Chapter 06
Series 11: Tadeus Han
TAHIMIK AT HINDI magawang makapagsalita ni Tad sa kinatatayuan niya habang walang imik at seryoso lang ang ate ni Shin na nilalabas ang mga pagkain sa mesa na inorder ng kaniyang secretary. Hindi inaasahan ni Tad na hindi lang sa bar ni Ford bilang DJ ang trabaho nito, hindi niya inakala na pati pagde-deliver ng pagkain ay ginagawa nito. Hindi napigilan ni Tad na mapaisip dahil sa isang hotel ito tumutuloy na maaring mahal ang binabayad nito.
“Hindi ko inasahan na delivery girl ka din maliban sa pagiging DJ mo sa JEYA.”pahayag ni Tad na hindi na niya napigilang kausapin ito na katatapos lang mailabas lahat ng pagkain sad ala nitong bag na seryosong lumingon sa kaniya na naramdaman na naman ni Tad ang kabog sa dibdib niya dahil sa babaeng kaharap niya.
“Hardworking ang tawag sa ginagawa ko, madami akong expenses kaya kailangan ko ng madaming trabaho.”seryosong sagot nito sa kaniya bago binitbit ang bag na wala ng laman.
“1,570 pesos lahat ng pagkain na ‘yan, cash ba ibabayad mo o credit card?”tanong nito na agad ikinapunta ni Tad sa mesa niya para kumuha ng pera sa may drawer niya.
“I’ll pay cash.”sagot ni Tad habang kinukuha nito ang amount ng pagkain na dinala nito habang nakatingin ang ate ni Shin sa kaniya.
“Pinatuloy mo ba ang kapatid kong matigas ang ulo sa bahay mo?”saad na tanong nito na ikinalingon ni Tad dito.
“Y-yeah, ayaw mo daw kasi siyang patuluyin sa hotel na tinutuluyan mo kaya sinabi niyang sa akin siya tutuloy dahil ako daw ang nagdala sa kaniya dito.”sagot ni Tad na naglakad na pabalik sa harapan nito habang hawak-hawak ang pangbayad niya.
“Why staying in a hotel? Kaya ba doble ang trabaho mo dahil malaki ang binabayad mo sa hotel na tinutuluyan mo?”usisang tanong ni Tad habang seryosong nakatingin ito sa kaniya.
“Wala akong makitang apartment na magugustuhan kong tirhan na malapit sa JEYA, okay na bang sagot ‘yan? Akin na ang bayad.”saad nito na inilahad ang kaliwang kamay nito sa harapan ni Tad.
“Bakit ang sungit mo sa akin? Pag nakikita mo ko parang umiinit agad ang ulo mo.”birong tanong ni Tad dito na ikinakuha na nito sa perang hawak ni Tad.
“Dahil ayoko sa’yo, sinusungitan ko ang isang tao pag-ayaw ko. Malinaw na bang sagot ‘yan sayo?”ani nito na akmang aalis na ng mabilis ang kilos ni Tad na humarang sa pintuan niya na ikinaharang niya din sa dalaga na seryosong tingin ang binigay sa kaniya.
“I can’t understand, anong kinaayawan mo sa akin? Sa pagkaka-alala ko wala naman akong ginawa na pwedeng ikainis mo sa akin, I just want to know your name, that’s all.”ani Tad dito na ikina-cross arms nito sa harapan niya.
“Pag binigay ko ba ang pangalan ko sayo ay hindi mo na ako kukulitin?”saad nito na hindi alam ni Tad kung bakit bigla lang napangiti sa sinabi nito.
Alam niyang pwede naman niyang malaman ang pangalan ng dalaga kay Shin na kasama niya sa bahay niya pero hindi niya alam kung bakit mas gusto niya mismong magmula sa dalaga ang pagsabi kung anong pangalan nito.
“Sasabihin mo na ba ang pangalan mo sa akin?”ngiting tanong ni Tad na seryosong ikinatitig nito sa kaniya.
“Shanelle, ang pangalan ko, there. Nasabi ko na ang pangalan ko, kaya huwag ka ng pupunta sa JEYA para abalahin ang trabaho ko dun.”pahayag nito na ikinatabig na nito kay Tad para alisin sa pagkakaharang sa harapan niya na siya namang ikinatuon ni Tad sa pintuan niya upang hindi mabuksan ni Shanelle na tiningnan na siya ng masama.
“Tadeus ang pangalan ko, Tad for short. Nagagalak kong makilala ka Shan.”ngiting pagpapakilala ni Tad na maayos na ikinaharap ni Shan sa kaniya.
“Likewise, nagagalak din akong makilala ka kaya pwede ba huwag mo ng pigilan ang pag-alis ko, nakakaabala ka sa ibang delivery ko. And don’t call me in nicknames, Shanelle ang pangalan ko at hindi Shan.”singhal na sermon ni Shan sa kaniya ng may maalala si Tad para makausap pa niya si Shan.
Hindi alam ni Tad bakit ginagawa niya na makausap pa si Shan dahil ang inis niya kanina lang ay nawala ng makita niya ito sa opisina niya. Sa tingin ni Tad, ang pagka interest niya dito ay hindi na simple at gusto niyang makita kung saan pa tutungo ang pagka interest niya kay Shan na may idea na siya kung ano ‘yun pero gusto niyang makita kung paano ‘yun madedevelop.
“Shanelle is too long to pronounce, so I’ll call you Shan para nalalapit sa pangalan ng kapatid mong si Shin.”saad ni Tad kay Shan na bahagyang ikinaingos nito sa kaniya.
“Teka, sigurado ka ba sa kapatid mo na tumuloy sa akin kaysa sa’yo? Maybe he’s sixteen years old but he’s still a teenager.”saad na pagbabago ng usapan ni Tad kay Shan.
“Hindi ako aangal kung sayo tumutuloy si Shin, dinala mo siya dito sa pilipinas kaya sayo ang responsibilidad niya. Besides, huwag mong maliitin ang binata na ‘yun, hindi siya katulad ng mga ordinaryong kabataan na nakikita mo. Besides, mapapamahal ako ng bayarin sa hotel, hindi ko afford kung sa akin pa tutuloy si Shi---“
“You can stay at my house too.”putol na pahayag ni Tad na ikinatitig ni Shan sa kaniya na hindi niya alam sa sarili niya bakit inalok niya ang kaniyang bahay dito.
“I-I mean, para mabawasan ang trabaho mo at hindi kayo magkahiwalay ni Shin, you can stay at my place. Don’t worry, hindi naman ako madalas nag-I-stay sa bahay ko kaya wala kang dapat isipin.”saad na paliwanag ni Tad na ikinabuntong hininga ni Shan sa harapan niya.
“Even you show kindness, nothing will change.”mahinang sambit ni Shan na ikinasalubong ng kilay ni Tad sa sinabi niya.
“What do you mean?”tanong ni Tad na muling ikinatitig ni Shan sa kaniya.
“Alam mo ba ang word na tsismis? Hindi mo ba naiisip na pwede kang isipan ng iba ng mga tao pag nakita nilang may pinatitira sa bahay mo na wala namang kaugnayan sayo.”
“There’s nothing wrong with that, I’m just helping you and Shin para hindi kayo magkahiwalay na magkapatid. Besides, wala akong pakielam sa tsismis dahil walang masama sa pagpapatuloy ko sa’yo sa bahay ko, ‘yan ay kung sasang-ayon ka.”pahayag na sagot ni Tad na umaasa siyang pumayag ito sa alok niya na bahagyang ngumiti sa kaniya na bahagya niyang ikinahawak sa dibdib niya dahil sa biglan pagkabog ng dibdib niya dahil sa ngiting nakikita niya kay Shan.
“Marunong kang ngumiti?”kumentong ani ni Tad na agad ikinawalan ng ngiti ni Shan sa mga labi nito at seryosong tingin muli ang pinakita nito sa kaniya.
“I’m fine with me staying at the hotel, siguro I will consider that offer when I can’t afford my room. Sa ngayon, ikaw na muna ang bahala sa kapatid ko. And a piece of advice, huwag kang masyadong pakampante sa pagtulog mo.”pahayag ni Shan bago nito alisin ang kamay ni Tad na nakatuon sa pintuan na agad na nitong ikinalabas sa opisina niya at iniwan na si Tad na napangiti sa kinatatayuan niya at hindi pinansin ang huling sinabi ni Shan sa kaniya.
“Shin was right, she’s cool, and I like it.”ani ni Tad nang maalala na niya ang rason kung bakit naiinis siya kanina pagpasok sa opisina niya na ikinasilip niya sa labas ng opisina niya.
“Secretary Park, ‘yung report kailangan ko na ngayon!”
PAGKALABAS na pagkalabas ni Shan sa Han International Airport ay deretso niyang tinapon ang bag na ginamit niya sa pagdeliver niya ng pagkain sa opisina ni Tad bago deretsong naglakad papunta sa nakaparada niyang black Ducati Super Sport 950 na nakaparada sa tagong bahagi ng ospital ni Tad.
Agad siyang sumakay doon at sinuot ang itim niyang helmet bago pinaharurot ang Ducati motor niya paalis sa lugar ng hospital ni Tad. Dere-deretso lang siya sa pagpapatakbo niya ng makarating siya sa isang eskinita na agad niyang ipinasok doon ang motor niya at tumigil. Bumaba siya sa motor niya ng hindi inaalis ang kaniyang helmet at naglakad siya palapit sa lalaking nakatali ang paa at kamay, nakabusal ang bibig na natakot ng makita siya.
Agad na kinuha ni Shan ang pera na binayad ni Tad sa kaniya at kumuha din siya ng pera niya na hihigit sa limang libo at inilapag ‘yon sa harapan ng lalaki, bago niya ito nilapitan at kinalagan lang ang pagkakatali ng kamay nito.
“Take the money, kasama na diyan ang bayad sa pagkain na dinala ko na sa costumer niyo. I threw the bag kaya bumili ka nalang ng bago, babalaan na din kita. Huwag mong subukan na magsumbong sa pulis, kaya kitang hanapin at patahimikin, so keep this as secret.”pahayag ni Shan na hindi makaimik sa takot na ikinatango ng lalaki sa kaniya bago siya umalis at muling sumakay sa ducati niya at humarurot na siya paalis pabalik sa hotel niya.
Ang lalaking nakatali sa may eskinita ay ang tunay na delievery man na magdadala dapat ng order na pagkain para kay Tad, pero hinarangan niya ito, tinali at binusalan upang siya ang maghatid ng pagkain at makapag matiyag sa ospital.
Siya si Shanelle Liora Montez, pero kilala siya sa pangalan niyang Yelena Black sa tuwing ginagawa na niya ang misyon niya. Hindi lang niya maintindihan ang kaniyang sarili kanina kung bakit ang tunay niyang pangalan ang binigay niya kay Tad.
Isang oras na biyahe ni Shan ay nakarating na siya sa hotel na tinutuluyan niya, pagkaparada niya ng kaniyang sasakyan sa parking lot. Hinubad na niya ang kaniyang helmet at dere-deretso na siyang pumasok sa loob na ikinabati sa kaniya ng guard. Tuloy-tuloy lang si Shan sa paglalakad niya hanggang makapasok na siya sa elevator at biglang naisip ang binigay na offer ni Tad na bahagya niyang ikinangisi.
Hindi niya inasahan ang bigang pag-alok ni Tad sa kaniya ng tahanan nito para tuluyan niya dahil sa dahila nito na hindi sila magkalayo ni Shin. Hindi mapigilan ni Shan na bahagyang hangaan si Tad dahil alam niyang iba ito sa mga doctor nito sa pagmamay-ari nitong ospital. Natutuwa at nasasayangan siya kay Tad dahil alam niyang hindi rin magtatagal ang buhay nito dahil isa ito sa target niya.
Si Shan ay anak ng isang mayaman na businessman sa Escanaba sa Michigan, US at ang pamilya niya ay isang lihim na organisasyon ng mga assassin kung saan kinukuha ang service nila pag may gustong ipapatay ang kliyente nila, at ang pagpatay sa mga doctor ng Han International Hospital ang isa sa misyon niya na hind ilang siya ang gumagawa, dahil madaming branch ang naturing na ospital marami silang kumikilos upang tapusin ang buhay ng mga doctors na nasa list nila, at kasama sa list ni Shan ang pangalan ni Tad na pinaplano niyang ihuling patayin dahil ito ang may ari ng Han International Hopsital.
Naging DJ siya sa bar ni Ford dahil nalaman niya na kaibigan nito ang target niya na minamanmanan niya, hindi niya lang inakala na ang target niya ay lalapit sa kaniya para kulitin siya sa pangalan niya at hindi niya inasahan na isasama nito si Shin pabalik sa pilipinas na may idea na tungkol sa kung sino si Tad kaya alam niyang may gagawin ito para sa misyon na meron sila.
Nang bumukas na ang elevator ay lumabas na si Shan at deretsong naglakad papunta sa hotel room niya kung saan natigilan siya ng makita niya doon si Shin na nakaupo sa sahig na hinihintay siya.
“Anong ginagawa mo dito?”sitang tanong ni Shan kay Shin na napalingon sa kaniya at agad na napatayo sa pagkaka-upo nito sa sahig na ikinalakad niya palapit dito.
“Kanina pa kita hinihintay ate.”saad ni Shin na ikinabukas ni Shan sa pintuan ng kwarto niya at pumasok na sa loob na agad na ikinasunod ni Shin na pagkasara ng pintuan ay natigilan ng may lumipad na punyal lumagpas sa kaniya at deretsong tumusok sa kakasara niya lang na pintuan na ikinalingon niya kay Shan.
“Wala ka dapat dito sa pilipinas, Shin, alam mo ba ang mangyayari sa’yo pag nalaman ni Supremo na narito ka?”seryosong sita ni Shan kay Shin na bahagyang ikinalungkot ng mukha nito.
“Gusto lang naman kitang samahan dito ate, tutulungan kitang ubusin ang mga doctor sa HIH. Nakatira ako ngayon sa may-ari ng ospital na ‘yun at matutuwa si Supremo pag napata---“
Hindi natuloy ni Shin ang sasabihin niya ng maramdaman niya ang mapanganib na presensya ni Shan habang matalim ang tingin na binibigay nito sa kaniya.
“He’s my target Shin, nakatira ka sa kaniya pero hindi mo pwedeng galawin ang target ko. Isa pa, inagawan mo ng trabaho si Dett sa pagpatay niya sa architect na ‘yun. Hindi kita ililigtas sa oras na parusahan ka ni Supremo.”saad ni Shan na ikinalakad na nito paupo sa mahabang sofa habang hindi umalis si Shin sa kinatatayuan niya na siya namang ikinabuntong hininga ni Shan.
“Bumalik ka nasa rancho at humingi ka ng tawad kay Supremo.”
“Ayoko! Dito lang ako, hindi ako aalis hanggat hindi tayo parehas na bumabalik sa rancho.”matigas na desisyon ni Shin na agad na binuksan ang pintuan at mabilis na lumabas sa kwarto ni Shan na ikinalingon nito sa nakabukas niyang pintuan.
“Ang tigas ng ulo ng batang ‘yun.”saad ni Shan na ikinatayo niya sa kinauupuan niya upang isara ang pintuan niya ng dumako sa isipan niya ang pangalan na itinawag ni Tad sa kaniya at kung paano siya nito bigyan ng ngiti at pakitunguhan.
“Hindi niya ako madadala sa bait-baitan effect niya, he’s still a doctor in Han International Hospital, the owner and son of the founder of that hospital. Supremo wants to end their lives, and I’ll play with him first before I kill him.”pahayag na ani ni Shan na ikinasara na niya sa pintuan niya ng maisip niya ang alok na binigay ni Tad sa kaniya.
“Living with same roof with my target, good idea but risky. Gasgas ang kasabihan na you need to be closer to your enemy.”ani niya ng mapalingon siya sa wall clock niya at ilang oras pa bago ang duty niya sa JEYA kaya naglakad na siya sa kaniyang kwarto kung saan pagpasok niya ay tumambad ang maraming computer set kung saan naka tap in siya sa bawat cctv nang lugar na tirahan, dinadaanan at pinupuntahan ng mga target niya ganun din ang kabuuan ng loob ng HIH. Tanging ang tirahan lang ni Tad ang hindi niya magalaw ang cctv dahil pakiramdam niya may pumipigil sa pag tap in sa cctv nito, at aaminin niya na may ibang lakad ito na hindi nagbibigay curious sa kaniya dahil nawawala ang signal nito sa kaniya.
Umupo si Shan sa harapan ng mga computers niya at tiningnan ang isang lalaking kalalabas lang ng sasakyan nito at pumasok na sa loob ng bahay nito, ayaw muling isipin ni Shan ang kung anong dahilan kung bakit may ibang lakad si Tad na hindi niya malaman, ang mahalaga sa kaniya hindi ito tuluyang nawawala sa track niya at kung saan lang niya ito nakikita doon nalang muna niya ito mamanmanan.
Tumayo agad si Shan sa kinauupuan niya at agad na pumasok sa closet niya, miya-miya ay lumabas na ito na nakasuot ng whole black fitted suit na ginagamit niya sa oras na ginagawa na niya ang misyon niya. Nagponytail na siya ng kaniyang mahabang buhok at kinuha ang itim niyang mask bago kumuha ng isa sa mga punyal na dala niya na gamit niya sa pagpatay.
Nang handa na siya sa pag-alis niya upang may isa na namang patayin na doctor ng HIH ay napadako ang tingin ni Shan sa isang monitor kung saan nakikita niya si Tad sa opisina nito na nakasalamin at seryosong may hawakn mga papel sa mga kamay nito. Inaamin ni Shan na unang makita niya ito ay hindi niya maipagkakailang gwapo ito at malakas ang dating, pero target niya ito at hindi niya pwedeng hangaan ang target niyang kikitilin din naman niya ang buhay na ikinabuntong hininga niyang ikinaalis niya sa suot niyang itim na mask at pabagsak na umupo sa kama niya habang sa monitor kung saan nakikita niya si Tad nakatuon ang tingin niya.
“Bigla akong nawalan ng ganang kumilos ngayon, kasalanan niya kung bakit nawawalan ako ng ganang kumilos, looking at him makes me stop in working.”saad ni Shan na ikinatayo na nito sa kama at naglakad na pabalik sa closet niya upang magpalit ng damit at maaga nalang na pumasok sa JEYA’s bar para sa part time job niya na hindi niya na ginagawa dahil sa misyon niya kundi nag-eenjoy na siyang maging DJ sa bar ni Ford.