Dave's pov,
HINDI mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ako makapaniwala na makikita ko rito ang babaeng nahawakan ko ang hmm. So, tama nga ang nakita ko kanina, hindi ako namamalikmata lang.
Ewan ko ba pero parang bigla akong nakaramdam ng excitement dahil nakita ko itong muli. Ang nangyari sa resto ang huling pagkikita namin ng babae.
What a great morning. Small world huh. Mukhang mapapadalas ang pagkikita natin my honeybee.
Napapangiti na anas ko sa aking sarili.
Ang weird, dahil hindi ko nakakalimutan ang pagbabanta nitong babasagin ang betlog ko once na magkita ulit kami. Pero sa halip na makaramdam ng takot ay excitement ang nararamdaman ko ngayon.
Knowing na palagi kaming magkikita nito ay lalong lumalakas ang excitement sa puso ko.
Nang mapatingin ito sa amin, particular sa akin ay nanlaki ang mga mata nito.
Mukhang namukhaan din ako nito dahil sa paraan ng pagtingin nito sa 'kin. Na beast mood ang ale.
Habang nakikipagtitigan dito ay isang pamatay na kindat ang ibinigay ko sa dalaga. Hindi ko napigilan ang pagkawala ng mahinang tawa ng suklian ako nito ng pamatay na irap. Nanlilisik ang mga mata nito.
Sarap dukutin ng mga mata nito.
"Dave?" bahagya pa akong napapitlag ng biglang magsalita si Drake sa tabi ko.
"Hmmm," sagot ko. Habang nakatitig pa rin sa dalaga. Kung dalaga pa nga ba ito. Pero sa liit ng hinaharap nito, malamang dalaga pa iyon.
"Ba't ganyan ang mukha mo? Anong nginingisi-ngisi mo d'yan?" sikmat nito habang nakakunot ang noo.
"Ngumisi ka rin kung gusto mo. 'Wag mong pakialaman ang pagngiti ko," ganting sikmat ko dito.
"Para ano? Para magmukha rin akong gago?"
"Tss.'Wag kang maingay," balewala kong sabi. Habang nasa dalaga pa rin ang mga mata ko.
Mukhang hindi na nakatiis ang dalaga sa paninitig ko dahil mabilis na itong lumabas sa conference room.
Muli akong napangiti habang sinusundan ito ng tingin.
Maya maya ay sumunod na rin dito ang isang babae.
"Nice to see you here honey! Mukhang mag I-enjoy ako sa trabaho rito," mahinang anas ko. Actually kausap ko lang ang sarili ko.
"Ouch!" malakas na daing ko ng sikuhin ako ni Drake. "Inaano ba kita?" yamot na tanong ko.
Napansin ko naman na salubong na salubong ang mga kilay nito.
"Inaano ba kita?" ulit ko.
"Umayos ka! Binalaan na kita kanina," tiim bagang na sabi nito. Ako naman ang nangunot ang noo.
"Wala akong ginagawa, nakatayo lang ako dito sa tabi mo," depensa ko naman. Pabulong lamang 'yon dahil baka may makarinig na kanina pa kami nag-aangilan ng kapatid ko.
"Siguraduhi---" Hindi na nito na ituloy ang sasabihin dahil humarap sa amin ang aming reyna. Beast mood din yata ito.
"Nagsasalita ang Daddy n'yo! Tigilan n'yo 'yang mga bulungan n'yo, Adam, Ariston! Para kayong mga bubuyog!" may pagbabanta na naman sa boses nito.
Nagkatinginan pa kami ni Drake dahil sa sinabi nito.
"Tumahimik kayong dalawa, marinig ko pang para kayong mga bubuyog d'yan. Tatamaan kayo sa 'kin!" sabi pa nito bago ibinalik ang atensyon kay Daddy na nagsasalita ngayon.
Habang kami naman ng kapatid ko ay tumigil na rin sa pag-uusap. Daldal kasi nito, nananahimik ako eh. Sita nang Sita.
Habang nagsasalita si Daddy ay nakikinig naman ako rito. Kahit pa nga hindi nawala sa isip ko ang babaeng nakita ko kanina. Kanina pa kasi ito umalis at mukhang wala na itong balak bumalik para sa announcement ni Dad at Mom.
Hanggang sa matapos na ang announcement ni Dad. At tinawag ako nito para pumunta sa gitna.
Nag-alangan pa akong lumapit pero wala naman akong nagawa dahil masama ang tingin ni Mommy sa akin. Mukhang hindi ito papayag na wala man lang akong sabihin.
"I'm sure most of you are already familiar with my children. Especially Drake and David, who have always been here. But I'd like to use this opportunity to formally introduce to you my youngest son, Dave Ariston Montana. My three children will officially take over the management of this company. They will be here with you every day. And I sincerely hope that all of you accept them as your new Bosses," sabi pa ni Dad ng makalapit na ako rito.
Hinawakan pa nito ang braso ko bago muling nagsalita.
"And please allow my youngest son to deliver a brief message to everyone. To personally introduce himself to each and every one of you," dugtong pa ni Dad at inabot na sa akin ang mic na hawak nito.
Wala naman akong nagawa kun'di ang tanggapin 'yon.
Tumingin muna ako kay Mommy at nakita ko ang encouragement sa mga mata nito.
Tumikhim muna ako bago nagsimula.
"Good morning, everyone. I'm Dave Ariston Montana, and I'd like to say that meeting all of you has been a pleasure. And I'm looking forward to working with you guys. Consider me as a friend or a mentor not a boss. At sa mga binata dito na gustong magpaturo kung paano mang chicks, lumapit lang kayo sa aki--, Aray ko!" napa-aray naman ako ng may kumurot sa tagiliran ko. Walang iba kun'di ang inang reyna.
"Ayusin mo 'yang sinasabi mo, Ariston!" pagbabanta nito. With matching panlalaki pa ng mata.
Narinig ko namang natawa ang mga tao dahil nakita nilang kinurot ako ng Mommy ko.
"Pasensya na kayo, may surot sa tabi ko. Mukhang hindi nalilinis itong building, ang lalaki ng surot---, Aray!" iktad ko ng muli akong kurutin ni Mommy.
Totoong masakit iyon dahil mukhang kuko ng mangkukulam ang kuko nito dahil sa sobrang haba.
"Dave!"
"Aayos na po," sabi ko habang nakalayo ang mic sa bibig ko.
Muli akong humarap sa mga tao at tumikhim muli bago nagpatuloy.
"Like what I've said, consider me as a friend. We're all here everyday, so I'd like us to be nice and easy together. Is that okay with you guys?" tanong ko.
Sabay-sabay naman silang sumagot ng yes boss. At maluwang akong napangiti dahil doon. Mukhang tama si Dad, puro mababait ang mga empleyado rito.
"Basta sa mga gusto ng advice, magaling ako d'yan. Kaya sa mga binata d'yan, alam n'yo ang gagawin okay?" nakangiting sabi ko pa.
May isang tumayo. Mukhang kagaya ko ay pilyo rin ito.
"Sir, paano po pag gusto namin ng tips paano manligaw?" lakas loob na tanong ng isa.
Napakamot naman ako sa ulo ko. Naloko na. Ano bang malay ko sa panliligaw. Magpaligaya lang sa kama ang alam ko. At sa edad na 25 ay expert na ako sa larangan na iyon.
No conceited aside.
"May tips po ba kayo, Sir."
"Patay tayo d'yan. Bokya ako sa gan'yan mga pare," sagot ko dahilan para magtawanan ang lahat.
Maging si Daddy at Drake ay napangiti na rin. Kilala nila akong wala sa vocabulary ang salitang ligaw. Si Mommy lang ang hindi nakangiti. Beast mood na naman ito.
"Basta 'pag sa panliligaw, bokya tayo---"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil inagaw na ni Mommy ang mic sa akin.
Ay tamo yanung bastos. Nagsasalita pa ako eh.
"Please disregard my son. And I'd like to warn my angels here not to be fooled by my youngest son. Mas madalas pang magpalit ng babae 'yan kaysa sa brief n'ya. Guwapo lang itong anak ko mga iha, balde ang iluluha n'yo kapag nagpaloko kayo rito," sabi ni Mommy habang tinatapik-tapik ang braso ko. Dahilan para lumakas ang tawanan.
Napangiwi na lamang ako dahil sa sinabi nito. Tss. Panira talaga to eh.
"So, ladies please take this as a warning," dugtong pa nito.
Tumawa lamang naman ang mga naroon. Susme, panira ng diskarte si Mommy.
Hanggang sa muling nagsalita si Daddy. At tinapos na nito ang meeting.
,
,
MATAPOS ang meeting, naiwan pa kaming pamilya sa loob ng conference room. Personal akong ipinakilala ni Dad sa mga taong may mataas na posisyon dito sa kumpanya. Buong puso naman nila akong tinanggap. At aaminin kong natutuwa akong makilala silang lahat. At na excite na akong magtrabaho rito.
At alam kong dahil iyon sa isang particular na babae. Babaeng Tigre.
Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin tapos ang pagtu-turn over. Kanina pa kating-kati ang puwet ko dahil may gusto akong makita sa lugar na ito.
Alumpihit na ang puwet ko dahil inip na inip na ako.
Bahagya naman akong nakahinga nang maluwag ng sa wakas ay matapos na.
Nang sa wakas mag-aya si Mommy at Daddy ay talagang nguna-nguna na akong lumabas. Tila may pakpak ang mga paa ko. Pero dahil sa pagmamadali kong makalabas, sumabit ang isang paa ko sa gilid ng sliding door. Dahilan para muntik na akong masungaba.
Thank God dahil nahatak agad ni Dad ang damit ko, kaya hindi ako tuluyang humalik sa sahig, pero masakit ang paa ko.
"s**t! Ang sakit ng paa ko," daing ko ng makatayo ng maayos.
"Thanks, Dad," pasalamat ko kay Dad. Ngumiti lang naman ito sa akin.
Habang si Drake naman ay pigil-pigil ang tawanin. At si Mommy naman ay kunot ang noo habang nakamasid sa akin.
"May hinahabol ka ba, Ariston?"
"Wala ho."
"Wala? Bakit parang madaling-madali ka yata?" taas kilay na tanong nito.
"Wala nga po, 'My," maikli kong sagot.
"You sure?"
"Yes 'My, sino namang hahabulin ko eh wala namang tumatakbo," sagot ko. Dahilan para sipain nito ang binti ko.
Nakangiwing hinamas ko naman ang nasaktang binti.
Napakatulis naman kasi ng dulo ng high heels nito.
"Pilosopo!" asik nito.
"Sa bahay na kayo mag-away," singit naman ni Dad.
Napangiti naman ako. Hulog talaga ng langit ang Daddy ko. Palagi itong nasa likod ko sa tuwing sasabunin ako ni Mommy. Savior ko si Dad.
Habang naglalakad ay palinga-linga ako sa paligid dahil umaasa akong makikita ko ang babaeng kanina pa hinahanap ng mga mata ko. Ngunit bigo akong makita ito.
Hanggang sa sumakay na kami ng elevator. Pababa sa ground floor.
Nakakapanlumo naman.
May ibang pagkakataon pa, Dave. May bukas pa.
Nagtaka pa ako ng sa halip na sa ground floor dumiretso ay huminto ang elevator sa third floor. Kahit nagtataka ay nanatitiling tikom ang bibig ko. Baka may sadya pa sila dito.
Nang bumukas ang elevator ay lumabas sila kaya sumunod naman ako sa mga ito.
"Honey, saan pa ba tayo pupunta?" tanong nito Dad.
Tahimik lang kami ni Drake na nakasunod sa mga ito.
"May kakausapin lang ako, hindi ko s'ya nakita sa meeting kanina," sagot ni Mom.
"Sino?"
"Si Ara, parang hindi s'ya um-attend sa meeting eh."
Nangunot naman ang noo ko. Who's Ara? At bakit kailangan pa itong sadyain ni Mommy para lang makita.
"I see, baka may ginagawa, " sagot ni Dad.
Nakita kong sa accounting department ang sentro ng lakad nito. Naramdaman ko na parang nanigas si Drake ng mapagtanto na dito kami pupunta. Lumingon pa ako rito at nakita ko na salubong na naman ang kilay nito.
Parang naging uneasy din ito.
Why?
Kakatok na sana si Mommy sa pinto ng accounting department ng biglang bumukas 'yon.
Bahagya pa silang nagkagulat ng babaeng lumabas do'n.
Lumabas ang isang babae na sa pagkakatanda ko ay ito ang isa sa babaeng kasama ng babaeng kanina ko pa gustong makita.
"Ma'am Annika!" sabi ng babae ng makabawi.
Ngumiti naman si Mommy dito.
"Hi Zerra, nagi-enjoy ka ba rito?" magiliw na tanong nito sa babae.
Tumango naman ang babae bilang sagot.
Maganda ang babae sa tunay na kahulugan niyon. Ganitong babae ang tipo ko, pero mukhang si Drake ang type nito. Parang bituin na kumukuti-kutitap ang mga mata nito habang nakatingin kay Drake.
Napangiti naman ako ng makita kong mas naging uneasy ang kapatid ko. Masama ang tingin nito sa babaeng Zerra ang pangalan.
Nawala ang atensyon ko kay Zerra at Drake nang biglang bumukas muli ang pinto at lumabas do'n ang babaeng kanina pa hinahanap ng mga mata ko.
Weird dahil ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Ma'am Annika, napadaan po kayo!" magiliw na sabi nito kay Mommy.
Ngiting-ngiti ito pero dagli ring nawala ng mapatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata nito.
"Wala ka sa meeting kanina Ara," saad ni Mommy.
So, ito si Ara na gustong makausap ni Mom? Close ba talaga si Mommy dito?
"Naku, medyo nasira po kasi ang tiyan ko eh," pilit ang ngiting saad nito. Napangisi naman ako dito ng magtama ang mga mata namin.
Muli ko itong kinindatan at palihim ako nitong inirapan.
Nasira pala ang tiyan ha. Hmm. Nice aliby honey.
"Ayos na ba ang tiyan mo?" may pag-aalalang tanong pa ni Mommy rito.
"Medyo maayos na po kanina, kaso parang nasira po ulit ngayon eh," sagot nito.
"Naku, may nakain ka sigurong nakasama sa tiyan mo, ano?"
Mukhang bumenta naman kay Mommy ang aliby nito.
"Oo nga po eh, tapos may nakita po akong nakakasuka ang pagmumuk--, este nakakasuka pong bagay eh, hindi po siguro kinaya ng sikmura ko," sagot nito.
Alam kong ako ang pinaparinggan nito. Hmm. Mukhang matabil talaga ang dila mo,ha?
"Ah gano'n ba, sana maging okay na ang tiyan mo, Ara," sagot ni Mommy.
"Sana nga po, Ma'am."
Sa halip na maasar sa mga pasaring nito ay napangiti na lamang ako. Mukhang matalas ang dila ng babaeng ito ah. Hmm. Parang ang sarap sipsipin.
Hindi ko napigilan ang pagkawala ng mahinang tawa dahil sa kapilyuhang naisip ko.
One of these day, tatanggalin ko 'yang talas ng dila mo honey.
"Dave?" untag ni Drake. Dagli naman akong umayos ng tayo at saka pinilig ang ulo.
"What?" angil ko dito.
"Para ka na namang tanga!"
"'Wag kang makialam, Brother!"
Umiling-iling naman ito saka pumalatak.
"Tss. Maya maya ka na mag-day dream tinatawag ka ni Mom," saad pa nito.
Tumingin ako kay Mommy. At kinumpas nito ang kamay at pinapalapit ako sa mga ito.
Malalaki ang hakbang na lumapit naman ako. Dahil sa haba ng biyas ko, ilang hakbang lang iyon at nasa tabi na ako ni Mommy.
"'My," wika ko habang hindi mawala-wala ang ngiti.
Hinawakan ni Mom ang kamay ko at hinila ako palapit sa tabi nito.
"Ara, meet my youngest son, Dave Ariston. Isa na siya sa mamamahala nitong DAM," pagpapakilala nito.
Nanatili namang poker face ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
Pati mata nito parang ang sarap sipsipin este dukutin.
"Ariston, meet Arriane, Ara sa mga friends n'ya. Be nice to her," pakilala naman nito.
Arriane? It's sounds familiar. Saan at kailan ko ba narinig ang pangalan na iyon?
Nasagot naman ang tanong ko ng muling magsalita si Mommy.
"Siya ang babaeng nakilala ko noon sa Quiapo, Anak. Sayang dahil ngayon lang kayo nagkakilala. Matagal mo na siyang gustong ma-meet, hindi ba?"
Ohh, so ito si Arriane ang babaeng astig na bukang bibig ni Mommy 2 years ago? I think . So kaya pala parang close na close sila sa isa't-isa.
Napatango-tango naman ako. Now I know.
"Nice to meet you hone---, I mean Durian--,Aray ko naman, 'My," malakas akong napadaing dahil sa pinong kurot nito sa tagiliran ko.
Masama ang tingin nito sa akin.
"What?" natatawang tanong ko dahil nanlilisik ang mata nito. Maging si Arriane ay masama ang tingin sa akin.
"Arriane, hindi Durian!" gigil na sabi nito.
"Durian nga," pigil ang tawang ulit ko sa tawag dito. Lalong nanlisik ang mga mata nito.
"Arriane nga!" pikong saad ni mom.
"Arriane naman talaga ang sinabi ko ah," sagot ko. Nakakatakot na ang mga mata nila.
"So, kami ang bingi?" nauubos na ang pasensya ni Mom. "Kakasabi ko pa lang na be nice to her, tapos iiral na naman iyang kalokohan mo," dugtong pa nito.
Kahit napapangiti ay pinilit ko ng magseryoso. Tumingin ako kay Arriane Namumula na ang mukha nito.
Hmm. Pikon. Nasaan ang talas ng dila mo honey?
Inilahad ko ang kamay ko dito. Saka nagpakilala ng maayos.
"Dave nga pala, nice to see you here, Arriane," seryoso kong sabi.
Pero ilang sandali na ang nakakalipas ay nanatili sa ere ang kamay ko. Hindi nito tinanggap ang pakikipag kamay ko. Mataman lang itong nakatingin sa akin habang nakataas ang sulok ng mga labi nito.
Takti, ipapahiya pa yata ako ng babaeng ito.
Babawiin ko na sana ang kamay ko ng biglang abutin nito iyon.
"Arriane!" mariin nitong sabi. Mukhang nilinaw nito ang pangalan nito.
Bahagya pa akong napangiwi ng mariin nitong pisilin ang kamay ko.
Takti liit na babae ang lakas ng puwersa. Saan galing iyon? Sa puwerta?
Kahit masakit ang pagkakahawak nito ay hindi nakaligtas sa akin ang tila kuryente na nanulay mula sa kamay nito papunta sa akin. At ganitong-ganito din ang pakiramdam ko ng mahawakan ko ang dede nito.
Init na kayang buhayin ang lahat ng dugo sa katawan ko.
"Dave, bitawan mo na ang kamay ni Ara," untag ni Dad. Tila naman ako napapasong mabilis na bumitaw rito.
Shit. Anong klaseng pakiramdam iyon?
Parang bigla akong natakot sa pakiramdam na iyon. Ibang-iba.
Kaya naman hanggang sa magpaalam na si Mommy kay Arriane ay nawalan na ako ng kibo. Bago tuluyang umalis ay isang sulyap pa ang ginawa ko dito.
Nanggigigil ang mukhang sinalubong nito ang mga mata ko. At para bang sinasabi ng mga matang iyon, na humanda ako.
Ngumisi naman ako dito. Ngising puno ng pang-aasar at saka ito kinindatan.
Lalong nanlisik ang mga mata nito.
Ikaw ang humanda sa 'kin honey, dahil lulunukin kita ng buhay.
,
,
,
"Mukhang nag i-enjoy ka rito sa kumpanya ah," puna ni Drake.
Nandito kami sa opisina ng DAM ngayon.
Ngumisi lang naman ako.
"Anong nangyari sa sinasabi mong hindi ka maglalagi rito?" tanong pa nito.
"I'm just happy to work with you."
Masamang tingin naman ang isinukli nito.
"Oh, bakit ganiyan ang tingin mo sa akin?" tanong ko.
"Tigilan mo ang pang-iinis kay Ara. Masasakal ka ni Mommy kapag nalaman niya na ang isa sa paborito niya ang suspect mo ngayon," seryosong paalala nito.
Napangiti naman ako sa sinabi nito.
ANG plano ko kasing mag-ala kabute sa kumpanya ni Dad ay hindi nangyari. Dahil sa babaeng kinagigiliwan kong asarin. Kahit napakatabil ng dila nito ay hindi ako tumigil na asarin ito. At ito ang dahilan kung bakit nawiwili akong mag-stay dito sa DAM.
Pero siyempre hindi ko naman pinababayaan ang negosyo ko.
"Dave, sinasabi ko sa 'yo---"
Pinutol ko ang sasabihin nito. "Wala akong ginagawang masama, Drake. Ikaw nga itong may ginagawa eh."
Nangunot naman ang noo nito. "Anong ginawa ko?"
"Mukhang may something na sa inyo ni ate Niks eh," tudyo ko.
Binato naman ako nito ng ballpen at masama akong ang tiningnan. "Tss. Never."
"Sus, denial king ka pa lang pero alam kong na huhulog ka na rin," tudyo ko pa.
Namula naman ito. "Ewan ko sa 'yo, Dave. Napaka-intregera mo!" inis na sabi nito.
"Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko, Bro."
Umismid naman ito. "Ewan ko sa 'yo. Umalis ka na nga. Puntahan mo na iyong pinapaasikaso ko sa 'yo," pagtataboy nito.
"Sure, my pleasure, Brother," sabi ko bago nagmamadali ng tumayo.
Para akong gago dahil excited akong masilayan ang honey ko.
NASa may pinto na ako ng muling magsalita si Drake.
"Dave, I'm warning you!"
"Wala akong gagawin, okay?" sabi ko bago ito iniwan.
"Stop pestering her," pahabol nito.
Bumaling naman ako rito at saka ngumisi. "Mind your own business, Brother," sagot ko at tinalikuran na ito.
Parang may pakpak ang mga paa ko dahil sa pagmamdali ko. Pupunta ako ng accounting department dahil may pinapabigay si Drake kay Ate Niks. Allergic kasi ito kay Ate Niks pero alam ko nahuhulog na rin ito. Nasa denial stage pa nga lang.
Nang makarating ako sa tapat ng Accounting Department ay kumatok na ako.
Nang marinig ko ang boses ni Ate Niks na come in ay tinulak ko na pabukas ang pinto at saka tuloy-tuloy na pumasok.
"Hi, maganda kong hipag," ngiting bati ko kay Ate Niks.
"Hello, Brother. Mukhang masaya tayo ah," puna naman nito.
Ngumiti lang naman ako rito at saka lumagpas ang tingin ko papunta sa likuran nito. Titig na titig ako sa babaeng wala yatang pakialam kahit maghubo ako sa harap nito.
Nabalik ang atensiyon ko kay Ate Niks ng agawin nito ang folder na hawak ko.
"Akin na ito," sabi nito. Tumingala pa ito sa akin. "Alis na, Brother, iinisin mo na naman si Ara eh," dugtong nito.
"Magpapa-cute lang ako ate," sabi ko sabay kindat.
Humagikhik naman ito. "Hindi uobra iyang diskarte mo, Brother."
"Tss. Salamat sa suporta mo ha, sobrang nakaka-touch Ate grabe," patuyang sabi ko dito.
Ngumiti lang naman ito. "Hindi mo siya mabibiktima."
Ngumisi naman ako. "You'll see, Ate."
"Okay, good luck to you, then," sagot nito.
"Watch and learn," sabi ko sabay kindat kay Ate Niks.
Tumawa lang naman ito kaya tinalikuarn ko na ito.
Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang papalapit sa kinaroroonan ng babaeng manhid.
Manhid, sobrang manhid dahil nakatayo na ako sa harap nito pero parang wala pa rin itong nakikita.
Hindi man lang nag-angat ng tingin.
"Hmm..Hi, honey," mas pinalambing ko pa ang boses ko. "Isang sulyap naman d'yan, oh," ungot ko.
"Attention seeker!" ingos nito.
Sa halip na ma-offend natawa na lang ako. Ang sarap nitong inisin.
"Atensiyon mo lang ang gusto kong makuha," ngising sabi ko.
Nag-angat naman ito ng tingin. "Puwes, hindi ka magtatagumpay," mataray na saad nito.
"Ang sungit mo, Miss FC," puranggit ko.
Lalo namang nagsalubong ang kilay nito. "Anong FC?"
"Guess what?"
"Guess what-in mong mukha mo!" nanggigigil na sabi nito.
"Sige na sasabihin ko na, ang FC ay flatches----"
Natigil ako sa pagsasalita ng hampasin nito ang braso kong nakatukod sa mesa nito.
Nanlilisik ang mata nito."'Wag mo ng ituloy!"
"Gusto kong sabihin," tudyo ko.
"Ayo'kong marinig!"
"Gusto kong sabihin," pangungulit ko.
Pulang-pula na ang mukha nito.
"Then, sabihin mo na! At para makaalis ka na!"
"Hindi ako aalis," pang iinis ko pa.
"Letse ka!"
"Sungit mo talaga, Miss FC," sabi ko habang hindi nawawala ang mga ngiti. Ang sarap nitong inisin. Lumalaki ang butas ng ilong.
"Hambog ka naman Mr. MNHP," sagot nito.
Ako naman ang nangunot ang noo sa sinabi nito. "Mr. MNHP?" tanong ko.
Parang bruha naman itong ngumisi.
"MNHP- manyak na hayok pa!" sagot nito.
Narinig ko namang nagtawanan ang mga kasama nito, at maging si Ate Niks ay nakitawa na rin.
Sa halip na ma-offend ay ngumisi naman ako.
"Gusto mong subukan, kung gaano ako kahayok? Kaya kitang baliwin sa kama, honey," ngising sabi ko.
Kitang-kita ko na nagkulay kamatis ang mukha nito.
"Not interested," balewalang sagot nito ng makabawi.
"Ows, baka naman pinapantasya mo ako sa gabi sa tuwing mag-isa ka?" tudyo ko.
Ngumisi naman ito. "Asa ka! Walang kapanta-pantasya sa 'yo, Sir," matalas ang dilang sagot nito.
"Isang araw, luluhod ka sa harap ko at makikiusap na angkinin ko. At sana kapag dumating ang araw na iyon, available pa ako," banat ko sabay kindat dito.
Humagikhik naman ang mga kasama nito.
"Libreng mangarap, Sir!" sagot nito at mabilis na tumayo.
Sinundan ko ito ng tingin at nakita kong pumasok ito sa banyo.
"Napakagaling mo talagang mang-inis, Dave," si ate Niks.
Ngumiti lang naman ako rito at saka nagpaalam na aalis na. Buo na naman ang araw ko.