Prologue
Prologue
Series 11: Tadeus Han
Sa isang operating theater ng Baek Hyeon International Hospital kung saan may nagaganap na isang surgery, sa isang transparent room na makikita sa bandang itaas ng operating theater ay may mga nanonood na ilang doctors sa nangyayaring operasyon. Lahat sila ay tutok at seryosong pinapanuod ang pag-oopera ng mga doctor na nasa ibaba na pinangungunahan ng kanilang Chief Director at may ari ng Baek Hyeon International Hospital. Isa siya sa pinakamagaling at pinagkakatiwalaang doctor, marami ng naitayong branches ang BHIH sa iba’t-ibang bansa na talagang dinadayo pa sila ng mga banyaga upang personal na makapagpa-check-up kay Doctor Han Baek Hyeon o mas kilala sa pangalang Oscar Han, isang American-korean doctor na dalawang taon ng residente ng pilipinas dahil sa Filipina na minahal at napangasawa nito, na ngayon ay kasama ng mga doctors sa transparent room na humahangang pinapanuod ang asawa sa operasyon na ginagawa nito, habang hawak-hawak niya ang kanilang nag-iisang anak na nagniningning ang mga mata sa ginagawa ng kaniyang ama.
“appaga neomu meos-iss-eoss-eoyo! (Dad was so cool!)” humahangang bulaslas ng pitong taong gulang nilang anak na lalaki na malawak ang ngiting humarap sa kaniyang ina at yumakap sa may binti nito na ngiting ikinalingon ng kaniyang ina sa kaniya.
“eomma! naneun keoseo appacheoleom doegosipda. (Mom! I want to be like my dad when I grow up.)”sambit nito na bahagyang ikinayuko ng kaniyang ina upang mapantayan siya sa pagkakatayo niya habang hinahaplos ang buhok nito.
“Kung sa paglaki mo ay gusto mong maging katulad ng iyong ama, susuportahan ka namin, but first, you need to get used yourself in speaking tagalog.”sambit niya sa kaniyang anak na bahagya nitong ikinanguso.
Limang taon sila namalagi sa Korea habang pinapalago ng kaniyang asawa ang ospital na iniwan din ng mga magulang nito, at dahil sa tiyaga ng kaniyang asawa ay nakapatayo na siya ng mga branches sa iba’t-ibang lugar at nagpasyang manirahan sa pilipinas. Dalawang taon palang sila na namamalagi sa pilipinas at nagkikita nilang nag-aadjust pa ang kanilang anak kahit lagi naman niya itong tinuturuan ng salitang tagalog.
“May usapan tayong dalawa diba, na tagalog ang gagamitin mong language and not Korean?”
“I’m sorry eomma, promise tagalog na po ang gagamitin ko.”saad ng kaniyang anak na matamis na ngiting ikinahaplos niya sa pisngi ng kaniyang anak nang marinig nilang magpalakpakan ang mga kasama nilang mga doctor. Sabay silang mag-ina na napalingon sa may operating theater kung saan natapos na ang operasyon na makikita nilang nagtagumpay.
“appaga neomu johasseoyo—ang galing ni appa. (Daddy was so good-)”natutuwang pahayag ng batang lalaki na ngiting ikinagulo ng kaniyang ina sa buhok niya habang sa kaniyang ama nakatutok ang mga mata niyang nagniningning sa paghanga para dito.
Hinawakan siya ng kaniyang ina sa kaniyang kaliwang kamay na ikinalingon niya dito.
“Tara at salubungin natin ang ‘yung ama.”ngiting ani ng kaniyang ina na akmang lalabas na sila sa transparent room na kinalalagyan nila ng lahat sila ay matigilan ng makarinig sila ng isang flat tone mula sa operating room kung saan biglang bumaba ang pulse rate at heart beat ng pasyente na inoperahan ng mga ito.
“What’s happening?!”tarantang tanong ng mga doctor na kasama nila sa transparent room kung saan nag-aalalang ikinalingon ng ina ng bata sa may operating theater.
“My love…”sambit ng ina ng batang lalaki na naguguluhang ikinalingon nito sa kaniyang ina bago binalik ang tingin sa loob ng operating theater kung saan nakita niyang nagkakagulo ang mga doctor sa loob kasama ang kaniyang ama, na bahagyang ikinatagilid ng kaniyang ulunan dahil naguguluhan siya sa nangyayari.
Walang maunawaan ang batang lalaki sa nangyayari hanggang sa napalingon siya sa kaniyang ina na pabagsak na napaupo sa sahig na ikinalingon niya dito sa nagtatakang tingin.
“eomma?”tawag niya sa kaniyang ina na pinilit ang sarili na tumayo bago siya hinawakan sa kaniyang kaliwang kamay at hinila siya palabas ng transparent room.
Hila-hila lang siya ng kaniyang ina na ikinalingon niya sa kanilang likuran kung saan kasunod na nila ang mga doctor na kasama nila sa may transparent room kanina. At dahil bata lang siya ay wala siyang maunawaan sa nangyayari sa kaniyang paligid, wala siyang imik na ibinalik ang tingin nya sa kaniyang ina ng magningning ang kaniyang mga mata ng makita niya ang kaniyang ama na agad niyang ikinabitaw sa pagkakahawak ng kaniyang ina at patakbong lumapit sa kaniyang ama.
“appa!”excited na tawag ng batang lalaki sa kaniyang ama na nakayukong tumigil sa paglalakad ng mapahinto ang batang lalaki sa tangkang paglapit nito sa kaniyang ama ng may isang lalaking nakalapit sa ama niya at sumisigaw itong isinandal ang kaniyang ama sa pader na agad ikinatakbo ng ibang mga doktor ara pigilan ito.
“Pinatay moa ng anak ko?! Sabi mo ililigtas mo siya, you promised me that you’ll make my daughter live a long a life again but you killed her!”umiiyak at galit na galit na sigaw ng lalaki sa kaniyang ama na pilit nilalayo ng mga doctor dito.
“Pinatay moa ng anak ko!”sigaw pa nito habang nailayo na ito ng mga doctor sa kaniyang ama na siya namang ikinatakbo ng kaniyang ina sa kaniyang ama at niyakap ito.
“I-I’m s-sorry…”
“Sorry?! Maibabalik ba ng salitang ‘yan ang buhay ng anak ko?! Kahit ilang beses kang humingi ng sorry sa akin, hindi magbabago na pinatay mo ang anak ko! Pinatay moa ng anak ako!” galit na sigaw nito na tinabig lahat ng mga doctor na pumipigil sa kaniya at sinugod ang ama ng batang lalaki dahilan upang paupong bumagsak ang ina ng bata ng hawiin ito ng lalaki.
“Yeob—“
Hindi nito natuloy ang sasambihin nito ng malakas siyang suntukin ng lalaki sa pisngi niya na malakas niyang ikinabagsak sa sahig at ikinaputok ng gilid ng labi nito.
“Doc. Han/Oscar!”sabay na sigaw ng mga doctor at ng kaniyang ina na ikinalapit ng mga ito sa ama ng batang lalaki na galit na ikinatakbo ng batang lalaki sa lalaking sumuntok sa kaniyang ama at sinimulang paghahampasin ang hita nito.
“nae abeojileul dachige haess-eo! That’s bad! You’re bad! (You hurt my father!)”galit na ani ng batang lalaki na sabay na ikinalingon ng mag-asawa sa kanilang anak.
“Cho!”tawag ng mga ito nang walang kahirap-hirap itong bitbtin ng lalaki pataas upang tingna itong mabuti na winagayway ang mga kamay.
“nal bonaejwo! (Let me go!) Let me go!”sigaw ng batang lalaki na mabilis na ikinatayo ng mag-asawa at nag-aalalang nakatingin sa kanilang anak.
“Bitawan moa ng anak ko!”naluluhang pakiusap ng ina ng bata na binalingan sila ng tingin nito.
“Pinatay niyo ang anak ko, dapat maranasan niyo din paano mawalan ng isang anak!”pahayag nito.
“No! Huwag mong idamay ang aming anak, he’s too young.”pakiusap naman ng ama ng bata.
“At ano ang anak ko? Napakabata pa din ng anak ko para mamatay, at pinatay mo ang anak ko kaya papatayin ko din ang anak mo!”galit na saad nito na ikinabitbit nito sa batang lalaki paalis sa kinalalagyan nila.
“Cho! Oscar ang anak natin! ”iyak ng ina ng batang lalaki na agad ikinatakbo ng asawa nito upang habulin ang lalaking dala-dala ang kaniyang anak.
Naiwan ang kaniyang asawa sa mga doctor dahil nanlambot ang mga tuhod nitong pabagsak na ikinaupo nito sa sahig, na agad inalalayan ng mga doctor habang umiiyak ito sa takot at pag-aalala para sa anak nila.
SAMANTALA, dinala ng lalaki ang batang lalaki patungo sa rooftop ng BHIH na natatakot na at umiiyak habang bitbit-bitbit niya ito. Nang makarating sila sa rooftop ay agad siyang nagtungo sa pinakadulo nang mapalingon siya sa hinihingal na ama ng batang hawak niya na lubos ang galit na nararamdaman niya dahil pinatay nito ang anak niya.
“Calm down, please, huwag mong idamay ang anak ko. Sa akin ka galit diba? Ako ang sinisisi mo sa pagkamatay ng anak mo kaya ako nalang, not my son, I’m begging you.”pakiusap ng ama ng bata sa lalaki na may hawak sa anak niya na umiiyak na.
“appa!”
“Nagmakaawa din ako sayo, I begged you saved the life my daughter but what did you do?!”galit na pahayag nito na napasigaw sa sakit ng kagatin siya ng batang lalaki sa braso nito na ikinahagis niya sa bata na napasama ang pagkakabagsak kaya nawalan ito ng malay.
“Cho!”sigaw ng ama nito na mabilis nitong ikinatakbo palapit sa anak na agad niyang ikinabuhat dito na siya namang pagdating ng mga security guard at agad hinuli ang lalaki nag alit na pumapalag sa mga ito habang galit na tingin ang binibigay sa ama ng bata.
“Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa anak ko! Hinding-hindi kita mapapatawad!”sigaw na bulyaw nito hanggang sa maialis na siya ng mga guard sa rooftop habang nag-aalalang sinusuri ng ama ng bata ang anak niyang walang malay at may gasgas ang braso dahil sa pagkakagulong nito sa sahig.
Agad niya itong itinakbo paalis ng rooftop upang mas masuri kung napasama ang pagkakatilapon nito. Nag-iisa nila itong anak, kaya ayaw nilang masaktan o mawala ito sa kanila. Agad niyang dinala ang anak niya sa ICU upang masuri agad ito na agad ikinasalubong ng mga doctor na naroroon.
“Look at my son, please!”sambit nito sa mga doctor na agad kinuha ng mga ito sa kaniya ang kaniyang anak at hindi na siya sumama sa loob dahil kahit isa siyang doctor, pag anak o asawa niya ang nasa ganitong sitwasyon, hindi niya kayang hawakan ang mga ito, kaya sumandal nalang siya sa pader at piping dasal na walang masamang mangyari sa kaniyang anak, na siya namang pagdating ng kaniyang asawa na humahangos at umiiyak na yumakap sa kaniya ng makalapit ito.
“Ang anak natin, Oscar?”
“He will be okay, our son is a tough kid.”assurance na sambit nya sa kaniyang asawa.
Kalahating oras ang lumipas ng lumabas ang isang doctor mula sa ICU na agad ikinalapit ng mag-asawa dito.
“How’s my son, Doc. Pascua?”agad na tanong ng ama ng bata na ngiting ikinatingin nito sa mag-asawa.
“Nothing serious happen, Director Han. May bali lang siya sa kanang balikat niya at ilang gasgas na nagamot na namin, but overall, your son was fine.”pahayag nito na parehas ikinahinga ng maluwag ng mag-asawa.
“Actually, gising na siya at hinahanap kayo.”ani nito na agad na ikinapasok ng ina sa ICU at iniwan ang asawang nagpapasalamat sa doktor na kaharap.
“Thank you. I’ll just see my son, then I’ll call a meeting about what happened a while ago. Maapektuhan ang ospital dahil sa nangyari kaya kailangan kong makausap ang lahat.”bilin na pahayag nito na ikinatango ng doktor bago ito pumasok na sa loob ng ICU upang tingnan ang kaniyang anak.