Chapter 07

3444 Words
Chapter 07 Series 11: Tadeus Han MATAPOS malaman ni Tad ang mga failed operations ng apat na doctor niya na pinatay ay halo-halo ang kaniyang nararamdaman para sa mga ito. Naawa siya dahil kahit papaano ay matatagal ng mga doctor ng HIH ang mga ito, at nagagalit siya sa mga ito dahil hindi man lang niya nalaman ang mga maling operasyon na nangyari na akala lang niya ay sadyang hindi na maya ng mga pasyente ng mga ito kaya mga namatay nalang. Gusto man magalit ni Tad sa apat na namatay na doktor niya ay alam niyang wala na din naman ‘yun silbi dahil mga wala na ito. Ang hindi maisip ni Tad ay kung paanong hindi nakarating sa kaniya ang mga report tungkol sa mga failed opearations, gayong naniniwala siya sa kaniyang secretary na ibinigay nito ang report na ‘yun. “This is fvcking frustrating! Paanong nawala sa mesa ko ang mga reports tungkol sa failed operations ng apat na doctor na ‘yun? Is there a fvcking traitor in my hospital?”sambit na ani ni Tad na bahagyang ikinaayos niya sa kaniyang pagkaka-upo ng bigla siyang makaramdam na may nanunuod sa kaniya dahilan upang igala niya angg kaniyang paningin sa kabuuan ng kaniyang opisina. “Tangnanng pakiramdam ‘to?! Parang may nanunuod sa akin, nababaliw na yata ako dahil sa problema ng hospital ko.”sambit ni Tad na muli niyang ikinasandal sa kaniyang kinauupuan. Sa problemang kinahaharap ng ng kaniyang ospital sinisigurado ni Tad na hindi malalaman ng kaniyang mgga magulang ang nangyayari, lalo na ang kaniyang ama na hindi dapat makatanggap ng problema na iisipin nito. Ang kaniyang ama ay naka wheelchair na dahil kakagaling lang nito sa stroke at ayaw niyang bigyan ang ama ng magbibigay isipin dito. “I know my hospital is good, but why do my doctors have to be killed?”tanong ni Tad sa kaniyang sarili nang pumasok sa isipan niya na isa sa mga dahilan kung bakit nakakadagdag ng kaguluhan sa isipana niya. “All my doctors that’s been killed in Venice and Paris are all doctors who failed once in their operation, I’m sure this is not a fvcking coincidence. Kung ganun maaring ang pinapatay ng killer ng ospital ko ay mga doctor na may pagkakamaling nagawa sa operasyon nila na ikinamatay ng pasyente nila, is that it?” hindi pa sure na tanong ni Tad sa kaniyang sarili nang mag bukas ang pintuan ng opisina niya na kinalingon niya, nang pumasok doon ang isa sa head doctors niya na sa pagkakatanda niya ay wala sa meeting kanina pero hindi nalangn niya pinuna kanina. “Director Han, I heard to Doctor Nuevas that you called a meeting a while ago. I’m sorry I didn’t come to att—“ “Kung maganda ang rason mo kung bakit wala ka kanina sa importantang meeting kanina, then tell me.”putol ni Tad kay Doc. Theodoro Monreal na nakatayo na sa harapan niya. “I’m sorry for not attending Director Han, it’s my wife’s birthday and she wants to celebrate it before I go to work. It’s a valid reason right?”ngiting ani nito sa kaniya na seryosong ikinatitig ni Tad dito. “I’m sure may ideya ka naman sa panganib na kinakaharap ng ospital ko na pinagtatrabahuan mo, right?” “I am updated Director Han, at nakakatakot na puro mga doctor ng Han International Hospital ang pinapatay ng killer.”sagot nito na ikinaayos ng pagakaka-upo ni Tad sa upuan niya. “That’s right, kaya pinag-iingat ko kayong lahat. Hindi kayo pwedeng makitang mag-isa ng kille—“ “Don’t worry Director Han, that killer won’t try to kill me.”determinadong pahayag nito na bahagyang ikinakunot ng noo ni Tad dito. “The killer won’t kill you? What makes you different from the four doctors who were killed so the killer wouldn't kill you?”tanong ni Tad na mas ikinalaki ng ngiti nito sa kaniya. “Because I’m a cautious person, I will know if that killer will attack me.”ani nito na hindi napigilang ikinangisi ni Tad dahil sa pagyayabang na nakikita niya sa kaniyang kahara. Sa lahat ng mga head doctors niya, tanging si Doctor. Monreal ang hindi niya magustuhan dahil sa kayabangan na hindi man ipakita nito pero nararamdaman ni Tad ang pagmamayabang na ginagawa nito. Ayaw niya sa ganung klaseng tao lalo na kung pumapasok sa ospital niya, hindi niya lang maalis ito dahil isa na itong doctor sa Baek Hyeon International Hospital bago pa maging Han International Hospital ang ospital niya. “Don’t be too confident, Doc. Monreal, mas mabuti ang nag-iingat pa din.”saad ni Tad nang pumasok sa opisina niya ang kaniyang secretary. “Director Han, we have a new patient in the ER.”pagbibigal alam ng secretary niya na ikinasalubong ng noo niya. “Wala bang doctor na pwedeng tuming---aish!” Hindi natuloy ni Tad ang sasabihin niya ng mabilis na siyang tumayo at mabilis na kinuha ang lab coat niya at mabilis na lumabas ng opisina niya at naiwan doon si Doc. Monreal na napangisi sa kinatatayuan nito. Mabilis ang kilos ni Tad na makapunta sa ER, hindi alam ni Tad kung bakit siya ang titingin sa bagong dating na pasyente gayong may mga doctor siyang pwedeng tumingin, pero dahil sa report na filed operations na nalaman niya, bigla siyang nawalan ng tiwala sa mga doctor niya. Nang makarating na si Tad sa ER ay agad akmang papasok siya sa loob ng may humarang sa kaniyang isang babaeng may mga bahid ng dugo sa leeg at bandang mukha nito, ganun din sa ilang parte ng damit nito. “Doc. parang awa niyo na, iligtas niyo ang asawa ko.”iyak na pakiusap nito kay Tad na ikinahawak ni Tad sa magkabilang balikat nito. “Your husband will be fine.”ani ni Tad na iniwan na ang ginang at mabilis nang pumasok sa loob ng ER na agad ikinatingin ng mga nurse at doctor sa kaniya. “Director. Han…”sambit na tawag sa pangalan niya ng isang doctor na agad ikinalapit ni Tad sa pasyente at tiningnan ito. “It’s clearly a tamponade, echocardiograph.”saad ni Tad habang nagsusuot siya ng surgical gloves sa magkabila niyang kamay. Pagkasabi niya ng huli niyang sinabi ay agad na ibinigay ng katabi niyang nurse ang kailangan niya para masuri ang dibdib ng pasyente, nakatutok ang kaniyang mata sa monitor habang ginagala niya sa tapat ng dibdib ng pasyente ang tools upang malaman ang lagay ng puso nito. “It’s on the LV side.” “Dadalhin na po ba natin siya sa operating room?”tanong ng isang doctor sa kaniya na ikinalingon niya diito. “Yeah, let’s do the surgical.” “Kayo po ba ang mago-opera Director Han?”tanong ng doctor sa kaniya na seryosong ikinatitig niya dito. “That’s why I’m here, dalhin niyo na siya sa operating room.”saad na pagbibigay ng instruction ni Tad na agad ng ikinasunod ng mga nurse at doctor upang dalhin sa operating room ang pasyente. Agad ng naghanda si Tad sa operasyon na gagawin niya, nagpunta na siya sa changing room at nagsuot na ng uniform. Isinuot na rin niya nya ang lab gown na pang operating room at isinuot na ang surgeon cap at mask niya bago siya lumabas ng changing room. Dumaan muna siya sa isang sink at naghugas ng mabuti ng kaniyang kamay at pagkatapos ay itinaas niya na ito parehas bago siya nagtungo sa OR na agad ikinasalubong ng assistant nurse niya at sinuotan siya ng gloves. Pagkalapit niya sa pasyente ay napadako ang tingin ni Tad sa may transparent room kung saan nakikita ang nangyayari sa loob ng OR at naroon si Doc. Monreal at ngiting nanunuod sa kanila. “This bastard…” mahinang bulong ni Tad sa kaniyang sarili habang nakatingin kay Doc Monreal. “Director Han his blood pressure is dropping, it might go into cardiac arrest.”tawag at pagbibigay alam ng assistant doctor niya sa kaniya na ikinaalis niya na ng tingin kay Doctor. Monreal at kinuha niya na ang scalpel upang simulan na ang pag-oopera niya. Agad niya ng hiniwa ang dibdib ng pasyente sa may dibdib nito. “Bovie.”saad niya na agad inabot ng assistant doctor ang hinihingi niya at pinagpatuloy ang ginagawa niya sa pasyente. Agad namang kinuha ng assistant doctor niya ang army navy retractor para ma-retract ang balat ng pasyente at sinimulan ng tulungan si Tad sa ginagawa niya. “Extarnal saw.”ani ni Tad na ikinabigay ng katabi niyang nurse sa hinihingi niya na agad niya ng ginamit sa dibdib ng pasyent na nahiwaan niya na. Nang maibuka na ang pinaghiwalay na balat ng pasyente ay agad hininga ni Tad ang tweezer na gagamitin niya. “Suction.”saad niya na agad na agad ginawa ng assistant doctor niya habang si Tad ay hinihiwa ang pinaka main tissue sa loob ng katawan ng pasyente habang ginagawa ng assistant doctor niya ang pag-sunction kung saan hinihigop nito ang unwanted blood upang ma increase ang exposure ng ooperahan. Tutok si Tad sa kaniyang ginagawa hanggang sa matapos na siya at simulan na niyang tahiin ang huling layer na hiniwa niya. “Cut.”sambit ni Tad na agad pinutol ng assistant doctor niya ang pinapaputol niya na ginawa naman agad nito. Itinaas ni Tad ang dalawang kamay niya at nang makita niyang magiging okay na ang lagay ng paseyente ay agad niyang nilingon ang assistant doctor niya. “Doc. Rivero, you can take it from here.”pahayag ni Tad na agad ikinatango ng doctor sa kaniya na ikinalakad niya na paalis sa tabi ng pasyente ng tumigil siya sa paglalakad niya at tumingin sa may transparent wound kung saan nakita niyang pinapalakpakan siya ni Doc. Monreal na parang inaasar siya na ikinababa niya sa kaniyang surgical map at nginisian ito. “Can you do that? I bet you can’t…”pabulong na ani ni Tad na kita niyang ikinawalan ng ngiti sa labi ni Doc. Monreal habang nakatingin sa kaniya bago napa-ismid na tuluyan ng lumabas ng operating room kung saan agad siyang sinalubong ng asawa ng pasyenteng inoperahan niya. “Ka-kamusta po ang asawa ko?”tanong nito na tuluyan ng ikinaalis ni Tad sa suot niyang surgical mask. “He’s already fine and safe, Mrs. miya-miya ay dadalhin na siya sa recovery room. About the p*****t at expenses ng asawa niyo, huwag na kayong mag-alala. Wala kayong babayaran.”pahayag ni Tad dito na ikinaiyak na ikinapagpasalamat nito sa kaniya bago niya ito iwan upang bumalik sa changing room upang magpalit na at maglinis. Nang maayos na niya ang kaniyang sarili ay pinuntahan niya na muna ang pasyente na inoperahan niya upang i-check ito. Nang sabihin sa kaniyang nurse na tumitingin sa pasyente na normal na ang blood pressure, ang pulso at ang drained fluid nito ay tumango si Tad. Nang magising ang pasyente ay agad niyang ginawa ang obeying commands upang alamin kung maayos ang ilang senses nito at ulunan nito, at ng makita nilang nagre-response ang pasyente ay nakahinga na ng maluwag si Tad dahil okay na ito. Bumalik na si Tad sa kaniyang opisina upang makapagpahinga nang pagpasok niya ay nadatnan niya na sina Blue, Sergio, Travis at Shawn na kaniya-kaniyang nakaupo sa sofa niya, na ikinatitig niya sa mga ito. “Ang aga niyong mabulabog ah, sa pagkakaalam ko mamaya pa usapan natin papuntang bar ni Rosales.”saad ni Tad na deretso niyang ikinaupo sa sofa katabi si Shawn. “Mas mabuti ng maaga at sabay-sabay tayo na pupunta sa JEYA, tsaka wala na kaya kaming ginagawa.”pahayag na ani ni Sergio nan gising ikinalingon ni Tad kay Travis. “Talaga ba? Parang hindi kapani-paniwala ‘yan sa part ni Amadeus.” “Tangna, hindi na nga ako naimik. Tsaka si Fritz ang may sabing wala silang ginagawa, hindi naman ako.”singhal na sagot ni Travis nna ikinatapik ni Blue sa balikat niya na ikinatabig niya sa kamay nito na natawa lang. “Naisipan ni Ynarez na dahil kami ang malapit sa ospital mo ay naisipan nila nag magsabay-sabay na tayo sa pagpunta sa JEYA, ang iba ay sabay-sabay na mamaya maliban kay Valenzuela na mukhang abala sa nagpapatibok ng puso niya ngayon.”saad ni Shawn na ikinasandal ni Tad sa upuan niya. “Ganiyan talaga ang mga natatamaan ni President, support lang tayo.”ani ni Blue nan gising ikinailing nalang ni Tad. “Galing ka bang bakbakan sa operating room?”tanong ni Shawn sa kaniya na ikinatango niya. “As usual, in demand ang talent ko sa ospital ko Torres.”ngising pahayag ni Tad na pinili niyang sumasabak siya sa operasyon dahil nawawalan siya ng tiwala sa mga doctor niya dahil sa failed operation na nalaman niya. “Maiba tayo ng usapan, sina Kiosk nagtatanong na din kasi. Wala pa bang tinatawagan si boss Taz sa ating lahat?”pag-iibang topic na tanong ni Blue sa kanila. “Mukhang hindi natin makokontak si boss Taz hanggat hindi natin hawak si Ricardo Palerma, siguro pagg nahuli natin siya tsaka natin mako-kontak si boss Taz.”sagot ni Tadd na ikinagulo ng buhok ni Travis. “Bakit kasi ginawang ban ni Valdemor ang Phantoms sa US ng dalawag buwan?! Ang tagal kaya ng dalawang buwan, tsaka bakit tayo lang ang ban.”angal na ani ni Travis sa kinauupuan niya. “Kahit umangal ka diyan wala naman tayong magagawa, sa ngayon kailangan nating ihanda ang sarili natin sa lakad natin sa Hawaii sa sabado, baka mapalaban tayo doon.”pahayag ni Shawn ng magbukas ang pintuan ng opisina ni Tad att sumilip doon ang secretary niya. “Director Han, we have patient with microdiscectomy na kararating lang si ER.”pagbibigay alam ng secretary niya na ikinasilip niya dito. “Si Doctor. Galvatore po ang hahawak ng surge—“ “I’ll handle the operation, tell to doctor Galvatore na maging assistant doctor ko nalang siya. Tell to the nurse na nasa ER na dalhin ang pasyente sa OR.”utos na pahayag ni Tad na ikinatangong ikinaalis na ng secretary niya na ikinabuntong hininga ni Tad. “What was that? Bago ‘yun ah, kailangan ka pa nang-agaw ng trabaho ng mga doctor mo?”tanong ni Shawn kay Tad na buntong hiningang ikinatayo na ni Tad sa kinauupuan nito. “Nagkakaroon ako ngayon ng trust issue sa mga doctor ko ngayon, pero I’ll try to fvcking take this trust issue. Dito muna kayo at parang-awa niyo na, manahimik kayo sa opisina ko.”bilin na pahayag ni Tad na ikinalakad na nito papuntang pintuan niya. “Kung maka bilin ka para kang walang tiwala sa amin ah.”ani ni Blue na ngising ikinalingon ni Tad sa kaniya. “Wala talaga, Ynarez.”ngising sagot ni Tad bago tuluyan ng lumabas ng opisina niya para sa susunod na operasyon niya. SAMANTALA, kalalabas lang ni Shan sa kaniyang kwarto at nakaayos na siya para sa pagpasok niya sa JEYA, may malaki siyang bag na dala dahil tumawag ang headquarters sa kaniya at may ibinigay na utos na ipinapasingit nito sa misyon niya. Walang tutol ‘yun na tinanggap ni Shan kaya maaga-aga siyang umalis sa kwarto niya. Tahimik at seryoso lang siyang naglalakad sa hallway hanggang sa makasakay na siya ng elevator, at dahil nasa ikalawangg palapag lang ang kwarto niya ay mabilis din siyang nakarating sa groundfloor. Dere-deretso si Shan sa kaniyang paglalakad palabas ng hotel at tuloy-tuloy siyang naglakad papuntang parking area kung nasaan ang itim niyang ducati. Nang makalapit na siya sa kaniyang motor ay agad niyang isinuot ang kaniyang itim na helmet at sumakay na sa kaniyang motor at pinaandar na ‘yun paalis papunta sa misyon na itinawag sa kaniya ng headquarters. Binigyan si Shan ng misyon na patayin ang isang business man na si Matteo Illagan, isang 29 years old yacht seller kung saan nagbebenta ito ng mga mamahaling yate sa mga mayayamang tao mapa pilipinas o iba’t-ibang bansa. Ang kliyente nila na nagpapapatay kay Matteo Illagan ay may malaking galit at inggit dito para kunin ang serbisyo nila na walang tanggi na tinanggap ng headquarters nila dahil sa laki ng bayad na inalok ng kanilang kliyente. Ibinigay na kay Shan ang lugar kung saan niya makikita si Matteo Illagan, base sa ibinigay na location sa kaniya sa kinalalagyan ng target niya, ay nasa isang mamahaling restaurant ito at kumakain kasama ang fiancée nito. Meron si Shan na trenta minutos upang mmabilis na tapusin ang misyon niya bago siya pumasok sa JEYA at hindi ma-late. Pinaharurot na ni Shan ang pagmamaneho niya at ng makarating na siya sa perimeter sa tapat ng mamahaling resto kung nasaan ang target niya agad niyang ipinarada ang kaniyang motor sa katapat na building ng resto. Bumaba si Shan sa motor at deretsong pumasok sa loob ng building isang commercial buiding kung saan ilang store ang umuupa doon. Deretso lang na umaakyat si Shan hanggang makarating siya ng rooftop ng building na inakyat niya. Agad siyang lumapit sa edge ng building kung saan nakikita niya ang resto kung saan kitang-kita niya ang mga nas aloob nito dahil sa transparent wall nito. Agad ibinaba ni Shan ang kaniyang dalang bag sa sementoo at lumuhod, kinuha niya ang kaniyang binoculars at ginamit ito habang tinitingnan ang resto sa ibabang harapan niya. “Let’s see, saan siya nakapwesto.”seryosong saad ni Shan habang tuloy-tuloy siya sa paghahanap gamitb ang binoculars ng matigilan siya at matuon ng tingin niya sa target na nahanap niya. “Found yah.”sambit ni Shan na ibinaba na ang binoculars sa sahig at isa-isang inilabas ang parts ng sniper Barret M82 sniper rifle na gagamitin niya. Isa-isa niyang kinabit ang mga ito kasama ang silencer, at ng matapos niya na ay agad niya itong ipinuwesto atb nilapag ang dalawang paa nito sa semento bago dumapa na si Shan at sinilip ang scope ng sniper gun niya at itinutok sa target niya. “Where should I shoot you, in your heart or in your forehead?”pahayag na pamimili ni Shan sa kaniyang sarili nang makapagdesisyon na siya. “To the head.”saad nito na ikinatutok niya sa noo ng target niya na masayang nakikipag-usap sa babaeng kaharap nito, at ng i-pull na ni Shan ang trigger ay nakita niya sa scope ng sniper niya na nagkagulo sa loob ng restaurant at sumisigaw sa takot ang fiancée ng target niyang walang buhay na nakadukmo sa mesa habang dumadaloy ang dugo sa noo nito dahilan upang humalo sa telang puti ang dugo nito. “Done.”normal na saad ni Shan na ikinaalis niya na sa pagkakadapa niya at inayos na niya agad ang kaniyang baril at pinaghiwa-hiwalay ulit bago niya ito ilagay sa bag na dala niya. Nang maayos na niya ang bag niya ay nagsuot muna siya ng gwantes bago binunot ang isang punyal sa may hita niya at inilapag iyon sa sahig ng rooftop. Isinukbit na ni Shan ang bag na dala niya at nagsimula ng maglakad pababa ng rooftop habang inaalis niya ang pagkakaponytail ng buhok niya, dahilan upang bumagsak ang buhok niya na lampas hanggang balikat at bahagya niya itong ginulo. Sinira naman ni Shan ang dalawang manggas ng tshirt na suot niya na parang ginawa niyang sando ang damit niya, hinubad naman niya ang suot niyang pantalon na lumabas ang fitted black silk leather jeans na suot niya mula sa loob ng pantalon. Hinati naman ni Shan ang suot niyang tshirt at binuhol iyon na parang ribbon dahilan upang makita ang hubog ng bewang bewang niya at pusod niya habang tuloy-tuloy siya sa pagbaba ng hagdanan. Pagkadating niya sa pinakababa at paglabas niya ng commercial building ay nagkakagulo parin sa may restaurant pero may mga dumating nang pulis. Kalmadonng nakatingin lang doon si Shan habang pasimpleng tinapon niya sa street garbage ang pantalon at sirang manggas na ginamit niya, bago naglakad sa kaniyang ducati. Isinuot na niya ang kaniyang helmet nang may tatlong pulis na lumagpas sa kaniya at nagmamadaling pumasok sa loob ng commercial building na ngising ikinasakay na niya sa motor niya at pinaharurot na ‘yun paalis habang nililipad ng hangin ang kaniyang mahabang buhok. “Mission done.”sambit ni Shan sa earpiece meron ang helmet niya habang naka focus siya sa pagmamaneho. (Good job Yelena, matutuwa si supremo at ang kliyente natin.) “I’m late.”sambit ni Shan ikinapatay niya ng connection sa earpiece sa helmet niya at mas pinatulin pa ang pagpapatakbo niya papunta sa JEYA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD