Chapter 04
Series 1: Tadeus Han
ALAS-OTSO ng umaga nang makababa ang private plane na sinasakyan ni Tad sa paliparan ng KIA, nag-aayos na si Tad sa pagbaba niya sa private plane matapos siyang sabihan ng flight attendant na pwede na silang bumaba nang makita niya si Shin na hindi parin kumikilos sa kinauupuan nito at nakapikit parin habang suot-suot ang headset ng kinauupuan nito.
Nilapitan ito ni Tad at tinapik ang balikat nito na dahan-dahan nitong ikinamulat at ikinalingon nito sa kaniya.
“Nasa pilipinas na tayo, pwede na tayong bumaba.”ani ni Tad dito na ikinaalis nito sa headset na gamit nito.
“Nasa pilipinas na tayo? Makikita ko na ang ate ko?”
“Paano mo makikita ang ate mo dito? Alam mob a kung saan siya nakatira?”tanong ni Tad dito na ikinatayo nito sa kinauupuan nito.
“Sigurado ako na inaantay na ako ni ate sa labas ng airport na ‘to, salamat sa pag-sama sa akin.”ani ni Shin bago ito naunang naglakad palabas ng private plane na ikinakunot ng noo ni Tad.
“Paano niya nasabi na naghihintay na ang ate niya sa labas ng KIA? Did he contact his ate while I’m sleeping?”naguguluhang tanong ni Tad sa kaniyang sarili na naiiling na ikinalakad nalang niya palabas ng plane.
Binati pa siya ng mga staff ni Balance nang makababa na siya ng eroplano na ikinapagpasalamat niya sa mga ito. Sinabi nang mga ito na nasa opisina ngayon si Balance kaya naisipan ni Tad na daanan muna ito bago dumaretso sa ospital niya bago siya magpahinga ng bahagya at dumaretso sa barn ni Yo na pagkikitaan nila para sa pag-uusap nila para sa update ng misyon nilang paghahanap kay Roberto Palerma.
Nang makalabas na si Tad sa departure area at akmang aakyat na siya ng escalator para akyatin ang opisina ni Balance ng matigilan siya ng may humawak sa kaniyang likuran na pagtingin niya ay Shin na kaniyang tinulungan.
“Oh? Akala ko ba naghihintay sayo ang ate mo? Bakit narit---“
“So ikaw ang tumulong kay Shin sa pagpunta dito?”
Agad na napalingon si Tad sa magandang babaeng nasa likuran ni Shin na bahagyang ikinagulat niya dahil ito ang babaeng gumugulo sa sistema niya simula ng makita niya ito sa bar ni Ford.
“I-ikaw ang ate niy—“
“Bakit mo siya isinama dito? You should leave him alone in Paris.”masungit na sita sa kaniya nito na ikinasalubong ng dalawang kilay ni Tad.
“Excuse me? Sinesermunan mo ba ako dahil sinama ko ang kapatid mo na gusto kang makita?”
“Why? Should I thank you for bringing him here?”balik tanong na singhal nito kay Tad na hindi makapaniwalang ikinatitig ni Tad sa magandang babae.
“Hindi ko naman sinabi na mag thank you ka, ang kapatid mo ang humingi ng tulong para masundan ka dito, I just help. Now, kung manenermon ka, diyan mo sa kapatid mo ibunton huwag sa akin.”ani ni Tad na ikinabaling niya ng tingin kay Shin.
“Thank you Manong.”
“Sana ‘yang ate mo marunong din magpasalamat. And stop calling me Manong, bata pa ako para sa tawag mo sa akin.”pahayag na sagot ni Tad dito bago ito sumakay na sa escalator at pinigilan ang sariling lingunin ang magandang babae na kahit sinungitan siya ay hindi niya magawang ma turn off dito na ikinakailing nalang niya sa kaniyang sarili.
Naguguluhan si Tad sa kaniyang sarili kung bakit iba ang nararamdaman niya sa magandang DJ ni Ford, parang may kung anong humihila sa kaniya para sa dalaga pero sinusungitan lanng siya nito pag lumalapit siya. Mailap ang dalag sa kaniya pero may part kay Tad na gusto talaga nitong malaman ang pangalan nito nang hindi nagtatanong kay Ford. Ayaw munang isipin ni Tad na ito ang babaeng bibihag sa puso, maaring nagkaka-interes siya dito pero ayaw muna niyang isipin na ang pagka interes niya sa dalaga ay katulad kung paano nagka interes ang ibang Phantoms sa mga babaeng nakilala ng mga ito.
Napabuntong hininga nalang si Tad at napapailing hanggang sa makaalis na siya ng escalator at naglakad na papunta sa opisina ni Balance. Pagkarating niya sa tapat ng pintuan nito ay agad siyang kumatok dito bago niya buksan ang pintuan kung saan nakita niya agad si Balance na may kausap sa cellphone nito na napalingon sa kaniya. Tahimik na naglakad si Tad papunta sa upuan sa harapan ng mesa ni Balance habang nagpapaalam na ito sa kausap nito sa cellphone.
“Just give them what the family needs, and tell them my condolences.”rinig ni Tad na sambit ni Balance na sa tingin niya ay tungkol sa namatay nitong pilot ang tinutukoy nito.
“You believed that your pilot poisoned himself?”tanong agad ni Tad matapos maibaba ni Balance ang cellphone nito na buntong hiningang ikinasandal ni Balance.
“I don’t know, wala akong maisip na dahilan para magpakamatay si Clark. As far as I know, okay naman sila ng pamilya niya. I lost one of a good pilot in my airport.”ani ni Balance.
“Why don’t you investigate it para malaman kung nagpakamatay talaga siya, siguro naman may cctv ang airport mo sa Paris dahil isa sa comfort room mo nakita ang walang buhay niyang katawan.”suhestiyon na pahayag ni Tad.
“I did that, at wala naman silang nakita sa cctv maliban kay Clark na nahihirapan nang makahinga dahil sa pagkaka-inom nito ng lason. In that footage we get, it looks like he really poison himself.”
Hindi nakapagsalita si Tad sa sinabi ni Balance, pakiramdam niya may hindi tama. Pero alam niyang wala naman silang magagawa ni Balance dahil tulad ng sabi nito, walang ibang nakuhanan sa CCTv kundi ang nangyayaring epekto ng lason na ininom ng piloto ni Balance.
“Bakit ka pala dumaan sa opisina ko?” pag-iibang tanong ni Balance na bahagyang ikinangiti ni Tad.
“Sumilip lang naman ako bago dumaretso sa ospital ko, teka nga pala. Anong oras ka pupunta sa barn ni Ringfer?”
“After my duties here, mukhang may nakita na sina Ringfer sa misyon na dapat nating mahanap at madala kay Taz. Alam mo naman si Ignacio, nagmamadali ang gago na ‘yun dahil hindi parin tanggap ang pagkaka ban natin sa US.”ngiting ani ni Balance.
“Ikaw ba Kiosk? Hindi ka ba nagtataka sa biglang pag ban ng head founder sa Phantoms?”tanong ni Tad na ngiting ikinailing ni Balance.
“Ayokong isipin ang dahilan ni Valdemor sa pagban sa atin, nakakasakit sa ulo ang mag overthink. Isa pa, Taz allowed it, so wala tayong magagawa kung kahit ang lider natin ay pumayag sa gusto ni Valdemor. Kamusta pala ang lakad mo sa Paris? Any news?”pag-iiba naman ni Balance sa usapan nila na bahagyang ikinaingos ni Tad.
“Zero! Wala man lang akong nakitang clue sa pwedeng tumukoy sa nagbabal ubusin ang mga doctor ko. Tangna, ang linis pumatay ng kung sinoman ang umuubos sa mga doctor ko. I lost three doctor in Paris last night, at wala akong magawa para mahanap ang tangnang killer na ‘yun.”paglalabas ng hinaing ni Tad kay Balance.
“Bakit hindi ka pa humingi ng tulong kay Ringfer?”
“This is not the good timing for that, besides, gusto kong mahuli ang taong ‘yun nang sa sarili kong kakayanan. Tsaka na ako hihingi ng tulong kay Ringfer pag kailangan na kailangan ko talaga.”ani ni Tad na ikinatango ni Balance sa kaniya nang tumayo na siya sa kinauupuan niya.
“Paano ba ‘yan, sinilip lang kita para magpasalamat sa free plane mo kahit wala akong nakuhang refund.”ani ni tad na bahagyang ikinatawa ni Balance dahil may halong reklamo ang pasasamat nito na ikinatayo nito sa kinauupuan nito.
“You’re welcome, Han. Just don’t use my plane again in doing your charity works by helping a lost boy, he has no passport and visa so that kid might get deport here if DFA (Department of Foreign Affairs) finds out about that boy that you helped.”pahayag ni Balance kay Tad.
“Hindi ko na problema ‘yun, tumulong lang naman ako.”sambit ni Tad na hindi na nagawang tanungin ni Balance tungkol pa sa naitawag sa kaniyang isinama ni Tad sa pagbalik sa pilipinas dahil dere-deretsong lumabas ng opisina niya si Tad.
Dere-deretsong umalis si Tad hanggang sa makalabas na siya ng KIA at puntahan ang kotse niya na ipinarada niya sa VIP parking lot ng airport ni Balance. Malapit na siya sa kotse niya nang matigilan siya at mapakunot ang kaniyang noo nang makita niya si Shin na namamangha sa magandang kotse na sinusuri nito, na agad niyang ikinalakad palapit dito.
“Shin?”tawag niya dito na ikinalingon nito sa kaniya.
“Manong!”ani nito na bahagyang ikinangiwi ni Tad dahil sa pagtawag nito sa kaniya na manong na sa tingin niya ay kahit pagsabihan niya ay ‘yun at ‘yun parin ang itatawag sa kaniya.
“What are you doing here?”tanong ni Tad dito na ikinalingon nito sa kabuuan ng parking lot at hinahanap ng kaniyang mga mata ang ate nito.
“Wala si ate, iniwan na ako dito at sinabing kung gusto kong mag stay dito sa pilipinas, sa nagdala daw sa akin dito ako mag stay.”ani ni Shin na gulat na ikinalingon ni Tad dito.
“Ano?!”
“Sa hotel lang daw siya tumutuloy at mapapamahal daw siya ng bayad kung sa kaniya ako tutuloy, eh ayoko naman umalis agad dito.”paliwanag nito sa kaniya na hindi mapaniwalaan ni Tad sa ginawa ng ate nito kay Shin.
“Sigurado ka bang ate mo ang masungit na ‘yun? She really leave you behind here?”ani niyang tanong kay Shin na ikinatango nito.
“She’s not here, right? Ang cool ng ate ko nuh?”ngiting saad ni Shin kay Tad.
“You call your ate that cool eh iniwan ka nga dito at hindi sinama matapos mong mag effort na pumunta dito sa pinas? So anong gusto ng ate mo, kupkupin kita?”pahayag ni Tad na ikinatango ni Shin sa kaniya.
“Mukhang magkakilala naman kayo ni ate kaya pinagkakatiwala niya ako sayo.”
“Kilala? Eh hindi ko nga alam ang pangalan ng ate m—“
“Gusto mo sabihin ko sayo?”ngiting ani ni Shin na sandaling ikinatahimik ni Tad sa kinatatayuan niya na napansin ni Shin.
“Eh? Crush mo ate ko nuh?”ngising kumento ni Shin sa kaniya na hindi magawang itanggi ni Tad ng akbayan siya ni Shin na ikinalingon niya dito.
“Papayag ako na crush lang ah, pero more on that huwag mo ng laliman, mamatay ka lang.”ani ni Shin na ikinakunot ng noo ni Tad.
“Huh? Bakit?”
“Where do you live manong? Tsaka alin dito ang sasakyan mo?”pag-iibang tanong ni Shin kay Tad na ikinaturo niya sa kotseng tinitingnan ni Shin kanina na ikinamangha ng reaksyon nito at agad ikinalapit sa kotse ni Tad.
“Sayo ang Tesla Model X Plaid na ‘to? Wow, astig?! Mayaman ka ba manong?”sunod-sunod na tanong ni Tad na ikinalakad niya palapit kay Shin.
“Yeah, I’m fvcking rich that you can ever imagine man, I own the biggest Ho—“
Hindi natuloy ni Tad ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone niya na nasa pants niya na ikina gesture niya kay Shin bago niya kinuha ang cellphone niya at sinagot ang tumatawag sa kaniya.
“Why? Kakabalik ko lang ng pilipinas, don’t tell me may bago na namang pin---“
(Boss, the CEO of Light View Holdings Landscaping company needs your help. Kakadala lang nila sa anak niyang babae at gusto niyang kayo ang mag opera sa anak nito.)
“Aish! I’m coming, habang papunta ako do something that will lessen the condition of his daughter.”bilin ni Tad sa staff secretary niya na ikinabalik niya ng tingin kay Shin.
“I have an emergency that I need to do, hindi kit---“
“Isama mo ako, wala akong ibang mapupuntahan dito besides manong, ikaw lang ang kilala ko dito. Knowing of my ate, papatayin niya ako pag nakita niya akong tumuntong ng hotel na tinutuluyan niya.”ani ni Shin na hindi mapaniwalaang ikinatitig ni Tad dito.
“Seryoso ka ba? Bakit ka naman papatayin ng kapatid mo dahil lang pinuntahan mo siya sa tinutuluyan niya? Aish! Bakit parang nagkaroon ako ng alagain?”pahayag ni Tad habang nakatingin siya kay Shin.
“I’ll take you but after the things I should do, ako ang maghahatid sayo sa tinutuluyang hotel ng ate mo.”
“Hindi ka ba natatakot sa ate ko?”tanong ni Shin sa kaniya.
“Bakit naman ako matatakot sa ate mo? Masungit siya pero anong nakakatakot dun?”ani ni Tad na ikinatapik ni Tad sa balikat ni Shin.
“Sumakay ka na, nagmamadali ako.”ani ni Tad na nauna nang buksan ang pintuan ng kotse nito na ngiting ikinasunod ni Shin na sumakay sa tabi niya.
“Manong, gusto na kita.”malawak na ngiting ani ni Shin na ikinalingon ni Tad dito matapos nitong paandarin ang makina ng kotse nito.
“Huh? Nabakla ka na ba sa akin Shin?”
“I’m a man manong don’t worry, I mean gusto kita bilang kaibigan. Pag may gustong manakit sayo, akong bahala sa kanila.”pahayag ni Shin sa kaniya na ikinailing nalang ni Tad dahil sa tingin niya sa kasama niya ay siya pa ang magpoprotekta dito.
“Do what you want pero ihahatid parin kita sa kapatid mo.”pahayag ni Tad bago niya pinaandar ang kotse niya ng mabilis upang makarating agad siya sa ospital niya.
Kalahating oras ang nakalipas sa naging biyahe ni Tad ng makarating na siya sa malawak na parking lot ng kaniyang ospital na ikinatitig ni Shin dito. Biglang sumeryoso ang mukha nito at nilingon si Tad na kakatanggal lang ng seatbelt nito.
“Stay here okay? Don’t leav---“
“Dito ang emergency na sinasabi mo? You’re working here?”seryosong tanong ni Shin ay Tad na napalingon sa kaniya dahil sa naramdaman nitong kaseryosohan sa boses ni Shin.
“Yes, why?”
“Isa kang doktor?”seryoso pang tanong ni Shin sa kaniya na bahagyang ikinakunot ng noo ni Tad.
“Yeah, why? Alam kong pang artista o model ang kagwapuhan ng mukha ko pero mas trip kong maging doktor kaysa maging sikat. Dito ka lang, okay?”ani ni Tad na lumabas na ng kotse niya at mabilis na kilos ang takbo na ginawa nito hanggang sa makapasok ito sa ospital niya na agad ikinasalubong ng isa niyang nurse na dala-dala ang lab coat niya dahil naradyo na ng guard ang pagdating niya.
“Nasa ICU na ba ang pasyente?”tanong ni Tad habang sinusuot nito ang lab coat niya na ikinatango ng nurse na kasabay niya sa paglalakad papuntang ICU.
“Yes po Doc Han, nasa tapat narin po ng ICU ang ama ng batang pasyente.”
“What is the condition of the patient?”
“She had an impaled stomach, nahilo daw ang babae na nasa terrace ng bahay nila sa second floor she fell on the ground and she impaled herself on a steel rod.”paliwanag ng nurse sa kaniya na mas ikinabilis niya ng takabo papuntang ICU.
Nang makarating siya sa ICU ay naroon ang ama ng pasyente na naghihintay sa kaniya, sinalubong siya ng nag-aalalang CEO ng kilalang landscaping company pero natigilan lang ito ng lampasan ito ni Tad at deretso itong pumasok sa loob. Hindi muna pumasok si Tad sa pinaka loob ng operating room dahil nagderetso siya sa isang kwarto kung saan nagpalit agad siya ng damit niya pang operation at naglinis siya ng kaniyang mga kamay na nakataas na.
Pagkalabas niya sa kwarto at naka-ayos na siya, ay nagderetso na siya ng pasok sa operating room kung saan nagtinginan sa kaniya ang mga nurses at doctor na nasa loob kung saan agad na lumapit sa kaniya ang isang nurse at sinuotan siya ng gloves sa parehas niyang kamay.
“Doc. Han, her blood pressure and heart beat are decreasing.”ani ng isang doctor na naroon.
“You brought her here in the ICU pero hindi niyo parin siya tinitingnan?”tanong ni Tad na hindi ikinaimik ng mga doctor na nasa loob.
“Ang s-sabi po kasi ng kaniyang ama ay huwag namin siyang galawin dahil gusto niyang kayo po ang mag ope---“
“Damn it! Paano kung mamatay ang pasyente habang hinihintay niyo ako?! I told you in the phone to fvcking lessen the condition of the patient yet, you just fvcking stand here and waiting for me to come over?!”galit na bulyaw ni Tad sa mga doctor niya na agad niyang ikinalapit sa pasyente na agad ikinahawi ng mga doctor para bigyan siya ng daan.
Agad na isinuksok ni Tad ang kaniyang dalawang daliri niya, ang point finger at middle finger niya upang i-check ang loob ng katawan ng dalagang natuhog ng steel rod na bahagyang ikinahinga ni Tad nang masiguro na niya ang kalagayan ng pasyente.
“No organ damage, the main blood vessel is intact. The rod went 10cm deep and penetrating the stomach lining. Let’s stitch her up, and sterilize the wound. Kung walang naapektuhan na kahit anong organ sa katawan niya, she’ll be fine.”paliwanag ni Tad na agad ikinalapag ng nurse ang suturing kit na gagamitin ni Tad sa pagtatahi nito ng sugat ng babae.
Nasa tabi na ni Tad ang needle holder, toothed forceps, a hook to handle tissue, a fine suturing scissor that Tad will use in stitching the wound of his patient.
Gusto niyang sermunan ang mga doctor niya pero mas gustong singhalan ni Tad ang ama ng pasyente niya pero inuna niya muna ang kalagayan ng anak nito. Nang matahi na ni Tad ang sugat ng babae ay naging stable na ang heart rate ng babae, kaya alam nilang ligtas na ang buhay nito na ikinalingon ni Tad sa mga doctor na kasama niya sa loob ng ICU.
“She needs blood, maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya Salinan niyo agad siya ng dugo. Check her time to time and next time, pag may ganitong pangyayari huwag niyong susundin ang kung anong gusto ng mga kasama ng mga pasyente na dinadala nila dito. Do your fvcking job, and don’t fvcking wait for me dahil doktor din naman kayo! This woman almost lost her life dahil sinunod nyo ang kagustuhan ng ama niya, hindi niyo ba naisip ‘yun ha?! Pasalamat kayo dahil walang malalang injure na natamo ang internal organs niya, next time na maulit ‘to, I won’t hesitate to fire all of you.”seryosong sermon ni Tad sa mga doctor niya bago siya lumabas ng OR na pagkalabas niya ay ikinabuga niya sa inis na nararamdaman niya.
Seryoso ang mukhang hinubad ni Tad ang gloves na suot niya at itinapon ‘yun sa trashcan na para sa mga used gloves nila bago siya naglakad palabas ng ICU. Pagkalabas niya ay inalis niya ang kaniyang surgical mask at cap nang makita niya ang paglapit ng ama ng babaeng pasyente na nasa loob ng ICU.
“Doc Han, kamusta ang anak ko? I know magiging okay na ang anak ko dahil dumating na kayo at kayo ang nag-ope---“
Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin niya ng malakas siyang nakatanggap ng suntok kay Tad na bagsak na ikinaupo nito sa sahig at gulat na ikinabaling nito kay Tad.
“Why did you punch me?!”sigaw nito kay Tad na seryoso lang na ikinatitig ni Tad dito.
“Why did I fvcking punch you? Your daughter is on the verge of death but you don't want her to be treated by another doctor here?! What if it took me a while to get here?! Your daughter could fvcking die?!”galit na sigaw ni Tad dito.
"I can sue you for punching me, Doc Han?! Masisira ang reputasyon ng ospital mo!"galit na singhal nito kayy Tad na ikinangisi lang ni tad dito.
"Then sue me if you want, hindi kita pipigilan. But, I'll make sure na mapapahiya ka lang, you don't know me at all dahil ang alam niyo lang ang magaling akong doktor na akala niyo kaya ko ang lahat! Fvcking sue me i don't fvcking care at all."pahayag ni Tad dito na ikinawalan na nito ng imik.
“Hindi lang ako ang magaling na doctor dito, Mr. Katipunan, may mga doktor akong kayang gamutin at iligtas ang buhay ng anak niyo. I can check her condition naman after my doctor’s operate her but you gave them an order to not do anything about your daughter’s condition.”pahayag pa ni Tad na hindi na magawang ikaimik ng lalaki sa kaniya.
“She’s safe already, pero kung nahuli ako ng dating baka wala ka ng anak ngayon dahil sa tangnang kagustuhan mo na ako ang mag-opera sa anak mo.”pahayag pa ni Tad na ikinaiwan niya na dito habang mahina siyang napapamura.
Ang ganung sitwasyon ang minsan na pinoproblema ni Tad sa ospital niya, karamihan sa mga mayayaman na tao na napunta sa ospital niya ay siya ang gustong humawak sa mga kalagayan nila.
“Bakit pa ako naghi-hire ng mga doctor sa ospital ko kung ako lang at ako lang din pala ang gusto nilang gumamot sa mga anak nila?! Damn them!”naiinis na ani ni Tad na deretso niyang ikinapunta sa opisina niya para bahagyang magpahinga ng pagpasok niya sa loob ay bahagya siyang nagulat ng makita si Shin na nakaupo na sa may mahabang sofa sa opisina niya.
“Shin? Anong ginagawa mo dito? I told you to wait for me in the car, right?”nagtatakang tanong ni tad dito.
“Nakakainip sa kotse mo, tsaka sabi ng secretary mo nasa operating room ka kaya dito nalang niya ako dinala para hintayin ka. Sabi ko sa kaniya pinsan mo ako kaya pinapasok niya agad ako dito.”pahayag ni Shin sa kaniya na bahagyang ikinabuga ng hangin ni Tad dahil nagsinungaling na naman ito magawa lang ang gusto nito.
“I’m done in my operation, pwede na kitang ihatid sa tinutuluyang hotel ng kapatid mo.”ani ni Tad na ikinatayo ni Shin sa kinauupuan nito at lumapit sa kaniya.
“Ayoko kay ate mag-stay, gusto ko sayo.”pahayag na desisyon ni Shin na ikinatitig ni Tad dito dahil nakikita niya sa mga mata ni Shin na sigurado ito sa mga sinabi nito na gusto nitong sa kaniya tumuloy.