Chapter 02

3936 Words
Chapter 02 Series 11: Tadeus Han MATAPOS ANG TAWAG na natanggap ni Tad mula sa Han International Hospital sa Paris ay agad siyang nagpa-book ng flight sa kaniyang secretary sa Kia International Airport papunta Paris. Isinantabi nalang muna ni Tad ang pag-iisip niya sa dalawang buwan na pagka ban nila sa US dahil wala narin naman silang magagawa, kaya itututok muna niya ang kaniyang atensyon sa kaniyang ospital dahil sa sunod-sunod na pagpatay na nangyayari sa mga doctors niya at sa misyon nila na paghahanap kay Roberto Palerma na pinapahanap sa kanila ni Taz. Walang inaksayang oras si Tad kaya after ng tawag ng Director Doctor na ina-sign nya sa HIH sa Paris ay agad na siyang lumabas ng opisina niya at agad nagbilin sa kaniyang secretary tungkol sa bago nilang Doctor na trip lang magtrabaho sa ospital niya. Nabanggit na naman niya sa Phantoms ang problema ng ospital niya na sa una, akala niya ay magagawa pang mapigilan, pero sa tingin ni Tad ay hindi na biro ang sunod-sunod na pagpatay sa mga doctors niya sa iba’t-ibang branch meron siya. Hindi niya alam kung anong rason ng pagpatay dahil mga inosenteng doctor ang pinapatay ng kung sinong killer ng mga ospital niya, at palaisipan sa kaniya kung bakit doctor of HIH lang ang target nito. Hindi makita ni Tad ang sense ng mga sunod-sunod na pagpatay sa mga doctors niya, naiisip nalang niya na it’s either merong may galit sa kaniya o may kalaban siyang gusto siyang pabagsakin dahil mas kilala ang ospital niya sa kahit anong ospital around the globe. Ang isa pang palaisipan kay Tad ay ang klase ng pagpatay ng killer, masyadong maingat at hindi nag-iiwan ng clue, masyadong magaling ang killer ng HIH upang mahuli niya ito. “Damn! Whoever that killer of my doctors, I’ll make sure na mahuhuli din kita. How dare you kill all my innocent doctors and end their lives like a fvcking useless animals!” may galit na pahayag ni Tad habang nag mamaneho siya ng kaniyang mustang red. Hindi niya pinapakita sa Phantoms na malaki na ang iniiwang epekto ng killer sa kaniya, gusto niyang maihandle ito muna ng mag-isa lalo na at madaming iniisip ang Phantoms lalo na ang pagka ban nila sa Underground Society, kaya hindi muna ipinaalam ni Tad ang pag-alis nya ngayon. Malapit na si Tad sa KIA ng tumunog ang isa sa dalawang cellphone niya na naipatong niya sa dashboard ng kotse niya nang makapasok siya dito kanina bago niya ito paharurutin paalis sa tapat ng ospital niya, ang kaniyang personal phone at ang working phone niya. Agad niya iyong kinuha at sinagot ang tumatawag sa kaniya na hindi na niya napansin kung sino ang caller. “Hello? Doctor Tadeus speaking.”sagot ni Tad sa natanggap niyang tawag ng marinig niya ang bahagyang pagtawag nito sa kabilang linya na ikinakunot ng noo niya. (Why so polite, Han? Hindi ka naman ganiyan sumagot ng tawag sa kahit sino sa Phantoms.) Nagsalubong ang kilay ni Tad ng makilala niya ang boses ni Balance sa kabilang linya kaya agad niyang sinilip ang cellphone na hawak niya, akala ni Tad ay ang working phone niya ang tumutunog at tinatawagan na siyang muli ng Director doctor niya sa Paris. Napabuntong hininga si Tad bago niya binalik ang phone niya sa may tenga niya habang nakatutok na muli ang tingin niya sa kanyang pagmamaneho. “Akala ko sa working phone ako nakatanggap ng tawag, hindi ako pwedeng maging rude pag regarding sa ospital ko ang tumatawag sa akin. Teka? Parang sinasabi mo Kiosk na hindi ako polite sa Phantoms ah?”ani na saad ni Tad na rinig niyang bahagyang ikinatawa muli ni Balance. (Let be true to ourselves, Han, walang marunong gumalang kahit isa sa Phantoms pag tayo agn magkakaharap mapa-personal o tawag, so yeah, that’s what I’m saying.) “Sabagay, lahat tayo walang kagalang-galang sa katawan maliban nalang yata kay Yvanov, but on second thought, kalmadong tarantado din ang ating prinsipe pagdating sa atin. Kaya tama ka, walang kagalang-galang sa samahan natin. Masasabi mong napalaki tayong mabuti ni boss Taz.”ngiting ani ni Tad kay Balance sa kabilang linya. “Teka? Why did you call me? Parang magkasama lang tayo kanina bago tayo maghiwa-hiwalay sa underground, importante ba ang pagtawag mo?”tanong ni Tad kay Balance ng matanaw na niya ang pagmamay-ari ng kaniyang katawagan na airport. (My secretary called me a while ago, nagpa book ka daw ng plane ticket to Manila-Paris at sinabi mo sa secretary ko na i-priority ka?) “Hindi ko inasahan na ka-call mate mo pala ang secretary mo, Kiosk.”ani ni Tad . (Is what you are going to do in Paris too important for my airport to give you a VIP assistance?) “We’re friends Kiosk, and my business in Paris is really important. Hindi na kita deretsong natawagan dahil nagmamadali talaga ako, but I have in my mind to call you when I arrive in your aipor---“ (Stop explaining, Han, gawain ng Phantoms ang ganiyan. I just called to confirm it, my private plane is free for you to use. Kung importante ang lakad mo sa Paris then, there’s should no interruption in your flight. Kahit bigyan ka ng VIP assistance ng staff ko, still maghihintay ka pa din until the plane fly.) “Reallu?”ani ni Tad dahil hindi naman niya naisip na maari pa siyang maghintay kahit nag-ask siya ng VIP Assistance. “Sayang ‘yung ticket na pinak book ko, langya, mahal pa naman price ng ticket mo. Wala bang r****d?”angal ni Tad kay Balance. (There’s a r****d, Han, but I won’t give back the plane ticket you bought.) “What?! Bakit hindi mo ibabalik ang binayad ko? Sabi mo free ang pag gamit ko sa private plane mo, Kiosk?!” (Yeah, libre ang pagsakay mo sa private plane ko pero malaking abala ang gagawin mo sa magiging private pilot mo kaya sa kaniya ko idadagdag ang binayad mo sa ticket. You help one of my employee, Han, isn’t great?) “Masyado kang matalino, Kiosk, makakaangal pa ba ako eh kahit siguro magreklamo pa ako ay hindi mo naman ibabalik ang pera ko.”saad ni Tad. (That’s us, Han, anyway, bakit biglaan naman yata ang pagpunta mo sa Paris? You said that it was important, is it about the crisis your hospital is facing right now?) “Galing mong makaisip ng dahilan ah? Yeah, ‘yun nga ang dahilan bakit palipad ako ngayon papuntang Paris. Sa totoo lang Kiosk, sumasakit na ang ulo ko sa kung sino ang pwedeng gumawa ng pagpatay sa mga doctor ko.”pahayag ni Tad nang makarating na siya sa tapat ng KIA at pagka parada niya sa kotse niya sa private parking lot na para sa mga VIP visitors ng KIA. (You can ask help to Ringfer, kung wala kang makuhang clue sa kung sino ang pwedeng gumawa ng pagpatay sa mga doktor mo, hingin mo na ang tulong niya.) “That would be a great help pero may nauna ng dapat gawin at hanapin si Ringfer, besides, I want to solve this problem of my hospital on my own for now. Magaling lang magtago ang killer na ‘yun pero hindi siya makakapagtago sa akin ng matagal na panahon.”ani ni Tad bago siya lumabas sa kotse niya. “Nasa airport mo na ako, babalik din naman ako agad after kong harapin ang problema sa HIH Paris. Just don’t mentioned this to everyone, baka dagdag isipin nila ‘to. Alam mo naman ang grupo, masyadong isanasabuhay ang problema ng isa, problema ng lahat.”bilin na saad ni Tad kay Balance na bahagyang ikinatawa nito sa kabilang linya. (Okay, don’t worry, I won’t tell them about this.) “Thank you for the free fvcking ride, Kiosk.”pahayag ni Tad bago niya pinagpatayan si Balance at deretso nang naglakad papunta sa airport na pagkapasok niya ay agad siyang sinalubong ng secretary ni Balance at itinuro na sa kanya ang pagpunta sa private plane na gagamitin niya. Inikot ni Tad ang tingin niya sa buong airport, as usual, dagsaan pa din ang mga mga gustong sumakay sa KIA planes. Sa tingin ni Tad ang iba sa mga nasa aiport ni Balance ay para lumipad para sa bakasyon, ang iba ay para sa pag-alis nila pa-ibang bansa para magtrabaho. Masasabi niyang naging successful talaga ang paliparan ni Balance, though lahat naman ng tinahak nilang career ay naging matagumpay sila. Ang hind ilang nawala sa kanilang maka-kaibigan ay pagdating sa bayaran at singilan, lahat sila nagkakataguan at nagkakabardagulan. Iaalis n asana ni Tad ang tingin niya sa mga tao sa may center ground ng airport ng matigilan siya sa paglalakad nang makilala niya ang isang babaeng seryoso lang sa paglalakad nito habang may sukbit-sukbit itong itim na bag. May bahagyang gulat si Tad na hindi maalis ang titig sa magandang babae dahil alam niyang hindi siya namamalikmata, ang babaeng nakakakuha ng atensyon niya ang nakikita niyang naglalakad papunta sa exit door ng KIA. Hindi alam ni Tad, pero kusang gumalaw ang kaniyang mga paa upang habulin ang magandang babaeng alam nyang nagtatrabaho sa bar ni Ford bilang DJ. Ito ang magandang babaeng may kakaibang dating sa kaniya una palang niya itong makita sa bar ni Ford na may husay at galing sa pag D-DJ nito dahilan kung bakit dumadami din ang costumers ni Ford. Binilisan ni Tad ang takbo niya ng makita niyang malapit na itong makalabas ng airport, hindi niya pinansin ang pagtawag sa kaniya ng secretary ni Balance. Biglang nakalimutan ni Tad na nagmamadali siya at kailangan niya ng makapunta sa Paris, pero nawala ‘yun sa isipan niya dahil sa babaeng palabas na ng revolving door ng KIA na agad ikinahawak ni Tad dito upang tumigil ito sa pag-ikot at ikinatigil ng magandang babae sa tangkang paglabas niya doon at seryosong tingin ang ibinigay kay Tad. Dahil narin sa ginawang pagpapatigil ni Tad sa revolving door ay hindi makadaan ang ilang mga papasok ng KIA kaya sa ibang pintuan nalang ang mga ito dumaan habang tinatapunan nila ng tingin si Tad at ang babaeng hinarangan nito. “Hey! Natatandaan mo ba ako?” bahagyang hinihingal na tanong ni Tad dito na seryosong ikinatitig lang nito sa kaniya. “The freak stalker, sinong hindi makakatanda sayo? You always bugged me just to ask my name. Alam mo bang nang-aabala ka ng mga tao sa ginagawa mo? Why don’t you move and let that revolving door you are stopping.”seryosong sita nito sa kaniya na tulad ng una niya itong I approach sa bar ni Ford ay sinungitan na siya agad nito. *FLASHBACK* Nagkakasiyahan sina Tad sa bar ni Ford para i-celebrate ang kasal ni LAY bukas , nag-pasya silang mag-inom kahit bukas din ang biyahe nila papuntang Greece para sa kasal ng kaibigan nila na deserve na sumaya matapos ang mga nangyari dito. Tanging si Taz lang at Devil ang hindi sumama sa kanila dahil mas pinili nilang umuwi sa kanilang mga asawa at makapagpahinga din ng maayos bago ang alis nila bukas. “Rosales, magkalinawan lang tayo dito. Ito bang mga alak at pulutan na pinalagay mo sa mga staff mo sa mesa natin ay libre o scam ‘to?”pahayag na tanong ni Paxton kay Ford. Maingay ang dance floor ng bar ni Ford pero nasa spot sila ng JEYA kung saan less ang ingay kaya kahit papaano ay nagkakarinigan sila. Apat sa Phantoms ang hindi nila kasama ngayon, ang mga umuwi na seryoso sa buhay, si Demon na abala sa pagiging cartier nito at si LAY na naghahanda para sa kasal nito bukas. “Masyado kang mapanghinala Ignacio, it’s on the house kaya i-enjoy niyo.”ngiting pahayag ni Ford na sabay-sabay na malakas na ikinahiyaw sa tuwa nina Tad maliban kay YoRi na tahimik lang sa kinauupuan nito at Lu na nauna ng umiinom ng alak sa kanila. “Pang-ilan na ng batang may lampin na may pakpak ang napana niya sa Phantoms?”pagbubukas ng usapan ni Tad habang kaniya-kaniya na silang kumukuha ng alak nila matapos ideklara ni Ford na libre ang inumin at pulutan nila. “Ilan na ang natitirang single sa Phantoms, ‘yun ang tanong Han.”pagtatama ni Sergio kay Tad na ikinataas ng kamay nina ToV, Blue na parehas nilang ikinahawak at ikinataas ng kamay kina Lu at YoRi. “Apat nalang dude, sawi ‘yung isa sa amin.”ngising ani ni Blue na nakatanggap ng pambabatok ni Lu sa ulunan niya na ikinatawa lang nito. “Iba din talaga ang batang magaling manipat sa pagpana sa atin, kabahan na ang susunod.”ngising ani ni Shawn nang matigilan sila at mapalingon sa maydance floor ng marinig nila ang pag-hype ng crowd sa gitna dahil sa DJ na masasabi nilang magaling mag mix ng mga songs at maghype ng crowd. “Not bad, ang galing niya ah.”kumentong ani ni Blue na ikinangiti ni Ford. “She is, isa siya sa bagong rason ng pagdagsa ng mga costumers sa bar ko dahil sa galing niya pagdating sa ganiyang talent.” “Swerte ng bar mo, Rosales ah, sa bar mo napadpad ang ganiyang may talent at partida, babae pa.”ani na kumento naman Travis na hindi narin mapigilan na mapaindak ang kaniyang paa sa galing magbeat ng DJ ni Ford. Hindi naman maialis ni Tad ang tingin niya sa babaeng DJ ng bar ni Ford, may kalayuan ang pwesto nila sa pwesto nito kaya hindi niya masyadong maaninag ang babaeng DJ ng bar ni Ford. Inalis narin naman ng iba ang tingin dito at nagsimula ng mag-inuman na may kasamang asaran at bardagulan ng magpaalam si Tad para makipag cr. Nang malapit na siya sa CR ay natigilan siya ng makasalubong niya ang isang magandang babae na may strong aura at nababalot ng kaseryosohan ang ekpresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Akmang lalagpasan niya nalang ang magandang babaeng nakasalubong niya ng matigilan sya ng may lumapit na isang babae na teenager sa magandang babae at humingi ng permiso na magpa-picture dahilan upang malaman ni Tad na ang magandang babaeng nakasalubong niya ay ang magaling na DJ ng bar ni Ford. Hindi naiwasan ni Tad na matitigan ang magandang mukha ng DJ ng bar ni Ford na walang man lang ngiting ibinigay habang nagpapa-picture ang teenager na babae dito na parang kinikilig na umalis na din. “You’re staring at me, may problema ka ba sa mukha ko?”seryosong tanong nito sa kaniya na hindi alam ni Tad kung bakit siya biglang na-intimidate sa magandang babaeng nasa harapan niya. “W-wala nam---“ “Kung wala pwede bang tumabi ka sa dadaanan ko? Nakaharang ka.”putol na pahayag nito sa kaniya na hindi alam ni Tad kung bakit kusa siyang gumilid para bigyan ng daan ang magandang babae na hindi niya alam kung bakit kusang nagbukas ang mga labi niya para tanungin ito. “Anong pangalan mo?”tanong ni Tad na bahagya niyang ikinakunot sa kaniyang sarili bakit interesado siyang malaman ang pangalan nito. “Hindi ako nakikipagkilala sa kung sino, ang ayoko sa lahat ‘yung lalaking mabilis ma-fall sa isang babae.”seryosong ani nito kay Tad. “Wait, tinatanong ko lang naman ang pangal---“ “Because you’re interested to know my name? Pang dalawampu’t dalawa ka ng nagtatanong sa pangalan ko, sorry pero hindi ako nakikipagkilala pag alam kong mahina.”ani nito sa kaniya na hindi na nakapagsalita si Tad hanggang sa mawala na sa harapan niya ang magandang DJ ng bar ni Ford. Bahagyang napapilig si Tad ng kaniyang ulunan na ikinalakad niya papunta sa cr at ng matanto niya ang huling sinabi nito sa kaniya ay hindi siya makapaniwalang hinanap ng tingin ang magandang DJ pero nawala na ‘to sa paningin niya. “Wait, what? Sinabi ba niyang mahina ako?” *END OF FLASHBACK* Ang babaeng nasa harapan niya ang kauna-unahang tao na nagsabi sa kaniyang mahina siya kaya hindi niya ‘yun matanggap, akala niya pagka-inis ang nararamdaman niya sa dalaga dahil sa panliliit nito sa kaniya kaya palihim niyang inaabangan at pinupuntahan ito sa bar ni Ford ng hindi pinapaalam sa kaibigan. Kinukuntsaba niya ang mga staff ni Ford para walang magsabi sa kaibigan niya ang pagdaan-daan niya sa JEYA. At sa tuwing naabutan niya ito ay lagi siya nitong sinusungitan, hindi narin nawala sa isipan ni Tad ang babaeng nasa harapan niya na minsan ng gumagambala sa trabaho niya pero proud siya sa sarili niya dahil nagagawa niyang alisin agad ito sa isipan niya. Pero aaminin niya, parang sirang plaka ang mukha ng babaeng nasa harapan niya na hindi niya maalis sa utak niya na hindi niya alam noon kung bakit nangyayari ‘yun sa kaniya. Sa tuwing pupuntahan niya ito ng lihim sa bar ni Ford ay pagsusungit ang isinasalubong nito sa kaniya, napakailap nito sa kaniya na kahit pangalan na ilang beses niya ng tinanong dito ay hindi nito binibigay. Natatandaan din ni Tad ang minsan ng warning na binigay ni Lu sa kanila na 50k ang naging kapalit para maging aware siya. *FLASHBACK* “You will know that Cupid is targeting you when the face of a woman is imprinted on your mind and it never leave your fvcking brain. When your fvcking heart is abnormally beats for that woman, if you don’t want to see her talking with other men species and all you think was to make her yours. I fell in love with Lorraine, the first time I see her picture, kaya mag-ingat kayo sa isang babaeng pabibilisin ang t***k ng mga puso niyo, mapanganib para sa inyong gusto pang manatiling single.”pagbibigay warning ni Lu. “Noted.”sabay sabay na sagot nina ToV at Blue na talagang sineryoso ang sagot ni Lu sa kanila nang lingunin nila si Tad na tahimik sa kinauupuan nito. “Hoy Han, narinig mo ba ang sinagot ni Santos?”sitang tanong ni Blue na napatikhim na ikinatango ni Tad. “O-oo, noted ‘yan.” *END OF FLASHBACK* Nang sabihin ‘yun ni Lu sa kanila, ‘yun ang unang beses na marealize ni Tad na natatamaan na siya ng pana ni kupido. Dahil parang siya ang tinutukoy ni Lu sa warning na binigay ni Lu, sa tuwing may mga costumer ni Ford sa bar ang lumalapit dito ay nakakaramdam siya ng inis na gusto niyang ilayo ito sa mga lalaking ‘yun. At alam ni Tad ang pagka interesado niya sa babaeng nasa harapan niya ay nage-evolve na hindi niya alam kung kakatakutan niya o itatanggi niya sa kaniyang sarili. “Anong ginagawa mo dito sa airport?”ngiting tanong ni Tad dito na hindi pinansin ang sinabi nito. “Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo? Obligado ba ako?”seryosong tanong nito na ngiting ikinaalis ni Tad sa pagkakahawak niya sa revolving door dahilan upang umikot ulit ito habang nakatingin siya dito. “Bakit ba ang sungit mo? Nakikipag-kaibigan lang nama---“ “Ayokong maging kaibigan ang isang tulad mo, so stop pestering me. Hindi ako interesado sa’yo.”putol na ani nito na ikinadaan na nito sa revolving door na ikinahabol tingin ni Tad dito na ngiting ikinapamulsa niya dito. “Masungit pa din, wala ba siyang nakikitang kaintere-teresado sa akin? So cold, I just want to know her name.”pahayag ni Tad ng mapagtanto niyang matagal-tagal na din niyang kinukulit ito sa pangalan nito pero dedma lang siya o nasusungitan nito. “Ayoko ng mga sign ni Santos.”naiiling na pahayag ni Tad sa kaniyang sarili na ikinabalik niya ng lakad papunta sa secretary ni Balance na hinihintay siya. Humingi siya ng paumanhin dito nago sila tumuloy na para makaalis na si Tad, alam niyang ginugulo ng magandang babaeng ‘yun ang isipan niya at hindi niya iyon pinapaalam sa Phantoms dahil ayaw niyang alaskahin ng mga kaibigan niya. Huminga ng malalim si Tad at pinilit inalis ang magandang babaeng ‘yun dahil alam niyang pag hindi niya inalis agad ang pagkakakita niya dito sa aiport ay hanggang pagdating niya sa Paris ay ito ang nasa isipan niya, kaya agad niyang isinantabi sa kaniyang isipan ang magandang babaeng ‘yun at ang problema niya ang muli niyang inisip. Nang maihatid na siya ng secretary ni Balance sa private plane nito ay agad narin naman siyang bumiyahe papuntang Paris. Ilang oras ang lumipas sa biyahe niya ay nakarating na siya sa Paris at inabot na siya ng gabi, walang sinayang na oras si Tad at dere-deretsong sumakay sa kotse na padala ng ospital niya sa Paris at dinala na siya sa kaniyang ospital. Pagkarating niya doon ay agad siyang sinalubong nga ilang staffs ng ospital kasama ang Director Doctor niya na yumuko sa pagdating niya. “bonsoir Monsieur. (Good evening, sir)” bati ng Director Doctor sa kaniya na ikinasabay nang mga ito sa paglalakad nya papasok sa ospital. “What exactly happened, Director Laurent?”seryosong tanong ni Tad dito na nababakasa ng takot at pangamba sa mukha nito. “Director Han, Doctor Toussaint was added in our surgeon doctor that was been killed this day.”paghahatid ngbalita nito kay Tad na gulat na ikinatigil nito sa paglalakad at nilingon ang Director Doctor na nasa tabi niya. “What?! You mean, three of our doctors here are killed?!”gulat na bulaslas ni Tad na ikinatango nito sa kaniya. “He was found dead on his desk bathing in his own blood because he had a large and deep cut on his neck and the killer left the same dagger as the one used to kill Doctor Silvester and Doctor Castenos.”paliwanag na pahayag nito sa kaniya na bahagyang ikinamura ni Tad sa kinatatayuan niya. “And like the previous investigations of the Paris police, the killing of Doctor Toussaint was clean, leaving no clue.”dagdag pa na impormasyon nito kay Tad na ikinapamewang na ikinabuntong hininga ni Tad sa nagsisimulang stress na nararamdaman niya dahil sa mga sunod-sunod na pagpatay sa mga doctor niya. “Show me that damn dagger.”seryosong utos ni Tad na ikinalakad na nito para pumuta sa opisina ng Director Doctor na nag-utos na sa mga staff na tawagan ang Paris Police na may hawak sa punyal na nakukuha nila sa pagpatay na nagaganap. SA LIKURAN naman ng malaking ospital ay dere-deretsong naglalakad palabas ang isang lalaking naka itim na cap na hinubad ito, hinubad din nito ang itim na gloves niya at hinubad din ang itim na damit na suot nito na may talamsik ng dugo bago sabay-sabay iyong itinapon sa nag-aapoy na burn barrel na ikinaliyab ng apoy doon bago siya nagsuot ng bagong damit at nagsuot ng pang nerd na salamin habang malawak ang ngiting binabati ang mga nakakasalubong niya pagdating nya sa may kalsada. At nang may tumigil na itim na kotse ay agad na sumakay ang lalaki galing sa likuran ng HIH at agad na sumandal sa kaniyang kinauupuan. “Let’s go back in Escanab—wait? Where is he?”takang hanap na tanong nito na ikinasilip ng driver niya sa rear mirror nito. “Magpapaiwan daw po muna siya dito sa Paris para mamasyal.”sagot nito sa kaniya. “That brat, masesermunan na naman siya ni Ate dahil sa ginagawa niya. Sa hotel nalang muna tayo at hinatayin sya.”ani nito na agad ikinasunod ng driver nila at umalis sa tapat ng Han International Hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD