Chapter 8 CAW

3286 Words
Arriane's pov, - - Papasok na ako sa trabaho. Naglalakad na ako patawid sa kabilang daan ng may humintong sasakyan sa mismong tapat ko. Bahagya pa akong napa-atras sa gutter ng kalsada dahil kaunting-kaunti na lamang ay masasagi na ako niyon. Sino na naman kayang heriduris ang nagmamaneho ng kotse na ito. Pero nasagot ang katanungan sa isip ko ng makita ko ang plate number ng kotse na halos makasagasa sa akin. At kilalang-kilala ko ang sakay niyon. Nagngingitngit ang kalooban na lumipat ako sa kotse at saka kinalampag ang bintana sa tapat ng hereduris na driver. "Hoy! Siraulo ka ba tala---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumungaw sa bintana ng kotse ang impaktong driver niyon. Walang iba kun'di ang manyak na anak ni Ma'am Annika. Sobrang kumukulo ang dugo ko rito dahil wala na itong ginawa araw-araw kun'di ang pestehin ako. Simula ng makilala ko ito ay talaga namang halos mamuti na ang buhok ko sa sobrang kunsumisyon sa lalaki. Halos walong buwan na rin ang nakakaraan mula ng ipakilala ito ng personal ni Ma'am Annika sa 'kin. Kung puwede lang talaga ay matagal ko ng binasag ang itlog nito. Napakayabang kasi ng impaktong iyon, hambog, manyak, bastos, feeling guwapo ang lintik. Buwisit. Nakakapanginig ng laman sa sobrang inis. Ang akala ko perpekto na ang buhay ko kaso bigla namang sumulpot ang impaktong ito sa buhay ko. Na wala ng ginawa kun'di ang inisin ako at gawing katawa-tawa. Feeling 'ata ng kumag na ito ay nakakatuwa pa ito. Napakarami na nitong atraso sa 'kin. At hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nitong paghawak sa dede ko noon. "Good morning, honey!" ngising sabi nito sabay kindat. Sa halip na kiligin ay na buwisit lang ako rito. Ngising-aso na naman kasi ang tukmol na ito. "Siraulo!" bulong na sabi ko. Tumawa lang naman ito. "You need a ride?" Hindi ko naman ito pinansin. Nauubos lang ang good vibes sa katawan ko kapag kausap ito. Tatawid na sana ako nang iharang nito ang kotse nito sa daraanan ko. "Umalis ka d'yan!" mariin kong sabi. "Sabay na tayo, sa opisina rin naman ang punta ko," suhestiyon pa nito habang hindi inaabante ang kotse nito. "Thanks, but no thanks," sabi ko sabay alis sa harap nito. Pero sad'yang mahilig itong mang-inis kaya sa halip na umalis lalo lang itong humarang sa daraanan ko. "Alis." "Sumakay ka na, honey, magkakakalyo lang ang paa mo dahil sa taas ng heels mo," sabi pa nito. "Wala kang paki!" Akma akong hahakbang ng iabante na naman nito ang kotse nito. Nanggigigil na humarap ako rito. "Nananadya ka ba?" pikon na ako promise. "Sumakay ka na nga," seryoso nitong sabi. Seryoso na ito dahil wala na ang ngisi sa mukha nito. "Umalis ka, hindi ko gustong sumakay sa kotse mo!" "Honey, sige na please," sabi nito at pinasingkit pa talaga ang singkit nitong mga mata. Guwapo na sana ito, kaso lintik naman sa babaero. T*ngina, iba-iba ang mga babaeng naka-angkla sa bisig nito. Hindi lang iilang beses na nahuli ko itong halos may ka-make out na. Walang pinipiling lugar ang impaktong ito. Kung saan na lang abutin ng pangangati ng itlog nito. Kuh, talaga ang sarap iprito ng itlog ng lalaking ito. Iyong tipong tutustahin na. "Honey?" untag nito. Bahagya ko pang ipinilig ang ulo ko ng marinig ang boses nito. Tss tigilan mo ang kakaisip sa itlog ng lalaking iyan. "Utang na loob sir! Umalis ka d'yan dahil mali-late na ako sa trabaho ko." Napasimangot naman ito. "Ayaw mo ba talagang sumakay?" paawa nitong tanong. "Iisang lugar lang ang pupuntahan natin," dugtong pa nito. Totoo naman iyon. Pero hindi niya feel sumakay sa kotse nito. Naaalibadbaran akong kasama ito. Lalo na kapag naaalala ko na minsan ko itong nahuli na halos may ka l-s*x sa loob ng kotse nito. At itong kotse na gamit n'ya ang kotse na iyon. Yakkk. Baka may mga nagkalat pang sperm sa loob ng kotse nito. Tss. Manyak talaga. Baboy buwisit. Baka amoy kups pa ang loob ng kotse nito. Nagtayuan naman ang balahibo ko dahil do'n. "Arriane, sumakay ka na please?" "No!" matigas na tanggi ko. "Malinis na itong kotse ko!" Mukhang nabasa naman nito ang laman ng isip ko. Kaya ayaw kong sumakay sa kotse nito "Walang sperm dito, promise. Ni hindi nga ako nakapasok, sinilipan mo kasi ako kaya ayon, nahiya si junjun. At saka naipa-car wash ko na ito. With vacuum pa," ngising hirit pa nito. Lintik talaga ang kapal ng mukha. "G*go hindi kita sinilipan!" "Nakasilip ka eh," tudyo pa nito. "Baboy!" "Aww, grabe ka," tila nasasaktan na sabi nito. Hindi ko naman na ito pinansin dahil malalaki ang hakbang na iniwan ko ito. Thank God, dahil hindi naman na ito humarang sa tatawiran ko. Kaya naman nagmamadali na akong naglakad papasok sa opisina. Papasok pa kasi ng loob iyon, papasok pa sa gate bago makarating sa mismong building. Habang naglalakad ay hindi mawala-wala ang gigil na nararamdaman ko. Nagulo na ang tahimik kong buhay, mula ng makilala ko ito. Kung may choice lang ako ay talagang magre-resign na ako sa DAM. Nawalan na kasi ako ng peace of mind dahil sa araw-araw na pangbubuwisit ni Sir Dave. Hindi ko alam kung anong trip nito sa buhay at palaging ako ang trip na trip nitong pagdiskitahan. Hanggang sa makarating sa opisina ay beast mood pa rin ako. Pabagsak na ibinaba ko ang bag ko sa mesa ko. At pabagsak na umupo. Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan at bahagyang tumingala. Napaayos ako ng upo dahil naramdaman ko ang mga matang nakatutok sa akin. Ang mga mata pala ng mga kasamahan ko sa trabaho. Lima kami rito. Pero si Ell at Niks ang tinuturin kong best friend dito. Isang taon pa lamang si Niks dito, pero malalim na ang friendship naming tatlo. Kaedad ko lamang ang mga ito. At patay na patay lang naman si Niks sa panganay na Montana. "Bakit ganiyan kayo makatingin?" tanong ko. "Ikaw, ba't gan'yan ang hitsura mo?" tanong ni Niks. "Kaya nga, puwede ng sabitan ng kaldero 'yang tulis ng nguso mo," segunda naman ni Ell. "Si Dave na naman, ano?" sabi ni Niks. Napatingin naman ako rito. Hindi lingid sa akin na close si Niks at ang impaktong iyon. Botong-boto kasi si Sir Dave kay Niks para sa kuya nito. Kung si Sir Dave ang walang sawang mambuwisit sa akin, sa mga ito naman ay baliktad. Si Niks ang nambubuwisit kay Sir Drake. Nililigawan nito ang panganay na Montana. Wala naman kaming magawa ni Ell dahil ayaw nitong magpa-awat. Mahal daw nito si Sir Drake. Kung saan s'ya dadalhin ng pagmamahal n'ya sa panganay na Montana ay walang nakakaalam. Kagaya namin ni Sir Dave, aso't pusa rin sila. Mas malala nga lang iyong sa 'min ni Sir Dave, dahil sobrang tindi ng pagiging lakas-tama nito. "Hoy! Earth to Ara!" sabi ni Niks. Naipilig ko naman ang ulo para alisin ang bad vibes sa utak ko. "Inasar ka na naman n'ya?" tanong nito. "Gusto ko ng tahimik na buhay, Niks, Ell. Pero parang hindi ko na 'yon makukuha rito," mahinan kong sabi. "Try mo kasing makipag-usap ng maayos. Feeling ko type ka ni Sir Dave. Dinadaan lang n'ya sa pang-aasar sa 'yo," sabi ni Ell. Napasimangot naman ako rito. Tss type? Eh hindi nga nawawalan ng babaeng nakaangkla. "Kaya nga, feeling ko depense mechanism lang ni Dave 'yon kasi takot s'yang mapahiya sa 'yo," segunda naman ni Niks. Inismiran ko naman ito. "Depense mechanism, ang sabihin n'yo hayok sa laman," inis na sabi ko. Tumaas naman ang kilay ng mga ito. "Ay! Grabe naman iyan, Ara," si Niks. "Hindi ako grabe, nagsasabi lang ako ng totoo." "Bakit mo naman nasabi?" tanong muli ni Niks. "Ilang beses ko na s'yang nahuli na halos may ka-s*x, tapos sasabihin n'yo na sa akin na type n'ya ako? Ano, type isahan?" puno ng sarkastikong tanong ko. Sabay namang nanlaki ang mga mata ng mga ito. Halatang hindi makapaniwala. Umismid naman ako."Ngayon n'yo sabihin na type n'ya nga ako." "Totoo?" manghang tanong ni Niks. Umirap naman ako rito bago sumagot. "Oo, kaya tigilan n'yo na ang kakabuyo sa 'kin sa manyak na 'yon! Naaalibadbaran ako," ingos ko. "I don't believe you, Ara," ani Niks. "Believe me," sagot ko naman. "Ang sabi mo nakita mong may ka-s*x Sir Dave. Anong nakita mo? Naka-enter na ba siya?" tanong ni Ell dahilan para mapahumindig ako. Nanindig pa ang mga balahibo ko sa tanong nito. Jusko. "Naka-enter na ba siya?" "Eullaaaa!" naiiskandalong sabi ko. Tawa naman nang tawa ang dalawang bruha. "What?" pigil ang hagikhik na tanong nito. Masama ko naman itong tiningnan. "Bakit ba, para nagtatanong lang eh. Sabi mo kasi nakita mong may ka-s*x," saad pa nito. "So, kailangan ko pang elaborate, gano'n?" mataray na tanong ko. "Hindi naman, kaso gusto kong malaman kung naka-enter na o hindi pa," malanding saad nito. Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan ko nang bumalik sa isip ko ang eksenang iyon. Sadyang hindi ko masikmura na makakakita pala ako ng gano'n kahalay na eksena. "Hoy, Ara ano na?" pangungulit pa ni Ell. "Nakita mo ang tots ni Sir Dave?" dugtong pa nito. Si Niks naman ay tawa lang nang tawa. Maging ang ibang kasamahan namin ay tumatawa na rin dahil sa mga kalokohan ng mga ito. "Ang damot, share mo naman. Malaki ba? Gaano kahaba?" pangungulit ni Ell. Tss tuwang-tuwa ang mga gaga. "Share mo na yarn," udyok naman ni Niks. "Mahaba ba ang anaconda ni Sir Dav--" "Hindi ko alam! Puwet lang ang nakita ko! Mga buwisit kayo!" Batid kong nagkulay kamatis ang buong mukha ko sa sobrang eskandalo. "Aww, sayang naman!" tila hinayang na hinayang pang sabi nito. Gaga talaga jusko. "Hindi mo talaga nakita ang anaconda ni Sir?" tanong pa ni Ell. "Hindi nga!" "Kahit iyong alagad?" pangungulit pa nito. "Puwet nga lang 'di ba?" inis na sabi ko. "Eh, malay mo nahagip ng mga mata mo." "Kumusta naman ang puwet ni bayaw? Maumbok ba? Maputi?" singit naman ni Niks. Halos lumubog na ako sa kinauupuan ko dahil sa tindi ng hiya. Ang haliparot naman kasi ng mga ito jusko. "Oy, Ara, tinatanong ka ni Niks kung kumusta ang puwet ng future bayaw niya, maganda raw ba at maputi?" pangungulit pa ni Ell. "Hindi! May piso, may lima, may sampu! Puro peklat at balat ang puwet n'ya!" pikon na sabi ko. Malakas na singhapan naman ang narinig ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa mga hitsura ng mga ito. Parang nahipan kasi ng hangin ang mga ito. Mga nakanganga lang. Parang mga tanga. Si Niks ang unang nakabawi at tinaasan ako nito ng kilay. "I don't believe you, sa guwapo ni Dave, imposible na hindi maganda ang puwet no'n." "Walang perpekto sa mundo, Niks," sagot ko naman. Napapangiti ako habang nakanganga pa rin si Ell. Mukhang hindi nito ma-absorb ang sinabi ko. Pinilig pa nito ang ulo para siguro pakaisipin ang sinabi ko. "Ara, ang guwapo ni Sir Dave. Ang kinis, ang puti, tapos puro piso ang puwet? Hindi nga?" Parang hindi pa rin matanggap ni Ell ang sinabi ko. Tumango lang naman ako habang pigil-pigil ang tawang gustong kumawala sa bibig ko. Kitang-kita ko ang disappointment na gumuhit sa mukha ni Ell at maging ng mga kasamahan ko. Pero siyempre joke lang 'yon. Walang peklat si Sir Dave. Nakakainis naman kasi ang mga tanong ng mga ito. At oo, sige na, aaminin ko na, maumbok at maputi ang puwet ni Sir. Parang masarap lamasin este kurutin ay hindi masarap pisil-pisilin pala. Ahh ewan basta mukhang masarap ang puwet n'ya. Nagsimula na akong magtrabaho pero nakanganga pa rin sila. Mukhang shock pa rin. Napangiti naman ako. Hmm hindi ko babawiin ang sinabi ko. Makabawi naman ako sa impaktong iyon. Huh, akala mo ha. , , PALABAS na sana ako ng opisina ng biglang may pumasok sa opisina namin. Walang modo na basta na lamang pumasok. "Hindi ka marunong kumatok?" asik ko sa binatang tukmol. Kami na lamang ni Ell ang naiwan dito sa opisina dahil umuwi na sila. Kasalukuyang nasa banyo si Ell, kaya akala siguro ni Sir Dave wala na akong kasama. "Huwag kang pasok nang pasok sa opisina nami--" "Anong sinasabi mo na puro peklat ang puwet ko?" putol nito sa sasabihin ko. Pigil ang ngiting tumingala ako rito. Tiim-bagang na pala ito habang nakatingin sa akin. "Arriane!" nagbabanta nitong wika. "Wala akong sinasabi na gan'yan," pagdi-deny ko naman. Tumawa naman ito ng pagak. Lalagpasan ko na sana ito pero humarang ito sa pintuan. "Paraanin n'yo po ako, Sir." "Hindi ka makakalabas dito, hangga't hindi mo binabawi ang pinagkakalat mo Arriane!" Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito. "Sumugod ka rito dahil nalaman nila na may peklat ka?" taas pa rin ang kilay na tanong ko. Kanina ko pa gustong matawa dahil sa hitsura nito. "Wala akong peklat sa puwet, Arriane!" gigil na sabi nito. "Wala naman pala eh, eh 'di wala. Ba't parang galit ka?" "Sinong hindi magagalit? Sinisiraan mo ako sa mga tao rito!" Parang gusto na nitong pilipitin ang leeg ko. Gigil na gigil ang gago. Huh! Maramdaman mo naman kung paano mapahiya, ulol! "Oh, eh 'di patunayan mong wala kang peklat sa puwet mo. Ang simple lang ng solusyon sa problema mo." Tawang-tawa na talaga ako. Ang sarap galitin ng gago. Hmm akala mo ikaw lang ang marunong mang-asar ha. "How?" tila interesado na tanong nito. Tumalikod naman ako dahil hindi ko na kinakaya ang tawanin ko. "How, Arriane! Tell me!" "Magpatawag ka ng emergency meeting tapos tumuwad ka sa harap nilang lahat. Solve na solve ang problema mo," sagot ko. Kagat-kagat ko na ang ibabang labi ko para walang kumawalang tawa. Ang sakit na ng tiyan ko dahil sa kakapigil ng tawanin ko. Narinig ko naman ang hagikhik ni Ell sa loob ng banyo. For sure narinig nito ang usapan namin ni sir Dave. Pero totoo pala talaga na kapag natatawa ka 'wag na 'wag pipigilan dahil sa puwet lalabas. Shit napa-utot ako guys. Jusko sana 'wag mangamoy. s**t. "Pinagloloko mo ba ak---,Ano iyon ba't ang baho?" Paktay. Ang baho ng utot ko. Naamoy! Emeged. "Umutot ka?" parang diring-diri nitong tanong. "Kapal mo, hindi ako umutot!" tanggi ko. Nakatalikod pa rin ako dito. "s**t ang baho talaga! Umutot ka Arriane!" "Hindi ako umutot, baka bibig mo lang 'yong naaamoy mo.'Wag kang bintangero," asik ko dito. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko. Lalo pa at rinig ko ang mahinang hagikhik ni Ell. Hindi ito makalabas ng banyo dahil malalaman ni Sir na may kasama kami rito. "Hindi ako bad breath! Kahit amuyin mo pa!" "Tss. Kapal mo, baka mamatay pa ako sa amoy ng bibig mo," sagot ko. Isinukbit ko na ang bag ko at tangkang lalayas na ng hablutin nito ang braso ko. "Bitawan----, Hmp!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng walang babalang angkinin nito ang mga labi ko. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa kapangahasan nito. Shit. Ang first kiss. Oh God. It can't be. Ang first kiss kooooo. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko dahil hindi nito binibitawan ang mga labi ko. Kahit manulak ako ay mas malakas ito. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa mukha ng lalaking umaangkin sa mga labi ko. Pikit na pikit ito habang pinagsasawaang lapain ang mga labi ko. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko nang maramdaman kong sinipsip nito ang ibabang labi ko. Ba't gano'n. Parang ang init. Nilalagnat na ba ako? In fairness naman hindi nga bad breath. Tila ako natauhan nang bumukas ang pinto ng banyo. Iniluwa niyon si Ell na tila hindi handa sa eksena. "Ayyy! Oh my Gosh, ba't may esspegee!" tili nito. Inipon ko ang buong lakas ko at walang pagdadalawang-isip na itinulak si Sir Dave. Nakita kong tumama ang likod nito sa doorknob. Napangiwi ako ng makita kong mariin itong pumikit. Napalakas yata ang tulak ko. "Ouch! Arriane ang sakit!" reklamo nito habang hawak ang likod. Nang makita ko itong papalapit sa akin ay mabilis akong lumabas ng opisina at iniwan itong namimilipit sa sakit. "Sorry Sir, alin po ang masakit?" rinig ko pang tanong ni Ell sa lalaki. "Ang likod ko, s**t na bali yata ang spinal ko," tila nasasaktan na sabi pa nito. "Patingin nga Sir ng puwet n'yo---,este ng likod n'yo po. Ba't kasi kayo nanghahalik," tila sermon na tanong ni Ell. "Ang daldal kasi ng kaibigan mo eh! Sarap kainin ng buhay." "Ay! Huwag naman, Sir, virgin pa 'yon." Rinig ko pang sabi ni Ell bago ako makalayo sa mga ito. Huh deserve mo yan g*go. Ninakaw mo'ng first ko. Nagsimula na akong maglakad palabas, sa labas ko na lang hihintayin si Ell. Kailangan ko lang munang makalayo kay Sir Dave dahil hindi ko kayang pigilan ang kabog ng dibdib ko. Habang naglalakad ay tila ako wala sa sarili. Kusang umangat ang kamay ko papunta sa mga labi kong inangkin ni Sir Dave. Pakiramdam ko parang nakadikit pa rin ang labi nito sa mga labi ko. , , Dave's pov, - - Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang papauwi sa condo ko. Pasipol-sipol pa ako habang nagmamaneho. Para akong naka-drugs na high na high ang pakiramdam. Kahit masakit ang likod ko dahil sa pagkakatama sa doorknob ay hindi ko na iyon ininda. Mas feel kong isipin iyong munting kilig na nararamdaman ko ngayon dahil nahalikan ko si Arriane. Iba talaga ang epekto nito sa akin. Parang nakakabaliw iyong feeling. Nang makarating sa condo ko ay agad naman akong humiga. Parang ngayon ko lang naramdaman iyong pagod sa buong maghapon na pagtatrabaho. Idagdag pang ang init sa site. Napasugod lang ako sa kumpanya ni Dad dahil tumawag si David sa akin, kalat na kalat daw sa opisina na may mga peklat ako sa puwet. Hindi pa man nito nasasabi kung sino ang salarin ay alam ko na agad. May hinala na ako. Naalala ko ang naging pag-uusap namin ni David. L "Bro, I didn't know na may mga peklat ka pala sa puwet mo," tumatawang bungad ni David ng sagutin ko ang tawag nito. Nandito ako ngayon sa Batangas para sa isang project ko. "What?" Lalo naman lumakas ang tawa nito. "Kalat na rito sa office na may mga piso ka raw S puwet mo, Bro." "Peklat, Piso? Me?" manghang tanong ko. "Yeah, kung ako sa 'yo pupunta na ako rito para sugpuin ang salarin tungkol sa mga psio mo," saad nito at sinundan ng tawa. "Wala akong mga piso sa puwet ko, David. Makinis pa sa mukha mo ang puwet ko. At sinong nagkalat ng balita---" Kusa akong natigilan dahil hindi ko na pala kailangang itanong kung sino ang salarin. "Hey, are you still there?" "Yeah, and stop laughing at me, David!" inis na sabi ko. Sa halip na tumigil ay lalo lang itong nagpaitik sa pagtawa. "Peklat boy!" tudyo pa nito sa kabilang linya. "Tss. Tado!" Muli naman itong humalakhak. Tuwang-tuwa pa talaga. Buwisit. Nanggigigil na pinatay ko ang tawag nito at pabagsak na umupo sa nakasalansan na mga semento. Wait for me, Honey, talagang palaban ka, huh? Piping usal ko. Matapos kong magbilin sa mga tauhan ko ay nagpaalam na ako sa mga ito. Nagngingitngit ang kalooban na bumiyahe ako pabalik ng Manila. Habang nakahiga sa kama ay hindi ko maiwasang mapangiti habang naiiling. Tuwang-tuwa na sana ako ng sabihin nito na madali lang ang solusyon sa problema ko. Asang-asa na ako ngunit tila nalaglag ang panga ko sa suhestiyon nito. Magpatawag daw ako ng meeting tapos tumuwad ako. Tangina, mas lalo lang madadagdagan ang kahihiyan ko sa suhestiyon nito. Mukhang palaban ang babaeng iyon ah. Waging-wagi pa rin naman ako dahil natikman ko na ang mga labi nito. Hmm. Amanos na kami. Pero hindi pa ako nakakabawi.. Maniningil ako, Arriane. Piping usal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD