak. Paghahandaan kita ng pagkain.” “Matutulog na po ako, Mama. Bukas na lang.” Umupo ako sa gilid ng kama at pagkatapos ay umiyak nang umiyak. Isang araw pa lang akong pumapasok sa school pero ang dami ko nang naranasan. Hindi ko lubos maisip na madadawit ako sa ganoong gulo. “Hindi na ako babalik Eastberg University.” Bago ako matulog, buo na ang pasya ko na hinding-hindi na ako babalik sa impyerno na school na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD