ABALANG nagluluto si Tad sa kaniyang kusina para sa kanilang umagahan ni Shin bago siya pumasok sa ospital niya, bukas na ang lipad nila papuntang Hawaii kaya kailangan niyang tapusin ang dapat niyang tapusin. May trust issue man na nararamdaman si Tad sa kaniyang mga doctor ay pinakinggan nalang niya ang mga payo nina Ford sa kaniya, kailangan niyang magtiwala sa mga doctors niya at kailangan niya din makausap ang mga ito upang iwanan ng isang mensahe.
Nasa may sala naman si Shin, nakaupo at nanunuod ng t.v, ilang araw na din itong naninirahan sa bahay niya. Masasabi ni Tad na kahit nasa sixteen years old si Shin ay bata parin talaga ito, hindi alam ni Tad kung paanong pakikitungo ang gagawin niya kay Shin dahil hindi niya alam kung paano magpaka-kuya dito dahil nag-iisa lang naman siyang anak ng mga magulang niya. At dahil gusto niya ang ate nito, para magpa good shot ay gusto niyang bantayan ito habang nasa poder niya. Hindi pa niya masyado gamay ang ugali ni Shin kaya pinakikisamahan niya muna ito, hindi rin niya inaalis sa isipan niya ang sinabi ni Shan na hindi ordinaryong binata ang kasama niya. Maaring may ugali itong hindi pa nito pinapakita kaya kailangan mapaghandaan iyon ni Tad.
Matapos na mailipat ni Tad ang itlog na pinirito niya sa plato ay pinatay niya na ang kalan at nilapag ang plato sa mesa, inalis muna ni Tad ang apron na suot niya at sinabit sa lagayan nito bago nilingon si Shin na tutok na tutok sa pinapanuod nitong balita.
"Let's eat."tawag ni Tad kay Shin na napalingon sa kaniya at tumayo na sa kinauupuan nito at naglakad na papunta sa dining area at deretsong umupo sa harapan niya.
"Papasok ka sa ospital mo ngayon, manong?"tanong ni Shin na ikinatango ni Tad na umupo na rin.
Sa dalawang araw na tumira si Shin sa kaniya, nasanay na si Tad sa manong na itinatawag nito sa kaniya.
"Yeah, marami akong dapat tapusin at gawin. Anyway, mag out of town ako bukas, maiiwan ka dito kaya ikaw na muna ang bahala sa bahay."pahayag na bilin ni Tad kay Shin na naglalagay na ng pagkain sa plato nito.
"Saan ang punta mo bukas, manong? Pwede ba akong sumama sa out of town mo bukas?"
"No, you can't. Dito ka lang, you can do anything here maliban sa pagluluto sa kusina kung hindi ka marunong magluto. Baka sa pag-uwi ko abo na 'tong bahay ko, I'll give you one of my cards, use that to buy things that you need. But no partying, underage ka pa kaya know your limits."bilin ni Tad na parang ama ni Shin.
"Ikaw lang ang tumatrato sa akin na parang bata, manong, I don't like it but somehow it's knew to me."sagot na saad ni Shin na ikinasimula na nito sa pagkain na siya namang ikinatitig ni Tad dito.
"What do you mean? Hindi ka ba binibigyan ng limitations ng ate mo? Maybe you're 16, but that's still young."ani ni Tad dito.
"Hinahayaan ni ate kung ano ang gusto kong gawin, pinababayaan niya kung anong mga ginagawa ko."
"Pinagbibigyan ka ng ate mo sa gusto mong gawin? What if hindi maganda para sayo ang ginagawa mo? I'm not questioning your ate, but in your age, dapat gina-guide ka pa."pahayag ni Tad na ikinalingon ni Shin sa kaniya.
"Sabihin mo nga manong, sa dalawang araw na kasama mo ako dito sa bahay mo, you think you trust me even when you're asleep?"seryosong tanong ni Shin na bahagyang ikinakunot ng noo ni Tad.
"Why? Should I not trust you?"balik tanong ni Tad kay Shin na walang imik na ikinatitig nito sa kaniya na siyang ikinabuntong hininga ni Tad.
"Right now, I have gain trust issue to all of my doctors. Iniisip ko kung dedicated talaga sila sa trabaho nila para pagbutihin ang ginagawa nilang pagliligtas ng mga buhay ng mga nagiging pasenyente nila. Because of that trust issue, kulang nalang ako na lahat ang mag-opera sa mga pasyente ng ospital ko but my friends gave me advice. So, hindi naman masama kung pagkakatiwalaan kita, may isang rason pa kung bakit pagkakatiwalaan kita."pahayag ni Tad na sumubo ng isang habang hotdog ng sabay silang mapalingon ni Shin sa may sala kung saan may isang newscaster na nagbabalita.
"Isang mainit na balitang kakapasok lang sa atin ngayong umaga, anak ni Senator Lamson ay nasa Han International Hospital ngayon, nagtamo ito ng madaming pasa sa mukha matapos itong mapasali sa isang away di kalayuan sa kilalang bar restaurant ni Mr. Ford Rosales, isang kilalang businessman all over Asia. Ang anak ng senador ay muntik ng ma-coma dahil sa mga malalalang pagkakabugbog dito, hindi pa matukoy kung sino ang gumawa sa pambubugbog sa anak ng senador pero wala pa namang aksyon na ginagawa ang ama nito. Abangan ang iba pang detalye sa lagay ng anak ni Senator Lamson sa pagbabalik ng 24 News Headline."
"He will live, nasa ospital ko siya ngayon. Pasalamat siya maawain pa ako."pahayag ni Tad na ikinabalik ng tingin ni Shin sa kaniya na ikinalingon ni Tad sa kanyang relo at ikinatayo na sa kinauupuan nito.
"Aalis na ako, if ever may kailangan ka, gamitin mo 'to."
Inilabas ni Tad ang kaniyang pitaka at inilapag sa harapan ni Shin ang isa niyang credit card na ikinabagsak ng tingin ni Shin dito.
"Buy anything you want and need, no limits."saad ni Tad bago ito naglakad na palabas ng kusina at kinuha ang gamit nito sa may sala bago dere-deretsong lumabas ng bahay nito at iniwan si Shan na sumandal sa kinauupuan niya at naalala ang nasaksihan niya kagabi.
*FLASHBACK*
Nakatambay lang si Shin sa rooftop ng isang two-storey building na groceries di kalayuan sa JEYA's bar kung nasaan ang ate niya na doon nagpa-part time job bilang pagpapanggap nito para sa misyon na ginagawa nito. Nakaramdam man siya ng tampo kay Shan ay hindi maalis na hinahangaan niya parin ito sa lahat ng assassin na kasama nila sa headquarters. At dahil ayaw niyang mas lalong magalit si Shan sa kaniya ay wala siyang gagawin kay Tad tulad ng bantang bilin ni Shan sa kaniya, normal lang siyang tutuloy sa bahay ni Tad at magmamanman upang ibigay kay Shan ang mga impormasyon na malalaman niya tungkol kay Tad.
Nakaupo lang siya sa may hamba ng rooftop upang hintayin na lumabas ang kaniyang Ate Shan, para makahingi ng despensa sa pagiging matigas ng ulo niya, isinu-sway niya lang ang kaniyang dalawang paa na nakalambitin sa may rooftop ng mapababa ang tingin niya dahil sa mga maiingay na boses na nasa ibaba niya.
"Talagang malakas ang loob mo, akala ko tatakbuhan mo lang ako pero infairness may buto kang harapin ang gagawin ko sayo."rinig ni Shin na sambit ng lalaking nasa ibaba niya habang may mga kasama itong mga apat na lalaki at isang babae na nasa gilid lang, habang kaharap nito ang isang lalaking ikinakunot ng noo ni Shin dahil namumukhaan niya ito.
"Wala sa vocabulary ko ang salitang takbo, besides, mas dapat mong alalahanin ang sasapitin mo dahil mali ka ng hinamon. Hindi porke't anak ka ng isang senador eh magiging easy lang ako sayo."sambit ng lalaking pamilyar kay Shin na agad niyang ikinaayos ng pagkakaupo niya ng makilala niya na ng ayos ang pamilyar na lalaking kaharap ng nagyayabang na lalaki.
"Manong?"mahinang sambit ni Shin habang nakatingin sa ibaba niya.
Alam ni Shin ang ganitong eksena, pero sa tingin niya ay dehado si Tad dahil may mga kasama ang lalaking nasa harapan nito, alam ni Shan ang kahihinatnan ng mangyayari sa pagitan ni Tad ng mga lalaking nasa harapan nito.
"Mukhang uuwing bugbog sarado si manong sa bahay niya, pero hindi siya pwedeng mapatay ng lalaking 'yun."saad ni Shin na nakaisip ng plano na sa oras na makita niyang dehado na si Tad ay tatalon siya pababa upang tulungan si Tad dahil ate niya lang ang may karapatang pumatay kay Tad at hindi kung sino.
Naririnig ni Shin na inaawat ng isang babae ang lalaking kaharap ni Tad pero hindi nito pinapansin hanggang sa maunang sumugod ang anak ng senador kay Tad. Tinutok lang ni Shin ang mga mata niya sa mangyayari ng bahagya siyang magulat ng malakas na napataob ni Tad ang anak ng senador sa kalsada ng walang kahirap-hirap.
Akala ni Shin ay tsamba lang ang nagawa ni Tad pero hindi niya maiwasang humanga dito ng walang hirap nitong isa-isang binalian ng buto at pinabagsak ang apat na lalaking kasamahan ng anak ng senador na mga wala ng malay na nakahandusay sa malamig na semento. Nakita ni Shin ang pagtayo ng anak ng senador at galit na sumugod kay Tad pero ang kaninang iniisip ni Shin ay nabura ng makita niya kung paano ng pahirapan at bugbugin ni Tad ang anak ngn senador na duguan na ang mukha at nakatanggap pa ng malakas na suntok sa mukha, sa sikmura at sipa sa tagiliran nito, bago pa ito malakas na hinagis ni Tad sa isang poste na malakas na ikinatama ng mukha ng anak ng senador doon.
Duguan at sa tingin ni Shin, ang nasa isip niya na dehado si Tad ay naging kabaligtaran ng iniisip niya. Nasaksihan niya kung gaano kagaling si Tad sa pakikipaglabban, bawat galaw nito ay hindi masasabi ni Shin na normal na pakikipagbasag ulo lang ang alam ni Tad. Sa nakita niya, parang sanay ito at alam nito ang ginagawa.
"Next time, don't use your father's title para lang masabi mong makapangyarihan ka din. You can tell to your father what happened here pero di ko sure kung makakapagsalita ka sa kaniya but if you can, I bet your father will let this one slide. Oh, I'll call ambulance from my hospital, but huwag kang umasa na bibigyan kita ng discount."rinig ni Shin na pahayag ni Tad sa anak ng senador na ikinalapit ni Tad sa babaeng hindi makakilos sa kinatatayuan nito sa gulat.
"Huwag mong subukang galawin ang boyfriend mo, marami bali ang katawan niya na pwedeng ma dislocate kung magagalaw siya sa pwesto niya. Hintayin mo nalang ang ambulansya ng ospital ko, and I hope wala kang alam sa nangyari dito."ngiting ani ni Tad bago ito naglakad paalis habang si Shin ay nakahabol ng tingin dito.
"Cool..."bulaslas ni Shan na ikinabalik niya ng tingin sa mga nabugbog sarado ni Tad na kung hindi agad madadala sa ospital maaring mas lumala ang lagay ng mga ito, lalo na ang anak ng senador.
*END OF FLASHBACK*
"Hindi siya ordinaryong target ni ate, he knows how to fight. Mas magaling pa yata siya kay Edge pagdating sa pakikipaglaban. Alam kaya ni ate na hindi basta-bastang doctor ang target niya?"pahayag na pagka-usap ni Shin sa kaniyang sarili na ikinababa niya ng tingin sa credit card na iniwan ni Tad sa kaniya.
"Galante din si manong."ani pa ni Shin na biglang bumalik sa isipan niya ang mga sinabi kang kanina ni Tad sa kaniya na bahagya niyang ikinangiti.
"Binibigyan niya ako ng mga bilin na parang isang kapatid, no one cares to an assassin like me kahit mga kasamahan at pamilya ko sa headquarters. Si manong lang ang nagturing sa akin na batang kailangang bilinan at kailangan ng guidance. She's my ate's mission but sayang siya, I'm starting to like him pa naman matapos kong makita na hindi pala naman siya mahina."saad pa ni Shin na ikinakuha nito sa credit card ni Tad at nagtuloy na sa pagkain nito.
PAGKARATING ni Tad sa kaniyang ospital ay dere-deretso siyang pumasok sa loob kung saan agad siyang binabati ng nga staffs and nurse na nakakasalubong niya. Nagtuloy-tuloy lang si Tad sa paglalakad niya hanggang sa makarating siya sa harapan ng elevator at hinihintay itong magbukas ng may tumabi sa kanang gilid niya na ikinalingon niya dito.
"Good morning Director Han."malawak na ngiting bato ni Doc. Monreal sa kaniya na dami ng pwede niyang makita ngayong umaga ay ang doktor pa na hindi niya trip.
"Good morning, Doc. Monreal."balik na bati ni Tad na pagkabukas ng elevator ay sumakay na ito na ikinasakay din ni Doc. Monrela sa loob ng elevator.
"Wala ka bang ibang lakad ngayon Director Han? Sa pagkakatanda ko kasi bilang lang sa mga daliri ko ang pagpunta mo dito, sign na ba 'yan na araw-araw ka na naming makikita sa ospital mo?"ngiting saad ni Doc. Monreal sa kaniya na alam na alam ni Tad na sinisimulan siyang inisin nito na malawak na ngiti din niyang ikinalingon dito.
"I'm flattered to you Doc. Monreal, talagang binibilang mo ang pagpasok ko sa OSPITAL KO. Hindi naman halatang hinahanap-hanap mo ang director mo, that's so sweet of you. Athough bilang mo sa mga kamay mo ang pagpunta ko dito sa OSPITAL KO, I bet hindi kayang mabilang ng mga daliri mo ang mga achievements ko and all my successful operations kahit isama mo pa ang pagbibilang sa mga daliri mo sa paa mo, Doc. Monreal."pahayag ni Tad na dahan-dahan na ikinawalan ng mapang-asar na ngiti ni Doc. Monreal.
"Besides, kahit madalang akong pumunta sa ospital ko it there something wrong about that? I'm the Director/CEO and owner of Han International Hospital, kung may reklamo ka dahil hindi mo ako nakikita sa ospital ko, you know that my office are open for your complain."ngising pahayag pa ni Tad nang magbukas na ang pintuan ng elevator at lumabas na siya.
Akmang magsasara ang elevator ng agad hawakan ni Tad ang pintuan nito habang nakangising nakatingin kay Doc. Monreal na nakikita niya ang pagkapikon sa mga mata nito.
"Alam ko naman na sinabayan mo lang naman ako sa elevator to hype my mood, that's an A for your effort riding with me in this elevator. Maswerte ka Doc. Monreal, I can't fire you because you've been loyal to this hospital since my father was the Director here before, but that's been a question your loyalty after I take over the Baek Hyeong Hospital that I renamed it to Han International Hospital. Just a reminder, don't give me a reason para paalisin kita sa ospital ko. Keep hiding your hunger in owning and have your way in my hospital, malalaman ko din kung anong agenda mo. Oh! I will call a meeting to all doctors trainees, residence and head doctors to the conference room, aasahan kong dadalo ka, okay?"pahayag ni Tad na ikinaalis niya na sa pagkakahawak sa pintuan ng elevator at nakangising nagpamulsa sa harapan ni Doc. Monreal habang sumasara na ang elevator.
"Asshole dimshit."pahayag ni Tad na ikinapalit ng pagkadisgusto ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa pakikipag plastikan ni Doc. Monreal sa kaniya.
Pagkarating ni Tad sa kaniyang opisina ay agad siyang sinalubong ng kaniyang secretary at binati siya, pagka-upo niya sa bangkuan niya ay agad niyang binalingan ng tingin ang secretary niyang nakatayo sa harapan ng mesa niya.
"Tell to every trainees, resident and head doctors that we will have a meeting in the conference room in fifteen minutes. And call Doc. Mercurio first and tell him to come in my office."pahayag na utos ni Tad dito.
"Doctor. Mercurio is in his rest day for this day, Director Han. Bukas pa po ang balik niya sa duty."pagbibigay alam ng secretary niya.
"Bakit ngayon pa siya nag rest day, gawin mo nalang ang unang iniutos ko sayo."saad ni Tad na bahagyang ikinayuko nito bago naglakad na paalis sa opisina ni Tad.
Kinuha ni Tad ang telepono sa may mesa niya at sinimulang tawagan ang numero ng bahay ng doktor na kailangan niyang makausap dahil nakatrabaho nito sa Venice si Doc. Vianello na isa sa pinatay ng killer, na naiisip niyang baka may alam sa failed operation ng napatay na doctor na hindi umabot ang report sa mesa niya.
Matapos ang tatlong ring ay may sumagot na sa kaniyang tawag.
(Mercurio's residence speaking, sino po sila?)
"Good day, this is Tadeus Han of Han International Hospital, I'm the director, may I speak with Doc. Mercurio?"sagot ni Tad sa sumagot sa tawag niya.
(Wala po ngayon si sir sa bahay, nagpunta po siya ngayon sa Galina Hotel Spa. Baka mamaya po siya bumalik dito sa bahay, may ipagbibilin po ba kayo na sasabihin po sa kaniya?)
"It's okay, pupuntahan ko nalang siya. Thank you."ani ni Tad na ibinaba na ang telepono at after ng meeting nalang niya ito pupuntahan sa lugar na nabanggit ng nakasagot sa tawag niya.
SAMANTALA, sa harapan ng maraming monitor ni Shan ay kababa niya lang ng kaniyang earpiece sa side table niya matapos niyang marinig ang usapan ni Tad sa katawagan nito. Seryoso lang ang ekspresyon ng mukha niyang tumayo sa pagkaka-upo niya upang puntahan na ang kaniyang susunod na target na walang kaalam-alam na siya na ang isusunod niya sa mga naunang doctor ng HIH na napatay nila.
Maghahanda na sana si Shan ng kaniyang sarili para sa next target niya ng tumunog ang cellphone niyang nasa ibabaw ng kama niya, lumakad siya palapit doon at paupo sa kamang kinuha ang cellphone niya at sinagot ang tumatawag sa kaniya.
"May target ako ngayon kaya hindi ko tatanggapin kung may ipapagawa kayo sa akin ngayon."agad na pahayag ni Shan sa kabilang linya na rinig niyang bahagyang tumawa.
(Masyado ka bang binibigyan ng madaming paningit na trabaho ni Supremo kahit alam niyang may isa kang goal na dapat matapos? You should blame Edge, siya ang nagre-reqquest sa service mo dahil ikaw ang nasa pilipinas.)
"Why did you call?"sitang ani ni Shan sa kausap niya na ikinatayo niya na kama upang pumili na ng susuotin niya.
(Nangangamusta lang naman Yelena, matatagalan ang misyon mo diyan sa pilipinas kaya tinawagan kita. So may target kang pupuntahan ngayon?)
"Alam mo bang inaabala mo lang ako, Rissa? Kung bored ka sa buhay mo bakit hindi ka nalang mag train sa gawain natin. You proclaimed yourself an assassin pero pagpatay sa ipis hindi mo kayang gawin, ayoko ng abala ngayon kaya I'll end this cal—"
(Ang sungit mo naman, hindi ba ako pwedeng mangamusta? Tsaka gusto ko lang ipaalam sayo na pupunta diyan sina Edge three weeks from now para sunduin si Shin. Pagpapatayan mo pa rin ba ako ng tawag?)
"Yeah, thank you for the information, Rissa."seryosong ani ni Shan na akmang papatayin ang tawag nito ng marinig niyang sunod-sunod siya nitong tinawag na bahagyang ikinabuntong hininga ni Shan at nilagay niya ulit ang cellphone niya sa kaniyang tenga.
"Kung may sasabihin ka pa, sabihin mo na."sitang pahayag ni Shan dito.
(May pinadala ulit akong box para sayo, I'm sure ngayon ang dating nun. Kung may target ka ngayon na pupuntahan, baka magamit mo. Tsaka bawasan mo pagsusungit sa akin, malay mo magkasama tayo sa isang msi---)
Hindi na pinatapos ni Shan ang sasabihin nito ng pagpatayan niya na ito ng tawag, inihagis niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang kama bago naghanap na ng kaniyang susuotin nang tumunog ang service phone ng hotel na kinalalagyan niya.
Ayaw na ayaw ni Shan na naabala sa ginagawa niya pero dahil wala siyang choice ay sinagot niya ang service call na mula sa baba upang sabihin na may package siyang dumating, na sa tingin ni Shan ay ang tinutukoy ni Rissa sa tawag nito. Pinadala nalang ni Shan ang package niya sa kaniyang kwarto at pagkababa niya ng tawag nito ay pinagpatuloy nito ang ginagawa niya. Kinuha niya ang itim niyang bag at nilagay ang mga dadalhin at gagamitin niya.
Magpapalit na sana ng damit si Shan ng tumunog ang doorbell ng kwarto niya na ikinalakad niya palapit doon, pagkabukas niya ay tumambad ang lalaking staff ng hotel at may maliit na kahon ang inabot nito sa kaniya. Walang salitang isinara na ni Shan ang pintuan niya at agad binuksan ang kahon na ipinadala ni Rissa sa kaniya na pagka kita niya, ay agad naningkit ang mga mata niya.
"So this was the package na pinagmamalaki niya na magagamit ko sa lakad ko, bakit ba lagi siyang nagpapadala ng kung ano-ano. Damn it!"saad ni Shan na wala siyang nagawa kundi ilagay sa bag niya ang isang itim na two piece na padala ni Rissa para sa kaniya.
Lahat ng damit na meron siya na ginagamit niya sa mga misyon ay si Rissa ang nagpapadala, hindi niya tinatapon dahil may pakinabang sa kaniya ang mga pinadadala nito.
Itinuloy na ni Shan ang pagbibihis niya para makaalis na siya at mapuntahan ang target niya, isinuot ni Shan ang isang white strapless crop top kung saan nakikita ang kaniyang pusod at cleavage ng kaniyang dibdib, isinuot na din niya ang isang mini skirt na pula na hanggang hita niya ang ikli at isinuot na din ang mahaba niyang itim na boots na natatakpan ang kaniyang mapuputing tuhod.
Nilagyan naman ni Shan ng hairnet ang kaniyang itim na at curly na buhok bago iyon pinatungan ng itim na wig na hanggang leeg niya lang ang haba. Nagsuot na din siya ng may kahabaang hikaw at naglagay na ng lipstick na kulay itim sa kaniyang labi.
Tiningnan ni Shan ang kaniyang sarili sa harapan ng kaniyang whole body na salamin, at ng makuntento na siya sa ayos niya ay kinuha niya ang kaniyang dadalhin na bag at naglakad na palabas ng kwarto niya.
Dere-deretso lang si Shan sa paglalakad niya hanggang makasakay siya ng elevator hanggang makababa na siya sa ground floor. Nang makalabas siya ng building ay hindi niya ginamit ang kaniyang motorbike, kumuha siya ng taxi na agad dinn namang dumating sa harapan ng hotel na agad niyang sinakyan.
"Saan tayo Ms. Ganda?"tanong ng driver sa kaniya na nilingon talaga siya sa kinauupuan niya.
"Galina Hotel Spa, pakibilisan lang po."ani ni Shan na agad na ikinaalis na nila sa harapan ng hotel, tahimik lang si Shan sa kaniyang biyahe ng pumasok sa isipan niya si Tad na bahagyang ikinakunot ng noo niya dahil sa bigla-biglang pag pop-out ni Tad sa isipan niya ng hindi niya alam. Inalis ni Shan ang imahe ng gwapong mukha ni Tad at kinuha ang cellphone niya at doon nalang tinuon ang atensyon niya. Kalahating oras ang naging biyahe ni Shan hanggang sa iparada ng taxi driver ang sasakyan nito sa harapan ng Galina Hotel Spa, nag-abot na ng bayad si Shan at bumaba na siya sa taxi at dere-deretsonng naglakad papunta sa hotel kung saan sa pagapak niya sa hagdanan ay sinabayan niya ang isang babaeng sexy din ang suot na damit nito na napalingon pa sa kaniya pero hindi niya pinansin.
Sinasabayan ni Shan ang paglalakad nito hanggang sa sabay din silang sumakay ng elevator, tahimik lang si Shan hanggang sa magbukas ang elevator. Naunang lumabas ang sinabayan niyang babae na agad niyang nilapitan at tinakpan ang bibig nito upang hindi makasigaw, dahil mas malakas si Shan sa babae ay hindi ito makapalag sa kaniya kaya agad na pinukpok ni Shan ang likuran nito na agad nitong ikinawalan ng malay.
Salo-salo ni Shan ang babaeng dinala niya ipinasok niya sa isang pintuan kung saan may mga hagdanan na magagamit pababa ng ground floor ng hotel. Iniupo at isinandal ni Shan ang walang malay na babae malapit sa may hagdanan at itinali ang mga braso doon bago pinilas ni Shan ang laylayan ng suot nitong damit at itinakip sa bibig nito upang hindi makasigaw sakaling magising na ito. Nang maayos na ni Shan ang walang malay na babaeng alam niyang kinuha ng target niya para aliwin ito inayos na ni Shan ang sarili at lumabas sa may pintuan at nilock iyon.
Nagsimula na si Shan na maglakad ulit papunta sa isang private mud spa kung nasaan ang kaniyang target, siya ang papalit sa babaeng tinawagan nito para aliwin ito. Si Doc. Mercurio talaga ang next target niya bago pa niya marinig sa tawag ni Tad na pupuntahan nito ang naturang doctor, na uunahan ng dalawin ni Shan.
Nang makarating si Shan sa tapat ng private mud spa ay agad na siyang pumasok, sinalubong siya ng isang staff sa loob at malawak ang ngiting sinabi niya dito na siya ang tinawagan ng isa sa mga costumer nila na agad din naman siyang dinala kung nasaan ang target niya.
Nang maituro na sa kaniya ang private mud spa room kung nasaan si Doc. Mercurio ay umalis na ang staff at pumasok na si Shan sa loob. Agad niyang nakita ang target niya na sa loob ng isang tub na puno ng putik na napalingon sa kinatatayuan niya, habang may bote ng wine at baso sa tabi nito.
"Andiyan ka na pala, kanina pa kita hinihintay. Magbihis ka na and start to entertain me."ani nito sa kaniya na pinakitaan niya ng malanding ngiti bago siya naglakad papunta sa changing room. Ibinaba ni Shan ang bag niya at isa-isang hinubad ang suot niyang damit, at pinalitan niya ang two piece na suot niya ng black two piece na padala ni Rissa na talagang makikita ang magandang hubog ng katawan ni Shan.
"This doctor will die because of his lust."sambit ni Shan na may mapang-akit na ngiting ikinalabas na niya sa changing room at ng makita siya ng target niya sa suot niya ay napalaki ang mga mata nito at makikita ang pagkasabik sa mga mata nito. Dere-deretsong pumasok naglakad muna si Shan sa isang mesa na may sound speaker nan aka a lot sa bawat mud spa room.
Malakas ang volume na pinatugtog ni Shan ang speaker kung saan ang kantang 'TOXIC' ang pumuno sa kinalalagyan nila ngayon ng doctor na excited na sumandal habang nakatutok ang tingin sa kaniya.
"Dance for me, baby."ani nito na nagsisimula na si Shan na ikembot ang balakang niya na mas nagpa excite sa kaniyang target.
Malanding sayaw ang pinapakita ni Shan sa target niya, ang indayog ng kaniyang balakang at mga hita ang mas lalong napapa-excite sa mga mata ng kaniyang target na nagre-request ng lumapit siya dito. Mapang-akit ang ngiting humakbang na si Shan hanggang sa makatuntong na sa siya sa tub na may putik at mas iginiling niya ang kaniyang katawan habang kumukuha siya ng putik at ipinapaligo sa kaniyang katawan. Mas lumapit pa si Shan sa target niya na humawak sa kaniyang bewang at hinaplos iyon kaya mas pinagbutihan pa ni Shan ang pag-aakit dito. Itinukod ni Shan ang palad niya sa magkabilang gilid ng sinasandalan ng target niya dahilan upang mapalapit ang mukha nito sa tapat ng dibdib niya na parang asong nauulol na sa kaniya.
Nakatutok lang ang target niya sa pagkembot niya habang si Shan ay kinuha ang bote ng alak at binasag iyon na ikinalingon doo ng target niya.
"Bakit mo binasag ang wine ko? Maiinom pa nati---"
Hindi natuloy ng doctor ang sasabihin niya ng mapai-igik nalang siya ng itusok ni Shan ang basag na bote na hawak nito sa gilid ng leeg niya na ikinasirit ng dugo nito sa may tub at sa mukha pa leeg ni Shan. Mas itinarak pa ni Shan ang bote sa leeg nito kaya mas dumaloy ang dugo nito sa leeg nito pababa sa katawan nito na humahalo sa putik, na agad ding ikinawalan ng buhay ng doctor.
Kumuha ang kanang palad ni Shan ng putik at ipinunas sa bote na nakatarak sa leeg ng doctor na hinawakan niya upang mawala ang finger prints niya. Tuloy-tuloy ang malakas na tugtog sa loob ng umahon na si Shan sa tub na may putik at nagpunta sa isang cr upang maglinis ng katawan. Isa-isa niyang hinubad ang two piece na suot niya na ibinagsak sa sahig habang iniwan niyang bukas ang shower matapos niyang maglinis ang katawan niyang may putik. Lumabas si Shan sac r na walang saplot hanggang makapasok siya sa changing room, nilabas niya ang pamalit niya sa bag.
Nagsuot na ng white na two piece si Shan na padala din ni Rissa, isinuot na din niya ang knitted long sweater niya na kulay beige, paldang itim na aabot hanggang tuhod niya, nagsuot din siya ng itim na stocking at rubber shoes. Binura na niya ang itim niyang lipstick at tinanggal na rin niya ang wig na suot niya at inilugay ang kaniyang itim at curly na buhok na hanggang braso niya ang haba at inipit 'yon ng pa-bun.
Nang okay na ang lahat ay ipinasok na ni Shan ang wig niya at ang ibang gamit niya sa bag niya at kinuha ang isang punyal na dala niya bago lumabas na ng changing room, nilapitan ni Shan ang doktor at tinarak ang punyal sa tuktok ng ulunan nito, dumakot ulit siya ng putik at piinunas iyon sa hawakan ng punyal niya bago niya ipinunas sa ipinunas ang kamay niya sa kurtina meron sa loob bago siya lumabas at hinayaan pa din na tumutugtog ang speaker.
Dere-deretso lang na naglakad si Shan palabas at akala ng staff ay costumer siya kaya walang aberyang nakalabas si Shan sa loob ng mud spa, hanggang makababa siya ng ground floor.
"Hindi naman manghihinayang ang asawa niya sa kaniya dahil cheater naman siya."pahayag ni Shan na sa paglabas niya ng hotel spa ay natigilan siya ng makasalubong niya si Tad na napakunot ang noo ng makilala siya.
"Shan?"