Chapter 01
Series 11: Tadeus Han
Nagkakagulo ngayon ang mga tao sa loob ng KIA international airport matapos may malaglag sa hagdanan na isang matandang lalaki na ngayong ay nakahandusay sa sahig, nakapalibot ang mga tao dito at gulat at naawang nakatingin sa matandang lalaki na pilit pinapalayo ng mga security guard upang walang makagalaw sa katawan ng nahulog na matanda. Nakatawag na ang security team ng ambulansya at hihintayin nalang ito dumating para matingnan at madala sa ospital ang matandang lalaki, na umuungol sa sakit na nararamdaman dahil sa pagkalaglag niya sa hagdanan.
Umiiyak at sobrang nag-aalala naman ang dalagang apo nito na kasama ng matandang lalaki, gusto niyang hawakan ang kaniyang lolo pero pinipigilan siya ng mga security upang hindi lumala ang kalagayan ng lolo nito.
“Kailangang madala na ng lolo ko sa ospital, can’t you see it? He’s groaning in pain and what if he gets a broken bones, huh?! Bakit tumutunganga lang kayo!”iyak na palahaw at reklamo ng dalaga sa mga security na pilit siyang hindi pinapalapit sa lolo niya.
“Tumawag na kami ng ambulansya Ms. and we should not touch or move his body to avoid more serious damage in his body. Kumalma muna kay---“
“Kumalma?! Paano ako kakalma kung nakikita ko ang lolo kong nakahandusay diyan sa sahig, pinapanuod ng mga tao at dumadaing sa sakit na nararamdaman niya?! How am I supposed to be calm, right now?!”galit na singhal nito na umiiyak at naawang binalingan ang lolo nito.
“Lolo…”
“Excuse me, move away.”
Napalingon ang dalaga sa kanang bahagi niya ng tumabi ang mga tao habang nakatingin sa isang lalaking naka suit na kulay blue, nakasalamin na itim na parang model na naglalakad palapit sa kanila. Ang mga kababaihan ay napapatingin sa gwapong lalaking deretsong naglakad sa may tabi ng matandang lalaki na agad nilapitan ng isang security.
“Excuse me sir, hindi ka pwedeng lumap—“
Hindi natuloy ang sasabihin ng security guard ng may itaas na ID ang gwapong lalaking lumingon dito at inalis ang suot nitong itim na salamin.
“Doctor Tadeus Han, CEO of Han International Hospital, a surgeon. Hindi ko parin ba pwedeng galawin ang pasyente na nangangailangan ng tulong?”kalmadong pahayag at pagpapakilala ni Tad sa security guard na agad ikinalapit ng dalaga sa may bandang likuran ni Tad.
“Okay lang naman ang lolo ko diba, doc?”kinakabahang tanong ng dalaga na ngiting ikinalingon ni Tad dito.
“We will see.”sambit ni Tad bago ibinaling ang tingin sa matandang lalaking may malay pero kita niya sa mukha nito na hindi maayos ang lagay nito.
“How long he has been lying here?”tanong ni Tad habang tinitingnan nito ang buong katawan nito.
“M-mag fifteen minutes na doc.”
“Did anyone move him from this position?”tanong muli ni Tad na ikinailing ng dalaga.
“W-wala doc.”
“Hey sir, can you hear me?”kalmadong tanong ni Tad sa matandang lalaki na bahagya nitong ikinatango na bahagya pang ikinalapit ni Tad dito upang iayos ng itihaya ang ulunan nito.
“Sir, hindi mo basta pwedeng galawin ang ulunan niya.”sitang sambit ng isang nanunuod na tao na ikinalingon ni Tad dito ng mapalingon ang lahat ng sumagap ng hangin ang matandang lalaki.
“I know what I’m doing sir, I carefully move his head to keep his airway clear. Kung labing limang minuto na siyang ganito ang pwesto. I’m sure nahihirapan na siyang huminga.”sambit na paliwanag ni Tad na ikinatikom ng bibig ng lalaking pumuna.
“If I were you dude, hindi ako magku-question sa trabaho ng isang doctor. He knows what he’s doing kaya pakitikom nalang ng bibig natin diyan.”
Napalingon ang lalaking nanita kay Tad kay Blue na nakacross arms na nakatayo sa kanang tabi nito, naka suot ng itim na cap, itim na salamin at naka facemask pa upang hindi makilala ng mga tao habang nakatingin sa ginagawang first aid ni Tad para sa matandang lalaki.
“Huwag kang manakot, Ynarez, baka mabatukan ka ni Kiosk pag may dumating na reklamo sa opisina niya.”sambit na sarkastikong sita ni ToV na bahagyang ikinagutla ng lalaking nanita kay Tad ng makita niya si ToV na nakatayo naman sa kaliwa niya.
“Hindi ako nananakot Valenzuela, sinasabi ko lang ang totoo. Teka, itatanong ko sana kanina eh, nawala lang sa isipan ko, wala ka bang meet up ngayon sa maingay mong kliyente? ‘Yung kaibigan ni Therice?”saad ni Blue na ikinapoker face ni ToV sa kinatatayuan nito habang pinanggigitnaan nilang dalawa ang lalaking nanita kay tad.
“She told me na huwag muna kaming magkita dahil naalibadbaran daw siya sa mukha ko, that woman, lintek niya na ngang pagduduhan ang credibility ko bilang abogado, kung pagsalitaan niya ako parang hindi ako respetadong tao.”inis na sambit ni ToV na may sinabi pa ito pero pabulong nalang na bahagyang ikinatawa ni Blue na poker face na ikinalingon ni ToV sa kaniya.
“What the fvck are you laughing at huh Ynarez?”
“Nothing, masama na ba talagang tumaw---“
“Both of you, kung mag-iingay kayo mabuti pang lumayo-layo kayo dito. Dinadagdagan niyo ng stress ang pasyente dahil sa mga ingay niyo.”putol na sita ni Tad kina ToV at Blue na sabay itinikom ang bibig na parehas na binigyan ng tingin ng lalaking pinanggigitnan nila.
“Tell me sir, if it hurts okay?”ani na tanong ni Tad na ikinalapit niya sa may abdomen part ng matandang lalaki na kita niyang ikinapikit at ngiwi nito habang patuloy siya sa ginagawa niya ng dahan-dahan.
“Paano ka nahulog sa hagdanan sir? Can you tell me?”
“B-bi-biglang na-nan-nandilim a-ang p-paningin k-ko, w-wala a-akong na-nakapitan…”nahihirapan pero pilit na sinagot ang tanong ni Tad na ikinatango nito.
“You need to be calm sir, your still safe. You have contorted limbs in your leg part, and because your abdominal part was in pain, I think there is bleeding inside. I can’t do much more here dahil wala akong dalang gamit, we can’t take risks here.”sambit ni Tad na ikinatayo nito upang kausapin ang isang guard ng sumulpot sa unahan niya ang dalaga.
“O-okay lang naman ang lolo ko right?”
“He will be fine, pag nadala na siya sa ospital mas matitingnan ang kalagayan niya. And please next time, be more attentive. Your lolo was too old to let him go down the stairs alone, at sa edad niya makakaranas at makakaranas siya ng pagkahilo. You always need to stay right next to him, huwag kang maging pabayang apo.”bahagyang sermon ni Tad na hindi nagawang ikasagot ng babae dahil na guilty ito dahil nauna siyang bumaba sa hagdanan at nalilibang siya sa kausap niya sa telepono.
Sunod na kinausap ni Tad ang mag security guard habang iniintay siya nina ToV na matapos sa biglaang duty na nangyari. Kauuwi lang ni Tad galing Venice dahil pinatawag siya ng naka appoint na director sa Han International Hospital sa Venice dahil sa isang pangyayaring hanggang ngayon ay iniisip ni Tad kung sadya o nagkataon lang na may pinatay na isang doktor sa HIH Venice na makikita sa Mortellago, Venice, Italy. Pina-iimbestigahan niya muna ang insidente o krimen na ibinalita sa kanya at inabisuhan ang director na magbigay ng initial report sa kaniya sa nangyari at magiging deduction ng pulisya sa Venice. Hindi nag stay si Tad sa Venice para tutukan ang nangyaring insidente dahil pinatawag sila ni Taz sa US dahil may sasabihin ito sa kanila kaya agad din siyang bumalik sa pilipinas.
Matapos kausapin ni Tad ang security guard ay nag-stay pa siya sa airport para hintayin ang ambulansya na maghahatid sa matandang lalaki sa malapit na ospital, nilapitan naman ni ToV at Blue si Tad na lumingon sa kanilang dalawa.
“Doc. Han, bakit hindi mo nirekomenda ang ospital mo sa apo nung matandang lalaki?”tanong na usisa ni Blue na ikinapamulsa ni Tad sa pants niya.
“Budol ako minsan pag dating sa ospital ko pero hindi ako ganun kalala, that old man needs to bring in the nearest hospital to check his body after his fall. HIH was too far from here at pwede pang lumala ang lagay niya. Isa pa, binubudol ko lang ‘yung sa tingin ko ay kubudol-budol, Ynarez.”paliwanag na ani ni Tad na bahagyang ikinangisi ni ToV.
“So ang Phantoms pala ay kabudol-budol sayo, maghihirap ang mga kaibigan mo sa ginagawa mo Doc. Han.”
“Hindi uso sa Phantoms ang maghihirap, teka? Bakit pala kasama mo si Ynarez sa pagsundo sa akin?”tanong ni Tad na malawak na ikinangiti ni Blue sa kaniya.
“Basta nalang sumulpot ang kabute na ‘yan kanina, hindi pa ako nakakalabas ng villa ng harangin niyan ang kotse ko. Ang kapal nga ng mukha, may dala namang kotse nakisabay pa sa akin.”angal na singhal ni ToV.
“Masaya kayang magbiyahe papuntang US kung marami kang kasabay, buti nga naabutan pa kita sa villa niyo eh. Tsaka okay kung dalawa kaming kasama mo ni Tad, pwede mong ilabas ang sama ng loob mo sa kliyente mo na naalibadbaran sa mukha mo.”ani na sagot ni Blue na bahagyang ngising ikinalingon ni Tad kay ToV.
“Eh? That’s new, pag may kliyente kang babae, nahuhumaling sila sa mukha mo. Pero pagdating sa kaibigan ng asawa ni Fritz, hindi pala ‘yan kaaya-aya, sakit nun dude.”asar ni Tad na ikinaingos lang ni ToV sa kaniya.
Miya-miya pa ay dumating na ang ambulansya na tinawag ng security guard ng KIA na agad ng ipinasok sa sasakyan ang pasyente kasama ang apo nito at nagsimula ng umalis. Umalis na rin sina ToV sa KIA para pumunta na ng Underground Society.
Sa biyahe nila ay nasa likuran nakaupo si Blue habang si Tad ang katabi ni ToV habang nagmamaneho ito, nagpapasalamat nalang sila at walang traffic na iipit sa kanila dahil pare-parehas silang ayaw dumating ng late sa bound nila. Wala naman sa mood mag-ingay si Blue kaya isa ‘yun sa lihim na pinagpapasalamat ni ToV at Tad.
Tahimik lang din si Tad sa kinauupuan niya habang iniisip niya ang insidente sa HIH sa Venice, nakapag-abot na naman siya ng tulong at simpatya sa pamilya ng doktor niya na pinatay mismo sa opisina nito. Walang maisip na pwedeng maging rason si Tad para patayin ang isa sa doktor, dahil hindi lang ito mahusay sa pangagamot eh mabait din ito. Masasabi din ni Tad na malinis ang pagkakapatay sa isa sa mga doctor niya kung sino man ang may kagagawan ng pagpatay.
“Lalim ng iniisip mo, Han ah. Saan ka nakarating?”kumentong pansin ni ToV kay Tad habang deretso ang tingin nito sa kalsada na bahagyang ikinangisi ni Tad.
“Naiwan sa Venice ang ilang portion ng utak ko, pero don’t worry hindi iyon makaka-apekto sa trabaho ko dito at sa mga gawain natin sa bound natin.”
“Ano bang inasikaso mo sa Venice? Sa pagkaka-alam namin hindi ka dadalaw sa mga branches ng ospital mo kung hindi ganun kaseryoso ang problema.”usisang tanong ni Blue na hindi rin napanindigan ang pagtahimik nito.
“Tumawag si Director Berlusconi sa akin, hiniling niya na magpunta ako doon dahil may pinatay na isang doktor sa ospital ko sa Venice. Hindi ko siya makitang suicide, someone kill him in his own office using a wire thread in his neck.”pahayag na sagot ni Tad.
“An enemy of that doctors of yours?”tanong ni ToV na ikinailing ni Tad.
“No, Doc. Blanchi is a kind neurologist-sergeon in my hospital in Venice. He was loyal to Han International Hospital and he was my trusted doctor there. Hindi pa alam kung anong rason ng pagpatay, but I’ll make sure to find out whoever the fvcking killer.”seryosong sagot ni Tad.
“Mukhang parehas kayo ni Valenzuela na kailangang hatiin ang oras between our mission in US and your job. Si Valenzuela, bilang abogado ng kaibigan ng asawa ni Fritz, ikaw naman Han, sa nangyari sa ospital mo. Nakaka stress naman ‘yan.”aning pahayag ni Blue na bahagyang ikinalingon ni Tad sa kaniya.
“Palibahasa kasi ikaw Ynarez, hindi ka marunong ma stress sa career mo dahil hindi ka naman ganun kasikat. Bakit hindi mo hawakan ang business niyo ni Lolo Pops ng ma-experience mo naman.”
“Wow Han, grabe kayo ni Valenzuela na sabihin harap-harapan sa akin na hindi ako sikat sa banda namin. Sikat ako, okay. Tsaka may panahon para hawakan ko ang business namin ni Lolo Pops, hindi pa ngayon ang panahon eh. Dami pang mangyayari na kailangan ko munang tingnan ng mabuti.”pahayag ni Blue na mas ikinalingon ni Tad sa kaniya.
“Pinagsasasabi mo? Ang sabihin mo tinatamad ka lang hawakan ang negosyo niyo.”sitang kumento ni Tad na bahagyang ikinatawa ni Blue.
“Ganun na nga, nahuli mo ako doon Han.”ani ni Blue na ikinailing nalang ni Tad bago binalik ang tingin sa kaniyang harapan.
“Hindi ko muna masyadong iisipin ang nangyari sa Venice, maghihintay nalang muna ako ng balita sa mga pulis sa imbestigasyon nila. Sa ngayon, sa trabaho natin sa bound at US ang pagtutuunan ko ng pansin.”pahayag ni Tad na biglang pumasok sa isipan niya ang JEYA’s bar kung saan may gusto siyang tingnan doon isang taong sa palagay niya ay pumupukaw sa kaniyang atensyon, pero inalis nalang niya muna sa kaniyang isipan dahil ang rason ng pagtawag ni Taz sa kanila ang dapat niya munang isipan.
Ilang oras ang naging byahe nila at magtatangahli na ng makarating sila sa US, dere-deretso pinasok ni ToV ang sasakyan niya haggang sa makarating na sila sa malaking gate ng bound nila. Agad silang pinagbuksan at ipinasok na ni ToV ang kotse niya. Matapos maiparada ay nagsilabasan na sila sa kotse at dere-deretsong pumasok sa pavillion kung saan sila nalang tatlo ang hinihintay pero wala parin si Taz.
Habang hinihintay nila ang pagdating ng kanilang leader ay kaniya-kaniyang usapan ang bawat isa sa kanila, ikinuwento na din ni Tad kina Paxton ang dahilan ng biglaan niyang pagpunta sa Venice kagabi. Kausap naman ni ToV si Sergio sa may tabing bintana habang may kaniya-kaniyang ginawa ang underboss ni Taz at ang ibang Phantoms lalo na sina YoRi at Devil na tahimik lang sa kinauupuan nila.
Miya-miya pa ay dumating na si Taz at agad silang pinataas sa opisina nito, sabay-sabay na siang umakyat at pagdating nila sa loob ng opisina ay kaniya-kaniya ng upo sa mga pwesto nila sina Tad at sina Ribal, hanggang sa magsimula na si Taz sa mga sasabihin nito na siya namang ikinagulat nilang lahat maliban kina Ribal.
“Ano? Bakit ititigil natin ang paghahanap sa outsider ng US?”takang hindi maunawaan na tanong ni Paxton sa ibinaba ni Taz sa kanilang lahat na silang Phantoms ang concern.
Si Ribal ang nagtanong kay Taz ng dahilan kung bakit titigil muna sila sa paghahanap sa outsider ng US na sinagot naman ni Taz nang pagbibigay ng bagong misyon sa kanila na hanapin ang isang taong may pangalan na Roberto Palerma at dalhin ito ng buhay sa barn ni YoRi. At mas naguluhan pa sila sa huling sinabi ni Taz na ikinakunot ng noo ni Tad.
“…That’s all for today and for now, no one in Phantoms will come here in bound.”
“Ha? Bakit naman hindi muna kami pwedeng pumasok ng bound natin, Taz?”naguguluhag tanong ni Travis sa sinabi ni Taz na sininghalan pa ni Paxton bago nito deretsahang sabihin ang dahilan.
“Phantoms are being banned in underground society for two months, it was command to obey by Valdemor.”seryosong pagbibigay ng rason ni Taz na ikinagulat nina Tad.
Hindi sila makapaniwala na pinag-utos ni Valdemor na i-banned sila ng dalawang buwan sa US, at alam nilang wala silang magagawa kahit umangal pa sila dahilan kung bakit nakikita nila ang pagka-insi kay Paxton. Ayaw din naman nilang magtanong pa kay Taz kung bakit pumayag ito sa ibinaba ni Valdemor kaya after ng pag-uusap nila ay nauna ng lumabas ng opisina si Devil na ikinasunod ni YoRi at Paxton bago nagsitayuan narin sina Tad at walang imik na lumabas na ng opisina ni Taz na naiwan kasama ang mga underbosses nito.
Pababa sila ng hagdanan at naririnig pa ni Tad ang pagrereklamo ni Paxton na dere-deretsong naglakad palabas ng Pavillion nila. Naiintindihan nila ang pagkainis ni Paxton sa ibinabang desisyon ni Valdemor sa kanila dahil alam niyang hindi lang si Paxton ang nakakaramdam ng inis dahil sa pagbawal sa kanilang Phantoms na pumasok sa US ng dalawang buwan.
“Nakakapagtaka ang biglaang pag ban sa atin ni Valdemor sa US pero wala tayong magagawa kundi sumunod, mukhang dalawang buwan maglalabas ng hinaing si Ignacio sa atin.”ani na kumento ni ToV na kasabay ni Tad sa paglalakad ng makalabas na sila ng Pavillion.
“Atleast hindi tayo magiging tambay habang wala tayong ganap sa US, may hahanapin tayong tao na kailangan nating madala kay boss Taz.”ani ni Tad ng tumunog ang cellphone niya na agad niyang kinuha at sinagot.
“Hello?”
(Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ng secretary mo Director Han?)
“Oh? Yshara? Huwag mo akong tinatawagan baka patayin ako ng asawa mo, selosong gago pa naman ‘yun.”birong ani ni Tad sa kausap niya sa kabilang linya habang tahimik lang si ToV sa paglalakad nito sa tabi niya at nasa likuran niya sina Blue, Travis, Shawn, Ford at Balance na pinag-uusapan ang tungkol sa pagka banned nila sa US.
(Hindi kita tatawagan kung sinasagot mo ang tawag ni Kael sayo, alam kong nakabalik ka na galing Venice kaya pwede ba Director Han. Pumunta ka sa ospital mo dahil may bisita ka sa opisina mo.)
“Bisita?” kunot noong tanong ni Tad.
Walang maisip si Tad na pwedeng bumisita sa opisina niya ngayong araw, kaya bahagya siyang nagtaka sa sinasabing bisita ni Yshara sa kaniya.
(Just drop by in your office to meet him, alam ni Kael na may personal number ka sa akin kaya ako ang pinatawag niya sayo. So next time, answer your working phone for pete’s sake dahil kung hindi, isusumbong kita talaga sa asawa ko.)
Nawala na si Yshara sa kabilang linya kaya ibinaba na ni Tad ang cellphone niya at isinuksok iyon sa bulsa niya, hindi niya alam na tinatawagan siya ng secretary niya dahil hindi niya dala ang working phone niya.
“Emergency?”kumentong tanong ni ToV na ngiting ikinalingon ni Tad sa kaniya.
“Valenzuela, pakihatid ako sa ospital ko.”ani nito na napaingos na ikinaismid ni ToV sa kaniya.
“Do I look like your fvcking driver, Han? Mahal ang gasoline ngayon kaya magpapa full tank ako, kung gusto mong ihatid kita sa opsital mo, you better full tank my car.”ani ni ToV na ngising ikinauna ng ikalakad nito.
“Nananamantala ka, Valenzuela! Tangna bakit full tank?”singhal na bulyaw ni Tad kay ToV.
“Pwede ka namang mag commute, Han, hindi kita pinipilit.”sagot na ani ni ToV sa kaniya na buntong hiningang ikinailing nalang ni Tad.
“Salamat ha, kaibigan kang tunay.”ani ni Tad.
PAGDATING nina Tad sa harapan ng ospital niya ay nagpaalam na siya kay ToV na malaking ngising kumaway sa kaniya dahil sa pagkaka full tank ng kotse nito. Laglag balikat nalang si Tad kanina ng umabot ng limang libo ang pagpapagasolina niya sa kotse ni ToV na alam niyang nasisiyahan ang kaibigan dahil wala na itong problema sa pampagasolina.
Nang pumasok na si Tad sa ospital niya ay agad naman siyang binati ng guard ganun din ng mga nurse, doctors and staff na nakakasalubong niya, nakita niya din na may bagong pasyente na tinakbo sa ER na hindi nakalagpas sa paningin niya ang malaking sugat nito sa may bantang tiyan na may nakatusok na malaking bubog hanggang sa makita niya ang kaniyang secretary na humahangos patakbo palapit sa kaniya.
“He shouldn't run like that so he doesn't stum---“ hindi natapos ni Tad ang sasabihin nya ng bahagya siyang mapangiwi ng magtaob ang secretary niya sa pagtakbo nito na ikinatalsik ng salamin nito na buntong hiningang ikinalakad ni Tad palapit dito.
“Iwasan mo ng tumakbo ng ganun, Kael, baka mabalian ka pa ng di oras.”kumentong ani ni Tad sa secretary niya na agad dinampot ang salamin niya at inayos ang sariling humarap sa kaniya.
“Director Han, ma-mabuti po at dumating na kayo, kanina pa po kasi naghihintay ang bisita niyo sa opisina niyo.”ani nito na ikinalakad na nilang dalawa papunta sa opisina niya.
“Wala akong natatandaan na may bisita akong darating ngayon, who’s the visitor?”
“Uhmm, he’s Doctor Zachary Giorgio Ferrari, narito po siya dahil sa recommendation daw po sa kaniya dito bilang part time doctor.”sagot ng secretary niya sa tanong niya.
“Recommendation? Wala akong natatandaan na may recommendation akong natanggap for part time doctor. That’s odd.”salubong ang kilay na ani ni Tad na ikinabili nito sa paglalakad kasunod ang secretary niya hanggang makasakay na siya ng elevator.
Pagdating sa palapag kung nasaan ang opisin ni Tad ay deretso syang pumasok sa opisin kung saan tumambad agad sa mata niya ang isang lalaking prenteng nakaupo sa visitor’s area niya na napalingon sa pagdating niya.
“Yo!”bating ani nito sa kaniya na itinaas pa ang kanang kamay na ikinalakad palapit ni Tad dito at umupos siya sa harapan ng bisita niya.
“Doctor Zachary Giorgi Ferrari, my secretary said that you came here because of a recommendation as part time doctor of my hospital.”pahayag na deretsahang tanong ni Tad na ikinatango nito.
“Correct, you have a nice hospital. Hindi ko rin inasahan na kasing edad ko lang ang director ng Han International Hospital. Nice too meet you, Director Tadeus Han, right?”ani nito na ikinatitig ni Tad dito.
“Honestly, wala akong natatanggap na email or recommendation letter tungkol sayo, may I know kung sino ang nagreccomend sayo na dito sa HIH mag part time?”deretsong tanong ni Tad na ikinalapag ni Zachary ng isang papel sa center table na agad kinuha ni Tad at binasa iyon.
“I just want to be a part time doctor here, mukhang maganda kasing magtrabaho dito.”ani nito na bahagyang ikinangisi ni Tad ng makita niyang fake ang pinakitang papel sa kaniya ni Zachary na ikinalapag niya sa papel na hawak niya.
“If you want to work in my hospital then, show me a valid recommendation letter. You can’t fool me by that, fake letter of yours.”pahayag ni Tad na ikinangisi ni Zachary sa kaniya.
“Not bad, akala ko hindi mo mapapansin na peke ang papel na ‘yan. You have a good eyes Director Han, so tinatanggap mo na ba akong part time doctor mo? Don’t worry peke man ang dala kong papel linsensyadong doctor naman ako.”pahayag nito na ikinabuntong hininga ni Tad dito.
“Hindi ka basta-basta nagpupunta sa kung saan-sang ospital ng walang recommendation at naisipan mo lang na mag part time. My hospital is not a playground for you to play with, doc Ferrari.”ani ni Tad na bahagyang ikinangisi ni Zachary sa kaniya.
“Wala naman akong sinabi na maglalaro ako sa hospital mo, malinaw na sinabi kong gusto kong maging part time doctor dito, what’s wrong with that? Besides, hindi uso sa akin ang recommendation, I have skill and talent in saving lifes kaya wala kang masasabi sa akin.”pahayag na pagmamalaki nito na bahagyang ikinaingos ni Tad dito.
“For how long?”
“Ha?”
“Hanggang kailan ka magiging part time doctor ng ospital ko? Mabuti ng alam ko para hindi kita hahanapin sakaling hindi ka na mahanap sa buong ospital ko.”pahayag ni Tad dito.
“Let see, maybe as long that I’m enjoying working here I guess.”ani na sagot nito bahagyang ikinailing ni Tad dito. bago tumayo sa kinauupuan nito.
“A man with a severe wound, he had laceration for having a deep cut that can affect his nerves, blood vessels, or bone. Puncture wounds can be easily infected so you better get your ass off in my chair, and start working.”pahayag niya dito na ngising ikinatayo nito sa pagkaka-upo nito.
“So, I guess that’s accepting me as your part time doctor. Pero kakatanggap mo palang sa akin pinagtatrabah---“
“Puntahan mo na ang pasyente mo, trip mong magtrabaho dito diba? Layas na.”ani na taboy nito Tad kay Zachary.
“I don’t like you as a boss.”kumento nito ikinalakad na ni Tad sa mesa niya.
“The feeling is mutual, magtrabaho ka na.”taboy niya dito na ngising ikinalabas na ni Zachary sa opisina niya ng pagkaupong-pagka upo niya sa upuan nya ay tumunog naman ang working phone niya na tinago niya sa kaniyang drawer na agad niyang kinuha at sinagot.
“Wha—“
(Director Han, Doctor Silvester was found dead in his office. A knife buried in his forehead that kills him was found, and Doctor Castenos was also found dead in his car with a deep s***h in his neck. Can you come here to Paris, Director Han?)
Gulat na napatayo si Tad sa bagong balita na kaniyang natanggap na katulad sa nangyari sa Venice na mahinang ikinamura ni Tad at hindi pa man siya nagtatagal ay mabilis siyang tumakbo palabas ng opisina niya.