Chapter 08
Series 11: Tadeus Han
NAKATITIG LANG ang Phantoms kay Tad na napaparami na ang inom habang sila ay hinay-hinay lang, nabanggit na nito ang problema nito sa kanila tungkol sa nalaman nitong failed operations ng mga namatay nitong doctor at masasabi nilang ngayon lang nilang nakitang problemado at stress si Tad, pero magaling itong magtago ng totoong emosyon sa kanila na napapakita lang no Tad ngayon dahil sa dami na ng nainom nito.
"Hoy Han, baka gusto mong maghinay-hinay? Aba sa ating lahat ikaw ang nakakarami na ng inom, ikaw din, mas malaki babayaran mo kay Rosales."sitang puna ni Blue kay Tad na kababa lang ng bote ng alak na naubos nito sa isang lagukan.
"Kaya kong magbayad, Ynarez! Tangna, anong pakinabang ng pera ko kung hindi ko ilalabas?"singhal ni Tad na ngiting ikinailing ni Balance sa kaibigan.
"Hayaan niyong uminom ng uminom ang isang 'yan, magsisisi din 'yan bukas pag nalaman niya magkano ginastos niya. Leave it to Rosales."pahayag ni Shawn na siya pa ang nagbukas at naglagay sa harapan ni Tad ng panibagong bote ng alak.
"Alam namin malaki ang problema mo, Han pero hindi naman 'yan mawawala kahit iinom mong gago ka. Magmamaneho ka pa pauwi kaya tantanan mo na 'yang alak, baka trip mong maging pasyente ng sarili mong ospital dahil naaksidente ka dahil sa kalasingan."sitang puna ni Paxton kay Tad na ikinakuha ni Travis sa alak na binigay ni Shawn.
" Mamumura ka pa ni Taz pag naaksidente ka sa kalasingan mo."
"Huwag mong idaan sa alak ang trust issue mo ngayon sa mga doctors mo, hindi naman siguro lahat ay katulad ng apat na doctor mo na namatay na nag failed sa operasyon nila." Saad ni Sergio habang hawak-hawak nito ang bote ng alak niya sa kanang kamay niya.
Hindi kumpleto ang Phantoms na nagpunta sa bar ni Ford, wala si Devil dahil mas gusto nitong manatili sa tabi ni Heaven bago sila umalis sa sabado, wala din si Lu dahil nasa honeymoon pa ito kasama si Lorraine, wala din si Taz na katulad ni Devil mas gustong kasama si Gail. Hindi rin nila kasama si YoRi na mas gustong magresearch sa hahanapin nila sa Hawaii, missing in action din si ToV dahil kasama nito ang nagpapatibok sa puso ng kaibigan nila. At dahil nasa Greece si LAY at abala si Demon bilang cartier ng asawa nito, ay hindi din nila kasama ang mga ito.
Ang mga kasama lang na Phantoms ni Tad ay sina Travis, Balance, Ford, Shawn, Sergio, Paxton at si Blue na piniling mag unwind sa bar ni Ford after ng mga trabaho nila.
"Kung iisipin mo ang mga doktor mo na mag malpractice sa mga operasyon nila at ikaw ang aako ng lahat ng operations, mawawalan sila ng silbi sa Ospital mo. Besides, you can't do all the operations alone, there will be an instance when two operations will happen simultaneously at hindi mo naman pwedeng hatiin ang katawan mo para magawa 'yun ng sabay." Pahayag ni Ford na ikinasang-ayon nina Balance.
"Alisin mo sa katawan mo ang trust issue Han, nakakabaliw 'yan." Ani ni Paxton na uminom ng kaniyang alak nang mapalingon sila sa mga costumer ni Ford sa may dance floor na humihiyaw dahil sa galing ng pagpapatugtog ng DJ nila na si Shan.
"Bakit feeling ko Rosales, dinadayo nalang ang bar mo dahil sa talented mong DJ?" ngising tanong ni Sergio na ikinabato ni Ford ng yelo kay Sergio na natatawang nasambot nito habang si Tad ay pilit inaaninag ng mata nito ang pwesto ni Shan.
"Tangnang feeling 'yan Fritz, dinadayo ang bar ko not just because of my DJ you asshole! My bar is fvcking good even without a DJ." Singhal na sita ni Ford kay Sergio.
"Don't be too serious, Rosales, binibiro lang kita."natatawang saad ni Sergio na ikinatapik ni Travis sa balikat niya na ikinalingon niya dito.
" Alam mo Fritz, 'yung mga ganiyang biro nakakabutas ng bulsa 'yan."ngising ani ni Travis na ikinakunot ng noo ni Sergio na unti-unting nage-gets ang sinasabi ni Travis na agad nitong ikinalingon kay Ford na patay malisyang inalis ang tingin sa kaniya.
"Rosales, biro lang 'yun. Ang mga magka-kaibigan nagkakabiruan diba?"ani ni Sergio na ikinasimulanv ikaasar nina Paxton sa kaniya habang tahimik si Tad na nakatuon ang tingin sa pwesto ni Shan na hindi niya masyadong makita dahil sa layo ng pwesto nila sa pwesto nito.
Alam ni Tad na tama ang sinasabi nina Sergio, Ford at Paxton sa kaniya tungkol sa mga doktor niya, na dahil sa failed operations na nagawa ng mga doktor niyang pinatay ay nawalan siya ng tiwala na baka maulit ang ganong pangyayari. Hindi niya ginustong mawala ang tiwala niya sa mga doktor niya, pero inaalis niya ang trust issue niya sa mga ito dahil alam niyang makakaapekto iyon sa mga trabaho nila at sa credibility ng nga doctors niya.
Buntong hiningang tumayo si Tad sa kinauupuan niya na sabay-sabay ikinalingon nina Sergio sa kaniya.
" Oh? Saan ka pupunta, Han?"punang tanong ni Blue kay Tad na binaling ang tingin sa kanila.
"Pupunta akong banyo, gusto mo bang sumama, Ynarez?" saad na sagot at tanong ni Tad na ikinasandal ni Blue sa kinauupuan niya.
"Nagtanong lang ako, Han, bawal na bang magtanong?" angal na reklamo ni Blue na ikinaakbay lang ni Shawn sa kaniya.
"Hindi ka na nasanay Ynarez sa samahan natin, next time huwag ka nalang magtanong."
"Gago!" asar na ani ni Blue na naiiling na sinimulan ng ikaalis ni Tad sa mesa nila.
"Can you go to the restroom without getting bump and fall on the floor, Han?" tanong ni Shawn na ikina okay sign ni Tad sa kanila bago deretso ng naglakad papuntang way ng banyo ng bar ni Ford.
"Ano sa tingin niyo? Sundan ko ba ang problemadnng doctor natin?"tanong ni Blue na ikinasandal ni Shawn sa kinauupuan niya.
"Hayaan na muna natin si Han, na-stress lang 'yan sa nangyayari sa ospital niya dahil sa mga pagpatay then now, malalaman niyang ang may mga doctor siyang nagkakamali sa operasyon dahilan para mamatay ang mga pasyente nila, mahirap talaga pag nagka trust issue."saad ni Balance na kahit paani ay nauunawaan ang pinagdadaanan ng kaibigan na ikinatango nalang nila.
Dahil sa kalasingan ay bahagyang nahihilo ang tingin ni Tad habang tinatahak niya ang daan papunta sa restroom, hindi sanay uminom ng marami si Tad. Whenever they have drink with Phantoms, he knows how to handle the alcohol he will drink, he knows how stop pag alam niyang malalasing na siya. Pero ngayon ay hindi niya mapigilan ang sarili na uminom ng uminom dahil sa halong isipin na meron siya ngayon, ang problema na pagpatay sa kaniyang ospital na maaring masundan pa hanggat hindi pa nahuhuli ang killer, at ang umuusbong na trust issue niya sa mga doctor niya na sa tingin niya ay kailangan niyang makausap lahat ng mga doctor niya upang paalalahanan pagdating sa operations na ginagawa nila.
In Tad's hospital, he wants all patients to go out healthy and alive without experiencing a death situation in their operations, and now he founds out about the malpractice that happened, and someone was trying to cover it up.
"Damn! Napapainom ako ng madami dahil sa problema ng ospital ko, fvck!"sambit ni Tad sa kaniyang sarili habang naglalakad siya nang may makabungguan siyang isang lalaking may hawak na vodka na natapon sa suot nito at may akbay na babae na napatingin sa kaniya, habang si Tad ay akmang dederetso sa paglalakad niya ng itulak siya ng lalaking nakabungguan niya na bahagya niyang ikinaatras at ikinatigil sa paglalakad na dahan-dahan niyang ikinatingin sa lalaki na tumulak sa kaniya.
"Wala ka bang mata? Nakabunggo ka na dere-deretso ka pang aalis, gago ka ba?"singhal na ani ng lalaki sa kaniya na inaawat ng kasama nitong babae.
"Babe tama na, hindi naman niya sinasadya."
"Eh dapat humingi siya ng sorry kung hindi niya sinasadya, ano ba siya dito, hari?!"inis na pahayag pa ng lalaki na bahagyang ikinangisi ni Tad dito.
"Why would I say sorry kung ikaw ang biglang sumulpot harapan ko at bumangga sa akin, I was just passing by tapos bigla kang lumitaw sa dadaanan ko. Ibabalik ko ang tanong mo sayo, hari ka ba dito?"balik na pahayag na tanong ni Tad habang nakangisi siya dito na ikinasama ng tingin nito sa kaniya na mabilis na lumapit sa kaniya at hinawakan ang kwelyo ng damit niya at bahagya pa siyang inilapit nito na balewala kay Tad.
"Babe ano ba?!Sabi ng pabayaan mo nalang eh!" Pigil na ani ng gf nito na hindi nito pinansin.
Naagaw naman ang pansin ng ilan sa mga nag-eenjoy sa dance floor sa nangyayari sa pagitan ni Tad at ng nakabunggon niya.
"Eh gago ka pala eh, you must give way dahil dadaan ako. Don't you fvcking know me?!"
"I don't know you, tell me, sino ka ba?"normal na deretsong tanong ni Tad dito na mas ikinapikon ng lalaking hawak-hawak siya sa kwelyo niya.
"Sino ako?! Ako lang naman ay anak ng isang senador, kaya magbigay galang ka dahil hindi mo alam ang pwede kong gawin sayo."ngising ani nito sa kaniya na bahagyang ikinatawa ni Tad dito na ikinagulat ng lalaki ng malakas siyang itinulak ni Tad palayo dahilan upang mabitawan siya nito.
"Ang ayoko sa lahat, 'yung ginugusot mo ang damit ko. Mga kaibigan ko lang ang hinahayaan kong lukutin ang damit ko. Besides, anong pakielam ko kung anak ka ng isang senador? Hindi mo dapat pinagmamalaki 'yan."saad ni Tad dito mabilis na sumugod sa kaniya na ngising inaantay ni Tad sa paglapit nito sa kaniya nang mabilis niyang iwasan ang suntok nito, bago niya tinuhod ng malakas ang sikmura nito na ngiwing ikinahawak nito paatras sa sikmura nito at pabagsak na napaupo sa sahig na ikinalapit agad ng nobya nito dito.
Napasinghap naman sa gulat ang mga nasa dance floor dahil sa kaguluhan na nangyari na ikinatigil ng tugtugan.
Bahagyang nawala naman ang pagkahilo ni Tad dahil sa pagyayabang sa kaniya ng lalaking pinagmamalaki ang pwesto ng ama nito sa gobyerno na wala namang pakielam si Tad.
" Next time, ilagay mo sa lugar ang pagyayabang mo. At kung babawi ka sa katangahan na ginawa mo ngayon, be my guest."saad ni Tad na sa lalaking hindi makatayo sa pagkakasalampak nito sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatuhod niya sa sikmura nito.
Akmang lalakad na si Tad papunta sa banyo nang mapadako ang tingin niya sa pwesto ni Shan na natigil sa pagpapatugtog nito na alam niyang nakatingin ito sa kaniya, kaya itinaas niya ang kanan niyang kamay sa makikita nito at ngiting bahagyang kumaway si Tad kay Shan bago naglakad na papunta ng banyao dahil pakiram na no Tad ay susuka siya.
DAHIL SA napansin ni Shan na kaunting gulo di kalayuan sa pwesto niya, ay sandaling minuto siyang natigilan sa pagtutugtog niya. Malayo-layo sa kaniyang pwesto ang gulo na nakita niya, pero hindi nakalagpas sa mata niya si Tad na napatingin sa pwesto niya at kumaway pa sa kaniya bago lumakad patungo sa cr na ikinasunod ng tingin ni Shan dito.
"Show off."kumento ni Shan sa pagkaway na ginawa ni Tad bago niya nilingon ang kasama niya sa taas ng DJ stage na mag take over saglit sa kaniya.
Pagkababa ni Shan sa stage ay maraming mga costumer ng JEYA ang binabati siya at ang iba ay mga lalaking businessman na gustong makipagkilala sa kaniya, pero nilalagpasan niya lang. Dere-deretso lang si Shan sa paglalakad niya ng makita niya sa isang mesa ang lalaking balot ang ekspresyon ng mukha sa galit habang inaalo ito ng babaeng kasama nito.
"Pagbabayarin ko ang lalaking 'yun sa pagpapahiya na ginawa niya sa akin! Hindi niya alam kung sino angg binangga niya!"rinig ni Shan na pahayag ng galit na lalaki.
"Kasi naman babe, hindi naman niya sinasadya na mabangga ka. Sabi ko naman sayo huwag ka ng dumaan sa hara---"
Hindi natuloy ng babae ang sasabihin nito ng gigil na hinawakan ng lalaking galit ang kanang braso nito na kita ni Shan na ikinangiwi ng babae.
"Ako ang nobyo mo dito, ako dapat ang kampahan mo?! Nagagwapuhan ka ba sa gagong 'yun ha?! Anak ako ng senador at ang pipitsugin lang!"singhal ng lalaki sa kasama nitong babae na ideneretso na ng lakad ni Shan papuntang banyo ng matigilan siya ng makita niya si Tad na kalalabas lang ng banyo.
"Fvck! I will never drink too much again! Damn it!"rinig niyang sermon ni Tad sa sarili nito habang nakatuon ang kamay nito sa pader na ikinasandal ni Shan sa pader habang pinapanuod si Tad.
"You're a mess."kumento ni Shan na agad ikinalingon ni Tad sa kaniya na kita niyang agad inayos ang tayo sa harapan niya.
"K-kanina ka pa diyan?"
"Nah, kararating ko lang. You know, a piece of advice. Kung hindi mo kayang uminom ng madami, manatili ka nalang sa bahay mo o sa ospital mo."saad na payo ni Shan kay Tad na naglakad palapit sa kaniya.
"I 'm not a heavy drinker, kaya ko namang uminom huwag lang talaga sosobra."sagot ni Tad na ikinaalis ni Shan sa pagkakasandal nito sa pader at umayos ng pagkakaharap kay Tad na nakatitig sa kaniya.
"Well, that's good for you."ani ni Shan na akmang papasok na sa banyo ng matigilan siya ng hawakan siya ni Tad sa wrist niya na ikinalingon niyo dito bago kay Tad.
"Your hand, Mr. Stalker."sita ni Shan kay Tad.
"I'm interested in you, Shan, hindi pa ako sure kung ang rason na naiisip ko ang dahilan kung bakit interesado ako sayo, pero sa tingin ko hindi mabubuo ang araw ko pag hindi kita nakikita."deretsahang pahayag ni Tad kay Shan na napangisi sa sinabi niya.
"Romantic feelings? Is that what you called in what you are saying?"
"Hindi pa naman ako sigurado, pero mukhang doon patung---"
"Well, I'm interested in you too, but in other reason. Like what I sai, ayoko sayo."pahayag na putol ni Shan kay Tad na muli nitong ikinabagsak ng tingin sa kamay ni Tad na nakahawak sa wrist niya.
"The hand please..."ani ni Shan na dahan-dahang ikinabitaw ni Tad sa wrist ni Shan bago ito pumasok sa loob ng banyo at naiwan si Tad na napangiting napahaplos sa batok nito.
"Tangna, pag lasing ka talaga kung ano-anong lumalabas sa bibig. Aish! Para akong nag confess ng tangnang nararamdaman ko sa kaniya, and the fvcking worst, she didn't like me."nangingiting ani ni Tad na ikinaayos nito sa kaniyang sarili.
"Well, I'm a Phantom. When I'm sure that these interesting feelings will go beyond that, you need to get ready, Shan."ngiting saad ni Tad na nagsimula ng maglakad para balikan sina Tad ng hindi pa siya nakakalayo sa banyo ay natigilan siya sa lalaking nakabungguan niya na humarang sa harapan niya.
"Magkita tayo sa labas, we can settle things in fists right?"ngising ani nito na bahagyang ikinatawa ni Tad dito.
"Are you sure about that?"
"Of course, anak ako ng isang senador, may isa akong salita."ngising ani nito na ikinapamulsa ni Tad sa pants niya at ikinalakad palapit sa naghahamon sa kaniya.
"Well, ikaw ang naghamon. Then let's meet outside like what you requested."sang-ayon na pahayag ni Tad bago iniwan ang lalaking naghamon sa kaniya para balikan na sina Sergio nang ngising lumingon ang lalaki sa isang lalaking kinuha nito na nag thumbs up sa kaniya.
SA LOOB nang banyo ay nag-aayos si Shan ng kaniyang buhok ng maisip niya ang mga sinabi ni Tad sa kaniya na hindi mapigilang mapangisi, she's target is having an interests of her, and she knows she can use that. Pero alam niyang hindi ganun kadali 'yun, alam niyang hindi magiging easy target si Tad katulad ng ibang doctor na napatay niya. Nararamdaman niya ang kakaibang presensya ni Tad na katulad ng presensya na nararamdaman niya sa mga nakakasama nitong kaibigan na nagsasabi na kailangan niyang mag-ingat.
Hindi impokrita si Shan, aaminin niya na gwapo si Tad at may dating. Pero dahil target niya ito, hanggat maari ayaw niyang mainvolve dito, na sa tingin niya wala siyang magagawa kundi makihalubilo dito lalo na at hindi niya basta-basta pwedeng patayin si Tad ng hindi nag-iingat. Hindi naman siya nababahala kay Shin na kasama nito si Tad sa iisang bahay, hanggat alam nii Shin na hindi niya pwedeng galawin ang target niya, alam niyang susunod ito sa kaniya.
"Makakaisip din ako ng way to kill you, Doctor. Tadeus Han, so keep that interests you were saying."saad ni Shan na akmang lalabas ng banyo ng tumunog ang cellphone niya na nasa likurang bulsa niya na agad niyang kinuha.
At nang makita niyang sa headquarters ang natawag ay napabuntong hininga siya dahil alam niya na ang dahilan ng itinawag ng mga ito sa kaniya. Sumandal si Shan sa may lababo bago sinagot ang tawag sa kaniya.
"What is it this time?"salubong na sagot niya dito na rinig niyang bahagyang ikinatawa nito sa kabilang linya.
(Huwag ka sa akin mainis, Yelena, inutusan lang din ako ni Supremo dahil nariyan ka din lang naman sa pilipinas. Alam kong ayaw mo munang masingitan ng ibang mission but you need to take this.)
"Who was the target?"bored na buntong hiningang saad na sagot ni Shan dahil alam niyang wala din naman siyang magagawa kundi gawin ang ibinigay na mission sa kaniya.
(Mr. Leonardo Guerrero, 56 years old, is an art collector. The client wants him dead para hindi siya maka attend ng grand opening ng kaniyang exhibit ng mga paintings na nakolekta niya. Alam ko naman na malinis mong magagawa itong mission na 'to, he was staying at a five star hotel in Pasay, city. Go get him, I mean kill him Yelena.)
Ibinaba na ni Shan ang kaniyang cellphone ng mawala na sa linya si Edge, ang kanilang tracker at hacker sa headquarters nila. Ito ang nagbibigay sa kanila ng mga locations ng kanilang mga target, nahihirapan lang nito makita ang ilang location na pinupuntahan ni Tad, na kahit siya nawawala siya ng tracking ng target niya na matagal ng palaisipan sa kaniya, isa sa dahilan kung bakit hindi siya basta-basta patayin si Tad.
Lumabas na si Shan sa banyo para bumalik muna sa hotel niya at gawin na ang kabibigay lang na misyon sa kaniya. Pagkalabas niya ay agad niyang pinuntahan ang kasama niya sa DJ stage at sinabihan ito na may gagawin lang siya na emergency na ikinapayag nito bago siya bumabang muli at sa likuran na ng JEYA dumaan kung saan nakaparada ang kaniyang black ducati.
Nang makalapit na siya sa ducati niya aya agad niyang sinuot ang kaniyang helmet at pinaandar na ang motor niya paalis sa JEYA. At dahil hindi kalayuan ang hotel na tinutuluyan niya ay agad siyang nakarating doon at dere-deretsong pumasok sa loob at sumakay ng elevator. Pagkarating niya sa kaniyang kwarto ay ginawa niya na ang dapat niyang gawin, nang nakahanda na siya ay tiningnan niya ang kaniyang sarili sa whole body mirror niya kung saan, nakasuot siya ng isang putting polo na pinapatungan niya ng pang office coat at paldang itim na below the knee ang haba. Isinuot na niya ang blonde na wig na ginagamit niya sa misyon niya to disguise herself at nagsuot ng pang nerd na salamin, at nagmake up na ng pulang lipstick.
Ibang-iba ang itsura ni Shan na parang hot-nerd-secretary ang peg ng suot niya para sa misyon niya, isa nalang ang kulang kaya agad siyang pumunta sa mga lagayan ng mga heels at boots na ginagamit niya. Nang makapili na siya ay agad na siyang lumabas ng kwarto niya at deretsong naglakad at pumasok sa elevator kung saan napapatingin sa kaniya ang mga kasabayan niya, na hindi nalang niya pinansin.
Nang makababa na siya ay agad niyang binalikan ang kaniyang ducati motor, isinuot ang helmet at sumakay na sa motor niya bago ito pinaharurot paalis sa hotel at pumunta sa hotel kung nasaan ang kabibigay lang na misyon sa kaniya.
"I'm on my way, Edge."sambit ni Shan ng I-on niya na ang speaker earpiece niya nan aka inline sa headquarters nila.
(Nakikita na kita sa tracker ko, naghihintay na sayo ang target mo. He's expecting his secretary para sa mga papers na pipirmahan nito para sa exhibit, may mga tauhan na nakabantay sa harapan ng kwarto niya. Apat 'yun, Yelena, at ang iba ay mga nakabantay sa bawat sulok ng hotel, pero alam ko namang yaka mo 'yun.)
"I'll call you back, Edge."sagot niya dito bago niya pinatay ang incall at mas pinaharurot ang kaniyang motor.
Half a minute ng makarating siya sa five star hotel na tinutuluyan ng target niya, at sa entrance palang may nakikita na siyang dalawang naka suit na itim na nasisiguro siyang mga bantay iyon ng kaniyang target. Bumaba na si Shan sa kaniyang motor, hinubad ang helmet at inayos ang sarili bago kinuha ang pekeng folder na props niya sa kaniyang gagawin.
Nagsimula ng maglakad si Shan palapit sa entrance ng hotel at kalmadong nilagpasan ang dalawang bantay na nasa entrance bago nagpunta sa information desk, na ngiting ikinabigay sa kaniya ng staff na naroon.
"Good evening Ms."
"Hi! I'm Mr. Leonardo Guerrero's secretary, I'm here to bring some papers that he needs to sign before the exhibit."magalang na pahayag ni Shan sa staff.
"Okay, let me confirm it po."ani nito na ngiting ikinatango ni Shan na ikinakilos na ng staff bago tawagan ang concern ni Shan.
Bahagyang tumalikod si Shan sa staff at nawala ang ngiting palihim na nagmasid sa kabuuan ng groundfloor ng hotel kung saan may nakikita pa siyang mga nakablack suit.
"Excuse me."tawag ng staff kay Shan na ikinabalik ng ngiti niya dito.
"Pwede na po kayong umakyat, nasa fourth floor po si Mr. Guerrero, room 168 po."pagbibigay alam nito na ikinalakad na ni Shan papunta sa elevator.
"I know where he is."sambit ni Shan hanggang makapasok na siya sa elevator at agad na ikinasuot niya sa kaniyang tenga ng bluetooth device at tinakpan iyon ng blonde niyang buhok na nakalugay.
Nang makarating na ang elevator sa fourth floor ay agad ng naglakad palabas si Shan at agad na niyang natatanaw ang apat na nakasuit na bantay ng target niya. Nang makalapit na si Shan ay agad na humarang ang apat na bantay sa kaniya.
"I'm Mr. Guerrero's secretary, I have some papers for him to sign."saad ni Shan sa mga ito na ikinasenyas ng isa sa kasamahan nito na pumasok sa kwarto ng target niya .
Naghintay lang si Shan sa kinatatayuan niya ng lumabas na ang lalaking pumasok sa kwarto ng amo nito pinapasok na siya.
"Thank you, you're doing a good job."ngiting ani ni Shan sa apat na bantay bago siya pumasok sa loob.
Isinara na ang pintuan na ikinawala na ng ngiting ikinalakad na ni Shan papasok sa loob kung saan agad niyang nakita ang target niya na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng diyaryo, na hindi man lang siya binigyan ng tingin.
"Ilapag mo nalang sa mesa ang mga pipirmahan ko, asikasuhin mo na ang venue ng exhibit ng mga arts ko. Siguraduhin mo din na hindi gagawa ng eksena si Lorenzo para masira ang exhibit ko."bilin nito sa kaniya na walang imik na ikinalakad ni Shan papunta sa harapan nito, kinuha niya ang diyaryo na binabasa ng target niya na gulat na napatingin sa kaniya bago umupo si Shan sa mesa harapan nito, na nagulat ng marealize na hindi siya ang secretary nito.
"Si-sino ka? Ma---"
Hindi natuloy ng target ni Shan ang akmang pagsigaw nito para humingi ng tulong sa mga bantay nito sa labas ng sa isang kisap mata ay may punyal ng nakadikit sa leeg nito na ikinatikom ng bibig nito.
"If I were you, I will shut your mouth, Mr. Guerrero."sambit na banta ni Shan na ikinabaling ng mga mata ng target niya sa kaniya.
"W-who are you? Wh-what do you want?"kabadong tanong nito sa kaniya.
"Wala akong kailangan sayo, napag-utusan lang ako ng kliyente ko."ani ni Shan na walang pakundangan na ginilitan niya ng leeg ang target niya na agad ikinahawak nito sa leeg na kung saan naglalabasan na ang mga dugo nito na hindi magawang ikasigaw nito, habang pinapanuod ni Shan ang target niya na unti-unting naliligo sa sarili nitong dugo habang unti-unti na din itong nawawalan ng hininga.
"Rest in Peace, is all I can say to you."seryosong ani ni Shan na ikinatayo na nito sa pagkaka-upo sa mesa at isinaksak ang punyal sa sofa malapit sa ulunan ng wala ng buhay niyang target na nakadulat pa ang mga mata.
Kinuha ni Shan ang isang putting table cloth na nasa mesa at nagpunta sa likuran ng sofa na kinauupuan ng target niya bago niya idinampi sa duguang katawan ng target niya at bago niya iyon pinamunas sa hawakan ng punyal upang mabura ng dugo ng target niya ang fingerprints niya, bago siya naglakad sa may kugon pinunasan ang kamay niya bago niya tinapon sa apoy ang table cloth na may mantsa ng dugo.
Nang natapos na ang mission ni Shan ay inayos niya ang sarili niya bago sopistikadang naglakad palabas ng kwarto na sabay-sabay ikinalingon ng apat na bantay sa kaniya.
"Have a nice day."ani niya dito na ikinatapik pa niya sa isang braso ng bantay ng target niya bago siya naglakad na papunta sa elevator.
Nang makarating si Shan sa elevator ay pagkabukas ay sumakay na din siya sa loob ng marinig niya ang sigaw ng mga bantay ng target niyang nakita niyang humahangos na lumabas sa kwarto ng amo ng mga ito at itinuro siya na ngising ikinakaway niya sa mga ito, na hindi na siya naabutan ng magsara na ang elevator.
(Niraradyo ka na nila sa ibaba, Yelena.)
Pagbibigay alam ni Edge sa kaniya na sa second floor siya kung saan may dalawang babae magkaibigan na pumalit sa kaniya sa loob ng elevator. Dere-deretsong naglakad si Shan at dahil walang tao sa hallway ay agad niyang hinubad ang blonde niyang buhok dahilan upang bumagsak ang itim at mahaba niyangn buhok at itinapon 'yon sa isang trashcan, may nakita siyang babaeng may inilapag na paper bag na mula sa isang sapatusan na habang abala ito sa paghahanap ng susi ay maingat na kinuha ni Shan ang paper bag at agad na lumiko ng hallway.
Dere-deretso lang siya sa paglalakad at pumasok sa may hagdanan pababa ng groundfloor habang hinubad niya ang office coat na suot niya at ang polo blouse na suot niya dahilan upang isang itim na spaghetti fitted strap dress ang matirang suot niya. Nang makarating siya sa hagdanan ng firstfloor ay ay may nakita siyang janitress na naglilinis kaya palihim niyang iniilagay sa malaking basurahan nito ang coat at blouse niya bago niya tinanggal ang detachable niyang palda at inalis sa pagkakatape ang suot niyang pangibabang paldang itim na may mahabang slit na ikinatapon niya din sa basurahan ng janitress.
Nang makalabas na si Shan sa pintuan palabas ng ground floor ay palihim na nagtago sa isang halaman si Shan at hinubad ang itim na boots na suot niya at inilabas ang kinuha niyang heels sa paper bag na kinuha niya sa babae na bahagyang ikinabagsak ng balikat niya.
"Pink heels? I hate pink."saad ni Shan na walang choice kundi suotin ang pink na heels na nakuha niya at inilagay sa paper bags ang boots na suot niya bago niya pinahid ang pulang lipstick niya at inalis ang salamin niya na tinapon niya sa trashcan malapit sa kaniya, bago nagsimula ng maglakad sa groundfloor kung saan nagkakagulo ang mga tauhan ng pinatay niyang target.
(Babalik ka na ba sa hotel mo, Yelena?)
"No, may trabaho akong babalikan."ani na sagot ni Shan na ikinaalis na niya sa Bluetooth device sa tenga niya, habang tuloy-tuloy siya sa paglalakad kung saan nilalagpasan siya ng mga tauhan ng pinatay niyang target.
"Hanapin niyong mabuti ang babaeng blonde ang buhak at naka office attire, huwag niyong hahayaan na makalabas ng hotel"rinig ni Shan na utos ng nakasalubong niyang bantay ng tinarget niya nan gising ikinalakad niya na palabas sa hotel at ikinaderetso niya sa ducati niya, na agad niyang ikinasakay at ikinasuot ng helmet niya, bago pinaharurot ang kaniyang motor pabalik sa JEYA.